PDA

View Full Version : pagkaing pinoy ayaw ng asawang hapon!


maimai
04-24-2006, 01:45 AM
Mga ka-Tf...nagluluto ba kau ng pagkaing pinoy sa bahay nyo...at kinakain po ba ng asawa nyo??? :)

at ano naman ang pagkaing pinoy na ayaw ng hubby nyo or di nya kayang kainin..:( ...

uunahan ko na pow..:)

ang mga ayaw ng hubby ko ay :(

...sinigang ....dahil maasim ito..
...pagkaing may gata...
...bagoong
...kare-kare
...ampalaya
...bangus,dahil maraming tinik
at ..:)~~esep-esep muna pow ako ulit..

kayo muna ang susunod..

ano ang pagkaing pinoy ayaw ng asawa nyo?:)

sensei
04-24-2006, 08:37 AM
Mga ka-Tf...nagluluto ba kau ng pagkaing pinoy sa bahay nyo...at kinakain po ba ng asawa nyo??? :)

at ano naman ang pagkaing pinoy na ayaw ng hubby nyo or di nya kayang kainin..:( ...



hi maimai !!!;)

I rarely cook philippine ryouri kase ako lang ang kumakain, but I'll share some secret recipes na hindi pagkakamalang lutong pinoy:

1. adobo - lagi kasi shoyu based ang luto ng hapon, pigaan mo ng shouga with a little amount of vinegar (ayaw nila maasim)
2. tortang talong - with shouga oroshi & shoyu
3. lugaw - masarap yan pag fuyu
4. bangus balls - grilled bangus, cut into pieces with minced oba, egg, koshio, flour. make round balls from it then fry.
5. kwekkwek
6. chopsuey
7. pansit bihon - bifun
8. amapalaya (goya ba yun:confused: ) - merong pork goya champuru na tinatawag (lutong hapon)slice mo into thin pieces, asinan mo for 30mins. para matanggal nigari, tsuyobi fry then set aside. lightly crushed otofu, itamete, shio koshio, little amount of shoyu sake. gutsu gutsu yatte, goya irete, hiwotomete. saigo wa pour scrambled egg takpan for 3mins. dekiagari.;)
happy cooking:D

proud me
04-24-2006, 09:02 AM
binagoongang baboy...hindi raw ma take ang lasa...sinigang...ma asim daw :)

japphi
04-24-2006, 09:16 AM
maimai...medyo mahirap nga na pakainin sa mga dishes natin.Si lolo ganyan din ahngang ngayon na 19 yrs na kami.Sinigang,adobo, ampalaya(champuru)pa ncit gisado(bihon) lang ang halos nakakain nya pati na ang tatlong maria ko.Kaya halos mga japanese ulam ang mga niluluto ko:O ..nakakalungkot ano.

Kung minsan naman ay talagang gusto ko nang makakain nang pagkain natin at bibili ako...pagkaluto naman dahil ako lang ang kakain...mawawala naman bigla ang gana ko...wala rin...kaya hindi ako gaanong bumibili.

@sensei......yung mga nabanggit mong luto...iisa lang ang hindi ko alam doon....kwekkwek.... . ano yon?Mukhang masarap yata...paki turo naman:D .

sensei
04-24-2006, 09:29 AM
@japphi san
:food: kwekkwek hehe nung nasa pinas ako yan lagi binibili ko sa kanto.

:roll: itlog po ng pugo na binalutan ng harina:D sarap yan sawsaw sa suka't toyo

japphi
04-24-2006, 09:34 AM
@japphi san
:food: kwekkwek hehe nung nasa pinas ako yan lagi binibili ko sa kanto.

:roll: itlog po ng pugo na binalutan ng harina:D sarap yan sawsaw sa suka't toyo


Ayyyy..yun ba yon.....akala ko nagbibiro ka heh ha ha ha ha ha....akala ko tuloy dr. kwekwek ha ha ha ha ha.........:D

di ko na yata nadatnan yon hah....pero parang masarap ano...para bang yung sa fish ball....ganoon din ang lasa ano.....ngggeekkkk.. ..naglalaway ako.....gusto kong kumain nang fishball at kwekkwekkkkk~~~:weep :......

Little Johnny
04-24-2006, 10:23 AM
maki-singit na po.....

may officemate po ako dito na nawi-wierdo-han sa mga matatamis na dishes like hamonado, pininyahan, etc.:confused:

pero meron namang isa type na type ang kare-kare at longanisa.... hehehe:D

Little Johnny
04-24-2006, 10:27 AM
Ayyyy..yun ba yon.....akala ko nagbibiro ka heh ha ha ha ha ha....akala ko tuloy dr. kwekwek ha ha ha ha ha.........:D

di ko na yata nadatnan yon hah....pero parang masarap ano...para bang yung sa fish ball....ganoon din ang lasa ano.....ngggeekkkk.. ..naglalaway ako.....gusto kong kumain nang fishball at kwekkwekkkkk~~~:weep :......

lowla japphi, masarap talaga ang kwek-kwek, pwamis....;) pwede din sya isawsaw sa sauce ng fishballs.... yumyum!!!:cool:

pero sa pagkaka-alam ko, ang kwek-kwek yung regular sized na itlog (itlog ng manok)...

tapos ang tawag namin pag itlog ng pugo.... tukneneng.... sounds funny 'no... hihihi:D :p

akiam
04-24-2006, 10:31 AM
[quote=maimai]ano naman ang pagkaing pinoy na ayaw ng hubby nyo or di nya kayang kainin..:( ...

3 pagkain lang natin ang hindi kinakain ng asawa ko. namely...
bagoong kasi hindi daw maganda ang amoy, pagkaing me gata dahil sa minatamis lang daw alam nya hinahalo ang gata at higit sa lahat balot dahil yung sisiw daw sa loob ay pobre at talaga namang kahabag-habag.:p


peace to all!!!:)

tfcfan
04-24-2006, 10:48 AM
Mai,sali ako ha:)
Si Payat ko ang ayaw nya eh balot,bagoong(pero pag kumakain ng kare-kare no choice s'ya!:lol:)ginisang monggo,tocino...
pero halos lahat na ng pinoy food na niluluto ko eh, no choice sya kundi kainin kase baka daw di ko na sya ipagluto...:D:p

ichimar
04-24-2006, 10:53 AM
mai,join din si ako............ayaw ni habibi ng guinisang munggo,at bagoong,yun lang ang natatandaan ko na ayaw nya............pero sinigang na lagi kong niluluto,gusto nya............kaya di ako nakakapag luto ng munggo,kasi ako lang ang kakain:) :)

maytatsu
04-24-2006, 11:06 AM
1. sinigang--- hayyy pinaka fave ko pa naman to
2. dinuguan-- naku po swak lalo na pag may puto!

sa ngayon ito palang dawala na papansin ko na di nya kinakain the rest ok naman;)

myukasky
04-24-2006, 01:46 PM
Naku asawa ko ayaw din, kapag pinoy food niluto ko di ko na maipinta ang mukha pati na yung anak kong babae.:( Dadaanin nila ako sa natto at furikake, nang aasar ba.:rolleyes: Kaya lagi ko niluluto yung japanese food at chuka food. Sa pinoy food naman yung adobo lang pero di pa su ang nilalagay ko kundi yung omeboshi.:D Sopas fave ng dalaga ko yan, tawag nga niya cream stew kasi kakulay daw.:D Magluto man siguro ako ng pinoy food once a year.

maimai
04-24-2006, 02:20 PM
heloo everyone!maraming na pala sumagot dito...:D :D sige isa-isahin ko kau..

@sensie..salamat pow sa secret recipes mo....minsan try ko lutuin yan:D

@japphi..ganyan din ako minsan..nawawalan ng gana magluto kasi di rin kinakain..patikim-tikim lang...:O ..tapos sa bandang huli kanin na lang ang kinakain!hindi yung ulam na niluto ko!:mad:

@proud me..mga hapon talaga ayaw sa mga maasim na pagkain...ganyan din sa mga kaibigan kong pinay dito ang mga asawa nila ayaw sa maasim..

@akiam..yung hubby ko, di pa nakakain ng Balot .... ako naman ayaw ko sa siwsiw..yung puti at yung yellow lang ang kinakain ko sa balot..

@tfcfan..di talaga mawawala ang NO CHOICE sa kanila kasi yan lang ang pagkain nasa harap nila..kaya NO ChOICE kundi kainin nila:) ..minsan nafefeel ko rin yan sa hubby ko..

@ichimar...uy monggo..paborito ko yan...nagtry ako magluto dito sa bahay..ayun di kinain ...binigay ko na lang sa kapatid ko...at nilafang naming dalawa..

Maytatsu..tabetai tuloy ako ng dinuguan..nakakamiss ..:D

Myukasky..nangyari din yan sa akin..di kinain ang luto ko tapos hinapan ba naman ako ng natto..mabuti na lang meron sa loob ng ref..:p

@LJ..tukneneng sounds funny nga pow!!~^hehehe:D ..makabili nga yan mamaya..:p


ngayun..nagagambatte ru ako magluto ng japanese food ....

at pag overnyt sa work ang hubby ko..talaga nagluluto ako ng phils food sa bahay ..kahit ako lang mag-isa ang kakain...:D :D

fremsite
04-24-2006, 03:07 PM
maimai ~~~ prenship ~~~!!! sali ako dito ...:) hubby ko naman .. halos kahit anong phil. foods .. kinakain niya ... huwag lang .. balot .. awang-awa sa sisiw .. and
tuyo ... ayaw na ayaw ang amoy ~~!!! hehehehe :D pag nasa pinas kami .. kare-kare .. peborit niya yung bagoong .. pero pag nandito na kami .. parang di daw niya feel kumain ng bagoong .. siguro sa atmosphere na rin ... :confused: dito sa japan .. laging mix ang luto ko .. japanese / pilipino / imbentong ulam ... hihihihi~~~ minsan perpek .. minsan naman .. pag di masarap .. inuunahan ko na sila .. sasabihin ko " kore tabete mi ... oishi kunai yo ~~" :eek:
nyahahahaha~~~~~!!! kain pa rin sila ... tapos sasabihin .. " oishi kunai yo ~~~~~" ...
wahihihihihi~~ kaya nga .... sinabi ng hindi masarap eh ... :p

PS.. peborit din niya sinigang na baboy ( spare ribs ) ~~~ tuwang-tuwa yun pag yan ang ulam namin .. :)

sensei
04-24-2006, 03:40 PM
heloo everyone!maraming na pala sumagot dito...:D :D sige isa-isahin ko kau..

@sensie..salamat pow sa secret recipes mo....minsan try ko lutuin yan:D



sorry nalimutan ko lagyan ng pork yun goya chanpuru, saki ni itamete ne;)
ganbatte!!!

SHAMPOO
04-24-2006, 05:52 PM
Maimai...join na rin ako dito ha..:)
Asawa ko rin konti lang gusto na phil. food...pero pag umuwi kami kahit ano kinakain,sabi nga ni Fremsite san..nasa atmosphere siguro un;) . pero kumakain sya ng sinigang dito un spare ribs,pero mas gusto nya un sinigang na kinme na sakana.sa mga anak ko walang problema kahit ano kinakain walang selan, un bunso ko nga gusto may patis pa...hen di ba??
pag kami kami lang ng mga anak ko type nila ang kamayan ...piritong isda na may kamatis at sibuyas na sawsawan...:D

aprilluck
04-24-2006, 06:58 PM
Share ko rin iyung mga nalalaman ko paghahanda ng pagkain .
Pag napahaba kuwento ko ,pasensiya na ha .

Wala akong problema kahit saan ang original ng mga niluluto ko ,pinoy foods,Nihon ryouri ,Chinese foods,ect. lahat kinakain ng pamilya ko ,magmula umpisa kasi varieties ang niluluto ko .Pero ibinabagay ko ang mga putahe . Pag hindi bagay ang sukemono ,oshingko,
nori ,furi kake ,ect. sa niluto natin dapat siguro alisin sa ibabaw ng lamesa At saka minsan nasa presentation dapat ang pagluluto ,Let's see baka lumalangoy sa mantika ang niluto natin ,baka sobra ang sarsa na tingin pa lang nakakauyaw na ,baka sobra naman ang asim o alat .Alam naman natin na ang mag pagkain dito puro mild ang timpla ,kaya diba noong una hindi tayo nasasarapan sa japanese food kasi parang walang lasa .At dapat din naka bagay sa panahon ,pang winter ,pang summer na pagkain .Sanay kasi tayo sa pinas na all year round puwede kahit na ano .

Seryoso ako basta sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya ko,may anak akong sagaran sa sport kaya lagi kong iniisip kung ano dapat lutuin.Laging naka-balance parati ang pagkain namin ,Kita naman nila kung gaano ako kasigasig sa paghahanda ng pagkain para sa kanila .Kaya so far wala akong problema tungkol sa kung ano ang iluluto ko .

Sabi nga ng mother ko ,hindi problema kung ano ang iluluto ,ang problema ay kung wala tayong mailuluto ,:) Happy cooking sa lahat!

honeybunny
04-24-2006, 10:43 PM
daikirai ng dana ko ay patis at mga luto sa gata,pero daisuki nya ang sinigang at nilagang baboy at tinolang manok:food: :babe:

sam_227
04-24-2006, 11:38 PM
Ang hubby ko naman,hindi maselan favorite nya ang menudo at sinigang basta huwag lang gano maasim. pakainin ng lahat huwag lang ang BALOT,

maimai
04-26-2006, 03:09 PM
maimai ~~~ prenship ~~~!!! sali ako dito ...:) hubby ko naman .. halos kahit anong phil. foods .. kinakain niya ... huwag lang .. balot .. awang-awa sa sisiw .. and
tuyo ... ayaw na ayaw ang amoy ~~!!! hehehehe :D pag nasa pinas kami .. kare-kare .. peborit niya yung bagoong .. pero pag nandito na kami .. parang di daw niya feel kumain ng bagoong .. siguro sa atmosphere na rin ... :confused: dito sa japan .. laging mix ang luto ko .. japanese / pilipino / imbentong ulam ... hihihihi~~~ minsan perpek .. minsan naman .. pag di masarap .. inuunahan ko na sila .. sasabihin ko " kore tabete mi ... oishi kunai yo ~~" :eek:
nyahahahaha~~~~~!!! kain pa rin sila ... tapos sasabihin .. " oishi kunai yo ~~~~~" ...
wahihihihihi~~ kaya nga .... sinabi ng hindi masarap eh ... :p

