View Full Version : Fishing at the beach
Last month sumama akong mamingwit (hindi ako nag-fishing, actually, kumuha lang ng pictures) at nag-overnight sa beach sa bandang boundary ng Ibaraki at Fukushima.
http://www.timog.com/gallery/files/5/yellowjacket.jpg
Maganda naman ang kinalabasan, may nahuli silang tatlong isda, dalawang maliit at nakawala pa yung isa. Pero marami kaming dalang baon kaya sobra-sobra ang pagkain.
http://www.timog.com/gallery/files/5/pier.jpg
Akala ko dahil spring na, mainit na rin, hindi pala. Maginaw sa pier lalo na sa umaga at sumakit ang exposed na kamay ko dahil sa lamig.
http://www.timog.com/gallery/files/5/pisi.jpg
Wala akong alam dito kaya pinabayaan ko na lang ang mga experts na mamingwit.
http://www.timog.com/gallery/files/5/tsuri.jpg
Eto ready na ang lahat, pero tulog pa yata ang mga isda kaya wala masyadong kumakagat.
http://www.timog.com/gallery/files/5/tetrapod.jpg
Hirap kumuha ng pictures dito sa gitna ng mga dambuhalang jackstones. Nakakatakot dahil madulas dahil sa lumot.
http://www.timog.com/gallery/files/5/murasaki.jpg
Muntik na akong mabingwit at sumama sa rod habang tinatapon ni Jonz ang pisi (bigla na lang kasi akong lumitaw sa likod nya).
http://www.timog.com/gallery/files/5/tawa.jpg
Tanghalian na at nakatayo na ang tents. Eto mukhang masaya ang mga tao kahit wala masyadong huling isda.
http://www.timog.com/gallery/files/5/siga.jpg
Buti na lang nagsiga kami dahil malamang mas malamig ang gabi kaysa umaga (paki patay nang mabuti ang apoy at linisin ang paligid pagkatapos kung gagawin ninyo ito).
http://www.timog.com/gallery/files/5/kamay.jpg
Nagkakaroon ka daw ng magical powers pag medyo nakainom ka na. Eto at hini-hypnotize ni Pol ang pinapatuyong medyas.
http://www.timog.com/gallery/files/5/gabi.jpg
Habang ayaw pa ring tumigil sa pamimingwit yung dalawa. (Madilim na ito pero may flash lang yung camera.)
http://www.timog.com/gallery/files/5/baga.jpg
Tuloy ang baga hanggang umaga habang natulog na kami sa kanya-kanyang tents. Mabuti na lang at may apoy pa ng konti sa paggising namin sa umaga.
pooh_chan
04-22-2006, 08:54 PM
Hi reon san, ang ganda naman ng view mukhang ang saya-saya nyo....sarap talaga kapag puro pinoy ang magkakasama kasi siguradong masaya...:king: , pero ang ganda nung dagat at yung malalaking bato....sarap yata mamasayal dun ano kaya lang ang layo ko....:rolleyes:
chubby_kulot
04-22-2006, 08:55 PM
hello po reon san :wavey:
ang ganda po ng mga kuha mo sa pictures ha..galing mo pong photographer... :king:
di ko pa po nasubukan matulog sa tent...kasi naman nung elementary kami..nagkaron po ng girls scout camping sa loob po ng campus..kaso un tent na dala ko..di ko matayo..kaya ang ginawa ko po dahil tapat ng skul namin un bahay namin..umuwi po ako at sa bahay na lang natulog... :jiggy: ano po ba feeling ng matulog sa tent ???asking lang po...di po ba malamig at malamok?di rin po ba nakakatako :eeek:
peace po tayo :sweeties:
fremsite
04-22-2006, 09:46 PM
hello reon .. gaganda naman ng mga pictures:yesyes: .. galing-galing mo talagang kumuha .... with details pa ... kakatuwa naman .. jackstone ba tawag dun sa malalaking bato ? .. muka naman kasing jasckstones eh no ? .. naaliw ako dun kay Pol ( makiki-Pol na rin ... hihihihi~~~) na hini-hypnotize ng pinapatuyong medyas ... :nuts:ahahahaha~~~~~ :lol: tsaka ang ganda ng kuha nung " baga" .. buhay na buhay ... galing talaga !:thumb: meron pang isa ... sino po yung naka-boshi ng kulay pula ? :O :roll: kawaii~~~~!! :bonk: :hihi:
andres
04-22-2006, 10:15 PM
Galing!
