View Full Version : home owner's association: help me
PILIPINAS
04-11-2006, 09:54 AM
kalilipat ko lang dito sa tokyo galing tochigi. may matandang kumausap sa akin, member ng home association dito, sinisingil ako ng fee. sabi ko, hindi naman ako member ng association, bakit ako magbabayad. 'mandatory' daw kaya dapat ako magbayad. wala akong nare-receive na notices tungkol sa events or acivities ng association na 'yan. sa dati kong tinitirahan, walang HOA, kaya hindi ko alam ang mga patakaran d'yan. hindi pa rin ako nag-bayad......sa tinging n'yo ba kailangan kong magbayad?......
Yujin
04-11-2006, 10:24 AM
kalilipat ko lang dito sa tokyo galing tochigi. may matandang kumausap sa akin, member ng home association dito, sinisingil ako ng fee. sabi ko, hindi naman ako member ng association, bakit ako magbabayad. 'mandatory' daw kaya dapat ako magbayad. wala akong nare-receive na notices tungkol sa events or acivities ng association na 'yan. sa dati kong tinitirahan, walang HOA, kaya hindi ko alam ang mga patakaran d'yan. hindi pa rin ako nag-bayad......sa tinging n'yo ba kailangan kong magbayad?......
hi PILIPINAS,
Welcome to Tokyo
Wala pa kong nabalitaan about sa "compulsory" payment na ganyan para
sa Home Owner's kaya hindi ko rin sure kung dapat nga bang bayaran yan or hindi.
Ang alam kong "minsan" meron nag kocollect ay para mga special events ng Community, matsuri etc.
1. Isa sa pupuede ko maisuggest sa yo ay mag consult ka sa inyong Kuyakusho / Shiyakusho.Maaari mo cguro itanong ang legality ng organization na yan na naniningil sa yo.
Kung makahingi ka dun sa matanda ng flyers or kung anuman leaflets meron sila puede morin maipakita at puede mo rin kami cguro maupdate kung anong klaseng samahan yan para matulungan ka dito sa TF na iresearch ang tungkol dyan.
2. If not a lot trouble sa side mo, maaari mo rin cguro kausapin ang kapitbahay mo at itanong sa kanila about dyan. Magandang way din yan para magkaron ka ng mga kaibigan dyan sa bago ninyong nilipatan.
Ito ang konti kong payo, sana ay nakatulong kahit papaano.
neblus
04-11-2006, 10:44 AM
Hindi mo nasabi kong may "fudosan" ka ba o real estate na ginamit.
In most cases, required iyong payment especially sa mga mansion type houses kasi iyong funding nila for maintenance, bayad sa "kanrinin" etc.
Pero sinabihan ka dapat noong fudosan na may mga additional payments na kagaya ng home association BAGO KA lumipat. Otherwise pwede mong ibato sa kanila iyon ulit na it will be too much for you to pay considering na maximum na sa budget mo iyong rent ng bahay.
:confused:
PILIPINAS
04-11-2006, 11:09 AM
thank you sa reply. tulad ng payo ninyo, magtatanong muna ako sa fudousan and consult din ako sa shiyakusyo. at bago ako lumipat dito, i wasn't informed about that so-called home owner's association. for the meantime, hindi muna ako magbabayad not until clear na sa akin ang lahat. salamt sa inyo....babalitaan ko na lang ulit kayo.....
vectra1123
04-11-2006, 12:41 PM
Hi Pilipinas! Meron yatang lugar na naniningil at meron namanyatang lugar na hindi!Nakakalito nga! Dito sa tinitirhan ko may naniningil,every year yata ,last month nagbayad ako 4000+ inabonohan nga ng kaisha namin at sinabi sa akin,community fee daw yata, ok naman may resibo galing sa PTA dito at friendly naman ang mga kapitbahay ko. Kung sa palagay mo naman at hindi naman masyadong mabigat bayaran kesa mapaaway ka pa sa mga kapitbahay mo bayaran mo nalang,hindi naman siguro maniningil ang mga yan na sa bulsa naman nila mapupunta.May magandang bagay din yan na mapaggagamitan sa inyong area!Ako nga dito pagkaminsan nakatoka na magbantay ng mga nagtatapon ng gomi sa umaga ,no choice isinisingit ko na lang sa sched. ko kahit naleleyt sa trabaho pakisama lang ba!:)
PILIPINAS
04-11-2006, 02:39 PM
TY, ms. vectra. nagtanong ako sa fudousan about this. tatawagan daw ako, para ma-explain sa akin ng maigi ang tungkol dito. which they should have done, before they let me transfer here. tama ka, may maganda rin naman itong madudulot. medyo, na-shock lang ako kagabi 'nung bigla akong siningil nung matanda. eh, hindi kase maganda ang pagkakasabi sa akin kaya, nainis ako. sa loob loob ko, s'ya na nga ang nanghihingi ng pera...... s'ya pa ang...ewan....
docomo
04-11-2006, 06:21 PM
@PILIPINAS
... pwede ka namang hindi magbayad sasabihin mo lang dun sa humahawak ngayon kumbaga officer ng home owners association na di ka na sasali and state your reason .. may option ka naman di naman sapilitan yan... yun nga lang kung magtatagal kayo sa lugar na yan kumbaga for life na kayo dyan sa lugar na yan mas maganda na yung magbayad ka ... ngayon kung di naman kayo magtatagal mas mabuting yan ang i~reason mo... marami kasing advantages pag kasali ka sa home owners association .. unang una updated ka sa mga benefits ng goverment .. mga libreng check~up ..iba iba yan ... may news paper or oshirase na darating sa yo every month regarding sa community nyo..mga useful informations na usually dyan sa news paper na binibigay nila everymonth naka~lagay ... isa pang advantage pakikisama .. pag kasali ka dyan hindi ka maiilang dahil kilala ka nila ,makasalubong mo man sila sa labas ..ngingitian ka nila at mag aisatsu sila sa yo ..isang masarap sa pakiramdam yon para sa akin :)
PILIPINAS
04-23-2006, 05:06 PM
kwento ko lang po sa inyo kung ano na ang nangyari sa HOA problem ko.
for the first time, simula ng lumipat ako dito sa tokyo, nakatanggap ako kanina lang ng "kairanban". nakasulat doon in details ang mga activities ng "chonaikai" or HOA for one year. maliwanag na rin sa akin ang lahat. kaya sa thursday, magbabayad na ako ng membership fee, 1800yen, good for six months. maraming salamat sa mga payo ninyo:
Yujin-san, Neblus-san, Vectra-san, and Docomo-san.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.