PDA

View Full Version : KNOWLEDGE = POWER

tweetybird
04-19-2006, 01:34 PM
This is quite interesting to some but not to many of us.. but for sure this
is a nice thread to start with.

It goes a little something like this...

There are some things--- like people, location, words, expressions... anything in this
world that we usually or normally know in our everyday lives BUT we exactly dont know
what it really means.

For example:
What is AM or PM that we add in our time? Yes we know that AM is for morning
and PM is for afternoon or evening. But do we exactly know what it stands for?

Answer:
“AM” stands for the Latin phrase Ante Meridiem —which means “before noon”—and “PM” stands for Post Meridiem : “after noon.” Although digital clocks routinely label noon “12:00 PM” you should avoid this expression not only because it is incorrect, but because many people will imagine you are talking about midnight instead. The same goes for “12:00 AM.” Just say or write “noon” or “midnight” when you mean those precise times.

In this thread, you can share anything you know that we use or see or do
everyday that can be of any help or contribution to other people's knowledge.
Kumabaga, dagdag kaalaman. I'm not saying na BOBO or WALANG ALAM.
Sa opinion ko lahat ng tao matalino, walang taong pinanganak na bobo.
Nasa paghahasa lang yan. So start sharing what you know.

You can share.. you can also ask, maybe someone else knows di ba?

tweetybird
04-19-2006, 01:54 PM
Why do people SNORE? (humihilik)

Sabi ng mga matatanda, pag humihilik daw ang isang tao, ito daw ay nananaginip or binabangungot. Kaya pag narinig mo daw na humihilik ang katabi mo ay gisingin mo agad at baka daw bangungutin.

Scientifically or medically speaking, eto po ang explanation nila...
so it's up to you kung ano ang paniniwalaan mo. Pamahiin or Doctors?
------- ------- ------- -------
Why do people snore?
Vibrations of soft tissues located at the back of our throats cause the noisy,
annoying sounds of snoring that sometimes prevent non-snorers from getting their ZZZZs.
The palate, uvula and tonsils are the tissue structures that flap against each other when
someone has too much tissue at the back of their mouth or when an obstruction is blocking
the air passageway to the back of the throat.
People with snoring problems tend to have one of the following conditions:
-Poor muscle tone in the tongue and throat
-Excessive bulkiness of throat tissue
-Long soft palate and/or uvula tissue in the back of the mouth
-Obstructed nasal airways
------- ------- ------- -------
Ang matindi po, Snoring can be a serious medical problem.
Nasisira daw po kasi ung sleeping pattern ng isang tao and
nagiging cause na makapagpahinga or makatulog tayo ng maayos.

Kanlungan
04-19-2006, 05:20 PM
maganda ang thread mo... tweetybird! nakakaaliw at nagdudulot din ng mga kaalaman na praktikal. (marahil ay dumapo sa iyo ang kaluluwa ni ernie baron...joke)

nais ko lang mag-share ng mga katanungan tungkol sa bagay na labis nating kasama-sama sa araw-araw... ang TUBIG at ang YELO. simple lang pero marahil ay ipagtataka rin ng iba sa atin.

1) bakit nga ba lumulutang ang yelo sa tubig, pareho lang naman silang H2O, di ba?

2) isa pang katanungan na marahil ay magbubukas ng ating kaalaman ay kung alin ba ang mas mabigat... ang isang kilong tubig o ang isang kilong yelo?

3) kung nagkamali ang tanong ko sa pangalawa, ay marahil masasagot mo na kung alin ba ang mas mabigat... ang isang litrong tubig o ang isang litrong yelo?

hintayin muna nating may sumagot sa mga kasamahan natin sa timog, baka kasi iba sa kasagutan ko.

sige... at good luck!

ladygems1216
04-19-2006, 08:17 PM
.. eto ang isa ko ring ipinagtataka.. Bakit pag tayo eh nakakita ng naghihikab mayamaya tayo naman ang maghihikab?.... bakit nga ba?

Aquamarine
04-19-2006, 08:18 PM
.. eto ang isa ko ring ipinagtataka.. Bakit pag tayo eh nakakita ng naghihikab mayamaya tayo naman ang maghihikab?.... bakit nga ba?

hehehe, parang nakakahawa di ba?
oo nga bakit kaya?

DaVinci
04-19-2006, 10:18 PM
Scientists found that the true nature of contagious yawns was as an automatically released behavioural action, rather than a truly imitated motor pattern, as was hitherto widely believed. Hence, contagious yawning was proven not to be simply an imitation act.

This data was obtained by MRI (magnetic resonance imaging) scanning of the brains of 30 volunteers exposed to videos of recorded yawns, and suggests a communicative function of yawns whereby these constitute social clues that synchronise group behaviour.

Dr Schurmann writes in his paper: “Group synchronisation could be essential for species survival and works without action understanding, like when a flock of birds rises in the air as soon as the first bird does so – supposably as it notices a predator.”

The purpose of group synchronised yawning, however, was not suggested and remains unknown.

Reference: http://www.felixonline.co.u k/v2/article.php?id=2338

Stacie Fil
04-20-2006, 12:08 AM
maganda ang thread mo... tweetybird! nakakaaliw at nagdudulot din ng mga kaalaman na praktikal. (marahil ay dumapo sa iyo ang kaluluwa ni ernie baron...joke)

nais ko lang mag-share ng mga katanungan tungkol sa bagay na labis nating kasama-sama sa araw-araw... ang TUBIG at ang YELO. simple lang pero marahil ay ipagtataka rin ng iba sa atin.

1) bakit nga ba lumulutang ang yelo sa tubig, pareho lang naman silang H2O, di ba?

2) isa pang katanungan na marahil ay magbubukas ng ating kaalaman ay kung alin ba ang mas mabigat... ang isang kilong tubig o ang isang kilong yelo?

3) kung nagkamali ang tanong ko sa pangalawa, ay marahil masasagot mo na kung alin ba ang mas mabigat... ang isang litrong tubig o ang isang litrong yelo?

hintayin muna nating may sumagot sa mga kasamahan natin sa timog, baka kasi iba sa kasagutan ko.

sige... at good luck!