PS.. peborit din niya sinigang na baboy ( spare ribs ) ~~~ tuwang-tuwa yun pag yan ang ulam namin .. :)

sige prend~~sali lang ng sali~~~:D :D


ok na ok yung hubby mo beautiful frem.:D ...kahit ano puede nyang kainin.....yung ibang hapon kasi mapili sa ulam lalo na sa pagdating sa pagkaing pinoy~~~~.~!!:( :( ~~

~~at sa akin naman pagnagluto ako..tapos pag natikpan nya na..tinatanong ko sa kanya agad kung ilang percent ang lasa:D ~~hehehe~~as of now hanggang 80% pa lang ang natatanggap ko sa kanya at ang pinakababa ay 20%:D :D

fremsite
04-26-2006, 03:28 PM
sige prend~~sali lang ng sali~~~:D :D


ok na ok yung hubby mo beautiful frem.:D ...kahit ano puede nyang kainin.....yung ibang hapon kasi mapili sa ulam lalo na sa pagdating sa pagkaing pinoy~~~~.~!!:( :( ~~

~~at sa akin naman pagnagluto ako..tapos pag natikpan nya na..tinatanong ko sa kanya agad kung ilang percent ang lasa:D ~~hehehe~~as of now hanggang 80% pa lang ang natatanggap ko sa kanya at ang pinakababa ay 20%:D :D


ahahahaha~~~!!! mai-mai prenship ~~~~~!!!! newly-wed pa lang kasi kayo ~~~ wiiii~~~~~~~~~!!! sweet-sweet naman ~~~~ pag nasanay na sha sa luto ng pinas .. bibigyan ka na niya ng 101 ( dalmatians ... nyahahaha~~~~!!! ) percent .. may tubo pa .. hehehehe~~~ nasa tyan mo nga lang siguro ~~~ ahahahaha~~~~!!! lukaret mo talaga ~~~ wehehehehe~~~ ako pala ~~~!! wahihihihi~~~ ganbatte ! :p

kate
04-26-2006, 03:34 PM
paksiw n isda at karne baboy, tuyo... ayaw :confused: talaga kainin kahit ilang beses kong sabihin masarap :rolleyes: dati bagoong ayaw ngaun gusto na eh nilagyan ko ba naman ng karne baboy...o masarap nga...:food: may kasama pang beer un...:toast:

uvy
04-26-2006, 04:58 PM
:( ayaw ng hubby ko paksiw maasim daw,....nagluto ako nun minsan sabi nya bat ang asim daw,pinalagyan nya sakin ng maraming mirin.kaya mula nun di nalang ako nagluto uli ng paksiw,............

bara
04-26-2006, 05:10 PM
sakin yung hapon ko ayaw masyado ng sinigang maasim daw okashi,diniguan mahrap daw lunukin,bagong medyo mabaho pero bakit yung nato sobrang baho favorite nilang kainin.Yung gusto niya nilagang baboy,bistek,fried porkchop,pansit,pala bok,adobo,pinakbet,t orta,ginisang ampalaya,tinola,menu do,caldereta,relyeno ng bangus,tilapia and kilawin na labanos kaya yun lang madalas kong lutuin.Buti nga di nagreklamo kahit madalas puro filipin ryori niluluto ko kasa sabi niya masarap daw parang thai and indo ryori mitai kasi yung ulan ng hapon walang lasa di masarap kainin ebi fry lang yata masarap maski yakiniku di rin ganun kasarap masarap parin yung barbeque natin manamisnamis.Tsaka yung ulam nila maraming seasoning na nilalagay pa for example may mirin na sake konbu katsubushi dashi shoyu at kung anu anu pa gastos samantalang satin diba patis toyo vetsin asin paminta mantika yan lang ilagay mo sa pantry mo ayos na marami kanang pwedeng maluto at di pa costy.

katty0531
04-26-2006, 05:39 PM
Hello maimai chan....
Post ko din akin dito ha...
Balot din....actually pareho naman kami ..ang nakakain lang yong yellow at konting sabaw then tapon the rest ...hehehe~~~
So far hindi lahat sinasabihan nyang masarap na masarap talaga, pero hindi pa ako nakarinig ng "mazui" hehehe, reaksyon nya ganito oh "ah~~~maa ne...kore narini oishii ne..."hehehehe...
Ang pinagtataka lang daw nya ay kung bakit yong mga katabi nating bansa like thailand,indonesia,m alaysia..karamihan maanghang bakit daw ang satin sa Pinas ang ating kare kare ay matamis dahil may peanut paste... sabi ko sa Bicol lang maraming maanghang.

sayaka_0912
04-26-2006, 06:42 PM
me ang hubby ko lahat ng pagkaing pinoy ayaw talaga nya kasi daw sabi nya oishii to omowanai te.he so hidoi di ba

jazzybabe
04-26-2006, 07:03 PM
hubby ko naman...ayaw nya ng kare-kare,balot tsaka bagoong...

mbstorun
04-27-2006, 01:53 AM
~~pwede kayang sumali ang non-japanese hubby dito?? sige ako naman super ayaw ng asawa ko pag nagpa~fry ako ng tuyo eh sa sobrang sarap kaya nun! kaya naman pagkatapos magluto nagpapakulo pa ako ng shampoo para lang matanggal ang amoy..nakakawala daw ng ganang kumain..nakuh~~!!! kung matikman lang nya baka makalimutan nya lahat pati asawa nya!:confused: :p

michiko
04-28-2006, 10:08 AM
ang hindi kinakain ni michi eh
1. sinigang kasi daw maasim masyado wag ko daw asiman para makain nya eh sabi ko naman eh nagsigang pa ako kung hindi aasiman dapat pala nilaga na lang.. hehehehe.:D yan ang sagot ko sa kanya..

2.dati ayaw nya ng tocino kasi matamis daw kaya ang ginagawa ko nilalagyan ko ng minced na tongarashi kaya ok na daw ang lasa kasi matamis na maanghang yun ok sa kanya...:)

uuuummm~~~ so far yun pa lang naman ang mga inaayawan nya at lahat kinakain nya ultimo bagoong at balot pero wag lang isama yung sisiw ha... kasi kahit ako di ko makain yun.:D

yan mai chan nag share na ko...:D :D :D

maimai
04-28-2006, 02:02 PM
ang hindi kinakain ni michi eh
:D

yan mai chan nag share na ko...:D :D :D

wha~~^heheheh~~at nandito na isang pang vakla!!~~~:hihi:

share ko ito..kagabi nagluto ako ng Sap-Sap...abay pagdating nya sinabi nya ang baho daw ng bahay at binuksan agad ang sliding door para umalis daw ang amoy... ..pero nung inihain ko na ang sap-sap sa harap nya..instead mainis..natuwa na lang..:D

dahil pow overcooked pow si ms. sap-sap dahil nakalimutan ko pala na niluluto ko sya habang namumugad ditow!~~:fire:..ayun di na kinakain kasi naawa kay ms.sap-sap... :hihi:

barabara
04-28-2006, 02:27 PM
Hi maimai,
asawa ko gusto niya adobo, apritadang manok ketchup,kamatis lagay ko, ayaw niya tomatoe sauce..Menudo, sinigang konti lang asim..ihaw na isda Saba lagyan ng kamatis at sibuyas garlic loob ng tiyan, asin at peeper, tahiin ang tyan,masarap kasi malasa ang saba na isda..anak ko, adobo at menudo kinakain niya..

michiko
04-28-2006, 02:29 PM
wha~~^heheheh~~at nandito na isang pang vakla!!~~~:hihi:

share ko ito..kagabi nagluto ako ng Sap-Sap...abay pagdating nya sinabi nya ang baho daw ng bahay at binuksan agad ang sliding door para umalis daw ang amoy... ..pero nung inihain ko na ang sap-sap sa harap nya..instead mainis..natuwa na lang..:D

dahil pow overcooked pow si ms. sap-sap dahil nakalimutan ko pala na niluluto ko sya habang namumugad ditow!~~:fire:..ayun di na kinakain kasi naawa kay ms.sap-sap... :hihi:

hahahaha. yan lagi kasi nasa pugad... kawawa si ms. sap sap nasunog.. hahahaha.:D ang mahal pa naman nyan sayang!:D

mOtt_erU
09-12-2006, 02:51 AM
pasali ha Maimai San:)

yung Asawa ko ayaw ng BALUT...nung nasa Pinas kame, kahit anong alok ko ayaw talaga:D

warlin_uy18
09-13-2006, 10:58 PM
Mai,sali ako ha:)
Si Payat ko ang ayaw nya eh balot,bagoong(pero pag kumakain ng kare-kare no choice s'ya!:lol:)ginisang monggo,tocino...
pero halos lahat na ng pinoy food na niluluto ko eh, no choice sya kundi kainin kase baka daw di ko na sya ipagluto...:D:p
hello po, bago lang po ako dito iayn din po ang problema ko ka c kunto\i lang po ang alam kong japanese dishes, kahit anong klasing pilipino food po ayaw talaga ng hubby ko.

hayaren
09-13-2006, 11:17 PM
sa akin naman, weather-weather lang, nung nagsimula kami ng hubby ko tinanong ko siya anong ok at ayaw niya sa pagkain, sabi niya "no problem, middle eastern, indian, western cuisine...rarararara rara...international ang tiyan ng asawa ko eh, I answered him back "sealed that's our deal, that's our catering contract? oo na nga daw no need to repeat, o di ba yun na yun....kaya kung anong hinahanda ko 'take it or leave it' wala siyang choice, dapat kainin niya kung anong hinanda sa hapag kainan, di na ako magluluto ulit sa kaprechohan niya ano:confused: anyway may tinapay naman, cheese, peanut butter o jam ready sa fridge bahala na siya:D di rin naman nagrereklamo, buti naman:p ;)

love0308
09-14-2006, 07:45 AM
Bakit po si hubby love nya po yung sinigang ko kasi nga maasim?:confused: Lahat ng niluto kong firipin food is gusto nya po so far.:) Ang ayaw lang po talaga is...tuyo at balot!:scratch: pero yung favorite niya po taho at mango.:thumb:

Eleina
09-14-2006, 10:29 AM
International po ang kusina ko. Italian, Moroccan, Indian, Mediterranean, okay lang. :)
Ang di ko maintindihan pagdating sa filipino food medyo confused:confused:

Example:

SOUPS : nilagang baka, sinigang na bangus sa bayabas,
---hihigupin nya yun hanggang maubos ang sabaw, hindi nya uulaman ng kanin!!!:mad: GREAT SOUP HON!!! at ako lang ang kakain ng natirang karne at veggies. wala raw kasing lasa, lahat napunta sa sabaw!:( Sabi ko, kaya nga kinakain ung karne kasabay ng sabaw! :mad:

SALAD : Ginisang kalabasa at bagiuo beans sa hipon, Ginisang ampalaya sa karne with itlog, lumpiang hubad,

APPETIZER : ginataang salmon, fried chicken at kahit anong pinirito.
----hindi raw ulam ang pinirito, gawang tamad daw yun. So gumagawa ako ng gravy tus ipapatong ko ung fried manok, garnish with lemon slices and parsley. Viola! ULam na!:cool:

FAVORITE NYA: adobo, malasa raw tus maanghang kasi andaming pepper. Konting suka lang tus dont stir sabi ni Daza. PAghinalo mo, hindi naluluto ung suka. maasim na lumalabas. tsaka atay ng manok in a red sauce (parang in-afritada.) atsaka taho, breakfast nya everyday, complete with sago!! atsaka palabok!!! suprising db!

OKAY LANG : Calderetang beef, mutton or lamb, Menudo,

Di nawawala sa bahay, tinapay, makatinapay sya. Sa rice gusto nya jasmine rice or basmati. malata raw kasi ang japanese rice, pero kumakain rin sya.

A BIG NO NO!!: Baluuuuttt!!!

Erika
09-14-2006, 10:40 AM
:D Share din ako...husband ko naman, dahil 7 yrs syang tumira manila..eh sanay na sya sa pagkain ng pinoy, kahit saang karinderia dalhin OK lang, kahit yung fishball at dirty ice cream:hihi: kumakain din sya, ayaw lang nya ng BALUT kasi nanghihinayang sya sa sisiw, bakit daw hindi pabayaan na maging pato:hihi: ....
Gusto din nya ng TAHO, naalala ko~~first time nya sa pinas~~~isang umaga habang natutulog pa sya dumaan sa harap ng bahay namin yung nagtitinda ng taho eh di ba sumisigaw yun ng TAHOOOOO!!!! Nagulat ang hubby ko:eek: ~~~ kasi naglalako tapos sumisigaw ng "ahooooo" (sorry po sa word):lol: galit daw ba yung nagtitinda:hihi: ...hay nakakatawa pag naaalala ko yun:lol:.

japina
09-14-2006, 11:30 AM
sa hubby ko naman ayaw nya ng bagoong tulad ng pakbet ,binagoongan baboy at munggo. pero yun ibang food ok naman.:D

nhette120505
09-14-2006, 11:50 AM
si hubby ayaw ng sinigang kasi maasim daw, balot kasi nakakaawa daw ung sisiw. yun palang alam ko sa ngaun. gusto naman niya sisig favorite niya un kaldereta din at ung chichirya na boy bawang(kornik) favorite niya un.

mikigrace
09-14-2006, 12:03 PM
pasali po ha...ako nman lahat ayw kainin ng hubby ko,kasi masyadong mapili sa pagkain kaya nahihirapan ako talaga,ayaw kumain ng inihaw na isda,pag sashimi naman pinipili ang kakainin,ang phil. foods daw kasi masyadong mamantika daw,pero puro niku din naman ang kinakain nya,di rin ako pwedeng mag-prito ng isda sa bahay kasi mabaho daw,kaya bumibili na lang ako minsan ng inihaw na isda para kainin namin ng baby ko,ang hirap talaga mag-isip ng ipapakain sa hubby ko pag masyadong mapili...kaya swerte yung may mga asawa na hindi mapili sa pagkain.....

mr.kuripot
09-14-2006, 04:00 PM
Hi maimai..

ako kasi phil foods every ang hinahanda ko sa hubby ko,wala syang inaayawan lahat kinakain nya..ako kasi lahat din ng japanese foods kinakain ko kaya pareho kami...:D

darlene
09-15-2006, 06:23 AM
Hai sa iyo maimai

Ang niluluto ko naman ay puro japanese food minsan namimiss ko rin ang pagkain natin at saka ang hubby ko matalas sa panglasa kaya masarap talaga ang niluluto ko :D.....eh sa ngayon filipino food kasi nsa pinas pa ako ngayon at si hubby ko japanese food pa rin....

honey
10-06-2006, 06:08 PM
firipin food na ayaw kainin ng asawa ko

sinigang
bagoong mabaho daw
desserts sobrang tamis
balot kawawa daw yung sisiw
papaitan sobrang pait

paborito nya
laing
gatang kalabasa
cornbits
dried mango
menudo

pineapple
12-04-2006, 03:11 AM
ayaw nya ng nilagang baboy at nilagang baka....
pati balot... pero naka kain na siya dinuggguan...hehhehe :lol:

mhisoza
12-04-2006, 05:50 AM
pasali :) ayaw ng hubby ko ang Bagoong, dinuguan, balot ...etc. ang gusto lng nya ay ito, sinigang na hipon, adobong manok at sicharong bulaklak masarap daw pulutan :D

maimai
12-04-2006, 07:09 AM
salamat po ulit sa pagbukas ng thread..:tiphat:
at syempre
salamat din sa mga nagshare dito...:sweeties:..

sige,mga ka-TF..sali lang ng sali~~para naman sa inyo ang thread na ito...:food:

mamimo
12-04-2006, 08:06 AM
eto ilan sa Filipino food na ayaw ni hubby,

beef steak ~ maasim daw
kare-kare ~ ayaw nya color at ingredients
bagoong ~ di nya type amoy at lasa
dinuguan ~ weird daw ng color

sharpener
12-04-2006, 08:19 AM
eto ilan sa Filipino food na ayaw ni hubby,

beef steak ~ maasim daw
kare-kare ~ ayaw nya color at ingredients
bagoong ~ di nya type amoy at lasa
dinuguan ~ weird daw ng color

bipstik (pinoy english hehehe) yung binababad sa kalamansi or lemon
ayaw nga nila nyan

try nyo champorado...kanin daw at chocolate...weird nga daw
sus! sarap sarap nga e

Chibi
12-04-2006, 09:54 PM
Mga ka-Tf...nagluluto ba kau ng pagkaing pinoy sa bahay nyo...at kinakain po ba ng asawa nyo??? :)

at ano naman ang pagkaing pinoy na ayaw ng hubby nyo or di nya kayang kainin..:( ...

uunahan ko na pow..:)

ang mga ayaw ng hubby ko ay :(

...sinigang ....dahil maasim ito..
...pagkaing may gata...
...bagoong
...kare-kare
...ampalaya
...bangus,dahil maraming tinik
at ..:)~~esep-esep muna pow ako ulit..

kayo muna ang susunod..

ano ang pagkaing pinoy ayaw ng asawa nyo?:)
ayaw ni hubby ng Mongo,ewan ko ba hindi raw yun ulam at awanai daw sa gohan!!!peyborit ko pa naman!!
.....dinuguan....kad iri raw kase!

april
12-04-2006, 10:01 PM
hubby ko rin ayaw kumain magnandito sa japan pero pag
nasa pinas kahit ano kinakain:D

mukomae
12-05-2006, 11:58 AM
favorite ng hubby ko ang

TORTANG TALONG
MENUDO
AFRITADANG MANOK
MANG TOMAS SAUCE
NILAGANG BUTO-BUTO
KALDERETANG BAKA
SISIG
TINOLANG MANOK
TOCINO
ADOBONG TAGALOG MANOK/BABOY

ayaw kainin ni hubby ay;

TILAPYA
MUNGGO
SINIGANG
AMPALAYANG GUISADO
CHAMPORADO
ITLOG NA PULA
DAING NA BANGUS
BAGOONG/ALAMANG
ADOBONG ATAY

Tarena314
12-05-2006, 12:37 PM
Maimai chan...makikisali ha..,asawa ko naman wala syang masyadong inaayawan..,kahit hindi tama sa kanyang panlasa sinusubukan pa rin nyang kainin yun..,pero may mga paborito sya talaga..,

1.kalderetang kambing
2.andoks
3.tinolang manok
4.pinangat na tulingan
5.sinigang hipon..,lahat ng klase ng sinigang ok sa kanya..,

sabi nya ok lang sya basta nakakabusog..,:p mabuti naman para sakin..,kase hindi ko na problema kung paano ba sya bubusugin pag nasa pinas sya..,:)

snsk76
12-06-2006, 09:58 AM
:O ako ayaw ng asawa ko ng dinuguan...kimuchi warui daw,hehehe!ayaw nya rin ng may gata at alamang or bagoong....pero gusto nya ung style ng adobo ko kase nilalagyan ko ng mirin para japanese version,at hindi masyadong maalat or matapang ang toyo!gusto nya rin ung tortang giniling ko dahil nilalagyan ko ng (rayu ba yon???) bago ko prituhin...at higit sa lahat gusto nya ung inihaw na liempo ko,BBQ flavor...:rolleyes: hay naku kaya lagi akong na re rape ng asawa ko sasarap ng luto ko....hehehe!!!!joke lang!:D

mokomichi
03-16-2007, 05:23 AM
elow po senyo.. share din ako..
nung una ko pinakain ng sinigang ang misis ko,ayun halos masuka sya sa lasa, karada ni warusou daw sabi nya..halos mag away na nga kami nun.. pero syempre hindi pa rin ako sumuko:cool: ipinagluto ko pa ulit sya ng sinigang, ayun nagustuhan nya na kapag may patis na sawsawan although mabaho daw.. after that mainichi na kaming sinigang,hehehe:D kaso nag alala din ako sa kalusugan nya kasi kada subo nya ng sinigang kanarazu isasawsaw nya muna sa patis:eek: so pinagsabihan ko sya na baka magkasakit naman cya sa bato, kaya after that pinagluto ko na lang siya ng puto w/ keso...
hehehehe layo ng sinigang sa puto no?... la lang korni kasi ako eh...:p
pero try nyo ipakain ang puto sa friend sa mister sa misis or sa anak nyong japanese im sure papatok sa panlasa nila ito.. proven ko na kasi sa misis ko yan..niregalo ko sa kanya puto nung white day...
o siya tulog muna ko baka antok lang to.. oyasumi.:)

tokyoboi2
03-16-2007, 08:49 AM
ang ayaw ng misis ko yong binagoongang lutong pinoy like yong pinakbet, binagoongang baboy, talaga naman masusuka sya. hehehe. pero gustong gusto nya sinigang at caldereta.

