View Full Version : internet cafe sa pilipinas...
lab_u_babes
04-23-2006, 04:37 PM
good day to all TF members.
Tanong ko lang po sana kung mahirap ba mag tayo ng Internet cafe sa Pilipinas(manila)?
Nag babalak po kasi ako..sa banda Recto,manila.
Hindi ko lang po alam kung anong mga uso or kailangan softwares na madalas gamitin ng mga users nating kababayan dun.
Maraming beses na at sa iba't iba lugar sa manila na-experience ko mag rent...
but usually for e-mail check and surf lang ang ginawa ko.
Ano kaya maganda Unit ang kailangan ihanda ko?
Unit for game or pang Internet only?
Kailangan ba latest lahat?
Assemble ba or pede kaya made by maker lahat?
Or hindi kaya mas reasonable kung laptop?
At un mga rental unit satin may timer sila dba?
Ano ba yun,software lang or kailangan ipa-program pa muna.
Saan kaya ako makakakuha ng ganun?
Mahirap kaya ang maintenance?
Pasencya na po, sunod-sunod ang mga tanong ko.
I'm just really willing about this.
Hintayin ko po ang mga advices nyo.
Thanks in advance!
sweetiebabe76
04-23-2006, 04:49 PM
Ako meron akong internet cafe sa Bisaya mga 2 yrs. na.Kailangan mo ng latest na unit mura lang pagmarami ang bibilhin mo lalo na pag-icash mo.Kailangan mo ng games rin.Doon ka mabigatan sa licensed software lalo na sa windows mahal pero sa games mura lang ang software.
sweetiebabe76
04-23-2006, 04:56 PM
Desktop lang ang gamitin mo masyado naman mahal paglaptop.Mag-canvass ka sa Villman Computer,PCX computers,Dreamchum computers at Bodega Computer Shop.Huwag kang magrent ng malaking pwesto hindi naman kailangan malaki ang pwesto basta harapan ang style ng pag-arrange ng pc mo.
lab_u_babes
04-23-2006, 05:04 PM
Salamat po.."sweetiebabe76" san
hindi kaya mahirap ang maintenance?
balak ko kasi dito manggaling sa tokyo ang mga unit.
dahil may makukuhanan ako ng mura.
Yun sinasabi mong license for software (windows.microsoft,e tc.) meron ako dito as in akin.
Pede kaya yun na lang?
May timer din ba un mga units mo?
Pano mo napapagana w/timer?
Nabibili rin ba un or w/ license din ba?
Pasencya na ah...
Thanks
vectra1123
04-23-2006, 06:43 PM
Uy talagang tuloy -tuloy na ang pag-arangkada natin a! Any way wala ako sa line ng ng IT pero may konti rin akong idea tungkol dyan!Unang una kailangan mo ng tao na syang magpapatakbo sa binabalak mong business,yung may alam sa trouble shooting ,hardware at software man,yun ang importante sa lahat,kumbaga magkatrouble man kaya nyang remedyuhan! Yung mapagkakatiwalaan!Sa unit hindi naman kailangan bago lahat,wag lang naman sobrang luma,alam ko dyan naka network ang set-up nyan ,para sa server isang unit na mataas ang spec.yun ang kailangan mong gastusan!pero hindi naman kalakihan! at para naman sa mga kostumer kung pang internet lang p3 siguro pwede na ! web cam ,microphone at kung ano anong accessories ,basta pag natuloy ang balak mong negosyo kahit taga walis lang ng shop kunin ,mo ako ha?
sweetiebabe76
04-23-2006, 07:35 PM
Hindi na kailangan ng p3 masyado ng mahal yan ang gamitin lang intel celeron 2.4,.Yung sa software isang unit isang licensed windows software.Mahal pa rin kung dito manggaling ang unit.dito ka bumili ng webcam kasi maykasama ng microphone yon at maliwanag rin ang webcam dito.Hindi naman palaging masisira ang pc basta di lang magdownload ng kung ano-ano yung customer kasi madaling mavirusan.Yung sa timer sa programs yon kung maghire ka ng programmer para programan mo ng timer pero mahal hingi nila.