I guess tama ang sagot mo. First of all, buo ang loob mo na i-offer ang tanong.:eek: (He,he,he, yan ang palagay ko.)

Second, maganda ang pagkaka lagay mo nang magkasunod na clue.

Try ko sagutin ha? Kasi kung minsan eh mahilig din ako sa old song kagaya nang kanta ni Paul Anka. Yun bang ,"You are my density (http://www.lsbu.ac.uk/water/index.html)".

Ooops, teka lang, naghalo ang letter sa last word nang kanta. Destiny yata ang tama ron.(sa kanta, :D )

ayumi
04-20-2006, 02:44 AM
a very simple question for someone who doesn't know the real meaning of the word NEWS? ano nga ba?ako din di ko alam...ang alam ko e balita.sabi ng lola ko,mga pangyayari na nanggaling sa NORTH,EAST,West,SOUT H part of the globe.is it true?
sabi din ng lola ko,may ibig sabihin ang mga days of the week, depende daw sa formation sa solar sytem,sabi nya ang SUNDAY comes from the SUN,MONDAY from the MOON,TUESDAY from the MARS,WEDNESDAY from MERCURY,THURSDAY from JUPITER,FRIDAY from VENUS and SATURDAY from SATURN...tanong ko ano naman sa EARTH? sabi ng lola ko di daw niya alam...ano nga ba?:)

ayumi
04-20-2006, 03:29 AM
sabi ng lola ko,UNIVERSE has a RULE, the RULE is 78 to 22
ano yon?
for example:

1.in a regular SQUARE,with a perfect CIRCLE inside...the area of the circle is always a 78,and the area outside the circle which is inside the square is always in a ratio of 22

2.the elements of air composed of 78% nitrogen AND 22% oxygen

3.the HUMAN's body consist of 78% water and the rest of the elements is 22%

4.the world's richest and not rich ratio is also a 78 by 22
... the worlds richest is only 22% of the worlds population
... not rich is 78% of the worlds population
...22% of the rich people posses the 78% of the world's whole money/possesion
...78% of the not rich people,posses a 22% of the worlds money/possesion only

kaya sabi ng lola ko,i have to deal with the 22% rich people for me to have the worlds greatest deal.....

Kanlungan
04-20-2006, 08:19 AM
@stacie fil

mukhang ili-lead mo kami sa tamang "destiny"... este, tamang kasagutan (na "density") sa tanong ko. marahil ang susunod na katanungan, ay kung bakit ba nagbabago ang density ng tubig kapag nagiging yelo?

@ayumi
itatanong ko kay lolo kung ano nga ba ang sa EARTH. pero tuwang-tuwa si lolo sa 78-22 rule ni lola!

a-bomb
04-20-2006, 08:47 AM
Nagtataka lang ako why some people eh hindi malaman kung kelan gagamitin ang salitang INNOCENT at IGNORANT.

sabi ng iba pareho lang ito
pero kung ating titignan (sa dictionary hehe)
there's a big difference between these two words

IGNORANT ito ang walang kaalaman sa isang bagay na may kahalong katangahan:eek: (nabasa ko rin lang po ito at naririnig sa ibang tao).

INNOCENT walang kamuwang muwang or walang kaalam alam sa nangyari, not guilty kumbaga:D hindi nya alam kung anong nangyari at nangyayari.

Sa tingin nyo ano pagakakaiba or pagkakatulad nito?

Dax
04-20-2006, 04:15 PM
1.in a regular SQUARE,with a perfect CIRCLE inside...the area of the circle is always a 78,and the area outside the circle which is inside the square is always in a ratio of 22The actual ratio is:
1-π/4 : π/4 (or around 0.2146 : 0.7854)

Magkaiba siguro ng universe ang mga lola natin. :D Lola mo naniniwala sa "78 : 22 Law", lola ko naman sa "Phi (Φ) Law". :D

Phi (= 1.618033988749895... ), most often pronounced (ファイ) is simply an irrational number like pi, but one with many unusual mathematical properties. Unlike pi, which is a transcendental number, phi is the solution to the quadratic equation (a2 - a - 1 = 0).

You'll be surprised at the mathemagical properties of this number. To learn more about Φ, read:
http://goldennumber.net/index.htm
http://www.mcs.surrey.ac.uk/Personal/R.Knott/Fibonacci/phi.html

Dax
04-20-2006, 04:59 PM
Why is it thursday today? Who decided that it should be a thursday? I'm not asking on how it came to be called "thursday" because I know the answer to that. My question is different.

Dire-diretso ba yan simula sa creation ng mundo? :confused: :D Counting from the first saturday that God rested, the next was called sunday, then monday...and so on...and then came April 20, 2006, a thursday...and tomorrow will be a friday, and so on? Ganun ba? :confused:

Or was there a point in history where the leaders of the world convened to decide from which day to start counting the days of the week? :confused: If so, when did this happen? Who decided? :confused: Nung binago ang kalendaryo from Julian to Gregorian may mga binawas na araw (sumunod sa October 4, 1582 ay October 15, 1582 agad), but it does not matter kasi before that alam na kung kelan ang monday, ang tuesday etc. binawasan lang.

Do you even understand my question? :confused: :hihi:

I haven't met anybody who asked this same question. Ako lang ata ang nagtataka. :biglaugh:

I've searched the net a few times. No clue.

p.s.
If you are one of my friends whom I asked this before...send me a PM! ;)

ayumi
04-20-2006, 07:37 PM
The actual ratio is:

palagay ko pareho lang ang universe na kinalalagyan ng lola mo at lola ko...can't you see?
o.2146:0.7854......2 2:78....short cut ang ginawa ng lola ko...:)

ayumi
04-20-2006, 07:48 PM
Why is it thursday today? Who decided that it should be a thursday? I'm not asking on how it came to be called "thursday" because I know the answer to that. My question is different.

