PDA

View Full Version : Getting Paranoid...


cute4evr
04-11-2006, 04:38 PM
hi! everyone, bago lang po ako dito. ngayon lang ako nakapagpost. kasi di ko na alam gagawin ko. the story goes like this... i have a cousin who was married a nihonjin. she was 18 years now in japan. then, she called me that their was someone wanted to marry me. she was the one who support my studies. so, dahil may utang na loob ako sa kanya. sinabi ko. okay! dahil ayaw kong makwentahan niya sa mga naitulong niya sa amin. kahit di ko gusto, pumayag nalang ako. tapos, kinasal ako sa nihonjin noong october 11, 2004. pero matagal ako nakapunta dito. noong may 12 to june19, 2005. pumunta ako dito with tourist visa muna. hindi pa ako marunong mag nihonggo. at na feel ko talaga na ayaw ko dito sa japan. pero sabi ko sa sarili ko na siguro naninibago lang ako kaya nasabi ko yon at sinabi ko noon na na kaya nang iba bakit ako hindi. tapos noong december 16, 2005 pumunta ako ulit dito with one year visa. so, ngayon mag almost 4 months na ako pero di pa rin ako marunong mag nihonggo. pumayat nga ako dito kasi hindi ko gusto ang pagkain nila. hinahanap ko yong luto ni mama. kasi im the youngest. so, mama`s girl talaga. tapos, ngayon na feel ko na talaga nga gaman dekinai na. kasi di ko gusto ang buhay dito, ang pagkain, ang climate tapos hindi pa ako marunong magsalita sa language nila. yon, i ask my cousin help pero di siya pumayag na makig divorce ako, kahit di ko na kaya, kasi yong image daw niya masisira sa pamilya nang hubby ko.sarili lang iniisip nya.yong image lang iniisip nya pero di nya iniisip yong sitwasyon ko dito na nahihirapan na ako kasi ayaw niyang mabawian sa hinihingi nilang 2,000,000 yen. tapos, i talk to my husband na ayaw ko na.. gusto ko na umuwi sa cebu. pero sabi niya hindi pwede kasi binabayaran daw niya ang pinsan ko nang 2,000,000 yen . kaya umiyak ako dahil hindi inamin nang pinsan ko na binibayaran sila nang ganong halaga. kaya mas gusto ko na talaga umuwi.sinabi ko sa kanila kahit di ninyo ako bigyan nang pera basta palayain niyo lang ako. di ko na talaga kaya dito at ngayon ay buntis ako nang two months mas lalo ko pa gustong umuwi dahil ayaw ko talaga dito. yong akachan sa tiyan ko ay hindi na genki. kasi hindi ako kumakain. pls. help me naman oh!!! gusto ko na talaga umuwi bago pa mag three months yong tiyan ko. mag three months siya ngayon may 11. saan po ba ako pwede hihingi nang tulong... nahihirapan na kasi ako... sobra... salamat po sa inyo... ingat...

chubby_kulot
04-11-2006, 05:46 PM
ang hirap ng lagay mo pala..at anong klaseng pinsan meron ka..ang lumalabas ay pinagbili ka nya dun sa hapon sa halagang 2,000,000..di rin sya makapal noh..talagang bumawi sya sa mga naitulong nya sa inyo ng family mo...bakit di ka pumunta ng city hall para makapagtanong kung ano ang pwede mong gawin dahil gusto mo ng umuwi...pero ang hirap non..sabi mo di ka pa marunong masyado ng nihonggo..ask ko lang po ha..[wag ka magagalit..] di mo ba natutunang mahalin un napangasawa mo?di ba sya mabait sayo?o di kaba nya mahal?kung sakali na mahal ka nya at kahit paano nagkakaintindihan kayo..why dont you talk to him..pakiusapan mo syang umuwi kayo ng pinas para na rin sa kalusugan nyo ng baby mo..isama mo sya sa pinas..at saka sabihin mo rin dyan sa asawa mo muna eh..wala syang dapat bayaran sa pinsan mo..ikaw ang ikinasal sa kanya at di un pinsan mo...kaya imbis na un perang ibabayad nya sa pinsan mo..ipunin nyo kamo at kung sakali kayo mismong dalawa ang umuwi sa pinas kahit bakasyon lang..kawawa naman kasi un baby mo kung isisilang mo ng walang kikilalaning ama diba...wag kang maging wagamama..i mean isipin mo rin na may bagong buhay na sa yo magmumula...di mo man mahal ang taong pinakasalan mo kung mabait naman ito pede mo rin sigurong pakisamahan for the sake of your baby...alagaan mo ang sarili mo..at wala bang pilipino store na malapit dyan..kung di ka makakain ng japanese food..bili ka ng pilipino food or magluto ka na alm mong kakainin mo..para narin lumakas ka...at un si baby mo...

alam kong madali para sakin ang magsalita ng ganito dahil di ako ang nasa katayuan mo..payo lang po ang sa akin..ikaw parin ang may katawan...ikaw prin ang magdedesisyon..basta ingatan mo lang sarili mo pati baby mo... :sweeties:

PILIPINAS
04-11-2006, 06:06 PM
una sa lahat, kumain ka muna...walang kasalanan ang bata sa loob ng t'yan mo, delikado din ang buhay mo, kung makukunan ka. ang masasabi ko lang, na-ho-homesick ka, natural lang iyon. pero maraming pwedeng puntahan at gawin, para malibang ka. tungkol sa pagkain, nakakain ka na ba ng 'karaage'...or fried chicken. tikman mo, masarap 'yon. try mo rin ang 'nikuman' or siopao ng seven eleven convenience store. marami rin klaseng cup noodles dito. ang favorito ko ay 'yakisoba' or pansit canton. sa inumin, kung ayaw mo ng gatas, haluan mo ng kape, 'yun nasa karton. and tawag 'don ay 'kohigyunyu'.keep posting, para malibang ka, at baka may makatulong sa problema mo...ingat ka...

kaori
04-11-2006, 06:18 PM
Hay naku !Iha mia...masyado kang na-home-sick.Naiintindinhan kita sa situation mo ngayon,kaya lang may isa pang buhay na nangngailangan ng pansin mo,yan nasa loob ng tiyan mo.Wag ka papagutom,kain ka kahit tinapay lang.At saka dala lang ng paglilihi cguro yan.Kailangan talaga may nahihingahan ka talaga ng sama ng loob mo.Maglilibang ka dapat.Pero ngayon nandito ka na sa TF,sigurado ko sa iyo di mo na gaano maiisip ang problema mo,dahil talagang malilibang ka dito,mababait ang mga tao dito.Post and read ka lang.Kung gusto mo ng kaibigan na makakausap,dito lang kami,pm ka lang sa amin.Cge ha,ingatan mo katawan mo at baby mo.Pray ka lagi.God bless....:p

uvy
04-11-2006, 06:23 PM
nahomesick ka lang nyan tsaka nanibago ka lang dito sa japan lalo na di ka pa marunong nihongo mahirap talaga yon.isipin mo kalagayan ng baby mo at kinabukasan nya,kahit para nalang sa baby mo kasi gift satin yan ni God.hanap ka paraan para malibang mo sarili mo,kung mabait naman napangasawa mo ayos lang yan.sabihin mo din sa asawa mo na wag na sya magbayad sa pinsan mo,maging open ka sa kanya dahil asawa mo lang din makakatulong sayo.

vectra1123
04-11-2006, 06:41 PM
Hello Cute!!! nalulungkot ka lang siguro dyan sa inyo kasi wala ka pang masyadong kaibigan.Alagaan mo ang sarili mo lalot buntis ka ngayon,kawawa naman ang bata! Magkalapit lang tayo ng lugar kung gusto mo minsan pasyalan ka namin ng anak ko pag yasumi ako,saturday o sunday ikot-ikot tayo dyan sa mga depato dyan kahit sa Jusco sa OTA ,tapos kain tayo ng Philippine foods, tabe hodai dami kong alam na lugar dito sa lugar natin para naman malibang ka kahit papano! Pm mo lang ako pag ok sayo,para makilala mo rin ang mga pilipino sa Tochigi! :)

maimai
04-11-2006, 06:44 PM
hi cute4evr..saan ka ba sa tochigi at mapuntahan kita dyan...dyan kasi ang probinsya ng asawa ko at uuwi kami sa golden week..bibisitahin kita para masalayan ang kagandahang mo~~~basta malapit lang sa amin ha...baka ilang bundok pa ang aakyatin namin bago kami makarating sa inyo~~ hehhee:eek: :D:D.jowk lang pow.:D.masyado kasi malungkot ang story mo...natouch ako.......smile ka naman dyan para maging masaya naman ang baby mo sa tyan ..:D


ito seryus na pow ako....sa palagay ko lang pow tama nga siguro ang mga sinabi nila kaori at pilipinas.naho-homesick ka lang....mas maganda siguro libangin mo ang sarili mo katulad ng mag-aral ka ng nihonggo dyan.or mag-aral ka magluto..kahit di kumakain ang asawa mo ng philippine food eh.pakainin mo:D kung wala mga philiipines store dyan..puede ka naman mag-order thru phone or sa net........

at dahil nahanap mo na rin sa wakas ang Timog Forum..sigurado tanggal ang lungkot mo dito...tulad mo rin maraming din nalulungkot dito at naho-homesick at nakayan din nila..siguro naman makayanan mo rin yan...at huwag mo mabuti isipin ang problema..nakakasama sa dinadala mo...magpasalamat ka sa Diyos kasi nabigyan ka ng angel na sya ang papawi sa lungkot mo sa bandang huli...:) ingatan mo ang sarili mo...(buti ka pa nga makababy na..)

