View Full Version : NAKARAAN.........
a-bomb
04-18-2006, 12:33 PM
Minsan sa buhay ng isang tao dumarating ang mga pagsubok
na hindi natin inaasahan~~~~~ mga pagsubok na dahilan
ng ating tagumpay o pighati sa buhay~~~~
ano ang pinakamatinding pagsubok na dumating sa buhay mo?
ano ang kinahinatnan nito? masama or mabuti?
ang mga ganitong karanasan ang kadalasan o kalimitan nagiging gabay
ng ibang tao.... pwede nyong ibahagi para maging aral din sa iba at wag tularan kung ito'y masamang karanasan~~~ o pwedeng tularan ng iba kung naging maganda ang dulot nito sa inyo....
pooh_chan
04-20-2006, 08:59 PM

Hi a-bomb san,
Pasali sa thread mo ha! Ako, share ko ang aking karanasan sa buhay at mga pagsubok na kasalukuyan natatanggap. Nahihiya man akong sabihin dito sa thread mo ang pagsubok na kasalukuyan kong hinaharap ngayun kasi TOO PERSONAL TO TELL eh, kaya sa akin na lang yun ha? :) siguro masasabi ko na sa buong buhay ko ito na ang PINAKA MAHIRAP sa lahat, pero kahit papano marami akong natutunan, marami din akong nakukuhang aral sa bawat araw na takbo ng buhay ko lalo na at dayuhan ako dito sa bansang japan. Pero kahit ganito ang nararanasan ko sa ngayun siguro masasabi kong NAKAKABUTI ito para sa akin, para sa buhay ko, at sa taong koneksyon ng buhay ko. Kaya para sa akin ang pagsubok na ito ay isang daan para ituwid ang MALI at baguhin ang dapat baguhin nung nakaraan at dapat wag ng balikan pa kasi BANGUNGOT ito para sa akin.... natutunan kong pahalagahan ang isang taong bahagi ng aking buhay, hindi ko alam na ganito pala kahirap kapag pansamantalang nawala sayo ang taong nagpapahalaga sayo na halos buong buhay nya kaya nyang ibigay mapatunayan nya lang kung gano ka kahalaga at importante sa kanya at handa nyang gawin ang lahat mapasaya ka lang siguro malaking tulong ang nangyari sa buhay ko ngayun para mabago ang lahat...siguro sa mga nagbabasa nito, NAGUGULUHAN :scratch: kayo sa sinasabi ko pero hindi ko kasi kayang i-explain, ang gulo ko talaga ano?:bonk: :bonk: sorry mga ka-tf ha, try to understand na lng hehehe:D , basta yun na yun....:D basta ang masasabi ko lng, kung may DILIM man sa buhay ko sa kasalukuyan, may LIWANAG din sa hinaharap...:halo: basta para sa inyo mga kapatid masasabi ko lng po, wag kayong basta-basta sumuko sa pagsubok sa buhay, kasi sabi nga nila " HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA" ,FIGHT lng po ng FIGHT wag po tayo agad susuko kasi hindi nya po tayo pababayaan:wavey: :wavey:
japphi
04-21-2006, 12:22 AM
Hi pooh chan....ang lalim yata nang nakaraan na yan:p ....sabagay,kahit naman sino sa atin ay dumarating ang ganyang nakaraan o trial....iba iba nga lang nang kategorya.
Ako...iba rin yung sa akin sigurado.....mga pagsubok sa pamilya noon na naging gabay ko o nagiging gabay pa rin sa pamumuhay ko ngayon lalu na't malayo sa atin.Maraming paghihirap ang dinanas sa buhay upang marating ko ang buhay ko ngayon.....na dapat na maging pattern natin ay ang kasabihang...."ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa patutunguhan".....
Sa atin na may mga pasanin sa buhay....bawat pasan natin ay kaya natin....bigay yan nang Diyos sa atin para masubok nya tayo kung gaano tayo katatag sa mga pag-subok na binibigay nya.Nasusubok tayo kung gaano tayo katatag bilang nilalang nya.
Mga pagsubok na sya ring nagiging pader para maging matatag para malabanan ang ano mang bagyo na darating sa buhay nang bawat isa.Mga pagsubok na sya ring nagdala sa ating kinaroroonan ngayon.Kaya huwag tayong malungkot at huwag sumuko.....nawa'y maging matapang pa upang ito ay harapin.
Kung tayo ay napapagod sa mga problema at gusto nating maiyak....para sa akin ay ...sige lang at iyakan...para maging maluwang ang pakiramdam pagkatapos nito.....kung andyan tayo na down na down.....isipin lang natin "Sya" at tayo ay giginhawa at tutulungan nya.Sa araw araw ay pasalamat tayo sa kanya sa mga trials na binibigay nya sa kagustuhan Nya na gawin tayong matatag habang andito tayo sa mundo....kaya let's cheer up....~~~marami pang pagsubok ang darating na magdaragdag sa ating mga nakaraan.:)
pooh_chan
04-21-2006, 10:39 AM
Hi lola japphi,musta na po? medyo malalim nga po ang nakaraan ko na yan, kasi hinaharap ko pa rin po iyan sa kasalukuyan....totoo po ang sinabi nyo, wag tayong mag-give-up kasi hindi nya po yan ibibigay kung hindi natin ito kaya, kaya "FIGHT lng po ng FIGHT" kasi malalampasan rin natin ang lahat ng ito....alam nyo po, sa dinami ng pagsubok sa buhay na naranasan at dadanasin ko pa, mas lalo nya akong pinatatag, mas lalo nya akong tinuruan pano po lumaban at harapin ang mga ito...kaya kahit na anong pagsubok, nakahanda akong harapin at labanan ang mga ito at ipinagpapasalamat ko pa rin ang lahat sa kanya at ako ang napili nya para daranasin ang mga ito...:)
japphi
04-21-2006, 10:47 AM

Hi pooh chan.....tama yang attitude mo....dyan lang naman tayo nagiging matibay....dyan lang naman tayo natututo sa buhay nang dahil sa mga pagsubok o kahirapan na dumarating sa atin...kaya cheer up....andyan lang "Sya" at nakangiti sa atin na pag may mga problema tayo ay hindi natin namamalayan na akay-akay pala tayo....na talaga namang hindi nya pinadarama yon.Kasi pag pinaalam na akay nya tayo....sigurado hindi na tayo magpu-pursige sa pakikibaka sa buhay.Kaya....GAMBAR IMASHO......
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.