Dire-diretso ba yan simula sa creation ng mundo? :confused: :D Counting from the first saturday that God rested, the next was called sunday, then monday...and so on...and then came April 20, 2006, a thursday...and tomorrow will be a friday, and so on? Ganun ba? :confused:

Or was there a point in history where the leaders of the world convened to decide from which day to start counting the days of the week? :confused: If so, when did this happen? Who decided? :confused: Nung binago ang kalendaryo from Julian to Gregorian may mga binawas na araw (sumunod sa October 4, 1582 ay October 15, 1582 agad), but it does not matter kasi before that alam na kung kelan ang monday, ang tuesday etc. binawasan lang.

Do you even understand my question? :confused: :hihi:

I haven't met anybody who asked this same question. Ako lang ata ang nagtataka. :biglaugh:

I've searched the net a few times. No clue.

p.s.
If you are one of my friends whom I asked this before...send me a PM! ;)

WHY IS THURSDAY TODAY?...because today is THURSDAY,April 20.2006,HITLER's birthday who was born on April 20,1889...NOT Friday April 21,2006 which is tomorrow ..he.he..:hihi:

THURSDAY..in dictionary comes from NORTH AMERICAN MYTH of THOR'S day....that's why they call it THURSDAY....

but if you want factual explanation...pls go to..http://en.wikipedia.org/wiki/Thursday

@DAX... hayaan mo itatanong ko yung question mo sa lola ko....medyo di ko nga masyadong naintindihan question mo eh...row 5 kase ako sa school....pero itanong ko pa rin sa lola ko..he..he..

p.s...
palagay ko di mo pa naitanong sa akin to,kase I'm not one of your friends...;)
di kase ako friendly eh....(wak galit ha?)

andres
04-20-2006, 09:43 PM
Sa aking pagkaalam, ang pinagmulan ng mga pangalan ng mga araw ng linggo ay ganito.

Sa Ingles, marami ay nanggaling sa Norse Mythology (http://en.wikipedia.org/wiki/Norse_mythology) (tulad ng paniniwala ng mga Vikings (http://www.northerner.com/viking.html) noon), pero na rin sa Astronomy. Kanya:

Sunday: literally, Sun + day = araw ng araw (oops. weird pakinggan. araw ng araw)
Monday: moon day (buwan)
Tuesday: galing sa Tiw, pangalan ng Norse god of war
Wednesday: galing sa Odin o Wotan, ang pinaka bosing ng norse gods
Thursday: galing kay Thor, Norse god of thunder, na sumikat dahil sa Marvel Comics :)
Friday: galing kay Freya o Frigg, makapangyarihang Norse goddess
Saturday: galing sa planetang Saturn/ Roman god Saturn (eto yung naiba dahil sa Roman mythology naman nanggaling)

Ang sa Pilipino naman, kinuha natin ang mga pangalan mula sa Kastila, na siya namang nanggalin sa wikang Latin (karamihan).

Linggo: pinaikling Domingo, na ibig sabihin 'of the Lord'
Lunes: tulad rin ng 'Monday', ibig sabihin araw ng buwan (luna as in lunar cycle, lunatic, etc)
Martes: mula sa Mars, planetang pula at Roman god of war
Miyerkules: miercoles, galing sa Mercury, planeta at Roman god din
Huwebes: hueves, pinangalan kay Jupiter, a.k.a Jove
Biyernes: viernes, galing sa Venus, planeta at diyosa ng pag-ibig
Sabado: araw ng Sabbath, pag-pahinga at pag-lamierda hehehe.

Mapapansin natin na maraming parallels dun sa English names at sa Latin names. Siguro nag usap-usap sila. ;)

Stacie Fil
04-20-2006, 11:55 PM
Why is it thursday today? Who decided that it should be a thursday? I'm not asking on how it came to be called "thursday" because I know the answer to that. My question is different.

Dire-diretso ba yan simula sa creation ng mundo? :confused: :D Counting from the first saturday that God rested, the next was called sunday, then monday...and so on...and then came April 20, 2006, a thursday...and tomorrow will be a friday, and so on? Ganun ba? :confused:

Or was there a point in history where the leaders of the world convened to decide from which day to start counting the days of the week? :confused: If so, when did this happen? Who decided? :confused: Nung binago ang kalendaryo from Julian to Gregorian may mga binawas na araw (sumunod sa October 4, 1582 ay October 15, 1582 agad), but it does not matter kasi before that alam na kung kelan ang monday, ang tuesday etc. binawasan lang.

Hello Dax san,

I guess hindi possible na deretso from early creation nang mundo, kase walang record or basis. Isa pa base ang calendar natin ngayon on many ideas, belief, religious perspective.

Hope this help to answer your question.From http://en.wikipedia.org/wiki/Days_of_the_week

Order
The week as we know it was introduced by astromancers around the 1st century. It gradually replaced the 8-day nundinal cycle previously in use, and became fully integrated into the calendar by order of Constantine I in AD 321. The order of the days was explained by Vettius Valens and Dio Cassius (and Chaucer gave the same explanation in his Treatise on the Astrolabe). ...
These two overlapping weeks continued to be used by Alexandrian Christians during the fourth century, but the days in both were simply numbered 1-7. Although names of gods were not used, the week beginning on Wednesday was named in Greek ton theon ([day] of the gods), as used by the late fourth-century editor of the Easter letters of Bishop Athanasius, and in a table of Easter dates for 311–369 that survives in an Ethiopic copy. These overlapping weeks are still used in the Ethiopic computus. Each of the days of the week beginning on Sunday is called a "Day of John" whereas each of the days of the week beginning on Wednesday is called a "tentyon", a simple transcription of the Greek ton theon... (Pls click the URL and read more)

As we know marami at iba iba ang clase nang calendar.Depende sa idea o kaya pangangailanangan nang gumawa. Ngunit ang karaniwang gamit natin sa ngayon is iether lunar or solar based calendar.

I maybe wrong, but I think I saw some years ago on discovery channel a calendar found in US. It was made by an American Indian, carved at a wall of rock face/cave. It looks like a mosquito coil patterned on the daily first light that would hit the wall coming from above shadow of a tall rock wall parallel from where the sun is rising. There were dots along the coil that they assumed/ think as the same time of year natives marked/assigned to hunt, plant or do something else.

