PDA

View Full Version : Shumi


brownman
04-13-2006, 10:18 PM
ano po shumi niyo dito sa Japan? shigoto ba?:D naaadicct kasi ako sa UFO catcher dito. ang gaganda ng prizes tska dekiru kara.

also, tried skiing last winter. i want to try snowboarding next time. ano po ba mas ok? has anyone tried snowboarding and skiing? dochira ga ii desu ka? :confused:

TR250
04-13-2006, 11:53 PM
Naku, bano ako sa UFO catcher.

Syempre shumi ko ay 100% shigoto dahil mahilig ako sa makina at nasa car and bike ang trabaho ko at dati akong mechanic kaya maski kelan ay pwede kong baklas-baklasin at gawing parang puzzle yung mga piyesa ng mga sasakyan. Dami kong shumi at ang main ay motorsiklo (trials), tapos 4WDs lalu na sa snow. Paminsan-minsan ay nag ro-rock climbing at rappeling nag ii-ski at snow board din pati na rin mar.arts. Pag summer naman ay diving ng awabi at sazai (ang totoong dahilan kung bakit matagal sumisid ay nag e-enjoy sa view ng mga naka 2 pis :D )

Tunkol sa ski at snow board ay para sa akin ay mas madaling matutong mag ski pero di rin naman mahirap ang mag snow board kaya nasa hilig mo na lang yon. Subok na lang pareho para sulit.

infinite_trial
04-14-2006, 10:35 AM
hello brownman okay yang shumi mo ah. hehehe nagtry ako last time ng UFO catcher 6 nacollect ko 2 araw lang iuuwi ko kasi. kaya lang hehe ubos ang pera, pero kahit sabihin natin ichiman ang maubos mo sa 6 e sulit na siguro kasi mahal yung malalaking stuff toys kung bilhin mo. yun naman ski and snowboardin, nde ko naman natry pa yung ski. snowboard lang. madali naman snowboard pero dapat alam mo kung goofy ba ang gagamitin mo (right foot forward). kaya lang sobrang nakakapagod ang bigat kasi ng snowboard hehe.

shumi ko dito magcollect ng mga collectibles (hehe sympre ano pa ba). yung mga anime figures and yung mga miniature kitchenware hehe ang cute nila.

japphi
04-14-2006, 10:59 AM
Hi...pasingit naman sa thread na ito about Shumi.....
I'm a home body person...kaya lagi lang sa bahay...hindi mahilig sa lakaran.
Mahilig lang talaga sa bahay and family...pero hindi pala linis nang bahay ha ha ha ha...haaayyy...ano ba yan.
Pero mahilig akong magkalikot nang makina....kung si TR250 ay mahilig sa mga makina dahil mechanic sya....ako naman mahilig sa makina....yung sewing machine:p :p ....
Mahilig akong manahi...nang damit nang mga anak ko....yung pang otona na damit hindi ako marunong,.......kasi delicate yon...konting mali ay nakakahiyang isuot.Pero sa bata...may mali man hindi gaanong papansinin.Nung maliliit pa sila halos mga damit nila ay ako ang gumawa...lalu na yung pang summer or pag may okasyon...like sa kasal...ginawan ko sila nung damit para sa kasal nung pinsan nila......sariling style ko he he he he....

Yung bunso naman dahil alam nyang pwede ko syang gawan nang damit,naku ang daming request na hindi ko naman magawa-gawa.....gawan ko raw sya nang damit ni Jasmine at Aladdin:doh:

here are some samples....ang yabang ni Lola ano:bowdown: ....syempre maganda yung may pinapakita ano....huwag nyo akong awatin....:nuts: :nuts: palo ko kayo....:karate:

Sa kasal ito....
2228

Sa Sichi Go San naman....
2229

At lately ay binuksan ko na naman ang isa ko pang hobby na pag do-drawing....mahilig ako sa Tole Painting....lately ay nag-try ako nang Oil Painting(saling pusa lang at self study rin).Dalawa ang ginawa ko pero nasa finishing touches na...wala kasing gaanong oras,at it takes 2 to 3 days din bago tuluyang matuyo ang painting.

