PDA

View Full Version : Nung bata ka pa...


Aquamarine
04-19-2006, 08:08 PM
Anong klaseng bata ka nung mga panahon na yun?

ikaw ba ay:

Sutil?
Makulit?
Mabait?
Behave?
Masunurin?
Matigas ang ulo?
Pasaway?

Ano ano yung mga naa-alala nyong mga kalokohan nyo at ng mga kaibigan nyo nung bata pa kayo?

honeybunny
04-19-2006, 08:13 PM
makulit :fire: at maramdamin ako nung bata pa ako:weep:

ladygems1216
04-19-2006, 08:14 PM
Hello aquamarine.. Nung bata pa ako sobrang bait ko lalo sa mga kalaro ko to the point na nung nag-away kami ng kalaro ko ay binato nya ako at natamaan ako sa ulo..poink! ang laking bukol pero nakangiti pa rin ako sa kanya.. hehehe ganyan ako kabait nung bata pa ako...:D

Hungry eyes
04-19-2006, 08:52 PM
nun bata pa ako.sutil ako na .sutil kasi hindi mo nila ako mapasunod sa gusto nila .kasi gusto ko tanggapin nila kung ano ako,may sarili kasi akong identity , i dont like comparison.tsaka akala ko kasi lalaki ako eh:p
pasaway din ako..ayaw nila na sumasali ako sa exibition ng bmx noon.dahil kababae ko daw eh.bale wala sa aking ke sumemplang o umuwi akong putok ulo or maraming gas gas sa katawan.
sumasali din ako sa bugbugan..puro lalake kasi barkada ko eh.
kahit na madalas akong mapalo ng yantok sa puwit sige pa din,sabi ng lola ko lintek kang bata ka mamatay ka na kaya.dahil lahat kami eh mamatay sa nerbyos sa iyo:D wala lang dedma pa rin ako..

ewan ko nawala lahat yan sa akin.yun mga friends ko nagtataka,bumaet daw ako.babae daw na kilos ko.(syempre mom na eh) noon kasi syempre bata pa at wala akong takot sa kamatayan .ngayon kasi may mga anak na..hindi pa dapat mamatay;) sarap alalahanin ang ala ala ng kabataan:)

kaori
04-19-2006, 09:04 PM
noong bata pa ako ay mabait ako,tahimik,mahina ang boses pag nagsalita.kinakagat na pala ako ng langgam nde pa rin ako nasigaw,ala lang,tulo lang luha ko.ngayon naman ang lakas na ng boses ko.nde na kailangan ng mic. pag nagsasalita.pero mabait pa rin naman ako ngayon.tahimik pa rin.:p

SHAMPOO
04-20-2006, 12:10 AM
Noong bata ako ay mataray ako sa mga kapatid ko.Di nila ko mapalo kasi lagot sila sa daddy ko,syempre bunso kaya paborito ni daddy. Wala ring makaligaw sa kin kasi bantay sarado ako ng Lola ko,matandang dalaga kasi.Minsan nga nung malaman ng Lola ko na may nanliligaw sa kin, naku..sinugod ng palo-palo.Kaya hanggang sa matapos ako ng high school never akong nag kasyota takot ko lng kay lola;) . Kaya lang sa sobrang higpit nila nagwala ...nagpunta sa Japan kaya eto ako isang asawa ng hapon:D .Masaya naman ako ngayon with my family, kaya lang wala na ang daddy at lola ko....memories na lang nila noong kabataan ko:) .

a-bomb
04-20-2006, 09:15 AM
When I was younger... so much younger than today.....(:eek: baka mapakanta ako nito hahaha) ...... i never needed... heh! behave na... eto na

when i was young, napakakulit ko daw sabi ng nanay ko.
ako ang bunso, laht ng mga kapatid ko napapaiyak ko sa kasutilan ko

pero ngayon bait bait na ko
kasi baka mapalo ako ng honey ko hehe

Autumn
04-20-2006, 09:55 AM
Behave ako noong bata pa ako, at sobrang haba ng pasensya ko,once lang ako nakipag away.kasi yun kapitbahay naming ngongo ewan ko ba bat ang bigat ng dugo sa akin,:confused: pag dumadaan ako nandoon sa sa itaas ng bahay nila namimintana.tapos minumura ako..araw araw nyang sinasabi.na autumn munang ina mo.mangit (pangit) ka.mainim ka (maiitim daw) minsan hindi ako nakatiis hinamon ko ng away .sabi ko munang ina mo rin.mumama(bumaba) ka jan.mumama ka......milisan mo (bilisan mo) ano ngusto(gusto) mo ha.? alay umiiyak hindi nya matanggap na ginaya ko sya..rambulan ang buong angkan..umabot pa sa barangay :D.syempre panalo kami.kasi alam naman ng mga kapitbahay na behave ako eh.minsan pag umuuwi ako sa pinas ,nagkikita pa rin kami.mabigat pa rin dugo nya sa akin.yun nga lang.irap na lang ginagawa nya

