View Full Version : Metropolis vs Probinsya
Kung mabibigyan kayo ng pagkakataong pumili, saan ninyo mas gugustuhin tumira o magtrabaho, sa malaking lungsod* tulad ng Greater Tokyo Area** o sa probinsya? Bakit?
Mas gusto ko sa probinsya, pero hindi gaano kalayo sa GTA para kung uuwi sa Pinas hindi mahirap masyado. Mga hanggang 2 or 3 hours sakay ng ordinary tren da best siguro. :D Ito ang mga dahilan kung bakit (generalized po):
1. mas konti ang krimen
2. mas malinis ang hangin at tubig
3. mas relaxed ang buhay, hindi nagmamadali lahat
4. mas mababait ang mga tao
5. mas mura ang mga bilihin lalo na ang gulay
Ang mga iyan ay based sa experience kong tumira sa Hokkaido ng 3, sa Niigata ng 4, at sa Tokyo/Chiba ng halos 5 taon.
Notes:
* Pwede din ang Osaka Metropolitan Area (Osaka + Kyoto + Hyogo + Nara prefectures) at Nagoya Metropolitan Area (Aichi + Gifu + Mie prefectures)
** Greater Tokyo Area: (東京圏: とうきょうけん) also called "Tokyo Metropolitan Area" means Tokyo + the surrounding areas of Chiba, Kanagawa and Saitama prefectures. Population is more than 36 million. http://en.wikipedia.org/wiki/Greater_Tokyo_Area
chubby_kulot
04-06-2006, 12:15 PM
i choose metropolis... :jiggy:
kasi sa Pilipinas..sa province na ako lumaki..i just want to change the view naman..although i like province just like Dax san said..malinis ang tubig at hangin...di mahal ang mga bilihin at di nagmamadali ang mga tao..kasi nga naman kung dito sa tokyo eh nagmabagal ka..tyak na maiiwanan ka ng panahon...althugh kahit saan naman lugar may krimen[sabi nga nila..di lang sa gubat nakatira ang ahas...]
but the truth is ..kahit saan ako tumira okie lang..basta kasama ko si hubby ko :sweeties:
ichimar
04-06-2006, 12:28 PM
ako siguro province,kais kahit naman province dito sa lugar namin,okey naman.....masarap na hangin,sariwang gulay,mura pa,may mga shopping malls,lapit sa eki,convinience store,post office at bank.........kaya siguro okey na ako dito higit sa lahat tahimik:) :)
barabara
04-06-2006, 01:09 PM
ngayon (nareta) nasanay na ako dito sa provinsiya okey na. dati hate ko dito, una dahil sa sobra lamig at tagal ng snow mawala..walang shigoto dito.. ang pinay dati 6 kami di nakatagal dahil sa lungkot..3 na lang kami..ng tumira kami dito nagkaron kami ng time magpasyal, magrelax sa onsen w/one nigth stay in hotel... di katulad sa tokyo na puro ako work kahit saturday.. sa provinsiya di pwede ala kang car. sa tokyo, okey lang kahit alang car kasi mahal ang bayad sa parking lot pati rental ng house. dito sarili namin ang bahay...
maimai
04-06-2006, 02:05 PM
mas gusto ko sa metropolis..y?....ka si mas convenience..malapit sa lahat..di na kailangan magbyahe pa parang lang pumunta sa depato...:)
sa inaka naman...nung nakaraan lang nabanggit ng hubby ko baka uuwi kami ng inaka at dun na titira.....sa totoong lang ayoko umuwi dun..kasi parang samishii ang dating sa akin..at ang lau pa sa lahat...kahit nga ang vodafone dun walang signal dahil malayo sa syudad..
pero kung gusto na talaga ni hubby na umuwi ng inaka..wala na ako magagawa..susunod pa rin ako sa kagustuhan nya...:)
v_wrangler
04-06-2006, 02:11 PM
sa inaka naman...nung nakaraan lang nabanggit ng hubby ko baka uuwi kami ng inaka at dun na titira.....sa totoong lang ayoko umuwi dun..kasi parang samishii ang dating sa akin..at ang lau pa sa lahat...kahit nga ang vodafone dun walang signal dahil malayo sa syudad..
kala nyo lang yun. :D
maimai
04-06-2006, 02:19 PM
kala nyo lang yun. :D
sana nga..v_wrangler san....:)kasi pag-umuuwi kami ng inaka..bakasyon lang kami..after a few days balik agad kami dito sa tokyo..kaya di ko pa na-eexperience tumira ng matagalan dun...
gemini_19
04-06-2006, 02:37 PM
mas preferred ko na dito, eto ang nakasanayan kong buhay. kahit saan ka naman naroroon kung masipag ka may trabaho diba? kung sinasabi n'yo na sa probinsya ang yukkuri ang galaw ng tao diyan kayo nagkakamali, dahil sa sarili kong experienced kahit araw ng linggo pag may trabaho, trabaho ako.
yon nga lang medyo mababait ang tao compared sa metropolitan area, halos kakilala ka lahat ng kapitbahay mo, aisatsu dito aisatsu doon. at sa pagkain meron pa ring nalilibre dahil halos mga kapitbahay mo bibigyan ka, kung anong meron sila, and vice versa.
sa mga malls/bank/hospital/post office/school naman, basta may sasakyan ka, kahit saan makakarating at mapupuntahan mo, ang kagandahan nga lang mas malapit ako sa mga yan.:)
sa metropolis masyadong mainit number one kong hate na hate
kung sinasabi n'yo na sa probinsya ang yukkuri ang galaw ng tao diyan kayo nagkakamali, dahil sa sarili kong experienced kahit araw ng linggo pag may trabaho, trabaho ako.Siempre depende naman siguro sa tao, sa lugar, at sa trabaho. Like I said in my first post, "generalized" ang mga dahilan na binigay ko, para may maikukumpara. :)
Dito sa Tokyo, papunta sa opisina nagtatakbuhan ang mga tao, isa na ako dun. :D Napapatakbo na lang ako eh, nadadala ng mga tao kahit di naman ako male-late. :O Di ko yan nakita sa Hokkaido at Niigata. Dyan sa inyo sa Miyagi nagtatakbuhan din ba? :confused: May nadadapa din ba pababa/paakyat sa hagdan para habulin ang magsasarang tren? :confused: Grabeng siksikan din ba tuwing rush hour? :confused: Kahit sa 2 minuto lang may susunod naman na tren? :confused: Sinisiksik din ba ng eki-in ang mga pasahero para makapasok ng maigi sa tren at hindi maipit? :confused:
proud me
04-06-2006, 03:32 PM
ako siguro kumporme sa lugar dahil ang place namin hindi province pero nandoon yong parang style province halos magkakakilala sila malapit sa lahat school.eki.hospital. etc.:)
mas gusto ko sa metropolis..y?....ka si mas convenience..malapit sa lahat..di na kailangan magbyahe pa parang lang pumunta sa depato...:)Yung tinirahan ko sa Niigata (hindi sa Niigata City) da best. Sa loob ng 5min sakay ng bisikleta (wala ako kotse) may 1 home center, 1 depato, 3 gasolinahan (binilihan ko ng kerosene), 2 burger chain, 1 video shop, 1 su-pa-, 3 kombini, ilang chuka resto, ilang izakaya etc. etc. Probinsya yun, nasa 160,000 lang ang tao. ;) Yun nga lang, wala akong nahanap na trabaho dun. :(
kahit nga ang vodafone dun walang signal dahil malayo sa syudad..May kaibigan akong taga Tokyo wala ding signal sa apartment nya ang Vodafone. :D
gemini_19
04-06-2006, 03:43 PM
Siempre depende naman siguro sa tao, sa lugar, at sa trabaho. Like I said in my first post, "generalized" ang mga dahilan na binigay ko, para may maikukumpara. :)
Dito sa Tokyo, papunta sa opisina nagtatakbuhan ang mga tao, isa na ako dun. :D Napapatakbo na lang ako eh, nadadala ng mga tao kahit di naman ako male-late. :O Di ko yan nakita sa Hokkaido at Niigata. Dyan sa inyo sa Miyagi nagtatakbuhan din ba? :confused: May nadadapa din ba pababa/paakyat sa hagdan para habulin ang magsasarang tren? :confused: Grabeng siksikan din ba tuwing rush hour? :confused: Kahit sa 2 minuto lang may susunod naman na tren? :confused: Sinisiksik din ba ng eki-in ang mga pasahero para makapasok ng maigi sa tren at hindi maipit? :confused:
Dax, sorry di ko na experienced kasing makipagsiksikan sa tren................ ... ang malimit mangyari sa akin ay ang paghahabol ng oras dahil sa style ng trabaho ko, kung may trabaho halos bagsakan ako ng langit at lupa sa dami ng trabaho, pero kung hima naman, ganon ding kahima:).
