PDA

View Full Version : mga aral na natutunan sa ating magulang


jayb00r
04-07-2006, 04:31 PM
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang:

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WEL DONE.Crazy "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihi ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diya n! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY. "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING. "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak,tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"

chubby_kulot
04-07-2006, 04:36 PM
:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: grabeeeee :biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:

di ko mapigil ang sarili ko na di tumawa ng tumawa sa thread mong ito :biglaugh:

okie to ah..pampatanggal ng stress.... :king:

myukasky
04-07-2006, 04:47 PM
sumakit kaluluwa ko katatawa, kala ko kung ano na.:D :D

proud me
04-07-2006, 04:48 PM
:dowave: :dowave: jayboor...ibang klase tong thread mo o.k to kumakain pa naman ako ng pulburon ...bilib ako sa pagpapalaki sayo ni itay at inay...saludo ako sa kanila :thumb:

jayb00r
04-07-2006, 06:03 PM
:dowave: :dowave: jayboor...ibang klase tong thread mo o.k to kumakain pa naman ako ng pulburon ...bilib ako sa pagpapalaki sayo ni itay at inay...saludo ako sa kanila :thumb:


hus! parehas lang tayo na napagsabihan din ng tungkol sa libag sa leeg

proud me
04-07-2006, 06:27 PM
ay!sos hindi lang lang libag ...sabi ni inay...o baka gusto mo nang palitan yang mapa mo sa leeg eto batong pang hilod...:yuck:

eri
04-07-2006, 06:41 PM
hus! parehas lang tayo na napagsabihan din ng tungkol sa libag sa leeg Kaya pala nung bata ako lagi ako pinapaluhod, pero dahil sa sobrang kakulitan ko,, hindi na sila kuntento ng simpleng nakaluhod lang ako----nilagyan pa ng asin! Imagine kung gano na ko kabait ngayon .......iyan ay dahil sa pagiging RELIGIOUS nila Itang at Inang!...:hihi:

Autumn
04-07-2006, 07:48 PM
wow grabe ~~ tanggal pagod ko..bumalik ako sa nakalipas na panahon~~ palagay ko pare pareho tayo ng Inay at Itay:D na alala ko din kung gaano ako kabaet na bata:p

ladygems1216
04-07-2006, 08:48 PM
Nice thread, jayboor! Nakarelate ako.. Ganyang ganyan din ang nanay at tatay ko. hehehe:)

aprilluck
04-07-2006, 10:49 PM
Seriously speaking, I owe almost everything from my parents,my mother taught how to be a good mother to my kids by the way she did to us ,she never complained preparing foods for us,she was the most ambitious mother i knew,not for the sake of herself but her ambitions were for her children,and she really meant it,did everything to sent us all to school ,worked day and night ,night and day.One day I heard her praying ,"God give me all the strenghts I need , give me the best health,so that I could help my children fulfill thier dreams" How could we discourage this kind of mother whose goal is to make her children dreams come true .About my father,he was the best partner to my mother ,and a very responsible father to us.Sad to say he died fourteen years ago,so my mother lives alone since my father died.Sometimes,we ask her why not look for another partner ,she simply says,"Is there anybody who will be just the same as your father? Wala nga dahil isa lang naman ang father namin .

Stacie Fil
04-08-2006, 06:19 PM
jayb00r san,

Original ba talaga yan? If it is, saludo talaga ako sa iyo.:tiphat: :thumb:
Wa akong ma say, at talagang maluha-luha ako.:roll:
You've been a very good child. How can any parent not become proud to have a child like you.:eeek:


Na miss ko rin tuloy ang parents ko lalo na ang mother ko. Ang mga latay sa puwitan at hita na ninanamnam nang tatlong linggo. Mga sandaling humagagulgul kang nakadipa sa harap nang altar. The precious learning moments of the good old days.:biglaugh::lol:

c2ny2
04-08-2006, 08:00 PM
Halos lahat yata ng parents natin ay may similarity? Saan kaya nila natutunan yun:shutup: .... lalo na yung salitang....sige huwag kang tumigil! at makikita mo yung hinahanap mo!:confused: Pero ang dami din nating natutunan sa kanila.

fremsite
04-08-2006, 10:06 PM
ahahahahaha~~~~!!!:r oll: jayb00r san ~~~ aliw naman ito ... :hihi:
naalala ko tuloy nung munti pa ako ... hehehehe~~~:yikes:
thanks for sharing .. ang galing ng pagkakagawa ..:yesyes:
M-O-R-E ~~~~!!!!!!!!!!!!!!!! ! :yippee: :jiggy: :yippee:

fisher
04-08-2006, 10:24 PM
ahahahahaha~~~~!!!:r oll: jayb00r san ~~~ aliw naman ito ... :hihi:
naalala ko tuloy nung munti pa ako ... hehehehe~~~:yikes:
thanks for sharing .. ang galing ng pagkakagawa ..:yesyes:
M-O-R-E ~~~~!!!!!!!!!!!!!!!! ! :yippee: :jiggy: :yippee:Lab, hinabol ka rin ba ng nanay mo para pigahin at paputukin ang mga lisa mo at pagdididikdikin ang mga kuto sa ulo mo?Ha,ha,ha,ha:D .
@ Nice one jaybOOr san!
Ako marami rin akong natutunan sa aking mga magulang kaya lang mayroong isang bagay na hindi nila itinuro sa akin pero natutunan ko.....ang gumawa ng bata~~~~~ahe,he,he,h e,he,he:nuts: :nuts: :nuts: :nuts: :nuts:

docomo
04-10-2006, 01:41 PM
@jaybOOr


ALIW!!! naka~relate akow :D :p

michiko
04-10-2006, 02:37 PM
ang ganda ng thread mo... nakakatuwa...:D bakit nga kaya iisa ang dialogue ng mga magulang ano???:eek: :p :D

ichimar
04-10-2006, 03:53 PM
ganda naman.....natawa talaga ako:) :)

maimai
04-10-2006, 05:10 PM
naalala ko tuloy ang nanay ko~~:hihi:hehehehe:h ihi:...good job!:king: :roll:

uvy
04-11-2006, 01:33 PM
oo nga ano,.naalala ko tuloy parents ko!!!nice one!!!

Dax
04-11-2006, 01:38 PM
Original ba talaga yan?Matagal nang kumalat yan sa e-mails. Nakakatawa nga naman. :hihi:

@aprilluck
Bilib ako sa parents mo. :)

aprilluck
04-11-2006, 02:57 PM
Matagal nang kumalat yan sa e-mails. Nakakatawa nga naman. :hihi:

@aprilluck
Bilib ako sa parents mo. :)


@Dax ,Thank you! Ewan ko ba ,I can't help being proud of my parents,especially my mother ,Maybe it is the experiences and memories I have ,wasn't born rich, Having five brothers and four sisters ,includes me we're total of ten,but my parents did everything as in everything they could do to send us all to school ,'though my father had a permanent job ,his salary couldn't pay all the school expenses and more so it was my mother who found other source of living ,like magtinda ng kakanin ,tumanggap ng order for special occasions ,for christmas,holy week,undas,fiestas. ect.I never saw my mother relaxing during those occasions,nandoon s'ya sa kusina, halos isang linggo na walang katigil-tigil sa paggawa ng mga tanggap na order ,nandoon din ang father ko tumutulong ,maglagay ng gatong sa pugon,magtali ng mga suman ,maghalo ng mga kalamay,mag-igib ng tubig ,magbuhat ng mabibigat na kaldero at talyasi.Lahat kaming magkakapatid tumutulong din.
Samantalang sa pag nasa Crame ang father ko, halos lahat ng makasalubong n'ya ay may "saludo" at Sir ang tawag sa kanya (Lieutenant by rank) Pareho silang hindi mareklamo at marangya sa buhay,parehong may ambisyon para sa future ng mga anak nila .Sa awa ng Diyos lahat kaming sampung magkakapatid nakatapos ng kolehiyo kabila ng kahirapan .Nakaraos rin sa wakas.

Ngayon ang mother ko magmula ng mabiyuda ay nagsosolo sa buhay sa sariling bahay sa Chigago,minsan -minsan tumatanggap pa rin ng order na kakanin sa mga Pilipino doon .Padalaw -dalaw na lang sa mga kapatid ko na nandoon sa U.S. Siguro naman deserve ang parents ko na guminhawa dahil sa ginawang sakripisyo para sa amin.

Sabi ng mother ko "Pag may tinanim may aanihin ,Pag may tiyaga may nilaga " :)

mOtt_erU
09-12-2006, 03:09 AM
hi jaybOOr San.
Nice thread.Omedetoo:)

well I learned from Parents na :

"Learn to say no" pag kinakailangan,
"Be firm" sa mga desisyon na gagawin mo sa buhay,
" Be patient" sa mga bagay na ginagawa mo ,
"Education is the best Legacy na mapapana namen ng mama mo, " sabi niya
"Mas mabuti ng mauna ang Hirap, kesa nagpasarap kana at sa huli naghihirap" sa Pag-aaral yun.
"To count your blessings"
" Share your blessings"
" Control your EQ= Emotional Quotience
"Pag nasa Katwiran ka Ipaglaban mo"

RODSKI
09-12-2006, 12:47 PM
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang:

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WEL DONE.Crazy "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihi ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diya n! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY. "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
http://smileys.smileycentra l.com/cat/36/36_11_8.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZN xpt119YYJP) "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING. "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak,tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"
. . . . . . . Lahat yan itinuturo talaga ng magulang nyahahahahahaha:D :p :lol:





http://www.smileycentral.co m/sig.jsp?pc=ZSzeb098&pp=ZNxpt119YYJP (http://smiley.smileycentral .com/download/index.jhtml?partner= ZSzeb098_ZNxpt119YYJ P&utm_id=7926)