yan ang ala ala ng aking kabataan na di mo makalimutan,,bow

sensei
04-20-2006, 10:41 AM
Nun bata pa ako....madaldal :chatter: pero hindi nla naiintindihan un sinasabi ko. i just wonder...baka nagni-nihonggo nko nun!!!:D
lagi akong me dalang himo, tali ko sa may gate para lahat ng dadaan mapapatid:whistle: shirankao lang ako hehe. pag hindi sila natumba, kinukurot ko lang naman tapos tatakbo nko sa loob ng bahay.
lagi ako sungkit ng duhat, pag uwi ko violet na kulay ng bulsa ko. nagsasaing ako ng bigas sa plastic na lutuan kaya pati un plastic tupok ng apoy. nagbubungkal ng bulate sa lupa then bigay ko presento sa classmate and teachers ko. tapos sa classroom, pinapasulat ko sa seatmate ko lahat ng notes written on the board para hindi ako mapagod...
lastly...namimigay ako ng baon, yung obento ko pinapakain ko sa lahat
bait ako nung bata pa:D

chubby_kulot
04-20-2006, 11:48 AM
nung bata pa ako...[until now naman bata parin eh...batang isip nga lang...] :jiggy:

iyakin...matatakutin ...sakitin....at tahimik....isa lang ang nagbago sa akin..ang pagiging tahimik ko....kasi naging makwento ako at maharot..at lumabasa lahat ng kagagahan ko sa katawan...[natatago lang pala nun kasi bata pa ako..hehehhe] ....although sakitin parin ako until now..mga sakit na since bata akong musmos dala ko parin until now...iyakin ako kahit walang iiyakan...[hahhaa..baliw kasi ako eh...] :jiggy: matatakutin parin naman ako...pero un lang...dahil madalas akong mag isa..medyo lumalakas na loob ko...takot lang ako sa paglindol na nag iisa ako..di ko alam gagawin ko eh.. :cry:

Bangis
04-20-2006, 01:44 PM
Nung bata pa ako sabi ng lowla ko tsaka ng mama ko.. CUTE daw ako..

Lalo na raw nung lumaki na ako.. hehehe

myukasky
04-20-2006, 02:07 PM
Nung bata pa ako. Ano nga ba? Sabi ng nanay ko iyakin, matigas ulo at minsan masunurin. Naalala ko pa lagi sinasabi ng nanay ko "tigas talaga ng ulo mo bata ka". Iyakin naman ako kapag naglalaro kami ng mga kababata ko ako ang laging nagiging taya. Yung larong tumbang priso pa yata yun ako lagi talaga taya. Umiiyak ako lagi kasi sakit ng kamay at paa ko kapag tinamaan ng tsinelas nila kapag binato nila yung lata. Kaya lagi nilang sinasabi, naku iiyak lang yan huwag na natin isali. Masunurin ako kaya lang minsan lang, kapag maganda siguro gising ko.:D

myukasky
04-20-2006, 02:13 PM
Nung bata pa ako sabi ng lowla ko tsaka ng mama ko.. CUTE daw ako..

Lalo na raw nung lumaki na ako.. hehehe

Talaga? Buti ka pa CUTE.:D Ako naalala ko ang pangit ko noong bata pa ako. Para namang gumanda ako ngayon.:D Di nga totoo at walang halong biro, kaya yung mga nakakakita sa akin noong medyo lumaki na ako sinasabi nila laki daw ng ginanda ko. Naalala ko pa nakita ko yung pictures ko noong bata pa ako, kahit ako sa sarili ko di makapaniwala na ganon ako kapangit.:eek: Baka nga isipin ng iba nagpaplastick surgery ako nito ah.:rolleyes: Kaya itong anak ko na babae sinasabi ng mga kapitbahay ko na japanese siguro ganon daw itsura ko noong bata pa ako. Natatawa lang ako sa sarili ko.

Chibi
04-20-2006, 02:14 PM
nung bata pa koh....behave daw ako,takot kase ko sa father ko,ayaw ng falohhh!!:O pero ngaun balistad na....mhakulet at pasaway!!karirin ba!:D

ranberzul
04-23-2006, 08:21 PM
Behave ako noong bata pa ako, at sobrang haba ng pasensya ko,once lang ako nakipag away.kasi yun kapitbahay naming ngongo ewan ko ba bat ang bigat ng dugo sa akin,:confused: pag dumadaan ako nandoon sa sa itaas ng bahay nila namimintana.tapos minumura ako..araw araw nyang sinasabi.na autumn munang ina mo.mangit (pangit) ka.mainim ka (maiitim daw) minsan hindi ako nakatiis hinamon ko ng away .sabi ko munang ina mo rin.mumama(bumaba) ka jan.mumama ka......milisan mo (bilisan mo) ano ngusto(gusto) mo ha.? alay umiiyak hindi nya matanggap na ginaya ko sya..rambulan ang buong angkan..umabot pa sa barangay :D.syempre panalo kami.kasi alam naman ng mga kapitbahay na behave ako eh.minsan pag umuuwi ako sa pinas ,nagkikita pa rin kami.mabigat pa rin dugo nya sa akin.yun nga lang.irap na lang ginagawa nya

siguro kaya mainit ang dugo nya sayo , lagi mo siyang sinasabihan ng pagtumayo ang testigo, kay susan tayo! in ngongo version or pisil-pisil mo ang ilong, :)

pinkpooh29
04-23-2006, 09:27 PM
ako naman nung bata pa ako matigas din ang ulo ko.:bonk: :banghead: naalala ko non nakipag sabunutan ako sa pinsan kong lalaki :karate: :fence: tapos yung dumating ang papa ko nag patalo ako paawa effect pero ang nangyari ako ang ginulpi:drool: :cry: hinampas ako ng tankay ng ipil ipil iyak talaga ako:weep: :D

halloween
04-23-2006, 09:45 PM
Nung bata ako barako ako. Lagi kong inaakyat ang punong aratilis ng kapitbahay namin tapos paramihan kami ng nakuha ng mga kalaro ko. Corny sa 'ken ang bahay bahayan at manika. Ang trip ko non eh shato, patintero, luksong baka at chinese garter.

Tapos pag may social gathering o kaya kung anong event eh sumasayaw, kumakanta o kaya tumutula ako kahit na wala naman akong talent. Pumapalakpak na lang mga kamag-anak ko kasi shmpre ang tema eh love your own, for the effort na lang, hehehhe.

Sobrang bungisngis din pero may tantrums ako at inaaway ko mga kapatid ko pag di binibigay gusto ko. Buti na lang, di nila ako pinapatulan kung hindi siguro lagi akong nasasapak. Ewan ko lang pero karamihan ng kakilala kong bunso eh mga sutil nung bata.

sam_227
04-23-2006, 10:39 PM
Ako naman makulit din palagi din ako namumura ng lola ko..:plagi kasi ako naliligo sa ilog sammmmmm!put........ ..........mo!!! malunod ka sana(joke lang)akala kasi ng lola ko di ako sanay lumangoy..kaya takot sya,pag uwi ko sa bahay ang dami ko sugat sa paa..:O natatapakan ko kasi mga bote at talaba..:eek: ayon sobra itim ko tuwing makikita ko yon picture ko nun kahawig ko si mahal hihihi :D tapos ang boses ko parang si matutina kaya pag tinatawag akong matutina inisnob ko sila!pero natutuwa ang lola ko din nun kasi marunong na ako maglaba nun.Always din ako sumisisid sa palaisdaan ng tito ko pag uwi ko may ulam na kami.Hanggang sa kinuha ko ng ermat ko at nag highschool,di pa rin natapos ang ka sutilan ko lagi ako tumatakas sa gabi kasama mga friends ko para umattend ng party 2nd yr yata ako nun.patakas ako nun akyat bakod ,puro sugat at gasgas din ang inabot ko nun.Suot ko pa yon jea pans ng ate ko,kaya pag uwi ko sabunot at palo ang inabot ko sa ermat ko.Magmula nun naging mabait na ko(kuno)Hanggang ngayon tuwing maaalala ko yon natatawa nalang ako.May naging aral din naman para sa akin yon pag higpit nila.

JLO
04-25-2006, 10:50 PM
i can still remember, puro mga cuzinz ko lng kalaro ko at bro ko dahil bawal lumabas ng bahay at mangapitbahay kundi palo abot namin sa aking dear father at mother

pero bait ako nung bata pa ako

benihana
06-18-2006, 12:06 AM
i only had one hairstyle, ang walang kamatayang "apple cut":D

jade_24
06-18-2006, 01:51 AM
nung bata pa ako, maarte daw ako sabi ng mama ko. kahit ihing-ihi na daw ako e hindi ako iihi sa public toilet kapag mapanghi. at kapag may nag-iinvite daw sa akin na kaibigan nila mama. 5yrs old pa lang ako pero ang tanong ko daw ay "malinis ba ang toilet niyo? gusto ko po kasi magandang toilet! asus! ewan ko ba.. buti na lang at hindi na ko ganun ngayon.. hehe! kundi baka wala akonfg friends. hehehe!
sabi rin ni mama na hindi daw ako nabulol. diretso agd ako magsalita. at palaaway ako nung bata ao. very opposite sa ngayon. nagyon, kahit saan basta ihing-ihi na ko puwede na..hehe! tapos, lumaki ako na ayaw ko ng away. asus! magreminisce daw ba ako. haha!