View Full Version : OKATOKAT
kaori
04-12-2006, 11:00 PM
Matagal ko na kinikimkim itong aking nararamdaman dito sa aming house.3years ago,habang naglilinis ako sa loob ng house,kung anu-ano kababalaghan ang aking naranasan,nandung humangin na wala namang hangin na panggagalingan,tapos habang naglalampaso ng sahig,biglang may dadaan sa may likuran ko,wala naman ako iba kasama,ang ikinagulat ko pa,tumunog yung alarm clock,hinahanap ko kung nasaan,nasa may bintana pala,ang masaklap pa,ng ma-off ko na yung alarm clock,napansin ko wala naman pala battery,nyee...:eek: .nabitawan ko tuloy.
Then after several months,nasa kitchen naman ako naglilinis,may nakasabit akong wind chimes sa may counter,bird na nasa cage,plastic lang naman cya,bigla naman po kamong nag-tweet-tweet.wala naman hangin.tiningnan ko naman yung battery nya,luma na rin,tinesting ko sa ibang alarm clock,nde na pede luma na.pero ibinalik ko ulit baterya dun sa windchime.
Year 2005 naman,New Year,dito natulog mga pinsan ko,anim sila,kwentuhan kami,weyt namin na mag alas dose.hanggang sa makatulog na kami lahat,pero yung dalawa kong pinsan,nagising kasi bumukas naman yung component,tumugtog yung cd.pero deadma lang ako,parang nasanay na rin kasi ako.Sumunod naman natulog dito sa house namin yung mga friends ko,gabi na kwentuhan pa rin kami,inabot na kami ng 2a.m.,hanggang yung iba nakaramdam ng may bumababa sa may hagdanan,takbo sila,silip nila baka nagising daw mga anak nila,pagsilip nila wala naman.deadma ulit,pamaya-maya may nadinig na naman sila na may naglalakad sa itaas naman,wala naman na gising na iba,tulog na lahat maliban lang sa amin na nagkukwentuhan pa sa ibaba,sa living room.Yoko naman kwento sa kanila baka matakot eh nde na matulog dito sa amin.Nang matulog na ako sa room ko,aba,akala ko tapos na kababalaghan,may pahabol pa pala,bigla nama bumukas ang ilaw sa room ko,may tali kasi yung ilaw ko para hihilahin ko na lang.Okey lang sana kung namatay yung ilaw,pede ko pa isipin na napundi bombilya,kaso bumukas nga ilaw:eek: .wow naman....pray ako,pray pa hanggang sa makatulog.
Two weeks ago,eto na naman windchimes ko,nag tweet-tweet na naman,ang baterya naman nya ay luma na ,tumutulas na pala.di ba ibig sabihin nun wala na power baterya?Dis time,nde na me nagpasindak,lumapit ako,saka ako nagsalita,sabi ko:doushita no?pero nakaramdam din me ng takot,pano kung bigla sumagot?ginawa ko tumawag na lang me sa pinsan ko kwento ko sa kanya.
Today,dis morning,eto na naman wind chimes ko,nde na tweet-tweet,nalaglag na mismo yung takip nung baterya.akala kung ano nalaglag.speechless ako,nde ko nagawa tumili.hanggang sa dumating yung friend ko speechless pa rin me.Ano kaya yun?sabi tuloy ng pinsan ko,baka magsalita yun hintayin mo.malay mo bigyan ka ng numero,tayaan mo sa lotto.sabi ko naman buti kung ganon nga,pano kung iba sabihin?TAKOT AKOOOO.....:eek: :eek: :eek:
DaVinci
04-12-2006, 11:10 PM
Wow, okatokat nga.....:D
PILIPINAS
04-12-2006, 11:10 PM
sa tingin ko marami ngang multo dito sa Japan, kase hindi sila masyadong religious. kaya pagnamatay sila, ang spirits nila, nag-ro-roam around lang kung saan saan. but i am not sure, about this. kindly correct me if I'm wrong. opiniopn ko lang naman ito.....
rhiverz
04-12-2006, 11:20 PM
sometimes parang may mga ganyan din ako nae experience...:eek:
pero minsan dinadaan ko na lang sa biro lalo n pag mag isa lng ako...
iniisip ko na lang hindi naman kami magkakaintndihan kasi iba language nya:D
pero minsan nakakatakot pa din lalo na pag naaalala ko ung 'd grudge' at saka 'd ring':eek:
Bangis
04-13-2006, 12:08 AM
Maraming mga ganyang pangyayari... na minsan iisipin mo bakit at pano nangyari? Para sa akin it's just your sub-conciousness effect.. lalo na pag-nag-iisa ka. Maraming mga bagay na pwedeng gawin ang isip hindi lang natin alam kung paano gamitin. Sabi nila "guni-guni" which is galing sa sarili mong isipan.. lalo na kung mahilig kang manood ng mga thriller or horror movies mabilis na nade-develop ang yong "guni-guni" sabi nga nila.
Sa sitwasyon na marami kayong nakaranas.. o nakaramdam ng pangyayari.. minsan kasi ang tele-kenetic ng tao nagkakapareho.. lalo na pag possesive ang isip nyo sa mga ganung bagay. kahit na sabihin natin na hindi mo naman sinasabi dun sa kasama mo pero iisa lang pala ang iniisip nyo. diba?
Ako rin takot ako sa mga ganyan, KUNG TOTOO! Ang pinaka-da best gawin is yong mag-pray ka at yong paniniwala mo sa Diyos.
:whistle: sipol ka na lang pag nakaramdam ka ulit.. hehehe..
hello sa inyo, talagang totoo yan, kahit san lupalop ka ng daigdig, meron nyan, pero sa awa ng diyos, wala pa naman ako mismo nakikita, kung meron man, tinatakot ko lang sarili ko....mukhang may kasama ka sa bhay mo kapatid.....ang the best dyan, dasal ka lagi, pa-bless mo sa pari ang bahay mo, (kung meron), or sa pastor......since christiano naman tayo at holy week ngayon, magandang isipin na tayo ay mga anak ng diyos.....god bless......( i will pray for you kapatid)
PS....patugtog ka ng christian songs sa bhay mo kung natatakot ka or ilabas mo bible, kng grabe na, patulong ka na sa pari or pastor or christian friends....god bless
kaori
04-13-2006, 12:44 AM

Salamat kapatid..nagpapatugt og nga ako madalas ng christian songs.at saka pangpatulog ko yung tape ng HOLY ROSARY.minsan naman wala,parang napapagod din cla noh?marami din me Holy Water,spray ko lang pag nakakaramdam na me ng nde maganda.
kaori
04-13-2006, 12:46 AM
Maraming mga ganyang pangyayari... na minsan iisipin mo bakit at pano nangyari? Para sa akin it's just your sub-conciousness effect.. lalo na pag-nag-iisa ka. Maraming mga bagay na pwedeng gawin ang isip hindi lang natin alam kung paano gamitin. Sabi nila "guni-guni" which is galing sa sarili mong isipan.. lalo na kung mahilig kang manood ng mga thriller or horror movies mabilis na nade-develop ang yong "guni-guni" sabi nga nila.
Sa sitwasyon na marami kayong nakaranas.. o nakaramdam ng pangyayari.. minsan kasi ang tele-kenetic ng tao nagkakapareho.. lalo na pag possesive ang isip nyo sa mga ganung bagay. kahit na sabihin natin na hindi mo naman sinasabi dun sa kasama mo pero iisa lang pala ang iniisip nyo. diba?
Ako rin takot ako sa mga ganyan, KUNG TOTOO! Ang pinaka-da best gawin is yong mag-pray ka at yong paniniwala mo sa Diyos.
:whistle: sipol ka na lang pag nakaramdam ka ulit.. hehehe..
Makuha ko pa kaya sumipol pag ninerbyos na me?tama ka ,pray lang ang katapat nyan.salamat kapatid.
Yujin
04-13-2006, 01:45 AM
Kaori
Pambihira naman yang experience mo dyan sa bahay ninyo. Makatindig balahibo.
Isa cguro sa solution sa problema mo is tangalin na ung windchime ninyo :)
at palitan na ng de kuryente ung alarm clock mo, paborito yata kasi nila galawin un
mga iyon :D BIRO lang ne. :). Konting joke lang para makalimutan ung mga nararamdaman mong kakaiba dyan sa inyon :)
Ganyan yata ang tinatawag nila dito na "Reikan no Tsuyoi hito" kaya meron kang
kung ano anong nararamdaman mo sa paligid.
Well gaya nang sabi nila dito sa thread Panalangin ang katapat nyan at ganundin
libangin mo na lamang ang iyong sarili sa pagbabad sa harap ng pc mo at pagbisita dito sa TF.
Ganbatte kudasai ne at God bless
striver
04-13-2006, 08:28 AM
sa tingin ko nandyan si SADAKO.. he he he:D
joke lang po, i think better to know the history of the place where you live. maybe there somehting happen in there bago kayo tumira dyan. just a tip, places with incident like that eh mura ang payment bill. so kung mura ang upa nyo, may kutob ako na meron ngang multo dyan. :)
oo nga ako din nakaexperience na din ng ganyan pero di ko nalang pinapansin,minsan nga may nagsasalita pa eh ala naman iba tao ako lang naman.madalas yong pinto bukas sara ala naman hangin sabi ng hubby ko obake daw,sabi ko naman hangin lang yon kahit lam ko hindi.pray nalang tayo lagi at di tayo pababayaan ni God,....ok....
kaori
04-13-2006, 09:07 AM
sa tingin ko marami ngang multo dito sa Japan, kase hindi sila masyadong religious. kaya pagnamatay sila, ang spirits nila, nag-ro-roam around lang kung saan saan. but i am not sure, about this. kindly correct me if I'm wrong. opiniopn ko lang naman ito.....
trulili ka jan...nde lang dito sa amin ang may ganito.yung iba rin naming mga neybor nakakaramdam din kaya lang deadma lang sila.sanay na siguro.kasi ang lalaki ng mga house dito,tapos mga luma pa.ang mga nakatira lang halos mga jiichan,baachan lang,kasi yung mga wakai ay lumalabas na ng inaka,nagpupunta sa tokai,ayaw dito sa inaka.
kaori
04-13-2006, 09:16 AM
sa tingin ko nandyan si SADAKO.. he he he:D
joke lang po, i think better to know the history of the place where you live. maybe there somehting happen in there bago kayo tumira dyan. just a tip, places with incident like that eh mura ang payment bill. so kung mura ang upa nyo, may kutob ako na meron ngang multo dyan. :)
palagay ko nga nandito si SADAKO:eek: :eek: .siguro kaluluwa yun ng wife ng hubby ko.siguro ayaw sa akin noh?maaga kasi nabyudo hubby ko bago ko cya nakilala.Nde ko naman masasabi na luma tong house,cguro mga ten years pa lang to.bago daw mamatay yung wife ni hubby nung ipnatayo nya tong house.seven years nang patay wife nya.siguro ayaw pumayag na mag-asawa pa hubby ko.three years pa lang me dito sa house nila.
kaori
04-13-2006, 09:22 AM
oo nga ako din nakaexperience na din ng ganyan pero di ko nalang pinapansin,minsan nga may nagsasalita pa eh ala naman iba tao ako lang naman.madalas yong pinto bukas sara ala naman hangin sabi ng hubby ko obake daw,sabi ko naman hangin lang yon kahit lam ko hindi.pray nalang tayo lagi at di tayo pababayaan ni God,....ok....
Ohayo Uvy san...oo nga pray na lang nga me,tapos every Sunday nagcicimba kami ni hubby.mamaya hapon din cicimba kami,kc may station of the cross sa church namin,bukas din may misa,sat.and sunday pala may misa din.Medyo nga nababawasan na ang mga paramdam.bihira na kc malaglag ang mga sandok sa kitchen.:eek:
rodem
04-13-2006, 10:48 AM
sarap naman tumambay sa haus mo... :O nakakatakot grabe... may third eye pa naman ako kaya nakakakita ko ng mga mumu... pero ok lang yan kasi habang natatakot ka sa kanila e lalo ka nilang tatakutin kaya the best thing to do is to ignore them... as if nothing happens... and syempre hingi ka ng guidance kay God... :)
@kaori
I had similar experiences at our old apartment. Pero "light" lang, hindi ganyan ka-grabe sayo. :D Halimbawa meron ding dumadaan sa likod na nararamdaman ko, pero wala namang tao. Minsan may nahuhulog na gamit na wala namang logical reason (walang outside force tulad ng hangin, lindol etc.). Try mo kausapin (telepathically, isipin mo lang) at sabihin mong welcome naman siya mag-stay basta wag ka lang tatakutin. :D
I believe in science. But I also acknowledge that the present level of scientific knowledge that humans have is not yet sufficient to provide a satisfactory explanation to the occult. Tulad ng sinabi ni Bangis, posibleng ikaw mismo ang may gawa ng mga yun (i.e. may konti kang telekinetic ability pero di mo lang ma-control). We can only but hypothesize.
Raiden
04-13-2006, 11:39 AM
@ kaori
"Ano ang nasa dakong paroon, bunga ng malikot na pag-iisip o halaw sa balintataw sa isang daigdig ng kababalaghan..."
Naaalala mo pa ba ang linyang ito? :D
Hindi ko na matandaan yung kabuuan nito eh.
Yujin
04-13-2006, 12:53 PM
@ kaori
"Ano ang nasa dakong paroon, bunga ng malikot na pag-iisip o halaw sa balintataw sa isang daigdig ng kababalaghan..."
Naaalala mo pa ba ang linyang ito? :D
Hindi ko na matandaan yung kabuuan nito eh.
Raiden
I think eto ang susunod :D kung tama ang memorya ko
" ..... di kayang ipaliwanag ngunit, alam mong nagaganap Nyaaaaaaaa!! "
hehe
kaori
04-13-2006, 01:11 PM
:D Raiden
I think eto ang susunod :D
" ..... di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap Nyaaaaaaaa!! "
hehe
:eek: :eek: :eek:
Raiden
04-13-2006, 02:28 PM
Raiden
I think eto ang susunod :D kung tama ang memorya ko
" ..... di kayang ipaliwanag ngunit, alam mong nagaganap Nyaaaaaaaa!! "
hehe
aaaahhhhhhhhhhhh!!! :yikes:
Yan na nga! Pinoy Thriller. hahahahaha :lol:
ayumi
04-13-2006, 10:21 PM
@kaori san,
parang pareho tayo...ngayong buwan na ito...sa sulok ng office namin me narinig akong sumitsit,napalingon ako,di ko binigyan ng kulay akala ko guniguni ko lang,kase ang tagal na namin sa building na yon,hanggang madaling araw nagtatrabaho ako mag-isa wala naman akong naransan na nakakatakot noon,pero mga after ilang days mga 10 pm me narinig na namang sumitsit sa akin sa me toilet naman,sumagot ako,sabi ko "naku! me sumisitsit na naman" naisip ko nga,naku me tama na yata ako,kung ano-anu naririnig ko.pero,last week,nung bumaba ako sa first floor at naiwan yung dalawang bagong pasok sa amin,pagbalik ko tinanong ako,kung me alaga ba daw ako? akala ko alagang aso,sabi ko OO dalawa,sagot naman nya.kaya pala,me sumisitsit sa akin eh,tatlong beses,tinuro nya dun din sa sulok ng building,tapos mula noon hanggang ngayon masama na pakiramdam nya....ANO kaya yun sabi ko?...ano kaya ibig sabihin nun?.....