at tungkol naman sa pinsan mo...di naman syang masyado swapang ano...sa susunod huwag ka na magtiwala sa kanya...pagnabayaran na ng asawa mo ang utang nyo sa kanya..iwas ka na lang sa kanya.....:)

keep smiling..hindi pa katapusan ng mundo..maraming ka pang puedeng gawin.....:D

maimai
04-11-2006, 06:50 PM
Hello Cute!!! nalulungkot ka lang siguro dyan sa inyo kasi wala ka pang masyadong kaibigan.Alagaan mo ang sarili mo lalot buntis ka ngayon,kawawa naman ang bata! Magkalapit lang tayo ng lugar kung gusto mo minsan pasyalan ka namin ng anak ko pag yasumi ako,saturday o sunday ikot-ikot tayo dyan sa mga depato dyan kahit sa Jusco sa OTA ,tapos kain tayo ng Philippine foods, tabe hodai dami kong alam na lugar dito sa lugar natin para naman malibang ka kahit papano! Pm mo lang ako pag ok sayo,para makilala mo rin ang mga pilipino sa Tochigi! :)

uy ayan na pala si tita vectra1123 chan taga tochigi ken din....pagnagkita kau sigurado mabighani ka sa kagandahang nya...kahit di ko pa sya namemeet in person...mukhang naman sexy at mabait....sigurado tanggal ang lungkot mo:D...

DJchot
04-11-2006, 06:50 PM
hello cute! welcome to TF!

wag mong pabayaan ang sarili mo before it's too late. kawawa yung baby sa tiyan mo. please?

Autumn
04-11-2006, 06:59 PM
Hello @cute, take care of yourself and your baby.alam ko mahirap ang mag adjust sa buhay dito..kahit na kami na naging talent dito noon..ako ganyan din hindi ko gusto pagkain.ano ba ang alam namin sa nihonggo noon mag asawa kami.konti lang din,make friends .roam around.mahirap makipag hiwalay lalo na buntis ka, isipin mo muna yun baby mo.konting tiis pa.at tama sila maraming kang magagawa to kill boredom.
pwede mo din sigurong tawagin muna mama mo para may kasama ka .mahirap maglihi lalo na at first baby. ako sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko gusto buhay ko dito kaya lang may mga anak kasi ako.maraming pilipino jan sa tochigi at member ng TF..huwag masyadong mag isip .makakasama sa iyo at sa baby mo..mahalin mo sya dahil gift of god..pag naiinipa ka tambay ka lang sa TF..nandyan lagi mga active member.mamabait sila..god bless ..:)

c2ny2
04-11-2006, 07:12 PM
Hi Cute2evr, Ganito nalang....para di ka malungkot bisita ka dito sa amin sa TF ng madalas. Para mawala ng homesick mo:) Hehehe. Yun si Vectra1123, sama ka sa mga kids din niya para ma meet mo naman yung mga kabayan natin na malapit diyan sa location mo.

Tiyak yon!...Tangal ang homesick mo.

adechan
04-11-2006, 07:21 PM
cute4ever welcome to TF

i suggest better accept the offer of vectra para mapanindigan mo iyang user name mo na forever cute ..... at sigurado forever cute na rin pati ang baby mo.

just an observation lang, tutal nag-ka-baby ka narin naman sa hubby mo, it does mean na hindi mo naman siya totally ayaw di ba? Kung hindi ka naman minamaltrato, mas maganda na rin sigurong pag-aralan mo lang tanggapin ang kafalaran, lalo na kay baby.

for the mean time, meet vectra and bawasan ang mabigat na dagok nang homesick. Think for your present situation and the future of you and your baby.

And later, make a strong decision to fixed the situation diyan sa pinsan mo

cheer up ... di ka nag-iisa

:)

akina
04-11-2006, 07:28 PM
H! cute4evr, masasabi ko sayo, ang herap ng situation mo, pero ikaw din naman ang nag decide for the first time diba dahil sa utang na loob.ang kapal naman ng pinsan mo pinag bibile ka nya sa ganung halaga di naman pala matapang ang hiya nya....he...he...:D
kausapin mo uli ng masinsinan ang asawa mo kung ano tagalaga ang magandang gawin sa situasyun mo ngayun.at isipin mo ng 100times bago ka mag decide, away mo ng climate,food ,so mahirap yan alalahanin mo may baby sa sinapupunan kaya wag maging shellfish. mabuti pa wag kanang makipag kumit sa pinsan mo dahil baka may gagawin pa sya sayo lalo na di mo pa alam mag salita ng japanes at ako pa sayo mag aral ka ng linguahi nila para di na you maibinta uli he...he...:) joke lang.
san ka dito sa japan? if malapit lang u dito sa amin puwde kitang pasyalan ng hinde ka ma homesick. dito me sa chiba near in tokyo....ingat ka parati dyan...