linusoft
04-23-2006, 08:04 PM
i have a post about starting an internet shop and online gaming, maybe it can help
http://entrepinoys.blogspot .com/2006/04/internet-cafe-shop-and-online-gaming.html
pooh_chan
04-23-2006, 08:13 PM
Hello po, makikisingit na rin po ako dito,
kapag po first tym sa ganitong klaseng bisnes, magkano po kaya kakailanganing puhunan para po makapagpatayo ng ganitong internet cafe:type: , para lang po sa mga first timer ha at wala pang gamit... sana po matulungan nyo ako....yorushiku onengaishimasu...:bo wdown: :bowdown:
sweetiebabe76
04-23-2006, 08:47 PM
Pooh chan mga 250T siguro sa ngayon kasi nagmurahan na ang pc .Yung sa akin kasi utang yung una kong units kaya mahal.Mapamahal ka kasi sa licensed software.
pooh_chan
04-23-2006, 08:59 PM
Pooh chan mga 250T siguro sa ngayon kasi nagmurahan na ang pc .Yung sa akin kasi utang yung una kong units kaya mahal.Mapamahal ka kasi sa licensed software.
salamat po sweetiebabe, atleast may idea na po ako sa ngayun... may dagdag po ako sa tanong ko ha, sana ok lang po, magkano po ba ang isang unit ng desktop, kapag po complete set na sya? wala po kasi akong alam sa desktop eh...thank you po ulit...:)
sweetiebabe76
04-23-2006, 09:18 PM
Pooh chan iclick mo yung bigay na website ni Linusoft andoon yung presyo at mga tindahan pwede mong canvassan ng computer kung taga Maynila ka.Nagmurahan na mga computer ngayon.
lab_u_babes
04-23-2006, 09:31 PM
Uy talagang tuloy -tuloy na ang pag-arangkada natin a! Any way wala ako sa line ng ng IT pero may konti rin akong idea tungkol dyan!Unang una kailangan mo ng tao na syang magpapatakbo sa binabalak mong business,yung may alam sa trouble shooting ,hardware at software man,yun ang importante sa lahat,kumbaga magkatrouble man kaya nyang remedyuhan! Yung mapagkakatiwalaan!Sa unit hindi naman kailangan bago lahat,wag lang naman sobrang luma,alam ko dyan naka network ang set-up nyan ,para sa server isang unit na mataas ang spec.yun ang kailangan mong gastusan!pero hindi naman kalakihan! at para naman sa mga kostumer kung pang internet lang p3 siguro pwede na ! web cam ,microphone at kung ano anong accessories ,basta pag natuloy ang balak mong negosyo kahit taga walis lang ng shop kunin ,mo ako ha?
kasi andito ako sa tokyo kaya talagang pinag iisipan ko pang mabuti esp. tunkol sa magiging tauhan nga.
parang ang hirap..pero talagang willing po ako.
Yun din daw kasi ang stable bussiness kung mag o-open ka daw satin(manila) ngayon.
At syempre gusto ko rin naman kasi makaranas.....
Oh sige 2 tayo taga walis dun pag naka pag open na ako..ehehehehe:D
thnaks...yoroshiku onegaishimas...
lab_u_babes
04-23-2006, 09:33 PM
i have a post about starting an internet shop and online gaming, maybe it can help
http://entrepinoys.blogspot .com/2006/04/internet-cafe-shop-and-online-gaming.html
:( kailangan ko talagang pag isipan mabuti noh?!
pero noon ko pa kasi talaga balak;)
maraming salamat po sa informations.
sa uulitin po...:)
sam_227
04-23-2006, 09:45 PM
Good evening advise ko lang sayo ikaw ang lahat mag arrange.Malaki budget ang kakailanganin mo at least pag ikaw hindi ka mangangamba.Base sa experience ko last year nag open din ako ng I CAFE wala din ako alam kasi.Nagtiwala ako sa friend ko ne refer nya ako sa friend nya cash pa yon pag bili ko 10units akala ko ok ng lahat yon pala tinubuan pa ako ng friend ko hindi pa kumpleto nun dinala sa akin.Mas ok rin na sa pinas ka rin bumili masira man madali agad magagawa,ganyan din ako dati dapat dito rin ako bibili.mahirap kasi ibabagahe mo pa diba?baka ma pa mahal ka pa.I program pa yon mga units.hwag na rin laptop bilin mo takaw pansin lang yon sa mga dorobo.Sa lugar mas ok kung matao at medyo maganda yon location.Isa pa Aircon kailangan mo din yon minsan kasi maselan din ang customer ayaw ng mainit ako dalawa na naiinitan pa sila.At kailangan din yon door ng shop mo ay doble ang lock mas ok kung may magbabantay para di abunai.Sa lugar namin sa bulacan uso narin yon nakawan ng PC lalo sa recto marami dun,kahit saan nman ngayon abunai na kaya doble pag-iingat lang.hope kahit papano makatulong sayo.gambatte ne.
lab_u_babes
04-23-2006, 09:53 PM
Hindi na kailangan ng p3 masyado ng mahal yan ang gamitin lang intel celeron 2.4,.Yung sa software isang unit isang licensed windows software.Mahal pa rin kung dito manggaling ang unit.dito ka bumili ng webcam kasi maykasama ng microphone yon at maliwanag rin ang webcam dito.Hindi naman palaging masisira ang pc basta di lang magdownload ng kung ano-ano yung customer kasi madaling mavirusan.Yung sa timer sa programs yon kung maghire ka ng programmer para programan mo ng timer pero mahal hingi nila.
hindi kaya mahirap mag hanap ng programer satin(manila)?
pasensya na po...talagang wala kasi akong xperience.
gaano kaya kamahal? or by contract ba sila?
siguro mas maganda talaga, pag aaral ko pa muna mabuti.
salamat po sa mga informations...
GOD BLESS
lab_u_babes
04-23-2006, 10:02 PM
Good evening advise ko lang sayo ikaw ang lahat mag arrange.Malaki budget ang kakailanganin mo at least pag ikaw hindi ka mangangamba.Base sa experience ko last year nag open din ako ng I CAFE wala din ako alam kasi.Nagtiwala ako sa friend ko ne refer nya ako sa friend nya cash pa yon pag bili ko 10units akala ko ok ng lahat yon pala tinubuan pa ako ng friend ko hindi pa kumpleto nun dinala sa akin.Mas ok rin na sa pinas ka rin bumili masira man madali agad magagawa,ganyan din ako dati dapat dito rin ako bibili.mahirap kasi ibabagahe mo pa diba?baka ma pa mahal ka pa.I program pa yon mga units.hwag na rin laptop bilin mo takaw pansin lang yon sa mga dorobo.Sa lugar mas ok kung matao at medyo maganda yon location.Isa pa Aircon kailangan mo din yon minsan kasi maselan din ang customer ayaw ng mainit ako dalawa na naiinitan pa sila.At kailangan din yon door ng shop mo ay doble ang lock mas ok kung may magbabantay para di abunai.Sa lugar namin sa bulacan uso narin yon nakawan ng PC lalo sa recto marami dun,kahit saan nman ngayon abunai na kaya doble pag-iingat lang.hope kahit papano makatulong sayo.gambatte ne.
talagang willing kasi ako...noon ko pa yun idea, hanggang sa ngayon nga hindi ko pa rin natutupad.
taga recto po kasi ang father ko kaya duon ko sana balak mag open.
pero syempre wala naman sya alam sa PC at dahil medyo matanda narin kaya medyo malabo iasa ko sa kanya.
kung bantay-pwesto lang pede siguro?!
but search ko pa rin...kahit hindi agad ngayon ako makapag open.
Maraming salamat po sa info.:)
gemini_19
04-23-2006, 10:04 PM
[QUOTE]Nagtiwala ako sa friend ko ne refer nya ako sa friend nya cash pa yon pag bili ko 10units akala ko ok ng lahat yon pala tinubuan pa ako ng friend ko hindi pa kumpleto nun dinala sa akin. you know what sam_227 sa business kasi talagang di mawawala ang pagtubuan, friend mo man siya o kamag anak.hwag na rin laptop bilin mo takaw pansin lang yon sa mga dorobo. totoo yan, hindi rin advisable ang mga laptop dahil mas mahal siya kesa desktop.Sa lugar mas ok kung matao at medyo maganda yon location.Isa pa Aircon kailangan mo din yon minsan kasi maselan din ang customer ayaw ng mainit ako dalawa na naiinitan pa sila. sa business kailangan mo laging isipin ang kapakanan ng isang customer dahil sila ay customer, kung wala sila walang business.At kailangan din yon door ng shop mo ay doble ang lock mas ok kung may magbabantay para di abunai.Sa lugar namin sa bulacan uso narin yon nakawan ng PC lalo sa recto marami dun,kahit saan nman ngayon abunai na kaya doble pag-iingat lang.hope kahit papano makatulong sayo. kahit saan mo ilagay ang business ay may risk.
sam_227
04-23-2006, 11:40 PM
Pag handaan mo mabuti,Sa totoo lang malaki din ang nalabas ko sa pag open ng I.CAFE magmula sa mga UNITS kailangan sabay ka din sa uso,pag ayos ng mga table,paayos ng shop ,electric,telepono,e tc..akala ko nga kantan lang pero hindi pala,basta may hawak ka okane wala problema at ikaw mismo ang mag aarange sa umpisa.Kung malaki din ang lugar nyo pagawa ka nalang ng isang room para di kana umupa minsan kasi hirap di n umupa lalo nat maganda ang puwesto.atleast pag sarili mo malaki din ang income diba?Basta mahusay at mapag kakatiwalaan ang hahawak walang problema.Hwag ka mawalan ng pag asa kung talaga gusto mo gawin mo.Ganyan talaga pag nag uumpisa sa isang negosyo.Gambatte
sweetiebabe76
04-24-2006, 05:56 AM
Sam pwedeng magtanong ano ba ang mga bagong games ngayon dyan yung malakas sa mga bata.
sam_227
04-24-2006, 05:48 PM
Sam pwedeng magtanong ano ba ang mga bagong games ngayon dya
n yung malakas sa mga bata.
Last year RAGNAROK ang malakas sa bata hangang ngayon daw.ang bago yata ay DOTA ALLSTARs.
sweetiebabe76
04-24-2006, 09:56 PM
Maraming Salamat SAm.
brownman
04-30-2006, 12:58 AM
i would advise you not to buy the top of the line units/parts. kasi yong price nila eh sobrang laki ng difference compared sa mga next best sa kanila and hindi naman ganon kalaki ang difference when it comes to performance. tapos after a few months bababa din ang price ng mga yon kasi me lumalabas agad na bagong model. kung plano mo magtayo sa may recto, siguro mas mabuti kung mag-ikot ka muna and rent na rin sa ibang shops within that same area kung saan mo balak. para makita mo kung ano ang wala sila. para makita mo na din mga latest games. also check the price per hour don. sobrang stiff ata ng competition ngayon. pababaan na tapos me promo pa. so, try computing na din kung mgkano probable income mo kung ganito yong expenses mo monthly.
kung internet games lang hindi naman kelangan sobrang bilis ng pc. pero mas maganda din kung above average lalo na pag mauso ulit ang LAN games in the future. kasi ang games habang tumatagal tumataas ang requirements. kung binabalak mo nga pala sa recto, try canvassing sa Gilmore. sa me St.Paul QC siya, madaming pc shops don and mura sila lalo na kung by bulk.
regarding naman yong pagbabantay ng shop mo. kung isasara mo siya at night, it's better to be safe than sorry. make sure na matibay ang mga locks mo and everything. me mga cases din kasi ng mga pc shops na binubuksan late at night tapos ninanakaw ang pc. kung balak mo naman eh 24/7 ang operation, ok lang.
goodluck and balitaan mo nalang kami sa mga developments:)
sweetiebabe76
04-30-2006, 12:05 PM
Brownman,alam mo ba ang latest na games ngayon yung malakas sa mga bata.thanks.
RODSKI
04-30-2006, 01:17 PM
good day to all TF members.
Tanong ko lang po sana kung mahirap ba mag tayo ng Internet cafe sa Pilipinas(manila)?
Nag babalak po kasi ako..sa banda Recto,manila.
Hindi ko lang po alam kung anong mga uso or kailangan softwares na madalas gamitin ng mga users nating kababayan dun.
Maraming beses na at sa iba't iba lugar sa manila na-experience ko mag rent...
but usually for e-mail check and surf lang ang ginawa ko.
Ano kaya maganda Unit ang kailangan ihanda ko?
Unit for game or pang Internet only?
Kailangan ba latest lahat?
Assemble ba or pede kaya made by maker lahat?
Or hindi kaya mas reasonable kung laptop?
At un mga rental unit satin may timer sila dba?
Ano ba yun,software lang or kailangan ipa-program pa muna.
Saan kaya ako makakakuha ng ganun?
Mahirap kaya ang maintenance?
Pasencya na po, sunod-sunod ang mga tanong ko.
I'm just really willing about this.
Hintayin ko po ang mga advices nyo.
Thanks in advance! . . . . . .Hi Lab_u_babes:) mabigat ang kumpitensya ng internet cafe, lalo na kung sa may 'RECTO':confused: lumaki ako sa lugar na yan, sandamukal ang may mga internet cafe jan,then marami pababaan talaga ng price, tama yung sabi ni Brownman, mag survey ka muna. . . .goodluck:)
brownman
04-30-2006, 06:05 PM
tama si RODSKI. talagang kelangan mag-survey ka muna. kasi sa manila ako nag-college. madaming nagsarang mga computer shops kasi patay ang negosyo pag summer vacation and christmas vacation. tska tabi-tabi silang lahat. tapos syempre mataas ang rent dahil nasa manila ka. dati nga alam ko me 15 tska 10 per hour eh. pero LAN games un. dunno ung price pag net sa ngayon. mg-ikot ka muna sa manila. :)
tapos very stiff ang competition dyan. padamihan, pagandahan ng pc tska pamurahan. that's the name of the game based from my own personal experience.
yong business ko dati sa antipolo located. maganda yong market namin. maliit lang yong market pero stable. kami yong unang nag-tayo ng shop sa area na yon. we were happy with the outcome. pero just after 6 months 8 na kaming mgkakatabi. as expected, nagpatayan kami. pababaan ng presyo plus kung anu-anong promo and tournaments. to think na ang liit liit na lang ng market. no'ng lagpas na kami sa ROI namin, we decided to sell dahil yon nalang ang income namin. tska andaming batang nag-cucut classes na and meron pang nagnanakaw sa parents nila para makapaglaro lang. minsan nga me mga nakaharap pa kaming parents. oo nga pala hindi ko alam kung ano ang rules ngayon regarding dito. kasi before we sold our shop ang alam ko me mga hours na hindi pwede mglaro sa shop ang minors. just to give you a heads up.
as for the latest games, best bet ko.... ask your nephew/s. tanungin mo mga bata sigurado sila me alam. iba iba din kasi ang preference nila eh. pg me shop ka, hindi lang latest games ang meron ka dapat. kasi minsan nauuso ulit yong mga lumang games. you will learn from your customers. sila kasi magtatanong kung meron na kayong ganitong games.
goodluck! remember it's not just for the sake of magkaron ng computer shop. being an entrepreneur involves risk taking. pero it doesn't mean you have to risk it all. just my 2 cents worth:D
lab_u_babes
05-03-2006, 11:29 PM
talaga nga sabi nila mahirap na din daw ngayon dun sa bandang recto.
dahi nga tabi-tabi na ang mga shops dun but wala naman kasi akong maisip na ibang biz sa banda roon and as i told you andoon kasi ang father ko.
im trying to visit there sa next summer to survey nga...
sana may ibang idea or style para makapag open din ako ng biz dun.
coz im really willing...
well, maraming salamat po sa inyong lahat and i got my tips bago ako umuwi sa manila.
dont worry po...ite-tread ko agad dito whatever happen about this topic.
Thank you all...
sweetiebabe76
05-04-2006, 09:06 AM
Mineral water station nalang ibigay mo 500T ang puhunan yata niyan.Kailangan may helper na lalaki niyan hindi pwedeng mag-isa lang Tatay mo sa business.Dapat niyan bigyan mo Tatay mo ng business na hindi gaano kalaki ang puhunan para kung mafailure dili masakit eh kung marami ka dats ok lang kahit malaki puhunan.
mOtt_erU
09-19-2006, 08:57 PM
hi sweetiebabe, okey yang naiisip mong simulan na Internet Cafe,
profitable at patok yan nowadays..:)
michael_jp
12-29-2006, 12:45 AM
lab_u_babes,
Nai-setup mo ba ang internet cafe mo? Nagbabalak din akong magtayo ng internet cafe sa province and I'm wondering ano ang prefered ng customer, branded high spec PC (like DELL) or just plain non-branded PC? I'm thinking of high spec PC with a CPU of Pentium 4 2.5GHz.
Good luck.
Firipinjin
12-29-2006, 01:41 AM
I wonder if an all MAC internet cafe will do well? :confused:
infinite_trial
12-29-2006, 11:37 AM
I wonder if an all MAC internet cafe will do well? :confused:
i doubt it. ang usual na pumupunta sa mga internet cafe lower and mid class para maglaro ng network games and yung iba walang computer and internet connection sa bahay. usual setup ng mga internet cafes second-hand yung mga computers (except sa franchise).
medyo mahirap na yata magbusiness nito hindi tulad ng dati konti pa lang ang computer shops at dial-up pa lang ang usong connection (naabutan ko pa nga yung 1 peso per minute and bayad!). may kaibigan ako before na ganito rin ang business nagclose na yung shop nya kasi di sya nagpapalaro ng network games. mas marami kasi ang naglalaro kaysa nagiinternet. tapos nauso pa ang prepaid cards and unlimited dsl connection sa pinas kaya marami na din na sa bahay na lang nagsusurf. tapos sinisingil pa sila ng munisipyo ng pagkalaki laking tax...per computer yata ang basis nung tax dun sa province namin.
sana mauso na lang sa pinas yung parang dito sa japan :D
summergirl
12-29-2006, 08:22 PM
Yah thats right,negosyo namin ng brother ko iyan sa Quezon city,sa west fairview,alam mo minsan even lang ang kinikita ,tapos ang mahal mahal ng maintenance.Tapos minsan tinatambayan ng grupo hindi mo naman mapaalis dahil nag i internet ang kasama.Mas maganda yata mag canvas ka muna,ako lahat ng computers ko sa pinas lahat binili kasi mas makakamura kung doon bibili,kaya lang iba iba tayo ng paniwala di ba.Mag hintay ka pa ng iba baka ,may mag bigay pa sa iyo ng ibang advise sa iyo dito.
michael_jp
12-29-2006, 11:11 PM
Yeah, I did some research regarding internet cafe sa Pinas at talagang mahigpit ang competition. At maraming internet cafe na sinisira ang market by playing cost competition....pabab aan ng presyo.