Siguro kaya ikaw lang ang nagtatanong dahil ikaw ang tinatadhana na gagawa nang bagong calendar na bagay sa lahat.

Good Luck!!

ayumi
04-21-2006, 12:51 AM
minsan, I ask my lola a question,sabi ko, AH MAH(that's what i call my lola)
WHAT IS THE WORLD'S LONGEST WORD?
lola: (tumatawa) WHAT AN IRONY...
sabi ko,anong irony pinagsasabi netong maganda kong lola?
lola:WORTHLESS!..sab e nya
lola: IT HAS 29 SYLLABLES
lola: FLOCCINAUCINIHILIPIL IFICATION..!!!
ay sus! alam pala nya sagot? akala ko dinedeadma ako?

minsaan,ako naman tinanong ng lola ko,kinabahan ako,kase alam ko mahirap ang itatanong neto

lola: WHAT IS THE LONGEST FINGER OF YOUR HAND?
HA? sabe ko ang dale naman?
sagot ako: "MIDDLE FINGER"!!! sinigaw ko pa!
lola:(na bad-trip) ROW 5 ka talaga! nagmana ka talaga sa lolo mo!!
kinuha ko ang tape-measure,sinukat ko lahat ng fingers ko,:scratch: middle finger nga!?
kinuha ko ang ruler,middle finger talaga!?
lola:of course THE THUMB!!
how does it happen? I asked...
lola:YOU MEASURE THE LENGHT OF A FINGER FROM THE JOINT.:)
TSK..TSK...TSK...hin di talaga ako mananalo sa lola ko....:cry:

Dax
04-21-2006, 11:49 AM
@ayumi & andres
The origin of the names was not my question. :p Ang labo kasi ng pagkakasabi ko hehe. Thanks for the info anyway. :)

The week as we know it was introduced by astromancers around the 1st century. It gradually replaced the 8-day nundinal cycle previously in use, and became fully integrated into the calendar by order of Constantine I in AD 321. The order of the days was explained by Vettius Valens and Dio Cassius (and Chaucer gave the same explanation in his Treatise on the Astrolabe). ...Thanks a bunch Stacie! Yan ang hinahanap kong sagot. :D Dati wala sa Wiki ang info na yan, updated na pala. :D

Siguro kaya ikaw lang ang nagtatanong dahil ikaw ang tinatadhana na gagawa nang bagong calendar na bagay sa lahat.Nyek, grabe naman yan. I'm not talented, and crazy enough to even try to do that. :hihi:

Dax
04-21-2006, 11:52 AM
palagay ko pareho lang ang universe na kinalalagyan ng lola mo at lola ko...can't you see? o.2146:0.7854......2 2:78....short cut ang ginawa ng lola ko...:)Of course I see that, but it's more of 21:79 for me. :hihi: Anyway did you read about Phi? It's occurence in nature? In our very selves? Try mo sukatin ang mga parte ng katawan (pls. refer to the links) mo ata makikita mo ang mathemagic sa Phi. ;)

Stacie Fil
04-22-2006, 12:37 AM
@stacie fil

mukhang ili-lead mo kami sa tamang "destiny"... este, tamang kasagutan (na "density") sa tanong ko. marahil ang susunod na katanungan, ay kung bakit ba nagbabago ang density ng tubig kapag nagiging yelo?

Parang nahihiya ako. Ikaw ang quiz master, kaya sabi ko nga, alam mo ang tumpak na sa goat.
Hmmm. Subukan ko ah?

Bakit lutang ang beauty nang yelo?

Tubig destiny = Yelo destiny

density =Mass (hindi yung sa simbahan ah!)
Volume (hindi rin yung sa TV/radio sound adjustment)

M/V nang chubig = M/V nang chelo

*** ang yelo parang pop corn o kaya pop rice. Meaning, mas lumaki ang volume nung tubig nang maging yelo. Nag i-expand habang papatigas...ang malamig na tubig para maging yelo.
:roll: :biglaugh: :lol: :eeek: :sssh: :shutup:

M/V = M/(V + 1)

Tubig destiny > Yelo destiny

Meaning again: Dahil mas malaki nang konte ang value nang divisor(tama ba?) nung sa yelo...ang quotient po o sagot. Kita na mas lumiit ang value nang destiny nang yelo kumpara sa tubig...

Alam po natin na kung alin ang maliit, yun ang kina karga/buhat/lutang. Hindi yung baby ang bubuhat sa mas kalabaw...na value nang density.He,he,he!

E ano ngayon ang pakialam ko???

Wala, pero bina basa mo kaya itutuloy ko na rin. May ilang pakinabang po iyan. Halimbawa , kapag hindi sina sadya na napaghalo mo ang ilang mga bagay na magkakaiba ang density. Kapag i-shake mo sila together sa isang lalagyan, mapapansin mo na more dense materials goes under while less dense rise or goes up. Yan yung ginagawa noon nang mga anscestors natin pag nagtatahip nang binayong palay to separate bigas from ipa. Para din madali maghiwalay nang bato sa bigas. Kapag hinalo mo nang maigi ang halo-halo, alam mo na nasa ilalim ang monggo at saging...

Yan siguro ang tulong nang "Knowledge Power." Bow! :banghead: :yippee: :wavey:

Tama ba?