kaori
04-13-2006, 10:45 PM

pag sumitsit uli sa iyo sigawan mo daw.nangyari sa akin yan,sinigawan ko,sabi ko:DOUSHITA???bihira na ako sitsitan.ngayon hapon nagpa-usok me ng insense na galing sa pinas,may nagpayo sa akin.pag daw pala madali matakot lalo kang tatakutin.kasi nakikita nila tayo.cla nde natin nakikita di ba?Dasal lang talaga ang panlaban natin.magbaon ka kaya ng asin sa bulsa mo lagi.may nagsabi sa akin na haponesa.totoo kaya yun?pero wala naman masama kung subukan,plus magdasal.
ayumi
04-13-2006, 11:38 PM
@kaori san,
nabasbasan mo ba ng holy water? umepekto ba? hayaan mo mula bukas maglalagay ako ng asin sa bldg. namin.saan ba nakakabili ng insense? di ba sabi mo minsan nahuhulog ang sandok sa kitchen,alam mo laging me ganun sa amin.di ko pinapansin...tsaka pag nagbubukas ako ng ilaw,laging me nasisira na isa,kaya lagi kaming nagpapalit ng ilaw..minsan naman pag me sinasabi ako na wala sa loob, na biglang mabigkas lang,nagkatotoo...li ke,minsan sabi ko sa kaibigan kong hapon na mag-ingat sya sa pag mamaneho ng motorbike kase abunai,alam mo ilang weeks nabangga talaga sya sa kanto ng bldg. namin,dalawang beses pa,imbes na matawa ako nung nagpakita sya sa akin,na-awa tuloy ako ...naku! marami pa,kaya lang mahaba pag i-kuento..minsan sabi sa akin ng asawa ko WITCH daw ako...?
hello mga friends....totoo talaga ang mga bagay na yan, mga kakaibang mga nilalang, pero usually ang napapansin natin ay ang mga dark vibes, evil atmosphere ba, why not mag focus tayo sa godly things, like guardian angel natin at syempre mga prayers natin.....naka-experience na pala ako mismo ng exorxists.....friend ko dati, ako ang nag pray over, di ko alam bago ako dumating dinala pala nila yung friend ko sa albularyo, at inayawan ng albularyo kasi di raw nya kaya yung bad spirit, pag dating ko, sabi nila may sakit lang daw sya, yun pala may sanib na, kaya ayun na pa dasal ako ng wala sa oras, yung tipong pang pelikula, sa awa ng diyos, di naman nang laban ang spirit, at dininig ni lord yung dasal ko......dun ko lang nalaman na kahit super bad ka pala, basta pray ka lang at humingi ng tawad, papansinin ka ni God, kasi yung mga time na yun, halos di na talaga ako, nag darasal tapos, exorcist pa ang na experience ko.....he he, totoo ito ha, di joke, at di rin ako born again or santo, just ordinary catholic.....gusto ko lang mag share....God bless sa lahat
ritzyu
04-14-2006, 10:11 AM
palagay ko nga nandito si SADAKO:eek: :eek: .siguro kaluluwa yun ng wife ng hubby ko.siguro ayaw sa akin noh?maaga kasi nabyudo hubby ko bago ko cya nakilala.Nde ko naman masasabi na luma tong house,cguro mga ten years pa lang to.bago daw mamatay yung wife ni hubby nung ipnatayo nya tong house.seven years nang patay wife nya.siguro ayaw pumayag na mag-asawa pa hubby ko.three years pa lang me dito sa house nila.
kaori san, me narinig na akong ganyang kwento, me nagpayo na wag munang baguhin
ang ayos ng bahay (mula ng dumating ka)..kurtina at mga decorations ay pwede pero
yung mga kasangkapan as is muna daw. Pagtapos mong maglinis kakausapen mo siya
yung talaga nasa puso mong pakikipag-usap..ipakita mo sa kanya di mo man malampasan
ang kanyang mga ginawang tungkulin noong nabubuhay pa siya, (siguro talagang daiji sa
kanya yan kaya di niya matanggap agad) pakita mo na me debosyon ka talaga na
mahalaga sa iyo ang mga naiwan niya. Pag me malungkot na parte ng bahay sabitan
mo ng frame, flowers or dikitan mo ng wall paper ng masaya ang coner,(wag salamen).
Pero kung ginawa mo ng lahat at nagpaparamdam pa rin :eek:.di na siguro abot ng esep ko
ang paliwanag diyan..multo na yan :rolleyes::eek:..... dasal kana lang palagi, kaori san.:)
japphi
04-14-2006, 11:47 AM
Naku Kaori...kinikilabuta n naman ako sa story mo.Kahit dito sa Japan may mga ganyan nga....isa na rin dito sa tirahan namin.
Sa ibang thread ay nasabi ko na rin na may dumadalaw noon sa pangalawang anak ko na kasing idad daw nya at nakikipag laro.Pero yun nga at kinakausap ko lang sa loob ko na okey lang sila dito(kasi kasama raw yung nanany nung bata,na lagi ay naka-pulang damit daw sila)kaya lang ay huwag naman sana nilang gawan nang masama ang anak ko o takutin sya.Unti unti ay nawawala sila.
Pero pwera pa doon...noong wala pa ang bunso namin....at ako lang lagi ang nasa bahay.....kung minsan ay may parang napapansin akong dumaan sa malapit sa akin....na talaga namang biglang may kilabot talaga akong mararamdaman sa ulo ko.Pero hindi ko pinapansin.
Tulad mo rin Kaori...may dalawang bird na de battery kami sa bahay na talagang luma na at hindi ko na pinalitan nang battery pero sayang naman kung itapon....may censor sya...pag dinaanan mo ay ...tweet...tweet ang tunog nila.Naku....kung minsan...ako lang mag-isa ay tutunog silang dalawa.....or halimbawa sa madaling araw ay tutunog sila.Pati asawa ko nga ay nagtataka at pinatatapon sa akin.Pero ayaw kong itapon....kasi para na akong nasanay na gusto ko ring malaman kung andoon sila...kung may spirits ngang ali-aligid dito sa bahay namin.
Sa hindi ko yata pag pansin o hindi ako natatakot....siguro nagsawa....unti-unti ring nawala...pero yung 2 birds ay andito pa rin at naka-display.Mag-pray ka lang o kausapin sa loob mo....kasi sabi nila kahit di natin sila nakikita...pero tayo nakikita nila at nababasa ang nasa loob o sa isip natin.
Noon naman 2 or 3 years ago na yata....sa may bandang Gifu yata yon ang nabalitang may Ghosts talaga sa apartment na bagong tayo....na talagang yung mga bagong lipat ay hindi mapakali sa araw-araw na pamumuhay nila.
Sa TV ay naging topic na yon eh....sa pang-umagang program.....ipinakit a pa nga yung video na kinunan...talagang biglang bubukas ang pintuan nang cabinet....mahuhulog ang pinggan or what na talaga namang mabibigla ka.....yung iba ay naglipat na rin dahil sa takot.
Yun pala....yung lugar nung apartment ay dati yatang lugar nang may mga namatay....hindi naman yata masasabing sementeryo pero may history na may mga namatay doon.
Bangis
04-14-2006, 02:19 PM
@kaori san,
parang pareho tayo...ngayong buwan na ito...sa sulok ng office namin me narinig akong sumitsit,napalingon ako,di ko binigyan ng kulay akala ko guniguni ko lang,kase ang tagal na namin sa building na yon,hanggang madaling araw nagtatrabaho ako mag-isa wala naman akong naransan na nakakatakot noon,pero mga after ilang days mga 10 pm me narinig na namang sumitsit sa akin sa me toilet naman,sumagot ako,sabi ko "naku! me sumisitsit na naman" naisip ko nga,naku me tama na yata ako,kung ano-anu naririnig ko.pero,last week,nung bumaba ako sa first floor at naiwan yung dalawang bagong pasok sa amin,pagbalik ko tinanong ako,kung me alaga ba daw ako? akala ko alagang aso,sabi ko OO dalawa,sagot naman nya.kaya pala,me sumisitsit sa akin eh,tatlong beses,tinuro nya dun din sa sulok ng building,tapos mula noon hanggang ngayon masama na pakiramdam nya....ANO kaya yun sabi ko?...ano kaya ibig sabihin nun?.....
Sana wag nyong isipin na bastos ako.. nadala lang ako ng malikot kung pag-iisip at udyok ng barkada tapos lasing pa..
ang kwento: Nagka-inuman kami sa bahay ng kaibigan ko na sa kalapit bahay nila may isang ladies boarding house.. Pader lang ang pagitan tapos halos taas lang ng tao yong pader at pwedeng akyatin.. Hindi ko alam kaya pala malimit dun mag-inuman yong mga kaibigan ko, meron silang napapaglibangan.. dun sa may bandang dulo ng bakod shower room ng boarding house, dun sila naglilibang.. may butas dun sa tapat ng shower room.
Sa madaling kwento.. nagtry akong maglibang.. since may inom ako.. parang walang epekto. habang nakasilip ako.. naiinip ako sa ginagawa nung nasa shower room.. SUMITSIT ako.. hehehe napasigaw yong nasa loob ang sabi "WAAAAA ATE MAY MULTO :eek: " sabay takbo palabas ng shower room naiwan yong towel sa loob.. hahaha.. :D
yun dahil sa kung anu-ano ang iniisip. hindi nya naisip na meron na palang naninilip.. hahaha
Tantadoooo ako noh... hehehe noon po yun... nung malikot pa isip ko.. nyahaha
kaori
04-14-2006, 03:14 PM
@kaori san,
nabasbasan mo ba ng holy water? umepekto ba? hayaan mo mula bukas maglalagay ako ng asin sa bldg. namin.saan ba nakakabili ng insense? di ba sabi mo minsan nahuhulog ang sandok sa kitchen,alam mo laging me ganun sa amin.di ko pinapansin...tsaka pag nagbubukas ako ng ilaw,laging me nasisira na isa,kaya lagi kaming nagpapalit ng ilaw..minsan naman pag me sinasabi ako na wala sa loob, na biglang mabigkas lang,nagkatotoo...li ke,minsan sabi ko sa kaibigan kong hapon na mag-ingat sya sa pag mamaneho ng motorbike kase abunai,alam mo ilang weeks nabangga talaga sya sa kanto ng bldg. namin,dalawang beses pa,imbes na matawa ako nung nagpakita sya sa akin,na-awa tuloy ako ...naku! marami pa,kaya lang mahaba pag i-kuento..minsan sabi sa akin ng asawa ko WITCH daw ako...?
ayumi san,opow..lagi ako nagbabasbas ng Holy Water sa bawat sulok ng hauz namin,bilis nga maubos isang bote ng Holy Water kc malaki hauz.ganun daw pag may hauz mate ka na mumu,palaging may napupundi na ilaw.kami kc madalas magpalit ng bulb ng mga ilaw.ay...!katakot ka naman pala...(jok,jok,pow) dapat pala wag ka magagalit kc pag nagsalita ka nagkakatotoo.:eek:
kaori
04-14-2006, 03:24 PM
kaori san, me narinig na akong ganyang kwento, me nagpayo na wag munang baguhin
ang ayos ng bahay (mula ng dumating ka)..kurtina at mga decorations ay pwede pero
yung mga kasangkapan as is muna daw. Pagtapos mong maglinis kakausapen mo siya
yung talaga nasa puso mong pakikipag-usap..ipakita mo sa kanya di mo man malampasan
ang kanyang mga ginawang tungkulin noong nabubuhay pa siya, (siguro talagang daiji sa
kanya yan kaya di niya matanggap agad) pakita mo na me debosyon ka talaga na
mahalaga sa iyo ang mga naiwan niya. Pag me malungkot na parte ng bahay sabitan
mo ng frame, flowers or dikitan mo ng wall paper ng masaya ang coner,(wag salamen).
Pero kung ginawa mo ng lahat at nagpaparamdam pa rin :eek:.di na siguro abot ng esep ko
ang paliwanag diyan..multo na yan :rolleyes::eek:..... dasal kana lang palagi, kaori san.:)
ganun?sabagay nung naglinis naman ako nagpaisan-tabi naman ako.para kcing bodega tong hauz,ang dumi.mas marami pang basura kesa sa gamit nila.ngayon bahay na hitsura nito,maganda na at malinis.nagtanim pa me ng mga halaman sa garden.loob at labas ng hauz may halaman na.kaya maganda tingnan.nde kaya nagseselos sa akin yung si Sadako na hauzmate namin?kasi mas marunong ako magluto,mas marunong ako maglinis sa kanya.wag naman sana.Curious lang pow,bakit wag salamin?masama yun?
kaori
04-14-2006, 03:29 PM
Naku Kaori...kinikilabuta n naman ako sa story mo.Kahit dito sa Japan may mga ganyan nga....isa na rin dito sa tirahan namin.
Sa ibang thread ay nasabi ko na rin na may dumadalaw noon sa pangalawang anak ko na kasing idad daw nya at nakikipag laro.Pero yun nga at kinakausap ko lang sa loob ko na okey lang sila dito(kasi kasama raw yung nanany nung bata,na lagi ay naka-pulang damit daw sila)kaya lang ay huwag naman sana nilang gawan nang masama ang anak ko o takutin sya.Unti unti ay nawawala sila.
Pero pwera pa doon...noong wala pa ang bunso namin....at ako lang lagi ang nasa bahay.....kung minsan ay may parang napapansin akong dumaan sa malapit sa akin....na talaga namang biglang may kilabot talaga akong mararamdaman sa ulo ko.Pero hindi ko pinapansin.
Tulad mo rin Kaori...may dalawang bird na de battery kami sa bahay na talagang luma na at hindi ko na pinalitan nang battery pero sayang naman kung itapon....may censor sya...pag dinaanan mo ay ...tweet...tweet ang tunog nila.Naku....kung minsan...ako lang mag-isa ay tutunog silang dalawa.....or halimbawa sa madaling araw ay tutunog sila.Pati asawa ko nga ay nagtataka at pinatatapon sa akin.Pero ayaw kong itapon....kasi para na akong nasanay na gusto ko ring malaman kung andoon sila...kung may spirits ngang ali-aligid dito sa bahay namin.
Sa hindi ko yata pag pansin o hindi ako natatakot....siguro nagsawa....unti-unti ring nawala...pero yung 2 birds ay andito pa rin at naka-display.Mag-pray ka lang o kausapin sa loob mo....kasi sabi nila kahit di natin sila nakikita...pero tayo nakikita nila at nababasa ang nasa loob o sa isip natin.
Noon naman 2 or 3 years ago na yata....sa may bandang Gifu yata yon ang nabalitang may Ghosts talaga sa apartment na bagong tayo....na talagang yung mga bagong lipat ay hindi mapakali sa araw-araw na pamumuhay nila.
Sa TV ay naging topic na yon eh....sa pang-umagang program.....ipinakit a pa nga yung video na kinunan...talagang biglang bubukas ang pintuan nang cabinet....mahuhulog ang pinggan or what na talaga namang mabibigla ka.....yung iba ay naglipat na rin dahil sa takot.
Yun pala....yung lugar nung apartment ay dati yatang lugar nang may mga namatay....hindi naman yata masasabing sementeryo pero may history na may mga namatay doon.
elow japphi...!nde mo pa rin nitapon yung mga birds mo?tinanngal mo na baterya?ako din bakit kaya nde ko maitpon-tapon yun.parang Bagua noh.kaya ayoko magkabit ng Bagua,kc napanood ko yung feung shui.TAKOT AKOOOOO....
kaori
04-14-2006, 03:30 PM
:eek: Naku Kaori...kinikilabuta n naman ako sa story mo.Kahit dito sa Japan may mga ganyan nga....isa na rin dito sa tirahan namin.
Sa ibang thread ay nasabi ko na rin na may dumadalaw noon sa pangalawang anak ko na kasing idad daw nya at nakikipag laro.Pero yun nga at kinakausap ko lang sa loob ko na okey lang sila dito(kasi kasama raw yung nanany nung bata,na lagi ay naka-pulang damit daw sila)kaya lang ay huwag naman sana nilang gawan nang masama ang anak ko o takutin sya.Unti unti ay nawawala sila.
Pero pwera pa doon...noong wala pa ang bunso namin....at ako lang lagi ang nasa bahay.....kung minsan ay may parang napapansin akong dumaan sa malapit sa akin....na talaga namang biglang may kilabot talaga akong mararamdaman sa ulo ko.Pero hindi ko pinapansin.
Tulad mo rin Kaori...may dalawang bird na de battery kami sa bahay na talagang luma na at hindi ko na pinalitan nang battery pero sayang naman kung itapon....may censor sya...pag dinaanan mo ay ...tweet...tweet ang tunog nila.Naku....kung minsan...ako lang mag-isa ay tutunog silang dalawa.....or halimbawa sa madaling araw ay tutunog sila.Pati asawa ko nga ay nagtataka at pinatatapon sa akin.Pero ayaw kong itapon....kasi para na akong nasanay na gusto ko ring malaman kung andoon sila...kung may spirits ngang ali-aligid dito sa bahay namin.
Sa hindi ko yata pag pansin o hindi ako natatakot....siguro nagsawa....unti-unti ring nawala...pero yung 2 birds ay andito pa rin at naka-display.Mag-pray ka lang o kausapin sa loob mo....kasi sabi nila kahit di natin sila nakikita...pero tayo nakikita nila at nababasa ang nasa loob o sa isip natin.
Noon naman 2 or 3 years ago na yata....sa may bandang Gifu yata yon ang nabalitang may Ghosts talaga sa apartment na bagong tayo....na talagang yung mga bagong lipat ay hindi mapakali sa araw-araw na pamumuhay nila.
Sa TV ay naging topic na yon eh....sa pang-umagang program.....ipinakit a pa nga yung video na kinunan...talagang biglang bubukas ang pintuan nang cabinet....mahuhulog ang pinggan or what na talaga namang mabibigla ka.....yung iba ay naglipat na rin dahil sa takot.
Yun pala....yung lugar nung apartment ay dati yatang lugar nang may mga namatay....hindi naman yata masasabing sementeryo pero may history na may mga namatay doon.
elow japphi...!nde mo pa rin nitapon yung mga birds mo?tinanngal mo na baterya?ako din bakit kaya nde ko maitpon-tapon yun.parang Bagua noh.kaya ayoko magkabit ng Bagua,kc napanood ko yung feung shui.TAKOT AKOOOOO....:eek:
kaori
04-14-2006, 03:32 PM
hello mga friends....totoo talaga ang mga bagay na yan, mga kakaibang mga nilalang, pero usually ang napapansin natin ay ang mga dark vibes, evil atmosphere ba, why not mag focus tayo sa godly things, like guardian angel natin at syempre mga prayers natin.....naka-experience na pala ako mismo ng exorxists.....friend ko dati, ako ang nag pray over, di ko alam bago ako dumating dinala pala nila yung friend ko sa albularyo, at inayawan ng albularyo kasi di raw nya kaya yung bad spirit, pag dating ko, sabi nila may sakit lang daw sya, yun pala may sanib na, kaya ayun na pa dasal ako ng wala sa oras, yung tipong pang pelikula, sa awa ng diyos, di naman nang laban ang spirit, at dininig ni lord yung dasal ko......dun ko lang nalaman na kahit super bad ka pala, basta pray ka lang at humingi ng tawad, papansinin ka ni God, kasi yung mga time na yun, halos di na talaga ako, nag darasal tapos, exorcist pa ang na experience ko.....he he, totoo ito ha, di joke, at di rin ako born again or santo, just ordinary catholic.....gusto ko lang mag share....God bless sa lahat
dr.j san,thanks for sharing...
ritzyu
04-14-2006, 10:53 PM
ganun?sabagay nung naglinis naman ako nagpaisan-tabi naman ako.para kcing bodega tong hauz,ang dumi.mas marami pang basura kesa sa gamit nila.ngayon bahay na hitsura nito,maganda na at malinis.nagtanim pa me ng mga halaman sa garden.loob at labas ng hauz may halaman na.kaya maganda tingnan.nde kaya nagseselos sa akin yung si Sadako na hauzmate namin?kasi mas marunong ako magluto,mas marunong ako maglinis sa kanya.wag naman sana.Curious lang pow,bakit wag salamin?masama yun?
Malinis ka naman pala sa bahay, ay dapat naman linisin na pala tiyak ginubat na yang
bahay dahil sabi mo nga pitong taon na ang hubby mo lang tumitira diyan, pero me nag-
paparamdam pa ren. Pag kasi malungkot ang lugar o medyo madilim, nilagyan mo ng salamen,
lagi kang magugulat pag nakita mo sarili mo, parang laging iba ang dateng sa iyo, lalo na at di nasisinagan ng araw ang lugar ng pinagkabitan mo...baka magkasaket ka pa sa puso
mahirap na. Mahirap kalaban daw ang guni-guni...magdasal ka palagi at wag kang papatalo
sa mga kutob ng loob mo. Nasasabi ko lang siguro ito dahil hindi ako ang nasa lugar mo :(
Pero malakas ang loob mo, kaori san..ituloy mo lang mga routine mo.. Ganbatte ne!
kaori
04-15-2006, 11:19 AM

Ritzyu san akala ko pamahiin na bawal maglagay ng salamin.buti na lang napatawa mo me.minsan nga nde ko na alam ang gagawin ko,parang mapapa-praning na me.buti na lang nakakapag-cimba ako,kundi baka praning na me dito.:p
honey
04-15-2006, 02:36 PM
HI kaori! :wavey:
eto wento ko!Nagtrabaho ako isa sa mga club dito sa japan.Habang nakasakay ako sa van nakatingin ako sa labas at tumingin sa dagat may mga barko kasi at parang pier na natatanaw ng mga mata ko hanggang malagpasan namin yung dagat at matanaw ko yung tulay mataas sya sa pagkakatingin ko maganda kasi yung tulay na yun e maliwanag at nakikita yung dagat.Laging ganun ang ginagawa ko pauwi at papunta ng club.Nun pauwi na kami nakita ko sa taas nang tulay na may nakatayong lalaki nakasampa mismo sa harang parang tatalon sya na ewan basta nakatingin sya sa dagat e! nun makita kong tatalon napatayo ako....nararamdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin yun pala nanaginip ako umuungol daw kasi ako hindi ko akalain na nakatulog ako ng mga oras na yon at napatingin ako sa bintana ng van padaan pa lang pala kami sa tulay.Kinabukasan ulit hindi na talaga ako natulog at hinintay kong matingnan yung tulay hindi na sya panaginip totoo na sakto sa panaginip ko tumalon sya.Natakot ako sa nakita ko ipinikit ko na lang mata ko at binalewala hanggang maikwento ko sa Lider namin na may nakita ako sa tulay na tao tumalon sya....nagulat ngayon yung lider namin at ipinakwento nya sa akin ang nakita ko...NANGYARI PALA TALAGA:eek: nagpakamatay yung isa sa mga costumer ng lider namin dun sa tulay na yun.Kahit malayo ako sa pamilya ko sa pinas minsan nalalaman ko ang mga malungkot o bago pa mangyari sa buhay namin ng dahil sa panaginip ikwento ko sa inyo sa susunod mga nagkatotoo kong panaginip...
Mga multo grabe multo dito talagang nanggagambala sila saka ko na rin ikukwento ang tungkol sa multo dito sa japan......
kaori
04-15-2006, 02:45 PM
@honey san,cge weyt namin ha.
kaori
07-01-2006, 12:06 AM
Last Wednesday,bago matulog ay nag-walking ako,sumama si habibi sa akin.Gabi-gabi sinasamahan nya ako sa walking ko,gusto rin yata pumayat,eh payatot na si Mr.Suave.Madilim sa lugar na dinadaanan ko,para kasing mga walang nakatira sa mga bahay-bahay dito.9:00 pm pa lang madilim na sa mga bahay-bahay.Talagang inaka nga.
May nadaanan kaming isang lumang bahay,matagal na walang nakatira dun.Namatay na may ari,ang mga anak naman ay nag-alisan na rin,once a year na lang yata pinupuntahan ng mga anak yung hauz para linisin.Ayaw namang ibenta or walang gustong bumili.Pag daan namin napansin ni habibi,may sindi daw ang ilaw sa ibaba ng hauz.Bakit kaya?wala naman ng nakatira dun.so,tsismoso tong habibi ko,nilapitan yung hauz,sinilip sa bintana.Ako naman napasunod din.Pero bago ako nakalapit sa bintana,sumigaw na si habibi..:eek: :eek: :eek: Nagtatakbo....ako din napatakbo,nagulat talaga ako sa sigaw ni habibi...ang nangyari pa nagkahiwalay kami ng takbo...dun sya sa kaliwa napatakbo ako naman sa kanan napatakbo.Binitbit ko na tsinelas ko kasi parang mabigat ang tsinelas ko.Lalo naman ako natakot kasi ang natakbuhan ko ay madilim...Gusto ko na maiyak:cry: .Buti na lang napansin ko na palapit na ako sa bahay ng Auntie ni habibi..doon ako tumakbo..nagulat yung mga tao dun sa bahay ng Auntie ni habibi.Sabi nila,doushita no?siguro namumutla ako...may nagtanong pa,kenka shita no?Nde pa rin ako nakibo.Napa-upo na ako sa genkan nila.Ginawa ng pinsan ni habibi tumawag dito sa bahay,nandito na si habibi,humihingal pa.Sinundo na ako,nagkuruma na sya.Tinatanong na kami kung ano daw ang nangyari.Kwento na si habibi,sabi nya kasi daw nung pagsilip nya sa bintana may nakaupo daw na obaasan,eh yung obaasan na yun ay matagal ng patay.ako kasi nde ko naman nakita,kasi nga bago ako makasilip sumigaw na at nagtatakbo na sya...para bang Andres Bonifacio..atapang atao...atulin atakboooo....:D :D Naniniwala naman sila sa kwento habibi...kasi kung nde totoo yun nde daw tatakbo,kalalaking tao daw....
Kahapon nde na ako nagwalking....ngayon din nde na..inaaya ko si habibi ayaw na rin ...Haaayyy...naku po naman talaga...ayaw talaga yata ako papayatin...baka ang mangyari imbes na papayatin ako ay papatayin na lang ako sa nerbyos....:eek: :eek:
ano ba yan!nagyayari sayo dyan!!katakot naman:eek: wag mo nalang kaya silang pansinin...[kaya lang katakot parin!!!]omoshiroii jan sa inyo ha!!tamang tama mag sasummer na mainit.magandang pang palamig to! !!!:eek: .kakatuwa naman yung karanasan mo at ni habibi mo:D may trill!!...[ot lang po kaori san:p :sweeties: may kukuwento rin ako ha sandali lang~~~~~~~~~
puting tainga
07-02-2006, 04:41 AM
>Better to know the history of the place where you live. Maybe something happened there bago kayo tumira dyan.
Good idea.
Such a multo is called Jibakurei (地縛霊)in Japanese.
It means the spirit is bound to that place.
There are many Jibakureis, all over Japan.
According to my Christian belief, these spirits are now “kasangkapan ng Diablo”, and therefore must be cast out.
The only way to do so is by prayer.
At sinabi niya(Jesus) sa kanila (mga alagad), Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin. (Marcos 9:29)
Satan understands any language, therefore you can say in any language to him.
(He hates Latin most, according to a movie I watched. But nowhere in the Bible such a thing is written.)
Most probably you don’t speak Latin, and also in case your multo doesn’t understand Tagalog or English, here’s what you have to say.
“Shu iesu no mina ni yotte meizuru, Akuma yo deteike!”
(主イエスの御名によって命ずる、悪魔よ出 ていけ!)
=Iniutos ko sa banal na pangalan ni Jesus, Humayo ka, Satanas!
(Cf. “Humayo ka, Satanas” is the exact wording Jesus said in Mateo 5:10, KJV Tagalog Bible
Tonyang
07-02-2006, 08:17 AM
sarap naman tumambay sa haus mo... :O nakakatakot grabe... may third eye pa naman ako kaya nakakakita ko ng mga mumu... pero ok lang yan kasi habang natatakot ka sa kanila e lalo ka nilang tatakutin kaya the best thing to do is to ignore them... as if nothing happens... and syempre hingi ka ng guidance kay God... :)
Kaori, may history pala ang bahay ninyo. Stay strong. Ikaw iyung buhay kaya huwag kang papatalo sa takot kasi nga may pananakot na nabubuo sa iyong isipan.
Rodem, may mga kilala rin akong may third eye. I think sa Pinas may grupo pa sila at may mga ispiritista rin. Nade-develop ba iyan o nang may kaalaman ka na, given na sa iyo? Sabi-sabi, ang mga may third eye raw nakakapagsabi rin kung mabuti ang kalooban ng isang tao. Totoo ba iyon?
Kasi sa experience ko, wala akong nakikita pero may mga pahiwatig kung halimbawa, namatay iyung isang kaibigan ko na hindi ko nalalaman. Pakiramdam ko kasi noong isang gabi, binisita ako ng kaibigan kong ito kasi pagising-gising ako. Kaya kinabukasan, tumawag ako sa Pinas at nabalitaan ko nga na wala na siya.
efernao
07-02-2006, 12:51 PM
Kaori san takot ako:eek:, prayer is your strong shield against evil.:)
kaori
07-02-2006, 03:10 PM
ano ba yan!nagyayari sayo dyan!!katakot naman:eek: wag mo nalang kaya silang pansinin...[kaya lang katakot parin!!!]omoshiroii jan sa inyo ha!!tamang tama mag sasummer na mainit.magandang pang palamig to! !!!:eek: .kakatuwa naman yung karanasan mo at ni habibi mo:D may trill!!...[ot lang po kaori san:p :sweeties: may kukuwento rin ako ha sandali lang~~~~~~~~~
siguro dahil maraming namamatay dito,kasi halos matatanda na ang nakatira sa village na to.sabi nga ng pinsan ko talagang nakakatakot daw ang place namin.bago ka makarating sa hauz namin apat na tunnel ang dadaanan mo.kwento ka na...weyt namin...:p
kaori
07-02-2006, 03:20 PM
>Better to know the history of the place where you live. Maybe something happened there bago kayo tumira dyan.
Good idea.
Such a multo is called Jibakurei (地縛霊)in Japanese.
It means the spirit is bound to that place.
There are many Jibakureis, all over Japan.
According to my Christian belief, these spirits are now “kasangkapan ng Diablo”, and therefore must be cast out.
The only way to do so is by prayer.
At sinabi niya(Jesus) sa kanila (mga alagad), Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin. (Marcos 9:29)
Satan understands any language, therefore you can say in any language to him.
(He hates Latin most, according to a movie I watched. But nowhere in the Bible such a thing is written.)
Most probably you don’t speak Latin, and also in case your multo doesn’t understand Tagalog or English, here’s what you have to say.
“Shu iesu no mina ni yotte meizuru, Akuma yo deteike!”
(主イエスの御名によって命ずる、悪魔よ出 ていけ!)
=Iniutos ko sa banal na pangalan ni Jesus, Humayo ka, Satanas!
(Cf. “Humayo ka, Satanas” is the exact wording Jesus said in Mateo 5:10, KJV Tagalog Bible
Binigyan ako ng mga prayer book ng kaibigang kong Italian Priest,puro Latin.Pati ang Holy Rosary ay Latin,nakabisado ko na.alam kong yung ang nagbibigay ng lakas ng loob ko.kung iba cgurong tao yun baka bumigay na.baka masiraan na ng bait.Pati pagpapalayas ng mga evils,Latin lahat.Alam ko maswerte pa rin ako kasi malakas ang kapit ko sa Panginoon,mga kaibigan ko mga Pari.natutulungan nila ako sa pananalangin.Idagdag ko na rin tong nihongo na turo mo.arigatou ne...!
kaori
07-02-2006, 03:24 PM
Kaori san takot ako:eek:, prayer is your strong shield against evil.:)
Efernao san...oo nga,Prayer ang panangga nating lahat,hindi lang ako.napatunayan ko na yan.kasi kung nde ako marunong magdasal at walang paniwala sa Panginoon,siguro wala ako ngayon dito.baka nasa mental hospital na ako.arigatou....:)
ito po kuwento..nangyari to nong 3years ago..sa pilipinas..magkakasa ma kami ng mga kapatid ko papuntang hospital.[sa asian hospital malapit sa munting lupa]...nagpapatingin ako sa 3month napag bubuntis ko....kasama ko dalawa kong kapatid na si marie at vie...tinawag na ko ng doktora ko..............me. marie. hawakan mo tong bag ko!.........marie. sige ate...... vie. ate marie pahiram nga ng cel mo.....marie. sige o.............ring~~ ~ring~~~ring~~~~~vie . bakit tumatawag si ate!?.....marie. iwan ko!?sagutin mo!!......vie. hello!.......cel.hel looooooo!!!!........ .vie.bakit lalake sumagot!!!!!!!?..... ...baka ano na nagyari kay ate?katukin mo!....knock knock!....marie. ate bakit ka tumatawag sa kin?...me. ha?pano ako tatawag sayo!!!nasan ba bag ko?...nasayo diba?...nandyan yung cel ko sa bag!?......marie. ate number mutong tumatawag sa kin!???....me. bakit ganon?sagutin mo!..... marie. lalake sumagot....tapos hello!lang sya!... me. bakit ganun!??...nanahimik cell ko!???????....pati doktora ko natakot dahil nakikita nya nangyayari.........r ing ng ring kasi yun cell ng kapatid ko.....kaya pinatay ko na cell ko!....pero pa uwi na kami nag ring nanaman!!!ganun din...number ko nanaman lumabas!???sinagot ni marie...Hellooooooo. lalake nanaman sumagot!?..........s a takot namin...bago kami pumasok sa bahay..humingi ako sa tita ko ng asin..at pina lagyan ko mga likod namin mag kakapatid....bago pumasok ng bahay.......nang gabing yun madaling araw sumigaw tita ko at naninigas!!!....ilan g minuto pa bago nataohan!!!sabi samin sinasakal daw sya ng isang lalake...na muka amerikano pa daw!!!??????.at sabi sa kanya..bakit ka nakikialam~~~!!..... .......end. pasensya na kayo sa tagalog ko at magulo po:p :bowdown: satingin nyo ano po kaya yung nanyari samin??? [kaori san pa OT lang ha:p ]thanks;)
honey
07-03-2006, 01:49 PM
Hi sa inyo...
Qoo,
May mga ganyan talagang multo e! kapag napagtripan ka o lagi ba?ganun lalapitan ka talaga at gagambalain gawin mo maglagay ka na ng asin sa may pintuan mo para makapagwisik ka kaagad pagdating mo ng bahay at ng di mo makalimutan kapag alam mong may naramdaman ka sa pinuntahan mo bago ka pumasok ng bahay sabuyan mo ng asin katawan mo (yung tama lang ang dami) para hindi makapasok sa bahay nyo at di ka na magdala pa ng manggagambala kung may kasama ka pati sila kailangan magwisik ng asin sa katawan kase baka sakanila sumabay at makapasok sa bahay mo.:)
Share ko kwento ko...tungkol sa panaginip ko na nagkakatotoo
Nun nakaraang linggo yung girlfriend nung bunso namin napanaginipan ko pero ngingiti ngiti lang sya ewan bakit....tas nun makatawag ako sa pilipinas at makausap si bunso may sakit pala girlfriend nya:eek: .
Sa twing mapanaginipan ko exboyfriend ko may nangyayari sa isa sa mga kaibigan ko lalo na yung pinaka close sa akin iba ibang problema nangyayari sa kanya:confused:
APRIL 2004 ilang araw akong balisa at di makatulog at iniisip ang panaginip ko.Dagat napakalungkot at tahimik nasa itaas daw ako ng isang simenton ewan kung bahay o buikding pero nakatayo ako dun pagtingin ko sa ibaba ko may mga taong nakatingin sa akin at parang may tanong at may ibinibintang na ewan tas ikinuwento ko sa kaibigan kong albolaryo ang napanaginipan ko sabi nya wag ko na daw ikwento sa nanay ko dahil baka magkatotoo at kontrahin namin yun pala mamatay ang isa sa kamag-anak ko at pinakamalapit sa pamilya namin.Nun tumawag ako sa amin ikinuwento ko ang panaginip ko saka naman ang balita nila na patay na!:(Nun matapos ang mga pangyayari sinabihan ako na "Malayo ka na nga alam mo pa rin ang nangyayari dito sa bahay!":eek:
2003 Dec.Sumulat ako at isinama sa ipapadalang ems.Ang laman ng sulat ko e ang pagbabawal sa Nanay ko na itigil na ang bisyo nya kasi kung hindi pa nya ititigil may mangyayari sa kanya pagkatapos ng 2 o 3 taon ayun nga at di ako sinunod mga pagpasok ng 2006 namaga paa nya at highblood kailangan nang imaintain ang paginom ng gamot at kung hindi magkakatubig na naman ang tuhod nya at mahihirapang makalakad.Sinabihan ko rin mga kapatid ko na itigil ang bisyo nila pero tuloy pa rin wala pa kasing nangyayari sa kanila :mad: tigas ulo..
yan na lang muna nalimutan ko na iba e!
salamat sa advise .gagawin ko nga yan.:) siguro may ganon kang gitf na ganyan nakikita mo muna mangyayari..sana magamit mo ng maayos yan..para makatulong ka sa tao.:) next time sayu na ko hihinge advise...:p ;) :sweeties:
honey
07-03-2006, 08:55 PM
^^di ko naman alam lahat yaan mo kapag alam ko yung solution sa problema mo ishare ko naman sayo alam ko o sa iba pang TF member..:D
Qoo
'wag mo kalimutan magdasal at magsimba yan lang ang panangga natin sa lahat...ano mang panganib.Yung Sumasampalataya 'wag mo kalimutan dasalin.
Yung sinasabing JIBAKUREI na yan marami talaga at nagkalat lalo na sa mga furui apato kapag kasi nabindisyunan na ng obosan nagsisilayas naman sila e!wala na ako nakikita yan pa nga ang isa sa mondai ko dahil nahirapan kami makahanap ng bahay dahil yung ibang nakikita namin luma ta may nakatira hindi ako makatagal kaya buti na lang itong nilipatan namin medyo bago at anshin naman ako.
summerghie
07-05-2006, 01:36 PM
ay grabe nakakatakot mga kwento niyo...ang daming ligaw na kaluluwa dito sa japan at isa na ko sa nabiktima rin nila:weep: ...nun first time ko dito sa japan nakatira kami sa apartment sa saitama..ngstart yun takot namin nun yun isang kasamahan ko ay nakapanaginip ng isang bata na nahingi ng tulong sa kanya..tas parang totoo daw ksi nanggagaling yun boses sa cabinet..naiyak daw yun bata..tas nun sumunod naman yun isang kasamahan ko eh nakarinig naman ng boses ulit ng bata kasi siya na lng gising nun time na yun:eeek: gusto daw niya sumigaw kaso nga lang daw tulog na kami baka daw awayin namin siya kaya ngtiis siya sa takot at nagtalukbong na lng:( ..take note umaga pa yun ha..naku mula noon ayaw na namin nagpapaiwan magisa at mag yasumi magisa laging may kasama kasi talaga naman kinikilabutan kami kapag gabi ...
eto na yun sakin naman nangyari.ako yun late natulog lahat sila talagang tulog na:sleep: ..mga around 10 am yun.may narinig ako yabag sa kusina kasi yun kama ko malapit sa kusina at kainan namin;maliit lang kasi yun apartment na yun..tapos di deadma akala ko may bumangon lang..aba wala tinignan ko kumpleto naman sila nakahiga..di deadma lng ako may nglalakad at ngbukas pa ng ref..deadma parin ako eto yun talagang kinilabutan ako may naglalaro ng tubig sa ofuro at may mga boses ng bata:yikes: ..ayyyyyy sabay ko sa inyo wala akong balahibo masyado pero tumayo talaga eh hangang likod ko..feeling ko nakatayo yun buhok ko sa ulo sa takot..alam nyo lalo akong di nakatulog..dasal ako talaga ng dasal nakatalukobong ako ng kumot at di ko mabuo yun dasal ko sa takot:cry: ...susme talaga naman ngtampisaw sa tubig at nakiinom pa ata yun mumu...haaayyy talaga namang di ako nakatulog masyado at nun kiwento ko sa mga kasamahan ko eh nagtayuan balahibo nila...eto pa tinignan ko yun ofuro may takip siya at may nakapatong na palangana na nakababad yun damit namin...ngeeekkkk pano nangyari yun...:bonk: dati daw kasi paanakan yun lugar na yun..siguro yun mga bata na deds or pina abort kaya di matahimik kaluluwa nila..di pa naman binibless ang mga namatay dito sinusunog lang nila...
kaori
07-05-2006, 03:19 PM
marami pala talaga ligaw na kaluluwa dito....:eek: :eek: :eek:
mOtt_erU
08-23-2006, 11:01 PM
alam mo Kaori San katakot yang mga naexperience mo sa house nyo ha???
Ako naman share ko sayo yung Creepy experince ko 3 years ago, nung magkoibito palang kame ng asawa ko minsan nagpunta kame sa "Love Hoteru" ..eh mada yoko ni natteru pa lang kame kase pagod sa biyahe eh walang ano ano bigla ba naman pumatay yung ilaw sa Headboard nun beddo ..nung una hindi namen pinansin , sabi nung asawa ko "wala daw yun"...so binuksan niya ulit yung ilaw,..maya mayabigla na namang namatay yung ilaw. At 3 beses na paulit ulit, HIndi naman pwede sabihing sira yung ilaw kasi bumubukas naman..at para bang may kung anong Anino na dumaan sa Kagami (tanaw kase yung kagami sa toire dahil malapit sa beddo toko)..
tapos Nagtatayuan pa yung balahibo ko diyos ko! kaya walang 2 isip Tumayo nako at akto ng paalis at iiwan ko na siya kasi parang okey lang sa kanya magstay ....eh nung nakita niya na sobrang Kowaii kaoshiteru na talaga ako saka lang siya naConvince na umalis kame..after nun nagconfess siya saken na pagpasok pa lang nun heya iba na daw agad feeling niya at parang may kung anong humahaplos daw sa batok niya...later nalaman namen may nagpakamatay daw sa hoteru na yun at siguro sa particular heya na yun!! haay pag naaalala ko natatakot ako..:eek:
honey
02-21-2007, 02:42 PM
Kaori, may history pala ang bahay ninyo. Stay strong. Ikaw iyung buhay kaya huwag kang papatalo sa takot kasi nga may pananakot na nabubuo sa iyong isipan.
Rodem, may mga kilala rin akong may third eye. I think sa Pinas may grupo pa sila at may mga ispiritista rin. Nade-develop ba iyan o nang may kaalaman ka na, given na sa iyo? Sabi-sabi, ang mga may third eye raw nakakapagsabi rin kung mabuti ang kalooban ng isang tao. Totoo ba iyon?
Kasi sa experience ko, wala akong nakikita pero may mga pahiwatig kung halimbawa, namatay iyung isang kaibigan ko na hindi ko nalalaman. Pakiramdam ko kasi noong isang gabi, binisita ako ng kaibigan kong ito kasi pagising-gising ako. Kaya kinabukasan, tumawag ako sa Pinas at nabalitaan ko nga na wala na siya.
OO totoo na marunong magbasa ng damdamin ng tao ang may THIRD EYE bukod pa don kadalasan ang nagsasabi sa kanila ang mga gabay nila.Mabilis na makikita yon lalo na sa mukha kapag nakaharap ka sa kanila:).Pero kahit wala kang thrid eye kung malakas pakiramdam mo malalaman mo na plastic ang kaharap mo o ang kausap mo.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.