Mukhang enjoy na gimik yan a, fishing.
Tawang-tawa ako dun sa "hypnosis" pic hehehe. At yung "night fishing" pic, parang kinuha sa studio (parang pader kasi yung backgound). Paano mo ginawa yun?
helloooo!
ang ganda ng view pati yung kumuha ng picture ang galing..
parang ang saya saya nyo... sarappp naman, inggit ako~~~~~
akiam
04-22-2006, 11:07 PM
wow camping! mukhang sobrang enjoy. thank you for giving me an idea what to do this coming golden week. nice pictures! ang galing talaga ng pinoy!:)
pinkpooh29
04-22-2006, 11:07 PM
hi..ang galing galing naman poh ng pag kakakuha nyo:bowdown: :bouncy: :) grabeh at ang saya naman gawin nyo puro pinoy at with matching pamimingwit pa ng isda :fish: diko pa poh na try yan everrrr at pati narin yung matulog sa tent...:) nakakainggit naman poh kayo....:) :yippee:
pola228
04-22-2006, 11:17 PM
reon san...ganda ng mga shots ha...buti nalang di ka nadulas sa kaka kuha ng pictures...:p
maimai
04-23-2006, 01:19 AM
reon tsang~~ang ganda ng pagkakuha nyo ng mga pictures~~mukhang na-enjoy po kau talaga dun....kahit ako nakikibasa at tinitingan ang mga pictures nyo~~parang gusto ko na rin makipag-fishing sa golden week~~tamang -tama uuwi kami ng inaka!:p
fremsite~~parang nga mga jasckstones ang mga bato~~~ang lalaki~~:D
Sacod
04-23-2006, 02:11 AM
nice pics pre....parang enjoy na enjoy kayo sa mga pics? pwedi bang sumama sa inyo next time?
@reon,
Ang ganda naman ng mga pictures mo, nakakaingganyo. Next time isama nyo naman ako.
Maliban sa gitara at bass, iyan lang ang hobby namin ng mga magkakabarkada dito.
Ok, eto ang una sa serye ng mga pictures ng pamimingwit namin ng best friend kong hapon, si Ichin. Magaling na musikero yan, sya yung pinakamagaling sa aming maggitara at magbass sa band club namin sa unibersidad. Magaling din syang mag piano at magtambol. Yun lang nga, hindi kami magaling kumuha ng pictures, so sana mapagtyagaan nyo etong mga kuha namin.
Umuwi kami sa Pilipinas noong December 2004 para makipamasko, bagong taon, at syempre mamingwit.
Sa eroplano pa lang excited na kami...
2358
Dinaan ko muna sya sa dati kong unibersidad, UST, sa Maynila, para makapagdasal at hindi kami malunod. Heh he.:D
2359
Ako to, pasensya na kayo, mahiyain kasi ako eh.:O
2360
Ang natsukashing Commonwealth Avenue (Quezon City). Papuntang probinsya...sa hilaga ng Maynila...Dalawa lang kami, naka taksi kami nito, papuntang terminal ng Victory liner sa may Caloocan.
2361
Dumaan muna kami sa Olongapo (dito ako nag-elementary), malapit na to sa Subic. Umarkila kami ng bangkang di-sagwan (dalawang daan lang yata ang bayad buong maghapon), at sinubukan namin kung anong lagay ng dagat sa Pilipinas. Testing lang...
2362
Pwede rin...:D
2363
Syempre, sunset...:)
2364
Eto, nasa Zambeles na kami nito... Nagbangka kami papuntang isang isla na tawag ay Putipot (local dialect na ibig sabihin ay puting isla)...Totohanan na to.:cool:
2365
Tuwang-tuwa ang walang hiya.:D , December kasi nyan eh, kagagaling lang namin sa malamig na impyerno sa Osaka, parang nakawala sa kural eh no.:D
2366
Marami kaming nahuli nitong araw nato, siguro mahigit quince. Tatlo yata ang huli naming lapu-lapu, mga maantol, isang talakitok, at iba pang isda na hindi namin alam kung anong pangalan. Halos lahat kasing laki ng palad, pwede nang isigang o ipaksiw at kasya na sigurong panghapunan ng isang pamilya. Eto isang picture.
