PDA

View Full Version : Kenkashiyoka?

sensei
04-25-2006, 05:12 PM
Can you give some tips:

Paano ba makipag away in nihonggo without saying bad words
......pwede ba ito? :confused:

maple
04-26-2006, 07:25 PM
Can you give some tips:

Paano ba makipag away in nihonggo without saying bad words
......pwede ba ito? :confused:

Hi sensei,

Noong kelan lang mag-a-attend ka ng burol..ngayon naman mukhang merong kang balak awayin kaya mo ginawa itong thread na ito :D

Pano makipag away without saying bad words:confused: Kapag merong masyadong nakiki-alam sa akin na Hapon, instead of saying "...kankenai..." ...ang sinasabi ko na lang ay " ooki na osewa! ". I say it na medyo naka-ngiti ng maasim:D Natatameme na sila pag sinabi ko na yun;)

Autumn
04-26-2006, 08:28 PM
Can you give some tips:

Paano ba makipag away in nihonggo without saying bad words
......pwede ba ito? :confused:

Sino ba aawayin mo kafatid?

kung sa trabaho.better not to fight to anyone.mahirap kasi pag pinagtulong tulungan ka.may ijime din sa work.lalo na at puro kayo babae.pag medyo nakaka asar na sinasabi nila.ganito sinasabi ko with macthing smile.hito kotou oidesu yo~~~ or oki na osewa desune~~~sabay yakap at irap pag talikod (plastik):D

docomo
04-26-2006, 09:22 PM
@sensei

.. depende sa sitwasyon kung anong word ang ginamit sa yo... maraming panginis na word na pwede mong sabihin na matataranta yang nang away sa yo... :D

TR250
04-26-2006, 09:54 PM
Can you give some tips:

Paano ba makipag away in nihonggo without saying bad words
......pwede ba ito? :confused:

EASY!!! Cold treatment at walang sasabihin kahit ano at hayaan na lang na ang panahon ang gumanti. Balita ko na merron daw na pag nainis ay isinasakay sa kotse at ibinabangga yung kotse ng paatras ng ilang beses. Meroon din daw mga dump truck na tatabunan ang pintu ng bahay ng mga basura. Meroon din naman daw na nagreregalo ng scrap car na diretso ang delivery sa loob ng sala... at least hindi ka nagmura :hellfire:

Pwede mo rin sabihin na "syabenna! Tsuba tobasun jyane kisama!..." o kaya ay "omae nani kutan ya, hedoro tabetan no kay?" (Joke, joke)

honeybunny
04-27-2006, 12:17 AM

Pwede mo rin sabihin na "syabenna! Tsuba tobasun jyane kisama!..." o kaya ay "omae nani kutan ya, hedoro tabetan no kay?" (Joke, joke) ngayun ko lang po narinig bad words na ito ah:confused: :confused: :confused: ,osaka beng po ba ito:confused:

japphi
04-27-2006, 09:29 AM
Can you give some tips:

Paano ba makipag away in nihonggo without saying bad words
......pwede ba ito? :confused:

Sensei....nakakatuwa ka naman.....makikipag away ka yata...kanino?Wala pa akong experience nyan kaya wala akong maisa-suggest.....sabi nga ni docomo....depende rin.

Kung asawa mo naman ang aawayin mo....hhhhmmm....kah it na ba anong nasabi mong bad words in nippongo o tagalog man....sealed with a kiss mong ibato sa kanya:p .

Kung sa trabaho naman.....hhhhhmmmm. ....tagalugin mo na lang para hindi na gaanong magalit sa'yo yung kaaway mo...kasi mare-realize nya kung ano yung sinabi mo...sigurado ay itatanong sa'yo kung ano yon...ang resulta ay baka magkabati pa kayo:p :p :p ....Ganbatte......Pe ro pag talagang hindi ka na nakapag timpi at away to death ka at mabunganga yung kaaway mo......sabihin mo ....DAMARE!!(shut up!)

geminigirl
04-27-2006, 09:46 AM
Ohayou! Ay naku actions speak louder than words para sa akin! Titingnan ko siya ng matalim na matalim na halos parang sinasaksak na siya........babagsak an ko siya ng gamit sa mesa...padabog!..... ..o kaya pag sobra na talagang galit ko....ilolock ko pinto sa CR o lalagyan ko ng thumbtacks ang upuan niya......:mad: O kunwari bubuhusan ko siya ng mainit na kape.......sabay ngiting nakakainsulto, gomen ne.....o ayos ba? Di pa nga siya madala ewan ko na lang. Palagay ko kasi sa experience ko diyan takot din naman sila sa away.....pag tumaas na boses natin.....sober sila....ako kasi mabait na tao...hwag lang gagalitin talaga......tiyak maghahalo ang balat sa tinalupan!!!:D