coffee
03-16-2007, 01:15 PM
DINUGUAN. nagulat sila nung ilagay ko sa bowl! sabi sa kin ni anak ko na, "MA! NANDE DORO O OSARA NI IRERUNODA!! as in nakatingin sya and thinking mode sila ni husbandy ko, except lang ito,.. and halos lahat ng lutong pinas kain at gusto nila, kaya masaya ako.

marius
03-18-2007, 09:11 PM
Ako naman yong asawa kong haponesa gustong gusto niya ng monggo kahit walang kanin hehe! Pati ang tatlo kong mga anak gustonggusto nila kaya ang tawag nila ay "monggorice":eek:

marius
03-18-2007, 09:13 PM
DINUGUAN. nagulat sila nung ilagay ko sa bowl! sabi sa kin ni anak ko na, "MA! NANDE DORO O OSARA NI IRERUNODA!! as in nakatingin sya and thinking mode sila ni husbandy ko, except lang ito,.. and halos lahat ng lutong pinas kain at gusto nila, kaya masaya ako.

hahaha!

zhie
03-18-2007, 09:17 PM
[quote=maimai;81003]Mga ka-Tf...nagluluto ba kau ng pagkaing pinoy sa bahay nyo...at kinakain po ba ng asawa nyo??? :)

at ano naman ang pagkaing pinoy na ayaw ng hubby nyo or di nya kayang kainin..:( ...

uunahan ko na pow..:)

ang mga ayaw ng hubby ko ay :(


Ako madalas eh pagkaing pinoy ang luto ko..., Lahat halos ng luto ko eh kain ng hubby ko. Favorite nya yung Dinuguan at Bopis... Pero isa lang ang ayaw nya yung BALOT, kawawa naman daw kasi yung sisiw.:p

la_tina512
03-18-2007, 10:04 PM
pasali ha? sabi ni granny goose (hubby ko) wala raw vitamins pagkain natin kaya sa much as possible ayaw nya. sabi ko andon na nga lahat ng vitamins. pero kumakain sya ng sinigang (pork and shrimps), adobong manok, kalderetang baka. ok din sa mga ninjas ko + macaroni soup, apritada, pancit bihon/canton, tinolang manok.. 'yong bunso ko at pangalawa gustong-gusto ginisang sardinas sa sibuyas and toyo natin. si bunso naman gustong-gusto ng bagoong. once a week may kasama akong pagkain natin sa menu. :)

marius
03-20-2007, 10:44 AM
Bakit kaya ganon, ayaw nila ng bagoong kahit amoy lang yong anak ko nasusuka na halos di na makahinga mailapit mo lang sa kanya. Bakit daw gustonggusto ko yong mabaho. Sabi ko nasa mabaho ang masarap! Katulad nila gustong gusto rin nila ng "NATTU" mas grabe pa ang baho :p;):lol:

tokyoboi2
03-20-2007, 11:02 AM
Ako naman yong asawa kong haponesa gustong gusto niya ng monggo kahit walang kanin hehe! Pati ang tatlo kong mga anak gustonggusto nila kaya ang tawag nila ay "monggorice":eek:
wife ko gusto rin nya mongo pati anak ko, i use spinach kasi wala namang dahon ng ampalaya pero sarap na sarap sila. Instead na bagoong yong powdered na katsuo gamit ko to taste.
tortang talong fave dn nilang mag ina.

aj_4983
04-13-2007, 01:29 PM
Nagluluto din ako ng lutong pinoy like sinigang n buto-buto, pinakbet, adobong atay/baboy/, ginisang ampalaya w/egg. Uhm...kinakain nmn nya. Pag nga nagluto ako ng pinakbet asked ko sya kung ayaw nya kc nga d b malansa ung bagoong isda, ok lng dw msarap nmn dw eh.
No prob nmn s knya kung magluto me ng lutong pinoy:) . Ayaw n lutong pinoy? wla p nmn.

maimai
04-13-2007, 03:02 PM
ayaw ni hubby ng Mongo,ewan ko ba hindi raw yun ulam at awanai daw sa gohan!!!peyborit ko pa naman!!
.....dinuguan....kad iri raw kase!


si habibi din ayaw sa mongo..ewan ko ba..masarap naman yun!!:food:



nakakainggit naman yung mga asawa nyo..kahit konti nakakain ng phil.foods..sa akin so far Tilapia palang ang nakakain nya!!:scratch: ..

salamat ulit sa pag-share nyo ditow..:sweeties:

emyken1423
04-13-2007, 03:10 PM
pasali po ako dito........ayun.... si habibi ko saka baby ko pinaka ayaw nila yan...bagoong, saka tuyo...as in pag naamoy nila yan....takbuhan sila sa cr........dati ayaw din nila ng Adobo mapa baboy or manok or ipagsama mo siya...........ayaw nila....kaya ginawa ko....

Adobong manok/baboy....with shrimp........tapos lagyan ko ng konting asukal para manamis namis.....

Nilagang baboy saka manok.....mas masarap para sa kanila kung magkasama ang lasa niyan.....saka chicken cubes or pork cubes........


Tinolang manok....kahit walang sayote....sarap na sarap sila......ginagawa ko yung pinag hugasan ko ng bigas na issasaing ko...yun ang nilalagay kong sabaw sa tinola......

tortang talong....yan yung pinaka simpleng sangkap lang ....okey na yan sa kanila.......

yung merong mga tomato sauce na luto......ayaw din nila........kaya yang apat lang yan ang pwede kogn mailuto sa bahay.........

SWEET_REINA
04-13-2007, 04:04 PM
si habibi ko nman lahat ng lutong pinoy ok sa kanya huwag lng yung lutong may gulay!!favorite ko pa naman ang gulay kesa a karne,kaya more on karne ang luto ko,ok sa kanya ang ADOBO MANOK,OR BABOY,basta medyo matamis ang timpla,so nilalagyan ko ng asukal,NILAGANG BAKA,soup at laman nga lng ang kakainin nya kasi nga ayaw nya ng gulay!tsalap tsalap pa nman nun!!,MENUDO,LONGGAN ISA,EMBUTIDO,HOTDOG, BEEF TAPA,at MALING!yan ang favorite ulam nya,,ayaw lng ng habibi ko ng ulam na may gata!khit anong klase basta may gata ayaw at SINIGANG!kasi maasim daw!,yun lngpo,hindi nman masyado maselan si habibi!,pag nag-selan cia hindi ko na sya pagluluto!heheeh

nasty
04-25-2007, 11:19 AM
gusto ng asawa ko sopas pero walang patis ha ,consome nilalagay ko ,adobo with konting sugar din ,nilaga ,tinola and sinigang ,fevoritz niya :D ayaw niya :( ginisang pechay giniling and any food na me bagoong:eek:

aki^-^
04-25-2007, 11:39 AM
ayaw ng hubby ko TUYO..... mabaho daw....haaay, gustong gusto koo pa naman yun lalo na may suka at sili:)

angela777
05-09-2007, 08:48 PM
ang asawa ko pagdating sa pagkain nating mga pilipino ay halos ayaw nya..kaya sabi ko sakanya matuto kang kumain ng philippine food...balot ang pinakaayaw nya kainin...