2367
Sabi nya, "日本の魚が頭がええねん、なかなか釣れへん 。。。けどフィリピンの魚がアホやな、すぐ 釣れる”。(Sorry, para sa mga hindi nakakaintindi ng Kansaiben, sabi nya "yung mga isda sa Japan mauutak, ang hirap hulihin...pero yung mga isda sa Pilipinas ang tatanga, huli kaagad".) Hindi pa daw kasi sanay yung mga isda sa Pilipinas sa hi-tech na gadget, iyan tuloy timbog sila sa amin, pinirito nga sila ng tita ko, at pinulutan namin ng mga tito ko.:D
aprilluck
04-23-2006, 09:14 AM
@ Reon ,Wow ang ganda ng pics. At mukhang nag -enjoy kayo talaga ha ,may nag-hipnotismo pa!!:) Inggit ako ha!Love ko talaga Nature ,ang dagat ,bundok,probinsiya na puro taniman ,Iyan ang "zeitaku" para sa akin !!;)
@ Dcat ,Galing naman, Alam ko iyung lugar na iyan sa Zambales ,diyan kami laging nagpupunta ,in love diyan ang hubby ko ,noon di pa maraming nagpupunta sa lugar na iyan ,pero last time na nag bakasyon kami ,marami na ring nakakaalam na puntahan iyan .The Breeze ,crystal clear water,walang kasing sarap na seafoods ,Wahhhh gusto ko tuloy umuwi ng wala sa panahon :O
greatbarrier
04-23-2006, 02:53 PM
@reon,
Ang ganda naman ng mga pictures mo, nakakaingganyo. Next time isama nyo naman ako.
Maliban sa gitara at bass, iyan lang ang hobby namin ng mga magkakabarkada dito.
Ok, eto ang una sa serye ng mga pictures ng pamimingwit namin ng best friend kong hapon, si Ichin. Magaling na musikero yan, sya yung pinakamagaling sa aming maggitara at magbass sa band club namin sa unibersidad. Magaling din syang mag piano at magtambol. Yun lang nga, hindi kami magaling kumuha ng pictures, so sana mapagtyagaan nyo etong mga kuha namin.
Umuwi kami sa Pilipinas noong December 2004 para makipamasko, bagong taon, at syempre mamingwit.
Sa eroplano pa lang excited na kami...
2358
Dinaan ko muna sya sa dati kong unibersidad, UST, sa Maynila, para makapagdasal at hindi kami malunod. Heh he.:D
2359
Ako to, pasensya na kayo, mahiyain kasi ako eh.:O
2360
Ang natsukashing Commonwealth Avenue (Quezon City). Papuntang probinsya...sa hilaga ng Maynila...Dalawa lang kami, naka taksi kami nito, papuntang terminal ng Victory liner sa may Caloocan.
2361
Dumaan muna kami sa Olongapo (dito ako nag-elementary), malapit na to sa Subic. Umarkila kami ng bangkang di-sagwan (dalawang daan lang yata ang bayad buong maghapon), at sinubukan namin kung anong lagay ng dagat sa Pilipinas. Testing lang...
2362
Pwede rin...:D
2363
Syempre, sunset...:)
2364
Eto, nasa Zambeles na kami nito... Nagbangka kami papuntang isang isla na tawag ay Putipot (local dialect na ibig sabihin ay puting isla)...Totohanan na to.:cool:
2365
Tuwang-tuwa ang walang hiya.:D , December kasi nyan eh, kagagaling lang namin sa malamig na impyerno sa Osaka, parang nakawala sa kural eh no.:D
2366
Marami kaming nahuli nitong araw nato, siguro mahigit quince. Tatlo yata ang huli naming lapu-lapu, mga maantol, isang talakitok, at iba pang isda na hindi namin alam kung anong pangalan. Halos lahat kasing laki ng palad, pwede nang isigang o ipaksiw at kasya na sigurong panghapunan ng isang pamilya. Eto isang picture.