and since di ako napatira sa tokyo walang chance sa akin ang makipaghabulan sa tren:D ...........pero dahil may time na halos sa isang araw ang schedule ko hectic talaga halos paliparin ko ang sasakyan ko sa pupuntahan ko, makarating lang sa tamang oras.:)
Galadriel
04-06-2006, 03:55 PM
Pipiliin ko probinsya pero siguro mga 1 hour away lang from the metropolis. In case, wala masyadong trabaho may option pa rin ako na makahanap sa kalapit na city. I have the best of both worlds. Toxic man ang buong-araw na trabaho ko, sa simple at tahimik na buhay sa probinsya sulit na pang de-stress na sa akin.
and since di ako napatira sa tokyo walang chance sa akin ang makipaghabulan sa tren:D ...........pero dahil may time na halos sa isang araw ang schedule ko hectic talaga halos paliparin ko ang sasakyan ko sa pupuntahan ko, makarating lang sa tamang oras.:)Sa simula medyo natawa pa nga ako dun sa sinisiksik ng kundoktor. :D Nung isa na ako sa kanila, di na nakakatawa. :O Ingat na lang sa daan gemini & goodluck. :)
maimai
04-06-2006, 04:23 PM
Yung tinirahan ko sa Niigata (hindi sa Niigata City) da best. Sa loob ng 5min sakay ng bisikleta (wala ako kotse) may 1 home center, 1 depato, 3 gasolinahan (binilihan ko ng kerosene), 2 burger chain, 1 video shop, 1 su-pa-, 3 kombini, ilang chuka resto, ilang izakaya etc. etc. Probinsya yun, nasa 160,000 lang ang tao. ;) Yun nga lang, wala akong nahanap na trabaho dun. :(
May kaibigan akong taga Tokyo wala ding signal sa apartment nya ang Vodafone. :D
mabuti pa sa inyo malapit kahit magbisikleta ka lang...eh sa inaka ng asawa ko nasa tuktuk pa ng bundok..kaya kahit magbisikleta lang papuntang convenience store aabot pa ng isang oras...:) at nakakatakot magbyahe paggabi kasi ang dilim ng lugar...typical inaka talaga...aabot kami ng 2 oras sa byahe mula sa bahay nila papuntang city..
at sa kaibigan mo siguro nakatira sa loob-looban ng apartment kaya wala syang signal..:D sa amin nga kahit nasa tuktuk ka na ng bundok eh..wala pang signal...:)
yan po ang probinsya ng hubby ko kaya ayoko ko dun tumira..ok lang sana kung sa syudad lang..pero bundok po kasi....:(
barabara
04-06-2006, 05:08 PM
maimai,wawa ka naman! sobrang province iyan. sa amin naman small city siya may 2 departo na ang tindang damit eh parang ukay-ukay,di ko type mura kasi...may Mosburger dati ilan months lang lugi. daming bagsak na business dito..Non nasa tokyo pa ako every years nauwi ako mura ang ticket 4 na lapad lang. dito sobra ang mahal ng domestic fligth.