Dax
04-28-2006, 02:19 PM
Mahirap makipag-away without saying bad words. :D Actually yung "kisama" (貴様) na nabanggit ni TR250 ay isang insulto sa kausap. Parang ginagalang mo kunwari pero pabaliktad. Madalas tong marinig sa anime, yakuza movies etc.

Kung tinatrato ka na parang bobo sabihin mo:
Baka ni shinaide kudasai (馬鹿にしないでください) - don't treat me like an idiot
(kung galit ka na, change "shinaide kudasai" to "sunja ne- yo!!!" :mad: ) :p

Kung mababa ang tingin sa yo/sa kakayahan mo:
Namenaide kudasai (なめないでください) - don't monkey around with me (parang don't f**k with me na light version kasi "kudasai" eh)

Sayang bawal ang bad words. Kung pwede lang sana... :D

spring
04-28-2006, 02:58 PM
mahirap mamili ng sasabihing salita pag galit ka na. di mo na alam kung anong lalabas sa bibig mo . iwas na lang siguro pero kung minsan di talaga maiiwasan. :D

megan
04-28-2006, 05:24 PM
Can you give some tips:

Paano ba makipag away in nihonggo without saying bad words
......pwede ba ito? :confused:

Hi sensei konnichiwa! share ko lang to sayo, galing ito sa book na nabili ko.
Oshaberi!( you"ve got a big mouth!) , Neboken-ja neyo! (get your head out of your ass!) Konjo nashi!(you ain"t got balls!), Busaiku! is the worst word to say to a girl (you"re ugly!), Kokoro(-ga) semai yo ne! (you"re narrow-minded), Nani-sama no tsumori?! (who do you think you are?!) Jiro jiro minai- deyo! ( don"t stare at me!), a polite insult "Nanka-iitai-no?!" ( do you want to say something?!)... pasensya na po kung may bad words akong naisulat,share ko lang po yan galing sa book na nabasa ko. peace po sa inyo!!!:)

sensei
05-01-2006, 02:06 PM
Hi maple san,
ookinaosewa ne, next time siya na siguro ibuburol....jowk lang din, ayoko kase magsalita ng bad words, malilintekan ako dito.

@ autumn san,
marami nga ijime kaya ayoko din may makabangga, meron naman time na gaman dekinai ako eh...thanks for the advice

@ docomo san
ganito po situation eh....only filipinjin ako
merong time na maririnig ka na lng "filipinjin wa, omise no shigoto shika shiranai...."
2 years akong dedicated sa work, pareho lang ng trabaho, baguhan siya... alam lahat ng kanji....atarimae jyanaeka eh nihonjin.
sabi ni shacho "makisama ka dahil pagdating sa shigoto pantay pantay lahat"....hindi ako pwede magreklamo kahit minsan ganun ang tingin nila sa pinay
haaay....

@TR250 san
kahit ang senior member nating si honeybunny hindi naintindihan, ngayon ko din lang narinig to hehe:D

@ japphi san
haaay lola turuan mo na lang ako kun pano awayin asawa ko......para pag uwi sa bahay ako ang shacho at hindi sya:(

@ gemini girl san
how i wish......na kaya ko gawin yan

@ Dax san
sayang bawal nga ang bad words....sana pede kase nihonggo no benkyou naman
:halo: yurushite kureru kana??? PM de oshiete....

@ spring
hindi na ko makaiwas eh....pinagtimpla pa ko ng kape

@ megan san
hayaan mo memorize ko yan

thanks to all...
meron pa bang ibang tips?

nokiko
05-13-2006, 02:30 PM
medyo maypagkamartir yata tong tip ko,... hayaan na lang natin sila(yung mga japanese na nagdidiscriminate, shouganai ika nga, hintayin ang karma), but instead, makipagkaibigan na lang tyo sa mga matitinong hapon(na co-worker), at kapag magkaibigan na kyo puede mong sabihin yung problema sa kanya, and as japanese na kaibigan, mapapayuhan ka rin nya....

kung gusto mo naman ng derecho... "nihonjin wa mise no koto shika shiranai to iwaretara, hidoi de wa nai deshou ka? watashi kono shigoto shika shiranai, moushi wake gozaimasen, (nihonjin wa sabetsu (差別) shika shiranai ka na)"

wolfgang
05-13-2006, 03:04 PM
ngayun ko lang po narinig bad words na ito ah:confused: :confused: :confused: ,osaka beng po ba ito:confused:
errr Honeybunny san makikisali ako ha Kansai beng nga yung sinabi ni TR250 san..yung Tsuba tobasun jyane...ehh Tumatalsik yata laway mo...ang ibig sabihin.. tapos yung Omae nani kutan ya ....Ikaw anong kinain mo...Hedoro tabeta no kay? kumain ka ba nang mabahong burak..or putik....in short Anong kinain mo bakit mabaho ang hininga mo...ang ibig sabihin siguro non... madalas ko rin kasing marinig yon sa mga asar talo dito ehh pero di pa yon nasasabi sa akin ahhh(defensive daw ohh) sorry sa ot ha:D

honeybunny
05-13-2006, 06:24 PM
errr Honeybunny san makikisali ako ha Kansai beng nga yung sinabi ni TR250 san..yung Tsuba tobasun jyane...ehh Tumatalsik yata laway mo...ang ibig sabihin.. tapos yung Omae nani kutan ya ....Ikaw anong kinain mo...Hedoro tabeta no kay? kumain ka ba nang mabahong burak..or putik....in short Anong kinain mo bakit mabaho ang hininga mo...ang ibig sabihin siguro non... madalas ko rin kasing marinig yon sa mga asar talo dito ehh pero di pa yon nasasabi sa akin ahhh(defensive daw ohh) sorry sa ot ha:D ah,ganun po ba?:D :D :D :D :D ,sige,pag may nakaaaway ulit ako dito,sabihin ko yan:rant: :rant: para masupalpal sya:insane: :insane: :insane: ang sama ng balak no?:hihi: :hihi: :hihi:

honey
05-18-2006, 08:46 AM
Mababait pa pala kayo nyan...yung kakilala ko lagi syang iniinsulto ng mga kasamahan nya sa trabaho kaya wala nang sabisabi tinutukan nya ng kutsilyo pero malayo sya ha! lalapit kasi sa kanya e! inisip nya kasi na di baleng pagsalitaan sya 'Wag lang syang sasaktan o pagbubuhatan ng kamay.Kaya simula non mga kaibigan nya na lahat ng tao dun sa takot na mamatay sila ng maaaga :D .

wala po akong alam ng pang kenka na kotoba gemenasai, matututo pa lang po dito...:p

rixxer
06-07-2006, 04:13 PM
meron po sana kaya lang po hindi ko alam kung applicable ito sa Japan.
usually po kasi ginagamit ito ng mga pilipino na asar na asar na sa kaka-utos ng boss na hapon. ang gagawin lang po ng pilipino ay tititigan ng masama yung hapo at saka duduruin. after nun medyo magiging ilag na yung hapon.

yun lang po.

inaiinaiba
06-15-2006, 12:17 AM
mahirap makipag away lalo na nihonjin:mad: lalo kang gagalitin:( masmaganda pahiyain mo nalang.pag gumamit sila ng masamang salita.gumamit ka ng magandang salita.tenei kotoba.para mapahiya sila!kasi bihira na lang sa nihonjin gumagamit nyan.lalo na pag na gagalit!!!hindi mo maitindihan kong yakusa :cool: ba o takusa:(.ang totoong yakusa cool pag nagalit hindi masyado nag sasalita.tatawa payan!pero papatayin kana pala:eek: :eek: :eek: ay katakot:eek: :eek: kaya wag po tayong masyadong matapang:cool: sabagay mabait naman tayo ano:halo: :halo: :halo:

ozy_m3
06-15-2006, 04:09 PM
ako pagnakipag-away talagang masakit magsalita kung ano-ano na masasabi ko kahit di dapat sabihin kaya sabi ng asawa ko masakit daw ako magsalita namaiki daw :confused: pero pagnaiisip ko na over na hindi na ako iimik di ko sya kausapin sa inis ko:mad: kapag d na ako iimik sya naman ang magpapatawa gagayahin nya si WAKI yong tv comedian alm nya natatawa ako sa waki na yan kaya ayan peace naman kami ulit..:p

barney
06-15-2006, 11:40 PM
sabihin mo nalang, "nihonngo wakarimasen, ego shabennasai!:rolleye s: cgurado matatahimik un kc d cya marunong mag english:O .........kaya lang paano kaya kung magaling palang mag english....hahaha! malaking problema no? ..keep cool ka nalang,mas maiinis kc ung kaaway mo kung hindi ka nag re react e... ung parang hindi ka apektado..wala lang ....dead ma lang...parang wala ka na lang nakikita pag kaharap mo cya...hindi ka pa papangit(joke lang):)

pineapple
10-04-2006, 02:44 AM
nakakatuwa naman po ito... magamit nga.. (may balak... heheheheh) :lol:

love
10-04-2006, 10:09 AM
konnichiwa minna-san!

nakakatawa naman tong thread na to, what a coincidence na kahapon lang as in super naiinis na ako sa co-worker ko, guto ko man syang i-bluff di ko alam kung pano ko ie-express sa nihongo.

well, ako naman ang tip ko incase like this, ang ginagawa ko as in super dead ma nalang, sabay pasok ng earphone sa tenga at makinig ng music while working para di ko sya marinig at pag pagod na ako makinig ng music as in sonomama sa tenga ko ung earphone kahit na di na ako nakikinig ng music para makita nya at kunwari di ko sya naririnig kahit tawagin nya ako, unless na kalabitin ako di ako nag rerespond.

pag uwi naman dead ma ko rin, as in walang sabi sabi at bigla nalang ako nagttime out:p (sa tamong oras ng uwian ha...)

aviationlady
10-04-2006, 10:42 AM
hinid ako po nakikipag away eh;) (palaban kese pag nainis :grinny: ) ... yung iba back fighter ... pag nakatalikod ka puro waruguchi:p hito no koto amari iitakunai .... :p wag lng iparinig kese baka mag halo ang balat sa tinalupan:biglaugh: :biglaugh: :p

love0308
10-04-2006, 11:22 AM
wala po akong mai sa suggest kasi po pag nakikipag away ako puro bad words lumalabas sa bibig ko:D

aleckxis
10-05-2006, 01:06 AM
Nakakatuwa naman tong thread na to :). ako super haba na talaga pasensya ko lalo na pagdating sa work. Una kasi sa kin ang pakikisama, kaya nasa isip ko na ang unahin ang timpi kesa magalit. Pero last year lang 2005, Nag work ako sa isang snack bar kasi maganda naman per ora ang sweldo so naisip ko muna mag arubaito kahit ilang months lang sana. Yung anak ng mama san (owner din) ng omise mukhang mabigat ang dugo sa kin kasi bukod sa ako lang pinay yung mga okyakusan ako na kinakausap at panay ang request ng mga songs, bale na de deadma siya.

1 time hima ang omise at dumating yung friend niya, shokai ako ng mama san, napansin ko masama ang tingin sa akin nung anak ni mama. pinaupo ako sa bar ng mama at naiwan sa counter yung girl. Naku ayoko na lang mamintas pero mahirap din magsalita, yung anak nung mama san eh walang kang makikitang maganda sa mukha niya so talagang maaskad ang face nung girl sobrang liit ng ilong, liit ng bibig at mata maliit ang noo pero malaki at malapad ang mukha, ma i imagine ninyo kamukha niya yung mask nila na puti ang mukha na mataas ang kilay. mas maganda pa tingnan yun.

Anyways, heto ang siste, lumabas ang mama san at may tumawag sa kanya so bale 4 girls lang kami naiwan sa omise. Eh ako ang kinakausap nung friend niya natural
i-entertain ko ang customer at nag request na mag duet kami. Naku bigla po kamong nagdabog! at binagsak sa bar ang lagayn ng kori. Tapos bigla akong pinagalitan sabi bat di ko daw nilalagyan ng kori ubos na raw. Nabigla ako at napahiya, sabi ko sorry kasi hindi ko napansin. dabog pa rin siya sabay lagay ng kori. Hindi lang 3 beses na ginawa niya sa kin na pinapahiya niya ko sa mga okyakusan. Hanggang isang araw, maraming kostumer. Walang ginawa ang mga customer kundi makipag duet sa kin, nag rerequest sa mama san na kung pwede ako maka duet, tuwang-tuwa namana ng mama san kasi nga malakas hatak ko sa mga oks at napapabalik ko sila, sabi ni mama ok daw ako kahit malusog hehehe. kasi po masayahin ako sa mga okyakusan.

Ganito nangyari, may nagrequest sa kin ng solo song na for you... so syempre customer is always right ika nga kanta ako solo pinatayo pa ako, alam nyo ba biglang pinatay ang karaoke? at sinabing shigoto sinasai daw ako lagi daw ako kanta ng kanta, samantalang busy rin naman ako mag asikaso ng ibang oks sa ibang table. Pero hindo pa rin po ako kumibo, heto na lumapit ako sa bar para kumuha ng ice, bigla po akong tinapik sa likod ko patulak at sinabihan ako chakuso! kunero! daw ako (muntik na kong maging kuneho) ay naku naramdaman ko talaga napuno ng init ang dalawang tenga ko at pag ganon na uminit na tenga ko wala na, maghahalu na ang balat sa tinalupan.

Yung kuha ko sa kamay niya sabay hinaltak ko sa siya palapit sa akin, sinigawan ko kemereseng maraming tao, Hindi kasi ako magaling mag nihongo kaya hirap ako sa mga ganyang away. Minura ko siya ng matunog na "P#$%&)# mo! sabi ko mae kara anta no koto watashi itsumo gaman shiteru dake dayo! wakaru kai? anta yakimochi dayo ne? okyakusan no koto!? ha? anta hontoni shitsurei dayo! Jibun no kao o kagami ni mitte kudasai! BUSAIKO! yun lang sinabi ko sabay kinuha ko mga gamit ko at sinabi ko sa mama yamemasu! sabi ko babalikan ko na lang ang sweldo ko. sabay alis. Bastusan gusto niya kaya ayan binastos ko na rin siya.

Sa tutoo lang di po nakaimik yung girl natauhan yata. Kasi kung sumagot pa siya sa kin talagang uupakan ko na rin siya kasi sobrang puno na ko sa kanya eh. oops pasensya na po medyo napahaba ang kwento ko, kasi naiinis ako pag naalala ko. :) ang payo ko lang po, mahabang pasensya pero iba na ang usapan pag iniinsulto na at minumura na tayo ng ganyan di ba? peace!:)

love0308
10-05-2006, 01:14 AM
aleckxis san di ka naman gali na galit yan he he:) pero ok yung ginawa sabi mo mga nankai ka nag gamanshita di ba! Feeling ko sobra na nga yung girl na yun kaya dapat lang yung ginawa mo at ng matauhan si Busaiko ika mo he he:D

aviationlady
10-05-2006, 06:10 AM
Nakakatuwa naman tong thread na to :). ako super haba na talaga pasensya ko lalo na pagdating sa work. Una kasi sa kin ang pakikisama, kaya nasa isip ko na ang unahin ang timpi kesa magalit. Pero last year lang 2005, Nag work ako sa isang snack bar kasi maganda naman per ora ang sweldo so naisip ko muna mag arubaito kahit ilang months lang sana. Yung anak ng mama san (owner din) ng omise mukhang mabigat ang dugo sa kin kasi bukod sa ako lang pinay yung mga okyakusan ako na kinakausap at panay ang request ng mga songs, bale na de deadma siya.

1 time hima ang omise at dumating yung friend niya, shokai ako ng mama san, napansin ko masama ang tingin sa akin nung anak ni mama. pinaupo ako sa bar ng mama at naiwan sa counter yung girl. Naku ayoko na lang mamintas pero mahirap din magsalita, yung anak nung mama san eh walang kang makikitang maganda sa mukha niya so talagang maaskad ang face nung girl sobrang liit ng ilong, liit ng bibig at mata maliit ang noo pero malaki at malapad ang mukha, ma i imagine ninyo kamukha niya yung mask nila na puti ang mukha na mataas ang kilay. mas maganda pa tingnan yun.

Anyways, heto ang siste, lumabas ang mama san at may tumawag sa kanya so bale 4 girls lang kami naiwan sa omise. Eh ako ang kinakausap nung friend niya natural
i-entertain ko ang customer at nag request na mag duet kami. Naku bigla po kamong nagdabog! at binagsak sa bar ang lagayn ng kori. Tapos bigla akong pinagalitan sabi bat di ko daw nilalagyan ng kori ubos na raw. Nabigla ako at napahiya, sabi ko sorry kasi hindi ko napansin. dabog pa rin siya sabay lagay ng kori. Hindi lang 3 beses na ginawa niya sa kin na pinapahiya niya ko sa mga okyakusan. Hanggang isang araw, maraming kostumer. Walang ginawa ang mga customer kundi makipag duet sa kin, nag rerequest sa mama san na kung pwede ako maka duet, tuwang-tuwa namana ng mama san kasi nga malakas hatak ko sa mga oks at napapabalik ko sila, sabi ni mama ok daw ako kahit malusog hehehe. kasi po masayahin ako sa mga okyakusan.

Ganito nangyari, may nagrequest sa kin ng solo song na for you... so syempre customer is always right ika nga kanta ako solo pinatayo pa ako, alam nyo ba biglang pinatay ang karaoke? at sinabing shigoto sinasai daw ako lagi daw ako kanta ng kanta, samantalang busy rin naman ako mag asikaso ng ibang oks sa ibang table. Pero hindo pa rin po ako kumibo, heto na lumapit ako sa bar para kumuha ng ice, bigla po akong tinapik sa likod ko patulak at sinabihan ako chakuso! kunero! daw ako (muntik na kong maging kuneho) ay naku naramdaman ko talaga napuno ng init ang dalawang tenga ko at pag ganon na uminit na tenga ko wala na, maghahalu na ang balat sa tinalupan.

Yung kuha ko sa kamay niya sabay hinaltak ko sa siya palapit sa akin, sinigawan ko kemereseng maraming tao, Hindi kasi ako magaling mag nihongo kaya hirap ako sa mga ganyang away. Minura ko siya ng matunog na "P#$%&)# mo! sabi ko mae kara anta no koto watashi itsumo gaman shiteru dake dayo! wakaru kai? anta yakimochi dayo ne? okyakusan no koto!? ha? anta hontoni shitsurei dayo! Jibun no kao o kagami ni mitte kudasai! BUSAIKO! yun lang sinabi ko sabay kinuha ko mga gamit ko at sinabi ko sa mama yamemasu! sabi ko babalikan ko na lang ang sweldo ko. sabay alis. Bastusan gusto niya kaya ayan binastos ko na rin siya.

Sa tutoo lang di po nakaimik yung girl natauhan y ata. Kasi kung sumagot pa siya sa kin talagang uupakan ko na rin siya kasi sobrang puno na ko sa kanya eh. oops pasensya na po medyo napahaba ang kwento ko, kasi naiinis ako pag naalala ko. :) ang payo ko lang po, mahabang pasensya pero iba na ang usapan pag iniinsulto na at minumura na tayo ng ganyan di ba? peace!:)

ok ginawa mo sis :thumb: dapat binuhos mo na lng sa muka nia yung koori :jiggy:para namn lumamig init ng ulo eh :biglaugh: (nang gatong pa nga :p )

honey
10-05-2006, 10:23 AM
aleckxis :)
tama yung ginawa mo nagtimpi ka muna saka ka kumilos buti ikaw nakaharap nyan kung ako pa yan baka nagkablockeye sya.Mahirap magalit mga filipino mabait kung sa mabait pero kapag ginalit wala nang pakialam.

SAMURAI X
10-05-2006, 12:01 PM
EASY!!! Cold treatment at walang sasabihin kahit ano at hayaan na lang na ang panahon ang gumanti. Balita ko na merron daw na pag nainis ay isinasakay sa kotse at ibinabangga yung kotse ng paatras ng ilang beses. Meroon din daw mga dump truck na tatabunan ang pintu ng bahay ng mga basura. Meroon din naman daw na nagreregalo ng scrap car na diretso ang delivery sa loob ng sala... at least hindi ka nagmura :hellfire:

Pwede mo rin sabihin na "syabenna! Tsuba tobasun jyane kisama!..." o kaya ay "omae nani kutan ya, hedoro tabetan no kay?" (Joke, joke)

TR250 san,

Pwede pakilagay ng english version..Baka may magamitan ako nito..hehehe

aleckxis
10-05-2006, 04:23 PM
naku mga friends, buti nga at hindi ako talento lang that time dahil kung nagkataon may tama na talaga siya sa kin. dahil noong talento pa ko mas matapang ako, nang-uumbag ako ng hapon kesehodang mapauwi ako. wala akong pakialam basta alam ko nasa katwiran ako. Hindi ako papayag na minamaltrato at binabastos ng staff ng omise o hotel or okyakusan dahil palaban talaga ako. humaba lang ang pisi ko dahil may mga anak na ko at yun nga asawa ko hapon. Saka mababait kc mga in laws ko at di nila alam na nag aarubaito ako sa gabi, ayaw nila mag-omise ako, pero pag alam nila na sa banda ako nakanta ok lang sa kanila. Kaya ingat din ako magalit at ayokong manakit.

Minsan nangyari sa akin talento ako non sa shizuoka ken sa may kanzanji hotel, 1st show namin noon at maraming tao. May isang matanda mga 65-70 years old na yata yun, naka gown kami ng co singer ko na puti "shall we dance" kanta namin with back up dancer mga pinay at pinoy din, bale hawak ko mic sa left at nakadipa ang right hand ko lakad paikot then palapit sa mga okuyakusan.

Biro mo ba naman ang lokong matanda biglang dinakma ang dibdib ko sa kanan. buti na lang at matigas ang pudding ng costume ko kundi nahawakan niya talaga. Naku nagulat talaga ako. Pero pag hinga ko sabay pukpok ko ng mic sa ulo niya umalingaw-ngaw talaga yung mic sabay sabi ko baka! naku hindi ko masundan ang pukpok kasi di pa tapos kanta namin, bale finale kasi ng 1st show namin yun. Pagkapukpok ko position kami sa gitna sabay pause patay ilaw and exit na kami dapat pero ako di ako umexit, sinampal ko naman yung matanda at galit na galit ako. inawat na ako ng staff kasi sobrang galit ko baka mapatay ko pa yata. tapos sa dressing room may kumatok tinatawag daw ako nung matanda nag sosorry bibigyan daw ako ng isang lapad. lalo naman ako nagalit, sabi ko hoy! ano kala niya sa boobs ko isang lapad lang? nagtawanan mga kasama ko, sabi naku mukhang hihirit ka pa ng mas mataas niyan neng! (hehehe) hindi ko kinuha yung isang lapad na pinaabot niya sinara ko pinto.

Nag 2nd show kami nandun pa rin yung matanda. Nang may solo number na ko, tumayo yung matanda at nilagyan ako 2 lapad sa damit ko. Nakangiti lang ako kasi show must go on. pero pag upo nung matanda sumunod ako at kinuha ko sa damit ko yung pera at binalik ko sa kanya tamang-tama ending ng kanta hindi na siya makahabol sa kin.

Ng tapos na ang show babalik na kami sa room namin para umuwi na, nakaabang ang matanda sa may hagdan at niyaya kaming lahat kumain ng ramen sa loob ng hotel mismo may ramen house. Yung leader namin kinausap at nag -ayamaru, nakiusap naman kasama ko na tanggappin ko na ayamaru niya. Wala na kong magagawa pa, kasi nakita mukhang sincere naman mag-ayamaru yung matanda pinatawad ko na. Ng kumakain na kami inaabutan niya ko ng pera this time 3 lapad naman hehehe, gusto ko sana magpakipot ulit kasi baka umabot ng limang lapad (joke lang) pero sabi ko na lang sige tatanggapin ko ang bigay mo kung lahat kami bibigyan mo tig-isang lapad. Biro ko lang sa kanya yun pero yung matanda tinotoo, ang dami niya okane sa saifu niya. binigyan niya mga kasama ko tig-isang lapad pero sa akin 3 lapad pa rin. kaya tinanggap ko na rin.

Hindi na rin masama yng ginawa ko sa tingin ko, at least nabigyan siya ng lesson na huwag mambastos ng babae lalo na sa mga ganyang nag soshow na talento. Dahil hindi naman niya dapat talaga gawin yun. Nagastusan pa siya.:rolleyes:

Kaya nga ang pakikipag-away depende rin yan sa kung nasaang position ka, kung kaya mo rin lang huwag na patulan, huwag mo na lang sana patulan. Pero kung tinatapak tapakan, minumura, at sinasaktan ka na eh ibang usapan na rin yun. Depende lang s akung anong sitwasyon at kung paano mangyayari yun.

SAMURAI X
10-05-2006, 05:24 PM

WOW!!!! palakpak!!!! Ok ginawa mo.. Para matauhan silang lahat..General kasi pagkakakilala nila sa mga pinay eh..Lalo na pag talento..

hayaren
10-05-2006, 06:18 PM
sensei, am missin' your presence wherever you might be, I inquired all the words I got from your thread towards my hubby, nag x ang kilay sabay sabi "please don't create a big fuss over it" natakot siya baka gamitin ko sa kanya:D