View Full Version : EASTER'S DAY
ritzyu
04-08-2006, 11:04 PM
WOODEN REMINDER
by: Poppy ( Poppy's Poetry Page)
Some people think we worship,
an old rugged, wooden cross.
They laugh at us and say it was,
The way they killed our boss.
It could have been a hangman's noose,
A spear or sharpened sword.
It could have been a heavy rock.
They used to kill my Lord.
It could have been an arrow's tip,
The blade of someone's knife.
It could have been a pit of flames,
They used to take His life.
I know they do not understand,
To them it makes no sense.
It's not the instrument of death.
It's WHAT it represents.
It could have been so many things,
To cause my Lord his loss.
But, the thing that I remember most,
He GAVE it on a CROSS!
****** ******** *******
God doesn't call people who are qualified.
He call people who are willingly, and then
He qualifies them.
God gave us faces, we creates our own expressions.
I am so glad God sees the whole video tape of my life,
and not just a snap shot of where I am now.
Jesus paid a debt he didn't owe because we had
a debt we couldn't pay.
_________________ _______________
( Pasensya na po kayo baka me nakapag post na ng
mga quote na ito, sorry na lang po:( )
Malapit na yata Mahal na Araw, medyo nagninilay nilay lang po :)
WOODEN REMINDER
( Pasensya na po kayo baka me nakapag post na ng
mga quote na ito, sorry na lang po:( )
Malapit na yata Mahal na Araw, medyo nagninilay nilay lang po :)
Food for thought are as necessary as our food for the stomach.
Kaya nga minsan binigyan tayo ng konting problema ng ating Poong Maykapal, para ipapaalala sa atin ang ating Christian obligations. Lalo na Holy Week na next week.
Minsan po kasi, sa dami nating ginagawa sa buhay, nakakalimutan na natin Siya. Kaya mas mainam kung lalapit tayo sa Kanya kahit ala po tayong malaking problema.
Kaya, kaya nating lutasin ang kahit ano mang problemang dumating sa buhay, hindi Niya ibigay sa atin yun kung di talaga natin kakayanin.
Nice post ritzyu-san!
fremsite
04-09-2006, 03:35 PM
hello ~~~ ritzyu friend ... nice one :) malapit na nga palang mag mahal na araw... thanks for sharing this with us .. nakakalimutan ko na kasi ...:O
@ Dkid : you are absolutely right .. !!! hindi tayo binibigyan ng Diyos ng problema kung hindi natin kayang lutasin .
Peace be with Us... :)
@ Dkid : you are absolutely right .. !!! hindi tayo binibigyan ng Diyos ng problema kung hindi natin kayang lutasin .
Peace be with Us... :)
Yes! igsoon fremsite.
O kaya, binibigyan tayo ng problema upang etoy magiging hadlang sa mas malaki pa sanang problemang darating, na maaring di natin kakayanin.
We should be very grateful to what we have and consider problems as spices, that without it, life could have been bare.
ritzyu
04-09-2006, 08:27 PM
Food for thought are as necessary as our food for the stomach.
Kaya nga minsan binigyan tayo ng konting problema ng ating Poong Maykapal, para ipapaalala sa atin ang ating Christian obligations. Lalo na Holy Week na next week.
Minsan po kasi, sa dami nating ginagawa sa buhay, nakakalimutan na natin Siya. Kaya mas mainam kung lalapit tayo sa Kanya kahit ala po tayong malaking problema.
Kaya, kaya nating lutasin ang kahit ano mang problemang dumating sa buhay, hindi Niya ibigay sa atin yun kung di talaga natin kakayanin.
Nice post ritzyu-san!
Salamat sa iyo Dkid san, oo nga Mahal na Araw na, 'sensya na kayo gusto ko lang
magbigay ng oras para kay Lord. Mabait talaga SIYA at maunawain, kaya kahit
na magkaproblema tayo basta malaki ang pananalig natin sa KANYA, kakayanin
nating lahat yan, dahil siya ang magiging lakas natin sa pagharap sa lahat ng
mga pagsubok.
Dkid san, thanx for sharing ha, ang ganda ng binigay mong message...na touch ako!
ritzyu
04-09-2006, 08:58 PM
hello ~~~ ritzyu friend ... nice one :) malapit na nga palang mag mahal na araw... thanks for sharing this with us .. nakakalimutan ko na kasi ...:O
@ Dkid : you are absolutely right .. !!! hindi tayo binibigyan ng Diyos ng problema kung hindi natin kayang lutasin .
Peace be with Us... :)
Fremsite my dear friend maraming salamat sa iyo rin, natutuwa ako kung nakatulong ako
kahit konti o nakapag paalala man lang sa iyo, totoo yang sinabi mo na kahit magkaroon
tayo ng problema, ituturo rin NIYA sa atin ang mga kasagutan para doon, wag lang
mawawala ang pananalig natin sa KANYA.
Fremsite san arigatou ha! thanx din sa sharing mo. May God Bless You Always!!
Stacie Fil
04-09-2006, 10:44 PM
Talking about Holy Week reminds me of some occasion along with family and relatives when we went to Grotto(in Bulakan passing Novaliches I think).Let me share my short story.
Isang jeepney kami na siksikan,kandungan nang mga bagahe at bata. Nakatayo ako the whole trip nagmamasid, uupong naka tingkayad,luluhod,ul i tatayo, nagtitiis. Mahirap ang biyahe,mainit,maluba k,maalikabok,maingay ang tawanan,bidahan,biru an.
Grade three or four ako noon at nakapwesto ako, tayo sa likuran nang driver o unang silya sa harapan nang jeep. Wala akong pwedeng kilusan dahil talagang punong puno kami.Sumasabit pa sa likod nang binti ko yung malaking bayong na puno nang kaldero,tupperware, na pagkaing nang buong grupo. Napipiga ako sa pagkakaipit pag biglaang nagpi-preno si tio Job, at masakit sa dibdib ang tama sa bakal na hawakan.
Malapit na raw kami, kaso lamang trappik. Isang oras nang ganoon na usad pagong. Pakadyot kadyot kung minsang ang usad nang jeep. Maraming nadlalakad na lumalampas at ang ilan pa nga ay napipinitensya. Takot ako noon na pasilip silip lang, dahil baka matilamsikan ako nang dugo nung nagpipinitensya. Malilipat raw sa iyo ang kasalanan nuong tao. Paaano kung kriminal daw yon o dating preso. Nakaki-kilabot sa murang isipan ko.
Tagaktak ang pawis at kinakati na. Ilang beses na akong nagpunas sa mukha at sa tuwina ay magkahalo ang pawis at makapal na alikabok. Pinunasan na rin ni tiang ang likuran ko dahil katabi niya ako at nakadikdik lagi pasandal sa kanyang tuhod. Kawawa naman daw ako, sabay tawa na may halong paglalambing at paminsan minsan ay pinapaypayan nang abaniko na yaring anahaw. Nakakalubag nang inip at inis na kalooban. Sa isip-isip ko, hindi pala masaya na sumama ako. Kaso wala namang maiiwan sa bahay kaya lahat kasama at pinitensya na rin daw iyon sabi ni Nanay. Tiis lang daw at makisama sa lahat dahil pare-pareho lang nahihirapan.Minsan lang daw iyon,at tama lang na napapanahon, tuwing mahal na araw.
Nakarating na kami at pumarada na sa isang gilid ang jeepney. Haay salamat, bumaba na kayong lahat at naiipit na ako, loob-loob ko. Gusto ko nang kumawala, tumalon at magtatakbo. Yun ang feeling naming mga bata, pero BOOM, parang sumambulat na bomba at napatigil,natahimik kaming maliit. Hindi raw iyon basta piknik, bawal ang malilikot at maiingay na bata. Mago-obserba raw kami nang kamahalan o semana santa. Lahat daw ay dapat tahimik dahil doon ay lugar nang meditasyon,pinetensy a at panalangin. Milagroso daw ang lugar na iyon. Isa pa, huwag lilikot at lalayo at baka kami mawala. Sadyang napakarami nang tao at kung saan saan, sali salisi nagpupunta at nanggagaling. Swerte nga raw kami at naka jeep. Yung iba raw tulad nang ilang kapit bahay ay nuoong gabi pa umusad naglakad lamang nang naka paa patungo doon sa Grotto.
Ngayon naman ay naglalakad na kami, ngunit tulad sa traffic kanina ay usad pagong na naman. Kami ngayon ay pila pila. Mga bata ay hawak-hawak, umuusad sa dereksyon na di nakikita.Dala lamang nang agos nang makapal na tao. May minsan lumiliwanag ang pagitan nang tao dahil may nagtitinda. Mga matatanda na may bayong at ang kaliwang kamay ay may dakot ang kumpol nang kandila. Ang ilan naman ay tila medalyon at escapularyom ang tinda kasama ang ilang maninipis na Novena at libretang dasalan. Masakit sa ulo ang siksikan at init sa ala una nang tanghaling tapat.
Haay salamat, napailalim na kami nang lilim sa loob nang simbahan. Kaso medyo nakakaantok na. Namimitig na ang aking mga paa. Ubod siksikan pa rin at iba na ang amoy nang paligid. Magkahalong amoy nang usok nang esperma at iba pang kandila na humahalo sa singaw nang init nang katawan nang mga tao sa simbahan. Para akong napapaiyak sa inis at hirap na nararamdaman. Hindi naman pwedeng magreklamo o magbulungan. Dinig ang uliling na tinig na sa dulo sa loob nang simbahan nanggagaling. Nagmimisa ang pari. Mahirap sumunod sa mga kasama habang hawak hawak kamay pa rin. Sumusunod kami sa agos pagilid patungo sa may poste sa loob nang simbahan. Naroroon pala ang sawsawan nang daliri sa malaking sheel na naka semento sa poste. Kagaya nang mga naunang kasama, nakisawsaw din ako, pero parang kaunting kaunti na lang ang binditadong tubig na laman noon at malapit na ring matuyuan.
"Ang tagal naman nang misa, di pa ba matatapos", ungot ko. "Gusto ko nang lumabas, ang init init. Walang ihip nang sariwang hangin sa tinatayuan namin. Tahan daw at malapit na. Pag di raw ako tumigil, maraming ibat ibang tinda sa labas, di raw kami bibili. Lingon dito lingon doon, tingin sa ibaba, sa itaas. Ay, mayroon ding design na gargoil sa apat na sulok nang dome nang simbahan tulad doon sa may amin. Mas maganda at mataas yung simbahan sa amin sa Maynila. Pero mukhang mas maraming pipit na ibon ang libreng lumalabas-masok sa bintana at mga butas nang simbahan. Doon sila nakatira sa mga desenyo sa poste at mga butas sa dingding at kesame.
Tuwang tuwa ang loob ko, tapos na rin ang misa, Sumasabay na kami ulit sa agos nang tao na sa ngayon ay papalabas naman. May mamang ang tinda ay lobo at iba ibang laruan. May ahas na gumagalaw na gawa sa kawayan...nakakagitl a na parang tutuklawin ka. Masayang panoorin ang pagong na may tali at tumatakbo habang tuloy tuloy ang hila at bawi nang manipis na pisi nakatagos sa likod nang pagong. Gawa lang daw yun sa papel, goma, alambre at pinatuyong putik bilang gulong. "Gusto ko nang ganoon" giit ko. Hindi raw pwede, sayang ang pera. Sa kakulitan ko raw eh, maya-maya lang ay sira na iyon. Sayang, sisirain ko lang daw. Pupunta pa raw kami sa prusisyon nang tao paikot sa medyo bundukin na lugar. Station of the Cross daw, sabat nang matanda kong kapatid na highschool na, sa catholic school na pinapasukan namin.
Nakakapagod pa rin, pero masaya nang konte. Palipat-lipat kami nang lugar. Habang naglalakad patungo sa susunod na lugar ay nakapagku kwentuhan na kami.Bawat lipat or station ay may malalaking rebulto nang sundalong Romano at kay Jesus. Nagkakantahan pa habang naglalakad at nagrorosaryo rin. Salitan nang sagot ang lider na may megaphone at mga taong sumusunod. Sumasabay din kami sa pagsagot dahil alam na rin naman namin ang mag rosaryo. Mahaba-haba rin ang nilibot namin at ang huling hihintuan ay ang mga holy sepulcre. Pwede kang pumasok sa parang kweba at naroon din ang kahoy na rebulto ni Jesus. Tulad sa simbahan namin, humalik din kami sa paanan nang rebulto ni Jesus at nag usal nang maiksing dalangin habang nagsa sign of the cross.
Marami ding tao sa palibot at ang iba nga ay may kanya kanyang latag na sapin bilang pahingahan. May iba na nakahilata na at naidlip na nga sa pagpapahinga. Ang ilan naman ay nagku kwentuhan, at ang mas marami ay nagmimeryenda na. Kumakalam na rin ang tiyan ko. Nananghalian kami kanina pagdating, bago tumuloy sa simbahan, pero gutom na naman ako. Hindi pa raw kami tapos. Iikot daw kami pabalik at dadaan sa grotto.
Hapon na nga. Hindi na masyadong matindi ang init nang araw.Medyo masarap ang dampi nang hangin na nagmumula doon sa masukal at mapunong lugar. Aaaah, yan pala ang grotto. Kopya O replika lang daw yon nang tunay na Grotto o lugar na hindi mabanggit nang nakatatanda kong kapatid dahil nalimutan rin daw niya. Ang tiyak lang ay sa Europe daw yon. May bakod at di ka basta makakalapit. Bukal nang tubig raw iyon naroroon, na sa gawin itaas ay may rebulto ni mama Mary. Mahaba ang pila at may kanya kanyang dalang lalagyan nang tubig ang mga nasa pila. Milagroso raw ang tubig sa bukal at nakapag papagaling nang may sakit.
Hindi iyon ang una at huling punta namin sa lugar na iyon.Maraming beses pa rin ako napunta sa Grotto, na kadalasan ay holy thursday. Ibat iba pang mga alaala ang bumabalik sa isip sa ibat ibang pagkakataon na napunta roon. May mga ilang semana santa na nasa probinsya kaming mga magkakapatid nagbabakasyon. Ngunit kapag sa ganoong panahon ay nasa Maynila kaming magkakapatid, kaming buong pamilya ay muling dumadayo roon upang manalangin at mag obserba sa Holy Week.
Stacie Fil
ritzyu
04-09-2006, 11:16 PM
Nabasa ko story mo Stacie Fil, tuwang tuwa ako kasi habang binabasa
ko parang ako yung batang nasa loob ng storya mo..ganyang ganyang
din ako. Miss ko na nga Mahal na Araw sa aten..gusto ko tuloy umuwi muna
sa Pinas, pero nagkasya na lang ako sa pagbasa ng story mo..nagbalik tuloy
bigla sa akin ang nakaraan...tama na sa akin yon:D..omoshirokatta !!
Stacie Fil
04-09-2006, 11:30 PM

You're very welcome and the rest of TF family.
Was inspired by the topic. Glad you like my short story. Its for everyone to enjoy.
ritzyu
04-12-2006, 08:49 AM
MORNING PRAYING
Did you ever wake up in the morning
Really early, before dawn
To sit and talk to Jesus
And enjoy the quiet calm?
The multitudes are silent.
Even the rooster is still asleep
As I sit alone and talk to HIM
And watch the dark retreat.
Our Lord is ne'er too busy
To stop and talk and help
But early, before sunrise,
I have Him to myself....
Well, that's the way it seems
As our duet plays along
It's just me and Jesus
Unhampered by the throng
Of daily toils ang bustle
That so often hinder me.
I pray at day's breaking
And prayers are carefree.
The first shaft of sunlight
Peeps thru' the window then
Breakfast chores are calling
The conversation ends.
But only till tomorrow
When I open eager eyes
And rush to meet with meet with Jesus
Together at sunrise.
Written by Rosalia Hunt
Source: Dr. Neil ChadWick
nice post,....salamat po,....brightens me up!!!
maganda ang buhay kapag palagi my paniniwala sa panginoon ..... salamat kahit wala ako sa maynila nabasa ko ang mga kwento na feel ko po ang semana santa kahit dito ako sa japan ......
ritzyu
04-12-2006, 09:33 AM
Thanks a lot uvy san, am glad to know you liked it. How nice of you!! :)
ritzyu
04-12-2006, 09:45 AM
maganda ang buhay kapag palagi my paniniwala sa panginoon ..... salamat kahit wala ako sa maynila nabasa ko ang mga kwento na feel ko po ang semana santa kahit dito ako sa japan ......
Salamat sa iyo kate san....totoo yon kate, lalo na pag naririnig mo yung mga salitang, Palaspas, Pabasa, Via Dolorosa, Visita Iglesia, Paghuhugas at Panata.. na araw ng pinetensya at pagpapako ke Jesukristo sa krus. Malayo man tayo sa Pilipinas ay dama naten ang
kahalagahan ng Mahal na Araw.
SHAMPOO
04-12-2006, 10:33 AM
Malapit na pala ang Semana Santa...hindi ako palasimbang tao pero palagi akong nagdadasal,straight to God. Even my kids they know who is God, they are not christian like me, pero may takot sila kay Lord.kahapon tumawag ako sa pinas, and my sis remind me na semana santa na, nakalimutan ko na talaga,pag uwi ng anak ko tinanong ko sya kung ano meron sa friday. Daig pa ako ng anak ko kasi alam nya na sa friday ang semana santa,he remember daw dahil last March umuwi kami sa pinas and we are talking about semana santa daw.Sa totoo lang napahiya ako sa sarili ko,i usually pray to God, nagpapasalamat sa lahat ng binigay nya, pero may kulang pala:( ....
ritzyu
04-13-2006, 12:29 AM
SHAMPOO san, mabuti at mga anak mo napanatili mo silang naniniwala
at sumasampalataya sa Diyos, para ko ng nakikinita na ang babait ng mga
anak mo. Alam mo di ka man nakakapagsimba, ang pananalangin daw ay
walang pinipiling lugar, kahit nasaan ka pa...naroroon SIYA at papakinggan
ka NIYA.:)
ritzyu
04-13-2006, 01:17 AM
Pasensya na po kayo at napapalalim yata ang pangingilin ko,
pahiram lang po ng konting panahon na yon.
TEACH ME TO PRAY
Please teach me Lord..I want to know exactly how to pray.
I need some words which ones are right? Please tell me what to say.
I've bowed my head, I have knelt down, but... should I be upright?
I've closed my eyes, I've raised my hands, or...should I fold them tight?
Do I stand up? Should I sit down? Dear Lord what... do you like?
Are lights turned on or are they off? Maybe...candle light?
Wear my glasses? Take them off? Be at my desk or table?
Should I whisper? Speak out loud? Do I quot the Bible?
What do you think about the time? Do You prefer the dawn?
Should I pray fast, or keep it slow? Better short...or long?
I'm new at this, what are the rules? I want to do it right.
How do I know You'll even hear that I am in Your sight?
And while I sat there quitely, Waiting for some sign, I heard a gentle voice say:
"Oh, dearest child of mine...
Do you think I really care about the time of day,
Or whether you are standing,
Or kneeling when you pray?"
" I don't care about your posture,
Or about the place you choose;
Just open up your soul to me,
I have no other rules.
Tell me what is in your heart,
And tell me what you seek;
Tell me of your sorrows,
And of those things that made you weak"
" Speak to me in private
About what concerns you most;
I know about your good deeds...
You have no need to boast.
My child, you don't need lessons,
Just talk to me each day.
Tell me anything you want, dear child,
Anyone can pray."
******
kaori
04-13-2006, 01:29 PM

When you pray,do not be like the hypocrites!They love to stand up and pray in the houses of worship and on the street corners,so that everyone will see them.I assure you,they have already been paid in full.But when you pray<go to your room,close the door,and pray to your Father,who is unseen.And your Father ,who sees what you do in private,will reward you.When you pray,do not use a lot of meaningless words,as the pagans do,who think that their gods will hear them because their prayers are long.Do not be like them.Your Father already knows what you need before you ask him.
kaori
04-13-2006, 01:31 PM
Ritzu san,dalawa na tayo na napapalalim ang pangigngilin.
ritzyu
04-13-2006, 05:56 PM
Kaori san, kanina ka pa pala dito, gomen ne..natakluban na nga ako
sa lalim ng pag-aayuno ko...ikaw ba gaano na kalalim. Ilang araw lang
naman itong pangingilin natin ikukumpara kay Jesukristo sa pagpasan
niya ng mabigat na krus. Kaori san, salamat sa pagdamay mo, ninyo..
nagkakaisa tayo ng pananampalataya..sin asariwa lang natin ang kalbaryo
ng....ng pagkatubos sa mga kasalanan ng sanlibutan.......... .....Amen.
docomo
04-13-2006, 06:11 PM
amen for that ritzyu:)
ritzyu
04-13-2006, 06:26 PM
Naku pow....ang rabbi namen lumitaw..pailalem ka ulet....doc,.biro lang yan ha!:)
ritzyu
04-13-2006, 06:29 PM
Serious na ito, Docomo san, arigatou....
Little Johnny
04-13-2006, 06:43 PM
Talking about Holy Week reminds me of some occasion along with family and relatives when we went to Grotto(in Bulakan passing Novaliches I think).Let me share my short story.
nice story, Stacie Fil! naka-relate ako, sobra. i still remember walking all the way from bocaue town up to grotto. that's about a hundred kilometers if i'm not mistaken. i'm sure marami nang tao ngaun dun..... na-miss ko tuloy pumunta sa Grotto.
it always feels good to do a little sacrifice for a good cause. it's time to reflect and evaluate ourselves, how we did as christians..... let's hope that through our actions, we somehow justify God's ultimate sacrifice..... let's make Him proud and prove that Jesus didn't die for a worthless cause...
Happy Easter to all!:)
rhiverz
04-13-2006, 07:51 PM

Likewise.
Last year pumunta kami dun, napakaraming tao. Muntik na ko mahilo sa layo ng nilakad.
Pero worth naman dahil kasama ko family ko. But now sila na lang pumunta minus me-- dito na lang ako magpepenitensya sa paglakad.
Stacie Fil
04-13-2006, 09:21 PM
Happy Easter to all!
Its really good to remember Gods' victory or Jesus resurrection.
@ Little Jhonny
Nice to know gets mo rin. It reminds me where I started and kept me open, patient and grounded. Those part of our life was a great education and guide where ever we go. Quiapo,Antipolo,Tond o,Naga, at iba pa na medyo kinakapa kapa ko pa ang pangalan. Nice to hop around, also with your tropa for "Visita Eglesia". It helps you search deep with-in. Tears of sorrows to understand and like washed clothes,a new clear feelings of joy,...so bright and light. Tamang tama while observing/ watching the "Salubong" at easter morn.
@ Ritzyu,
TEACH ME TO PRAY
Please teach me Lord..I want to know exactly how to pray.
I need some words which ones are right? Please tell me what to say.
Aaaah! those were the times. Remind me of the saying," Life is a prayer".
@Docomo,
Hey Doc, akala ko sa sabado de gloria ka pa magpa-paramdam eh. Nice to see you.
Balak ko na sanang mag open nang thread, na aking personal diagnose sa himutok mo lately.He,he,he.(Giv e you a little roasting) for the good friday/holy week.) Jok lang. Pero hindi na, alive and kicking ka na ngayon eh. Amen too! :)
kaori
04-13-2006, 10:59 PM
Kaori san, kanina ka pa pala dito, gomen ne..natakluban na nga ako
sa lalim ng pag-aayuno ko...ikaw ba gaano na kalalim. Ilang araw lang
naman itong pangingilin natin ikukumpara kay Jesukristo sa pagpasan
niya ng mabigat na krus. Kaori san, salamat sa pagdamay mo, ninyo..
nagkakaisa tayo ng pananampalataya..sin asariwa lang natin ang kalbaryo
ng....ng pagkatubos sa mga kasalanan ng sanlibutan.......... .....Amen.
Ritzyu san,gud pm!galing na me sa church kanina,may misa.napakalalim ko na nga,lalo na ng nagligpit na kami sa simbahan,tinanggal na mga flowers,sapin sa altar,pati yung hostia ay isinusi na sa tabernakulo(tama ba,yun nga ba tawag dun?).bukas tatakpan na papa JESUS ng violet na tela.nakakaiyak kanina pagkatapos ng misa.lalo na bukas,wala naman misa kaya lang nde ko alam kung ano gagawin namin sa church.mas nakakaiyak cguro bukas.balitaan na lang kita ulit bukas.basta ako nde na nakikinig music.solemn na solemn na dito.bukas danjiki,tiis ng konti.
ritzyu
04-14-2006, 08:06 AM

Kaori san, oo nga napalalim ka na yata, pero ok lang yon kahit amoy kamanyang (tama din
kaya tawag dito) na tayo sa buong araw na to...pahid pahid naman tayo ng luha naten
baka di na naten makita ang buong ritual. Ako nga eh lumabo na mata ko sa kaiiyak na yata,
napasunod tuloy ako sa centurion..hindi kay Jesukristo :( Baka me prusisyon kayo diyan
sama naman po rito..kahit image training lang, pakapit po sa kamay ninyo.
ritzyu
04-14-2006, 08:08 AM
it always feels good to do a little sacrifice for a good cause. it's time to reflect and evaluate ourselves, how we did as christians..... let's hope that through our actions, we somehow justify God's ultimate sacrifice..... let's make Him proud and prove that Jesus didn't die for a worthless cause...
Happy Easter to all!:)
Happy Easter din sa iyo Little Johnny :)
ritzyu
04-14-2006, 08:12 AM
Likewise.
Last year pumunta kami dun, napakaraming tao. Muntik na ko mahilo sa layo ng nilakad.
Pero worth naman dahil kasama ko family ko. But now sila na lang pumunta minus me-- dito na lang ako magpepenitensya sa paglakad.
Rhiverz san, Happy Easter din sa iyo :)
ritzyu
04-14-2006, 08:20 AM
[quote=Stacie Fil]Happy Easter to all!
Its really good to remember Gods' victory or Jesus resurrection.
Stacie Fil, Happy Easter din sa iyo :)
japphi
04-14-2006, 09:25 AM
Hi ritzyu...what a nice thread.....THANKS... .it was a good reminder para na rin sa isang tulad ko na hindi gaanong nakakasimba:O ...at nakakalimot sa Poong Maykapal...lalu na nitong araw nang Paghihirap Nya.
Three years ago..nung buhay pa ang Tatay ko....dahil alam nyang hindi alam dito sa Japan ang Easter...every year ay pina-paalala nya sa akin ito.Pero ngayon na wala na sya....talagang hindi ko na alam kung anong araw ginagawa ito...nice reminder.
@ Stacie Fil.....ang ganda nang story mo.....naalala ko nung bata pa ako....sakitin daw ako at ang isang kuya ko...ginawa raw nang Nanay namin....every year ay pumupunta kami sa isang lugar na marami ang nag-de-devotion sa isang lugar nang Pampanga....na medyo ang pangalan nang lugar ay hindi maganda sa pandinig.....pero that time ay okey lang naman.Ang pangalan nang lugar ay SEXMOAN.....Believe it or not...tutoo na ito ang pangalan nang lugar.Pero dumadaan ang mga taon at nag-iiba rin ang isip nang tao(yata)....hindi na maganda sa pandinig....few years ago ay pinalitan na ito nang SASMUAN.Si Unkol Fisher sigurado alam nya itong lugar na ito o sa mga Kapampangan o karatig na probinsya pa na may panata sa simbahan doon.
Doon ko na-experience ang kwento mo Stacie Fil....ganyang ganyan ang feeling....or sabihin na ako yata yung bata na nasa kwento......natsukas hii.
Happy Eastern day sa inyong lahat!:Dnaku,naalala ko every year meron kaming pasyon sa bahay namin sa pinas and nagsisimba kami,then pagkatapos ng misa may pinapaamoy sa amin,ewan ko kung ano yon:confused:sorry diko po alam yon..pagkatapos sumasama kami sa porsisyon,or parada ba yon?:confused:hay nakakapagod po naman,pero ok lang po kasi pagkatapos non parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko.and meron akong gustong puntahan sa amin,tuwing semana santa kasi ang daming pumupunta don na mga deboto,kaya lang medyo malayo sa amin,as in super taas na hagdan aakyatin mo and marami syang station,at kada station na yan nakasulat ang mga paghihirap na naranasan ni Papa Jesus,tapos yong pinakatuktok nya makikita mo don si Papa Jesus,siguro pag balik ko na lang ng pinas,as in super hirap daw talagang akyatin non,hay itatry ko talagang akyatin yan sa susunod!:)
paykz
04-14-2006, 03:43 PM
Happy Easter po sa lahat..haaayyy..kaka-touch naman story mo Stacie Fil how i wish ma experience ko rin yan..napa-pause ako for a moment reminiscing my Holy Weeks back there in Phils.anjan yong' mga beliefs & di naman masama if we believe dba...???we're doing it to strengthen our faith on HIM..HE gave HIS own life to save the world & we owe HIM all...though sometimes we forget to call & render a short prayer for HIM..without GOD we are nothing...let us all pause for a while & forget all our anxieties & burdens in life...let us feel the presence of GOD inside our own hearts...HE is there..just waiting for us to call & surrender back ourselves on HIM...we may all far from our family,we may not be able to do PABASA,STATIONS of the CROSS etc...just feel HIS loving arms & thank HIM for the good things HE has done for us..hope this short message would enlighten us all as we reminisce GOD'S GLORY...
ritzyu
04-14-2006, 09:03 PM
Hi ritzyu...what a nice thread.....THANKS... .it was a good reminder para na rin sa isang tulad ko na hindi gaanong nakakasimba:O ...at nakakalimot sa Poong Maykapal...lalu na nitong araw nang Paghihirap Nya.
Three years ago..nung buhay pa ang Tatay ko....dahil alam nyang hindi alam dito sa Japan ang Easter...every year ay pina-paalala nya sa akin ito.Pero ngayon na wala na sya....talagang hindi ko na alam kung anong araw ginagawa ito...nice reminder.
@ Stacie Fil.....ang ganda nang story mo.....naalala ko nung bata pa ako....sakitin daw ako at ang isang kuya ko...ginawa raw nang Nanay namin....every year ay pumupunta kami sa isang lugar na marami ang nag-de-devotion sa isang lugar nang Pampanga....na medyo ang pangalan nang lugar ay hindi maganda sa pandinig.....pero that time ay okey lang naman.Ang pangalan nang lugar ay SEXMOAN.....Believe it or not...tutoo na ito ang pangalan nang lugar.Pero dumadaan ang mga taon at nag-iiba rin ang isip nang tao(yata)....hindi na maganda sa pandinig....few years ago ay pinalitan na ito nang SASMUAN.Si Unkol Fisher sigurado alam nya itong lugar na ito o sa mga Kapampangan o karatig na probinsya pa na may panata sa simbahan doon.
Doon ko na-experience ang kwento mo Stacie Fil....ganyang ganyan ang feeling....or sabihin na ako yata yung bata na nasa kwento......natsukas hii.
Japphi chan, yung mga kabataan naten o mga kapanahunan pala, sarap balikan di ba.
If we could only turn back the clock..sana me time machine para kahit paano masariwa
ang masasaya at malulungkot na kahapon na nagdaan sa aten.
We always thought looking back at our tears would made us laugh; but we never
knew looking back at laughter would make us cry. Childhood is the greatest
gift we had received from God. Praise the Lord!
Japphi chan my dear, arigato ne :) Happy Easter....and May God bless you!!!
ritzyu
04-14-2006, 09:16 PM
Happy Eastern day sa inyong lahat!:Dnaku,naalala ko every year meron kaming pasyon sa bahay namin sa pinas and nagsisimba kami,then pagkatapos ng misa may pinapaamoy sa amin,ewan ko kung ano yon:confused:sorry diko po alam yon..pagkatapos sumasama kami sa porsisyon,or parada ba yon?:confused:hay nakakapagod po naman,pero ok lang po kasi pagkatapos non parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko.and meron akong gustong puntahan sa amin,tuwing semana santa kasi ang daming pumupunta don na mga deboto,kaya lang medyo malayo sa amin,as in super taas na hagdan aakyatin mo and marami syang station,at kada station na yan nakasulat ang mga paghihirap na naranasan ni Papa Jesus,tapos yong pinakatuktok nya makikita mo don si Papa Jesus,siguro pag balik ko na lang ng pinas,as in super hirap daw talagang akyatin non,hay itatry ko talagang akyatin yan sa susunod!:)
Bell chan, mahirap kantahin sa lahat ang pasyon, sabi nila ang kumakanta ng pasyon
ay magiging ulirang ina o ama, kasabihan lang naman ito..pero naniniwala yata ako.
Bell chan, hayaan mo, malay naten maakyat ule naten ang Groto, magkakasabay sana
tayong mauwe ng Mahal na Araw.:) Bell chan afuu, arigato ne...Happy Easter!!!
ritzyu
04-14-2006, 09:21 PM
We believed in God, that's why we have reason to live.:)
Thanks for sharing paykz san. Happy Easter! God bless!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.