PDA

View Full Version : paalam


ranberzul
04-18-2006, 10:15 AM
Bakit marami ang may takot
Sa madilim na kahon ay mapinid?
Walang pinto, wala rin bintana
Salamin lamang ang ‘yong nakikita.

Mga mahal sa buhay ay nagsidating
Dating kamag-aral, muli’y nakapiling
Ngayon ay nananahimik,
Kapit-bahay mong may pagkapraning

Samyo ng bulaklak
Pagpatak ng kandila
Paru-parong lilipad-lipad
Haya’t dumapo sa ‘yong magulang

Sa aking pagkakahiga
Isipa’y naging malaya
Pigilan ang pagluha
Huwag mangulila.

Hindi man nakapag paalam
Alalahanin pagmamahal na aking inialay
Sa buti’t sama na aking nagawa
Ito’y aking dala patungo sa Ama..

PILIPINAS
04-18-2006, 10:28 AM
ranberzul-san, tumaas ang balahibo ko...punung-puno ng damdamin ang iyong tula. mahusay kang sumulat, manunulat ka ba? i mean, professional writer ka ba? if not, you should be...aabangan ko ang mga susund mo pang gawain...

chubby_kulot
04-18-2006, 10:33 AM
nakaka-touch naman un tula mo ranberzul san....at dahil sa tula mo may naalala akong taong ganon..di nakapagpaalam man lang sa amin...pero kahit ganon pa man ang nangyari..tahimik naming ipinalangin ang kanyang paglisan sa piling namin... :cry: dahil sa kanyang patutunguhan ..alam namin na matatahimik na sya habang kami dito ay patuloy pa sa pakikibaka sa hirap at saya ng buhay.....

proud me
04-18-2006, 11:12 AM
ranberzul san, wow...sobrang nakaka touch itong tula mo ang bigat ng dating sa heart. :thumb:

ranberzul
04-18-2006, 11:41 PM
ranberzul-san, mahusay kang sumulat, manunulat ka ba? i mean, professional writer ka ba? if not, you should be...aabangan ko ang mga susund mo pang gawain...

hello PILIPINAS, hindi po ako professional writer. sinubukan ko lang po ang sumulat. nag try lang ako. ;)

Autumn
04-19-2006, 12:21 AM
wonderful poem..hats off

ayumi
06-14-2006, 09:37 PM
IT'S NOT EASY TO SAY,"GOODBYE"
2XHQk9teS9A
I wanted you for life
you and me in the wind
I never thought that'll come a time
that our story will end
It's hard to understand
but I guess I'll have to try
It's not easy to say,goodbye

for all the joy we share
all the time we had to spend
now, if I had one wish
I want forever back again

to look into your eyes
and hold you when you cry
it's not easy to say, goodbye

I can remember all those great times we had
that was soo many memories, some good,some bad
yes, endure it all, this memories will last forever

there's peace in where you are
maybe all I need to know
and if I listen to my heart
I hear your laughter once more
and so I've got to say
I'm just glad you came my way
it's not easy to say, goodbye...

goodbye....

kate
06-14-2006, 10:00 PM
@ranberzul..kahanga hanga..ang iyong sinulat na tula. ;) :) @ ayumi...naku..nakaka lungkot.:nono: .na touch nanaman ako..alala ng lumipas..oo mahirap talaga magpaalam.:wave: .saisang tao na lubos mong minahal..[drama noh.]:cool:

inaiinaiba
06-15-2006, 08:49 AM
:weep: may na alala tuloy ako:( aray ko.....sige gawa ka ulit ha:) minsan masarap umiyak:O arigato ne;)

kokorokara
06-15-2006, 01:47 PM
Hwuaahhhhhh,naaalala ko tuloy yun past ko:cool: :cool: :cool: . Anyway congratulation ang ganda ng poem mo.

wolfgang
06-15-2006, 02:18 PM
whaahaaaaaa.....:wee p: :weep: :weep: :cry: :cry: :cry: ang ganda nang tula mo....talagang may tinamaan .....dito ...sa puso ko..naalala ko yung ex boyfriend kong pinatay....di ko man lang nasilip sa huling hantungan niya pero nakausap ko naman 2 weeks before mapatay.........ayan .... na iiyak ako .....thank you ganda talaga nang tula mo.....sakto--sa puso ko:king:

docomo
06-17-2006, 09:06 PM
@ranberzul

very nice and well written .. i hope to read more of you .:)

Panzar327
06-17-2006, 09:18 PM
Bakit marami ang may takot
Sa madilim na kahon ay mapinid?
Walang pinto, wala rin bintana
Salamin lamang ang ‘yong nakikita.

Mga mahal sa buhay ay nagsidating
Dating kamag-aral, muli’y nakapiling
Ngayon ay nananahimik,
Kapit-bahay mong may pagkapraning

Samyo ng bulaklak
Pagpatak ng kandila
Paru-parong lilipad-lipad
Haya’t dumapo sa ‘yong magulang

Sa aking pagkakahiga
Isipa’y naging malaya
Pigilan ang pagluha
Huwag mangulila.

Hindi man nakapag paalam
Alalahanin pagmamahal na aking inialay
Sa buti’t sama na aking nagawa
Ito’y aking dala patungo sa Ama..



salamat sa pagshare ng tula ,kahit papaano nakakabawas ng sakit sa dibdib..:)
napakaganda ng mensahe:)
tatay ko kasi nung pumanaw di man lang nakapag paalam...:O
pero sa mga klaseng mensahe na ganyan..nakakabawas ng sakit sa dibdib lalo na itong line na ito...


Sa aking pagkakahiga
Isipa’y naging malaya
Pigilan ang pagluha
Huwag mangulila.

Hindi man nakapag paalam
Alalahanin pagmamahal na aking inialay
Sa buti’t sama na aking nagawa
Ito’y aking dala patungo sa Ama..

ritzyu
06-22-2006, 01:24 PM
Ang galeng-galeng naman ng mga tula mo ranberzul san,
naa-alala ko tuloy yung liwayway magazine, yung mga tula
doon..iba na ang makata talaga :king:..gawa pa.

fisher
06-23-2006, 10:26 PM
Dear................ .....,
Paalam.

p.s
Dito sa puso ko ay talagang mahal kita....kung malaya lang ako..........

Hindi kita lilimutin,
Fisher

mOtt_erU
09-11-2006, 02:47 AM
Ranberzul...may pagka Makata ka pa pla ha:)

tagos sa puso yang poem mo .