PDA

View Full Version : Philippine restaurant dito malapit sa lugar namin


Yujin
04-08-2006, 08:11 PM
Hello sa lahat ng mga T.F. Members

Kapag ganitong oras at kumakalam na ang sikmura ko dahil sa oras ng ito ng pagkain. Naalala ko ang aking Nanay nung aking kabataan na sinasabihan akong
lumapit na sa hapag-kainan. :D
Kasunod nito maalala ko naman ang ibat ibang lutong Pilipino na inihahain niya sa amin, adobo, crispy pata, pakbet, afritada wow sarap naman.
Naisip ko rin na sana mas marami akong kinain nuon para hindi ko ganitong namimiss ang mga luto niya. Bakit nga ba kapag maraming nakahain sa harap mo ay di mo masyadong ma appreciate pero kapag ganitong matagal mo ng di natitikman ay napapahanap ka ng mga lugar kung saan ka makakakain nito.

Dito sa Tokyo area ilan lamang ang nalalaman kong lugar na maaaring makakain ng lutong Pinoy. Naririto ang ilan sa kanila :

1) KAINAN -- Roppongi -- maganda ang lugar at class ang dating magandang
magsama ng mga japanese colleagues na interesado sa phil. food

2) TAMBAYAN -- Shinjuku & Kinscho -- maraming putahe na mapagpipilian,magand ang
lugar na puntahan kung ang hanap mo rin ang uminom at mag relax.

3) Sa KAMATA area meron din ilang mga maliliit na kainan, hindi ko na lamang maalala ang mga pangalan at kung open pa sila ngayon. Karamihan ay maliliit lamang sila ala - turo-turo style ba .. :)

Sa lugar / area ba ninyo meron ding mga lugar na puedeng makakain ng mga namimiss nating putahe ? I share nyo naman ..


__________________
Remember, Not everything that is BEAUTIFUL is GOOD but everything that is GOOD is BEAUTIFUL.. -- kulas

c2ny2
04-08-2006, 08:20 PM
Yujin, Dito sa lugar ko sa Osaka ang daming Pinoy Resto. Kaya di mo ma mi miss yung mga sisig, balot, itlog na maalat at mga pagkaing pinoy.:) Yun nga lang kung palagi kang dadaan sa kanila malalagasan ka rin sa araw-araw....Hehehehe...k aya ang mabuti pa mag luto ka nalang kaya:confused:

RODSKI
04-08-2006, 10:33 PM
Yujin, Dito sa lugar ko sa Osaka ang daming Pinoy Resto. Kaya di mo ma mi miss yung mga sisig, balot, itlog na maalat at mga pagkaing pinoy.:) Yun nga lang kung palagi kang dadaan sa kanila malalagasan ka rin sa araw-araw....Hehehehe...k aya ang mabuti pa mag luto ka nalang kaya:confused: . . . . . C2ny2 saan ba yung mga pinoy resto na nabanggit mo:confused: mapasyalan nga :p

stariray
04-08-2006, 11:48 PM
Syempre bastat lutong pinoy okery ang sarap:food: subukan mo naman sa parteng kanagawa d2 sa Mianamirinkan NOVA store and restaurant okey ang sisig dyan you will feel so HOT sa sarap cute pa serbidora d2 naman sa Tsuruma kay John-Lyn okey naman sa lutong gata like laing en langkang gulay and of course batang-bata serbidora!tsaka sa Yamato city meron din KAIBIGAN restaurant sarap magluto like kaldereta,bopis etchetera... at habang nag eenjoy ka sa sarap may kasabayan kang kumain na mga talento sexy and yummy:king: Hope you enjoy eating ha goodluck and have a nice day:D "THERE'S NO PLACE LIKE HOME":tiphat:

mai
04-09-2006, 01:35 AM
wow~ buti pa kayo maraming malapit at maraming mapagpipilian na pinoy resto sa lugar nyo.. ako, sa lugar ko dati may pinoy resto kaya lang nagsara at tindahan na lang sya ng mga can at dry goods. nakaka miss naman. hindi pa naman ako marunong magluto ng pinoy na pagkain. meron din pala ko konti alam iluto adobo lang at sinigang di pa masarap:confused: nakaka-gutom!

katty0531
04-09-2006, 11:33 AM
Yujin, Dito sa lugar ko sa Osaka ang daming Pinoy Resto. Kaya di mo ma mi miss yung mga sisig, balot, itlog na maalat at mga pagkaing pinoy.:) Yun nga lang kung palagi kang dadaan sa kanila malalagasan ka rin sa araw-araw....Hehehehe...k aya ang mabuti pa mag luto ka nalang kaya:confused:


hello c2ny2......saan po ba itong mga to? at mapuntahan...siguro may binibenta rin silang mga pagkain na pwedeng lutoin sa bahay pag uwi..like monggo...hehehe..sha re mo naman ang lugar nila pls...thank you ne...kung nasa City ka mismo ng Osaka okey lang kahit medyo malayo na dito sa akin...:D

c2ny2
04-09-2006, 02:24 PM
hello c2ny2......saan po ba itong mga to? at mapuntahan...siguro may binibenta rin silang mga pagkain na pwedeng lutoin sa bahay pag uwi..like monggo...hehehe..sha re mo naman ang lugar nila pls...thank you ne...kung nasa City ka mismo ng Osaka okey lang kahit medyo malayo na dito sa akin...:D

@rodski ang katty0531, ang location ng Pinoy Resto ay sa Minami Namba. Madaming mga pinoy resto diyan. Ang pangalan noong palagi kong pinipuntahan ay GOTOHAN, tel. number 06-6213-0299. Madami silang paninda na mga pwedeng lutuin sa bahay. Sarado yata sila pag Sunday. Dito ako malimit dahil bukas sila hangat 2:00AM. Kaya pagka galing ng KIX (airport) masarap mag goto doon.:toast:

c2ny2
04-09-2006, 02:30 PM
. . . . . C2ny2 saan ba yung mga pinoy resto na nabanggit mo:confused: mapasyalan nga :p

RODSKI sa Church sa Morinomiya tuwing Sunday ang daming pagkaing pinoy doon. Mura lang tapos meron din silang mga pwedeng bilhin na ikaw na lang ang mag luto sa inyo. Katulad ngayon Sunday masarap kumain ng saging na turon at ginataang halo-halo.:food:. After ng mass from 2:00PM bukas na rin yung mga nagtitinda doon lang din sa bandang likod ng church pero sa loob siya.:)

katty0531
04-09-2006, 05:09 PM
@rodski ang katty0531, ang location ng Pinoy Resto ay sa Minami Namba. Madaming mga pinoy resto diyan. Ang pangalan noong palagi kong pinipuntahan ay GOTOHAN, tel. number 06-6213-0299. Madami silang paninda na mga pwedeng lutuin sa bahay. Sarado yata sila pag Sunday. Dito ako malimit dahil bukas sila hangat 2:00AM. Kaya pagka galing ng KIX (airport) masarap mag goto doon.:toast:

Salamat ha c2ny2....hihihihi sa Namba pala to....segi tawagan ko nalang bago ako pumunta...:D pasensya kana ha lubos lubosin ko na tanong na to...wala ka bang alam na sa may Teno oji?....

JLO
04-10-2006, 12:32 PM
Oo nga, you better cook na lang mas mura pa.

Eventhough you wished na mas marami ka sanang nakain before eh
mararamdaman mo pa rin yung crave sa mga Pinoy foods... kahit marami ka ng nakain din before
eh hindi naman yun mai-stock sa tyan mo for life hehehe .. peace bro!:D

cook ka na lang, marami ka pa makakain mura pa

Dito sa place namin wala pa ako nakita pero may alam daw yung mga kasama ko pero di pa namin napuntahan.

Yujin
04-10-2006, 01:24 PM
Hehehehe...kaya ang mabuti pa mag luto ka nalang kaya:confused:

cook ka na lang, marami ka pa makakain mura pa

Kung marunong nga lang sana ako magluto ng sisig, afritada :D
Hindi na cguro ako maghahanap ng phil. resto.

Baka naman puede nyo akong bigyan ng mga niluto ninyo :)


__________________
Remember, Not everything that is BEAUTIFUL is GOOD but everything that is GOOD is BEAUTIFUL.. -- kulas

RODSKI
04-10-2006, 02:13 PM
@rodski ang katty0531, ang location ng Pinoy Resto ay sa Minami Namba. Madaming mga pinoy resto diyan. Ang pangalan noong palagi kong pinipuntahan ay GOTOHAN, tel. number 06-6213-0299. Madami silang paninda na mga pwedeng lutuin sa bahay. Sarado yata sila pag Sunday. Dito ako malimit dahil bukas sila hangat 2:00AM. Kaya pagka galing ng KIX (airport) masarap mag goto doon.:toast: . . . . . ok salamat!:) mahilig kse ito'ng kumander ko sa pinoy foods eh, pasyalan namin yung sa may morinomia, daanan din namin kse pag linggo sa umeda kme nagsisimba, sa kitano. salamat ulit

nokiko
04-11-2006, 12:23 PM
yujin chodai naman ng map o. map ng firipin restauran sa nihon. tnx

Yujin
04-11-2006, 12:35 PM
yujin chodai naman ng map o. map ng firipin restauran sa nihon. tnx

nokiko

welcome to TF.
Ok no problem but magpost ako ng bago under ng Advertisement section. (kelangan natin mag abide sa rules hehe :) )
I did not intend na gawing patalastas ng Restaurant itong thread na to so sana maitindihan mo. :D

Pakicheck na lamang under ng advertisements. Andito ang bagong thread:
http://www.timog.com/forum/showthread.php?p=754 26#post75426
Dun sa site nila meron section ng Map so mahahanap mo nasan ung lugar.

I also found out na meron Tambayan resto in Ueno so check the link above if ur interested