PDA

View Full Version : Embassy ID


Tonyang
04-22-2006, 10:03 PM
Mga Ka-TF:

Baka may kakilala kayong mga kababayan nating walang bala o mga bilog na walang ID, puwede silang magpagawa ng embassy ID.

May form na makukuha sa embassy o kung gusto ninyo, puwede ko kayong padalhan ng form para ibigay sa mga kaibigan natin.

Libre lamang ito at magandang mayroon din nito para may identification card ang mga kaibigan nating bilog...

Pakikalat na lang po ang balita.

Salamat.

v_wrangler
04-22-2006, 10:19 PM
Mga Ka-TF:

Baka may kakilala kayong mga kababayan nating walang bala o mga bilog na walang ID, puwede silang magpagawa ng embassy ID.

May form na makukuha sa embassy o kung gusto ninyo, puwede ko kayong padalhan ng form para ibigay sa mga kaibigan natin.

Libre lamang ito at magandang mayroon din nito para may identification card ang mga kaibigan nating bilog...

Pakikalat na lang po ang balita.

Salamat.

Tonyang, eh ibig sabihin nyan magkakaroon ang embassy ng record ng mga walang visa - pano kung hingin yun ng immigration? Will the ID be of some use in Japan? Para lang ba sa mga walang visa iyon?

stariray
04-22-2006, 10:51 PM
Gudibning po:( saan ho ba magagamit yang ID for all overstay?kase may mga kaibigan akong bilog pagnag-aaply cla ng job sa kaisha hinahanapan pa ng alien card puede po bang yan ipakita sa mga hapon?tsaka ano po bang purpose nya at bigla clang nagrequired para sa mga bilog or overstay:confused:

Sacod
04-22-2006, 11:14 PM
ito yung maging ID ng mga TNT.wala bang ID para sa mga hindi TNT?
:brush:

pinkpooh29
04-22-2006, 11:23 PM
oo nga poh bakit for tnt lang?? at para san naman po ba yong i.d na yan at bakit para sa tnt lang? :) :)

fremsite
04-22-2006, 11:52 PM
hello .. hindi kaya ang pagbibigay ng ID para sa mga TNT o bilog eh .. para magkaroon sila ng identification in case na may mangyaring masama sa kanila ( aksidente o napasama sa sakuna ) ... mayroong base para makilala sila .
maganda ring idea yan para malaman ng gobyerno kung ilang pilipino ang overstay sa japan .
ka Tonyang .. dito lang po ba sa japan ang ID na ito o kahit saang bansa ? sana lang .. ang pagkuha ng ID ay para sa nabanggit ko at hindi para ibigay sa immigration . :)

maimai
04-23-2006, 01:04 AM
sa palagay ko lang po... ang hindi TNT ay may mga Alien Identification Card naman sila hinahawakan...kaya siguro di na kailangan ng Embassy ID...:) .

at bakit sa mga TNT lang..

tulad nga sinabi ni Fremsite~~~ para magkaroon sila ng identification in case na may mangyaring masama sa kanila ( aksidente o napasama sa sakuna ) ... mayroong base para makilala sila .:)

Tonyang
04-23-2006, 06:48 AM
Maimai, Fremsite, I am sure naliwanagan na ang mga ka-TF natin.

V_Wrangler, gusto mong ipahiwatig kung pagagamit ng embassy ang kanilang database ng mga bilog kung sakali sa immigration?

sensei
04-23-2006, 10:52 AM
In my opinion, tama lang na magkaron ng Embassy ID for TNT's here in japan.
Philippine Embassy is here to help and assist filipinos hindi para ipahamak ang kapwa filipino.

pinkpooh29
04-23-2006, 02:19 PM
:) kung ganon naman pala yung layunin nila sa pag bibgay nila ng i.d sa mga tnt e mas lalong maganda...para rin sakanila yon...:)

braveheart
04-23-2006, 04:27 PM
sa palagay ko may inilabas ding guidelines hingil sa "Embassy ID" na yan ang Phil. embassy kasi, correct me if i'm wrong ha, ang pagkakaalam ko sa mga policies ng ating Philippine Government ay laging may kaakibat o kasamang pamantayan hingil sa pag kuha, pag gamit at benipisyo ng katulad ng napaguusapang "Embassy ID" para sa mga kababayan nating naririto sa Japan na walang visa. Kaya tanong ko lang kay Tonyang kung may guidelines bang inilabas ang Phil. embassy hingil dito? salamat.

Pinoy-ako
04-23-2006, 04:57 PM
In my opinion, tama lang na magkaron ng Embassy ID for TNT's here in japan.
Philippine Embassy is here to help and assist filipinos hindi para ipahamak ang kapwa filipino.

Tama ka sensie,ang tanong ko lang bakit ngayon lang yang program nayan.it only shows that ganun talaga ka bagal ang embassy pag dating sa service sa mga pilipino dito sa Japan and other countries too.sana maging aggresive naman sila to do their job.we are paying them to serve us.

sqabella
04-24-2006, 05:51 AM
im not against sa ID system kung maganda yung intentions nila pero hindi kaya ginawa nila ng embassy natin yun para tulungan ang japan immigration para ma trace nila kaagad yung mga nag overstay and bilog dito. kasi sa alam ko may bagong facilities or gadget ang japan immigration to trace yung mga overstaying dito using GPS input lang nila yung location or address yun they could easly get to the very exact location ng tao. and yung japan immigration may program sila ngayon for the year 2006 to lessen the number of overstaying foreigners to 50%. So hindi kaya part ng phil. embassy program yun na tulongan yung japan immigration using the information they gathered. Kung ganon mangyari kawawa naman yung mga overstaying na kababayan natin dba.

Tonyang
04-24-2006, 10:27 PM
Thanks for all the replies, mga Ka-TF.

Pinoy-ako, matagal nang project ito ng embahada natin.

Sqabella, kundi ang embahada natin ang gagawa ng paraan, may ibang ahensiya pa ba na puwedeng magpatunay o tumulong sa identity ng mga kapwa-Pinoy nating bilog sa Japan?