2227

gemini_19
04-14-2006, 12:26 PM
here are some samples....ang yabang ni Lola ano:bowdown: ....syempre maganda yung may pinapakita ano....huwag nyo akong awatin....:nuts: :nuts: palo ko kayo....:karate:

Sa kasal ito....
2228

Sa Sichi Go San naman....
2229

At lately ay binuksan ko na naman ang isa ko pang hobby na pag do-drawing....mahilig ako sa Tole Painting....lately ay nag-try ako nang Oil Painting(saling pusa lang at self study rin).Dalawa ang ginawa ko pero nasa finishing touches na...wala kasing gaanong oras,at it takes 2 to 3 days din bago tuluyang matuyo ang painting.

2227

Ano ka ba naman Japphi di ka pa nakuntento dito ang gaganda nga eh.:)

Eh ako di ko kaya yan 'no.

ako kaya ko lang ano nga ba:confused: isip-isp muna.:D

sensei
04-14-2006, 06:33 PM
shumi?

keirin on line:type: @work or sa bahay. adik sa keirin:devil:

chubby_kulot
04-14-2006, 06:51 PM
singit din po ako kahit walang kwenta shumi ko..hehehehe :jiggy:

ang shumi ko po ay...mag computer...manood ng tv at mag hintay po kay hubby sa pag uwi nya...hehehehe..:swe eties: wala pong kwenta no..pero minsan po tulad ni friendship japphi eh nananahi rin po ako sa sewing machine na binili sakin ni hubby ko last year...punda,futong cover at bed cover naman ang paborito kong tahiin..un damit naman po,saka na pag may baby na ako..kasi naman po ang buhay ko talaga eh nakalaan lang din sa bahay..sa pag alis po ni hubby ng 9 am..start na akong maglinis nyan..minsan po tapos na ako ng 11 or 12 noon..linis while watching tv...[baseball or kotaete chodai] then after linis..kain po ng lunch in front of computer..[timog na po] then pagdating po ng 6 luto ng hapunan..un ulam sa pagtawag pa ni hubby ako nagluluto para po pag dating nya..mainit kong maiserve...kaya after ng kanin..tambay po uli sa timog while waiting kay hubby...sa pagdating po ni hubby..di pa po sya nakakapaghubad ng shoes nya..para na po akong lorong di matae..hehehe... :biglaugh: taratitat na..salita ng salita..kwento rito kwento roon...lahat ng napanood ko sa tv at napag usapan dito sa timog..lahat po kinukwento ko sa kanya...kahit nga bagong commercial alam na nya po kahit di pa nya nakikita dahil sa akin..hehehehe...kas i naman po mag hapon di bumubuka ang bibig ko..i mean di nagsasalita..sino ang di magiging lorong taratit...heheheheh :jiggy: pero now po...kahit paano nagagawa ko na..[baliw na po ako eh...] :jiggy: :jiggy: nag sasalita na po ako while watching tv...or while chatting sa mga friends..matawa sa mga sarili kong kabaliwan...kesa naman po mabaliw ako ng walang ginagawa eh di may gawin na lang ako at mabaliw diba..Ay bOw..hehehehe.. :biglaugh:

TR250
04-15-2006, 01:40 AM
japphi,
Ang cute naman ng mga chikitings mo. Ang galing mo palang gumawa ng mga baro ng bata. Pinakita ko kay misis kung mga pics ng baby mo at ang galing mo nga daw gumawa ng mga baro. Galing mo ring mag painting. Pwede nang pang gallery katabi ng Monalisa Painting.

chubby_kulot,
Sweet naman ng shumi mo. Nakaka inggit naman kayo dahil sa kwentuhan ninyo. Si misis ay tahimik at ako din ang parang loro na putak ng putak at kadalasan pa ng topic ay pamilya, trabaho, news at bihira lang ang jokes. Di niya ako masisisi dahil nag-iisa lang ako maghapon sa trabaho at halos mapanis ang laway kaya pag-uwi ay bumabawi.

Isa pang syumi ko ay makipag laro sa mga bata. Nag kokolect din ako ng mga pics ng mga bata lalu nat batang babae dahil gusto ko ng anak na babae kaya lang di ako marunong gumawa :D Yung mga kaibigan kong may anak na batang babae ay talagang pinapaikot ako nung mga anak nila. Dami ring pumapasyal na mga bata sa bahay at sa trabaho. Sa trabaho naman ay dami rin akong nakahandang mga laruan at minsan ay parang kindergarten sa trabaho kaya pag may dumating na bata ay biglang yasumi. Laman ng ketai ko ay puros pics ng mga bata.

japphi
04-15-2006, 07:05 AM
Thanks TR250....noong maliliit pa sila oo masasabing cute.....pero ilang taon na ang nakalipas yon.....ngayon ay 17 at 15 years old na sila...at nakakatulong na sa bahay.Yun nga lang hindi na malaro tulad nung maliliit pa.
Pero kahit malalaki na sila ay may pahabol naman kami ha ha ha ha ha ha ha.....babae rin.....at 4 years old sya ngayon.....masasabi kong cute pa rin.S'ya ang taga alis nang stress nang asawa ko.

Sayang at hindi kayo nagka-anak nang babae....pero hindi pa naman huli....bata pa naman kayo....pwede pa.Kami naman kahit na isa lang sana ay gusto namin nang lalaki....kaya lang matanda na.....siguro talagang 3 Shimai lang talaga ang bigay sa amin ni Lord.

maimai
04-15-2006, 09:28 AM
@mami japphi ang ganda naman ng ginawa nyo..:thumb:.tulad nyo rin mahilig din ako manahi nung nasa pinas pa ako ....ako lang pow ang gumagawa ng curtain namin sa bahay...pero pagtungkol na sa damit..hay naku walang kwenta kasi palagi mali-mali ang kinalabasan......:we ep:


para di OT..

ang shumi ko naman..dati ang magbou ng jigsaw puzzle ni Pooh..pero ngayun ay mamugad na sa pc..pkipagchikahan sa mga prends para di mapanis ang laway ko~~heheh~~~at syempre gumala kung saan-saan sa loob ng net..:hihi: :hihi: ..kaya maraming din ako prends na mga adware!!:eek: :hihi:

about naman sa snow board and skiing...


itong New year day lang...nagski kami ng hubby ko sa inaka nila ..at first time ko magski..hay naku boung araw ako tinuruan ng hubby ko pero wala pa rin..naawa na nga akow sa kanya kasi ang lamig-lamig ng panahon pero sya pinapawisan sa katuturo sa akin.....:D naiingit nga akow sa mga little angel dun kasi ang galing-galing nila...pero ito akow matanda na pero tinuturuan pa lang....sa totoo lang di naman mahirap magski...kailangan lng ng lakas na loob..pero akow wala lakas na loob..takot meron ..natatakot baka bigla na lang ako gumiling pababa..at bigla maging snow woman!~~~~~~~whaaaaa aaaa!!!!~~~~~~~~...s ira na nga ang beauty ko baka lalo pang masisira~~~kaya ang ginawa ko na lang ay magpapicture to the max at manood sa kanila...

nakakapagod mag ski but i liked it! ......:D ...
kaya next year uli!!~~hehehehe~~gam barimas!!

maimai
04-15-2006, 09:28 AM
gomen..double post ...

Autumn
04-15-2006, 10:55 AM
AY pasali din. ako noong di pa ng wo work, wala akong ginawa kundi manahi ng manahi, natuto lang din ako dito na sa japan noon yotchien pa yun panganay ko kailangan kasi na nanay daw ang gagawa ng mga bag nila..nakow sankaterbang tela nasayang ko:D. tapos ng magawa ko..abay namihasa ..natuto din akong gumawa ng kurtains.bed sheet. tsaka nakagawa na din ako ng jeans ko.
nag try din akong mag drowing eh ..sabi ng mga dalaga ko bat daw un pusa eh mukhang butiki:eek:.wala talagang talent ..ngayon trabaho na lang ako. wala ng oras para namahi..

brownman
04-16-2006, 12:22 PM
TR250, sige try ko next time snowboarding

infinite trial, malamang nga goofy ako kasi ganon din ako nong nagske skateboard nong bata.

japphi, galing niyo po manahi. isang patunay na naman na ang pinoy talaga eh talented:D

kaori
04-17-2006, 12:16 AM
@japphi.ang galing mo naman pala manahi.pede ka naman pala magbisnis na lang dito sa japan,mahal ang mga ganyang damit dito ah!magaling ka pa mag-drawing.nakakainggit ka nga.
me naman,ang shumi ko gardenig,cooking;kay a sexy ako mahilig ako magluto.pagkatapos ng work ko nasa garden na ako,or nagluluto na.paminsan -minsan naman nag-go-golf,tsuki ai ba sa mga frenz na japanese.

honey
04-17-2006, 12:53 AM
shumi ko po gardening,net surfing,game addict din ako:D ,nanahi din ako ng punda at kurtina mga madadali lang po kaya ko :p ,cooking ano pa ba yun lang po naalala ko e!:rolleyes: