PDA

View Full Version : Bakit Kaya?

fisher
04-10-2006, 11:58 PM
Dumako naman po tayo sa kakaibang larangan.Mga katanungan natin na walang kasagutan o kung mayroon man ay hindi sapat o kaya'y di kayang buwagin ang ating paninindigan na iyon ay katanungang nananatiling katanungan na lamang.Pwede ring "Sino Kaya? Paano na Kaya? Kailan Kaya? At iba pa.
O sige na nga ako na ang mauuna:D .
Heto na~~~~~~~~~:) .
Bakit kaya may kakatok sa puso mo kung kailan hindi ka na malaya?Lagi na lang siyang laman ng isipan mo.Matututo kang managinip ng gising.At minsan pa,mangangarap ka na sana kayo na lang hanggang sa huli.Nagbibiro ba ang tadhana?Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit kaya?:D

...........O kayo naman.:)

v_wrangler
04-11-2006, 12:15 AM

Well, Jim Paredes has got this (http://images.apojim.multip ly.com/song/1/51/full/U2FsdGVkX18B,oQHsUMN Q5OMqXkNg1y0Ur5HBDvQ Wf7KYqNHB8ihmg==/02-libog%20lang%20yan.m p3) to say.

Autumn
04-11-2006, 12:18 AM
Tanong ko din yan sa sarili ko eh..hanggang ngayon di ko masagot:( walang katapusang "BAKIT" pwede naman akong maging malaya.dahil matagal ng tapos ang relasyong mag asawa namin kahit na magkasama pa rin kami sa isang bubong este bahay..pwede din akong maging selfish..na hindi ko na iisipin ang mga bata..kaya lang hindi ko kaya pa..sana lang dumating na yun panahong makasama ko sya..sya na tanggap lahat ng ako, mahal ako.may panahon sa akin,
masyado yatang naging drama ah:D pacencia na pow
@fisher san ...peace on our heart

Autumn
04-11-2006, 12:19 AM
Well, Jim Paredes has got this (http://images.apojim.multip ly.com/song/1/51/full/U2FsdGVkX18B,oQHsUMN Q5OMqXkNg1y0Ur5HBDvQ Wf7KYqNHB8ihmg==/02-libog%20lang%20yan.m p3) to say.

Sayang di ko maview..

fisher
04-11-2006, 12:24 AM
Well, Jim Paredes has got this (http://images.apojim.multip ly.com/song/1/51/full/U2FsdGVkX18B,oQHsUMN Q5OMqXkNg1y0Ur5HBDvQ Wf7KYqNHB8ihmg==/02-libog%20lang%20yan.m p3) to say.Ha,ha,ha nice song indeed.Pero sa talagang tinamaan siguro it means a lot and it differs to what the song is saying.Sa iba siguro.Thanks for sharing the song.

fisher
04-11-2006, 12:26 AM
Tanong ko din yan sa sarili ko eh..hanggang ngayon di ko masagot:( walang katapusang "BAKIT" pwede naman akong maging malaya.dahil matagal ng tapos ang relasyong mag asawa namin kahit na magkasama pa rin kami sa isang bubong este bahay..pwede din akong maging selfish..na hindi ko na iisipin ang mga bata..kaya lang hindi ko kaya pa..sana lang dumating na yun panahong makasama ko sya..sya na tanggap lahat ng ako, mahal ako.may panahon sa akin,
masyado yatang naging drama ah:D pacencia na pow
@fisher san ...peace on our heartPag ganyan talagang nagiging dramatic tayo.Okay lang iyan Autumn tsang:D .

v_wrangler
04-11-2006, 12:31 AM
Ha,ha,ha nice song indeed.Pero sa talagang tinamaan siguro it means a lot and it differs to what the song is saying.Sa iba siguro.Thanks for sharing the song.