Chitose airport - narita, Narita- Manila 12 lapad.1 months japan air line ako parati..
May signal naman ang vodafone dito pero pag sa yama ala...:) :wavey:
v_wrangler
04-06-2006, 05:11 PM

Barabara, you can find a bargain if you look hard. Another option for you is to take Chitose>HongKong>Manila. The domestic flight is whats making it expensive...
maimai
04-06-2006, 05:20 PM
maimai,wawa ka naman! sobrang province iyan. sa amin naman small city siya may 2 departo na ang tindang damit eh parang ukay-ukay,di ko type mura kasi...may Mosburger dati ilan months lang lugi. daming bagsak na business dito..Non nasa tokyo pa ako every years nauwi ako mura ang ticket 4 na lapad lang. dito sobra ang mahal ng domestic fligth.
Chitose airport - narita, Narita- Manila 12 lapad.1 months japan air line ako parati..
May signal naman ang vodafone dito pero pag sa yama ala...:) :wavey:
tama po kau...kaya nga pinapalangin ko na di matuloy ang pag-uwi namin dun...kasi lalo ako maluluka.:( ...yama kasi talaga...at di ko pa naman ka-close ang mga inlaws ko...:O ok lang sana kung sa city at separate sa mga magulang nya....:O
oppss..sorry sa OT
crispee
04-06-2006, 07:39 PM
Pasali din ako...
Para sa akin, mas relaks ako sa probinsiya dahil:
-Presko ang hangin
-maluwag ang paligid
-sariwa at mura ang mga pagkain. Yung gulay, binebenta lang sa gilid ng taniman mismo. Pagkaing dagat ay ganoon din. Sinasalubong ang mga bangka pagdating sa pantalan.
-Nakikita ng malinaw ang kalawakan pagdating ng gabi.
-May gubat kung saan ay pwede kang maghanap ng makakain, libre na nakakawili pa.
gemini_19
04-06-2006, 08:36 PM
Sa simula medyo natawa pa nga ako dun sa sinisiksik ng kundoktor. :D Nung isa na ako sa kanila, di na nakakatawa. :O Ingat na lang sa daan gemini & goodluck. :)
salamat sa paalala Dax, kung di nga lang trabaho bakit nga ba laging nagmamadali kung makukuha naman sa hinay hinay, kaya lang alam mo namang ang style ng japan diba? dapat laging on time.:)
gemini_19
04-06-2006, 08:40 PM
Pasali din ako...
Para sa akin, mas relaks ako sa probinsiya dahil:
-Presko ang hangin
-maluwag ang paligid
-sariwa at mura ang mga pagkain. Yung gulay, binebenta lang sa gilid ng taniman mismo. Pagkaing dagat ay ganoon din. Sinasalubong ang mga bangka pagdating sa pantalan.
-Nakikita ng malinaw ang kalawakan pagdating ng gabi.
-May gubat kung saan ay pwede kang maghanap ng makakain, libre na nakakawili pa.
may tama ka Crispee ganyang ganyan dito sa amin fresh air, walang traffic,fresh food at minsan libre pa,mapa bundok mapadagat makikita mo. kaya nagustuhan ko na ring tumira dito.:)
barabara
04-06-2006, 08:55 PM
v wrangler,
natry ko na rin iyan chitose- hongkong,cathay Pacific diba?
mura nga kaya lang liit ng plane hongkong to manila, parang hirap akong huminga..dami pang bata iyakan...pagbalik ko ng japan naiwan pa ang bagahe ko sa hongkong...pero 1 day lang nasa bahay ko na...
okey naman service nila...saka sa hongkong sakay kapa ng train para lipat ng plane..dito
sakay pa ako ng train 3,400yen going to chitose 2 hour..okani kakaru talaga...
