View Full Version : Buo tayo ng Kooperatiba
Tonyang
04-08-2006, 09:55 AM
Gusto ninyong sumali sa isang Kooperatiba na bubuuin natin sa Japan? Isang magandang pagkakataon ito para mabantayan natin ang ating kinabukasan, sa ating pagtanda, nasa Japan pa man tayo o nasa Pilipinas na.
Eto halimbawa ay isang Enterprise Cooperative kung saan pantay-pantay tayong lahat. Ang mga sasali po ay mga handang tulungan ang kooperatiba at hindi para sa ibang bagay.
Isang sample na puwede nating gayahin iyung Pasali Cooperative sa Netherlands ng mga marino. Eto ay nasa http://www.pasali.nl/ .
Kung maraming sasali, puwede tayong magkaroon ng isang salusalo o EB kaya sa Tokyo?
Let me know kung sinong interesado. Sagot lang kayo sa thread na ito.
sa totoo lang is nice idea ito... agree ako dito.. pero kailangan lang talaga ng maiging pag plano nito....:) lalo na kung lahat ng pilipino dito sa buong japan ang makaka pagparticipate...... . sino kaya ang mabait na mag vovolunter na gumawa ng feasibility studies nito:D ..... hintay muna ako sa mga iba na mag reply sa thread na ito..kung sakasakali...sana hindi lang sa tokyo ang magiging branch nito.. sana meron din sa mga major cities all over japan... hehehe.....exiting ata tong thread na to ahh.. hehehe...:rolleyes:
nikkichibi
04-08-2006, 02:47 PM
HI ! tonyang , i would like to join also , but how? ano ano ang mga dapat gawin , para makasali ,
Tonyang
04-08-2006, 09:01 PM
Wes, Nikkichibi, thanks sa positive reply. Lahat ng mga taga-TF,welcome. Lahat ng mga kaibigan nating naniniwala na puwede pa tayong magkaisang lahat, welcome na welcome.
Wes, sana iyung feasibility pag-usapan ng mga sasali at magpulong tayong mga interesado kung paano gagawin. Dahil tingin ko kapatid, kahit 10 lang tayo sa umpisa, magiging 20 na iyan next month then 30 then 100, hanggang 1000 isang taon, hanggang 10,000 sa darating na taon.
Nikkichibi, gusto ba ninyong mag-EB sa Tokyo para pag-usapan natin?
Sana marami pang sumagot. Eto iyung examples natin ng kooperatiba na puwede nating gawin para may ideya tayong lahat ng ibig nating sabihin ng Enterprise Cooperative. Baka sabihin ninyo masyadong mataas na pangarap pero lahat ng mga sumusunod, nag-umpisa rin sa wala at nagtiyaga lang at naniwala na "Cooperative/Cooperation means Power":
0. Basics - How to Create a Cooperative in the Philippines? http://www.gov.ph/faqs/cooperatives.asp
kung sa Japan naman - may paraan din pero kailangan nating pag-usapan at magkaroon ng unity kung anong gustong gawing proyekto.
1. Pasali Netherlands - www.pasali.nl (http://www.pasali.nl)
2. Mga Electric Cooperative sa Pilipinas (na parang Meralco) :
Southern Leyte Electric Cooperative (SOLECO)
Zambales Electric Cooperative I (ZAMECO)
Isabela Electric Cooperative II (ISELCO II)
Batangas Electric Cooperative (BATELEC)
Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC)
Isabela Electric Cooperative (ISELCO I)
Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO)3. Credit Cooperative or Savings and Loan Association o Cooperative Bank - ex. alam nating lahat na "remittance" ang main factor ng ating ekonomiya at tayong lahat na puwedeng maging miyembro ng Kooperatiba ang magiging may-ari at gagamit mismo ng facility ng magiging bangko
Example ng mga kooperatibang bangko:
Cooperative Bank of Batangas
Cooperative Bank of Cebu
Note: Lahat nag-uumpisa sa wala o maliit at dahil may vision, lumalaki.
4. Housing Cooperative katulad ng nasa UP para sa mga empleyado nito - para may Retirement Village type din tayo; puwede tayong bumili ng lote tapos patayuan natin ng mga pabahay...
http://www.geocities.com/upehco/?20068
at sa ibang bansa, nagkaroon na ng:
+ telephone cooperative (note halos lahat tayo tumatawag sa ating mga kamag-anak overseas),
+ travel cooperative (marami ang gustong magdaos ng Pasko sa ating bayang pinagsilangan),
+ hospital o health cooperative
+ restaurant cooperative
+ supermarket cooperative
+ school cooperative
Eto muna... gusto ko lang i-share ang aking nalalaman para sa kapakinabangan ng marami. Medyo naging aktibo rin tayo sa pagbuo ng mga pooled-fund initiative sa Pinas although nag-uumpisa pa lang ang estado ng mga ito at pakikipulong sa ibang bayan. Kulang lang talaga tiwala, tiyaga, tiyaga, tiwala, tiwala, tiyaga...
Sana matuloy ito. Sulat kayo sa akin ng personal kung interesado kayo sa ka.tonyang@gmail.com .
Let's encourage everyone!
loveless
04-09-2006, 08:10 PM
Tonyang,
Please imform me kung matutuloy tong kooperatiba. I want to join
Tonyang
04-09-2006, 11:00 PM
Thanks, Loveless. We could set the first kickoff meeting on Saturday, 4-6PM if there are many who can make it.
For all those interested, please confirm your availability on Saturday 4-6PM, Roppongi.
RODSKI
04-10-2006, 06:06 PM
Gusto ninyong sumali sa isang Kooperatiba na bubuuin natin sa Japan? Isang magandang pagkakataon ito para mabantayan natin ang ating kinabukasan, sa ating pagtanda, nasa Japan pa man tayo o nasa Pilipinas na.
Eto halimbawa ay isang Enterprise Cooperative kung saan pantay-pantay tayong lahat. Ang mga sasali po ay mga handang tulungan ang kooperatiba at hindi para sa ibang bagay.
Isang sample na puwede nating gayahin iyung Pasali Cooperative sa Netherlands ng mga marino. Eto ay nasa http://www.pasali.nl/ .
Kung maraming sasali, puwede tayong magkaroon ng isang salusalo o EB kaya sa Tokyo?
Let me know kung sinong interesado. Sagot lang kayo sa thread na ito. . . . .. Hi Ka Tonyang!:) sa tokyo lang ba yan kooperatiba na yan? paano naman kung may gusto mag join pero malayo jan sa tokyo? tulad ko hehehe:D
Tonyang
04-10-2006, 08:17 PM
Bro Rodski, yes of course, puwede tayong magpatuloy ng diskusyon sa thread na ito at sa mga siguradong sasali na malayo sa Tokyo, puwede naman tayong magkaroon ng exclusive yahoogroup. Actually lahat ng mga pooled-fund initiative na nabuo natin noon, cyber-based lahat... strangers kaming lahat pero tumagal na ang panahon at wala namang naging problema sa paghawak ng pera... although maraming trials sa pagbuo sa umpisa kasi iba-iba ang ugali ng mga Pinoy. So far, ang mga gustong sumali, gustong sumali kasi may tiwala sila na matutupad itong Kooperatiba.
jayb00r
04-11-2006, 01:34 PM
boss tonyang
suggestion ko lang pedeng tama pedeng mali
gawa na lang ng minutes of meeting yung mga dumalo sa pulong pulong (EB) tapos i lathala na lang dito o sa pamamagitan ng personal e-mail kung gusto nila ng kopya ng MOM sa gayon mauunawaan naman ng iba kung ano ang mga napagkasunduan, mga layunin at mga balakid sa kooperatiba maari din sa pamamagitan ng MOM magkaroon tayo ng ibat ibang suhestyon na maari nating pagsamasamahin para maging ganap na mga by laws
Tonyang
04-12-2006, 06:30 AM
Jay, ngek bakit mo ako tinawag na "boss"?
Sa aking palagay, tama ang iyong suhestiyon kung magkakakilala man lamang ang magiging core group nito. Kasi di naman tayo baguhan sa pago-organize ng mga proyekto kasama ang mga Pinoy. Pero kahit mahirap iyung umpisa at mataas ang risk, patuloy pa rin tayo kasi mayroon at mayroon tayong makikilala na tutulong at tutulong din. Ika nga, quality ng output ay hindi sa dami ng makakatrabaho. Ika nga sa isang barko, ang navigator bilang lang.
Welcome kahit sinong nagtitiwala na puwede tayong makabuo ng isang enterprise cooperative. Pakisulat mo sa akin ang iyong e-mail para mabigyan kita ng updates kung sakali.
Alam natin, nakakapagod din ang ganitong volunteer work pero dahil gusto nating ma-inform lahat sa TF kaya tayo nagtitiyaga dahil ang kahihinatnan nito ay hindi pansariling kapakanan kundi pangkalahatan.
So lahat ng mga interesado sa pagbuo ng kooperatiba... tayo na sa Roppongi sa Sabado, 4-6PM. Meet tayo ng 3:45PM sa Almond Restaurant then sabay tayong pumunta sa venue. Ang aking mobile number ay 09093673872. Kahit 1 o 2 lang ang kakausapin ko ok lang. Madalas nga walang dumarating hihihihi o darating patapos na. Sanay na ako sa mga Pinoy.
Tonyang
04-20-2006, 11:27 PM
Hi Ka-TF!
May 7 na tayong miyembro sa OFW - Japan Reintegrasyon Kooperatiba na ating coop sa Japan mula sa mga dumalo noong April 15.
Ang ating Kooperatiba ay magkakaroon ng reintegration fund bilang pondo natin sa pagpapatayo ng isang enterprise – maaaring isang bangko, iskuwela o isang supermarket na lalagyan ng OFW-Japan-RK na label. Halimbawa,
OFW-Japan-RK Bank
OFW-Japan-RK Supermarket
OFW-Japan-RK School
OFW-Japan-RK Retirement Village
OFW-Japan-RK Restaurant and Bakeshop
Sa darating na Sabado, hihintayin natin muli sa Roppongi ang susunod na batch na gustong sumali... unti-untiin natin ang bilang para ma-screen natin ng husto ang mga magiging ka-miyembro.
Sa mga gustong maintindihan ang coop project na ito, pakisulatan na lang ako sa tpmovers@gmail.com at magkita-kita tayo sa Sabado, 3:45PM sa may harap ng Almond Restaurant sa Roppongi.
Ika nga, kahit patak-patak lang ang ulan, mapupuno rin ang timbang pinupuno basta may tiyaga at binubuhay maigi ang tiwala sa isa't isa.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.