What moves me is, (1) may magandang lugar dahil in the future may bubuksang school at iisa pa lang ang ka-competition, (2) may honest & wise akong IT manager na may in depth experience sa internet cafe, (3) pwedeng mag-stand out by incorporating Japanese/Korean style internet cafe (only one ika nga).
Pero nasa 1st stage palang naman ako ng business plan and in the coming months ay probably ma-decide namin kung talagang profitable ito in terms of profit.
MAC internet cafe?! unique business idea. But, most of the popular games na hinahanap ng mga customers ay Windows base. Well, you could use virtualization/emulation solution (like Parallels) to run Windows application alongside MAC.
1 peso/minute. Yeah, naabutan ko rin yan at mostly for internet surfing lang ang gamit nuon.
Thanks again.
orangee
12-30-2006, 04:15 PM
sa mahal ng kuryente at equipment na kelangan para itayo ang business na 'to, at sa mura ng hourly rate ng rentals, kikita pa ba 'to?
sweetiebabe76
12-31-2006, 06:41 PM
Marami na kasing internet cafe mag-iba ka nalang ng business.Yung sa akin kasi mag-3 yrs. na sa awa ng diyos pero maraming nagtatayo na rin kaya matira nalang ang matibay.:rolleyes:
michael_jp
12-31-2006, 10:19 PM
Yeah, tama kayo madaling magsilabasan ang mga bagong competitors at sa pricing nagkakalaban-laban. :confused:
sweetiebabe76,
Ok ba ang profit ng i-cafe mo nowadays?
sweetiebabe76
01-03-2007, 11:26 AM
@michael jp
may profit konti di na katulad noon na ilan lang kami ngayon may gumaya na kaya nagkahati-hati na sa customer.:) Matitira lang ang matibay.
tokyoboi2
02-14-2007, 09:53 AM
kunti lang talaga ang profit sa net cafe kaya ang ginawa namin add kami ng iba ibang services like printing, then xerox copy machines, fax services, ID lamination, cellphone repair etc. Kasi pag aasa ka lang talaga sa income sa net cafe break even lang minsan.
michael_jp
02-21-2007, 08:58 PM

Thanks sa mga tips nyo. Nag-simulate ako at nag-calculate about this business at halos break even lang ang kikitain. So, nag-shift ako ng business plan to farming.
tokyoboi2
02-21-2007, 09:09 PM
Thanks sa mga tips nyo. Nag-simulate ako at nag-calculate about this business at halos break even lang ang kikitain. So, nag-shift ako ng business plan to farming.
i found it more satisfying dn ang farming. minsan kasi mas madaling kausapin ang hayop kisa tao..hehehe. joke. but its true, nakakatuwa ang farming. Integrate ko kasi yong farm ko ng cattle at goat and its therapeutic, nakakawala ng stress ang mga hayop. Tahimik na business at walang magulo.
tokyoboi2
02-21-2007, 09:51 PM
Thanks sa mga tips nyo. Nag-simulate ako at nag-calculate about this business at halos break even lang ang kikitain. So, nag-shift ako ng business plan to farming.
Bro anong nature ng farm biz mo?
michael_jp
02-22-2007, 12:10 AM
Bro anong nature ng farm biz mo?
I started with regular rice farm and planning to bring in hybrid rice. And in the coming years, I'm planning to start goat/cow farm if I could find a good place. By the way, the farm is in Pangasinan.
tokyoboi2
02-22-2007, 09:09 AM
I started with regular rice farm and planning to bring in hybrid rice. And in the coming years, I'm planning to start goat/cow farm if I could find a good place. By the way, the farm is in Pangasinan.
Magkalapit lang pala tayo. My farm also in Pangasinan. Maganda ang Cattle/Goat farm biz bro. Lalo ang Goat kasi mas mabilis ang ROI nya. You can go with the hibreed goats from Australia which is more expensive compare to the native one.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.