Hi fisher, life is indeed mysterious and there will be times when you'd find the situations calling for the answer. Maybe the best way to get over it, for those who aren't free at all is to simply refuse the urge to answer - don't be at the wrong place at the wrong time. Don't be there at all.

fremsite
04-11-2006, 12:32 AM
Well, Jim Paredes has got this (http://images.apojim.multip ly.com/song/1/51/full/U2FsdGVkX18B,oQHsUMN Q5OMqXkNg1y0Ur5HBDvQ Wf7KYqNHB8ihmg==/02-libog%20lang%20yan.m p3) to say.

ahahahaha~~~~!!! v_wrangler san ... nice song ~~~ hihihihihi~~~~:D

fisher san .. kala ko .. comedy ang bagong thread mo .. medyo serious yata ... hehehehehe~~~ cool ka lang ~~~~ :p :)

fisher
04-11-2006, 12:41 AM
Hi fisher, life is indeed mysterious and there will be times when you'd find the situations calling for the answer. Maybe the best way to get over it, for those who aren't free at all is to simply refuse the urge to answer - don't be at the wrong place at the wrong time. Don't be there at all.Once and for all it's a good advice.:) And it's everybody's advice pero yung pinana talaga ni kupido kung minsan ay hindi nakukuha sa payo dahil bulag na talaga ha,ha,ha,ha:D .Too many cases talaga kung iisipin.Well,marami talagang mga tanong na kung minsan ay ipagbabalewala ang payo o kasagutan kaya ang tanong ay nananatili na lang na isang katanungan.Uhmmm...b uhay nga naman.

fisher
04-11-2006, 12:46 AM
ahahahaha~~~~!!! v_wrangler san ... nice song ~~~ hihihihihi~~~~:D

fisher san .. kala ko .. comedy ang bagong thread mo .. medyo serious yata ... hehehehehe~~~ cool ka lang ~~~~ :p :)Hi lab,welcome to my thread.O ayan gumawa na nga ako ng thread.Ikaw may tanong ka ba? Oh yeah,don't worry I'm cool.Okay lang ako dito.Heto at kapiling ko si Jinro.Malapit na akong matumba ha,ha,ha,ha:D .Share ka lab:)

v_wrangler
04-11-2006, 12:56 AM
Once and for all it's a good advice.:) And it's everybody's advice pero yung pinana talaga ni kupido kung minsan ay hindi nakukuha sa payo dahil bulag na talaga ha,ha,ha,ha:D .Too many cases talaga kung iisipin.Well,marami talagang mga tanong na kung minsan ay ipagbabalewala ang payo o kasagutan kaya ang tanong ay nananatili na lang na isang katanungan.Uhmmm...b uhay nga naman.

Hmm, medyo mahirap sagutin kabayan.
It would be best to get out of the first mess and start from there. New relationships are always full of excitememnt and fun but when the tides go against you, that joy will feel the strain and tire in the long run...

fremsite
04-11-2006, 12:58 AM
Hi lab,welcome to my thread.O ayan gumawa na nga ako ng thread.Ikaw may tanong ka ba? Oh yeah,don't worry I'm cool.Okay lang ako dito.Heto at kapiling ko si Jinro.Malapit na akong matumba ha,ha,ha,ha:D .Share ka lab:)

elowww~~~~!!! hihihihi~~~ wala pa kong ma-share labs ~~~ :p niaantok na kasi ako ...
hinay-hinay lang kay Mr. Jinro ... hihihihi~~ baka patumbahin ka ~~~:D :)

fisher
04-11-2006, 01:03 AM
Hmm, medyo mahirap sagutin kabayan.
It would be best to get out of the first mess and start from there. New relationships are always full of excitememnt and fun but when the tides go against you, that joy will feel the strain and tire in the long run...Oo nga eh.Pero bakit mayroong sa bandang huli sila ang nagkatuluyan.Mistery o talaga.Talagang mahirap sagutin.Thanks sa mga insights mo.Maganda talaga.

fisher
04-11-2006, 01:05 AM
elowww~~~~!!! hihihihi~~~ wala pa kong ma-share labs ~~~ :p niaantok na kasi ako ...
hinay-hinay lang kay Mr. Jinro ... hihihihi~~ baka patumbahin ka ~~~:D :)Hilo na nga ako eh.Isang straight na lang at palagay ko maghihilik na ako ng nakaupo at nakaharap sa pc ko he,he,he,he:D .

