PDA

View Full Version : Mag-ingat po tayo...


japphi
04-14-2006, 01:02 PM
Hi TF jins.....share ko lang itong bad experience nang isang friend ko regarding that news sa tv.....tungkol sa news na nangyari somewhere in Tokyo na involved ang 4 na Koreans na isa ang nahuli at ang 3 pa ay hindi pa nadadakip hanggang sa ngayon.

Yun news na nagkagulo sa station dahil ilang tao rin ang na-apekto sa pag-i-spray nila sa ibang pasahero.

Last Tuesday(4/11)....pagkalabas nang kaibigan ko sa station(somewhere in Tokyo) may lumapit daw na dalawang pulis sa kanyan(lalaki at babae).Tinanong daw yung Alien card nya.Na tamang tama naman na kagagaling nya sa Pinas at nasa passport nya yung card at hindi nadala.Wala syang maipakita ngayon....nag-explain daw sya pero hindi rin naniniwala yung 2 pulis.

Nagka-sagutan daw sila dahil gusto nang isama sa presinto.Kahit na sinabi na nyang 15 years na sya dito sa Japan at kasal sya sa hapon.Warui daw sya kung bakit mahuhuli sya....dahil nga wala raw maipakitang alien card....napagkakamal ang over stay sya.

Tinawagan ng kaibigan ko ang asawa nya at nagalit sa mga pulis.....pinipilit syang pumunta sa mismong lugar at dalhin ang card nung asawa na hindi naman pwede dahil nasa trabaho sya.Nagalit lalo ang hapon....hanggang sa nagkasundo sila at nakauwi ang kaibigan ko.Pero hiyang hiya daw sya dahil nakipagtalo sya na hindi sya over stay....tinginan daw ang mga tao sa kanila.Ang inis nang kaibigan ko.....dahil sa Asian sya..masyado raw mababa ang tingin nang mga pulis....na akala mo'y may nagawa syang kasalanan....kaya nya sinagot.

Kaya po mag-ingat tayo....laging dalhin ang inyong Alien Card kahit saan magpunta...lalu na ngayong mainit ang mga mata nang pulis o immigration sa mga foreigners.Baka ito ay hindi lang dito sa Tokyo....kaya ingat.

(Ako naman ang kinakabahan....dahil wala na akong Alien Card..paano kaya yon...paniwalaan kaya yung dala-dala kong Juuki Card.....Jyuumin Kihon Dai Cho Kado...住民基本台帳カード)。。。 。sabagay may picture naman na ako yon...

chubby_kulot
04-14-2006, 01:09 PM
tenchu po friendship japphi sa info... :sweeties:

napanood ko nga po sa tv un pangyayaring un at malapit lang po un dito sa amin sabi ng hubby ko... :eeek: kaya nga po ako kahit na mamalengke lang po or bibili ng tabako or kahit na ng coke sa vendor machine na tapat ng bahay mismo namin dala dala ko po un ACR ko..kasi po..un mga pulis dito sa kinshicho eh laging nagpapatrol...pero wala pa naman pong pangyayari na natanong ako ng pulis since ng mapunta ako ng japan...at ayoko pong maranasan pa..di lang po kasi nakakatakot..nakakah iya rin po diba :eeek:

salamat po uli :kiss:

pooh_chan
04-14-2006, 01:19 PM
Hi auntie kong maganda, osashibure!

Napanuod ko rin ang news na un, at kalalabas lng daw nun galing kemsho, tapos pinauwi ng korea pero hindi pa rin nakontento gumawa daw yon ng immitation passport kaya ayon nakapasok ulit dito, tapos naghasik na naman ng kagaguhan, hindi talaga nakutento... ang ganung klaseng tao wala ng pagbabago yon....:scratch: , ako po tuwing aalis kami ng bahay na dalawa lng kami ng baby ko dala-dala ko lagi ang ACR ko kasi nasa wallet ko sya eh, hehehe:) , kaya wala akong pangamba sa tuwing aalis ako.....:cool:

ning2
04-14-2006, 01:31 PM
japphi san,

sa hindi ko panonood ng news ay hindi ko alam ito! thanks sa information. although, lagi ko naman dala ang alien card ko:)

SHAMPOO
04-14-2006, 01:36 PM
Nangyari na rin sa akin iyan.14 yrs. na ako dito at 1st time na mapaghinalaan ako.Papasok ako sa trabaho noon ng harangin ako ng 2 pulis sa eki. Hinanapan din ako ng alien card,nagkataon din na di ko dala dahil kakauwi ko lang sa pinas, naka ipit pa sa passport ko.Mabuti na lng dala ko ang hokensho ko.Kahiya talaga kasi ang daming tao na nagtitinginan.Kinuwe nto ko nga sa asawa ko, pinagtawanan pa ako...Atleast daw napatunayan ko na pilipina pa rin ako (mukha kasi akong hapon ehh):D

gemini_19
04-14-2006, 01:46 PM
Curious lang po ako:confused: sa Tokyo lang ba mahigpit ang mga pulis? kasi dito sa amin, lalo na sa sendai airport halos every other day naroroon ako, at napakaraming korean akong nakikita, super iingay nga nila, natataon kasi na ang mga sinasalubong kong passenger is via Pusan or Seoul, so pag nagdatingan ang mga sinasalubong nila as in walang pakialam sa sobrang ingay. eh ang mga pulis deadma lang, dahil meron din namang nag ra round na pulis sa loob ng airport.

proud me
04-14-2006, 02:28 PM
japphi san nakakalungkot naman pakinggan asian kasi ang gumawa kaya lahat nalang ba ng asian dito sa japan dapat nilang halughugin...pero manggalaiti man tayong mga nanahimik or maayos na namumuhay dito wala rin naman tayong magagawa ...siguro imbiernang imbierna ang beuty ng friend mo hanggang ngayon.

bell
04-14-2006, 02:35 PM
naku thanks sa information mama japphi....:Dmabuti na po yong nag iingat tayo para di malagay sa alanganin.:D

Autumn
04-14-2006, 05:25 PM
Ang alien card po ay dapat talagang dala dala kahit kailan,patakaran po talaga iyan kahit na matagal na tayong nakatira dito,

ako kasi japanese passport na.kaya kumuha ako ng license..bike nga lang..para anytime na may pulis or immigration na mag tanong ..may maipapakita ako..kasi nga marami na rin akong kakilala na hinanapan ng ACR sa labas kahit may dala dala silang anak or kasama sila ng mga japanese friends nila.
wala talagang magawang mabuti ang ibang gaikokujin dito..nakakasira talaga ng image damay lahat..:mad:

basta lagi lang bitbitin yun ACR..para wala nang matagal na tanungan ..yun mga pulis dito minsan bastos sila sa gaikokujin..duwag naman sa mga japanese mafia:rolleyes:

brownman
04-14-2006, 06:10 PM
nangyari na din po sa akin to. na check ako ng pulis sa tapat ng school pa namin dito sa kawasaki. confident pa ako nong una dahil lagi kong dala ARC ko. nagkataon na nasa isang jacket ko pala. sinabi ko nalang na nasa classroom. sabi hihintayin daw ako. ang ginawa ko nalang pinuntahan ko yong sensei ko na marunong mag english tapos siya pinag explain ko. naayos naman. buti nalang din hindi ako nasita nong pauwi ako.

nakakahiya nga lang kasi sinisita kami sa harap ng building namin. tinitignan kami ng classmates namin. kaya nga sinabihan sila ng sensei namin na wag nang mansita don sa area na yon kasi madami kaming gaijin na nag-aaral don. tapos ambilis, 3 patrol cars agad ang dumating nong bumalik ako. kaya ngayon, kanarazu yong ARC ko motte kite:D

efernao
04-14-2006, 09:23 PM
thanks sa info. nangyari sakin yan last wednesday, kasama ko yung friend sa shinjuku, may lumapit na isang lalaki, bata pa, nakacivilian, akala ko yung warui na approach kaya medyo binilisan namin yung lakad. pinakita niya yung chapa nya at sinabi na pulis siya. tapos bglang may lumapit ulit na isang pang batang pulis. pinakita namin yung alien card namen then chineck yung likod, walang tatak ng enchou ung alien card ko kase enchou chu pa cia, naghihintay pa ko ng hagaki, buti n lng dala ko yung passport ko. na may tatak na application tpos umalis na cla. nakakagulat kase nakacivilian sila at first time kong macheck. hindi mo aakalain na pulis sila. kaya TF friends laging dalhin ang alien card at kung nagaapply pa akyo ng extension mas mabuti na dalhin nyo din ang passport nyo kase tinatanong nila. god bless everyone:)

mai
04-14-2006, 09:32 PM
thank you sa info. po lagi pa naman akong di nag dadala ng bag at wallet, kung magdala man ako ng wallet di pa naka lagay ang alien card ko. simula ngayon mag-iingat rin ako na wag kalimutan na dalhin ko alien card so mapipilitan ako ngayon magdala ng bag o wallet na dai kirai kong bitbitin.

brownman
04-14-2006, 09:48 PM
ano po yong inispray ng mga kankokujin? di ko kasi napanood tong balita na ito.

medyo OT din pero tungkol sa pag-iingat tska tungkol sa korean din.

sabi ng sensei namin na mag-ingat daw pag nagbabike. kasi meron atang korean na nagbabike tapos nakikipag usap sa cellphone at the same time. tapos me nabangga atang nihonjin. tapos naaksidente yong nihonjin. can anyone guess how much dapat bayaran nong korean????:confused:





tumataginting na 5000 mang en lang naman:eek: . damn! sugoku takai ne. namomroblema nga daw parents nong korean kung paano babayaran. kaya ayon po, ingat nalang din kung me nagba bike dito. :)

myukasky
04-14-2006, 09:58 PM
Ako din di ko dinadala dati yung alien card ko, kaya three years ago yata nangyari yun. Nagbibike ako pauwi galing ng kaisha at may lumapit sa akin dalawang police. Takot na takot ako noon kasi wala ako dala alien card, ang inisip ko agad baka call sila sa house then ask about me. Asked lang pala sa akin kung sa akin yung bike na gamit ko.:rolleyes: Ang nakakainis pa naalis yung name na nilagay ko sa bike ko. Called sila doon sa binilihan ko ng bike para itanong kung sa akin nga yun. Tapos eto na po, chugokujin desu ka? Sagot ko naman iie, firipinjin desu. Aysus ayaw maniwala talagang pinipilit ako ilabas yung alien card ko. Eh wala ako dala, abut-abot ang sermon ko doon sa isang pulis na medyo may idad. Sabi ba naman kung di ko daw dadalin yung alien card ko pag-lalabas ng bahay imi nai daw. Sabagay tama sya doon kaya ang naisagot ko lang sumimasen, hai wakarimashita at arigatou gozaimashita noon pumayag na sila na paalisin ako. Kwento ko sa husband ko, ayon napagalitan lang ako. Sabi din nya kaya nga may alien card, kahit saan ka makarating dito sa japan kapag meron ka niyan malaya ka at wala kang kaba na huhulihin ka. Kaya after ng mangyari yan lagi ko na bitbit yung alien card ko.:D

michiko
04-14-2006, 11:38 PM
salamat po sa paalala lola japs.:)

Tonyang
04-15-2006, 11:18 AM
Japphi at mga kasama:

Malinaw na human right violation iyun. Kahit sinong foreigner, pinaghihinalaan nilang OS. Tama ba iyun?

I think malaking problema ng bansang ito paano nila haharapin ang ganyang violation lalo na at first world ang turing sa buong mundo.

Pag nangyari iyan muli, please ipaglaban ninyo ang inyong karapatan... Pambabastos ang ginagawa nila at wala silang karapatang ganunin kahit sinong foreigner na may legal na estado sa bansang ito. Ang masakit pa sa mga nagkukuwento kong kakilala... harrassment ang nangyayari. Tatapatan ka at papakita ang wallet nilang pulis sila. E ano ngayon kung pulis sila... basta may bala ka, wala kang dapat ikatakot.

Punto at puntuhin natin, dalhin natin ang ating passport at alien card palagi. Kung gusto ninyo bitbitin na ninyo sa leeg na parang ID para mainsulto ang mga pulis na iyan.

Magandang malaman natin kung paano nila ihihinto ang ganyang campaign nila dahil talagang nakakahiya dahil di nila alam kung paano madakip ang mga OS... kaya pati ang mga pobreng walang malay, inaapi nila.

Pagkaisahan natin... gusto ninyo? Actually, di lang Pinoy... kahit sinong mukhang foreigner... lahat, magiging candidate para bastusin nila.

Sa mga OS nating kababayan dito, pls mag-ipon na kayo at maging ready sa mga ganitong confrontation. Uso ngayon ang quota-quota sa mga pulis.

honeybunny
04-16-2006, 10:43 PM
dapat na po talagang mag ingat tayo kahit saan,kahit sa lugar na pinagtatrabahuhan natin,ototoi nawala ang wallet ng friend ko sa pinag aarubaituhan naming kaisha,shock sya :eek: bago kami umuwi,tsinek nya loob ng bag nya wala na ang wallet nya:eek: :mad: ,nandun lahat mga pera,cards,at toroksho,balik kami opis,lahat ng staff nataranta,eh,sa tooto lang dalawa lang kaming gaijin dun ng friend ko,at halos lahat nihonjin na,at pangalawang biktima na pala yung friend ko,ang unang nawalan daw ng wallet ay haponesa,kaya panay ang ayamaru ng butchu sa amin,dahil ang suspek,ay yung kalahi din nilang nihonjin,nakakahiya nga daw,dahil nihonjin,ninakawan ang gaijin:confused: :confused: :confused: ,nakiusap din sila na wag na lang daw ireport sa pulis:shutup:

amazona
04-22-2006, 07:54 AM
dito nangyari na rin sa anak kong matigas ang ulo palagi kong pinaaalala ung alien card kada papasok sa work niya .bago umalis ng bahay 2 times na siyang sinita ng police nung una di niya dala ang alien card di pa siya marunong maghapon nakasabay niya ung naka motor na pulis dahil nakahinto silang pareho sa harap ng riles ng tren dahil may parating na tren nakipag ngitian siya di niya alam alam talaga palang sinabayan siya ng polis gawa ng nakita na yung lock ng bike niya ay baklas binaklas ng byanan ko dahil nawala ang susi.hinanapan siya ng allien card wala siyang maipakita ginawa niya nag english siya pra magpaliwanag siguro nairita din ang polis sa kaka english niya at di magka intindihan yung polis mismo ang nag sabi anata no mama dochika papa ka terepon shite kudasai.tapos ung pangalawa naman may allien card ng dala bike pa din ang reklamo ibang police naman on this time marunong runong ng mag hapon ang anak ko pinag malaki pa sa pulis na 2nd time na daw siyang na question diyan sa lock ng bike sabi ng police aganoon ba walang makitang poul kasi may add.at pangalan ang bike tugma sa nakasulat sa allien card niya ,ginawa ng police sayang ang paninita nila tumigil pa patrol car nila hinalungkat daw ng police ang bag niya sabi daw ng anak ko bakit po nyo binubuksan ang bag ko,kasi daw baka naninigarilyo dahil wala pang 20 yrs old ang anak ko bawal daw. malas niya dahil ang nakita niya sa bag eh 2 pirasong bangos nag pabili kasi ako sa anak ko.nabahuan pa ang police at tinanong pa kung paano daw kainin yon kasi bago daw sa paningin niya yung isda.