Kanlungan
04-22-2006, 08:35 AM
tumpak ka diyan... aking kalahing stacie fil! maraming salamat. labis din akong nabighani sa iyong praktikal at malinay na paliwanag hinggil sa pagbaba ng "density" ng tubig kapag ito ay nagiging yelo. mahusay ang mga ibinigay mong halimbawa. kung ikaw ay babae ay labis na kitang nahalikan, dahil sabi mo nga ay "kiss" master ako (este... quiz master ba 'yon?)

at dahil nga ili-lead mo kami sa tamang "destiny", ay nais ko pang busisiin ang mga bagay-bagay na bumabagabag pa rin sa akin... hindi naman masama na madagdagan ang kaalaman, dahil sabi nga ng title ng thread na ito... "knowledge = power"

nabanggit mo sa iyong kasagutan na bumababa ang "density", dahil nga nag-e-expand ang tubig kapag nagiging yelo at nagdudulot ito ng pagtaas ng "volume". ito rin marahil ang dahilan kung bakit ka napapa-"sigaw" kapag humahawak ka sa "yelo" kesa sa ordinaryong tubig dahil nga tumataas nga ang "volume" ng yelo. tama ba?

meron akong alam na bagay na kapag tumitigas ay nag-i-expand? pero lahat ba na bagay kapag tumitigas ay nag-i-expand. ang alam ko rin sa bagay na ito ay kapag nag-init ako ay nag-i-expand din. alam natin na kapag pinainitan natin ang isang bagay ay ito ay nag-i-expand. bakit ang tubig, kapag pinalamigan... nag-i-expand?

marahil ay may kasagutan ka rito stacie fil. muli... maraming salamat.

DaVinci
04-22-2006, 01:00 PM
Tayo na sa SINESKWELA, tuklasin natin ang SIYENSYA...:)

Stacie Fil
04-22-2006, 10:25 PM

Kalahing Kanlungan,

Sa iyong katanungan na "bakit ang tubig, kapag pinalamigan... nag-i-expand? ". Ako ay hihingi nang paumanhin sapagkat kulang ang aking kaalaman sa lalim nang iyong bagong palaisipan. Ang kanlungan nang karunungan at kasagutan sa tanong mo'ng ito ay makikita, kung mag babalik tanaw ka, sa unang pahina. Sa pang pitong hibla kung saan ako unang nakita, muling pumasyal at mag imbistiga. Doon ay may lihim, mahiwagang salita na siyang punto nang kung bakit ang yelo sa tubig ay inaanod nang malaya.

Sa tulong nang hawak mong daga, itapat ang cursor sa mahiwagang salita...at clik. Isang mahiwgang bintana ay bubukas at siyang lagusan na mumulat sa iyo ang isang bagong tahanan. Muling gamitin ang mahiwagang daga, dalhin sa parteng ibaba, sa pulang talata.

Sa parteng iyan, ikaw na ang bahala, kung susulong at tatahak sa mga bagong kaalaman. Namnaming maigi at lasapin ang sarap nang mga latag na hain.

Tonyang
04-22-2006, 10:56 PM
sabi ng lola ko,UNIVERSE has a RULE, the RULE is 78 to 22
ano yon?
for example:

1.in a regular SQUARE,with a perfect CIRCLE inside...the area of the circle is always a 78,and the area outside the circle which is inside the square is always in a ratio of 22

.

Thanks for sharing this, Ayumi. Sinubukan kong i-review iyung geometry para makita iyung 78:22 ratio ng area ng circle at difference ng area ng area ng square at area ng circle o area outside the circle which is inside the square. Actually di puwedeng maging exact na 78:22 ito...

Pls correct my analysis, sis.

If r= radius of the circle, 2r = measure of the side of a perfect square.
A(c) = area of circle = pi (r) ^2
A(s) = area of square = (2r) ^2 = 4r^2
A(s) - A(c) = (4 - pi) r^2

Thus,

A(c):A(s)-A(c)

A(c)
--------------------
A(c) + A(s) - A(c)

then

A(c)
-----
A(s)

then

pi (r) ^2
----------
4r^2

then

pi
---
4

= 3.1416/4

= 0.7854 approx

Thus, iyung sinabi ng lola mo sis na 78:22 ay hindi exact kundi,

pi/4 : 1 - pi/4

Tama kaya ito?

Tonyang
04-22-2006, 11:08 PM
The actual ratio is:
1-π/4 : π/4 (or around 0.2146 : 0.7854)

Magkaiba siguro ng universe ang mga lola natin. :D Lola mo naniniwala sa "78 : 22 Law", lola ko naman sa "Phi (Φ) Law". :D

Phi (= 1.618033988749895... ), most often pronounced (ファイ) is simply an irrational number like pi, but one with many unusual mathematical properties. Unlike pi, which is a transcendental number, phi is the solution to the quadratic equation (a2 - a - 1 = 0).

You'll be surprised at the mathemagical properties of this number. To learn more about Φ, read:
http://goldennumber.net/index.htm
http://www.mcs.surrey.ac.uk/Personal/R.Knott/Fibonacci/phi.html

Eto na pala ... nasagot na rin ni Dax. Di ko ito nabasa.

Puwede bang balikan natin ang logic o geometry? O Algebra kaya o Probabilities kaya?

Sinong interesado sa inyo?

Bangis
04-22-2006, 11:39 PM
Pasali rin ako para madagdagan ng knowledge ang powers ko.. lolZ*:D

Tanong ko lang, "Bakit ang mga babae pag hinahalikan, pumipikit?" :rolleyes:

dcat
04-23-2006, 03:54 AM
Pasali rin ako para madagdagan ng knowledge ang powers ko.. lolZ*:D

Tanong ko lang, "Bakit ang mga babae pag hinahalikan, pumipikit?" :rolleyes:

Sapul mo nanaman pareng Bangis. :D

For your information, pumipikit sila para hindi nila makita ang iyong face, at iniimagine nila na sana si Brad Pitt nalang ang humahalik sa kanila. ;)

Tonyang
04-23-2006, 08:47 AM
Bangis, Dcat, pang-ilang knowledge at power ang isinulat ninyo sa listahan? I am sure marami na kayong nahalikang babae bago ninyo na-generalize na pumipikit sila pag hinahalikan kasi kung tig-isa lang o narinig ninyo sa mga kaibigan, mahirap mag-generalize. Ika nga, may frequency o pattern tayong nakikita o naiintindihan bago tayo mag-generalize... iyan ang essence ng random sampling at paggawa ng frequency distribution sa statistics. Ika nga, what is that event with most number of outcomes or highest frequency?

So tingin ko sa mga nick ninyo, mga lalaki kayo. Bakit ang mga lalaki o mga Pinoy, mahihilera ang klase ng mga nick o image na ginagamit nila? Parang macho o malakas na image... parang ganoon? Nakasanayan lang ba ito? Kasi sa manner of writing, choice of words, gamit ng salita o pagkakasulat, may image tayo ng ka-communicate nating tao. Nasa nagbabasa rin kung may pattern siyang naiintindihan sa pagkatao ng nagsusulat.

dcat
04-23-2006, 10:01 AM
Ika nga, may frequency o pattern tayong nakikita o naiintindihan bago tayo mag-generalize... iyan ang essence ng random sampling at paggawa ng frequency distribution sa statistics. Ika nga, what is that event with most number of outcomes or highest frequency?

Tapos si pareng Bangis ng Cum Laude sa B.S. Statistics sa AMA. At ang thesis nya ay behavioral qualities ng mga chicks habang in foreplay. Magaling yung thesis design nya at methodology - frequently cited but never replicated.
Random sampling ng at least isang daang chicks. :D
Sapalagay ko naman Tonyang mag-aagree ikaw na mataas na ang 100ng sample na chicks para mai-describe at maka-infer ng general behavior si pareng Bangis sa buong population ng mga babae.;)

Research methodology nya naman ay malupit din: kailangan sya lahat gagawa nung survey, kasi sabi nya kailangan daw ng personal supervision at kailangan kontrolado daw yung environment...Heh he.
Kasi baka daw magkaroon ng spurious causation error kapag hindi uniform naiaapply ang independent variable!:D

Nangayayat sya noon, kasi daw paminsan-minsan kailangan nya pa daw ulitin yung survey sa ibang sample, heh he.:D Kapag nakita nyo si Bangis noon, ah ewan ko lang, mukha syang palaboy-laboy na adik sa may luneta. Ayun, kahit papano naka-raos din, pero nagkaroon yata sya ng mental disorder dahil doon sa ordeal na yun - ngayon Pilipino version sya ni John Nash na tambay ng TF.:D

Hindi nyo ba alam pinadala yung research work nya sa Princeton, ok sana pero lang nahuling kinopya nya lang yung conclusion nya sa isang libro. Understandable naman diba, bagsak na yung katawan nya nun eh, wala na talaga syang lakas para magsulat pa.

Pero talagang groundbreaking yung research nya sa Female Behavioral Studies. So maniwala ka na sana na may authority talaga si Bangis mag-generalize.
Malupit diba?:D

Tonyang
04-23-2006, 10:18 AM
Dcat, anong demographics at klase ng random sampling ang ginamit niya? Tinulungan mo ba siya o binasa mo ang kanyang study? Magaling nga pero n=100 vs. N population size? Alam mo ba iyung estimate ng N? Familiar ka sa estimation ng sample size at assumption ng population size error based doon sa demographics?

Di ko na-gets ng husto iyung binanggit mo na
"spurious causation error kapag hindi uniform naiaapply ang independent variable!"

Kung may independent variable, may response variable? So may check kayo sa error na puwedeng linear o nonlinear tendencies sa mga independent variable? Ano iyung response variable ni Bangis?

So lahat ng babanggitin natin, ipahiwatig natin o i-save dahil K=P. Okidoks.

dcat
04-23-2006, 10:57 AM
Dcat, anong demographics at klase ng random sampling ang ginamit niya? Tinulungan mo ba siya o binasa mo ang kanyang study? Magaling nga pero n=100 vs. N population size? Alam mo ba iyung estimate ng N? Familiar ka sa estimation ng sample size at assumption ng population size error based doon sa demographics?

Di ko na-gets ng husto iyung binanggit mo na
"spurious causation error kapag hindi uniform naiaapply ang independent variable!"

Kung may independent variable, may response variable? So may check kayo sa error na puwedeng linear o nonlinear tendencies sa mga independent variable? Ano iyung response variable ni Bangis?

Yung N population demographics nya is actually female from 18 above - para daw hindi sya mai-demanda ng pedophile.:D

So malaki yung estimate ng N nya, pero bata pa kasi si Bangis noon eh, kaya optimistic sya na kung lahat nung isang daang sample nya eh pareparehas yung behavior eh valid and generalization nya sa buong kababaihan sa Pinas.;)

Ang alam ko, hindi nag-aaccept ng error si Bangis. :p

Spurious causation error eh yung problema na nangyayari kapag hindi mo alam kung ano yung tunay na dahilan nung epekto. Halimbawa, alam mo yung ibong Stork, sabi nila kapag ka daw maraming Stork marami ding mga pinapanganak na sanggol (sabi kasi sa alamat nagdideliver daw ng sanggol yung mga Stork diba). Sa ciudad kokonti lang yung mga Stork kaya kokunti din yung mga pinapanganak na bata, at sa probinsya kung saan maraming Stork marami ding pinapanganak na mga bata. Yung Stork ba yung nagpapadami ng pinapanganak na sanggol? o yung lokasyon?
Kaya dapat kapag nag-inferential stats ka dapat halos parehas yung environment mo o samakatwid kontrolado. Kung iba-ibang tao ang gagamitin ni Bangis, tulad siguro ni Brad Pitt, eh baka nga dumilat ang mga babae kapag halikan na diba. Para uniform ang independent variable at para na rin sa sexual desire ni Bangis yun tita.;)

Ang dependent variable e di yung behavior ng mga babaeng sinampolan ni Bangis. At ngayon totoong dependent na sila ni Bangis ngayon - andun silang lahat nakapila sa Japan embassy naghahabol.:D

Bangis
04-23-2006, 04:50 PM
:D Hahaha.. baliw ka talaga pareng Dcat.. nahiritan mo na naman ako ahhh... alam na alam mo istorya ng buhay ko... sa bandang huli akin ang explanation ng buong conclusion about that thesis.. nanghihina pa ako eh.. lolZ*

Tonyang
04-23-2006, 07:03 PM
I think nakita na natin dapat ang deadend nito... ang response variable ay dichotomous (pipikit at hindi) pero ang independent variables ay di malinaw kung continuous nga o hindi at kung anu-ano ang mga ito.

So questionable ang maraming assumptions mo rito, Dcat. Baka si Bangis ang mas nakakaalam ng mga dapat na i-explain tungkol sa study niya.

O assuming na may continuous variable... ginamit ni Dcat ang idea ng "spurious causation error" pero di nag-accept ng error. Pag path analysis sensitive ito sa model specification(ergo disturbance terms) dahil pag di naisama lahat ng relevant causal variable o mga extraneous variable, usually apektabo ang path coefficient mo na importante para sa assessment ng relative importance ng direct at indirect causal path sa dependent variable. Importante iyung pag-assess ng goodness of fit ng model. Kaya residual analysis ay obvious at kailangan. Di klaro sa model ang paggamit mo ng idea ng spurious causation error dahil una sa lahat, sa data collation o collection, causative o causal relationship between two random variables ay may significant impact sa pinag-aaralan kung may underlying theory o kung may arbitrariness man, may malapit na connection. Bakit mo kukuning halimbawa ang Stork kung walang connection sa theory na gusto mong ipahiwatig? First of all, ano iyung variable dito related to Stork?

------------------------

Yung N population demographics nya is actually female from 18 above - para daw hindi sya mai-demanda ng pedophile.:D

So malaki yung estimate ng N nya, pero bata pa kasi si Bangis noon eh, kaya optimistic sya na kung lahat nung isang daang sample nya eh pareparehas yung behavior eh valid and generalization nya sa buong kababaihan sa Pinas.;)

Ang alam ko, hindi nag-aaccept ng error si Bangis. :p

Spurious causation error eh yung problema na nangyayari kapag hindi mo alam kung ano yung tunay na dahilan nung epekto. Halimbawa, alam mo yung ibong Stork, sabi nila kapag ka daw maraming Stork marami ding mga pinapanganak na sanggol (sabi kasi sa alamat nagdideliver daw ng sanggol yung mga Stork diba). Sa ciudad kokonti lang yung mga Stork kaya kokunti din yung mga pinapanganak na bata, at sa probinsya kung saan maraming Stork marami ding pinapanganak na mga bata. Yung Stork ba yung nagpapadami ng pinapanganak na sanggol? o yung lokasyon?
Kaya dapat kapag nag-inferential stats ka dapat halos parehas yung environment mo o samakatwid kontrolado. Kung iba-ibang tao ang gagamitin ni Bangis, tulad siguro ni Brad Pitt, eh baka nga dumilat ang mga babae kapag halikan na diba. Para uniform ang independent variable at para na rin sa sexual desire ni Bangis yun tita.;)

Ang dependent variable e di yung behavior ng mga babaeng sinampolan ni Bangis. At ngayon totoong dependent na sila ni Bangis ngayon - andun silang lahat nakapila sa Japan embassy naghahabol.:D

dcat
04-23-2006, 08:02 PM
I think nakita na natin dapat ang deadend nito... ang response variable ay dichotomous (pipikit at hindi) pero ang independent variables ay di malinaw kung continuous nga o hindi at kung anu-ano ang mga ito.

So questionable ang maraming assumptions mo rito, Dcat. Baka si Bangis ang mas nakakaalam ng mga dapat na i-explain tungkol sa study niya.

alang hiya naman tita, masyado mo namang sineseryoso eh. pero for your information, ang itsura ni bangis ang independent variable.;) hindi pa ba malinaw to?

Tinanong ko si Bangis, very good daw at fit-na-fit sa kanya yung lahat ng babaeng sinampolan nya.:D

Pinapacomment ko nga si Bangis eh, pero sabi nya ayaw nya raw makipag-fling sa masyadong intellectual na babae - wala daw sense of humor.:D

Tonyang
04-23-2006, 08:10 PM

Alam mo naman K=P ang thread na ito... kaya kung ano iyung nalalaman nating academic, gusto nating i-share. Pag di academic, sayang at mawawala iyung discussion flow para sa K=P.

Opinyon lang naman iyan ne... bilang tita mo.

dcat
04-23-2006, 08:32 PM
Alam mo naman K=P ang thread na ito... kaya kung ano iyung nalalaman nating academic, gusto nating i-share. Pag di academic, sayang at mawawala iyung discussion flow para sa K=P.

Opinyon lang naman iyan ne... bilang tita mo.

Sori at salamat sa pagremind tita. Sana ipagpatuloy mo yung pag-share ng iyong kaalaman. Ako, mas natu-turn on nga ako sa mga intellectual na ladies eh, di ko alam kung bakit. So just keep on sharing the wealth. ;)

Tonyang
04-23-2006, 08:52 PM
Sori at salamat sa pagremind tita. Sana ipagpatuloy mo yung pag-share ng iyong kaalaman. Ako, mas natu-turn on nga ako sa mga intellectual na ladies eh, di ko alam kung bakit. So just keep on sharing the wealth. ;)

Pasensiya na rin dong.

Pasa na natin ang microphone sa iba nating mga kasama sa TF... para tuloy-tuloy ang flow ng K=P thread.

a-bomb
04-24-2006, 10:42 AM
1. bakit pag sumisinga ka (pag may sipon) at nasobrahan eh para kang nabibingi?

kindly explain (for intellectual/intelligent human beings)

Dax
04-24-2006, 11:22 AM
Puwede bang balikan natin ang logic o geometry? O Algebra kaya o Probabilities kaya? Sinong interesado sa inyo?Sige review tayo ng geometry et. al. Kinakawalang na ang utak ko walang praktis. :D Sino may alam na problem? Pagtulung-tulunan nating i-solb! ;)

ayumi
05-09-2006, 05:18 PM
78:22 update...http://en.wikipedia.org/wiki/Air

Stacie Fil
05-17-2006, 11:49 PM
Sayang naman itong sinulid na to, matingkad naman ang kulay at makinang. OK lang kaya kay tweety san na buhulan ang dulo at madugtong. Baka lang kasi may magandang mapag-gamitan later di ba?

Idea lang kung sakali: Di kaya maganda kung i-maintain na isa lang ang tanong sa tuwina. Sakali na sabay na magkaroon nang dalawa,o tatlo..etc na mga tanong, hintayin munang maubos lahat bago maglagay nang bago. Para rin lahat naka antabay ,may chance at di magkabuhol-buhol.