kate
04-11-2006, 07:44 PM
hay naku tama cla homesick lan yan saka kaya k nagkkaganyan kc kasama yan s pagbubuntis yan msayado u sensitive kumain k kht konti isip u lan yan n d u gsto food dto ang gawin u meron kahalintulad s pagkain ang kainin u ska gatas mportante yan paglabanan u lahat ng nararamdaman u alang alang s babay u wag u patalo s pinsan u n mukhang pera mag sikap k n ang pinasok u ay hnd laro n kpag napagod u ayaw u n. manalangin k gagabayan k n lord basta gawin u kng ano sau ang tama.

dcat
04-11-2006, 07:49 PM
Hi cute! Welcome to TF!:)

Naiitindihan namin ang hirap ng kalagayan mo. Pero maraming pwedeng gawin dito sa Japan kailangan mo lang na i-focus yung sarili mo sa gusto mong gawin, pero sa Pilipinas kukunti ang options mo. Masarap nga talaga sa Pilipinas kasi nandun yung Mommy mo at walang kang problema sa salita, pero hindi naman buong buhay mo parati mong katabi yung Mommy mo diba, at yung salita napapag-aralan naman diba? Maraming masasarap na pagkain dito, tumikim ka lang ng tumikim.

Sabi mo na yung pinsan mo iniisip nya lang yung sarili nya. Agree talaga ako sa comment mong yan. Ibang klase talaga yung ginawa ng pinsan mo sayo, kahit ako naman eh mao-offend din ako. Pero, hindi ba na iniisip mo lang rin yung sarili mo? Kailangan mong pag-isipan ng maigi na eto yung denisisyon mo, ikaw ang pumili nito, at lahat ng napili nating desisyon ay kailangan nating panindigan sa abot ng ating makakaya. Hindi ka naman pinilit na magpakasal diba? Hindi ka naman siguro inaapi, at mukha namang mahal ka ng asawa mo.

Isipin mo rin yung asawa mo, nagtratrabaho sya para sa inyo, nahihirapan siguro syang mag-ingles pero ginagawa nya ang lahat ng makakaya nya para makausap ka nya ng maayos. Sana ipakita mo rin yung appreciation mo sa kanya sa pamamagitan ng pag-aaral mo ng Japanese, kahit conversation level lang. Isipin mo din na magiging napakahirap para sa kanya ang mawalay ikaw at ang kanyang anak sa kanya. Isipin mong maigi na kung ikaw ang nasa posisyon nya ano ang mararamdaman mo? Anong mararamdaman mo kung gustong makipag-hiwalay sayo ng asawa mo dala-dala yung anak nyo? Siguro, araw araw nagdadasal yung asawa mo at nag-iisip kung papano ka nya papasayahin at tuluyan nang manatili sa kanyang piling. Yung iba hindi nakakarecover sa pag-kasawi dahil sa mga gantong nangyayari sa pamilya nila. Isipin mo na ito na ang bago mong pamilya, na mas importante pa sa dati mong pamilya. Mahal natin ang ating nanay, tatay, mga kapatid at iba pang kamag-anak, hinding-hindi ito magbabago. Pero kapag nag-asawa ang isang tao, ang bago nyang pamilya (asawa at mga anak) ang dapat nauuna, mas importante, at binibigyan ng atensyon. Kailangan mong maintindihan na lahat ng magagandang relasyon, pati na ang pagkakaroon mabuting pamilya, ay kinakailangan ng sakripisyo at nang pag-uunawa sa isa't-isa.

Kung ako yung asawa mo, siguro maiisip ko rin na sumama nalang ako sayo sa pilipinas para lang mapasaya ka eh. Pero, tulad ko hindi nya rin magagawa yun kasi kailangan nyang maghanap buhay para sa na rin sa inyo sa kasalukuyan. Sapalagay mo ba na makakahanap sya ng magandang trabaho sa Pilipinas para magkaroon kayo ng lahat ng bagay na kailangan ng inyong pamilya? So, hinding-hindi ka nya pwedeng sundan sa Pilipinas.

Isa pa, kung tuluyan kang mawawalay, sino ang magiging pamilya ng asawa mo? Sino sya? Pamilya pa rin ba yun? Gusto mo ba na mag-isa lang sya dito habang pinapadalhan kayo sa Pilipinas? O gusto mong makipag-divorce at wala ng pakialamanan? Kahit alin man ang nasa-isip mo, masakit parin yun bilang isang asawa at tatay.

