PDA

View Full Version : How to say a BAD NEWS?


Bangis
04-14-2006, 02:39 PM
> >KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
> >
> >"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa
> >bahay-bakasyunan niyo."
> >
> >"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
> >
> >"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga
> >niyong parrot."
> >
> >"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
> >
> >"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
> >
> >"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon.
> >Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
> >
> >"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
> >
> >"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya
> >ng bulok na karne?"
> >
> >"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
> >
> >"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
> >
> >"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi
> >lahat
sila
> >sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
> >
> >"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
> >
> >"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
> >
> >"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
> >
> >"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang
> >nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na
> >kumalat
ang
> >apoy...."
> >
> >"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a.
> >Para saan 'yung kandila?"
> >
> >"Para sa burol po."
> >
> >"Ano? Kaninong burol?
> >
> >"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang
> >gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po
> >magnanakaw. Binaril ko."

Yujin
04-14-2006, 03:07 PM
Bangis,
Nakakaaliw ung contents nyan post mo hehe but
Is it me or you posted in the wrong section ?! :)
And maybe you should check again on the Rules section there is portion there saying Not to write Post full of Forward Signs :)

Hope you got the message and hope this helps.

Bangis
04-14-2006, 03:18 PM
honga di ko nabasa yong rules.. engot talaga.. sorry na lang po bossing.. hehehe

tsaka hanap ako ng jokes category la akong makita.. basta ko na lang pinindot kung san mapunta post ko.. nyahaha..:D

sorry po ulit bossing...

fremsite
04-14-2006, 03:22 PM
hello~~~ Bangis san .. hehehehe~~~ galing naman mag-kwento ~~~ ahahahaha~~~~!!! :D :p na-enjoy yata ako ~~~ :)

akiam
04-14-2006, 03:50 PM
nakakatawa naman yan. nakakawala ng problema kahit puro nilalaman ay problema. wait ko pa mga susunof mo huh!:) :)

Bangis
04-14-2006, 03:58 PM
Di daw po kasi pwede dito eh.. baka :gossip: pagalitan ako ni Yujin...:fence:

eto na lang check nyo baka matulungan nyo pa si MARITES (http://www.fractalcow.com/rex/low.html)

Yujin
04-14-2006, 04:20 PM
honga di ko nabasa yong rules.. engot talaga.. sorry na lang po bossing.. hehehe
tsaka hanap ako ng jokes category la akong makita.. basta ko na lang pinindot kung san mapunta post ko.. nyahaha..:D
sorry po ulit bossing...
Di mo kailangan mag sori sakin. Nagpaalala lang naman, so next time hindi ka magkamali :)

Di daw po kasi pwede dito eh.. baka pagalitan ako ni Yujin...
Hindi ako marunong magalit. sa ganyang kaliit na bagay :) . mahaba ang aking pasensya :D

Aquamarine
04-14-2006, 04:23 PM
Di daw po kasi pwede dito eh.. baka :gossip: pagalitan ako ni Yujin...:fence:

eto na lang check nyo baka matulungan nyo pa si MARITES (http://www.fractalcow.com/rex/low.html)


meron na rin pong thread tungkol dito.

pakicheck na lang po ulit... http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=101 9

hndi nga lang nasundan

Dax
04-14-2006, 04:27 PM
@Bangis
Natawa ako dun ah. Di ko maide-deny yan hehe. Siguro hinimatay na yung amo sa may last part. :hihi: Pero let us follow the rules ok? ;) Sabi nga sa registration process, "I have read, and agree to abide by the Timog Forum | Filipinos in Japan rules."

@Yujin
Buti na lang ikaw ang nagpaalala kay Bangis. Pag ako kasi parang iba ang tunog, akala nila pinapagalitan sila. :O

Peace tayo mga bro.

fremsite
04-14-2006, 04:27 PM
Di daw po kasi pwede dito eh.. baka :gossip: pagalitan ako ni Yujin...:fence:

eto na lang check nyo baka matulungan nyo pa si MARITES (http://www.fractalcow.com/rex/low.html)


ahahahahaha~~~~~!!!: biglaugh: sorry ~~ :hihi: can't help Marites ~~~ :nuts: :slam:
thanks again Bangis ~~~:tongue: ...thanks for sharing ... :bouncy:

neehs_iris
04-14-2006, 04:55 PM
Bangis,tawang tawa naman ako!! naalis ang stress ko ba sa kwento mo. sana,gawin mo araw araw kwento,hehe!para madivert naman kami sa kaseryosohan ng buhay!!thanks!!!

c2ny2
04-14-2006, 05:25 PM
bangis ok to ahh. Hehehe. Parang napanood ko na to sa program ni Dolphy sa Quizon Ave, doon sa isa sa mga resto sa beach road sa Susupe Vill.:confused:

pinkpooh29
04-14-2006, 07:01 PM
:D :noteeth: :lol: ayos tong thread mo bangis....Ang Bangis.............. nga!!! hehehe sana may susunod uli...:D :tfrocks:

RODSKI
04-14-2006, 09:05 PM
Bangis! ang bangis mo talaga :D :p :D :p nyak! nyak! nyak! kya lang sna next time post it sa mas ok na thread.

RODSKI
04-14-2006, 09:07 PM
bangis ok to ahh. Hehehe. Parang napanood ko na to sa program ni Dolphy sa Quizon Ave, doon sa isa sa mga resto sa beach road sa Susupe Vill.:confused: . . . . . C2ny2 huwag mo na bukuhin kaw talaga :D :p :D :p

hotcake
04-14-2006, 09:54 PM
Bangis ang galing naman nito. :) Pwede mo siya siguro i-post sa thread na Jokes Anyone (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=739&highlight=funny+joke s) na thread. Pero paki-ayos nalang ang pag-post, huwag iyong kung paano mo siya kinuha sa mailing list.:) Yoroshiku ne

Bangis
04-14-2006, 11:32 PM
Ngayon alam nyo na po kung pano magbigay ng masamang balita..

Hingi naman po ako ng tulong sa inyo.. gusto ko pong magtrabaho kahit sa restaurant o sa bar kahit ano po tatanggapin ko..

Eto po ang totoong PICTURE KO (http://www.nicanordavid.com/1001lives/pics/batding.jpg).. baka kung sakali meron kayong kakilala na qualified ako..

Salamat po I LOVE YOU TF:D

fremsite
04-15-2006, 01:02 AM
Ngayon alam nyo na po kung pano magbigay ng masamang balita..

Hingi naman po ako ng tulong sa inyo.. gusto ko pong magtrabaho kahit sa restaurant o sa bar kahit ano po tatanggapin ko..

Eto po ang totoong PICTURE KO (http://www.nicanordavid.com/1001lives/pics/batding.jpg).. baka kung sakali meron kayong kakilala na qualified ako..

Salamat po I LOVE YOU TF:D


nyahahahahaha~~~~~~~ ~~!!!!!!!!! :biglaugh:Bangis ~~~!!! sobra ka na ha ~~~hihihihi~~~ :fire: :insane: ang ganda mo pala ~~~!!!:bonk: wowoweeee~~~!!!! :nuts:

maimai
04-15-2006, 10:42 AM
hahahahahahha :biglaugh:as in:biglaugh: hahahahahha:biglaugh ::biglaugh: talaga akow sa iyo bangis tsang!!!:biglaugh:.. napagod ang panga ko sa katatawa!!! :biglaugh: :roll: :roll:


wawa naman yung sir nya!!siguro sa bandang huli hinimatay na yun!!:hihi:


si MARITESS naman..Sexual Harrasment daw sya ni Superman! sabi nya ~~"does not pair!" ay fair pala:hihi::hihi:~~he hehehehe...
at kay Batman..ngayun ko lang nalaman na Gay pala sya!:yikes: ~~hehehehhe~~:biglau gh:


and lastly... ang ganda ng poise mo dun ah!!:eek: nakakainggit ka vakla!!:hihi:heheheh eh :biglaugh:


:bouncy:Nice thread Bangis tsang!! :bouncy: akala ko nung una seryoso ang thread na ito!! mali pala akow!:hihi: mabuti na lang at pumasok akow dito!!:hihi: wait pa kami sa mga jowks mo!:sweeties:

Bangis
04-15-2006, 03:43 PM
May posted reply narin po ako dun sa joke time thread (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=341 0&page=3) sa Everything else section.. pero share ko lang po sa inyo ang karanasan ng pinsan ni Maritess galing din ng America.


Dumating si Dan sa Amerika sa tuloNg nang kanyang kumpare na may kontak
sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado
siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi
kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.
"Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng
kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumbabas
ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may problema ka, tawagan
mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."
Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na
nerbiyos ang kulokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si tarantado
(Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto niya, pero
pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa, or MasterCard!?
Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo
palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap
ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad
siya nang kotse ni kumpare, haruruot!. Kaso, halos wala nang gas ang
sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay siya
nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir!, pay first
please!".
"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!" Nagtatakbo si Dan
sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago
siyang lumapit sa pay phone.(hingal)Kailan gang...(hingal) ... matawagan
ko .... (hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para
masundo niya ako rito ... (hingal).
Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?"
... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!"
Pagbaba niya ng telepono, may amerkanong nakatayo sa likod niya,
ang tanong ba naman.....
"Are you done?". Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas,
"Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerkano .....
"Hey! be cool, man!", "Hinakupooooooo," sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!".
Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya. Ngayon
si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".


sorry po wala yong video footage ni Dan.. nahihiya raw kasi siya eh.. kasi ngayon medyo nakapag-aral na ng konting English si Dan.. naintidihan nya na ang buong pangyayari.. hindi naman na siya makabalik ng America kasi BlackListed na siya...nyahaha:D

SHAMPOO
04-15-2006, 03:56 PM
Super ka talaga bangis........sumasa kit ang tyan ko katatawa:D ....akala tuloy ng mga anak ko nasisiraan na ko ng bait:D

Bangis
04-15-2006, 04:30 PM
Super ka talaga bangis........sumasa kit ang tyan ko katatawa:D ....akala tuloy ng mga anak ko nasisiraan na ko ng bait:D

Ay teetahhh wag kang magkaganyan.. kawawa naman yong mga anak mo.. buti kung ikaw ang masiraan papano kung yong mga anak mo.. kasi hindi nila alam kung anong nangyayari na sayo.. Konting pigil lang.. pero wag mong sosobrahan.. baka kung saan lumabas yan.. nyahaha:biglaugh:

fremsite
04-15-2006, 04:36 PM
nyahahahahah~~~~~~~~ !!!!!!!!!!! Bangis~!!!!!!!!! ang kwela-kwela ng kwento mow ~~~ hihihihi~~~ ilabas mo na kasi mga nakatago mo sa baul ~~~!!! ahahahahaha~~~~ :roll: :biglaugh:

Bangis
04-15-2006, 05:07 PM
:biglaugh: Nyahaha pati ako nahawa na yata sa inyo.. maloloka na ako.. tawa rin ako ng tawa habang binabasa ko mga reaksyon nyo bigla nasa likod ko pala misis ko sabay sabi.. "Papa doushitano?" Sabi ko naman wag kang makialam dito hindi mo alam to.. sinagot ako.. "Ano!!?" lenya nagulat ako.. nasa Pilipinas na ba ako? nakalimutan ko.. tinuruan ko nga pala ng konting tagalog to..

Gusto ko sanang sabunutan misis ko kasi pinapahirapan pa akong mag-aral ng nihongo. Buti na lang naiisip ko.. Mahirap makahanap ng asawang ganito... naiintindihan ako kahit ganito ako.. nyahaha :biglaugh: