View Full Version : Lumalaban din ba sa inyo ang anak nyo...
amazona
04-24-2006, 06:05 PM
mga frendz yung mga anak ninyo minsan lumalaban din ba sa inyo,sinasagot sagot kayo?dumating ba ang minsang gusto na ninyong sakalin sa galit.dahil sa sobrang makasagot.at ayaw makinig sa pangaral.paano ninyo nareresolba ang ganitong problem ,na hindi ninyo nasasaktan ang anak ninyo.kasi ang problem ko sa anak ko mulat sapol mahilig na siyang mangatuwiran kahit alam niyang mali ang kanyang sinasabi.sagot pa din siya.ng sagot .kasi babae siya takot akong mapariwara siya kaso ang lakas maka empluwensya ng barkada sa buhay niya di ko siya anak sa hapon pero feeling niya hapon siya di ko siya makasundo talaga.
Hello Kitty
04-24-2006, 06:43 PM
mga frendz yung mga anak ninyo minsan lumalaban din ba sa inyo,sinasagot sagot kayo?dumating ba ang minsang gusto na ninyong sakalin sa galit.dahil sa sobrang makasagot.at ayaw makinig sa pangaral.paano ninyo nareresolba ang ganitong problem ,na hindi ninyo nasasaktan ang anak ninyo.kasi ang problem ko sa anak ko mulat sapol mahilig na siyang mangatuwiran kahit alam niyang mali ang kanyang sinasabi.sagot pa din siya.ng sagot .kasi babae siya takot akong mapariwara siya kaso ang lakas maka empluwensya ng barkada sa buhay niya di ko siya anak sa hapon pero feeling niya hapon siya di ko siya makasundo talaga.grabe naranasan koyan pero baliktad ako yung anak,sa kwento mo parehongpareho,kung ayaw mong mapariwara hanggat maaga dalin mo kaagad sya dito.kwento ko sana buhay ko kaya lang mala teleserye mahaba.hahaha baka makatulog sa sobrang haba:D
Autumn
04-24-2006, 07:24 PM
3 days ago.nag karoon kami ng gulo dito sa bahay.ewan ko ba.nagtataka nga ako bakit biglang sumagot sagot sa akin yun bunso ko.di naman nya nature na sumagot.
lately napansin ko na parang ayaw nyang kinakausap sya.tapos yun room nya grabe parang bodega sa kalat .hindi ko naman mapaki alamang linisin.alam nyo naman dito sa japan.privacy daw kahit na nanay ka hindi ka pwedeng pumasok sa room nila.so sinabi ko mag linis ng kwarto.akala ko naman naglilinis nga.
yun pala nakikinig ng music na naka earphone at full volume kasabay nag babasa ng magazines.inulit ko yun utos ko...sabi sa akin DAMARE.syempre nagulat ako.tinanong ko kung bakit or baka may problem sya at ganoon reaction na..alay sumagot sagot ng pabalang balang. at pinagtawan pa yun nihonggo ko.so sinampal ko na dahil nawawalan na ng respeto .alay lumaban.nanipa .nagwala talaga siya.at pinalalayas pa ako sa bahay. nag dilim yata isip ko..namalayan ko na lang na yakap yakap ako ng Ate nya..dahil sakal sakal ko na pala yun kapatid nya.
naiyak talaga ako sa galit .kasi naman hindi ko nagawa sa magulang ko ang sumagot.eh sya nanakit pa.pati yun panganay ko hindi ginawa sa akin yun.ngayon hindi pa kami nag uusap.pero mukhang natauhan na at nahihiya sa ginawa nya.
sabi ng mga kaibigan kong japanese.dumadaan daw talaga sa ganoon ang mga bata dito.pabayaan ko lang daw at babait din daw uli.siguro nga stres sya sa school. sya kasi ang student president.ang hirap lang tanggapin na yun anak mo na minamahal mo.at lahat eh isinakripisyo mo na eh ganoon pa ang gagawin.
hindi ko maipaliwang yun pakiramdam na nasaktan ka ng sarili mong anak...
so far yun palang naman ang naging problema ko..home body kasi mga anak ko.hindi rin pala barkada..
napahaba yata.pasensiya na ..salamat sa pag open mo ng thread na ito.wala lang akong lakas ng loob na simulan ito.nung isang araw pa sana gusto kong ipost ito eh.
PILIPINAS
04-24-2006, 07:40 PM
3 days ago.nag karoon kami ng gulo dito sa bahay.ewan ko ba.nagtataka nga ako bakit biglang sumagot sagot sa akin yun bunso ko.di naman nya nature na sumagot.
.............. lakas ng loob na simulan ito.nung isang araw pa sana gusto kong ipost ito eh.
napaluha po ako sa kwento ninyo. napakahirap talagang maging isang ina. give space and more time sa daughter ninyo para maisip niya ang mali niya at hindi na niya ito uulitin. tama po 'yon na huwag ninyo munang pansinin at kausapin. antayan ninyong humingi ng tawad at magsabi ng "sorry". don't worry po, kayo po ang nagpalaki sa kanya, kaya siguradong magiging mahusay at maayos ang kanyang future.:O
akiam
04-24-2006, 07:41 PM
[quote=Autumn]...sabi sa akin DAMARE.syempre nagulat ako.tinanong ko kung bakit or baka may problem sya at ganoon reaction na..alay sumagot sagot ng pabalang balang. at pinagtawan pa yun nihonggo ko.so sinampal ko na dahil nawawalan na ng respeto .alay lumaban.nanipa .nagwala talaga siya.at pinalalayas pa ako sa bahay. nag dilim yata isip ko..namalayan ko na lang na yakap yakap ako ng Ate nya..dahil sakal sakal ko na pala yun kapatid nya.
nakakalungkot naman yan. honestly, iyan ang ikinakatakot ko. marami akong naririnig at napapanood na ganyan. andiyan na me ginagawa pa silang masama sa pamilya nila. sana naman at maging maayos na sa inyo ang lahat. siguro kung mangyayari din yan sa akin, ang una kong gagawin ay ipadala sya sa Pilipinas. kahit di ko man siguro gustuhin.
fremsite
04-24-2006, 08:21 PM
amazona and Autumn .. mga prenship ~~~ di ko alam kung pano mag-umpisa ..
mga anak ko kasi ... hindi pa ako sinagot-sagot ... hindi sa takot sila sa akin o sa tatay nila ..
busog lang siguro sila sa pangaral .. pangaral na alam namin kung kelan sasabihin sa kanila .. kailangan .. alam din ng mga magulang yung mga ups and downs ng mood ng mga bata .
hindi ko naman sinasabing perpekto kami sa pagpapalaki .. may nangyayari din na hindi namin talaga inaasahan pero .. hindi namin pinagbubuhatan ng kamay ang mga bata . puro lang kami pangaral at bigay ng example para makuha nila kung ano ang ibig naming sabihin . lalo na yung hubby ko .. maganda magpangaral yun kasi yung mga halimbawa niya .. nilalagay niya dun sa makukuha attention nung bata . mahirap silang ( mga bata ) maintindihan minsan lalo pa at kung nagsisipag-dalaga / binata na .. ang mabuti nyong gawin is .. pabayaan nyo lang sila sa mga moods nila .. wag lang aabuso kasi ibang usapan na yun . pag kasi nag-subside na sila sa pagiging moody , pagiging walang kibo , laging naka-angil , .. pabayaan lang at lilipas din yun ..
basta dyan lang kayo lagi sa tabi nila .. itanong nyong mabuti kung may problema ba or what .. kung ayaw magsalita ..pabayaan nyo lang .. magsasalita din sila pag nagtagal .. ang mga bata .. mapa-hapon o pilipino o kahit na ano pang nasyon siguro .. pare-pareho lang .. nasa pag-papalaki siguro .. kung may barkada silang sa palagay ninyo ay hindi makakabuti sa kanila ..
kausapin po agad ang mga bata .. ng malumanay .. ito na lang muna po .. ang sa akin lang eh .. sariling opinion .. wag pong mamasamain ..:)
stariray
04-24-2006, 09:05 PM
amazona and Autumn .. mga prenship ~~~ di ko alam kung pano mag-umpisa ..
mga anak ko kasi ... hindi pa ako sinagot-sagot ... hindi sa takot sila sa akin o sa tatay nila ..
busog lang siguro sila sa pangaral .. pangaral na alam namin kung kelan sasabihin sa kanila .. kailangan .. alam din ng mga magulang yung mga ups and downs ng mood ng mga bata .
hindi ko naman sinasabing perpekto kami sa pagpapalaki .. may nangyayari din na hindi namin talaga inaasahan pero .. hindi namin pinagbubuhatan ng kamay ang mga bata . puro lang kami pangaral at bigay ng example para makuha nila kung ano ang ibig naming sabihin . lalo na yung hubby ko .. maganda magpangaral yun kasi yung mga halimbawa niya .. nilalagay niya dun sa makukuha attention nung bata . mahirap silang ( mga bata ) maintindihan minsan lalo pa at kung nagsisipag-dalaga / binata na .. ang mabuti nyong gawin is .. pabayaan nyo lang sila sa mga moods nila .. wag lang aabuso kasi ibang usapan na yun . pag kasi nag-subside na sila sa pagiging moody , pagiging walang kibo , laging naka-angil , .. pabayaan lang at lilipas din yun ..
basta dyan lang kayo lagi sa tabi nila .. itanong nyong mabuti kung may problema ba or what .. kung ayaw magsalita ..pabayaan nyo lang .. magsasalita din sila pag nagtagal .. ang mga bata .. mapa-hapon o pilipino o kahit na ano pang nasyon siguro .. pare-pareho lang .. nasa pag-papalaki siguro .. kung may barkada silang sa palagay ninyo ay hindi makakabuti sa kanila ..
kausapin po agad ang mga bata .. ng malumanay .. ito na lang muna po .. ang sa akin lang eh .. sariling opinion .. wag pong mamasamain ..:)
Salamat sayo amazona dahil nag open ka ng thread regarding sa mga attitude ng kabataan sa ngayon kase last week lang din may nangyari din saming mag inang awayan...talagang nagugulat din ako sa nagiging asal ng anak kong bunso d2 kase cya lumaki...noong shogakko palang mabait cya at malambing pa sakin...then nang magtsugakko na medyo may pagbabago na cya na nagiging masungit at sumasagot na ng pabalang...then this yr. na kokosei na cya wala ng respeto sakin pagsinasaway ko sa mga pagkakamali nya... ang masakit pa nito parang kinakampihan pa nung ttay nakikita ng lumalaban sakin wala lng imik..ganun daw tlga ang lalaking hapon d2 sa japan medyo tigasin kung magsasagot..kaya wala na rin akong nagawa dinaan ko na lang sa iyak at dasal...nakakasama tlga ng loob kase parang bale wala lang sa mga batang lumaki d2 sa japan yung sakripisyo na ginagawa mo para sa kanila tsaka ako na ang tumayong padre de pamilya kase matanda na rin asawa ko walang shigoto wala ring nenkin na tinatanggap sa gobyerno...haaay~mah abang istorya puede ng isali sa drama episode ng May nagmamahal sayo Kapamilya pero d2 sa japan wala atang nagmamahal na kapamilya kooo:weep: Pacencya na mga ka TF share lang to ng problema ko sa anak sana sama nyo na lng ko sa prayer nyo na maliwanagan isip ng anak ko...
ritzyu
04-24-2006, 10:24 PM
Share ko na rin yung sa akin, ang anak ko nagbibinata na siya, malaki
katawan niya, blackbelter siya sa judo at karate, mataas rin siya tulad
ng ama niya, ako naman ay di kataasan at slim pa katawan, pero oras na
sumigaw na ako, di na siya kumikibo ( pati ama nagugulat ko). Minsan ayaw
lumabas ng kuwarto niya,( para siguro di niya ako makarate o ma-ijudo kaya)
pero oras a tinawag ko na kakain na, baba ng hagdanan yan, matunog nga
lang pag-baba, pero tiyak sasabay siyang kumain, dahil alam niya tahimik ako
pag kumakain na. at talagang nakalipas ng galit ko. (pag daw kasi busog di mainit
ang mga ulo)
Sa edad nilang yan kailangan na nila ng privacy, pero sa privacy na yan nagsisimula
ang hiki-komori, ayaw lumabas ng kuwarto at magkukulong, sa akin lang to 'to, para
di mag-escalate yan, yung bedroom niya at tsukue (study table niya) ay nasa
iisang kuwarto sa taas ng bahay, yung computer niya at mga games ay sa ibaba
naman ang kuwarto noon at tanggapan ng mga kaibigan niya. Ayoko kasing oras
na nagagalit siya at pumasok na sa kuwarto niya, makasanayan na niyang magmukmok
na lang, nage-escalate na pala ang galit sa iyo, di mo pa nalalaman. Kahit nagagalit
yung anak ko bumababa yon naglalaro ng game o nag co-computer, at least na-
oobsebahan ko yung tension niya kahit paano. Pero di ko pa rin masasabi na ayos
nga ang ganoong paraan, nagangapa pa rin ako, habang lumalaki sila doon palang
din kasi tayo natututong maging magulang.:)..iba ang klase ng mga nagsisilaki po
talaga ngayon, mahirap magsuheto..nakakapag od!
aprilluck
04-24-2006, 11:12 PM
yun pala nakikinig ng music na naka earphone at full volume kasabay nag babasa ng magazines.inulit ko yun utos ko...sabi sa akin DAMARE.syempre nagulat ako.tinanong ko kung bakit or baka may problem sya at ganoon reaction na..alay sumagot sagot ng pabalang balang. at pinagtawan pa yun nihonggo ko.so sinampal ko na dahil nawawalan na ng respeto .alay lumaban.nanipa .nagwala talaga siya.at pinalalayas pa ako sa bahay.
Autumn ,amazona and stariray ,Pag ba sinasagot kayo ng mga anak n'yo at narinig ng husband n'yo ay kinakausap ang anak n'yo? ipagtatanggol ka sa anak mo or pagagalitan ,pagsasabihan ang anak n'yo para sa inyo ?,Kasi malaking factor ito ,Kung dedma lang ang father sa ginawa ng anak sa Ina ,lalong magkakalakas ng loob ang anak n'yo na ulitin uli ang ginawa or ginagawa sa inyo .Iba rin kasi kung ang father ang magbigay ng ultimatum sa anak .
May kaibigan ako dito ,iyung anak n'ya dati ganyan din ,sinisipa s'ya,parang ang tingin sa kanya alila kung utusan ,kasi parang bale wala lang doon sa ama kahit naririnig kung sigaw-sigawan iyung Ina ,noon tumagal lalong naging grabe,maglalayas na nga sana kaibigan ko noon kung hindi lang napigil ng mga hipag n'ya tapos kinausap ng masinsinan iyung asawa n'ya para disiplinahin ng seryoso iyung anak ,ayun medyo natakot sa ama magmula noon ,Unti -unti daw nagbabago na ngayon.Pag ganyan kasing problema dapat may kaoperasyon ang ama, hindi lang dapat ang ina ang mag-intindi .
Sa anak ko naman wala pa akong ganyang experience,nakakatul ong ko pa nga dito sa gawaing bahay iyung panganay ko(lalaki) na kokou ichinen sei ,naghuhugas ng pinggan ,naglilinis ng bahay,toilet,bathroo m, magpakain ng aso namin.Hindi rin naman ako ganoong ka-expert sa pagpapalaki ng anak ,basta ang alam ko lang ,magmula noong maliit pa sila itinanim ko sa isip nila na magulang nila kami na dapat respetuhin sa ayaw at sa gusto nila,pareho kami ng husband ko na umaasikaso sa kanila ,nakikita din mula pa sa umpisa lagi akong tinutulungan ng husband ko sa mga gawaing bahay kaya parang normal lang din sa kanila iyung gumawa at tumulong sa bahay kung may time sila.
Last but not the least simula pa noon hanggang ngayon ,magkakasabay kaming kumakain ng hapunan ,kahit anong late pa ng asawa ko ,hihintayin namin ,kasi iba rin yong laging magkakasabay sa pagkain ,kahit simple lang ang kinakain namin pero masaya kami,lalo na ako,marami kaming napag-uusapan ,kaya rin siguro natural lang sa amin iyung lagi kaming nag-uusap ,di nila feel na annoy sila pag may itinatanong ako .
Mag -uasp kayo ng asawa n'yo tungkol sa anak n'yo ,di kasi simpleng bagay iyan .Good Luck.
Stacie Fil
04-25-2006, 12:09 AM
mga frendz yung mga anak ninyo minsan lumalaban din ba sa inyo,sinasagot sagot kayo?dumating ba ang minsang gusto na ninyong sakalin sa galit.dahil sa sobrang makasagot.at ayaw makinig sa pangaral.paano ninyo nareresolba ang ganitong problem ,na hindi ninyo nasasaktan ang anak ninyo.kasi ang problem ko sa anak ko mulat sapol mahilig na siyang mangatuwiran kahit alam niyang mali ang kanyang sinasabi.sagot pa din siya.ng sagot .kasi babae siya takot akong mapariwara siya kaso ang lakas maka empluwensya ng barkada sa buhay niya di ko siya anak sa hapon pero feeling niya hapon siya di ko siya makasundo talaga.
Hi Amazona,
Huwag kang ma o-offend ah, pero nagtataka lang ako. Alam mo na pala noon mulat sapol eh mahilig mangatwiran, means hindi na bago ang problema. Medyo ngayon e full blown ika nga. Totoo rin naman na dumarating sa kabataan ang confusing period during adolescent, like identity crisis.
Opinion ko lang. Kung maibibigay mo pa, at maa-accept naman yung pattern nang upbringging sa atin na, nananalangin nang sabay, nagmamano,minamatyag an ang kilos at kung minsan eh nagkakausap/kwentuhan pa rin kayo na pwede mo siyang kunsultahin sa pananaw sa isang bagay, at gagabayan mo rin nang iyong halimbawa o prinsipyo. baka sakali eh,.. sana nga ay matuwid yung ugali na gusto mo para sa kanya. Sana rin eh magkaron siya nang desire to share more time with you, than with her barkada. At maipakita mo na di lahat nang napulot niyang salita, ugali sa labas or napanood sa TV ay pwede at acceptable sa bahay. Hindi kayo basta kalaro, but syempre eh magulang. Let her find a new better circle of friends at first. Inspire her to join worthwhile group activities/volunteers. Ler her find a good and a right self/ mind frame from other models, kung di mo man personally maibigay.
Nakakalungkot talagang isipin pag ganyan.
SHAMPOO
04-25-2006, 12:23 AM
hello amazona san...sali na rin ako dito ha;)
share ko na rin un sa akin. di pa naman nangyari sa amin ng mga anak ko na mag away ng grabe.pero may time na nagsasagutan kami ng panganay ko...pero di yung sagutan na sigawan. minsan kasi magsasalita sya na akala nya haponesa kausap nya, na namis interpret ko, na napupunta sa sagutan na bandang huli nagkakaliwanagan din.
pag nagalit ako sa kahit sino sa anak ko, ang asawa ko naman di kikibo pero after ng galit ko kakausapin nya ang mga bata na di ko naririnig..halimbawa sa ofuro pag sabay cila maligo. dapat daw kasi di sabay na magalit ang magulang sa anak.
di rin uso sa amin ang privacy sa mga bata gaya ng nakagawian ng mga hapon. may sarili silang kwarto pero di nila pwede isara ang pinto unless lang kung mag rereview sila. di ko rin pinalagyan ng tv room.pero pag dumating mga frnd nila pwede sa room nila wag lang magsasara.
amazona san...try mo lang kausapin ang anak mo..wag mo sabayan ang galit nya at sigurado di kayo magkakaintindihan... lagi mo sya kausapin... baka nagpaparamdam lang sa iyo;)
GAMBATTE NE:D
proud me
04-25-2006, 01:11 PM
hello amazona san, siguro kung magkukwento ako ng mga pinagdaanan ko tungkol sa mga anak eh,sa sobrang daming nangyari sa amin napaka habang istorya...katulad mo meron din akong mga anak sa dati kong jowa.nakapag asawa uli ng hapon at nagkaron kami ng anak na girl kaya nag iisa syang girl spoild.yong mga kuya nga niya hindi pa nakakarating dito sa japan eh,marami rin kasing mga dapat unahin alam mo naman pag meronng gagawin pera ang kailangan...maagang nagsipag asawa yong mga anak ko...pero kailangan kong tanggapin lahat yon ng maluwang sa sarili ko.ginagawa ko na lang sa sarili ko kapag may problema nakikiramdam.kapa dito kapa doon kung kinakailang pabayaan muna ...ginagawa ko...kung kinakailangan sabayan ko sinasabayan pinapakita kong hindi lahat ng oras makiki ayon ako...maraming beses narin akong pina iyak...sama ng loob bilang ina...kaya lagi kong dinadasal sana lagi akong matatag sana...lagi kong makita ang sagot sa bawat problema ng mga anak ko...sana lagi kong kayang magabayan ang mga anak ko para matuto silang maging matatag sa sarili nila...habang ako rin nagpapatibay ng katatagan sa sarili ko...friend...tibaya n mo pa ang loob mo mga ina tayo kaya natin yan...:)
hi amazona,sa akin din e nagdaan din ang mga bagay na yan...me anak din akong babae sa una kong asawa...dumadaan ata talaga sa bata ang stage ng pagrerebelde at paghahanap ng sarili....
dumaan din kami sa laging nag-aaway...matigas kasi ang ulo nung panahon na yun,marami syang gustong gawin na ayaw ko...hanggang sa lumala away namin,hindi na kami nagkikibuan..
yun nga lang,nangangatwiran sya pero hindi nya ako sinasagot ng pabalang-balang...
hanggang nagpasiya na ako na ibigay ang hinihiling nya...gusto nya kasing mag-dorm,syempre tayong mga ina,takot at laging nag-aalala.pero siguro,talagang gusto nya lang mamuhay ng mag-isa nung panahon na yun..napapagod na rin sguro sa pag-aaway namin..
ayun,kahit masakit sa loob ko,go sya...e wala pang ilang buwan,umuwi na,miss na nya raw kami ng kapatid nya..
hayyy,ngayon ginagawa na lang naming biruan yung time na talagang puro away kami..ang hirap din nun,iyakan...sobrang drama ng buhay namin nun...
give her space,hayaan mo na lang muna...pray ka na lang at lakasan mo instict mo,tama ba english ko?mali ata:scratch:
alam ko ang bigat ng dibdib na dinadala mo ngyon.......pasasaat mapaglalabanan nyo rin ang pagsubok na yan.
magmamature din yan,ilang taon na ba sya?maiisip nya ring mali ang pagsagot-sagot sa magulang....
ganun kasi ako noong araw e,ako talaga ang palasagot...pero ako ngayon ang pinaka-cool sa aming magkakapatid...sensh a na,napunta sa akin usapan,:rolleyes:
gambatte ne,:)
japphi
04-25-2006, 04:49 PM
Ako din share din ako ha......may dalawang anak ako na malalaki na rin 17 at 15.Noong 15 pa lang yung panganay namin medyo nag-iiba ang attitude...kung baga humihiwalay sa palda nang nanay ba.
That time lagi syang puro keitai nang keitai....eh sa akin yung keitai na yon..ako tuloy ang hindi nakakagamit.Minsan hiniram ko.....kasi puro sya kalikot sa keitai....nung kukunin na sa akin sabi ko hindi na sya nakakapag aral ng lesson nya.Sige pa rin ang pilit sa akin na naka-higa na noon.Sabi ko dame.....abah~~kasab i-sabi ba naman ....Keitai wa Daddy no katta mono desu....Mommy wa kenri ga nai(wala daw akong karapatan).....~~~
Naku...pagkadinig ko tumayo ako..sabay patak nang luha ko dahil first time syang sumagot nang ganoon.Hindi ko sinaktan.Nakatayo kami pareho at tinitigan ko sya....."sabihin mo nga kako ulit at baka malaman mo ang karapatan ko,baka sakaling malaman mo rin kung sino ang pinagsabihan mo"....saka ako umiiyak.Yun lang ang sinabi ko at humiga akong umiiyak.....Yung tatay pala naririnig...pero hindi umimik....hindi ko pa rin binigay yung keitai.
Kinabukasan wala pa rin.....lumapit sa akin at nag pa-sorry at umiiyak sya...saka ko niyakap na nagpumiglas naman.....nag-explain ako sa kanya pero hindi ako nagpa-sorry.Nag explain na sa idad nya ay may mga changes at influences na sa kapaligiran nya....na sana ay huwag syang padadala...mga turo namin nang tatay nya ay gusto kong isipin nya ulit kung tama o mali yon....kung mali yon....sige kami ang susunod sa kanya.Chigaw daw...Gomennasai daw.
Saka lang sumali sa usapan ang tatay....sabi nya kung tumayo sya no'n....baka wala na yung keitai daw...babaliin daw sa harap namin.......pero pinabayaan lang kami.
Hinarap nya ang bata...."Omae erai ne...chanto ayamaru koto ga dekiru"saka nya niyakap ang umiiwas na dalaga namin....at ang huling sabi nya...sa Daddy mo ok pang sabihin yon o isagot....pero sa taong nagsilang sa'yo,nagtaya nang buhay para isilang ka.....mabuti pang mag-isip ka nang mabuti"....naku naluha ako at naiyak ang dalaga namin.Magmula noon...yon yata ang naging daan para makapag isip isip sya...at ngayon ay magkaka-vibes kami.Hindi rin kami magaling sa pagpapalaki nang mga anak namin pero lagi ay binibigyan namin sila nang sapat na panahon para makausap o masabi yung nasa isip nila.
Kaya tayong mga nanay/tatay....kung minsan kahit na mga anak lang natin sila ay may mga pagkakamali din tayo na kailangan din nating tanggapin.Yung mga bata ...tutoo na nai-influence sila sa mga kaibigan nila....pero dapat din natin silang alalayan na hindi by words lang...ipakita din natin na may space din sila,na may pagkakamali din sila na tayo ang dapat unang umintindi lalo na sa panahon na pagda-dalaga o pagbi-binata.Pinaka mahalaga ay ang communication lagi.
pola228
04-25-2006, 08:59 PM
"....its only hurt when i breath..." wahhh :weep: kaiyak naman dito:( ..pero salamat narin at na open ang thread nato dami ko po natutunan at talagang tama po kayo ang pagpapalaki sa anak ay hindi basta basta....
mag 3 palang naman ang panganay ko..mada kore kara ika nga...pagnasisigawan ko sya aba nakasigaw din:eek:...pag kakanta ako aba kakanta rin sya :D hehe...gayagaya ba:rolleyes: ...pero sa totoo lang nakakatakot at baka maituturing ko ng bangungot sa aking buhay kapag dumating ang araw na masaktan nya ako physically :nono: ....kaya naman para maiwasan dumating ang ganun(sana:halo: ) puro ako kuha ng picture at video sa kanya..kanila pala 2 na sila e:D at lahat ng pwedeng itabing omoide ilalagay ko sa isang lalagyan para makita nila sa mga omoide na yun kung pano ko sila minahal at inalagaan nung silay maliliit pa...effective kaya yun:confused: :p at isa pa balak ko rin na hanggat bata pa i mean kontrolado mo pa ang isipan nila, na pagaralin ng isang bagay na ma f-focus ang kanilang attention at ng matuto ng pagpapahalaga sa ginagawa..sa paraang yun papasok ang communication bilang isang ina at kaibigan mo sa ating mga anak..hindi lang work ni tatay, luto ni ina, assignment ni anak ang dapat laman ng usapan sa bahay...(hope you get my point:) )..
mga INA gambatte...:)
adechan
04-25-2006, 09:02 PM
ako naman hindi ko pa nasusubukan iyan .... naku masyado pang maaga para matutong magrebelde at sumagot sagot sa akin etong mga anak ko.
Ang panganay ko may pagkamatigas ang ulo at ang hirap maka pick up nang inuutos, dahil kung anong gusto niyang gawin gusto niyang ipagpilitan, grabe din akong magalit dahil ang tigas nga nang ulo eh. Pero ganun pa man, laging naglalambing sa akin, at hanggang ngayon gusto pa rin akong kalaro sa koen kahit anduon ang mga kalaro niya, pati game, gusto ba naman pati ako kasali.
Ang bunso ko, malayo pa bago mangyari, dahil super amaembo ..... pag pinapagalitan ko super iyak at sorry, mukang takot na takot na hindi ko makatabi dahil galit ako sa kanya.
Sa panganay ko kahit super galit ako madalas, at talagang pinapalo ko. Alam kong maaaring mag-rebelde. Kaya ang ginagawa ko, pag medyo humpa nan nang konti ang iyak niya, (pati rin pala ang galit ko) kinakausap ko nang masinsinan. Upo kami pareho, magkaharap, binibigyan ko siya nang chance sabihin kong ano ang ayaw niya sa akin, at kung ano ba ang gusto niyang mangyari, at ipinapaliwanag ko nang maayos kung bakit ako nagagalit.
At isa pang point, para hindi mag rebelde, kailangan nang bata nang appreciation. Kagaya din nang mga nabasa ko sa mga libro, kailangan nang mga bata ang maraming pagpuri sa mga bagay na nagagawa nila, maliit man o malaki. And a lot of hugs and kisses. They need support and understanding sa mga gusto nilang gawin. Remember if life can be hard on us, it is also the same with the young ones.
Another tip. Play a lot and laugh a lot together with your kids. Para kung mag rerebelde iyan, para lang kayong magkaibigang nag-aaway. ;)
gomenasai .... napahaba po (na naman):D
honey
04-25-2006, 10:47 PM
nakakalungkot naman ang kwento dito naaalarma tuloy ako 'wag naman sana ganyan ang daughter ko.
