PDA

View Full Version : NHK: nagbabayad ba kayo?


roy
04-05-2005, 11:23 PM
Nagbabayad ba kayo ng NHK? Noong unang dating pa lang ako sa Japan, nagbabayad pa ako pero ngayon hindi na (http://www.asahi.com/english/Herald-asahi/TKY200503160160.html ). Hindi naman ako nanonood ng NHK at bunubulsa lang din ng mga company executives yung pera (http://www.asiamedia.ucla.e du/article.asp?parentid =21613). Pero laging punta pa rin ng punta sa bahay namin yong nangongolekta ng bayad. :rant:

Dax
04-06-2005, 10:31 AM
http://www.hou-nattoku.com/enq/archive/01_nhk.php

受信料を支払うのは義務なのか ?

 法律上、受信料を支払うことが直接に義務 づけられているわけではありません。上でも 述べたように、 放送法32条1項 (http://law.e-gov.go.jp/htmldata/S25/S25HO132.html#100000 00000000000000000000 00000000000000000000 00320000000000000000 0000000000000)は、受信設備 を設置した者にNHKと受信契約を締結する ことを義務づけていますが、受信料を支払う こと自体は義務づけていないか らです。
 ただし、NHKと受信契約を締結した場合 、受信料を支払うことは契約上の義務となり ますから、その意味では「受信料を支払うこ とは義務」ということになりま す。

so kung pumirma ka na sa kontrata ng NHK, kailangan mong magbayad. pero kung hindi naman ay hindi mo kailangang magbayad.

lately umabot na daw sa 1 milyon (http://headlines.yahoo.co.j p/hl?a=20050402-00000008-ykf-ent) ang ayaw magbayad. siguro kasama na din dyan pati yung mga naka-kontrata. labag nga sa batas (ang naka-kontrata) na hindi magbayad. pero wala namang parusa/multa kaya dumadami ng dumadami. :D

kung ako sayo, magpi-print-out ako ng news (http://www.kobe-np.co.jp/shasetsu04/0912ja28100.html) tungkol sa mga pangongorakot sa NHK at ipapakita ko sa taga-singil kung makulit talaga. :D

roy
04-06-2005, 09:20 PM
so kung pumirma ka na sa kontrata ng NHK, kailangan mong magbayad. pero kung hindi naman ay hindi mo kailangang magbayad.kontrata? anong kontrata yan? ang alam ko tinanong lang ako kung may tv kami tapos pinapabayad na ako.

lately umabot na daw sa 1 milyon (http://headlines.yahoo.co.j p/hl?a=20050402-00000008-ykf-ent) ang ayaw magbayad. siguro kasama na din dyan pati yung mga naka-kontrata. labag nga sa batas (ang naka-kontrata) na hindi magbayad. pero wala namang parusa/multa kaya dumadami ng dumadami. kung ako sayo, magpi-print-out ako ng news (http://www.kobe-np.co.jp/shasetsu04/0912ja28100.html) tungkol sa mga pangongorakot sa NHK at ipapakita ko sa taga-singil kung makulit talaga.ngayon, sinasabi ko lang na "hindi ako nanonood ng nhk at ayaw kong magbayad" sabay sara ng pinto. minsan, sasabihan ko ng "nihongo wakanai" (kung alam ko na kaagad). maganda yang iniisip mo, pero matagal nang hindi bumabalik yong collector ng tong (fee pala) ng nhk. :D

goldhorse
04-07-2005, 03:42 AM
Medyo roundabout kasi ang justification ng pagsingil ng NHK kaya maraming misunderstanding. Doon sa Japanese na explanation na pinost ni Dax, sabi na hindi directly na required na magbayad ka ng reception fee. Pero sa article 37 ng Broadcasting Law ay kung magpapakabit ka ng Jushin Setsubi, o ano mang bagay na maaring makareceive ng signal ng isang broadcasting company or samahan, required ka na makipag contrata sa kanila, ke papanoorin mo o hindi, so actually maski wala kang pinirmahan basta may TV ka or even computer na may TV tuner, understood na na may contrata ka sa mga station na pwedeng mapanood sa aparato mo. Ang ibang channel ay hindi nanghihingi ng pera, kaya ok lang, pero dahil sa NHK required sa contrata nila na magbayad, lahat na nakacontrata (sa madaling salita lahat ng may TV tuner dahil forced ka sa contrata ke may pirma o wala, ke alam mo man tungkol don o hindi) kailangan magbayad ka according to the terms ng contract. Under sa Broadcasting Law ay walang penalty sa hindi pagbabayad, dahil walang provision dito. Pero under sa Minpo or Civil Law nila, since may contract ka with NHK (again, ke ginusto mo man o hindi) dahil may TV ka, pwedeng kang hingan ng damages for non-performance of obligations.....

Lalo bang lumabo? :)

cyclops
04-07-2005, 10:53 PM
Noong nasa ibang Pref. pa kami nag babayad ako dahil pumirma si Misis ng contract.
pero ngayon ,pag-may naninigil "NIHONGO WAKARANAI"...."NANI NANI", sabay sara ng pinto.
cyclops :p

Dax
04-08-2005, 11:10 AM
Noong nasa ibang Pref. pa kami nag babayad ako dahil pumirma si Misis ng contract.
pero ngayon ,pag-may naninigil "NIHONGO WAKARANAI"...."NANI NANI", sabay sara ng pinto.
cyclops :p
may dalawa akong kakilala na english-speaking ang kumatok sa bahay nila! :D sawa na siguro sa "Nihongo wakaranai". :D

reon
04-18-2005, 11:04 PM
may dalawa akong kakilala na english-speaking ang kumatok sa bahay nila! :D sawa na siguro sa "Nihongo wakaranai". :DMeron ding kumatok sa amin minsan na nag-e-english na Hapon! At meron pa siyang dalang libro na lagi niyang kino-quote: "According to this book, you are required by law..." Hindi rin kami nagbayad. :)

logical
06-15-2005, 04:59 PM
hello again mga guys:

bago lang kami dito sa japan, anu ba yang bayad sa NHK na yan? kasi dito sa apartment namin ay meron ng cable TV provided ng may ari. kaso lagi may kumakatok sa amin from NHK kaso di naman kami masyado magkaintindihan dahil sa totoo lang di pa kami masyado sanay sa nihongo.

thanks

reon
06-15-2005, 09:20 PM
hello logical,

welcome to timog. lahat daw ng households sa japan na may tv sets ay required magbayad ng fee sa nhk, ang public channel ng japan. kaso dahil sa recent scandals sa nhk na nasa news, marami na ang ayaw magbayad ng mga fees na ito. ang mga gaijins usually hindi nagbabayad, dahil hindi naman daw nila pinapanood (dahil sa hindi siguro nila naiintindihan ang nihongo). anyway, kahit panoorin mo o hindi, kailangan daw magbayad.

pointblank
06-21-2005, 08:42 PM
Marami na rin kasing Hapon ang marunong mag-Ingles, kasama na diyan ang mga collectors ng NHK at ang mga pulis.
Dati-rati, many many years ago, pag nahuli ka ng pulis na overspeeding sa kotse, dapat ay bigla kang hindi marunong ng kahit na kaunting Nihongo - "Sorry, I don't understand you, English only, English only!" - at madalas ay papalusutin ka na lang dahil mendokusai (bothersome) para kay Parak Suzuki na kausapin ka. :D
Ngayong marunong na silang mag-Ingles, at minsan yung iba ay marunong pang mag-Tagalog :eek: , ang dapat na technique diyan ay mag-Waray, Bisaya, Ilocano, Mangyan, Ivatan o kung anuman exotic langauage ang alam mo. Tignan mo lang kung hindi mamutla ang mata ni NKH-san. :p

Ang isa pang advice: pag bago kang lipat ng bahay, i-check mo na kaagad kung meron nakadikit na sticker malapit sa pinto (o sa mailbox o metro ng kuryente) ninyo. Kung di niyo type na magbayad sa NHK, tanggalin agad niyo dapat ito (at linisin ng mabuti hanggang mawala ng husto yung markang tira ng sticker), dahil yan ang sign ng mga collectors na nagbabayad ang household na yon. Pag nagsimula ka kasing magbayad, dinidikitan ng sticker ang pinto niyo, at forever ka nang guguluhin. Dahil hindi naman pareho yung collector na palaging dumarating, yun ang sign nila sa isa't-isa na mabilis mangolekta sa bahay na yon! ;)

PILIPINAS
04-11-2006, 12:35 PM
ako, nagbabayad ako pero masama ang loob ko. paminsan-minsan lang naman kase ako nanonood ng NHK. pero 'duty' daw 'yon. dala ng pakikisama at dito ako nakatira, nagbabayad na rin ako. weird talaga.

chubby_kulot
04-11-2006, 12:43 PM
pilipinas..anong NHK????un channel ba sa tv un???

proud me
04-11-2006, 01:15 PM
dati nagbabayad ang jowa ko...pero maraming hindi na raw nagbabayad dito sa lugar namin kaya hindi narin nagbabayad :)

PILIPINAS
04-11-2006, 01:27 PM
pilipinas..anong NHK????un channel ba sa tv un???


'yun ang channel 1 and 3 sa regular TV programming. non-stop ito kaya walang CM's. they get direclty from the residents ng funds para ma-suportahan and mga programs nito. mayroon din itong satelite broadcasting which is the BS. but it needs subscrption to be able to view the BS programs. syempre, mas mataas ang bayad dito.
sometimes, nag-iisip ako kung bakit kailangan itong bayaran. at least, ang BS, you can apply for subscription. kung ayaw mo, e di huwag. pero ang NHK, kahit ayaw ko, lumalabas sa TV ko. napipilitan tuloy akong bayaran.

Dax, thank you sa information. pagiisipan ko ang tungkol dito.

chubby_kulot
04-11-2006, 01:31 PM
ah iyon po ba..hilig kong manood dun sa BS7 en BS11 dahil may baseball eh at saka minsan meron din mga eiga na palabas din dun.. :kiss: pero di ko alam na me bayad un or iba ang bayad pa dun at di kasama sa bayad ng denki :biglaugh: mamaya nga maitanong sa hubby ko kung isa rin ba sya sa mga nagbabayad... :jiggy: kanina lang nanood ako..may laro kasi ang baseball dun eh...MLB... saka ang alam ko lang kasi na may bayad eh un wowow sa BS5 naman..ask ko muna si hubby..tapos share ako bukas ulit :kiss:

PILIPINAS
04-11-2006, 02:49 PM
my apologies to ROY, for unintentionally, stealing this thread. and to all the TF members,
" I’m sorry!"

vectra1123
04-11-2006, 09:16 PM
Basta dito sa akin walang kumakatok na taga NHK kasi may ground yung pintuan ko e,pati nga ako nakukuryente HE!HE!HE!:D

chubby_kulot
04-12-2006, 11:42 AM
@Pilipinas...

hello po..natanong ko na sa hubby ko kung nagbabayad sya ng NHK...sabi nya "oo"..pero 2 times yearly yata ang bayad nya para daw di masyadong magulo na buwan buwan me naniningil sa kanya...


pasensya na po..di ko alam na me bayad pala ang NHK..hehehehe :jiggy: akala ko wowow lang eh :biglaugh:

gemini_19
04-12-2006, 11:54 AM
when i read this thread yesterday, siya namang pagdating ng hagaki from NHK na ang billing namin is every two months worth 4,580 yen mahal ba siya?:confused:

pero anyway may pakinabang naman, kasi pag wala ng omoshiroi na palabas lipat sa NHK channel which is very informative. lalo na siguro sa may mga baby i think meron pa rin silang program para sa babies at talaga namang matututo ang mga bata.:)

PILIPINAS
04-12-2006, 03:18 PM
when i read this thread yesterday, siya namang pagdating ng hagaki from NHK na ang billing namin is every two months worth 4,580 yen mahal ba siya?

paki-check ulit ang biliing statement mo. parang ang mahal, for two months. may BS ba kayo? ako wala eh, kaya siguro mas mura....

gemini_19
04-12-2006, 07:03 PM
paki-check ulit ang biliing statement mo. parang ang mahal, for two months. may BS ba kayo? ako wala eh, kaya siguro mas mura....

meron akong BS kaya siguro mahal at tatlo-tatlo pang antenna ang nakakabit sa bubong ko, kaya siguro:confused: .

angelica
04-14-2006, 10:57 AM
ay naku nakakatuwa yang nhk n yan,,ang kukulit .ngayon wala nang naniningil s min dati meron......sabi ko doon s kolektor ng pera ayaw kong mgbayad ng nhk n yan...sabi b naman nakatira daw ako s japan sumunod daw ako kailangan s mga hapon......ganon,,,, ay naku lalo akong nanggalaiti s kanya......bangayan kami,,nung ngsawa sya iintayin daw nya ang asawa ko at asawa ko daw ang kakausapin nya..........wal rin namn ngyari dahil nde talaga kami ngbayad....

Splendid
04-14-2006, 12:13 PM
Kami rin nagbabayad ng NHK.deretso na sa Bank ang kaltas. Naawa daw ang asawa ko kasi matanda daw ang naniningil sa kanya noon kaya nagbayad siya. Napapakinabangan naman ng mga anak ko.:)

katty0531
04-14-2006, 12:57 PM
Dito samin wala nang naningil isang beses lang yata yon...may sticker din nakadikit samin...pero wala na talagang pumupunta dahil siguro alam na nila na hindi rin kami magbabayad.....pero noong malakas pa yong biyenan ko alam kung "zutto" nagbabayad sya kinukuha na agad don sa account nya ...:D

Tama si gemini_19, very informative talaga ang NHK at maganda sa mga bata (okasan to issho) umaga at hapon....siguro pag nagka anak na ako saka na ako magbabayad...:)

bell
04-14-2006, 02:18 PM
kami nagbabayad din nyan bale sa account ng asawa ko binabawas,diko lang alam kung magkano.oo maganda talaga ang may nhk kasi marami kang matututunan katulad ng pagluluto,klima ng panahon at saka yong pambata na program.lalo na ngayon may anak ako yon lagi ang pinapanood nila.:Dmarami silang natututunan.:)