ranberzul
04-16-2006, 03:09 PM
Pasado alas otso na ng umaga ng ako ay nagising. Ako na lang pala ang natitira sa higaan.:sleep: Buti na lang at wala ng pasok kaya ayos lang ang hindi magising ng maaga. Naririnig ko na rin mula sa labas ng bintana ang tinig ng aking kapatid na naglalaro na sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ngayong araw dahil parang may kakaibang mangyayari. Wala na pala akong kasabay mag almusal kaya ako na lang mag-isa ang kakain. Habang ibinababa ko ang tali ng basket na nakasabit sa kisame ay amoy na amoy ko na ang pritong tinapa, sinangag na maraming bawang at pritong itlog na native. Ayaw kasing maglagay ng tiring pagkain si ina sa ibabaw ng lamesa bahil kunukutkot daw ng “mabait”.:food: Kaya para akong nagpa-flag ceremony habang itinataas at ibinababa ang basket. Hindi ako mahilig sa gatas ng kalabaw pero sige pa rin ako sa pag-inom nito dahil kapag naubos na ang laman ay ibebenta ko ang boteng pinaglagyan para magkapera ako o kaya ay ipagpapalit ko ng chichirya na tinatakal at ibabalot sa dyaryong binilot na hugis balisuso.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang isipin si Nerissa Hilda:kiss: dahil laman siya ng panaginip ko kanina. Mahigit isang lingo ko na rin siyang hindi nakikita simula ng kami ay magbakasyon sa ika-limang baitang. Naalala ko pa ng tinanong ko siya kung bakit ganoon ang kanyang pangalan para lang mayroon kaming mapag-usapan. Ang sabi naman niya ay habang siya ay ipinagbubuntis ng kanyang ina ay mahilig itong magbasa ng pocketbook na gawa ni Nerissa Cabral at Hilda Olvidado.
Bata pa lang ako pero may pagka-utak negosyante na.:type: Kapag namumunga na ang tanim naming punong bayabas ay namimitas ako at ibebenta sa eskwelahan. Kapag naman hindi panahon ay iba’t – ibang candy ang tinda ko tulad ng pastilyas, yema, pulboron, belekoy, tira-tira, bukayo, lips, nips, butterball, sergs, lala, sundot kulangot at iba pang matatamis na galing sa bayan ng bulacan at laguna depende kung ano ang uso.:noteeth: Kung minsan pa nga eh may kasama pang palutong o kropek. Kapag uwian naman ay humahango ako ng bibingkang maliit na kadalasan ay estudyante rin ang nagtitinda. Pinitpit na kutsara o kaya ay tinidor pa nga ang panghiwa tapos ay ilalagay sa maliliit na dahon ng saging. Beinte sinko sentimos ang isang hiwa. Lahat ng kamag-aral ko ay alam ang ginagawa kong ito maliban na lang sa aming guro dahil siguradong magagalit ito dahil hindi nauubos ang nirarasyong nutriban ng school canteen. Syempre, hindi maiiwasan na kapag si nerissa ang bumili ay libre o kaya ay may dagdag. :sweeties:
Pagnatapos na akong kumain ay bubuksan ko na ang aking perang naipon sa alkansyang baboy at pulbos na binutasan sa gilid para ibigay kay ina. :crash: Hindi ko pa nakikita si ina ngayon, marahil ay nasa palengke pa ito at namimili ng saging at kamote para sa kamote que, banana que at maruyang saging na ilalako niya mamaya. Dumating na rin si ama galing sa taniman ng punong mangga. Tuwing umaga ay pinapausukan niya ang puno dahil marami na itong bulaklak at para maiwasan ang mga pesteng kulisap. Habang umiinom ako ng tubig galing sa banga ay sinabihan ako ni ama na magbihis at sapagkat kami ay aalis. Nagtataka man ako dahil hindi naman araw ng lingo para kami ay mamasyal ay hindi na rin ako nagtanong kung saan kami pupunta. Dali-dali akong nag - igib ng tubig sa balon at naligo din ng kalahating oras. Meron na akong plantsadong pantalon at polo na pangsimba kaya ito na ang aking isinuot. May halong pagka-inis ang pagsusuklay ko sa aking buhok dahil hindi ko malagyan ng gel dahil sa sobrang ikli at nagmumukha akong si katchupoy. Noong nagpapagupit ako sa barbero, ang sabi ko ay gupit binata pero ang ginawa niya ay chato dahil hindi pa naman daw ako binata. Ginamit ko rin ang mighty kid shoes ko dahil madalang ko itong isuot kapag may pasok dahil leather shoes ang kailangan sa eskwelahan.
Ayos na ako at handa ng umalis pero ng nakita ni ama ang gayak ko ay sinabihan niya akong magdala ng bag, damit pambahay, pantarorong at tuwalya. Ang kapatid kong babae na naglalaro ng Chinese garter na lang ang naiwan sa bahay. Nang magpaalam ako sa kanya ay ngingiti-ngiti lang siya.:p Parang may alam siya na hindi ko maintindihan. Malayo na rin ang nilalakad namin ni ama at mahigit kumulang isang oras na rin at tumana na ang aming binabaybay. Ilang minito pa ay tumambad na sa amin ang ilog at ang kabilang ibayo ay taniman ng mais. Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa aming pupuntahan. Isang kubo na malapit sa baybay ng ilog.
May kausap na rin si ama at ngayon ko lang nakita ang matandang ito. May halo ng kaba sa aking dibdib kung bakit nga ba nandirito kami. Ano ba ang pakay ni ama sa lakad naming ito? Ipinakilala na rin ako ni ama at sya raw ay si Mang Berting. :hellfire:Tinanong niya ako kung ako raw ay kinakabahan pero ang isinagot ko ay hindi para lumakas ang aking loob. Maya-maya pa ay may ipinakain na siya sa akin. Sariwang dahon. Masama ang lasa at medyo mapakla. Tiwala naman ako dahil alam kong andiyan si ama at hindi niya ako pababayaan. Nangangatog man ang aking laman sa nerbiyos ay hindi ko pa rin ipinapahalata. Maya-maya pa ay ipinaalis na niya sa akin ang suot kong saplot. Wala na kong magawa kundi ang maging sunud-sunuran sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa hangin.:scratch: Naramdaman ko na lamang na isang maliit na bagay ang tumusok at humiwa sa laman ko. Ang nakita ko na lang ay ang dugo na umaagos galing sa katawan ko. Ilang minuto pa ng lumipas ay sinabihan ako ni Mang Berting na tapos na, tule ka na sabay utos na tumalon ako sa ilog.
Habang kami ay pabalik na ni ama sa aming tahanan sakay ng paragos ay wala na akong kaba. Si ama ay puno talaga ng surpresa… :surprise: napaisip tuloy ako ng sabihin niya na ilang taon pa mula ngayon ay mayroon pa tayong lugar na pupuntahan at hindi mo pa ito nararating… haay.. tama kaya ang iniisip ko?.. iyon nga kaya ang lugar na yon?...antayin ko na nga lang, mabilis naman lumipas ang panahon.