PDA

View Full Version : magtatanong lang po!!!


ankizze
04-15-2006, 10:47 AM
matatanong lang po ano po ba ang dis advantage at advantage if ever na makipagrecon ako sa hubby ko habang di pa me nakakapanganak? or dapat manganak na muna ako bago ako magfile ng divorce? kasi nahihirapan na ko sa sitwasyon namin eh! magkakaanak na kami't lahat hindi pa rin siya tumitigil sa pambababae at masaklap pa kapwa pa natin piipina.... kinausap ko na rin yung girl kaso ako pa ang tinarayan at di naniniwala na asawa ko yung boyfriend nya. cguro daw talento lang daw ako na naghahabol sa boyfriend nya.....

naapektuhan na tuloy itong dinadala ko, until now di p ako nakakatulog almost 2 days na ko nagiisip kung ano ba dapat kong gawin!!! please i need your advice!!!:(

PILIPINAS
04-15-2006, 11:18 AM
kung mahal mo ang asawa mo, ipaglaban mo. alam kong madaling magsalita pero mahirap gawin. ikaw ang legal na asawa. ikaw ang may karapatan sa kanya. if you file the divorce, which i'm sure na hinihintay ng kabit ng asawa mo, eh 'di sya ang nanalo.
isipin mo na lang muna ang baby mo. kailangan mailabas mo s'ya ng normal at maayos. stay ka lang sa TF, marami ang mag-aadvise sa 'yo.....

chubby_kulot
04-15-2006, 11:21 AM
hello ankizze...hirap talaga sa mga lalaki..hindi makontento sa isa...asar diba :order: kinausap mo na ba ang hubby mo tungkol sa pambabae nya?ano ang sabi nya?para sakin mas maganda na kausapin mo sya ng heart to heart at sabihin mo lahat ng feeling`s mo sa kanya...ask mo rin sa kanya kung san ba talaga patungo ang relasyon nyo now?tanong mo sa kanya kung may pagkukulang ka ba bilang asawa at nagagawa pa nyang maghanap ng iba?di siguro maganda na mag file ka ng divorce lalo na at kung ganyan ang kalagayan mo..pero sa totoo lang..makakasama sa baby mo ang maraming stress...ikaw makakaya mo bang mawala ang hubby mo or masira ang family mo?ask ko lang po ha...wag ka magagalit?ilang taon na po ba kayong kasal...?kung matagal na..hahayaan mo po ba na masira ang iningatang mong pamilya dahil lang sa kabaliwan ng hubby mo [sorry sa words ko] at un malditang babae na un [pilipina pa mandin] well..ganon talaga ang pag ibig..walang sinisino at walang sinasanto... :grrr: di kaya naisip ng babaeng un na kung ikaw na asawa ay nagawang lokohin ng boyfriend nya na asawa mo..sya pa kaya kung sakali man na maging sila [wag sanang mangyari]...wla bang wedding ring ang hubby mo para di nya malaman na kasal na ito...at ayaw maniwala sa sinasabimo.... o talagang makapal lang un babaeng un :order: basta mas mainam kausapin mo si hubby mo...then...kung wala talaga mangyari saka ka na mag isip ng next na step..pero sa ngayon..matulog ka muna at ipahinga mo ang isip mo...ikaw rin ang mahihirapan at un baby mo..alalahanin mo...wala syang kasalanan sa ginagawa ng hubby..alagaan mo sya...okie.. :sweeties: wag mong masyadong isipin ang problema..ipagtulos mo ng kandila ang asawa mo at ipagdasal mong magbago na sya para sa pamilya nyo.. :kiss:

kaori
04-15-2006, 11:24 AM
matatanong lang po ano po ba ang dis advantage at advantage if ever na makipagrecon ako sa hubby ko habang di pa me nakakapanganak? or dapat manganak na muna ako bago ako magfile ng divorce? kasi nahihirapan na ko sa sitwasyon namin eh! magkakaanak na kami't lahat hindi pa rin siya tumitigil sa pambababae at masaklap pa kapwa pa natin piipina.... kinausap ko na rin yung girl kaso ako pa ang tinarayan at di naniniwala na asawa ko yung boyfriend nya. cguro daw talento lang daw ako na naghahabol sa boyfriend nya.....

naapektuhan na tuloy itong dinadala ko, until now di p ako nakakatulog almost 2 days na ko nagiisip kung ano ba dapat kong gawin!!! please i need your advice!!!:(
wag mo muna hiwalayan hubby mo.wawa baby mo.at saka sabihin mo sa babae ng hubby mo:AKO LEGAL WIFE!pag ayaw mo tigil demanda ko kyo.engot na lang cya pag nde pa natakot.bigamya yan kamo.kuhanan mo ng kuhanan ng mga evidence.for the sake na lang ng anak mo,tiis pa ng konti.kaya mo yan.;)

Tonyang
04-15-2006, 11:25 AM
Tama si Pilipinas... ipaglaban mo ang iyong mahal. Huwag kang padadaig sa mga pang-past time niya lang. Bukas makalawa, may iba na naman siya.

Dumarating sa stage na ganyan ang ibang Hapon kaya nasa formula mo rin kung paano mo siya mababago. Test of time iyan sis...

Try mong huwag awayin siguro... una, pag at home siya sa iyo at welcome ang kanyang pagdating tuwing umuuwi, looking forward siyang umuwi.

proud me
04-15-2006, 11:36 AM
ankizze san mahal mo pa ba ang asawa mo?kung mahal mo pa ang asawa mo walang dahilan para paabutin mo sa pakikipag divorce ang problema.ipakita mo sa babaeng tanga kung pano magising sa katotohanan na kailangan alamin nya munang mabuti yong pinapasok nyang relasyon eh hindi tama.ipaglaban mo yong sarili mo.alang alang narin sa magiging anak mo.pls.lang walang kasalanan yong batang dinadala mo.alagaan mo ang sarili mo para narin sa baby mo.

Autumn
04-15-2006, 11:39 AM
Alam ko mahirap ang sitwasyon mo..pero ganito ginawa ko.dahil pareho lang ang nagyayari sa iyo at nagyari sa akin.

malilit pa mga anak ko noon,5 years old ang first born ko and preggy din ako sa second baby ko
nangbabae din sya at pinay din..(the nerve) but since 2 anak namin at babae pa..hindi ako nakipaghiwalay..baki t.? kasi ang hirap yatang magpalaki ng mga anak noh.pag naiisip ko noon kung saan ko ititira mga anak ko..grabe ..kung ano at paano ko sila bubuhayin.kasi noon sa bahay lang talaga ako.walang kaibigan dahil ayaw nya.yun pala ayaw nyang ma expose ako at matuto..
hindi sa dahil mahal ko pa sya kaya nandito pa ako..karapatan nyang suportahan ako at mga anak namin..kasi kung nakipag divorce ako..hindi ko pwedeng paghawakan yun kontrata (if ever ) na monthly support..marami na kasing nangyaring ganyan..kahit na may kasunduan. na ganito at ganyan.walang nasusunod doon.lalo na at nagpakasal na yun lalaki sa iba diba..

basta yun lang kasunduan namin.walang pakialaman.nag uusap lang kami basta tungkol sa mga bata.. pero hindi ko sinasabing gayahin mo ako..sa akin lang ito yun conviniet na paraan na naisip ko..ngayon 18 and 13 na mga Anak ko.nandito pa rin ako..pero malapit na akong makipag divorced.kasi may ipon na ako..pwede na akong mamuhay mag isa..yun pag ibig matagal ng nawala pati respeto..alam mo lahat ng kaibigan kong japanese ganito din ginawa nila..sabi nga nila morairu mono wa morainasai..pag nakuha mo na at nagawa mo lahat..tsaka mo itapon pag talagang hindi mo na kailangan at kaya mo nang mamuhay mag isa.. (nakakatakot ba ako?) eto lang kasi ang kaya kong iganti sa ginawa nya eh..

pero malay mo din baka pag nakita na nya baby nyo ,magbago at bumalik din yun dating kayo.? so hold on for now..peace on heart..

maimai
04-15-2006, 11:45 AM
yup! tama sila huwag mo sya hiwalayan...kasi paghiniwalayan mo sya parang nagpatalo ka sa kanila..lalo nayung sa bruhang pinay na yun!!..:mad: ...at pangalawa..para na rin sa baby mo....buntis ka pa ngayun mas maganda siguro nandyan ang asawa mo sa tabi mo ..mahirap magpalaki ng bata mag-isa lang......:)....

at tungkol dun sa babae...susugurin ko yun ulit kasama ang mga kabaranggay ko~~para matutu!~~at ipamukha sa kanya na sya ang nag-aagaw ng asawa!!!bruha na yun ikaw pa ang tinarayan! kung ako sa lugar mo...isang tadyak ang aabutin nya sa akin!:mad: :mad: :mad:

SHAMPOO
04-15-2006, 12:19 PM
Hello Ankizze
I share ko lang yung story ng friend ko dito baka magkaroon ka ng idea.Gaya mo rin sya ng magloko asawa nya, pilipina din ang kinalokohan.Nag file sya ng divorce 2 months bago sya manganak.Sinabihan namin sya na lumapit sa city hall para kumuha ng suporta o yung tinatawag na seikatsu hogo.Sinamahan namin sya pero sya lang ang nakapasok sa loob.Sinabi nya na nagloko asawa nya at dahil buntis sya at walang trabaho kailangan nya ng suporta.
Naging maayos nama lahat pati divorce nya,yun nga lang marami syang hinarap na challenge after non. Syempre sya na ang nanay sya pa rin ang tatay.Pero di nya inalis un karapatan ng asawa at byenan nya na dalawin ang mga bata.Yung asawa nya ikinasal sa pinay pero di rin nagtagal.After 6 yrs. bumalik asawa nya sa kanya,un nga lang di na sya nagpakasal uli, basta nagsasama lng sila w/ thier children.
Yung pag apply ng seikatsu hogo,case by case din yan, may madaling makakuha meron din hindi.Meron din after na makakuha nahihirapan din dahil mahigpit din ang gobyerno.Sa part ng friend ko naging ok naman.Yun nga lang talagang marami sya hinarap na challenge.
I just share this story hindi para gawin mo rin, kundi para magka idea ka. Hindi naman pwedeng maging pareho ang nating lahat di ba.
Read mo ang advice at idea ng mga ka tf natin. Basta wag mong kakalimutan na ikaw pa rin ang dapat mag decide sa problema mo.Dito lng kami na mga ka tf mo na everytime ready na mag advice sa iyo. Kung may kaibigan ka dyan, mag join ka sa kanila para malibang ka. Lagi mong isipin ang baby mo sa tyan mo, kailangan mo matulog para makapag isip ka ng maayos.
GAMBATTE NE!!!!:)

Yujin
04-15-2006, 12:20 PM
matatanong lang po ano po ba ang dis advantage at advantage if ever na makipagrecon ako sa hubby ko habang di pa me nakakapanganak? or dapat manganak na muna ako bago ako magfile ng divorce? kasi nahihirapan na ko sa sitwasyon namin eh! magkakaanak na kami't lahat hindi pa rin siya tumitigil sa pambababae at masaklap pa kapwa pa natin piipina.... kinausap ko na rin yung girl kaso ako pa ang tinarayan at di naniniwala na asawa ko yung boyfriend nya. cguro daw talento lang daw ako na naghahabol sa boyfriend nya.....

naapektuhan na tuloy itong dinadala ko, until now di p ako nakakatulog almost 2 days na ko nagiisip kung ano ba dapat kong gawin!!! please i need your advice!!!:(
ankizze,
Mahirap yang naging kalagayan mo. Nakatagpo ka ng asawa na babaero.
Hindi man kita mabigyan ng payo tungkol dun sa babae ng asawa mo.
Hayaan mo naman na maishare ko sa iyo ang konti kong opinion about dun sa
tanong mo about pakikipag- "rikon".

Alam mo kasi ang divorce law dito sa japan ay hindi na daw nabago ng napakatagal na
panahon na. Although they offer divorce in this country, meron mga safeguards
sila sa batas regarding divorce para mapanatili pa rin ang bond/tie ng magasawa
at hindi basta basta maputol ito.

Napakahirap na kumuha ng divorce "unilaterally" or meaning isang party lang ang
magrequest unless the other party has committed a crime and you have proof.
So kung unless na dalawa kayong may gusto ng divorce at pareho kayong mag
"hanko" sa Rikon-Todoke ay hindi advisable option ang diborsyo.

Going back sa tanong mo, kung gusto mo talaga ituloy ang divorce ninyo,
meron advantage kung wala pa kayong anak dahil walang masyadong complication kasi 2 lang kayong maguusap. Kung meron na kayong anak, mas maraming complication kasi papasok na ung issue kung kanino mapupuntang custody ng bata.
Sa case ng ilan kong kakilala na Pinay, nakuha naman nila ang custody ng bata but
syempre hindi mo alam kung anong ang posibleng mangyari at we cant deny the
possibility that you "might" loose custody ng bata.

So personally, ang payo ko sa iyo ay hanggat magagawan ng paraan na maayos mo
ang relasyon ninyo. gawin mo sana. Kausapin mo sya sabihin mo na alam mo ang
ginagawa nya pambababae at itigil na nya ito, hindi lamang para sayo maging para sa
magiging anak ninyo. Hintayin mo rin maaaring magbago siya kapag lumabas na ang anak ninyo.
Good luck sa iyo :)

PILIPINAS
04-15-2006, 12:22 PM
hindi sa dahil mahal ko pa sya kaya nandito pa ako..karapatan nyang suportahan ako at mga anak namin..kasi kung nakipag divorce ako..hindi ko pwedeng paghawakan yun kontrata (if ever ) na monthly support..marami na kasing nangyaring ganyan..kahit na may kasunduan. na ganito at ganyan.walang nasusunod doon.lalo na at nagpakasal na yun lalaki sa iba diba..
basta yun lang kasunduan namin.walang pakialaman.nag uusap lang kami basta tungkol sa mga bata.. pero hindi ko sinasabing gayahin mo ako..sa akin lang ito yun conviniet na paraan na naisip ko..ngayon 18 and 13 na mga Anak ko.nandito pa rin ako...

Wow, hanga ako sa 'yo Ms. Autumn. Mahirap makisama sa taong hindi mo mahal. Pero nagawa mo para sa iyong mga anak na babae. Napakahusay mong ina. Swerte ang mga anak mo.
P'wede bang magtanong? Para sa mga more than ten years nang kasal, dumaan ba rin kayo sa stage na, kumakaliwa ang asawa ninyo? "Tiis muna at lilipas din 'yan"... Paano ba ang magtiis? Gaano katagal ito bago lumipas?

vectra1123
04-15-2006, 12:24 PM
Wala ka nang magagawa dyan sa kamaniakan ng magaling mong asawa, harangan mo man ng sibat kahit na siguro tangke pa!!! Maraming ganyang klaseng tao hindi lang sa atin kahit dito sa Japan! Alagaan mo ang sarili mo hanggang sa makapanganak ka isaisang tabi mo muna ang problema mo sa babae ng asawa mo at unahin mo ang baby mo.Huwag mong ipagsabay sabay ang mga binabalak mong gawin,ikaw lang ang mahihirapan sa ngayon,unti untiin mo munang stable ang sarili mo bago mo sila gawan ng legal action.:)

barabara
04-15-2006, 12:26 PM
Iha, tanong ko lang sa iyo kung mahal mo pa asawa mo, eh tiis ka lang talaga dahil sa anak ninyo.. but for me lang ha! di na uso martir ngayon! kung bata ka pa may panahon pa para makaahon sa ganyan klaseng lalaki.. Gawin mo ang dapat..kapal din ng mukha ng pinay na pumatol sa asawa mo..nakakagigil!

Eto nga may isang pinay dito 3 anak nila tagal ng nagtiis iyon.. ang asawa niya babaero din at pachinko pa at hilig ng pinay omise..pero itong Marso lang hingi siya ng help sa Philippnine embassy.. gusto na niyang hiwalayan dahil sinaktan siya..nagpunta dito sa hokkaido isang NGO ng philippine embassy, help nila lahat ng kailangan pati passport nirenew lahat dahil expired lahat. usap nila ang mga bata ayaw sa ama, sa ina lahat sumama. ayon nasa Pinas na..walanghiya talaga iyong hapon pangit at matanda na hilig pang mangbabae.(sorry po inis lang ako pag may naapi akong kababayan ko).. good luck sa iyo.. god bless you.. I pray for you na makaraos ng maayos sa panganganak mo..

ankizze
04-15-2006, 05:33 PM
maraming salamat mga ka tf, pasensiya na nakaidlip din ako kahit papaano....pero ngayon kahit papaano napagaan nyo yung mga nararamdaman ko. di talaga ako nagkamali na sa TF magbuhos ng mga sama ng loob...

sa ngayon keep quiet lang muna ako hihintayin ko na lang muna na manganak ako until june saka ako gagawa ng mga nararapat na hakbang!!! thank you ulit guys!!!

PILIPINAS
04-15-2006, 05:39 PM
Salamat din sa 'yo at binigyan mo kami ng pagkakataon na makatulong. Siguradong natutuwa ang lahat ng taga TF at nakinig ka sa mga payo, naming lahat...keep posting...

myukasky
04-16-2006, 01:02 PM
Tama sabi nila ang isipin mo muna yang dinadala mo, kawawa naman kung pati sya maapektuhan kung lagi mo iisipin yang ginagawa ng husband mo. Kapag nakapanganak ka na at okey na yang baby mo tsaka ka gumawa ng move mahirap pagsabayin lalo na buhay ng baby mo din nakasalalay. Ganun talaga ikaw na nga ang nasasaktan sa ginawa ng husband mo at noong babae sila pa ang matatapang. Di bale kung itutuloy naman nila ang relasyon nila, maniwala ka sa akin sa umpisa lang ligaya nila kasi nakasakit sila ng kapwa nila. Bihira ang lumigaya sa bawal na pag-ibig, meron man siguro panandalian lang. Tibayan mo ang loob mo para sayo at sa magiging anak mo. Ako dalawa anak ko, minsan naiisip ko kung maging ganyan din husband ko. Handa na ako basta sa akin yung dalawa kong anak. Sinabi ko yan sa asawa ko, kung ayaw na nya sa akin sabihin lang at ng wala ng masasaktan pa. Di sa hindi ko na sya mahal pero di natin hawak ang puso at iniisip nila. Goodluck at balitaan mo kami kapag nanganak ka na. Nasabi mo June ka manganganak, ako kasi June din eh. :D

myukasky
04-16-2006, 01:10 PM
Alam ko mahirap ang sitwasyon mo..pero ganito ginawa ko.dahil pareho lang ang nagyayari sa iyo at nagyari sa akin.

malilit pa mga anak ko noon,5 years old ang first born ko and preggy din ako sa second baby ko
nangbabae din sya at pinay din..(the nerve) but since 2 anak namin at babae pa..hindi ako nakipaghiwalay..baki t.? kasi ang hirap yatang magpalaki ng mga anak noh.pag naiisip ko noon kung saan ko ititira mga anak ko..grabe ..kung ano at paano ko sila bubuhayin.kasi noon sa bahay lang talaga ako.walang kaibigan dahil ayaw nya.yun pala ayaw nyang ma expose ako at matuto..
hindi sa dahil mahal ko pa sya kaya nandito pa ako..karapatan nyang suportahan ako at mga anak namin..kasi kung nakipag divorce ako..hindi ko pwedeng paghawakan yun kontrata (if ever ) na monthly support..marami na kasing nangyaring ganyan..kahit na may kasunduan. na ganito at ganyan.walang nasusunod doon.lalo na at nagpakasal na yun lalaki sa iba diba..

basta yun lang kasunduan namin.walang pakialaman.nag uusap lang kami basta tungkol sa mga bata.. pero hindi ko sinasabing gayahin mo ako..sa akin lang ito yun conviniet na paraan na naisip ko..ngayon 18 and 13 na mga Anak ko.nandito pa rin ako..pero malapit na akong makipag divorced.kasi may ipon na ako..pwede na akong mamuhay mag isa..yun pag ibig matagal ng nawala pati respeto..alam mo lahat ng kaibigan kong japanese ganito din ginawa nila..sabi nga nila morairu mono wa morainasai..pag nakuha mo na at nagawa mo lahat..tsaka mo itapon pag talagang hindi mo na kailangan at kaya mo nang mamuhay mag isa.. (nakakatakot ba ako?) eto lang kasi ang kaya kong iganti sa ginawa nya eh..

pero malay mo din baka pag nakita na nya baby nyo ,magbago at bumalik din yun dating kayo.? so hold on for now..peace on heart..

Sana dumami ang katulad mo,:D Yung iniisip ang kapakanan ng mga anak at di yung sarili. Suwerte naman ng two kids mo.:D

bara
04-16-2006, 05:39 PM
hi! alam mo medyo parehas tyo nang situation but di naman nambababae ung asawa kong japanese actually mabait at good provider sya.Pregnant me also and next month manganak n ko i1st baby ko.Actually napagusapan na nmin ng asawa ko na balak kng humiwalay kapag panganak ko siguro pag 1 yr old n ung bata,alam kong mahirap pero marami kasi me stress and anxiety kpag magkasama kami sa bahay and besides gusto kong maiayus uli yung buhay ko kasama baby ko.Bale ung settlement namin ay ganito mhirap kasi ang maging situation mo kapag nkipagdivorce k agad sa asawa mo n d kapa n permanent tapos bagong panganak kapa kaya napagisipan ko at sa advice ng mga social workers na nkausap ko i have decided na bekyo nalang ang hingin ko sa asawa ko ung bang kasal parin kami legitamate ang anak ko pero hiwalay lang kami ng tirahan bale nanghingi me ng sustentong 10 lapad monthly n 2lapad n dagdag sa aparto nmin ng bata.hati kami sa pagbayad ng child insurance ng bata kapag nakapgtrabho n me.Ung hokien ko n ng bata derecho parin ang bayad mula sa asawa ko ata kapag bonus nya dapat bigyan nya ung bata ng cash kimateru un.AT hindi sya pwedeng magasawa uli oidivorce me hangat d pa permanent ung bala o visa hawak ko d2.Medyo kakaiba nuh pero dapat ganito rin ang gawin dyan sa asawa mo wag kang magpatalo laban!!!!girl!!!! ang isip ko lang ung kapakanan ng bata at panu kami mkasurvive d2 sa japan.kailangan simula ngaun mgipon ka ng pera dapat marunong kang mangupit lalo n sa pagbabadget halimbawa!!! ganito gawa ko bale ngaun wala trabaho db ang budget n bigay sakin ng asawa ko monthly sa pagkain ay 4lpad a month pero 2lpad lang ang gingastos ko ung 2lpad n natira kupit ko un n save ko sa bank.kaya dpat gasmitin mo ung talino mo k.

PILIPINAS
04-16-2006, 06:48 PM
hi! alam mo medyo parehas tyo nang situation but di naman nambababae ung asawa kong japanese actually mabait at good provider sya.Pregnant me also and next month manganak n ko i1st baby ko.Actually napagusapan na nmin ng asawa ko na balak kng humiwalay ...

ngayon lang ako nakarinig ng ganitong marital arrangement. p'wede pala ito, s'yempre depende sa partner kung papayag ito o hindi.

Well, good luck at sana maging matagumpay ka. Hinahangad ko rin ang iyong kaligayahan at peace......

myukasky
04-16-2006, 09:45 PM
ngayon lang ako nakarinig ng ganitong marital arrangement. p'wede pala ito, s'yempre depende sa partner kung papayag ito o hindi.

Well, good luck at sana maging matagumpay ka. Hinahangad ko rin ang iyong kaligayahan at peace......

Pilipinas may ganyan talaga may kilala din ako ganyan set-up nila. Yung lalake bayad ng bahay at bigay panggastos pagkain. Pero lately wala na yata, sana kapag dumating yung time na yun sana handa lang.

Autumn
04-16-2006, 10:34 PM
wala din akong nakita na nagtagal ang pagbibigay ng sustento..ganyan nagyari sa mga pilipina dito..
so please do the right moves..and always be ready..:)

PILIPINAS
04-17-2006, 12:06 AM
Pilipinas may ganyan talaga may kilala din ako ganyan set-up nila. Yung lalake bayad ng bahay at bigay panggastos pagkain. Pero lately wala na yata, sana kapag dumating yung time na yun sana handa lang.

'Di ba kapag ang isang tao ay hindi tumutupad sa 'mutual agreement', p'wede itong mademada at makulong. Kaya dapat, mayroon kontrata ang agreement, na gawa ng abogado, at approved by the authority..."kateisaiban" yata ang tawag doon ????????

rhiverz
04-17-2006, 12:30 PM
believe it or not, marami talagang mga tao ang ugali ng mang agaw ng asawa ng may asawa or bf/gf ng may bf/gf

I have a friend na kagaya ng situation mo, may other woman, and when my friend confronted the other woman, sya pa ang nagtaray at sinabihan yung friend ko na sabihan daw nya yung asawa nya at wag sya dahil yung guy naman daw kasi ang makulit at mapilit. Then when she confronted her husband, naloka ang friend ko dahil sinermunan pa sya nung asawa nya bakit daw nya kinausap at sinabihan ng masasamang salita yung babae nya?
Tama ba naman yun? Kaya ang ginawa ng friend ko, kinausap nya yung family ng asawa nya at sinabi ang kalokohan nito then yung family ng asawa nya ang kumausap dun sa girl. Walang nagawa si girl dahil tinakot ata sya na ipapakulong kapag di sya lumayo or di nya nilayuan yung guy. So my friend thought that was the end of the story. But she found out na nagdi-date pa rin pala yung asawa nya at yung other woman (the nerve!).

So my friend asked our help (syempre friends will always be there di ba) and kami na ang gumawa ng paraan para masira yung girl. We emailed and texted all the girl's barkada/schoolmates and officemates through friendster na rin and some of her friends asked us why, then kinuwento namin ginawa nya, ayun napahiya sya sa kalokohan nya.
Pati family ng girl sinabihan namin, muntik ng maatake sa puso ang father nya when they found out about that issue.

Lesson:
Wag mang agaw ng pag aari na ng iba/ Wag ipaagaw ang pag aari mo na.
Dont play with people whom you dont know what he/she is capable of doing.


Fight for your right! Fight for your love! Fight for your baby's sake.

sam_227
04-17-2006, 10:12 PM
Alwas pray lang...at para sa akin, kung ayaw nung babae hiwalayan at maniwala na ikaw ang tunay na wife pabayaan mo na lang sya..ganyan talaga mga :devil: aijin sila pa matatapang.At isa pa pag di mo sya tinigilan lalo ka nya guguluhin.Huwag mo muna sya pansinin lalo lang dadami ang problema mo.for the meantime isipin mo muna anak mo nakaka apekto kasi yan sa bata.Tayo naman mga pinay hanggat kaya magtiis kaya natin kodomo no tameni..basta every na mag kasama kayo gawin mo ang lahat para ma pasaya mo sya. at huwag mo aawayin minsan kasi ayaw nila ng urusai pero sila ito urusai!O kaya, pa awa epek...siguro naman kahit konte may konsyensya yan hubby mo.Di bale i a sure you pag nakita nya baby nyo titino din yan.Basta pray lang po...alalahanin mo yon baby nyo..take care lang po.

lakndula
04-17-2006, 10:26 PM
matatanong lang po ano po ba ang dis advantage at advantage if ever na makipagrecon ako sa hubby ko habang di pa me nakakapanganak? or dapat manganak na muna ako bago ako magfile ng divorce? kasi nahihirapan na ko sa sitwasyon namin eh! magkakaanak na kami't lahat hindi pa rin siya tumitigil sa pambababae at masaklap pa kapwa pa natin piipina.... kinausap ko na rin yung girl kaso ako pa ang tinarayan at di naniniwala na asawa ko yung boyfriend nya. cguro daw talento lang daw ako na naghahabol sa boyfriend nya.....

naapektuhan na tuloy itong dinadala ko, until now di p ako nakakatulog almost 2 days na ko nagiisip kung ano ba dapat kong gawin!!! please i need your advice!!!:(

Kawawa ka naman. Sana may maitulong ako sa iyo. Kung ako nasa feet mo lakasan ko loob ko. Isilang mo muna ang anak mo. Pagkatapus magsikap kang makuha nang ibidisya sa panglalaki nang asawa mo at pagkatapus mag file nang divorce. Kailangan maipalabas mo na siya ang may kasalanan para makapagbayad siya nang sustinto sa anak mo at sa iyo.

amazona
04-22-2006, 08:43 AM
oo lahat sila tama ,mahirap talagang intindihin ang mga lalaking mahilig sa pag lalaro ng apoy.kahit gumawa ka ng action sa mga oras na ito ay wala kang kayang gawin kundi umiyak at mag isip dahil preggy ka kamo.saka kana mag isip ng action kapag naka panganak kana .talagang ganyan ang buntis maraming stress na kinakaharap.kasi ganito iyan hindi lang ikaw ang nag iisa sa ganyang problem meron kasing mga lalaking habang buntis ang asawa eh sa ibang kandungan nag papakasarap sorry sa term ng salita ko kasi di nila matake na makasiping ang asawa na habang malaki ang tiyan.either naawa sila ,nawawala ang gana nila na makipag talik sa mrs nila habang preggy,di nila kasi magawa ang gusto nila pag dating sa bed.minsan ganyan ang kanilang mga dahilan.kaya habang preggy ka tiis muna,matakot ka kung dika buntis saka ka binigyan ng problem ng asawa mo.yun ang matatawag na talagang babaero siya.for the meantime kumain ka magpaganda ka,tama sila kahit gusto mo ng sakalin ang asawa mo tiisin mo muna alang alang sa anak mo.mahirap baka magkasakit ang baby habang nasa tyan mo .ma double pa ang sakit ng ulo mo.at alisin mo muna bungangaan si hubby ,yan ang no. 1ayaw ng lalaki at lagi mong ipagdasal na sana maliwanagan ang pag iisip ng asawa mo.lahat tayo dumaraan sa pag subok iba-iba nga lang pamamaraan sa akin di lang ako na one time ng asawa ko pinag daanan ko na yan mas grabe pa diyan.follow my advice .until now kami pa din.ako pa nga ang naghahamon ng hiwalay alam mo ginawa niya binuntis din niya ako ngayon may maliit akong anak ,pa daw di ako makaporma ng hiwalay.

luccia
04-22-2006, 11:09 AM
hi sis ankizze,

kausapin mo man ng kausapin ang basurang tao basura
pa rin ang lalabas sa bibig nyan. so why waste ur time and energy.
ang lalake ataremai na sa kanila ang nambabae sabihin man natin
na di lahat. but most of them are commited like that.

is just a matter of acceptance only coz ur dealing with a common problem
kung sobrang bigat ang pag tanggap mo ang balik din
sayo nyan doble pa sa bigat
kung magaan ang pagtanggap mo doble pa sa gaan ang balik sayo.

you wanna feel the pain then feel it , u wanna cry then cry
kung anu man sakit, hirap luha, ang dinadanas mo. doble din yan sa pag-didivorce.
same category lang ang divorce at di divorce.
pag nasanay kana sa luha at sakit na nararamdaman mo
mismong luha at sakit na ang lalayo sayo dahil alam nila
na matatag kana. dahil kaya mo ng unawain ang asawa mo.
ang ama haligi ng tahanan ang ina ilaw ng tahanan
kung sa apat na haligi at isa ay marupok kaialangan
mong ilawan para yung tatlong haligi hindi dapat madamay.
pero kung ang ilaw ay nawala yung apat na haligi na yun
babagsak. at ang babagsakan ay yung iniilawan at hinahaligihan nyo.
ataremai na ang babagsakan nun ay ang mga anak nyo.
Ipaglaban mo ang karapatan ng mga anak mo dahil
wala pa silang boses. naipaglaban mo na ang karapatan mo bilang asawa
dahil inunawa mo siya sa kakulangan niya. dun palang
enough na yun. kung di man maintindihan ng asawa mo
ang pang unawang binigay mo sa kanya. siya na ang may problema
nun. hayaan mo siyang magproblema instead of you.

kung sa pag sasama nyo may violence ng nangyayari
dapat ka lang sumigaw ng darna. move on gurl
iwanan mo na ang basura sa kapwa nya basura.

but the question is kaya mo bang harapin mag -isa ang dapat mong
harapin bilang magulang ng inyong mga anak.
kung kaya mo then good for you.
have faith on your self and always remember

marriage is not a destination ....its a journey.

ang dis-advantage yang pinag bubuntis mo pag inilabas
mo yan automatic na pilipino. why dahil di kana asawa
kahit pa anak nya yan. lumalabas na illigatimate na
ang bata na yan. dahil ang pwede lang mag pasok ng anak
mo sa kasoketohon ay ang ama niya. do you think pag
na divorce kana ipapasok pa ng ama niya yung bata.
advantage di kana masasaktan,iiyak and ur free to do what you want.

kung sa panganganak mo ganun pa rin ang situation mo
ikaw na mismo ang mag pasok ng anak mo sa koseketohon
pag katapos mong manganak humingi ka ng certification
dun sa hospital na pinanganakan mo. dahil mo yan sa City
Hall at yung bosutechou. may mga japanese na di nila pinapasok
ang bata lalo na alam nila ang pag sasama nilang mag asawa ay
Scotch on the Rocks na. so as long as your holding a japanese name
do it for your self.

So Let's Keep the Good Vibes Rollin to you and to your child:)

Tonyang
04-22-2006, 12:53 PM
Ankizze, kapatid, motivation lang para positive ang iyong pagharap sa mga problema. Take mo sila as challenges at kung may chance at may mga kaibigan na puwede mong makausap palagi, pls magkaroon ka sana ng oras para may diversion ka sa mga problema.

Sabi nga ni Sis Luccia, di solusyon ang divorce... ika nga mahihiwalay ka nga pero mas mabigat ang iyong magiging problema.

Sabi naman ni Sis Amazona, lakas ng loob at magpaganda ka...

I am sure marami pang gustong magpahiwatig ng tips para ikaw pa rin ang magwagi sa puso ng iyong asawa.

Marami pa na sumulat sa iyo ang gustong sumuporta na maging buo pa rin ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pagiging mahinahon at kung kakayanin ang problema kahit gaano kabigat ito... Ika nga.. smile at kalimutan ang problema.

Di ka talo sis eh... una marami kang kakampi (kami kakampi mo)... di ka nag-iisa at higit sa lahat, ikaw pa rin ang asawa. Huwag kang papatalo sa mga Pinay na "kinakalaban pa ang kapwa-Pinay". Andito kami para suportahan ka. Actually, ano bang problema ng mga ganyang Pinay at kapwa-Pinay pa ang sinasagasaan?

I think dapat magbuo tayo ng isang grupong "Anti-Pinay na Kabit".

Una sa Diyos..pangalawa sa pamilya mo... malaki ang pagasa pa! Good luck!