yukio_cris
05-09-2007, 09:16 PM
ayaw din hubby ko laing...:confused:

yui
09-04-2007, 04:01 AM
hay...halos karamihan pala ayaw ng sinigang ano??iyong luvs ko ayaw din niya nuon kumakain pa din siya pero pilit alam kc niya benkyo pa lng ako kya wla siyang choice pero naawa naman ako kya hindi na ako luto since wala naman akong mabilhan ng sampaloc talaga ok na din. hindi niya masyadong gusto ang phil food pero napapakain ko po siya.. hate na hate din niya ang bagoong pero nagiisa lang ang alam kong kahit ayaw kong lutuin ay ikukulit niya sa akin................ .................NIL AGANG BAKA with petchay and tomatoes. sarap na sarap siya dun kaya kapag request talagang kailangan kong mamili sa hanamasa dahil bihira ang nagtitinda ng may litid litid na baka at saka bones. Kapag nagluto ako ng nilaga kailangan madamig mdami kc 3days niya kakainin(tipid at pahinga :D ) kapag kulang after 2days request siya ulit..hehehehe

ANGELIKA22
09-04-2007, 09:57 AM
haay nakow, ang asawa kong maarte, nagluluto pa lang ako ng pilipin yori ayaw na nun. amoy pa lang alam na nya kung anong niluluto ko kaya todo bukas sa bintana at pintuan un. minsan nakakasakit na rin sa damdamin eh, para bang diring-diri sya:mad:

musikaghie
09-04-2007, 11:12 AM
Hello Maimai

Lahat ng sinabi mong foods gustong gusto ng asawa ko,ayaw lang niya ng Balot,kasi nakakaawa daw yon sisiw,pero penoy bagoong tuyo dilis lahat gusto niya...

lay
09-04-2007, 02:41 PM
Ako po ayaw kainin ni hubby na Philippine food ..
may coconut milk at sopas yan lang talaga ayaw nya kainin kahit na sinasabi ko kapag di sya kumain wag na sya uuwi ng bahay.:D

Sentinel
09-04-2007, 03:09 PM
may alam kayo mabibilhan ng dahon ng laurel around ueno o asakusa, at ano tawag nila don kung meron?

Arigatou!:)

docomo
09-04-2007, 04:09 PM
may alam kayo mabibilhan ng dahon ng laurel around ueno o asakusa, at ano tawag nila don kung meron?

Arigatou!:)

May nabibilhan po nyan kahit saang supermarket sa Japan nakasulat sa katakana ローレル > Laurel din po nakasulat sa baba ng katakana... product ng S&B yan , check mo dun sa mga spices section makikita mo yan .:)

summergirl
09-04-2007, 06:19 PM
Balot at dinuguan..Kadiri daw at ang balot,kawawa naman daw..sabagay di ko rin naman kinakain ito kaya ok lang sa akin..

jettmania
09-04-2007, 10:05 PM
My mom didn't like the smell of Dinuguan. She likes Sinigang na Baboy though.

cutie1403
09-05-2007, 08:25 AM
ang husband ko naman ang nakakain lang na philippine food eh chopsuey,tortang talong and the rest ayaw na nya.yung sopas minsan kinakain,minsan hindi.natatawa nga ako dati,pinagluto ko sya ng chicken curry,ayun sumakit ang tiyan:D .di ko siguro masyadong napakuluan yung gata na galing sa lata.tapos na confine pa sya sa hospital dahil sa mga niluluto ko.awanai daw sya :confused: .kya ngayon paulit-ulit na lang niluluto ko na kinakain nya.at ako eh nagsasawa na din sa luto ko.

mystery_jp
09-05-2007, 09:25 AM
try to cook him a simple japanese food....あなたの旦那さんはよろこ んでだっと思いますよ:)

mystery_jp
09-05-2007, 10:53 AM
by the way i just want to add this...
not all the japanese people can eat our food or some filipinas here can eat all of japanese food..
likewise,my husband can eat anything filipino foods:) because he loves me so much.

cutie1403
09-05-2007, 03:16 PM
ganoon ba yon?pag di kumakain ng japanese food ang asawa ibig sabihin di ako mahal?:confused: ano kinalaman ng pagkain sa pagmamahal?:confused :

justine
09-05-2007, 08:35 PM
Pasali pow...Ang huzband ko naman ayaw ng macaroni sopas,macaroni salad:( hindi nya daw type...bukod diyan wala na...type na nya lahat ng ihain ko:D

dianne
09-05-2007, 08:51 PM
by the way i just want to add this...
not all the japanese people can eat our food or some filipinas here can eat all of japanese food..
likewise,my husband can eat anything filipino foods:) because he loves me so much.


really ~~~:)

even balot & dinuguan ....eh yung lutong kapampangan na palakang kekok kumakain din sya ~~~ just asking ~~~;)

yukio_cris
09-05-2007, 09:36 PM
ipag bukas mo ng lata ng sardinas ang asawa ko, solve!!!

nasty
09-06-2007, 05:54 PM
by the way i just want to add this...
not all the japanese people can eat our food or some filipinas here can eat all of japanese food..
likewise,my husband can eat anything filipino foods:) because he loves me so much.ganon pala yun?:confused: :confused: :confused:

mystery_jp
09-10-2007, 01:31 PM
i was joking:) ganun talaga mga hapon mapili sa pagkain lalo na sa pagkain natin...

maimai
09-10-2007, 01:47 PM
really ~~~:)

even balot & dinuguan ....eh yung lutong kapampangan na palakang kekok kumakain din sya ~~~ just asking ~~~;)
oo nga naman:p ..pakainin nya kaya ng mga ganyan...tingnan natin kung sasabihan pa sya ng i love u~~!! :hihi:


ganun...ibig sabihin di kami lab ng habibi namin kasi di sya kumakain ng phil.foodss~~!!:eek: :D (jowk din):p

wolfgang
09-10-2007, 01:59 PM
ganun...ibig sabihin di kami lab ng habibi namin kasi di sya kumakain ng phil.foodss~~!!:eek: :D (jowk din):p
whuaaaaaaa kalongkot naman nito...mamaya aawayin ko asawa ko...palalayasin ko siya....aba...di niya pala ako lab...kasi di siya mahilig kumain ng Phil.foods....:mad: :D

yui
09-20-2007, 09:37 PM
whuaaaaaaa kalongkot naman nito...mamaya aawayin ko asawa ko...palalayasin ko siya....aba...di niya pala ako lab...kasi di siya mahilig kumain ng Phil.foods....:mad: :D


di naman po siguro ganun un. Kasi bakit tau mahal naman natin parents natin pero meron talagang food na pinapakain na hindi natin makain.:) siguro po tama po si maimai-san, kapag mahal "Ita-try". nung nasa pinas ako hindi talaga ako kumakain ng gulay. Kankong sa sinigang lang wala ng iba.kahit ibang luto ng kangkong di ko kaya,pero nung nand2 na ako pinapakain ako ni hubby. Alam ko namang para sa katawan ko un saka gusto ko din siya masiyahan kya try ako talaga pero meron pa din ako hindi makain but it doesnt mean i don`t love him:p . For sure lahat naman po tayo d2 sa una nagtry din ang mga asawa natin pero meron talagang hindi nagugustuhan. lalo`t un ang kinalakihan nilang panlasa:D

meron po ba sa inyong kumakain ng mga insekto?or sawa?or ung soup #5?kung mahal niyo ba si hubby makakain niyo po ba ito?:p

jettmania
09-22-2007, 01:26 AM
Para lang yan balot sa pinas merong kumakain meron naman hindi.

Choco
10-02-2007, 10:17 PM
haay nakow, ang asawa kong maarte, nagluluto pa lang ako ng pilipin yori ayaw na nun. amoy pa lang alam na nya kung anong niluluto ko kaya todo bukas sa bintana at pintuan un. minsan nakakasakit na rin sa damdamin eh, para bang diring-diri sya:mad:


nakakalungkot ano? Yes, ganyan din x-huz ko. Napuno ako so empake ang labas..hehehe!
Bahala ka sa buhay mo baga. But it's not the only reason why we part our ways.
tsalap..tsalap ng lutong pinoy ah! slurp... tulo laway ko sa mga binanggit ninyong ulam.
kung makaluto kayo pakipasa dito sa bintana...pls:D

serenityjil
10-03-2007, 07:23 AM
si hubby ko hindi naman galit kumain ng pagkaing pilipino... :thumb: :thumb: :thumb:
nakain pa nga yun sa firipin resto...
@ one time nagluto ako ng paksiw hindi masarap kinain pa rin nya...
touch nga ako eh...
kasi ako hindi ko makain yung niluto ko na paksiw pero sya kinain nya pa rin... :p :p :p

akari
10-03-2007, 11:35 AM
i share ko rin yung ayaw nang habibi ko ng pagkain ng philippine food...hay naku halos lahat ng pagkain ng phil.food inde kinakain walang kwentang asawa naturingan masarap akong magluto inde kinakain :confused: maliban lang yung tilapia at longganisa yan lang ang kinakain niya at wala ng iba....ayan maimai nag share nako ng ayaw ng habibi ko:D AKARI POW!

fat_lady
03-24-2008, 05:16 PM
hi! ms maimai:wave: makikisaki na rin ako dito

hate na hate ng asawa ko ang paksiw na isda kasi ang asim-asim daw ng amoy at lasa nito pero favorite nya ang sinigang na hipon at baboy kahit maasim ok lang... ang sarap-sarap daw:food: ang gulong kausap:grinny:

ayaw na ayaw din nya ang amoy ng patis kaya kapag nagluluto ako at gusto kong lagyan lagi ko siyang inuutusan sa kwarto o kaya naman sasabihin ko sa kanya nai-ihi ka diba!? punta kana ng CR or maligo kana kaya:nuts: tapos sabay lagay ng patis at bukas ng bintana na parang walang nangyari:whistle: bahala nang magka-bistuhan kapag kakain na wala na rin naman siyang magagawa eh:hihi:

pero kahit ano naman ihain ko sa kanya na filipino food di naman nya ako pinapahiya kumakain pa rin siya...:kiss:

titakoring
03-24-2008, 06:02 PM
pag dating sa pagkain pinoy un lang ulam na me gata at isdang
me tinik ang hate nya:mad: kahit anong isda kailangan na i boneless
un.....pero halos lahat ng pagkain swak sa panlasa nya.....lalo ang
mga kakanin sa atin.....un ngang LIGO SARDINES igigisa ko lang sa
sibuyas at luya naku happy na un.....okawari pa:D pag nagsisimba
kami sa yotsuya nasa labas lang un at nanginginain dun sa labas
ng simbahan hehehehehehe:D

my_style0729
03-24-2008, 06:21 PM
makisali narin po ako:)

yung hubby ko sinigang ang pinakaayaw niya,maasim daw tsaka balot kase mabalahibo daw tsaka tuyo kasi mabaho daw ...halos lahat naman yata ng mga hapon ayaw ng sinigang eh.
di mo naman mapilit kung ayaw,hay naku hirap talaga pag iba ang nakasanayan na:(

LAVENDER
03-24-2008, 10:44 PM
Hello
Marami na akong friends na pinakain ko ng sinigang at nagustuhan kasi sinabi ko ang good benefits ng sampalok sa ating katawan.
Try to put miso pag nag sigang kayo ng isda.
Pag nag pi prito kayo o nagluluto na medjo alam nyong matindi ang amoy, light a candle , na a absorb nito ang melon amoy......
Pag adobong manak o baboy naman ,1:1 ang water at suka para di masyadong maasim and put some merin..It works sa japanese taste.
Pumatok din ang suka ko na nilagyan ko ng madaming bawang, sibuyas at sili. Maganda sa pag maintain ng blood pressure. Nag sipag gayahan ang mga japanese friends ko.
Konting commercial lang at your husband will appreciate what you were cooking. Tell the benefits that they will get and they will surely love it.

Enjoy cooking !

louvette_15
03-24-2008, 11:03 PM
ayaw ng asawa ko ung mga luto nating may gata maliban sa biko, sinigang, pinaksiw na isda at corned beef...

majime22
03-25-2008, 01:44 AM
...balot and sinigang:D

Trecee
03-26-2008, 05:53 PM
hi, maimaisan pasali din:)

ang hate nman ni hubby ng pagkaing Pinoy ay alamang/bagoong, toyo, at monggo. dati nagdala ako ng alamang, binigay ko nlng sa frind ko kasi mabaho dw sa bahay pati toyo. at syempre balut nakakaawa daw yung sisiw.

favorite nman nya sinigang at adobo...yan pnagyayabang nya sa mga kapatid at frinds nya. kaya tuwing may okasyon nagpapaluto sya nyan.:food:

Trecee
03-26-2008, 06:08 PM
really ~~~:)

even balot & dinuguan ....eh yung lutong kapampangan na palakang kekok kumakain din sya ~~~ just asking ~~~;)


miss dianne,

natutuwa ako dun sa palakang kekok:p...


ano po yung kekok?:)

rhynissa
03-26-2008, 09:15 PM
hello sistah, pasali nga din.. asawa ko di naman maselan (sabagay pinoy naman siya) mas maselan pa ako wehehe.. pero if ever may aarte sa mga niluto ko, aba lalo ko siya aasarin wahahaha.. nakakatuwa kasi pakainin ang taong ayaw sa ganito/ganung pagkain diba? :babe::D