Subukan ko muna sa simple at pang bata;

Bakit ang sarap kumain at malamig sa bibig ang menthol candy. Pero minsan while eating menthol candy, sinubukan kong i-check nang thermometer ang aking bibig, di naman malamig. Sira kaya yung thermometer?

Bangis
05-18-2006, 04:09 PM
Subukan ko muna sa simple at pang bata;

Bakit ang sarap kumain at malamig sa bibig ang menthol candy. Pero minsan while eating menthol candy, sinubukan kong i-check nang thermometer ang aking bibig, di naman malamig. Sira kaya yung thermometer?

Hahaha... HINDI... hindi masisira ang Thermometer...

Sira na ang bibig mo sa pagkain ng menthol candy.. nyahaha joke..

The main reason is.. menthol is a taste not a temperature..in contrast, driking hot or cold water make sense of changing some part of your body temparature.. like your mouth or your stomach..

Its just my opinion.. ;) :cool:

Dax
05-18-2006, 04:39 PM
@Stacie Fil
Mukhang hindi pambata ang sagot sa tanong mo. :D Here is what I found:
So how do chillis and mints produce the same electrical patterns in our brains that are also brought about by changes in temperature? One way of producing electrical impulses is by allowing ions (electrically charged atoms) to enter a cell by opening a gateway (or 'channel') in the cell membrane, changing the electrical charge within the cell with all sorts of interesting and complicated consequences. Capsaicin - the 'hot' molecule in chilli peppers - alters an 'ion channel' on nerve cells called TRP-V1, that is activated by 'hot' temperatures, causing an electrical change within the cells. Menthol in mints interacts with the same molecule (the TRP-M8 ion channel) on nerve cells that signals cool temperatures. From: http://www.thenakedscientis ts.com/HTML/Columnists/dalyacolumn5.htm

Also explained at:
Cool Menthol 1 (http://www.abc.net.au/science/k2/moments/s537539.htm) & Cool Menthol 2 (http://www.abc.net.au/science/k2/moments/s537548.htm)

Stacie Fil
05-19-2006, 07:35 PM
Sorry, akala ko madali lang ang sagot, I was expecting simple answer. Kasi its a common child question di ba? :O I simply tell a child that our body reacts to food in many different way. Like we cry when peeling onion, or sneeze after accidentally sniffing powdered black pepper etc.

So like in menthol, we feel cold. Then simply explain that the chemical in mint blocks or reacts with mouth thermosensor. Without the heat sensor working, (no warm/heat feeling), brain assumes that it is cold. Ganoon po. But you are right, its a bit complicated talaga lalo na pag matanong ang kausap asking for in-depth details.:D

Sige, try po ulit tayo nang pang bata. Bakit kung minsan, kahit sa pinas naka-experience tayo na umuulan nang maliliit na yelo(hindi snow). Saan nanggaling yung yelo? Di ba sa cloud eh ulan lamang. Di kaya tinapon galing sa dumadaan na eroplano?

Yung iba riyan,baka may questions din kayo. Post na rin after someone give a good answer.

ayumi
05-20-2006, 12:29 AM
I'M NOT SURE...Sleet
From Wikipedia, the free encyclopedia

Sleet can refer to at least two different forms of precipitation.

In Britain and other Commonwealth countries, sleet refers to snow that has partially melted on its fall to the ground, due to surrounding air that is sufficiently warm to partially melt it while falling, but not warm enough to fully melt it into rain. Thus it refers to partially melted droplets, a mixture of snow and rain. It does not tend to form a layer on the ground, unless the ground has a temperature that is below freezing, when it can form a dangerous layer of invisible ice on surfaces known as 'black ice'. This similarly occurs when rain freezes upon contact with the ground (freezing rain).

In American usage, sleet is a form of precipitation consisting of tiny frozen raindrops, or ice pellets. This is often mistaken for hail, but forms in a different fashion and is usually (but not always) smaller. This occurs when snow flakes falling through a small layer of warmer air in the atmosphere will begin to melt. They can then refreeze if they pass back into a layer of colder, sub-freezing air closer to the ground, resulting in little balls of ice. These ice balls may bounce when they hit the ground, and do not freeze into a solid mass unless mixed with freezing rain. Sleet is not to be confused with soft hail, which forms through another process.

Stacie Fil
05-21-2006, 09:19 PM

Actually I was thinking of hail. You've got the same idea as for US (tiny ice ball) sleets that comes along with rain. And I think in US, hail is similar but considered as much bigger in size.

Thanks for the reply. Ikaw naman, how about sharing some interesting question too. Anyone?

autumn_in_oki
05-30-2006, 12:45 PM
minsan, I ask my lola a question,sabi ko, AH MAH(that's what i call my lola)
WHAT IS THE WORLD'S LONGEST WORD?
lola: (tumatawa) WHAT AN IRONY...
sabi ko,anong irony pinagsasabi netong maganda kong lola?
lola:WORTHLESS!..sab e nya
lola: IT HAS 29 SYLLABLES
lola: FLOCCINAUCINIHILIPIL IFICATION..!!!
ay sus! alam pala nya sagot? akala ko dinedeadma ako?

minsaan,ako naman tinanong ng lola ko,kinabahan ako,kase alam ko mahirap ang itatanong neto

lola: WHAT IS THE LONGEST FINGER OF YOUR HAND?
HA? sabe ko ang dale naman?
sagot ako: "MIDDLE FINGER"!!! sinigaw ko pa!
lola:(na bad-trip) ROW 5 ka talaga! nagmana ka talaga sa lolo mo!!
kinuha ko ang tape-measure,sinukat ko lahat ng fingers ko,:scratch: middle finger nga!?
kinuha ko ang ruler,middle finger talaga!?
lola:of course THE THUMB!!
how does it happen? I asked...
lola:YOU MEASURE THE LENGHT OF A FINGER FROM THE JOINT.:)
TSK..TSK...TSK...hin di talaga ako mananalo sa lola ko....:cry:

nakakatuwa naman ito! galing ng lola mo! :D kala ko din middle finger e. Astig. Winner ang thread na ito! :cool: