View Full Version : homeowning vs yatching, pros and cons
katty0531
04-23-2006, 11:31 AM
Mga ka tf, gusto ko sanang malaman kung ano mga ideas nyo tungkol sa homeowning at yatching? kung baga, ano po ba ang mga advantages at disadvantages?I'm sure marami din sa atin dito na, mapalagay sa sitwasyon na pumili, kung ano ba talaga ang best choice.
Lahat po ng inyong opinyon at idea ay lubos kung pinapasalamatan at tinatanggap.:D
Hello Katty,
Are you contemplating on buying a house or a yacht?
If you want a yacht you need to buy also a pond or if a house you need a lot :-)
Alex
TR250
04-23-2006, 04:10 PM
Hello Katty,
Are you contemplating on buying a house or a yacht?
If you want a yacht you need to buy also a pond or if a house you need a lot :-)
Alex
Yan din ang tanong ko. Di ako sigurado kung house or a yacth or house at yatchin (rent)...
Kung kailangan mo ng impormasyon tungkol sa yate ay meroon akong ka tropang mahilig diyan at siguradong pwede kong maitanong ang advice niya. Mukha nga lang malaki ang ginagastos niya sa parking/garage pwera nga lang kung may sarili kang loteng pag gagarahihan, malamang ay kailangan mo rin ng malaking boat trailer at mahusay na pang hilang sasakyan (usually a big 4WD will do) o di kaya ay big truck na may crane sa likod, mentainance, mga licenses, at tuwing ilalagay sa tubig ang yate ay extra expenses din sa nag li-lift nito sa tubig.
Kung yatchin (rent) o bahay ay para sa akin ay masaya na ako sa sariling bahay dahil bagamat maluluma at mabubulok din ay sa akin mapupunta yung property na di katulad ng rent na maging kaylan man ay hindi magiging sa akin. Pwede ring ibenta ang property maski luma di tulad ng yatchin na pag alis mo ay wala na. Yun nga lang ay mapapako ka sa isang lugar. Maski saang lugar naman ay may kinjo tsukiai kaya pareho rin. May tax ang bahay at andiyan yung mga fees at home owners assn. na meroon din naman sa ilang mga apts, condos, houses na for rent. Pwede rin magamit na pang morgage pag sariling bahay di tulad ng rent. Bagamat naluluma at kailangan ng mentainance ng bahay ay di naman masyadong mahal lalu nat kung may kakilala kang home renovator na ok sa baratan. Para sa akin ay pag nasira ang bahay ay papatulong na lang ako sa tropa o di kaya ay ako na mismo ang mag re-repair. Di naman masyadong mahirap ang mag-ayos ng bahay, konting duct tape at liquid sealer lang ay OK na :D
katty0531
04-23-2006, 05:06 PM
Hello Katty,
Are you contemplating on buying a house or a yacht?
If you want a yacht you need to buy also a pond or if a house you need a lot :-)
Alex
Hi
@Alex
Pasensya na ha...yong yatching pala ang ibig kong sabihin ay "rental", hehehehe...ang labo ano...
@TR250
Maraming salamat sa pag share mo ha...malaking tulong sa tulad kong nagiisip pa talaga...:D
yong tax ba na binabayan taon taon ba yon?..malaki ba talaga o depende sa bahay?
Hope to hear more from others especially yong mga nagbabayd pa ng loan hanggang ngayon sa bahay nila...:D ano yong mga masasabi nyong maganda at hindi maganda katulad noong na re rent palang kayo?
hi katty,
para sa tanong mo kung anong mas pipiliin, ang bumili ng bahay o mag rent...para sa akin pagbili ng bahay. kase habang hinuhulugan mo ang property ay mapupunta sayo unlike sa pag rerent hindi mapupunta sayo ang property.
kumporme din kase halimbawa ang pagbili ng bahay ay napakalaking halaga ng kailangan mo, need ng lupa at patayo ng bahay, pero kung may lupa ka na mas madali kang makakapag loan ng pagpapatayo ng bahay. tungkol naman sa tax ng bahay , OO yearly ang pagbabayad ng tax at kumporme sa laki ng bahay at lupa mo yun. halimbawa ang tate tsubo mo ay nasa 35~40 tsubo nasa 14~17 lapad ang bayad... ang hitotsu tsubo nga pala ay katumbas ng 3.3 squaremeter. tapos pag lumagpas sa 40~50 tate tsubo ng ang bahay mo ikinare takai na ang tax na babayaran mo. kaya kalimitan ng tate tsubo ng bahay dito sa japan ay nasa 35~40 tsubo para maiwasan ang pagbabayad ng malaking tax.
sa pagpapatayo nga pala ng bahay ay nasa range ng 5seng mang yen. lupa at bahay na yun. mahal kase ang lupa...kumporme pa sa location mo yun. daitai ang lupa ay nasa 3 seng man yen den ang bahay ay nasa 2 seng man yen naman. at kung magpapatayo ka na ng bahay kailangan mo maghanda at least 150 lapad para sa gastos ng mga papeles na dapat ayusin at saisho no koji ng lupa.
pero yung monthly mong babayaran eh hindi nagkakalayo sa pag rent ng mansion o apartment, yun nga lang sa rent wala ng bonus barai, hinde gaya ng pagbumili ka ng bahay syempre may bonus barai na para agad matapos yung loan ng bahay. daitai 35 nen ang max ng pagbabayad ng loan ng bahay.
so kung ako sayo tignan mo yung budget mo , kung matatag naman ang trabaho mo or ng mister mo at may sapat na kayong ipon sa mga darating na gastusin... siguro mas advice ko sayo ang pagbili ng bahay. iba narin yung may property ka at pwede mo naman itong maipamana sa anak mo rin sa darating na panahon. at nga pala mas magkakaroon ka ng privacy... sa kinjyo tsukiai, ganbatte kaya yan.
masabi ko na rin na malapit ng matapos yung pinapagawa namin bahay.. medyo swerte nga lang dahil bigay ng magulang lang ng asawa ko yung lupa (90 tsubo = 297 squaremeters) so bahay lang ang babayaran namin:D
sana ikaw rin makapag decide at makatulong sana ito... Home Sweet Home:D
ayumi
04-23-2006, 07:26 PM
hello katty0531,
akala ko tinatanong mo kung alin ang mas maganda kung titira sa house o sa yacht?
buti na lang hindi...huwag ka ng magdadalawang isip..maganda ang suggestion ni TR520 at MAI.at makisabay na rin ako sa tanong mo ha?
@TR520
@MAI..san,
may itatanong lang ako,may binebenta kaseng third floor office bldg. in 100 tsubo for 3,700 mang yen...kaya lang ang bldg. is mga about 17 years old na,balak sana naming gawing stockroom,office and staff room,kaso lang pag i-pa-renovate,pag tanggal pa lang ng mga aayusin aa-butin na daw ng 800mang yen,300 mang yen sa pag-ayos sa 1st flr.(kabe,denki,sahi g etc) 300 sa 2nd,1,300 sa 3rd flr.,kaya aabutin na totat 6,400 mang.kaso lang ang budget namin na uutangin sa banko is 5,000mang at ang deposit namin is 1,000mang from kaisha. kulang pa rin di ba? eh mga gamit pa sa loob?
kaya sabe ko,ano kaya kung gibain na lang ang tatemono,tapos tayo na lang ng 3,000 mang na third floor building,tapos tawaran namin ang lupa na 3,500mang (pumapayag naman)
kaso,magkano kaya abutin ang pag-giba? at tsaka maganda na kaya ang 3,000 mang na bldg.?
hindi kaya ang labas eh parang kahon lang ang porma?
kase,ganun din naman nagbabayad kami ng more or less 50mang na yachin every month?di naman mapupunta sa amin,at least pag nagtayo kami,malaki pa ang space(medyo me konting layo ng lang sa machi) yun nga lang magkakautang kami...
any suggestions please?
@ kattysan,connectado pa rin sa Question mo...ok lang ha?
katty0531
04-23-2006, 07:26 PM
Hello mai!....
Maraming maraming salamat sa reply mo....:D
Magastos din pala talaga sa umpisa ano...salamat at inisa isa mo pa talaga..marami akong natutunan sa post mo at naka realize ng maigi kung ano ang pipiliin. Sa ngayon wala talaga akong idea na ganyan kaya noong napag usapan namin ng asawa ko yan...nasabi ko sa sarili ko..oi! teka muna...(hehehehe)... thank you for sharing mai...ganbarimasu!:D
katty0531
04-23-2006, 07:29 PM
Ayumi chan... hehehe~~~~ no problem...ang galing nga eh..maraming tayong matutunan dito....okey lang ....salamat ha...iniisip ko pa pala talagang maigi ngayon kung saan ako...
Yong mga pinili kayang mag rental? hehehe ano kaya masasabi nila...want to hear from you guys....hehehehe share naman kayo dyan...
ayumi san~
3000 mang yen no biru tate muzukashii jyanai...:confused: kase ang histostu tsubo ng tatemono ay nasa range na ng daitai 50~ lapad... so mukhang mahihirapan tayo na magpatayo ng biru 3 kai tate sa halagang 3000mang yen.
tapos yung paggiba naman ng furoi na tatemono ang dinig ko lang eh mahal din daw~
palagay ko aabutin ng 5~7000seng man yen kung biru ang papatayo mo(3kai tate). laking halaga din ano~!? hay~ nakaka kalbo ng pitaka ang pagpapatayo rin ng malaking property... pero kaya nyo yan ng hubby mo yan. tingin tingin parin kayo sa iba... isingit ko na rin na sana isama nyo sa pagpili ng bahay o biru ang matibay sa lindol! isa parin yun sa nakakamahal na gastos sa pagbili ng bahay... kung ang isa sa qualification nyo ay matibay sa lindol isusugest ko na ang kunin nyong gagawa ay ang HEBELU (hebel) HOUSE. kung medyo mura konti sa PanaHome... dito naman sa lugar ko yume ang TOYOTA HOME.
sana maka makatulong din ito sayo ayumi sa~n:)
Today, there are special groups or interests that stand to benefit materially from a community of homeowners. Their active advertising appears to support the impression that the homeowner can “have his cake and eat it too.”
Yes, homeownership has merits, but it would constitute grave folly to urge it on each and all — even though the means are available — unless the principles of homeownership can reasonably be applied. However, it is often urged that it is better to rent than to own.
From the aesthetic point of view, no doubt, homeownership is more desirable. The financial aspect may need to be looked at a little closer. It is sometimes said that homeownership cost more than renting, but actually one is probably no more expensive than the other.
Some people have neither socially nor economically “ripened” to undertake the duties and responsibilities that homeownership necessitates. To illustrate — a young man seeking employment opportunities should be free to move about wherever and whenever opportunity knocks and should not be tied by the retarding cares and bonds which homeownership demands.
Other, even older, individuals may find ties to a home most burdensome if the nature of their jobs necessitates possible moving about. Among these people are sales representatives, field workers of social and national agencies and others who seek a career in the military.
Further considerations should be given to the fact that tenancy not only has it rightful place in our economy, but as a rule, it is competitively priced, and thus, comparable in value per peso to similar home investment or expenditure.
The person who rents will find that his expenses include all the costs of maintenance of the property, such as taxes, interest on the mortgage and depreciation. He also pays, through his rent, such amounts as those that the landlord expects to spend for repairs and a fair return on the amount that had been invested on the property.
It is on these last two points that the financial variation may occur. The tenant cannot get all the repairs that he wants because the landlord, naturally, would not spend on such beyond the rent. It is also true that the landlord counts on a return of the money he invested at a rate higher than that which accrues in bank saving accounts.
Generally, though, such higher returns are more than offset by the efficiency of property management and economies due to large-scale purchase and maintenance operations.
The homeowner, on the other hand, will have exactly the same items to calculate in figuring what his home actually costs him.
But he can spend as much or as little on repairs as he wishes – without impairing his home investment – paying only for the items that he gets. And he can calculate, of course, the return on his investment at a rate he considers fair.
It is amazing how many homeowners fail to consider the “real” costs of operating a home.
Among the financial sacrifices to be counted as cost of homeownership should be, (a) income foregone on equity investment in the home; (2) interest on borrowed capital; (3) depreciation of home investment; (4) maintenance and repairs; (5) real estate taxes and assessments; (6) fire and other hazard insurance; and (7) utilities — such as water, garbage and sewerage disposal.
gemini_19
04-23-2006, 09:45 PM
Dkid may point ka sa mga tinuran mo, may advantages and disadvantages ang mga homeowners na katulad namin. Pero ganon pa man mas pipiliin ko pa ring mag pundar kaysa tatanda ako dito na walang nangyari sa buhay ko. Habang meron akong bayarin mas nagpupursige ako sa paghahanapbuhay, kaya maniwala ka at hindi kahit meron na akong sarili kong tirahan ay nag isip pa rin akong bumili ng isang kapirasong lote at pinatayuan ko naman ng isang maliit na paupahan, na para lang sa mga katulad nating estranghero sa bansang ito. (Kaysa umupa sila sa mga mahal na hotel, dito sila ay komportableng nakakapahinga na para silang nasa sariling bahay nila). Na kahit alam ko kung gaano ang magiging gastos ko sa pag me maintain nito. Ang mahalaga ay nakatulong ako.
Huwag mo naman sanang i discourage ang mga taong gusto ring makapagpundar sa bansang ito. Sabihin na nating maraming responsibilidad sa mga bayarin mula tubig, basura at kung anu-ano pa, pero eto ay responsibilidad din ng isang nangungupahan.
Ma pilipinas at ma japan ganon din naman di ba? Parehas lang kung isa kang homeowners o mangungupahan? Pero pipiliin pa ba natin ang habang buhay na tayo ay nangungupahan?
At least lahat tayo may pangarap, at sa pamamagitan ng pagpupundar ng isang matitirahan ay isang malaking achievement, lalo na sa bansang napakamahal ng bilihin.
Dkid may point ka sa mga tinuran mo, may advantages and disadvantages ang mga homeowners na katulad namin. Huwag mo naman sanang i discourage ang mga taong gusto ring makapagpundar sa bansang ito. Sabihin na nating maraming responsibilidad sa mga bayarin mula tubig, basura at kung anu-ano pa, pero eto ay responsibilidad din ng isang nangungupahan.
.
Hi gemini. magandang gabi.
Isa din po akong homeowner, at kasalukuyang nagbabayad pa ng amortization.
Yung post ko pala, di ko sadya na i discourage ang magbabalak maging homeowner, pinost ko yon para naman may ibang ideas din na maaring paghandaan natin. At tsaka po, ang thread po kasi, sabi pros and cons raw.
At maganda din yung point mo na makakatulong ka, hanga ako dun.
gemini_19
04-23-2006, 10:17 PM
Hi gemini. magandang gabi.
Isa din po akong homeowner, at kasalukuyang nagbabayad pa ng amortization.
Yung post ko pala, di ko sadya na i discourage ang magbabalak maging homeowner, pinost ko yon para naman may ibang ideas din na maaring paghandaan natin. At tsaka po, ang thread po kasi, sabi pros and cons raw.
At maganda din yung point mo na makakatulong ka, hanga ako dun.
hindi naman ako against sa mga sinabi mo, may point ka nga doon eh kaya lang sa sobrang dami baka naman ma discourage yong gustong mag try:) at least alam mo rin pala ang responsibilities na katulad nating nagbabayad ng amortization. at least ako dito sa tinitirhan ko meron na lang akong 19 months left to pay (in 25 years) at doon sa isa ay 5 years left na lang (in 15 years) napakabigat kung iisipin lalo pa at nag iisa lang akong nagsasacrifice magbayad pero ang katwiran ko pagbayad na ako makakaluwag na rin kahit papano. at yong mga araw na bata pa ako di nasayang dahil nakapag invest na ako.:D
katty0531
04-23-2006, 10:18 PM
@Dkid...thank you so much....ummm....ito ang hinahanap ko...pag may advantages meron talagang disadvantages...shog anai ne...kaya hindi pang madaliang desisyon ang ganitong mga bagay talaga...:D
@gemini_ 19
Maraming salamat sa pag share ...hanga din ako sa magandang layunin mo para sa mga kababayan natin...tama ka, ayaw ko ring tumanda dito na walang nangyayari sa buhay ko at habang nandito ako sana man lang may maipondar ako para sa magiging kinabukasan namin..
napakabilis ng panahon...di mo namamalayang 20 years na pala ang nag daan hehehe...:D
ayumi
04-23-2006, 10:21 PM
@Dkid san,
your opinion is yours,my opinion is mine...kanya kanyang opinion yan,kanya kanyang gusto
sa ganang akin.owning properties excite me so much,siguro kase iniisp ko pagtanda ko.me nakikita ako sa mga pinaghirapan ko,na kahit sa guniguni ay hindi ko akalain na mabibili ko.also pag nawala man ako mapapakinabangan ng pamilya ko kahit papano.kanya kanyang kaligayahan yan eh.sa business din,having competitors excite me so much.i like competition. i like to try things which is impossible for me to do.i dont know, kung abnormality ang tawag dito.
i started from ZERO,baka MINUS pa yata.i started biz from 200mang yen borrowed from the bank.payed for one year.made another biz and sold for 500mang then bought a property in PI,then borrowed 3,600mang from bank for mansion payed for 10 years.hiram,bayad,bi li,hiram,bayad,bili. ...masaya ako sa ganito..but siempre hindi madali,you have to really WORK hard,work harder,work the hardest as you can...because business and life itself has ups and downs,and thats what excite me...so this time...im going to 5,000mang up to ichioku...malaki pag tingnan mo,pero maliit lang to ....i-compare to some of my friends...kung sa gitna ng lifes journey ko,mawawala ito,okey lang nanggaling naman ako sa ZERO...the best part of it, is THE JOURNEY......and experiences na hindi na makukuha pa ulit sa akin....
...pasensya na ...nadala ako...nasobrahan ng pagka serious...
gemini_19
04-23-2006, 10:22 PM
@gemini_ 19
Maraming salamat sa pag share ...hanga din ako sa magandang layunin mo para sa mga kababayan natin...tama ka, ayaw ko ring tumanda dito na walang nangyayari sa buhay ko at habang nandito ako sana man lang may maipondar ako para sa magiging kinabukasan namin..
napakabilis ng panahon...di mo namamalayang 20 years na pala ang nag daan hehehe...:D
hehehe ganon ka na ba katagal dito?:D
at least sa katulad nating stranger may masasabi na tayo sa pagtanda natin.:)
katty0531
04-23-2006, 10:26 PM
hehehe ganon ka na ba katagal dito?:D
at least sa katulad nating stranger may masasabi na tayo sa pagtanda natin.:)
Hindi pa naman po...iniisip ko lang talaga na mabilis tumakbo ang araw at baka sa susunod kung isipin ang mga bagay na to 20 years na pala nagdaan wala na akong time hehehe~~~:D
pero napaka galing nyo naman po sa buhay....buti pa kayo patapos na...ako po wala pang nauumpisan...hihihi~ ~~mag uumpisa palang...:D
gemini_19
04-23-2006, 10:29 PM
Hindi pa naman po...iniisip ko lang talaga na mabilis tumakbo ang araw at baka sa susunod kung isipin ang mga bagay na to 20 years na pala nagdaan wala na akong time hehehe~~~:D
pero napaka galing nyo naman po sa buhay....buti pa kayo patapos na...ako po wala pang nauumpisan...hihihi~ ~~mag uumpisa palang...:D
darating ka rin diyan katty, kung meron kang goal meron kang achievement, pasasaan ba at baka mas malaking achievement pa ang magawa mo. una una lang kasi yan eh.:)
katty0531
04-23-2006, 10:36 PM
@Ayumi....parang nabibigyan naman ako ng lakas dito....salamat, malaking tulong to para saming mga magsisimula palang....
katty0531
04-23-2006, 10:38 PM
darating ka rin diyan katty, kung meron kang goal meron kang achievement, pasasaan ba at baka mas malaking achievement pa ang magawa mo. una una lang kasi yan eh.:)
Tama kayo...nakaka encourage talaga mabasa at malaman ang success ng mga nauna...hehehe~~~sal amat po uli...ganbarimasu!:D
nikkichibi
04-24-2006, 12:13 AM
hello katty0531,
akala ko tinatanong mo kung alin ang mas maganda kung titira sa house o sa yacht?
buti na lang hindi...huwag ka ng magdadalawang isip..maganda ang suggestion ni TR520 at MAI.at makisabay na rin ako sa tanong mo ha?
@TR520
@MAI..san,
may itatanong lang ako,may binebenta kaseng third floor office bldg. in 100 tsubo for 3,700 mang yen...kaya lang ang bldg. is mga about 17 years old na,balak sana naming gawing stockroom,office and staff room,kaso lang pag i-pa-renovate,pag tanggal pa lang ng mga aayusin aa-butin na daw ng 800mang yen,300 mang yen sa pag-ayos sa 1st flr.(kabe,denki,sahi g etc) 300 sa 2nd,1,300 sa 3rd flr.,kaya aabutin na totat 6,400 mang.kaso lang ang budget namin na uutangin sa banko is 5,000mang at ang deposit namin is 1,000mang from kaisha. kulang pa rin di ba? eh mga gamit pa sa loob?
kaya sabe ko,ano kaya kung gibain na lang ang tatemono,tapos tayo na lang ng 3,000 mang na third floor building,tapos tawaran namin ang lupa na 3,500mang (pumapayag naman)
kaso,magkano kaya abutin ang pag-giba? at tsaka maganda na kaya ang 3,000 mang na bldg.?
hindi kaya ang labas eh parang kahon lang ang porma?
kase,ganun din naman nagbabayad kami ng more or less 50mang na yachin every month?di naman mapupunta sa amin,at least pag nagtayo kami,malaki pa ang space(medyo me konting layo ng lang sa machi) yun nga lang magkakautang kami...
any suggestions please?
@ kattysan,connectado pa rin sa Question mo...ok lang ha?
ayumi san about doon sa pag giba ng tatemono , ng pagiba din kami ng lumang bahay ng asawa ko , umabot ng 100mang yen ang binayaran namin lahat lahat maliit lang syang bahay pero sobra mahal ang pg giba , yung bldg ay baka mas mahal pa ang babayaran pg pinagiba mo.
gemini_19
04-24-2006, 12:22 AM
tapos tawaran namin ang lupa na 3,500mang (pumapayag naman)
kaso,magkano kaya abutin ang pag-giba?
@ayumi san alam mo kaya binigyan kayo ng 200万 na discount yon ay para sa pagpapagiba ninyo ng tatemono. baka nga mas malaki pa ang gagastusin mo riyan kaysa doon sa nakuha mong discount.
TR250
04-24-2006, 12:56 AM
@ayumi san alam mo kaya binigyan kayo ng 200万 na discount yon ay para sa pagpapagiba ninyo ng tatemono. baka nga mas malaki pa ang gagastusin mo riyan kaysa doon sa nakuha mong discount.
Di ako pro pag dating sa pag-gawa ng bahay pero 3 beses na rin akong tumulong (bayanihan) sa 3 kong katropa na sila ang gumagawa ng sarili nilang tirahan. Yung dalawa ay sila ang gumiba ng bahay niya at sila rin ang nagtayo ng panibago. Hindi rin sila pro pero talagang parang syumi o hobby lang kayat di lang sa nakakatipid sila ng husto ay happy pa sila dahil sila ang gumawa ng kanilang tirahan. Dahil nga madali sa trabaho namin ang kumuha ng mga sasakyan ay bumili ng sariling power shovel, dump trucks, crane trucks ang mga seniors ko at pagkatapos gamitin ay naibenta pa ng may tubo. Ako rin ay pag swinerte at naka tyamba ng murang power shovel ay siguradong kukuha rin ako para kung sakali mang kailangan kong gibain yung bahay namin.
Dahil marami ngang babae dito ay bagamat mahirap at talagang excersise ng todo ay maaari ring tumulong sa pag-gawa ng bahay o paggiba kung OK lang sa inyo ang medyo mapawisan at maging doro-doro sa alikabok. Very fulfilling ang pakiramdam na makita mo ang sarili mong handmade. Di naman lahat ay kailangan kayo ang gumawa. Konting patulong-tulong lang ay talagang malaking bagay ang nagagawa lalu na't pag kapos sa cash.
Ala naman sigurong tamad dito sa atin at takot mapawisan :D
gemini_19
04-24-2006, 01:09 AM
Dahil marami ngang babae dito ay bagamat mahirap at talagang excersise ng todo ay maaari ring tumulong sa pag-gawa ng bahay o paggiba kung OK lang sa inyo ang medyo mapawisan at maging doro-doro sa alikabok. Very fulfilling ang pakiramdam na makita mo ang sarili mong handmade. Di naman lahat ay kailangan kayo ang gumawa. Konting patulong-tulong lang ay talagang malaking bagay ang nagagawa lalu na't pag kapos sa cash.
Ala naman sigurong tamad dito sa atin at takot mapawisan :D
maganda rin sigurong idea yan pareng TR250 pero para sa akin ipaubaya ko na lang siguro sa mga professional ng sa ganon mabigyan sila ng trabaho, at baka kung makisawsaw pa ako lalo lang sigurong malaki ang gagastusin ko, dahil pag ako siguro ang gumawa lalong masisira:D, instead na nakatipid ako:). Siguro sa ibang paraan baka may mai contribute pa.
ayumi
04-24-2006, 01:41 AM
@ayumi san alam mo kaya binigyan kayo ng 200万 na discount yon ay para sa pagpapagiba ninyo ng tatemono. baka nga mas malaki pa ang gagastusin mo riyan kaysa doon sa nakuha mong discount.
siguro nga,tantya ko nga aabot ng 500mang,ewan ko lang.mataas yung ceiling nya.dating pagawaan o office ng golf goods?sabi sa MISAWA homes,pag di nila maibenta this year,ipagigiba nila at tatayuan ng dalawang bahay then ibebenta daw.doon daw sila makakatubo...
ayumi
04-24-2006, 01:48 AM
ayumi san about doon sa pag giba ng tatemono , ng pagiba din kami ng lumang bahay ng asawa ko , umabot ng 100mang yen ang binayaran namin lahat lahat maliit lang syang bahay pero sobra mahal ang pg giba , yung bldg ay baka mas mahal pa ang babayaran pg pinagiba mo.
ilang tsubo yung lupa? ikkenya na bahay ba yun?ang mahal pala? ilang buwan aabutin?
joamie_tera
04-24-2006, 08:24 AM
Hello, para sa akin mas pabor ako sa housebuying or homeowning kesa sa renting. Kabibili lang namin ng house last year. 18 years na akong kasal dito sa Japan yung 1st 3 yrs ko ay nag re rent lang kami ng apartment which we pay 7lapad monthly, after that napag usapan namin ng inlaws ko na kung pagsasamahin namin ang yachin namin pwedeng pang bayad sa monthly loans kung bibili kami ng bahay. So ganun na nga ang nangyari, after that pinalad naman kami na makapag sarili ng sariling kompanya ang aking mr. na dati ay isa lang simpleng trabahador sa construction, after 5 yrs na pagsasama namin ng byenan ko nagkaroon kami ng chance na bumukod dahil sa nagkaroon kami ng sariling business kahit na tinutulungan namin ang inlaws ko sa pagbabayad ng loans ng bahay nakuha naming mag rent ulit ng mansion dahil nagkaroon na rin kami ng 2 anak, 7 yrs kaming nangungupahan sa mansion na ng aming kwinenta halos 1/4 ng presyo ng nabili naming house and lot ngayon ang naibayad namin sa upa na bubunuin naman namin ngayon ng ilampung taon na hulugan. Pero sa ngayon naghuhulog man kami ng loans na para ka rin lang naghuhulog ng upa pero magiging sayo naman ang bahay at free ka pa kahit ano ang gawin mo sa bahay mo di ba?:p
ichimar
04-24-2006, 11:30 AM
Hi
@Alex
Pasensya na ha...yong yatching pala ang ibig kong sabihin ay "rental", hehehehe...ang labo ano...
@TR250
Maraming salamat sa pag share mo ha...malaking tulong sa tulad kong nagiisip pa talaga...:D
yong tax ba na binabayan taon taon ba yon?..malaki ba talaga o depende sa bahay?
Hope to hear more from others especially yong mga nagbabayd pa ng loan hanggang ngayon sa bahay nila...:D ano yong mga masasabi nyong maganda at hindi maganda katulad noong na re rent palang kayo?hello kathy,3 yrs.na ako dito sa japan,medyo tumatanda na si lolo[habi],kaya naisipan naming magpatayo ng bahay,last 2 yrs.nangupahan kami,8man,isang buwan up and down,maganda kung sa maganda,pero malaki ang upa............hangg ang naka pag isip din kami na sayang ang upa,kumpara kung magtayo ka ng sarili..........kaya last year,december,nayari ang aming bahay,mahal na kung sa mahal,pero mas masarap ang pakiramdam.......sob rang nag gambatte kami,4 months inabot ang pagpapatayo ng bahay,after that,maraming proseso ang pagdadaanan......... .....isang mahirap din ang pag lilipat,pero nakayanan ko lahat ng ito,ang importante sarili na namin ang bahay.......as for the tax,may nagpuntang taga city hall dito,at tinignan ang bahay namin,sabi nila,pag first time daw na magbabayad kami,13man,pero after 3yrs,7mang na lang daw,hindi ko alam kung pareho din nung sa iba.......kaya gambatte lang,makakaya mo din yan....isa pa,piliin mo din yung magandang house maker,kasi kahit mahal,sigurado ka na di kalidad naman ang lahat,at least di nasayang ang perang pinagpagawa mo.....sana makatulong....
gemini_19
04-24-2006, 11:47 AM
may dagdag lang akong pointers para sa mag uumpisa pa lang magpatayo;
kahit medyo mahal ng konti sa karpentero mas piliin nyo na siguro eto kasi mas makakasiguro ka sa kanila kaysa mga home developer, sa home developer kasi mas iniisip nila ang kikitain kesa kaligtasan ng nagpapatayo o nagpapagawa ng bahay. oo nga at maganda ang porma o panlabas na anyo kung sa home developer kayo magpagawa, pero tinatago naman nila ang kahinaan(karupukan) ng isang tatemono. eto po ay pananaw ko lang dahil ang bahay namin ay gawa ng isang karpentero, mahigit na po siyang 23 years pero wala pa rin akong makita na problema sa bahay ko, medyo mahal nga lang ang pagpapagawa pero sulit naman ika nga.
sa kapitbahay ko nangyari isang taon lang pinatayo ay pinagiba na uli kasi tagilid kaagad ang bahay niya. dahil gawa po ng isang developer. sa sobrang bigat ng itaas nila tumagilid kaagad, kaya panibagong pagawa na naman siya, sabihin na nating inako ng developer kaya lang yong effort mo ng paglilipat medyo mendokusai.
pointblank
04-24-2006, 05:57 PM
Hello people,
Sorry at ngayon ko lang nakita ang thread na ito, kaya baka madoble ko ang nasabi na ng ibang tao...
@Dkid
Yung article na nai-post mo, mukhang galing ng Pinas. The conditions for owning real estate property in the Philippines is very different from Japan - considering stability of the economy & politics, financing & interest rates, quality of building construction, as well as the professionalism of the developers. All one has to do is to visit a model room of a new "mashon" project in Japan to see how far behind Philippine developers are. Kahit na ang Ayala Land, walang binatbat. (Of course, there are exceptions like Huser - but we are talking of reputable companies like Mitsui Fudosan, or even second tier developers like Morimoto or Brillia. Ang mga ahente kasi sa atin, parang mga salesman lang ng encyclopedia, iba lang ang merchandise. Dito, the developers really know what they are doing.)
@everyone else
May mga relevant points doon sa article about whether you are ready to buy a house or not at this stage in your life. Buying a house will tie you down to a location - do you need mobility? What are your future plans? Are you in Japan long term? These are considerations that only you can judge for yourself.
However, if the question is one that merely weighs the financial merits of buying a house or renting (by the way, ang tamang romaji ay "yachin"), then my "professional" advice would be to BUY in the coming one or two years.
Reason 1: land prices are starting to go up in central Tokyo. The rest of the major cities will follow, unless you live in a provincial area where demand is still depessed. Prices can be expected to be higher two years from now.
Reason 2: there seems to be less condominium projects coming on stream. You will have fewer choices as a result. Also, the better locations are being taken up quickly.
Reason 3: interest rates have started to go up. At the moment, a 30 or 35 year quasi-government loan (like Flat 35) is about 2.8 - 3.5% per annum fixed, and the commercial banks are offering about 2.5% on 20 year loans. You can expect these rates to go up significantly within 2 years. For reference, the home loan interest in New York is 6.5%, while in RP, it is above 10%. Which is why the cost of owning a property in Tokyo is lower than in Manila computed as a percentage of the property's value.
Reason 4: If you buy & move in to a new house/condo this year, there is currently a tax refund of about 1% of the remaining amount of your loan for the next 7 years, then 0.5% for the next 3 years after that. This effectively reduces your loan interest by 1 % (0.5%). This tax break will be phased out in about 2 or 3 years.
Reason 5: There is a special tax break for the 23 wards of Tokyo. You do not have to pay real estate taxes on the building component of your property (you only pay for the land tax) for the first 3 years, then 50% for year 4 & 5. (In Yokohama, it think it is 50% for the first 5 years.) Again, special bargain period lang po ito, and it will eventually be phased out - so buy soon.
Reason 6: You will eventually own the property after the loan. With a loan, walang matitira sa 'yo, pinayaman mo lang ang landlord mo. With the current interest rates, you can almost always cover the monthly amortization with the rent you are now paying. Ask the bank or the real estate agent to run an amortization profile based on the amount you want to loan - you can then adjust the loan duration & amount to get the amortization you can comfortably pay.
My other advice is: when you apply for a loan, try to lock in the interest rates for the entire duration of the loan - kotei kinri, in short. Do not go for the fluctuating type (hendo gata) even if the interest rates seem lower at first, since you will be squeezed later when the rates start going up - as they surely will. If by some freak chance the interest rates go down, you can always refinance.
Also, almost no commercial bank (or government institution) in Japan will give you a loan if you are not a permanent resident visa holder.
As for advice on how to buy the best property suitable to your needs, or how to find good property that will not depreciate in price, I am open for pofessional consultation...:D
katty0531
04-24-2006, 06:04 PM
@joamie_tera and ichimar..
Maraming salamat sa post nyo...magkakapareho nga talaga tayo ng iniisip..sayang ang bayad sa renta hindi naman mapapasa iyo talaga ...kung mag ganbatte makakaya din naman lahat kahit malaki ang loan mahabang panahon rin naman ang binibigay nila at habang bata pa mas mainam umpisahan na....:D naka ikot nga pala kami kanina don show room noong bahay, na nagustuhan namin (hindi pa po gawa)...ang ganda at iba ang pakiramdam talaga...hehehehe... :D na tyempohan nga naming pumunta ngayon na Monday at hindi weekends...wala masyadong tao kaya kinausap kami ng masinsinan don at maganda naman yong naging pag uusap namin...
Kore kara maraming bagay ang aasikasuhin at paghahandaan pero alam kong simula palang to...at magkasama naman kami ng asawa kong nagdesisyon nito kaya dalawa rin kaming magsisikap para dito...
Dito nga pala sa tinitirhan namin ngayon 74000 plus garage 10000..bale 84000 lahat...sa totoo lang nakaka ten years na ang byenan ko dito sa kakaupa bago pa ako dumating dito,ngayon alagain na masyado yong byenan ko at sa gabi minsan hindi sya nakakatulog at gumagawa ng ingay kung minsan, kaya sobrang nahihiya na kami sa kakaisip na baka naiingayan na rin yong katabi namin..kaya medyo kailangan na talagang gumawa ng paraan kore kara saki no koto toka...Very satisfied po ako sa lahat ng nag post maraming salamat sa inyong lahat..at yong mga gusto pang mag share at may ibang opinion tungkol dito feel free to express yours dito po...thank you.:)
@ gemini_19
Salamat sa paalala..kanina nga yon ang una kung tanong don sa fudosan, sabi ko..jishin kitara tsuyoi ie nan desu ka?...nagpaliwanag din naman sya at every ten years yata may check talaga kung ano ang lagay noong bahay, syempre iba pa yong bayad din non...grabe nga eh..malaki talaga ang halaga lahat lahat na...pero shoganai andito kasi tayo sa Japan.:D
pointblank
04-24-2006, 06:05 PM
sa kapitbahay ko nangyari isang taon lang pinatayo ay pinagiba na uli kasi tagilid kaagad ang bahay niya. dahil gawa po ng isang developer. sa sobrang bigat ng itaas nila tumagilid kaagad, kaya panibagong pagawa na naman siya, sabihin na nating inako ng developer kaya lang yong effort mo ng paglilipat medyo mendokusai.
Ang problema diyan sa tingin ko, kailangan pumili ng matinong developer. Marami kasing "developer kuno" na magpapangako ng murang bahay. You get what you pay for, ika nga nila...
If you go to a top level home builder, there should be no problems. The newer homes are in fact equipped with state of the art anti-earthquake technology. Overkill nga minsan, dahil yung 2 story na residence, ginagamitan nila ng earthquake dampers na usually ay pang-high rise lamang!!
katty0531
04-24-2006, 06:32 PM
Thank you so much pointblank...
Ang location pala namin dito ay medyo nasa Inaka na kami 25 mins. JR na galing sa Tennoji...medyo mabundok na...kaya siguro kung i compare sa mga nasa City talaga mismo malaking halaga ang kaibahan.
Tama lahat ng sinabi mo at yong iba narinig ko kanina sa pag uusap namin kasama nang Fudosan.
ichimar
04-25-2006, 08:48 AM
Ang problema diyan sa tingin ko, kailangan pumili ng matinong developer. Marami kasing "developer kuno" na magpapangako ng murang bahay. You get what you pay for, ika nga nila...
If you go to a top level home builder, there should be no problems. The newer homes are in fact equipped with state of the art anti-earthquake technology. Overkill nga minsan, dahil yung 2 story na residence, ginagamitan nila ng earthquake dampers na usually ay pang-high rise lamang!!tama po kayo dyan ms.poinblank,depende sa developer yan,kung maganda o pangit,di naman lahat ng developer di magandang gumawa........i base ko na lang po itong bahay namin,before talaga,dami naming pinagpipilian,syempr e katuwiran ng asawa ko bahay ang ipaaptayo at bibilhin namin,oras na magkamali kami,di na namin kayang ibalik muli sa umpisa.............k aya mendoksai man para sa amin,pumili talaga kami ng maganda at maayos na gagawa ng bahay namin,satisfied naman kami,kasi,lmaganda ang kinalabasan,gumastos man kami ng malaki,maganda naman ang naging resulta,lahat ng gusto namin nasunod,at sa tingin ko nakakuha talaga kami ng magandang developer.....:)
ichimar
04-25-2006, 08:53 AM
Thank you so much pointblank...
Ang location pala namin dito ay medyo nasa Inaka na kami 25 mins. JR na galing sa Tennoji...medyo mabundok na...kaya siguro kung i compare sa mga nasa City talaga mismo malaking halaga ang kaibahan.
Tama lahat ng sinabi mo at yong iba narinig ko kanina sa pag uusap namin kasama nang Fudosan.hello kathy,kami din talagang inaka na,1 hour bago makapunta sa osaka,1 hour papuntang kobe,sa rate ng lupa,medyo mahal talaga sa city kaysa sa inaka,pero pagdating sa paggawa ng bahay,depente sa gusto mo,kung gusto mo ng maraming option,dagdag bayad yan,pero kung gusto mo na wala ng option,basta maganda ang yari,makakamura ka......talagang dapat pag isipan at paghandaang mabuti ang pagpapatayo ng bahay,di masasayang ang effort mo,kung maganda ang kakalabasan:)
katty0531
04-25-2006, 10:27 AM
hello kathy,kami din talagang inaka na,1 hour bago makapunta sa osaka,1 hour papuntang kobe,sa rate ng lupa,medyo mahal talaga sa city kaysa sa inaka,pero pagdating sa paggawa ng bahay,depente sa gusto mo,kung gusto mo ng maraming option,dagdag bayad yan,pero kung gusto mo na wala ng option,basta maganda ang yari,makakamura ka......talagang dapat pag isipan at paghandaang mabuti ang pagpapatayo ng bahay,di masasayang ang effort mo,kung maganda ang kakalabasan:)
Ohayou ichimar.....oo..ang sakin lang talaga basta matibay pagka gawa, maayos naman naming titirhan kahit napaka simple lang okey na okey na yon ...tama ka, dagdag bayad nga ang mga options:D ...malayo nga sa lahat eh (densha sta. super market,etc.) ang malapit lang hospital..hehehe..ba liktad na dito sa tinirhan namin ngayon...di pa naman ako marunong pang mag drive:) , pero basta ginusto wala naman sigurong pag sisisihan...:D
pointblank
04-26-2006, 04:22 PM
Isa pa palang advice sa mga magpapatayo ng individual free-standing homes (single detached house).
Maganda tignan yung roof tiles, at nakaka-insulate din laban sa lamig at init. Ang problema lang ay mabigat ito, so kailangan niyong i-sigurado na kaya dalhin ng katawan ng bahay yung bubong.
Since karamihan ng mga bahay sa Japan ay kahoy ang mga poste at pader, may tendency na maging top heavy ang bahay pag roof tiles ang ginamit - in short, mas marupok siya laban sa earthquake.
katty0531
04-26-2006, 05:18 PM
Isa pa palang advice sa mga magpapatayo ng individual free-standing homes (single detached house).
Maganda tignan yung roof tiles, at nakaka-insulate din laban sa lamig at init. Ang problema lang ay mabigat ito, so kailangan niyong i-sigurado na kaya dalhin ng katawan ng bahay yung bubong.
Since karamihan ng mga bahay sa Japan ay kahoy ang mga poste at pader, may tendency na maging top heavy ang bahay pag roof tiles ang ginamit - in short, mas marupok siya laban sa earthquake.
Tama, lalo na sa lugar na maraming snow importante nga yong bobong kailangan medyo magaan lang...dito naman sa bandang amin hindi naman ma snow.
Ang galing mo talaga pointblank bumilib ako sayo ha...kasi kaninang umaga sa t.v. napanood ko "Ima saiko no my home kau (t)doki" ang title noong palabas....tama ka nga.:)
ayumi
05-06-2006, 01:14 AM
@pointblank,
HI! hajimemashite...can you please give me a sample computation?
kunyari ganito: uutang ako sa kokuomin kinyukoko o ginko ng 7,000 mang yen payable within 20 years without bonus pay.magkano ang interest rate?is it fixed interest?(japan side tayo)
yoroshiku....
angelitosh
05-06-2006, 12:10 PM
I have been asking this question myself for some time now if it is better to buy a house or continue renting a place. Rental of apartments here in Japan is really high.
But to think of buying a house and the loan you have to take and pay for many years, seem to be a heavy burden as well. If you buy a new house and for sure after some years, repairs will be needed to maintain the house. I have no idea of the range of amount involve, but isn't this expensive as well? And while you are just thinking of meeting up to pay for the loan you took for the house, hence, here you are face with another financial burden of paying for those repairs, annual tax, insurances (in case of fire, etc), etc. I am not a house owner so I really don't have any idea of the amount involve to pay for repairs and beautification of a house...... Well, these are just my thoughts....
joamie_tera
05-06-2006, 01:54 PM
Kakukuha lang namin ng loan last year sa ginko, worth 5900 man 35 yrs to pay without bonus payment ang hulog namin monthly ay 19 man monthly. depende sa salary ng asawa mo ang makukuha nyong loan kung ikaw din ay may salary at nagbabayad ka ng tax pwedeng lumaki ang loan na maibibigay sa inyo.
ayumi
05-06-2006, 04:30 PM
@joamie tera,
anu yun,derederetcho na payment ang 19mang everymonth for 35 years? kung ganun ang tubo nya,sobrang lake ?about 35% ? nakapag-utang na rin kami sa banko pero ang alam ko ang interest rate ay 1% or 1.3% ang interest?
kase,if you'll gonna pay 19mang for 35 years:
190,000 x 12(months)=2,280,000 YEN X 35(YEARS) =79,800,000 MANG YEN?
eh, ang inutang nyo kamo is 59,000,000 mang yen?
ganun ba yon?
katty0531
05-06-2006, 06:15 PM
@ayumi...
Sa palagay ko ang interest ng banko na 1% something..., is the yearly interest of the amount you loan from them, x35 years so yon nga ang kalalabasan nyan, sa 5900 man yen magiging 79,800,000 sya....bale 35% in 35 years....
ayumi
05-06-2006, 09:20 PM
@katty san,
so fixed interest rate na 1%..kaya lumalaki ang tubo dahil sa haba ng years?
am I right?
katty0531
05-06-2006, 10:10 PM
@katty san,
so fixed interest rate na 1%..kaya lumalaki ang tubo dahil sa haba ng years?
am I right?
Ummm...kasi palagay ko depende kung anong klaseng loan eh...kasi ang alam ko ang loan ng bahay ang pinaka mababa ang interest yearly, kasi dahil sa haba ng panahong babayaran..
but I'm sure that if you can pay it within one year it is not only 1%...
ayumi
05-06-2006, 10:28 PM
so, sa question ko na 7,000mang yen na utang payable for 20 years,the computation will be like this? correct me if I'm wrong please:
70,000,000 yen x 1%= 700,000 yen x 20(years)= 14,000,000(total interest for 20 years)
84,000,000 (total 20 years payable loan) divided by 240 months= 350,000 yen
kaya, I will be paying 350,000 yen everymonth for 20 years for 70,000,000 yen loan.
katty0531
05-06-2006, 10:58 PM
so, sa question ko na 7,000mang yen na utang payable for 20 years,the computation will be like this? correct me if I'm wrong please:
70,000,000 yen x 1%= 700,000 yen x 20(years)= 14,000,000(total interest for 20 years)
84,000,000 (total 20 years payable loan) divided by 240 months= 350,000 yen
kaya, I will be paying 350,000 yen everymonth for 20 years for 70,000,000 yen loan.
That is IF the bank will give 1% interest rate ha......depende kasi kung anong klaseng loan...loan ng bahay loan for business etc....pero pag loan ng bahay kahit saang banko wala pang 2% talaga...
Yes I think tama yong computation mo...
joamie_tera
05-07-2006, 10:26 AM
ang totoong monthly loan namin ay 185555yen monthly at ang nakalagay sa pinirmahan namin ay 1.600% ang tubo na after 10 yrs yata ay pwede pang bumaba.
ayumi
05-13-2006, 06:35 PM
@joamie tera,
ang laki ng interest rate?....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.