Yung anak ko 1 yr. and 4 months pa lang pero dahil sa mahigpit ako madali ko sya napapasunod :p pinapalo ko sya sa kamay kapag di na talaga nakikinig at lumalapit sa mga delikadong bagay.Ayaw kong maghigpit sa anak ko kaya lang kapag hindi ko sya pinapagalitan may time na nanampal laro lang ba nya kaya lang ayaw kong makasanayan nya kaya pinagsasabihan ko nakikinig naman kapag inulit palo na pero kahit galit ako maglalambing yan kahit nanginginig sa takot.4 months pa lang sya natutulog na syang mag-isa 6 months nangangabay na 9months madali sya nakalakad at sya na ang nagtatapon ng pampers nya.kahit hindi ko sya turuan nakikita nya kasi kaya ginagaya.Ngaun good girl sya nagaaisatsu kahit dulo lang ang nababanggit nya :p madalas kami mamasyal at maglaro kaya lang mas close sya sa papa nya kasi di sya nakaranas na pagalitan e saka kahit anong pagkakamali nya at gano man sya kakulit di pinapagalitan ni hapon kaya kahit anong utos ng asawa ko di sya sinusunod:D .Natatakot din akong dumating ang panahon na di sya makinig sa akin siguro shoganai na lang ang masasabi ko basta umuuwi sa amin at nakikita ko:( pangangaralan ko sya na may konting jokes at may usapan tungkol sa love kasi dyan naman sila interesado o kung anong hilig ng anak ko kailangan alam ko para may maikwento rin ako sa kanya .
Naranasan din naman natin ang kabataan e kaya alam natin yung nasa isip nila kailangan lang siguro natin silang kaibiganin at syempre ang communication importante yun.
gemini_19
04-25-2006, 11:15 PM
mukhang nasabi na lahat nila miss amazona in full details, pero share lang ako kahit konti.
my daughter is 15 years old na ngayon at senior high school na siya, hanggang sa oras na to di ko pa siya nakitaan na lumaban sa akin o manakit man lang. mangatwiran yes, magreklamo yes, and i give her a chance na mangatwiran kasi ugali ko pag nagtanong ako at walang isagot sa akin, doon ako nagagalit kaya binibigyan ko talaga siya ng way na mangatwiran.
kung halimbawa man na kinalaban niya ako, sasabihin ko sa kanya na magpalit na kami ng katayuan, siya ang nanay ako anak, ewan ko lang kung di siya maloka, kasi nakikita niya kung gaano ako ka supportive sa kanya at di lang sa kanya pati sa papa niya, kaya malamang pag hinamon ko siya na magpalit kami ng katayuan di rin niya kayanin hihihi.
pero totoo po napakabait po ng anak ko o takot lang siguro sa akin kaya di ko pa siya nakitaan na lumaban sa akin o maging sa papa niya. kahit meron siyang lakad ng kaibigan niya at pag tinanong ko siya kung anong oras ang uwi just in time uuwi yan o kung di man makauwi sa oras tatawag at tatawag yan sa akin para ipaalam na malelate siya. siguro kaya ganon siya dahil nakikita niya ang magandang halimbawa sa akin, ika nga eh "salamin ng anak ang magulang".
yon nga lang po ang di ko lang gusto sa anak ko ay ang sobra niyang pagkamahiyain, lalo na at may bisita ako dito sa bahay hindi talaga lalabas yan para man lang mag aisatsu, manang mana po sa papa niya na kabaligtaran ko.
pagpasensyahan mo na kung iba ang dating ng kwento ko pero yon lang kasi ang masasabi ko sa anak ko.
aimi2819
04-25-2006, 11:22 PM
Ako na experience ko na rin ang masagot ng anak ko, 4 years old pa lang sya nun, pero nagdilim talaga ang paningin ko at nasampal ko sya, di ko tinigilan hanggat di ko nakikitang dumugo ang bibig nya, alam kong masama din ang ginawa ko, pero kung di ko gagawin yun, baka makasanayan na lang nyang sagot-sagutin ako, awa naman ng Diyos, nagtanda na sya, at pasalamat ko na rin sa Husband ko, kasi, tinuturuan nya talaga ang mga anak namin na galangin ako, at ipinauunawa sa kanya na hindi ako Japanese, na hindi ko alam lahat ng mga bagay-bagay dito sa japan.
pola228
04-25-2006, 11:44 PM
...kung ganun..depende pala sa ugali ng magulang ang nagiging asal ng mga anak???
pola228
04-26-2006, 12:19 AM
grabe naranasan koyan pero baliktad ako yung anak,sa kwento mo parehongpareho,kung ayaw mong mapariwara hanggat maaga dalin mo kaagad sya dito.kwento ko sana buhay ko kaya lang mala teleserye mahaba.hahaha baka makatulog sa sobrang haba:D
sige na kwento mo na:D makikinig kami...
Autumn
04-26-2006, 08:12 PM
[quote=aprilluck]Autumn ,amazona and stariray ,Pag ba sinasagot kayo ng mga anak n'yo at narinig ng husband n'yo ay kinakausap ang anak n'yo? ipagtatanggol ka sa anak mo or pagagalitan ,pagsasabihan ang anak n'yo para sa inyo ?,
yes kahit na wala kaming paki alaman sa bahay,basta pag dating sa anak.nandyan sya palagi.hindi nya ako pinababayaan mag isa sa pagdidisiplina.hindi rin kami nagsasabay ng galit sa mga bata.
first time lang talaga na nangyari yun gulo namin.at tapos na din.nang hingi na ng apology si bunso.selos pala dahilan.akala nya nag iisa na sya sa mundo dahil yun Ate nya may bf na.nabawasan yun time nilang dalawa.nasanay kasi syang silang dalawa laging magkasama.sisters and best of friends kasi sila.
kaya lang ipinaliwanag ko din sa kanya na dapat hindi sya nanakit ng ganoon.at dapat nagsasabi sya.
ang selos talaga oo.hindi mo maipaliwanag ..
alam ko marami pang dadating na problema kasama kasi yan sa pag raise ng mga anak,
minna san gambarimasyou ne.pipilitin ko din laging maging cool headed.at laging may tenga para sa kanila..god bless all.and happy parenting..:)
aprilluck
04-26-2006, 08:53 PM
[quote=aprilluck]
first time lang talaga na nangyari yun gulo namin.at tapos na din.nang hingi na ng apology si bunso.selos pala dahilan.akala nya nag iisa na sya sa mundo dahil yun Ate nya may bf na.nabawasan yun time nilang dalawa.nasanay kasi syang silang dalawa laging magkasama.sisters and best of friends kasi sila.
kaya lang ipinaliwanag ko din sa kanya na dapat hindi sya nanakit ng ganoon.at dapat nagsasabi sya..:)
@ Autumn,I'm happy for you ,Salamat at natapos na rin pala ang misunderstanding n'yo ng anak mo .Kasi I read some of your post ,looks you sacrifice a lot for the sake of your children then ganoon ang ginawa sa'yo ng anak mo ....Anyway,just stay as cool as you are. No mothers give up easily at any kind of obstacles for the sake of their children .
May kasabihan na ,"what you sow is what you reap" ,Dito naman sa Japan ," Kodomowa oyano senaka o mite sodastu" ,then may poem naman na "Children Live What they Learn " .Kung alam natin na may good foundation tayo na na- input sa anak natin ,tiyak na hindi sila maliligaw.ngayong narito sila sa panahon ng,identity crisis ,don't know what to do ,ect. Just stay at their side,be a mother,a friend, a foe, an adviser. "Ichijiki' lang naman sa part ng mga anak natin ang kanilang "Kabataan" Maybe a page or two of those young and the restless.
Happy Parenting !:)
mOtt_erU
08-28-2006, 10:38 PM
Naku AMAZONA tska Autumn Chang hindi ko malaman kung ano mararamdaman ko sa reply nyo,
Talaga palang masarap na mahirap magkaroon ng asawa at pamilyang hapon noh? Newly married lang ako. Dati pa yan sumasagi sa isip ko na pag nagkaanak ako paano ko kaya mahahandle ang mga tantrums, pagmamaktol at lalo na yung maturity stage..stil, bilib ako sa inyo kase nagpakatotoo lang kayo, nung nainis kayo pinakita ninyong kayo parin ang INA nila at pag galit, galit talaga kayo.
Sige Gambate na lang.. Nainspired ninyo ako in way.Arigatou:)
ang bigat naman sa dibdib makarinig ng ganyang eksena na lumalaban ang anak sa magulang...yan ang kinakatakutan kung mangyari sa akin..8months pa baby ko pero lagi ko iniisip mabait baby ko at palalakihin ko sya ng may valuesat respeto gaya ng sa atin...ayoko ko kasi nung narinig ko sa anak ng kapitbahay na sinabihan ang nanay na urusai...masakit sa akin yun...ayokong maging mahigpit pero sa oras na sabihin sa akin ng anak ko at sigawan nya ako sa una pagsasabihan ko at eexplain kunganong epekto ng ginawa nya pero pag inulit sa akin baka masampal ko na...sa lahat ng ayoko yung batang walang respeto at sumisigaw/
satsuki
08-29-2006, 03:20 PM
ako kasi 3 years old pa rin ang anak kong bunso at ang panganay na 12 ay nasa pilipinas.. nababahala rin ako sa ganyang mga sitwasyon..sabi nga ng asawa ko natatakot sya para sa anak namin kasi nun daw bata pa sya hangang magbinata e dugo ang iniluha ng nanay at tatay nya sa kanya ..sana daw wag tumulad ang anak nmin sa kanya..pero siguro naging aral dn para sa asawa ko na ibahin ang pagpapalaki sa aming anak kasi nga ang mga magulang nya ay sobra demading aral dito aral doon at kun ano daw ang gusto ng magulang nya dapat yun ang masunod, ayaw nya daw gawing yun sa kanyang anak,ang gusto nya daw ay bahala ang anak nya na magdesisyon para sa future nya at di kami ang mag sasabi kun ano ang gusto namin para sa kanya..pero andyan pa rin syempre ang guidance naming magasawa..
Tarena314
08-29-2006, 06:00 PM
mahirap talaga ang maging isang magulang,, lalo na sa panig nating mga ina,, iyan din ang iniisip ko sa ngayon, malaki na rin yun panganay ko at binata na,, yun bunso ko naman ay medyo baby pa,,sa ngayon, yun eldest ko ay nakikinig naman sa lahat ng payo ko,at lagi nandyan ang aking kalinga, laging bukas ang aming komunikasyon ,,sana naman tuloy -tuloy yun magandang ugali nya,, para naman maging mabuting ehemplo sya ng kapwa nya at mga kaibigan....at maging kaagapay namin sya sa aming pagtanda...
Payo ko lang sa mga ina na tulad ko, at nakararanas ng ibat-ibang problema sa anak, ay huwag kayong magsasawa na gabayan sila,,at lahat ng problema ay may kalutasan,,, dumadaan talaga yan sa buhay natin,, tatag lang ang kailangan natin.....:) :)
taurean06
10-10-2006, 11:48 AM
Share ko rin experience ko ha:) Well i got 3 kids, yung eldest ko is a girl. When she was in junior high, rebellious din siya. Sumagot sagot din sa akin, ang masama kinampihan ng dad niya! but of course hindi ko rin pinalampas yun ginawa ng dad niya "sabi ko kinukunsinti kasi niya yung fault ng bata kaya nagkakanun tuloy anak namin" Pareho ko silang tinira in short!
But after a while nung sinilip ko eldest daughter ko sa room niya, magang maga ang mata niya( she felt sorry siguro dun sa ginawa niya) Umiyak din kasi ako noong nagagalit ako sa kanilang mag ama. Pero nung dinnertime na, bumaba din naman anak ko at nag sorry. Naawa din ako sa kanya dahil maga nga mata niya. Since then okey na kami at nagkaroon na siya ng respeto sa akin. She is 23 years old now , hindi na kami nagkaroon ng gap since, aside from being a mother to her,..para rin close friend ko siya ngayon. Tumibay ang relasyon namin to the point na siya naman ngayon ang nag aadvice sa younger sis niya which is 18, third year senior high student. Na hit ko rin kelan lang yung youngest daughter ko(sumasagot kasi) sa galit ko nasambunutan ko tuloy( hinila ko lang naman pero hindi puersado). First time ko nagawa yun sa anak ko so na shocked siya. Mabait akong mom, hanggat maari hindi ko sila sasaktan but siempre pag sinasagot ka na ng hindi maayos, walang ina ang palalagpasin yan! She cried( we are talking abt my youngest daughter this time), imagine hindi niya na realise yung sacrifices na ginagawa ko sa kanya mula nung pumasok siya sa school( hatid sundo ko siya ng car). No japanese mother can do that their kids. Umulan umaraw pababayaan nilang mag train or bike lang mga kids nila! Sa akin okey lang yun pero dapat lang siguro na i respeto niya ako.
two days siyang walang kibo,naawa din ako at may regrets din sa ginawa ko. Di siya nag sorry (inintindi ko nalang kasi may kasalanan din ako sa nangyari) Pero siguro narealise din niya na hindi nga maganda ang ginawa niyang pagsagot sagot sa akin, finally nakipag usap na rin siya sakin. Back to closeness na naman kami ngayon but one thing na napansin ko sa kanya, parang nagkaroon siya ng takot. Ganun yata ang mga bata pag teenager na sila, dumadating talaga ang rebellious age sa kanila. Luckilly wala akong naging problema sa only son ko which is 20 , superbait na bata! Siempre kahit yung 2 girls ko mabait naman kaya lang dumaan din silang dalawa sa problemang hinaharap ninyo ngayon sa mga teenage kids ninyo. Good Luck ka TF members!
josephsoliman
10-13-2006, 01:21 AM
You know Im a daddy, habang binabasa ko lahat ng post nyo di ko na papansin tumulo yong luha ko,eto mukhang sinipon pa ata ako.Naku parang ang hirap maging magulang 4 years old,palang un daughter ko,at 1 half pa lang yong boy ko parang kinabahan ako.Disiplina militar at sa pilipinas ang pinapairal ko sana hindi ako mag-kamali.I really love my children imagine gusto ko ng pumonta ng amerika pero di ko kaya sila maiwan (Im a male nurse actually).but im worry about the culture of children here in Japan.
honey
10-13-2006, 09:58 PM
Nakakadurog naman ng puso iyan ewan ko baka maging ganyan din katigas ulo ng anak ko kapag pinagsabihan pero ugali ko kasi isang sabi lang sa taong kausap ko at kapag hindi nakinig hindi ko na inuulit bahala ka na basta walang sisihan.
summergirl
12-27-2006, 10:04 PM
Hi,talagang burden pag nag-karoon ka ng ganyang anak,iba talaga ang mga anak ng hapon,lalo pag nagiging teenager,hindi ko binubuhat ang sarili kong bangko pero buti naman at walang ganyan sa anak ko,alam mo kasi ang mali kinakampihan ng ama,kaya lumalaki ang ulo ng bata.Ako i have 20 yrs old son,ang 12 yrs old daughter minsan kahit malalaki na masasapak mo pero ako ang nasasaktan dahil malaki na nga.Hindi kumikibo ang ama nila ,lalo na pag alam nyang galit na galit ako.They should know kung saan sila pupunta at which is right or wrong,dahil may kumakampi,lalo silang nagiging rude.Kaya hanggang kaya mo pang supilin hanggat maaga gawin mo dahil malungkot ,lalo na sa atin dahil foreigner tayo,anak natin dapat ang magiging kakampi natin.Nagagaya kasi sila sa environment na nakikita nila sa araw araw .kaya Good Luck and cheer up.
emyken1423
12-28-2006, 11:07 AM
alam nyo ako rin e mula ng pumasok sya nang yochien dito sa japan grabe na kung makasagot ang anak ko minsan minura nya ako sinampal ko sya first time ko lang ginawa yun sa kanya kaya na-shock sya minsan lang kasi kung pagalitan ko sya para matandaan nya ,, kasi kung lagi-lagi na lang e mas lalong titigas ang ulo.. mas mararamdaman nya kung paminsa-minsan lang kung kagalitan mo sya at saka tayong mga ina e pagkatapos nga natin kagalitan o saktan anak natin e parang sinaktan mo rin sarili mo di ba masakit rin para sa atin pag nasasaktan sila..ako pagkatapos kong sinampal anak ko nag-usap kami and i'll try to explain to him kung bakit ko ginawa yon at tinanong ko sya kung tama ba yung ginawa nya so na realized nya na mali sya.
Huwag masyadong mahigpit,huwag din masyadong maluwag dapat yung tama lang.... Kung anu man dinadaanan ng anak natin ngayon napagda anan na rin natin kaya instead na pagalitan mo mas maganda share mo na lang yung experience mo para mag ka idea sya.....
mrs-mymelo
12-28-2006, 11:32 AM
I have kids too.Panganay ko is 11 years old,second is 8 and youngest is 5.
Never silang sumasagot sa amin,they are careful too of the words they say.
Namamalo din ako,on the right place..sa witpu,paa... if kailangan.
Ang pagpalo kasi ay pagmamahal...but not too much at kailangan ng
paliwanag kung bakit sila pinalo.The best way is to talk to them in thier
room.Parang open-forum,I sometimes forget that I'm thier parent,I could
be thier friend instead.Kaya when they give reasons,umiiyak sila.
Kasi I explain to them everything, like I talk with the same age as me.
Nakakatulong din 'yong hugs,and inspirational stories.I give them time too
for a drive out from our prefecture and while watching the nature,I usually
tell them a story about God's love.And it help really.
Constant communicaton is really important to growing kids.wherever they
are,they never forget the good traits of Filipino,beeing magalang,mapagmahal
sa magulang,kahit half japanese sila,dahil naipakita ko at naipadama ko sa kanila.
And one thing is 'yong binibigyan sila ng sarili nilang commitment,and to do good
not for themselves but each others sake.:)
bianca marie
01-13-2007, 12:16 AM
Ganoon din ang ate ko noon sumasagut ang anak nyang panganay sabi nya sa pamangkin ko ina mo ina mo ako anak kita kung kaya mo nang buhayin ang sarili mo sige mamuhay ka na ng sarili. Umiyak yong anak nya his only 8 years old at nagsorry sa ate ko. Pagsinasabi nila sa nanay nila i don't like you sabi ng ate ko sige ipapaadopt kita para sa ibang nanay ka nalang. They learn their lesson. Pati bayaw kong arabo namamalo rin. Pag galit siya sinasabi nya sa anak nya go to your room. They have to know who's the parent and whos's the kids.
One time may pilipino na lumayas ang anak nyang babae kasama ang barkada. Nagkakandaloko na siya ng kakahanap, nang makita nya ang anak nya talagang tadtad ng palo after that he called the 911 (police) at sinabi nya ang whole story, sabi ng pulis will let you go this time ,but don't do it again. Now his daughter finished college heading for university at pinayagan nang magdate.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.