PDA

View Full Version : philippine airline fare for 2 yrs old..

ayumirai
08-12-2008, 04:09 PM
hello and hi po sa lahat ng ka timog!!

tanong ko lang po sa mga mommies na may baby na 2 yrs old na nakauwi na ng pinas, magkano po kaya ang mababayaran sa ticket ng bata?? full po ba or may discount pa rin po ba??

kung may discount po,nasa magkano po kaya ang mababayaran?

at kung full po ba ay may sariling upuan po ba yung bata?at may baggage allowance din po ba yung baby??

sana po may makakasagot sa mga tanong ko po...may balak po kase kaming uuwe ng pinas ngayong october..

maraming maraming salamat po...

rhin_15
08-12-2008, 04:14 PM
kakakuha lang namin ng ticket yung baby ko 2 yrs old din ang binayaran nya 98000 yen kasama na lahat doon konti lang ang pinagkaiba sa adult,,oo sis may upuan na sya at yung sa bagahe naman di ko natanong pero siguro pareho ng sakin hehe di ko sure wait natin ang ibang katf na may alam:D

emviolet18
08-12-2008, 04:20 PM
hi sis..

tama si sis rhin...70% po ang 2yrs old na binayaran ko sa fare nya last july.
yes,may sarili syang upuan at my 20kgs din free sa baggage.
halos di nga ngkaiba sa adult fare...:(

ayumirai
08-12-2008, 04:24 PM
kakakuha lang namin ng ticket yung baby ko 2 yrs old din ang binayaran nya 98000 yen kasama na lahat doon konti lang ang pinagkaiba sa adult,,oo sis may upuan na sya at yung sa bagahe naman di ko natanong pero siguro pareho ng sakin hehe di ko sure wait natin ang ibang katf na may alam:D

ang mahal pala ano??

halos pala walang pagkakaiba sa adult fare,sana by october mura na kase may akay pa kong 7 months old na baby eh...
ganun din po ba ang mababayaran kahit 2 weeks lang kami dun??

arigatou po..

rhin_15
08-12-2008, 04:28 PM

sis kung 2 weeks siguro mas mabababa pero konti lang rin ang deperensya lahat na kasi nagmahal..better to ask na lang kung san ka bumibili ng ticket sa jtb kasi ako eh...goodluck sis ako nga rin medyo namahalan pero no choice kelangan umuwi..:D

shiawase
08-12-2008, 04:29 PM
yes tama si rhin_15.... konti lang pinagkaiba ng adult fare sa child's fare (75% of adult fare ang babayaran)... ang alam kong malaking discount ay yung infant in lap or below 2years of age (10% of adult fare ang babayaran) but this is optional... it's up to you if you want to provide a seat for them... pero once na nagbayad ka ng child's fare, same services din ang matatanggap nila like the adults. :)

ayumirai
08-12-2008, 04:31 PM
salamat ms.rhin and ms. emviolet sa information..
have a nice day!!

my_i_me
08-12-2008, 04:37 PM
kakakuha lang namin ng ticket yung baby ko 2 yrs old din ang binayaran nya 98000 yen kasama na lahat doon konti lang ang pinagkaiba sa adult,,oo sis may upuan na sya at yung sa bagahe naman di ko natanong pero siguro pareho ng sakin hehe di ko sure wait natin ang ibang katf na may alam:D

sis yung 98000 yen,bata lang? di pwedeng kalong nlang ung bata?or kahit kalong pareho di ang bayad sa may upuan?

anong month po kayo umuwi?

ayumirai
08-12-2008, 04:44 PM
yes tama si rhin_15.... konti lang pinagkaiba ng adult fare sa child's fare (75% of adult fare ang babayaran)... ang alam kong malaking discount ay yung infant in lap or below 2years of age (10% of adult fare ang babayaran) but this is optional... it's up to you if you want to provide a seat for them... pero once na nagbayad ka ng child's fare, same services din ang matatanggap nila like the adults. :)

salamat sis shiawase...bilib naman ako sa forum nato,ang daming mababait..
salamat po sa lahat...

rhin_15
08-12-2008, 04:56 PM
sis yung 98000 yen,bata lang? di pwedeng kalong nlang ung bata?or kahit kalong pareho di ang bayad sa may upuan?

anong month po kayo umuwi?

oo sis bata lang yon next month ang uwi ko sis 2 yrs old na kasi di na yata pwede ikalong hehehe lalo na ang taba ng anak ko:D

my_i_me
08-12-2008, 05:01 PM
mga sis isa pang tanong? Gomen ne,

ung upuan ba kailangang irequest o basta simula 2 years old,kalungin o hindi may upuan talaga sya?

pasensya na di pa me nakakauwi ng may kasamang bata e:p

rhin_15
08-12-2008, 05:05 PM
mga sis isa pang tanong? Gomen ne,

ung upuan ba kailangang irequest o basta simula 2 years old,kalungin o hindi may upuan talaga sya?

pasensya na di pa me nakakauwi ng may kasamang bata e:p

kasi sis tinanong ko doon sa staff nung bumibili pa lang kami tinanong ko kung may upuan sabi nya meron daw...di ko naman nirequest pero pag 2 yrs old may upuan na yata..

shiawase
08-12-2008, 05:07 PM
mga sis isa pang tanong? Gomen ne,

ung upuan ba kailangang irequest o basta simula 2 years old,kalungin o hindi may upuan talaga sya?

pasensya na di pa me nakakauwi ng may kasamang bata e:p

pag 2~11 yrs old po yung bata, automatic child's fare na po ang babayaran nyo... :)

may upuan na po sila dun, gamitin nyo man po o hindi.... kasama na po yun sa bayad.. ;)

my_i_me
08-12-2008, 05:11 PM
kasi sis tinanong ko doon sa staff nung bumibili pa lang kami tinanong ko kung may upuan sabi nya meron daw...di ko naman nirequest pero pag 2 yrs old may upuan na yata..

sis gomen ne, economy ba ung tiket ni baby?

rhin_15
08-12-2008, 05:18 PM
sis gomen ne, economy ba ung tiket ni baby?

oo sis economy..:)

dalajoey
08-12-2008, 05:20 PM
i think the "10% adult fare" when your baby is below 2 years is NOT optional.
you STILL have to buy a ticket for the baby at NARITA airport, and this doesn't
have a seat.

yes tama si rhin_15.... konti lang pinagkaiba ng adult fare sa child's fare (75% of adult fare ang babayaran)... ang alam kong malaking discount ay yung infant in lap or below 2years of age (10% of adult fare ang babayaran) but this is optional... it's up to you if you want to provide a seat for them... pero once na nagbayad ka ng child's fare, same services din ang matatanggap nila like the adults. :)

my_i_me
08-12-2008, 05:22 PM
salamat sis sa mga sagot,ang kukulit kase ng mga kapit bahay me dito e,

sinabi nang 98000 yen ang bayad sa 2 yrs.old,PAL,may upuan, ayaw sa akin maniwala.:mad: mahal daw masyado...hehehe..

ayan naniwala na sila,pero nagtataka pa rin sa presyo hehehe...

balak ko pa namang umuwi sa january,wag na lang kaya:confused:

megami704
08-12-2008, 05:23 PM
ang mahal naman ng ticket ni rhin:)

Nwei depends talaga sa season and yung length ng stay ang price. Mas mahal kapag Fri-Sun ang departure, & open ticket for a month or more. Mas mura naman kung fixed ang ticket. Kaya magtanong na lang sa travel agency na kakilala nyo. Iba iba din magrate ang mga agency kaya tuwing umuuwi ako, kina-canvass ko talaga lahat kung saan ako mas makaka-mura.

rhin_15
08-12-2008, 05:32 PM
salamat sis sa mga sagot,ang kukulit kase ng mga kapit bahay me dito e,

sinabi nang 98000 yen ang bayad sa 2 yrs.old,PAL,may upuan, ayaw sa akin maniwala.:mad: mahal daw masyado...hehehe..

ayan naniwala na sila,pero nagtataka pa rin sa presyo hehehe...

balak ko pa namang umuwi sa january,wag na lang kaya:confused:

tanong kamo sila sa mga travel agency sis ganon talaga mahal na kasi kung wala nga lang akong asikasuhin sa pinas di ako uuwi 23 na lapad ang inabot namin sa ticket kaming magina...open ticket kaya mahal pero kung di ka naman magtatagal sa pinas baka mas mura sis,...:)

rhin_15
08-12-2008, 05:34 PM
ang mahal naman ng ticket ni rhin:)

Nwei depends talaga sa season and yung length ng stay ang price. Mas mahal kapag Fri-Sun ang departure, & open ticket for a month or more. Mas mura naman kung fixed ang ticket. Kaya magtanong na lang sa travel agency na kakilala nyo. Iba iba din magrate ang mga agency kaya tuwing umuuwi ako, kina-canvass ko talaga lahat kung saan ako mas makaka-mura.

oo sis mahal talaga sa jtb kami kumuha ng ticket no choice kelangan umuwi eh..at saka open ticket yon kaya mahal pero konti lang rin yata ang diffrence sa fixed ticket siguro..

my_i_me
08-12-2008, 05:43 PM
tanong kamo sila sa mga travel agency sis ganon talaga mahal na kasi kung wala nga lang akong asikasuhin sa pinas di ako uuwi 23 na lapad ang inabot namin sa ticket kaming magina...open ticket kaya mahal pero kung di ka naman magtatagal sa pinas baka mas mura sis,...:)

balak ko 3 weeks lang sa pinas sis,tapos 3 kami,4&2 years old...

ilang weeks po ba kayo sa pinas dun sa tiket nyo?

makulit
08-12-2008, 05:54 PM
Depende po kasi yan sa season. Tulad po sa 16, aalis kami ng anak ko ang child fare nya via NORTHWEST AIRLINE ay 65,020 yens kasama na lahat ng charges.

Baka matagal ang stay nung PAL ticket kaya ganon kamahal. HIndi kaya 1 year open yun?

skyteam
08-12-2008, 05:57 PM
hello and hi po sa lahat ng ka timog!!

tanong ko lang po sa mga mommies na may baby na 2 yrs old na nakauwi na ng pinas, magkano po kaya ang mababayaran sa ticket ng bata?? full po ba or may discount pa rin po ba??

kung may discount po,nasa magkano po kaya ang mababayaran?

at kung full po ba ay may sariling upuan po ba yung bata?at may baggage allowance din po ba yung baby??

sana po may makakasagot sa mga tanong ko po...may balak po kase kaming uuwe ng pinas ngayong october..

maraming maraming salamat po...

2 years old and below is considered infant and ang payment nya po is 20 percent lang po from the child's fare ... pero kung kukuha po kayo ng car seat is me additional po ... kung sasakay po kayo ng airplane before po ng birthday nya as 2 years old considered po yun as infant kahit po a day before na lang ng departure

yun naman pong 2 years old above is considered child fare po sya ... me sarili na rin po syang upuan and everything including 20 or 25 kilos of baggage po

please visit thread http://timog.com/forum/showthread.php?t=183 29
cheap airline ticket 2 by akiam

please visit also www.aquariustravelan dtours.com

rhin_15
08-12-2008, 05:57 PM
balak ko 3 weeks lang sa pinas sis,tapos 3 kami,4&2 years old...

ilang weeks po ba kayo sa pinas dun sa tiket nyo?

3 months kami doon sis kasi asikasuhin ko visa ng eldest ko..

skyteam
08-12-2008, 06:08 PM
kakakuha lang namin ng ticket yung baby ko 2 yrs old din ang binayaran nya 98000 yen kasama na lahat doon konti lang ang pinagkaiba sa adult,,oo sis may upuan na sya at yung sa bagahe naman di ko natanong pero siguro pareho ng sakin hehe di ko sure wait natin ang ibang katf na may alam:D

sis rhin good afternoon ... musta na midnight class ... super busy po kaya di ako makaattend ... anyway medyo nagulat ako sa binayaran mo sis ... akala ko kasi infant but i was thinking na lagpas na sa birthday ng 2 years old yung baby mo kaya malaki ang binayaran mo ... considered kasi as child na sya

meron na syang sariling seat kaya ang baggage allowed nya is considered normal na rin

please visit www.aquariustravelan dtours.com

skyteam
08-12-2008, 06:12 PM
ang mahal pala ano??

halos pala walang pagkakaiba sa adult fare,sana by october mura na kase may akay pa kong 7 months old na baby eh...
ganun din po ba ang mababayaran kahit 2 weeks lang kami dun??

arigatou po..

7 months old baby is an infant po ... 20% lang po ang babayaran nyo po the regular price ... wala po syang upuan and sa lap nyo lang po sya pero pwede nyo siyang ikuha ng car seat

2 weeks is more cheaper po than longer days ... in any season po offpeak or peakseason laging mas mura po ang short days

please visit http://timog.com/forum/showthread.php?t=183 29
cheaper airline ticket 2 by akiam

please visit www.aquariustravelan dtours.com

skyteam
08-12-2008, 06:17 PM
yes tama si rhin_15.... konti lang pinagkaiba ng adult fare sa child's fare (75% of adult fare ang babayaran)... ang alam kong malaking discount ay yung infant in lap or below 2years of age (10% of adult fare ang babayaran) but this is optional... it's up to you if you want to provide a seat for them... pero once na nagbayad ka ng child's fare, same services din ang matatanggap nila like the adults. :)

absolutely tama po kayo sis shiawase

please visit www.aquariustravelan dtours.com

skyteam
08-12-2008, 06:18 PM
sis yung 98000 yen,bata lang? di pwedeng kalong nlang ung bata?or kahit kalong pareho di ang bayad sa may upuan?

anong month po kayo umuwi?

kung below 2 years old pwede po syang kalungin

skyteam
08-12-2008, 06:19 PM
mga sis isa pang tanong? Gomen ne,

ung upuan ba kailangang irequest o basta simula 2 years old,kalungin o hindi may upuan talaga sya?

pasensya na di pa me nakakauwi ng may kasamang bata e:p

start po ng birthday nya ng 2 years automatic po ng child na sya and child's fare na po sya ... me upuan na po sya talaga

skyteam
08-12-2008, 06:21 PM
pag 2~11 yrs old po yung bata, automatic child's fare na po ang babayaran nyo... :)

may upuan na po sila dun, gamitin nyo man po o hindi.... kasama na po yun sa bayad.. ;)

i second the motion po for confirmation ...

skyteam
08-12-2008, 06:28 PM
salamat sis sa mga sagot,ang kukulit kase ng mga kapit bahay me dito e,

sinabi nang 98000 yen ang bayad sa 2 yrs.old,PAL,may upuan, ayaw sa akin maniwala.:mad: mahal daw masyado...hehehe..

ayan naniwala na sila,pero nagtataka pa rin sa presyo hehehe...

balak ko pa namang umuwi sa january,wag na lang kaya:confused:

kaya po ayaw maniwala and sinabing mahal po kasi masalimuot po masyado ang price ticketing

depende po lahat sa ...

1. klase ng tiket
2. tagal ng tiket
3. klase ng panahon ( offpeak or peak season )

kaya po hindi talaga nagkakapare - pareho ang presyo po ng tiket

please visit

http://timog.com/forum/showthread.php?t=183 29

skyteam
08-12-2008, 06:29 PM
tanong kamo sila sa mga travel agency sis ganon talaga mahal na kasi kung wala nga lang akong asikasuhin sa pinas di ako uuwi 23 na lapad ang inabot namin sa ticket kaming magina...open ticket kaya mahal pero kung di ka naman magtatagal sa pinas baka mas mura sis,...:)

sana po sis rhin next time ako naman po ang makapag-issue ng tiket sa inyo :p

uragon
08-12-2008, 06:33 PM
nung umuwi po kami dati 17man po kami ng baby ko 9months pa lang po sya nun,pero may sarili po syang seat..parang napakamahal po sa palagay ko pero sabi ng asawa ko shikatanai daw kase daw po sabi ng nabilihan obon yasumi daw kase kaya ayaw ko ng umuwi pag holiday kakalula ang pamasahe.
saka sa pagkakatanda ko po wala yata syang food nun ako lang ang meron..sabi ng asawa ko umorder naman daw sya o yung nagtanonda para sa food ni baby pero wala talaga.
2 weeks lang din kami sa pinas pero ganon din bayad ng anak ko kapareho din ng sa adult fare..

ayumirai
08-12-2008, 10:03 PM
skyteam salamat po sa more infos na binigay nyo..

sa lahat po maraming maraming salamat po....

maria_71jp
08-12-2008, 11:03 PM
puedeng magtanong din dito sa tf,actually iba po ang surname ko sa surname ng baby ko puede na kayang dalhin ang copy ng translated birth certificate na galing sa phil.embassy?na nagpapatunay na baby ko nga ang bitbit ko,help naman po sa mga me experience na ganito.

rhin_15
08-12-2008, 11:19 PM

sis san iba ang surname sa ticket ba? o sa passport? di ko kasi gano magets eh:)

rhin_15
08-12-2008, 11:20 PM
sana po sis rhin next time ako naman po ang makapag-issue ng tiket sa inyo :p

hehe asawa ko kasi nagasikaso ng ticket nx tym tanungin kita hehe..:)

uragon
08-13-2008, 12:04 AM
puedeng magtanong din dito sa tf,actually iba po ang surname ko sa surname ng baby ko puede na kayang dalhin ang copy ng translated birth certificate na galing sa phil.embassy?na nagpapatunay na baby ko nga ang bitbit ko,help naman po sa mga me experience na ganito.

sis kami din ng baby ko magka iba apelyido..gamit ko yung surname ko nung single pako..nagdala lang ako ng birthcertificate ni baby yung translated na.dinala ko na din yung nihonggo hehe..sana makatulon..:p

skyteam
08-13-2008, 01:15 AM
nung umuwi po kami dati 17man po kami ng baby ko 9months pa lang po sya nun,pero may sarili po syang seat..parang napakamahal po sa palagay ko pero sabi ng asawa ko shikatanai daw kase daw po sabi ng nabilihan obon yasumi daw kase kaya ayaw ko ng umuwi pag holiday kakalula ang pamasahe.
saka sa pagkakatanda ko po wala yata syang food nun ako lang ang meron..sabi ng asawa ko umorder naman daw sya o yung nagtanonda para sa food ni baby pero wala talaga.
2 weeks lang din kami sa pinas pero ganon din bayad ng anak ko kapareho din ng sa adult fare..

kelan po ba kayo last time na umuwi ?

kasi po before there are some airlines po na nirerequire na ikuha ng sariling seat even infant po ... not to mention any airline name po ... but ngayon po is hindi na po talaga applicable yung me bayad ang infant except for the 20 % payment po

parang katulad din po yan noon ng confirmation ng booking few days before ng departure nyo po ... ngayon po all airlines have no booking confirmation na po ... you can just check your confirmation booking through internet using your booking reference number ... unlike before na kailangan po ng either personal apprearance or tawag sa airlines or else they going to cancel your booking

ellaeieiei
08-13-2008, 09:35 AM
kami po umuwi nitong may lang , 24 lapad kaming tatlo open for 1 yr. ung fare ko is 11man, ung panganay ko na 2 yrs 11 mnths 9man , ung bunso ko na 1 yr 10 mnths is 4 man..

mahal tlga umuwi ngaun. :(

uragon
08-13-2008, 11:38 AM
kelan po ba kayo last time na umuwi ?

kasi po before there are some airlines po na nirerequire na ikuha ng sariling seat even infant po ... not to mention any airline name po ... but ngayon po is hindi na po talaga applicable yung me bayad ang infant except for the 20 % payment po

parang katulad din po yan noon ng confirmation ng booking few days before ng departure nyo po ... ngayon po all airlines have no booking confirmation na po ... you can just check your confirmation booking through internet using your booking reference number ... unlike before na kailangan po ng either personal apprearance or tawag sa airlines or else they going to cancel your booking

nung august 2006 po kami umuwi ng anak ko.
ng mag tanonda po kmi ng ticket binayaran din po kaagad di po kami nagpareserve kase sure na po ung uwi namin kaya pay agad.

ganon pala yun dati..ang pagkakaalam ko po nag tanonda po asawa ko ng upuan para ke baby kaya siguro mahal nga ang bayad nya.thanks po sa info...

maria_71jp
08-13-2008, 03:00 PM
sis san iba ang surname sa ticket ba? o sa passport? di ko kasi gano magets eh:)

sis sa passport po magkaiba ang surname namin ng baby ko,papano ba yun?uuwi kasi kami 2weeks from now help naman po...

maria_71jp
08-13-2008, 03:03 PM
sis kami din ng baby ko magka iba apelyido..gamit ko yung surname ko nung single pako..nagdala lang ako ng birthcertificate ni baby yung translated na.dinala ko na din yung nihonggo hehe..sana makatulon..:p
sis maraming salamat sa reply mo puede naba yung xerox copy lang na translated na from phil.embassy?puede na kaya yun?dalhin ko rin copy ng shussei shomeisho?

uragon
08-13-2008, 03:52 PM
dalhin mo na orig para di ka na nag aalala ..dala ka na lang ng folder na paglalagyan na di magugusot like what i said sa Pm kanina..gambatte...