ngayon baka this year free ticket ko dahil sa JaL Mileage ni hubby ko , kaya hinahayaan ko ng magtravel siya parati , tiis na lang ng lungkot sa pagiisa..anyhow thank you..:)
fortminor
04-06-2006, 09:13 PM
parang masarap ngang tumira sa probinsya..mura pa ang upa sa bahay kung ikukumpara sa metropolis.tulad nga ng sabi nyo presko ang hangin,bagong pitas ang mga gulay at fresh milk na kakagatas lang sa baka:D
Autumn
04-06-2006, 09:54 PM
Nagkamali po ako ng vote..province po boto ko eh..napunta sa metropolis...
mas masarap province life..simple..slow.. maraming friendly..laking probinsya din kasi ako..lagi kong hinahanap buhay probinsya..ewan ko ba nandito sa tokyo lahat ng pangangailangan ng tao..pero wala dito yun peace of mind ko..:) na mi miss ko yun pag ihip ng hangin..amoy pinipig..;)
myukasky
04-06-2006, 09:56 PM
For me Probinsya ma pinas man or japan probinsya gusto ko. :D ;)
vectra1123
04-06-2006, 10:15 PM
Sa gitna ng Isla natira na kayo? First home base ko sa Miyajima Island sa Hiroshima, sarap din tumira doon ,may hotel,banko, hospital,ala nga lang omise:D isda hindi namin binibili,seafoods,at seashells pinupulot lang sa buhangin sa umaga,kaya lang ako gala kaya hindi ko type sa ganong lugar kailangan mo pang mag ferryboat pag gusto mong kumain ng ramen!Sa Meguro Tokyo at Nishi Arai natira din ako maingay pero malapit sa lahat,kaya kung ako ang tatanungin gusto sa City!:D
aprilluck
04-06-2006, 11:18 PM
Mas mura pa rin ang mamuhay sa probinsiya ,maraming murang gulay fresh pa ,masarap ang tubig,hindi kailangang bumili pa ng bottled water.Fresh din ang air. Mas noumbiri ang takbo ng buhay.Pero parang di advisable para sa mga naghahanap pa ng good job opportunity,limited kasi ang chance. kaya marami ang mga japanese na pag nag-retire sa inaka na se-settle down then ang mga kabataan naman ang nag-explore sa city.
Dahil wala naman akong masyadong hinahabol pa sa buhay kaya dito ako sa probinsiya.
maple
04-07-2006, 05:30 PM
Dax,
Sa ganitong kalagayan ko ngayon (you know what I'm talking about:O:p), kasumpa-sumpa na talaga ang tumira sa remote area :rant:
Ang hirap mag hanap ng trabaho dito!:(
:O
jayb00r
04-07-2006, 05:47 PM
dito sa japan mas maganda ang promdi maluwag presko mababait ang tao karaniwan nga lang matatanda sarap pa pagkain maluwag ang mga park konti nga lang mga pinoy na nakikita at nakakausap hindi nakakainip sa trabaho kasi punta lang planta pag inaantok ubos na oras
malapit sa pinapasukan kasi may service konti lang ang lakad
pag nabalik sa syudad hirap balik ramen ulit layo pa lakad nakakainip sa loob lang ng opis
ang maganda lang sa syudad nagkalat mga legs ng mga babes sa hagdan pa akyat ng station nakakawala ng antok sa umaga at hangover
ang maganda lang sa syudad nagkalat mga legs ng mga babes sa hagdan pa akyat ng station nakakawala ng antok sa umaga at hangoverROFL. Ingat lang baka cross-dresser ang may ari ng legs na makita mo. :D
louvette_15
11-06-2007, 03:43 PM
mas gusto ko sa province...province pa din daw etong numazu pero hindi nman din napag iiwanan kaya convinient din para samin..d namn gaanong malayo sa tokyo saka sa shizuoka city mismo...malapit kmi sa dagat at bundok just like my ideal place...saka hindi gaanong marami ang tao khit saan...sa metropolis kasi mahirap makahanap ng parking, kng meron man mahal ang bayad...
louvette_15
11-06-2007, 03:46 PM
ROFL. Ingat lang baka cross-dresser ang may ari ng legs na makita mo. :D
kahit naman po dito sa probinsya numazu meron ding ganyan kaso mga students...hehehe..k aramihan pa sa kanila nagba-bike khit ikli na palda nila...saka sa tren, lagi kong pansin nakabukaka sila na parang walang pakialam na makitaan.
ganda_girl89
11-06-2007, 08:22 PM
tumira ako sa tokyo/chiba/kanagawa ng 5 yrs at sa ehime ken ng 2 yrs.
sa ehime ken,may DAIE,may YAMADA denki,may kojima, may mga depato like matsuzakaya at takashimaya at mga banko pero wlaang tren sa malapit sa tirahan ko.bus ang main public transport.may car ako at big bike pero malungkot kasi nagiisa lang ako sa bahay.
sa metropolis,kahit nagiisa ako,parang masaya at buhay ang paligid.
mas gusto ko sa metropolis kasi ang aga matulog ng mga tao sa probinsya.8pm pa lang ,wala ng tao sa daan.2 am pa kasi ako natutulog.
summergirl
11-06-2007, 08:25 PM
Mas gusto ko sa probinsya,fresh air,fresh fruits and veggys..Mura ang price..Hindi nakikipag siksikan sa trai every morning,kumakain sa masikip na resto..pag may sasakyan ka naman kahit sa probinsya ka ,ok lang..nakaka irritate pag sinisiksik ka at naapakan ang paa mo.may peace of mind kaming matulog kahit hindi naka lock ang bintana..Neighborhoo d ok ang pakikisama..tulungan lalo na pag may namatayan..Kilala lahat ng kapitbahay at tulungan sa pag pulot ng lata ,mag-damo at pati na rin ang patubi sa pananim..
dianne
11-06-2007, 08:29 PM
tumira ako sa tokyo/chiba/kanagawa ng 5 yrs at sa ehime ken ng 2 yrs.
sa ehime ken,may DAIE,may YAMADA denki,may kojima, may mga depato like matsuzakaya at takashimaya at mga banko pero wlaang tren sa malapit sa tirahan ko.bus ang main public transport.may car ako at big bike pero malungkot kasi nagiisa lang ako sa bahay.
sa metropolis,kahit nagiisa ako,parang masaya at buhay ang paligid.
mas gusto ko sa metropolis kasi ang aga matulog ng mga tao sa probinsya.8pm pa lang ,wala ng tao sa daan.2 am pa kasi ako natutulog.
ganon bah~~~ako naman sa bandang metro ang mga tao dito pa morningan ng tulog~~ kaya laging kelalaki ng eye bags... mas masarap talaga sa probinsya ... kase maaga lagi matulog ang mga tao kaya lagi silang mukhang fresh...
ano po ...ms. GANDA_GIRL89 ala pa po kayong boto sa MR TF VOTE na lang #4
ok.:p
wildflower
11-06-2007, 08:35 PM
dito kami sa probinsya nakatira ngayon dami mga bundok pero ang sarap ng life dito kasi libre na kami ng gulay at lahat ng klase ng gulay at prutas andito na at ang mumura pa...okey naman dito kasi marami din naman mga store...:D
neneng
11-06-2007, 08:53 PM
for more than 2 decades of living here in Japan sa metropolis kami lagi. When we were in Osaka, metropolis area and now in Kobe, nasa sentro pa rin. Kung ako lang talaga ang masusunod i love to live sa probinsiya. .....pero huwag naman yong super layo sa kabihasnan at walang kapitbahay.
Tahimik at fresh air , mura ang bilihin and para bang you own your place....you're in your own world:p
proud me
11-07-2007, 10:23 AM
for more than 2 decades of living here in Japan sa metropolis kami lagi. When we were in Osaka, metropolis area and now in Kobe, nasa sentro pa rin. Kung ako lang talaga ang masusunod i love to live sa probinsiya. .....pero huwag naman yong super layo sa kabihasnan at walang kapitbahay.
Tahimik at fresh air , mura ang bilihin and para bang you own your place....you're in your own world:p buti ka pa...ako more than 2 decades simula masilayan at makatapak ng land of the rising sun iisang lugar lang natiraan ko :D dito na ako tinubuan ng shiwa at mga tao kong unang mga na-meet dito yung mga bata pa noon me mga anak na yung iba naman nasa kabilang buhay na:p...kaya napamahal narin sa akin itong lugar namin kaya kung papipiliin ako..dito parin ako :p
k_e_n_k_a_y
11-07-2007, 01:14 PM
ako gusto ko pa rin ang province, simple lang ang buhay, malinis, malamig. kaya nga enjoy ako dito sa shizuoka. parang nasa bulacan lang din ako. me nakikita akong mga farms.
kakkoii_daw
11-07-2007, 02:52 PM
probinsya din! :D
mas gusto ko maghukay na lang ng kamote at magpastol ng tupa... :D
Dito sa lugar ko Residential kasi, mabuti na lang walking distance yung supa at may McDo sa loob. Few minutes naman by kuruma mga denkiyasan, mga depato, homecenters and other supas. pati hospital ko few minutes lang din.
Noong una yada ko inaka. pero shikata ga arimasen, dito nagpatayo ng bahay asawa ko.
sa pinas, walking distance lang SM Southmall sa bahay namin.
nung talento ako nasa Nishiki, Nagoya naman ako.
Pero dandan nagustuhan ko na rin. OK naman din yung yukkuri at simple ang seikatsu.
tamani punta ng city (Tokyo) and other areas, few minutes lang naman by densha.
malibuPine
11-08-2007, 04:40 PM
Kung mabibigyan kayo ng pagkakataong pumili, saan ninyo mas gugustuhin tumira o magtrabaho, sa malaking lungsod* tulad ng Greater Tokyo Area** o sa probinsya? Bakit?
Mas gusto ko sa probinsya, pero hindi gaano kalayo sa GTA para kung uuwi sa Pinas hindi mahirap masyado. Mga hanggang 2 or 3 hours sakay ng ordinary tren da best siguro. :D Ito ang mga dahilan kung bakit (generalized po):
1. mas konti ang krimen
2. mas malinis ang hangin at tubig
3. mas relaxed ang buhay, hindi nagmamadali lahat
4. mas mababait ang mga tao
5. mas mura ang mga bilihin lalo na ang gulay
Ang mga iyan ay based sa experience kong tumira sa Hokkaido ng 3, sa Niigata ng 4, at sa Tokyo/Chiba ng halos 5 taon.
Ever since type ko na sa metropolis or outskirts, suburban area. Sabi nila hilig daw ako sa bldgs/concrete rather than yama.
Well, pollution is here to stay wherever you are in Japan, as evidenced by reports proclaiming Japan as the worst number 1 in the world when it comes to DIOXIN pollution, the world's deadliest. We are breathing contaminants from toxic chemicals, hazardous waste, mercury pollution, leaky garbage dumps, aging incinerators belching dioxin etc. and we never notice as Japan is visually clean and pristine, until symptoms manifest.
So, dun na ako sa accessible and convenient. :)
ICHIBAN08
11-08-2007, 09:36 PM
Ako kahit saan basta wag lang yung masyadong magubat....pero ok na ako dito sa lugar namin sanay na kasi ako kaya ayoko nang lumayo pa...:)
ako sa probinsya ko pa rin gusto papiliin man ako ng sampung beses isa lang sagot ko...ayoko sa syudad masyado maingay at parang lahat ng tao kahit gabi nagmamadali parang last 2 minutes lagi..dito sa probinsya hayyy sarap buhay sariwa hangin,gulay pwede pang mahingi,tahimik..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.