2367
Sabi nya, "日本の魚が頭がええねん、なかなか釣れへん 。。。けどフィリピンの魚がアホやな、すぐ 釣れる”。(Sorry, para sa mga hindi nakakaintindi ng Kansaiben, sabi nya "yung mga isda sa Japan mauutak, ang hirap hulihin...pero yung mga isda sa Pilipinas ang tatanga, huli kaagad".) Hindi pa daw kasi sanay yung mga isda sa Pilipinas sa hi-tech na gadget, iyan tuloy timbog sila sa amin, pinirito nga sila ng tita ko, at pinulutan namin ng mga tito ko.:D
------------
hi dcat!
yeah! your pics are fabulous! kaya lang pinaglihi ka ba ng nanay mo sa makahiya.....bakit di mo ipakita sa mundo (sabi nga ng orange&lemons) ang iyong mala-anghel na pagmumukha :biglaugh:....lagi kang nasa likod ng camera or nakatalikod....lam ko na.......takot ka siguro sa flash noh! :lol: .....sayang naman ang kagandahang lalaki mo pre....kung hindi makikita ng mga tao!!!!
anyway, maganda nga dyan sa putipot....you chose the best time to go there...december..if i'm not mistaken, the water is calm....it was summer kasi when we i went there...& sobrang maalon....albeit...s arap pa rin magswim.....
the next time you visit ph, punta ka naman sa cebu...bantayan & malaspacua (north of cebu) in particular....yung mga isda na nahuli nyo sa zambales..appetizer yata ng mga isda dun sa malapascua :p .....more than enough to feed a family...di ba marami kang esmi...so ayan...yung mga isda dun, pangmalaking pamilya...:D ....kaya lang yung iba, kakapanghinayang kainin....ang gaganda kasi nila....
:japanese:
------------
yeah! your pics are fabulous! kaya lang pinaglihi ka ba ng nanay mo sa makahiya.....bakit di mo ipakita sa mundo (sabi nga ng orange&lemons) ang iyong mala-anghel na pagmumukha :biglaugh:....lagi kang nasa likod ng camera or nakatalikod....lam ko na.......takot ka siguro sa flash noh! :lol: .....sayang naman ang kagandahang lalaki mo pre....kung hindi makikita ng mga tao!!!!....
....the next time you visit ph, punta ka naman sa cebu...bantayan & malaspacua (north of cebu) in particular....yung mga isda na nahuli nyo sa zambales..appetizer yata ng mga isda dun sa malapascua :p .....more than enough to feed a family...di ba marami kang esmi...so ayan...yung mga isda dun, pangmalaking pamilya...:D ....kaya lang yung iba, kakapanghinayang kainin....ang gaganda kasi nila....
:japanese:
oo nga great barrier, medyo pinaglihi nga ako sa makahiya. Pero ang katotohanan nyan eh baka kasi maligaw nanaman si pareng Bangis dito eh, baka tuluyan nang mabisto ang aking identity. :D
Sige subukan namin dyan, pero napakahirap na naming umalis ng Japan eh. Pero kapag nakahanap ako ng time kaylangan kasama ka ha!
By the way mga guys, sabi ni Ichin wala daw syang tarabaho ng siyam na araw ngayong golden week, at sabi nya bisitahin nya daw ako sa Tokyo, dadalhin nya lahat ng rod at fishing gadgets namin. Saan magandang magfishing dito sa may kanto area?
@reon,
sabi ni hapon, masyado pa daw malamig noong pumunta kayo kaya hindi pa masyadong gumagalaw yung mga isda. Ngayon siguro ok na dahil mainit-init na rin. ;)
adechan
04-23-2006, 09:14 PM
@reon san super ganda naman po talaga nang mga kuha mo ~~~ captured na captured ang mga scenes ~~~ professional shots talaga ang dating ~~~ laugh din po ako nang todo doon sa hypnotize blues
nag camp din pala kayo, malamig nga talaga, kahit summer po pag dating nang gabi malamig talaga sa tabi nang dagat, kaya kahit summer po may baon kaming mga jacket at long sleeves pag nagka-camp kami sa dagat.
@dcat natira ka pala nang 'gapo
@aprilluck nakoh parang nahawa naman ako sa iyo ~ ang sarap lumusong sa dagat, uwi pa naman ate ko ngayon after GW, gapo at zambales kami ~ ngii di ako makasama:weep:
greatbarrier
04-23-2006, 10:20 PM
oo nga great barrier, medyo pinaglihi nga ako sa makahiya. Pero ang katotohanan nyan eh baka kasi maligaw nanaman si pareng Bangis dito eh, baka tuluyan nang mabisto ang aking identity. :D
Sige subukan namin dyan, pero napakahirap na naming umalis ng Japan eh. Pero kapag nakahanap ako ng time kaylangan kasama ka ha!
By the way mga guys, sabi ni Ichin wala daw syang tarabaho ng siyam na araw ngayong golden week, at sabi nya bisitahin nya daw ako sa Tokyo, dadalhin nya lahat ng rod at fishing gadgets namin. Saan magandang magfishing dito sa may kanto area?
@reon,
sabi ni hapon, masyado pa daw malamig noong pumunta kayo kaya hindi pa masyadong gumagalaw yung mga isda. Ngayon siguro ok na dahil mainit-init na rin. ;)
--------------------
sige, if andito pa ko.....if u want....di lang fishing....meron pa kasamang diving....so you guys can appreciate how beautiful our country is....yun nga lang.....maraming "buwaya" dito kaya marami nang magagandang "isda" umaalis dito....:(
Thank you sa mga comments! Ang totoo ay mas gusto ko ng bundok kesa dagat. A hindi ko idea ang fishing na ito at wala akong alam sa pamimingwit ng isda. :) Sinama lang nila ako dahil meron akong tent, hehe. :D Gawin nyo rin ito, masaya! (Kung hindi kayo nanginginig sa ginaw, pero malapit na rin ang summer kaya okay lang siguro.)
@chubby kulot.
Malamig kaya kailangan ng sleeping bags at mga pads sa loob ng tent. Ang mga tents ngayon madali na lang itayo, may instructions naman na nakakabit doon sa tent mismo. Medyo malamok sa summer pero meron namang screen usually ang mga tents. Ang nakakatakot lang ay kung may mga taong puwedeng manggulo sa inyo lalo na kung nasa liblib na lugar kayo. Mas maganda kung grupo kayo kung magka-camping.
@fremsite.
Kawaii ba yung nakapulang boushi? Sana makita nya ito. :)
@andres.
Tenkyu. Cool nga iyong hypnosis picture pero aksidente lang yon. Yung isang picture naman ay slow shutter speed with flash at maganda nga ang kinalabasan.
@sacod.
Sige, pre, sabihin ko sa kanila, sila yung mga fishing fanatics. Ako camping lang okey na. :)
@dcat.
Okay yang mga pictures ninyo sa Pinas! Oo, mukhang mautak nga ang mga isda dito sa Japans, nasanay na siguro sa mga hitech equipments ng mga Hapon.
@poohchan, mai, akiam, pinkpooh29, pola228, maimai, aprilluck at adechan. Salamat sa mga comments. Masaya ang nature-tripping para sa akin (mas madaling gawin ito sa Japan kesa Pinas) kesa pumunta kunyari sa Disneyland (at mas matipid!). Lalo na kung madali ka lang makaalis sa isang malaking city. Try nyo rin!
greatbarrier
04-23-2006, 11:16 PM

-------------------
yeah ok din magmountain climbing! have u been to mt. fuji? i heard, like mt banahaw here in pinas, fiuji is a sacred mountain...
sabi ng brother ko ok daw dun...but i never had the chance to go there, kasi normally winter time pag napupunta ko before....mahirap magclimb pag sobrang lamig :eek:
moutain climber ka ba? ever experienced climbing any mountains here in ph? like mt. banahaw? u heard of mt. pulag in benguet? it's the second highest mt in the phils. next to mt apo....although, mas mataas pa rin i guess mt.fuji...& it's also cold in pulag..average night temperature i guess is at 10 to 15 DC....
if u really like mt. climbing & u get the chance to go back here...u should try pulag...& bring your climber-friends, too!
:)
maple
04-23-2006, 11:44 PM
reon,
Dalhan mo naman ako ng dagat dito sa Yamanashi o, pls:insane: :D
Great pictures!:)
sam_227
04-23-2006, 11:56 PM
ang galing naman ng view at pag-kuha .hope makapunta din kami ng hubby ko dyan.:)
yeah ok din magmountain climbing! have u been to mt. fuji? i heard, like mt banahaw here in pinas, fiuji is a sacred mountain...
Hi greatbarrier, may pictures dito ng Mount Fuji climb namin:
http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=33
Wala akong masyadong experience sa bundok sa Pinas, although minsan inakyat namin (disastrously) ang Mt. Santo Tomas sa Baguio. :) Pulag, mukhang maganda yan. Naakyat mo na ba ito? Kung uuwi ako sa Pinas, ang naisip kong akyatin ay Pulag o Halcon pero hindi ko alam ang i-expect sa mga ito. May mga links sa Internet tungkol sa Halcon (marami ang disasters) pero konti lang sa Pulag.
@maple
Di bale, marami naman kayong bundok dyan! Palit na lang tayo. :)
@sam_227
Thanks. Siguro may magagandang beach/camping ground dyan sa Aichi-ken. :)
greatbarrier
04-24-2006, 01:03 AM

------------------------
hmmm...mt sto tomas....my group hasn't been there! yeah! pulag is ok.wala pa ko alam na casualties dito...easy climb lang kasi to...lamig lang kasi kalaban mo...so long as you have the right gears, your thermal clothes of course...pulag is pretty good! & since sanay naman kayo sa lamig dyan...kayang-kaya nyo to!
yeah! marami na casualties dyan sa halcon...one of them is an acquaintance of mine...he's actually part of the group na nakakasama din namin sa climb before...he died of hypothermia! & the tragic thing was, they couldn't bring down the body without cutting them!
so i suggest, pulag na lang! mt banahaw is ok din sana kasi malapit lang...kaso close yata for rehabilitation...dam i kasi umaakyat na irresponsible...
ok tong mga pictures nyo sa fuji ha! lalo tuloy ako nanghinayang na di ko naakyat yan when i was there! wala kasing mahilig magclimb dun sa mga kasama ko & even the japs na counterparts ko....hmmm....dapat talaga bumalik ako dyan....
Eto naman nung pagbalik namin sa Osaka. February 2005 to.
Wala lang kaming magawa so dala-dala ang mga fishing gadgets nag-motorsiklo kami ng mga 45 minutes tapos nahanap namin tong pier na to, sa Amagasaki, (kung saan may nataliwas na tren at maraming namatay last year April:( ) gitna ng Osaka at Hyogo prefecture.
2399
Napakalamig pa nitong oras nato.
2400
Ako yan, plastado na kagad...
2401
Meron ding syempreng mga dambuhalang jackstone dito sa Osaka;)
2402
Bad trip, walang mahuli...
2403
So nagsindi na lang sya ng yosi...hanep ala malboro commercial diba.:D
2404
Ala talagang mahuli kaya nag-posing nalang ako...yan yung aking avatar.;)
Mukhang gumanti yata sa amin yung mga isda, bukod pa sa pagkalamig-lamig na ala pa kaming nahuli kahit isa.:mad: Ang pangit pa ng mga picture na kuha namin, walang kwenta kasi yung digital cam nung ex ko eh, so pinaubaya ko narin sa kanya nung nagkahiwalay kami.
@reon
nakakainggit talaga nung mga pictures mo dito, mga magkano bang camera ang pwede makakuha ng kasing ganda na pagkuha mo. Oo, syempre naman nasa kumukuha din yan, alam ko yun, pero gusto ko ng professional quality tulad ng mga kuha ni Paul. Mag-aaral naman ako eh. Ang iniisip ko ngayon eh isa sa tatlong Nikon Digital SLR na ito. (http://www.nikondigital.com/main.html) O kaya isa sa mga EOS Kiss (http://cweb.canon.jp/camera/eosd/index.html)ng Canon.
Advice naman please. Sige, maraming salamat mga ka TF. :)
docomo
04-25-2006, 12:17 AM
@reon
..you always amazed me with your shots ... the pictures are so clear and bright ... too beautiful to describe ... bravo!:)
@dcat
.. just enough to put me in awe ...beach shots are love .. thanks for sharing .. i loved it! :)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.