View Full Version : Anong Pelikulang Pilipino ang Favorite ninyo?
Firipinjin
04-09-2006, 10:57 PM
Ilan sa mga pelikulang pilipino ang paborito ko ay yung mga pelikula ni Lino Brocka tulad ng:
Maynila sa Kuko ng Liwanag
Tinimbang ka ngunit kulang
Bayan Ko
Ora Pro Nobis
At:
Batch '81
Sister Stella L
stariray
04-09-2006, 11:28 PM
Parehas tayo!Firippinjin ka nga talaga:p tinatangkilik natin ang mga pelikulang pinoy;) lalo na pag mga pelikula nila ate Vi and ate Guy kase tlgang very professional artista:thumb: sa comedy nman basta pelikula ni Tito Dolphy very hapi:D Tsaka mahilig din ako sa mga teleserye...ayyy~nak u yan na lang libangan ko d2 sa japan manood sa wins nakakawala ng stress:biglaugh:
"TFC is the best"
vectra1123
04-09-2006, 11:31 PM
Sa akin naman gusto ko yung mga pelikula nila Eddie Garcia, FPJ at Tito Dolphy!!!!:)
maple
04-09-2006, 11:36 PM
Ilan sa mga pelikulang pilipino ang paborito ko ay yung mga pelikula ni Lino Brocka tulad ng:
Maynila sa Kuko ng Liwanag
Tinimbang ka ngunit kulang
Hi Firipinjin, gustong-gusto ko rin iyang Maynila sa Kuko... & Tinimbang ka...
And here are two more flicks that I really like:
Kakaba Kaba Ka Ba? (http://www.kabayancentral.c om/video/lvn/cplvnkkkb.html) Directed by Mike de Leon
Oro Plata Mata Directed by Peque Gallaga
(http://images.google.com/imgres?imgurl=http://www.kabayancentral.c om/video/lvn/kkkb10.jpg&imgrefurl=http://www.kabayancentral.c om/video/lvn/cplvnkkkb.html&h=361&w=450&sz=31&tbnid=KCXwSyXgcf-PcM:&tbnh=99&tbnw=124&hl=en&start=1&prev=/images%3Fq%3DKakaba-kaba%2Bka%2Bba%253F% 26svnum%3D10%26hl%3D en%26lr%3D%26sa%3DG)
Firipinjin
04-10-2006, 01:20 AM
Parehas tayo!Firippinjin ka nga talaga tinatangkilik natin ang mga pelikulang pinoy lalo na pag mga pelikula nila ate Vi and ate Guy
Actually hindi ko paborito ang mga artistang ito. Ang mga pelikulang pilipino na pinapanood ko nung nasa Pinas pa ako ay yung maganda ang istorya at direction. Unfortunately, maraming mga pelikulang pilipino na commercialized, mababaw, 'bakya', at yung mga nasa pelikula ay hindi marurunong umakto. Mas gugustuhin ko pang panoorin ang mga gawa nila Raymond Red, Nick Deocampo, o Kidlat Tahimik kaysa panoorin ang mga alaga ni Kuya Germs.
PILIPINAS
04-11-2006, 01:52 PM
favorite ko rin panoorin ang mga Lino Brocka classics. gusto ko ang tandem nila ate Vie at Christopher de Leon. humanga ako sa palabas na 'togos ng dugo' ni Vilma Santos at ang 'Himala' ni Nora Aunor. "Walang Himala.........." , i can never forget that film.
michiko
04-11-2006, 02:08 PM
gusto ko yung MAGNIFICO na movie... ang ganda.. talagang makatotohanan..:)
Raiden
04-12-2006, 09:47 AM
Ang favorite kong Filipino movie ay yung Kuracha: Ang Babaeng Walang Pahinga. :hihi:
But seriously, La Visa Loca which starred Robin Padilla is a well made Filipino movie, in my opinion, because the truth can be funny sometimes.
mOtt_erU
09-09-2006, 02:09 AM
Hi pasali ha:)
Favorite kong Philippine eiga yung "Anak", "Dahil Mahal na Mahal kita", at yung mga Comedy films..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.