Yung baby nyo, gusto mo bang lumaki sya ng walang tatay? O meron, pero nasa malayo?
Kapag lumisan ka, malaki ang posibilidad na makakahanap sya ng bagong asawa, na mas magmamahal sa kanya, syempre eto yung pagtutuunan nya ng pansin. Mawawalan na kayo ng kumunikasyon pagdating ng araw, at yung anak nyo ang unang-unang mahihirapan. Kung nandito yung anak nyo sa Japan marami syang oportunidad na makukuha, mas magandang edukasyon at mas magandang kinabukasan. Siguro ikaw makakahanap ka din ng iba kapag nasa pilipinas ka na, pero yung anak nyo siguradong mas gugustuhin nya yung tunay nyang tatay.

So unless na hindi mo na talaga kaya, pag-isipan mong maigi yung posibleng resulta ng gagawin mong desisyon. Good luck to you, and tumambay-tambay ka muna dito sa Timog para naman may makausap kang ibang Pilipino at hindi ka ma-bore. ;)

Be good, and gambare!:)

myukasky
04-11-2006, 11:01 PM
Tama sila homesick lang yan. Lahat naman tayo nagsimula sa ganyan pero darating din ang time na magugustuhan mo ang magstay dito sa japan. Di naman ganun kadali pero saan ba ang darating din yun. About sa divorce, parang ang hirap naman ng gusto mo. Wala naman yata ginawa masama yang asawa mo sayo para iwanan mo sya. Unang-una di ka naman yata pinilit ng husband mo na pakasalan mo sya. Kayong dalawa ng cousin mo ang nag-usap kaya bakit sa huli parang ang husband mo ang lalabas na kawawa. Yung utang na loob di naman nababayaran ng materyal na bagay yan. Bata ka pa iha marami pang darating na pagsubok. Ngayon pa lang sumusuko ka na paano pa yung ibang darating na pagsubok sa buhay mo? Katulad niyan pregnant ka, bakit di mo yan alagaan at siya ang tutulong sayo para makalimutan mo ang lungkot. Huwag ka magagalit ah, nasa iyo din kasi kasalanan bakit pumayag ka pakasal. Pero huli na kung magsisihan pa di pa? Nandiyan na yan kaya ang solusyon harapin. Malay mo sinusubukan ka lang ng nasa itaas kung hanggang saan ang tibay mo kaya huwag kang bibitaw at diyan lang sya sa tabi mo. At about sa pera na binabayad ng husband mo. Bakit di mo kausapin husband mo na wala sya dapat bayaran sa cousin mo. Pasyal ka lang dito sa TF at para medyo mawala yang lungkot mo. Bat di mo request sa husband mo na dalin dito nanay mo para ipagluto ka at mawala na rin yang lungkot mo. Goodluck and Omedetou sa baby:D Ingatan mo sya Angel ng buhay mo yan:p

proud me
04-12-2006, 12:47 AM
hi!cute4ever...iha yong mga pinoproblema mo isang tabi mo muna isipin mo muna yong dinadala mo hindi kana nag iisa merong buhay na umaasa na mabuhay sya dito sa mundo...siya ang bigyan mo ng pansin...pag lumabas na siya meron kanang magbibigay sayo ng lakas loob...atsaka mo isipin kung ano ang makakabuti sa iyo at magiging baby mo at sa asawa mo.yong nihonggo unti unti matututo karin...hindi mo naman siguro dapat madaliin yan...ang madaliin mo sa ngayon yong kung paano ka at si baby maging malusog alagaan mo ang sarili mo at si baby ha.:food:

Stacie Fil
04-12-2006, 03:53 AM
Hello cute4ever,

When I first came here in Japan, diyan din ako sa Tochigi first nag stay. Ganyan na ganyan din ang feeling ko at talagang nakaka bagot. Lumalabas naman ako araw araw (kaso inaka ang paligid,he,he,he.) and Im always looking for something to get busy with(marami akong nakitang variety nang insect,birds and snake :p ).

Ngayon, almost 6 years na rin ako sa Japan, pero ganoon pa rin...paminsan minsan. :D I guess tama sila. Siguro eh, lagi ka na lang muna tumambay dito sa TF. Marami kang matututunan dito that might help ease up a bit of your life. Huwag kang malungkot and find a way to better your relationship with your husband. Siya ang friend at best na kakampi mo dito.

Mahirap sabihin ito, pero for your health and baby's sake, try to forgive your cousin. Malaking pabigat sa iyo ngayon yang hinanakit. Isang tabi mo muna kung maggawa mo. Focus on your adjustment like studying the langguage and culture of your new environment.

If there is a good chance, then ask your husband to come together in the Phil. I know he understand your feeling. I hope you'll get better soon.

gemini_19
04-12-2006, 06:05 AM
sa pagninilaynilay ko sa thread mo heto lang ang masasabi ko.................. ...........

first, kausapin mo ng masinsinan ang pinsan mo tungkol sa 2million yen na binabayaran kamo ng asawa mo.......malay mo di lang kayo nagkakaintindihan ng asawa mo dahil sabi mo di ka pa marunong masyado sa nihonggo. baka naman yan ay mga ginastos ng pinsan mo simula ng ipakilala ka niya, hanggang makasal kayo at lahat ng processing ng papers mo papunta rito. try to reach her.

second, medyo may pagka wagamama ka, bakit? nabanggit mo na kung di sa luto ng mama mo di ka makakain..........ng ayong may asawa ka na bakit di mo pag aralang magluto, kahit siguro filipino ang mapangasawa mo kung di mo ipagluluto o di ka matututong magluto ano ang kakainin ninyo? dito sa japan ay kailangan nating mabuhay ng mag isa i mean yong walang suportang manggagaling sa nakamulatan natin sa pilipinas, kailangan marunong tayong maging independent. huwag mong sayangin ang buhay mo, lalo na ngayon na dalawa na kayo dito.

third, kung ikaw ay makikipaghiwalay sa asawa mo, paano na ang isisilang mo? ibibilang mo ba siya sa mga batang walang kinagisnang ama? napakaramot mo kung gagawin mo yan sa bata. wala kang inisip kundi sarili mo, dahil lang sa kagustuhan mo pati bata idadamay mo pa?

alam mo pagkakataon mo na at para mabago ang buhay mo dito, siguro may care lang ang pinsan mo sa iyo kaya pinag aral ka, pinag asawa ka ng hapon at siguro naman kilala niya ang napangasawa mo kaya ginawa niya yon................. ikaw na ang didiskarte ngayon dahil meron ka nang responsibilidad bilang asawa at magiging ina. pag aralan ang buhay may asawa. unang-una matutong magluto ng pagkain nila, kung marunong kang magluto natural kakainin mo di ba?. pangalawa pag aralan ang lenggwahe nila, para ng sa ganon hindi ka feeling nag iisa at helpless. kaya mo lang kasi na mimiss sa atin dahil sa di ka pa maka adopt sa buhay dito..............pa glahat nalampasan mo yan siguro ikaw na halos ang umayaw sa pag uwi sa pinas.

i hope na isa lang ito para makatulong sa iyo, pag aralang mabuti ang mga hakbang bago mag desisyon, para walang nasasagasaan.

nearane
04-12-2006, 07:22 AM
Hello cute4ever,

mahirap ang kalagayan mo ngayon dahil bago ka nga dito at nasa adjustment period ka, huwag lang pabigla-bigla sa pagdedesisyon. kalilangan din na alagaan mo ang sarili mo at yong magiging baby mo.

kung gusto mong magrefresh at makakilala ng mga pinoy, meron kaming english/international mass sa ashikaga catholic church sa sunday. 11am ang mass (10am next month) at maraming filipino na sumisimba. sa sunday pala ay easter sunday kaya special ang mass. meron palang party/celebration after ng mass dahil easter sunday nga. baka gusto mong makakain ng filipino foods na libre, punta ka sa linggo. katabi lang ng niseki byo-in (red cross hospital) ang ashikaga church. sige intayin namin kayo sa sunday. madali mo pala akong makikilala dahil ako ang naka schedule ng commentator sa mass sa sunday.

http://www.saitama-daichan.net/ashikaga.htm

lenemen
04-12-2006, 08:52 AM
:rolleyes: Hello Cutie,
Sa tingin ko ay feel mo nag-iisa ka lang sa mundo mo ngayon. Dahil nga hindi ka marunong mag communicate sa paligid mo since di ka pa bihasa sa nihonggo. "CULTURE SHOCK" at HOMESICKNESS" ang dinaranas mo sa ngayon. Siguro naman halos lahat ng bumibisita sa TF ay pinagdaanan ito, pero paunti-unti ma o-overcome mo rin ito nasa sa iyo na lang kung sisikapin mong matuto.
Kung wala ka pa , magpabili ka ng Dictionary; 1. English-Japanese (Eiwa Jisho) 2. Japanese-English(Waei Jisho i) both yan request mo na Romaji , meron kasi na for Nihonjin ay kanji or katakana written ang meaning. Mas mabuti sumama ka sa asawa mo sa bookstore para ikaw na pumili. Kahit kasi di mo masabi in full sentence gusto mong sabihin kahit in one word mo lang mag kakaintindihan kayo ng kausap mo. Manood ka ng TV (japanese) may mapi-pick up ka ring language na matututunan mo kahit isa lng per day, itabi mo lang lagi dictionary mo.
Sabi na nga ng marami sa mga TF members mag aral kang magluto kahit Fil. foods at nang hindi maging malnourished BABY mo nasa delicate stage palang cia, malaki pa possibilty makunan ka pag ganyang mahina resistencia mo kawawa naman cia. Kung mga Fil. foods siguro naman ay maraming alam pinsan mo at matagal na dito. Tutal naman nariyan na yan ikaw naman gumawa ng desisyon na pumayag sa alok na mag asawa ng Hapon, ikaw na ang a
ng dapat mag adjust. Ika nga "When you*re in ROME, do what tha ROmans do".
Kalimutan mo muna lasa ng luto Mama. Ikaw na dapat ngayon mag create ng iyong original na lasa para iyan ang kamulatan ng magiging mga anak mo. It"s your turn now, my dear, para pag uwi mo ng Pinas ikaw magluto para sa Mama mo matutuwa cia.
By the way, matanong ko lang kung mabuti ba naman trato ng asawa mo sa iyo? Mabait ba cia sa iyo? Yun mga In-laws mo may communication ba sa iyo? Nag pupunta ka ba sa mga simbahan (meron ba malapit sa inyo) Kung sa tantiya mo ay hindi ka naman pababaya-an ng asawa mo, try to ba a good wife to him by doing your tasks as a housewife. Pag nag mukmok ka lalo ka lang hindi makakapag-isip ng maganda. Lumabas ka ng bahay (huwag lang masyadong magpapagod at nasa DELICATE STAGE pa lng nga dinadala mo) lakad-lakad ng mahinay, stroll around lng sa paligid ng neighborhood mo.
Ngayon in the end despite of your stuggles to adopt the system here at hindi mo pa rin ma take, well, nasa sa iyo na ang final decision. Isipin mo lang maigi ang mga magiging consequences para magsisi man wala kang sisihing iba kundi sarili mo na rin. Siguro ay isang lesson na rin sa iyo yang pagtanaw mo ng utang na loob sa pinsan mo di mo naisip noon na magiging lifetime commitment ang papasukan mo at hindi kayang pantayan ng pera o utang na loob ang pag-aasawa. Kaya sana naman this time ay 100 times mong timbangin muna ang mga bagay-bagay lalo na sa magiging anak mo bago ka mag desisyon ng final.
Di ko sure kung may na i-contribute ako sa problema mo, please huwag ka lng ma-offend ha? Am just concerned dahil napag daanan ko rin yan kaya alam ko KAYA MO YAN!!!!
KEEP UP! and GOD BLESS!!!!:food: :band:

picty8
04-12-2006, 08:27 PM
Hi cute4ever! welcome to tf! tama si lenemen...HOMESICK AND CULTURE SHOCK lang yan at lalo pa't buntis ka ngayon dala din yan ng hormonal change dahil sa iyong pagbubuntis...naiint indihan kita sa sitwasyon mo, dahil nanggaling din ako sa sitwasyon mo, pero choice kong mag-asawa ng hapon and love ko naman ang hubby (cchharring!)anyway, wag mong pahirapan ang bata sa tiyan mo walang kasalanan yan...dapat kumain ka and wag kang padala diyan sa feelings mo day! to tell you, in my experience dahil nagpadala ako sa feelings ko noon at ayaw ko ring kumain tignan mo tuloy kami ng baby ko fifty-fifty naipanganak ko ng 7 mos. premature sya and ako din muntik ng madedbol at di pa yan mas lalong lumaki ang problema dahil ang laki ng bill namin sa ospital..aba 3 mos yata sa incubator ang anak ko buti na lang awa ng diyos ok na sya ngayon, kaya ikaw day wag kang maging selfish and sarili mo lang iniisip mo. KAYA MO YAN! SABAYAN MO NG DASAL!

PILIPINAS
04-12-2006, 09:29 PM
cute4ever, where are you? post ka naman. nag-aalala kami dito sa TF....

nikkichibi
04-12-2006, 10:31 PM
cute musta ka na , wag ka nang malungkot, andito kaming lahat para sa yo , gusto mo pm mo sa aking ang phone no. mo araw arw kitang tatawagang para my kausap , ka , tuturuan din kita ng nihongo para mawala ang homesick mo , kain ka marami kahit wala kang gana pilitin mo para sa baby mo kc kawawa naman sya eh ,alam mo buti ka nga at mgkakaron na ng baby ako nga matagal ko ng pangarap mg kaanak pero hangan ngayon ay wala pa rin , pero di na ko umaasa , kasi wala na yung kaliwang ovary ko kya malbo na kong mag kaanak , pero ikaw masuwerte ka at mg kaka baby na kya ingatan mo pareho ang sarili nyo , pry ka lang ky lord , dont worry malalampasan mo din lahat ng problem mo, god bless you .

Hungry eyes
04-12-2006, 11:53 PM
Hello @cute4ever, how are you.? wala ka yatang reply.? eat well for the sake of your baby and for you as well....na culture shock ka,and homesick at the same time plus preggy ka pa...but i know you can make it as we do..lahat tayo dumadaan sa ganyan ..adjustment period kasi..sana lang ingatan mo sarili mo..dont think too much...you see ang daming nag aalala sa iyo dito...knowing na we are anonymous to each other..

do pray to god and he will guide and bless you.. and i wish matutunan mo din mahalin hubby mo.mukhang mabait naman eh..alam ko hindi porke mabait madaling mahalin..pero nandyan na yan eh,pumayag ka na walang pumilit sa iyo..so try to do your best to work out your relationship with your husband,

mahirap maging single mom..magiging mom kana kaya kailangan iparamdam mo sa baby mo na mahal mo sya..at happy ka kasi sya unang una makakaramdam noon dahil anak mo sya at nasa sinapupunan mo sya...be strong..god bless you and your baby..nasa iluwal mo syan healthy...see you around.and keep posting.:)

paykz
04-13-2006, 12:44 PM
Hi!cute :) tama nga sila naho-homesick ka lang,ganyan talaga sa umpisa marami kang adjustments na gagawin ako nga till now hindi kumakain ng Japanese food :D kaya kahit di ko alam masyado magluto ng Filipino food nag ga-ganbatte ako para maaliw kana rin & wag kalimutan tumawag sa Diyos kasi siya lang maaasahan natin dito lalo pa at may isang nabubuhay diyan sa sinapupunan mo its a gift from God...im sure pag labas nyan mababago lahat ng moods mo ;) ingat ka lagi & Godblez...

luke
04-14-2006, 09:26 PM
hi cute, why dont you invite your mother or your sister to come over thru visiting relative visa, para me mag-aalaga sayo while your still pregnant till manganak ka.. at para mawala nrin yang lungkot mo..... please take their all advice's, be positive and take care:king:

tadashi
05-07-2007, 04:41 PM
alam mo homesick lang yan ako nga marunong ng magnihonggo bago magpakasal saka mahal ko p pinakasalan ko n homesick p ako saka gusto ko n umuwi saka nangayayat din ako kasi di ako sanay sa food ng hapon pro unti unti matutunan mo lahat ng yan take a look sa positive side andito ka sa japan pwede kang magwork pag nakapanganak maraming opportunity...saka sana wag kang maging childish sana isipin mo yung baby mo ayaw mo pala bakit nagpabuntis ka??saka imposible ayaw mo from the start knowing filipino pag sinabi na magpapakasal sa foreigner ok agad sorry kung masakit ha?? tungkol sa cousin mo siguro ignore mo muna ngaun ang mahalaga mag aral k muna ng nihonggo tapos pag marunong kana saka mo malalaman kung tutuong nagbayad sa kanya hubby mo kasi diba sabi mo di ka marunong maghapon so pano mo nalaman na nagbayad hubby mo??kung pagkaing lang iniisip mo may masasarap na pagkaing hapon try mo mag yakiniku o kung gusto mo talaga filipin fud pwede namang mag order..pagbibigyan ka naman cguro husband mo..

nasty
05-07-2007, 06:21 PM
hello cute san ,,sa dami ng advices sayo ng mga ka TF natin sana maging ok ka na ,,wag kang masyadong mag isip ng nega and wag mong isipin yung kung ano ang wala sayo dito,,,isipin mo kung ano ang meron ka na wala ang ibang tao,,,,every baby is a blessing,,,,ganyan din ao nung buntis ako ,,kaya naging iyakin anak ko ,,dapat lagi kang masaya:lol: :lol: :roll: :roll: :lol: :roll: :roll: para masayahin din baby mo paglabas

LORIE
05-07-2007, 06:50 PM
Hello Cute...:wavey: saan ka na di ka na nagparamdam dito nag alala na :confused: kami sayo.Cute,, Pray u always para ma overcome yang homesickness mo at ipagdasal rin kita para ma overcome mo yan..
Alam mo parehong pareho tayo ng expercience , pero di nag babayad si habibi sa pagshokai sa amin, yong sitwasyong feeling ko ako lng mag isa sa mundo walang kasama. buti ka pa nga nakapag tourist visa ako spouse visa agad:O .
Noong dumating ako dito im 1mon preggy ako lahat ng bagay na nakikita ko iba sa nakasanayan ko sa pinas mula sa pagligo, kain at iba pa , at higit sa lahat sa salita , lahat ng uri shock ata yon ang naramdaman ko noon, walang araw na di ako umiiyak :cry: dahil kasi nga lahat iba, humantong pa nga sa sitwasyong muntik na akong mag laslas ng pulso at tutokan ko si habibi ng kutsilyo para lng pauwiin ako sa Pinas at makakain lng ako kahit pa may pagkain inihanda nya di ko ma take yong amoy kasi hinahanap ko luto ni nanay kagaya mo rin, bunso ako sa limang magkakapatid so mamas girl rin.
At di kalaonan na overcome ko lahat yon cute sa pananlig ko sa Kanya.
E-apply mo lahat ng advice nila dito sa sinulid mo at sigurado ako/ kami na malalagpasan mo lahat ng stress.
So Cute, the most powerfull sword is PRAYER , cheer up ok.... pa hugggg nga :grouphug: group pa yan ha kami lahat yan na kapamilya mo dito sa TF...:)


P.S. Paramdam ka naman cute..........?