DJchot
04-11-2006, 04:06 AM
Hilo na nga ako eh.Isang straight na lang at palagay ko maghihilik na ako ng nakaupo at nakaharap sa pc ko he,he,he,he:D .

hahaha! ang mabuting kaibigan ko...mukhang pinana ni kupido. taga TF ba sya? :D

bakit kaya ang sasarap ng mga bawal? :D

pooh_chan
04-11-2006, 12:14 PM
Dumako naman po tayo sa kakaibang larangan.Mga katanungan natin na walang kasagutan o kung mayroon man ay hindi sapat o kaya'y di kayang buwagin ang ating paninindigan na iyon ay katanungang nananatiling katanungan na lamang.Pwede ring "Sino Kaya? Paano na Kaya? Kailan Kaya? At iba pa.
O sige na nga ako na ang mauuna:D .
Heto na~~~~~~~~~:) .
Bakit kaya may kakatok sa puso mo kung kailan hindi ka na malaya?Lagi na lang siyang laman ng isipan mo.Matututo kang managinip ng gising.At minsan pa,mangangarap ka na sana kayo na lang hanggang sa huli.Nagbibiro ba ang tadhana?Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit kaya?:D

...........O kayo naman.:)

hello fisher san,
sali ako sa thread mo ha!:confused: , alam mo tinanong ko na rin yan sa sarili ko eh, pero mahirap talagang sagutin. bakit nga ba papanain ka gayong nakatali ka na diba? bakit ba may taong pilit papasok sa puso mo gayong may pananagutan ka na? at ang taong yon ay ang dati mong minamahal.....ang hirap talaga, tsaka ka mag isip-isip na mali ba ang taong pinakasalan ko? sya na ba talaga ang taong pangarap kong makasama habang buhay? ang dami kong tanong diba? na sarili ko lng ang makakasagot, pero mahirap sagutin.......hhhaaa aaaaayyyyyyyyy...... ......bbbuuuuhaaaaay yyyyy,,,,,:scratch: :scratch:

chubby_kulot
04-11-2006, 01:49 PM
sali din ako ha :jiggy:

naalala ko tuloy ang kasabihan na.."ang pag aasawa daw ay di isang kaning mainit na kung napaso ka ay pede mong iluwa..."kaya nga sa pinas tutol ang simbahan sa batas ng paghihiwalay ng mag asawa..dahil ang taong pinag-isa ng nasa itaas ay di na mapaghihiwalay pa..

eh paano naman kaya ang taong pinag isa lang ng isang kapirasong papel..?i mean un di kasal sa simbahan :jiggy:

bakit nga ba masarap ang bawal?para sakin..ang tumikim ng bawal ay un mga taong di ginagamit ang isip..kundi puso lang...kasi nga naman pag puso ang pinairal ng isang tao..di nya naiisip kung ano ang magiging bunga ng ginagawa nya...basta ang mahalaga lang sa kanya un araw at oras lang na iyon..kung san ay kasama nya un masarap na bawal...

sa pagkakaalam ko..un destiny daw at un soulmate natin..kung kelan tayo may asawa o pananagutan na sa buhay saka naman sila eentrada sa buhay natin..di man para manggulo ng buhay kundi para bulabugin ang puso nating itinali na natin sa taong pinakasalan natin...at tayo naman nagpapabulabog...hah anapin natin un ugali ng taong gusto natin sa taong pinakasalan natin...laht ng kabaliwan naiisip..natutulala. .. nangangarap na hindi un taong pinakasalan ang kasama sa pangarap...kundi iba..

kasi po..mga tao lang tau....mapaghanap :sweeties:

tfcfan
04-11-2006, 04:48 PM
Hilo na nga ako eh.Isang straight na lang at palagay ko maghihilik na ako ng nakaupo at nakaharap sa pc ko he,he,he,he:D .
Good pm po!kaya naman pala kayo ganyan kaseryoso eh!may tamang jinro pala!:hihi::D
Pero teka seryoso kayo di ba?:rolleyes: mag-esep-esep muna bago kayo gumawa ng bagay na pwedeng pagsisihan sa bandang huli................ :) ;) genki dashite ne!!!

Shori
04-11-2006, 06:58 PM
Dumako naman po tayo sa kakaibang larangan.Mga katanungan natin na walang kasagutan o kung mayroon man ay hindi sapat o kaya'y di kayang buwagin ang ating paninindigan na iyon ay katanungang nananatiling katanungan na lamang.Pwede ring "Sino Kaya? Paano na Kaya? Kailan Kaya? At iba pa.
O sige na nga ako na ang mauuna:D .
Heto na~~~~~~~~~:) .
Bakit kaya may kakatok sa puso mo kung kailan hindi ka na malaya?Lagi na lang siyang laman ng isipan mo.Matututo kang managinip ng gising.At minsan pa,mangangarap ka na sana kayo na lang hanggang sa huli.Nagbibiro ba ang tadhana?Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit kaya?:D

...........O kayo naman.:)
uy ikaw ba yan,seryoso ka yata ngayon....parang di ako sanay na hindi tumatawa pag binabasa yung thread at mga post mo.parang may pinapatamaan tong thread mo...bakit nga ba no?parang gusto kong kantahin yung...Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko~~~pilit binubuksan~~~ ang sarado ko ng puso~~~hayyy ano ba yan!!!!bakit nga ba ngayon ka lang dumating?diba fisher san?hayyy nakakalokah.........

___________________
*While the word is in your mouth,it is your own;when it is spoken it is anothers....

uvy
04-11-2006, 07:51 PM
oo nga ano,may mga case talaga na ganyan...pero bago ang lahat mag isip muna ng mabuti, importante yon...kasi pag puso lang ang pinairal baka kawawa tayo sa bandang huli...mas maganda combine isip tsaka puso(magulo ba?)kaya nga yong utak natin nakalagay sa taas ng puso natin(i mean yong location nya sa katawan natin)kasi kailangan isip muna bago go sa nararamdaman...gulo ko ata magpaliwanag ano,pasensya na tao lang po,......

Aquamarine
04-11-2006, 08:07 PM
Bakit nga kaya kung kelan maayos na ang lahat sa buhay mo
tsaka pa dumarating ang mga bagay na hindi mo inaasahan...
mga bagay na minsan ok, minsan hindi. Ngunit may mga bagay
na sadyang hindi maiiwasan na mangyari at kakailanganin ang
nararapat na desisyon.

Sadyang mapaglaro ang tadhana...

fisher
04-11-2006, 10:40 PM
hahaha! ang mabuting kaibigan ko...mukhang pinana ni kupido. taga TF ba sya? :D

bakit kaya ang sasarap ng mga bawal? :DHa,ha,ha,ha matinding matindi ang tama pare kow:D .And the arrow is piercing my soul he,he,he,he,he I think I need one more bottle of Jinro then I could sleep this thing out.Ang mahirap kasi paggising mo nandiyan pa rin walang pagbabago......uwaaa ahhhhhhhh~~~~~~~~~~~ :D .By the way, I do not know the answer to your question......"bakit kaya ang sasarap ng mga bawal?".You mean...you've been there?Igan,hinay hinay lang.....:) :D ;) :p .
@pooh_chan, e di natataranta ka rin ngayon? Yatta! Yatta! Hindi pala ako nag-iisa!:D
@chubby kulot,nice explanation! Ganyang ganyan nga he,he,he,he:) .
@tfcfan, oh dear I'm okay.I might be funny but I'm serious...dead serious hi,hi,hi,hi:p .Tell my lab I'm fine.
@shori,kita mo na 'di naloka ka rin ha,ha,ha,ha:D .
@uvy,mahirap talaga at magulong ipaliwanag.Nakaharan g kasi si Kupido he,he,he,he,he:D .
@ To all of you who cares for me na baka masiraan ako ng ulo.Don't worry, matagal na po akong may katok but I'm standing still and everything is under control medyo humuhuga nga lang po konting sipa na lang at matutumba na he,he,he,he,he:D .Lintik na buhay ito oo,hindi ka na nga makapamimgwit ng isda sa dagat dahil maginaw pa heto't nabingwit at napana naman ni Kupido uwwwaaaaaaahhhhhhhhh h~~~~~~~~~:D .O sino naman kaya ang susunod na may katanungan? Next........:p .

pooh_chan
04-11-2006, 11:06 PM
ikaw talaga nababaliw ka na dyan ha!! ito para sayo....:banghead: para matauhan ka na dyan....:D :D

Autumn
04-11-2006, 11:13 PM
ok Para maiba naman.ganito yon i called my mom yesterday,muntik na pala syang mapatay noon nagpunta sila sa lamay ng kapitbahay..nag laro daw sya ng Sakla..:mad: (galit ako s aganoon) then may lalaki daw sa likuran nya inaasar sya at kinukuha daw yun mga panalo nya.marami pa daw sinasabi yun lalaki na masasamang salita..tulad ng ulikba ka.pangit kang matanda ka..un mom ko naman di daw nya pinansin.tapos nakita nya may dala palang panaksak.sasaksakin daw sya.nakita naman ng kaibigan ng dad ko ,sinaway daw yun lalaki..ang nangyari yun friend ng dad ko ang nasaksak..7 ulit ..namatay. MMDA yun friend ng dad ko..naawa ako syempre..may asawa yun at maliit pa ang mga anak..

ang di ko maiintindihan bakit sa lamay ng patay ay may sumusunod talaga na mamatay.at bakit kailangan may sugal at inuman ng alak sa lamay ng patay..?:confused: di pa talaga maiiwasan yun?
parehong lasing yun namatay at yun pumatay lasing at bangag sa droga.

fisher
04-11-2006, 11:21 PM
ok Para maiba naman.ganito yon i called my mom yesterday,muntik na pala syang mapatay noon nagpunta sila sa lamay ng kapitbahay..nag laro daw sya ng Sakla..:mad: (galit ako s aganoon) then may lalaki daw sa likuran nya inaasar sya at kinukuha daw yun mga panalo nya.marami pa daw sinasabi yun lalaki na masasamang salita..tulad ng ulikba ka.pangit kang matanda ka..un mom ko naman di daw nya pinansin.tapos nakita nya may dala palang panaksak.sasaksakin daw sya.nakita naman ng kaibigan ng dad ko ,sinaway daw yun lalaki..ang nangyari yun friend ng dad ko ang nasaksak..7 ulit ..namatay. MMDA yun friend ng dad ko..naawa ako syempre..may asawa yun at maliit pa ang mga anak..

ang di ko maiintindihan bakit sa lamay ng patay ay may sumusunod talaga na mamatay.at bakit kailangan may sugal at inuman ng alak sa lamay ng patay..?:confused: di pa talaga maiiwasan yun?
parehong lasing yun namatay at yun pumatay lasing at bangag sa droga.Your questions are incredible!Bakit nga kaya?Condolence to the family of the friend of your dad who saved your mom.Now,the bereaved family of the deceased must live on their own ng dahil lang sa kagagawan ng isa pang lasenggo.....bakit kaya?

fisher
04-11-2006, 11:23 PM
ikaw talaga nababaliw ka na dyan ha!! ito para sayo....:banghead: para matauhan ka na dyan....:D :DAray kuuuu~~~~~~~~:D .

Autumn
04-12-2006, 09:06 AM
I have this childhood friend, sa lahat na yata ng kaibigan ko sya na ang pinaka mabait ,.silent type.at ang hindi ko maipaliwanag mahal sya ng mga tao sa paligid,di naman sya Artista pero famous sa lugar namin.at may fans club pa sya..hindi naman sya kagandahan.hindi makinis balat nya.pero talagang mahal sya ng mga tao sa lugar namin.pag naglalakad sya may tumatawag sa kanya .kaway dito at doon.walang bumabastos na lalaki sa kanya.
pero bakit wala yata syang swerte sa lalaki..? marami na rin syang naging boyfriend..kundi namatay.bigla na lang naglalaho,yun unang asawa nya namatay din.sabi nga nya ayaw na nyang mag asawa uli or ayaw na nyang magmahal uli ,kasi lagi na lang syang naiiwan sa ere,at baka pag nag asawa daw sya uli eh mamatay uli, after a long years nakapag asawa uli ,hindi naman namatay.kaya lang nalaman nya at nahuli nya sa akto na may katalik , hindi nya malaman kung paano mag re react dun sa sitwasyon kasi naman katalik ng mister nya eh lalaki din ( bakla pala) umiyak sya sa akin hindi ko alam paano ko sya i ko console nun panahon na yun.
bakit nga kaya? kapalaran? nakaguhit nga ba ang kapalaran ng Tao. sana lang lumigaya na si friend ko..nandoon pa rin sya sa lugar namin at mahal pa rin sya ng mga tao doon..yun lang ang konsolasyon nya sa sarili nya ngayon..

infinite_trial
04-12-2006, 12:40 PM
this is the kind of question you would wanna ask God and hope that He would send you answers through signs or a miracle. for some it might be lust. for some it might be love. for some, plain stupidity. we take chances cuz we feel different bein wit that person. as if your drowned into a trance, ignorin the rights and wrongs. but when reality sinks in, you realized that you have not only hurt yourself, but some people who most deserved the love that you've been stealin. if only you can take back all those memories, you could've erased it...but sometimes it's too good to forget. if only you've met each other before everyone else, then life could've been easier and love less complicated. but life's a b#tch...then you die.

v_wrangler
04-12-2006, 02:23 PM
These things happen when one live the life for himself. Masakit mang pakinggan, humans are generally wagamama, we pose such questions in the hope to justify our actions. Some say, sapagkat kami ay tao lamang. Is it a lame excuse? Let's Try to live our lives for others, for those dear to us, para sa mga umaasa, and I'm sure you'll be strong, happy and busy as hell to even entertain such thoughts.

kate
04-12-2006, 03:01 PM
me naman iba ! bakit kaya minsan ang pag ibig ay sobrang mapaglaro? bakit kaya kung kelan ayaw mo na saka siya lumalapit? BAKIT kaya hindi ko magawa na kalimutan siya? bakit kaya mahalaga pa siya sa puso ko......... yan lan po ang maishashare ko na puro bakit????:confused:

docomo
04-12-2006, 11:55 PM
@fisher

Just keep your eyes open ..and you call the shots !!!.. I'm sure you will figure this out :)

fisher
04-13-2006, 12:14 AM
@fisher

Just keep your eyes open ..and you call the shots !!!.. I'm sure you will figure this out :) Ha,ha,ha,ha Doc,you are really a friend of mine.Thank you sir!But where is your kweschon?Wala ka bang isang bakit man lang or paano na kaya or kailan kaya? I'm sorry,Am I throwing too much questions?Hi,hi,hi,h i,hi:D

fisher
11-11-2006, 10:51 PM
May dumaang unos sa aking buhay during these past few days. And now I am standing and struggling to cope up with the disaster in me.Pagkatapos nito ano na naman kaya ang susunod? Oh...by the way, I got one bottle of Jose Cuervo and it might be better to drink to death before I end up tulala at parang nabugok.Babanatan ko na lang ito hanggang sa ako'y matigok hehehehehe.Ano na kaya ang kasunod na kabanata ng buhay ko?:p

love0308
11-11-2006, 10:59 PM
Bakit kaya ang tao walang satisfaction:confuse d:

fisher
11-11-2006, 11:08 PM
Bakit kaya ang tao walang satisfaction:confuse d:

Siguro walang excitement ang buhay kapag walang problema.Pero bakit kapag dumating ang mga bagay na ganito or yung mga wishes natin sa buhay ay parang kalaban natin ang kapalaran?

myukasky
11-12-2006, 10:55 AM
Bakit kaya ang tao nasa kama na gusto pang bumalik sa banig?:eek:

hayaren
11-12-2006, 10:31 PM
hmmmm...emotional si fisher nag bim-balancing...tukso layu-an mo ako:D

ganda_ko
11-12-2006, 11:03 PM
bakit kaya kung sino ang mahal mo ayaw naman sayo at yung kung sino ang di mo mahal siya namang nagmamahal ng tapat sayo?:confused: kahit na nagmumukha kang tanga di mo pa rin magawang iwanan ang taong di naman sayo nagmamahal? bakit kaya kailangang magtiis ng Dahil sa pagibig?:confused: