PDA

View Full Version : seeking for advice....


bara
04-25-2006, 10:14 PM
kobanwa nga ka timog hingi lang ako ng advice and some opinions regarding sa plano kong maki pag bekyo sa husband kong japanese.Actually ganito kasi ang si ang situation ko.Im giving birth next month sa first baby ko actually marami akong anxiety and down moments sa pagbubuntis kong ito,di ko pa kasi plano mgkanak this year at ayaw ko ding pagpatali sa hapon ko habang buhay kaya napagisipan kong kapag panganak ko at ngkatrabaho na ko uli gusto kong bumukod kami ng anak ko at bumalik nalng uli ung hapon sa bahay ng nanay niya.Nung una divorce talaga gusto ko kaya lang medyo mahirap pa sa ngayon kasi di pa permanent ang visa ko and financial status ko.Actually wala kasi akong feelings sa asawa ko akala ko nung una okey lang pero di pala mahirap kahit anung gawing kabaitah sakin ng magulang nya di ko maappreciate i guess gusto ko uling umpisan uli ang buhay ko ayoko bata pa nman ako maybe marami pang opportunity akong pwedeng makamit.Sa tingin tama ba decission ko?ang hiningi ko kasi magbekyo kami hangat di pa na permanent visa iniisip ko lang ung baby ko paano ko explain sa kanya ung situation nmin ng father nya?Actually minsan ngmumukhang kawawa lang ung asawa ko sakin na guilty ako pero thats what i feel eh....good provider siya mabait naman kaya lang typical japanese man mukashi no kangeakatta hantai kami 25 me 44 sya age doenst matter if you have feelings but pagwala mahirap.Anu palagay niyo sa plan ko........

Autumn
04-26-2006, 12:49 AM
Kung ano sa palagay mo ang makakabuti sa iyo.yun ang gawin mo.totoo na kahit anong bait ng asawa kung hindi mo naman mahal mas maganda nga na makipaghiwalay ka nga.sayang din yun panahon para makakita sya ng magmamahal sa kanya.(sorry if i sound na nanenermon) alam ko hindi rin ako perpekto pero sana kung talagang di mo matutunan mahalin .go on your own way.madali na yan ipaliwanag sa bata .normal naman dito sa japan yan eh.

kasi in my own experienced. broken marriage kami .magkasama lang kami sa bahay.dahil sa mga bata.akala din kasi nun lalaking yun mahal nya ako.eh nagkamali daw pala sya at nakita na nya un talagang gusto nya.ang sakit noon huh..kung kailan 2 na anak namin.

hindi ako umalis ng bahay dahil ayokong sarilinin ang pagpapalaki sa dalawang anak ko.ayokong maging burden ng city hall .titira sa nabubulok ng mga danchi at pipila sa city hall para sa sustento.dahil katwiran ko .may anak kami at buhay pa sya.so sya ang gumastos
sa palagay mo kaya pag nag bekyou kayo tuloy tuloy pa din kung ano napagkasunduan ninyo? sustento.? extention ng visa?

diba ang ina lahat ng sakripisyo kayang gawin para lang sa mga anak? mahirap maging selfish.sorry ha pagpasensyihan mo na ako.kasi parang nakaramdam ako ng galit.para sa akin kasi hindi biro ang pagpapakasal.katulad ka din nang mister ko hindi naman pala sigurado sa feelings nya eh.nakasakit pa tuloy ng damdamin.sugat sa puso na hindi naghilom man eh naging peklat.
Again im sorry.

fremsite
04-26-2006, 10:07 AM
kobanwa nga ka timog hingi lang ako ng advice and some opinions regarding sa plano kong maki pag bekyo sa husband kong japanese.Actually ganito kasi ang si ang situation ko.Im giving birth next month sa first baby ko actually marami akong anxiety and down moments sa pagbubuntis kong ito,di ko pa kasi plano mgkanak this year at ayaw ko ding pagpatali sa hapon ko habang buhay kaya napagisipan kong kapag panganak ko at ngkatrabaho na ko uli gusto kong bumukod kami ng anak ko at bumalik nalng uli ung hapon sa bahay ng nanay niya.Nung una divorce talaga gusto ko kaya lang medyo mahirap pa sa ngayon kasi di pa permanent ang visa ko and financial status ko.Actually wala kasi akong feelings sa asawa ko akala ko nung una okey lang pero di pala mahirap kahit anung gawing kabaitah sakin ng magulang nya di ko maappreciate i guess gusto ko uling umpisan uli ang buhay ko ayoko bata pa nman ako maybe marami pang opportunity akong pwedeng makamit.Sa tingin tama ba decission ko?ang hiningi ko kasi magbekyo kami hangat di pa na permanent visa iniisip ko lang ung baby ko paano ko explain sa kanya ung situation nmin ng father nya?Actually minsan ngmumukhang kawawa lang ung asawa ko sakin na guilty ako pero thats what i feel eh....good provider siya mabait naman kaya lang typical japanese man mukashi no kangeakatta hantai kami 25 me 44 sya age doenst matter if you have feelings but pagwala mahirap.Anu palagay niyo sa plan ko........

gud morning bara san .. hmmnnn... hindi kaya maganda eh .. pag-isipan mong mabuti yang mga plano mo ? pag-isipan mo rin kalagayan ng magiging anak mo .. sabi mo , 25 ka na .. hindi ka na bata .. yung sinasabi mong marami pang opportunity siguro na dadating sa iyo ... hindi kaya ang " opportunity " na hinahanap mo eh .. yan na ? .. sabi mo mabait husband mo , pati mga inlaws mo .. maswerte ka nga at mababait nakuha mo ... yung iba kasi .. talagang nag-aaway ... bakit .. mahirap bang mahalin asawa mo ? .. talaga bang wala kang " feelings " man lang sa kanya ? .. sana .. naisip mo yan ng mas maaga .. nung wala ka pang dinadala sa sinapupunan mo .. isipin mo na lang kung ano mangyayari sa magiging anak mo .. hindi ka na nag-iisa ngayon .. may anak ka ng iisipin .. sana ~~ maliwanagan ka .. sana matutuhan mo ring mahalin ang ama ng anak mo at pati na rin ang mga in-laws mo .. mas maganda talaga kung buo ang pamilya ... hangga't maaari ... isipin kung paano mabubuo at hindi yung kung paano ka hihiwalay sa asawa mo ... ito lang maibibigay kong advice sa iyo .. mag-isip ng maraming beses ... God Bless ... huwag nyo pong masamain .. opinion ko lang naman ito ..:)

chubby_kulot
04-26-2006, 11:16 AM
hello bara chan :wavey: tama ang advice nina autumn chan at fremsite chan :kiss:

mas mainam na pag isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon..wag mo na isa alang alang ang sarili mong buhay pag ibig.....dahil may anak ka na at anak din sya ng asawa mong hapon...mahirap ng tanggapin para sa asawa mong hapon na wala kang feeling`s sa kanya tapos ilalayo mo pa un anak nya sa kanya..di naman kaya dobleng pasakit na ang gagawin mo dun sa asawa mo..gayon ang nais lang naman nya ay makasama ka ng habang buhay ...[kaya ka nga nya pinakasalan eh...]kasama ng mga magiging anak nyo...alam ko na madali para sa akin at sa ibang tao ang magbigay ng adivice para sayo dahil di kami ang nasa kalagayan mo...isipin mo na lang...mahal ka ng asawa mo..mahal ka ng mga byenan mo..di mo man magawang mahalin ng totoo un hapon na asawa mo..atleast man lang ..pakisamahan mo na lang sya ng mabuti..i mean ibigay mo ang karapatan nyang makasama araw araw ang anak ninyo..isipin mo rin na mas mainam na ikaw ang minamahal kesa sa ikaw ang nagmamahal..swerte ka kesa sa ibang tao na nagmamahal sa mga hapon..un iba nga dyan..after mabutis di inaako ang sariling anak..pero ikaw pinakasalan ka pa..at patuloy na minamahal hanggang ngayon...

pwede bang magtanong...lumaki ka ba sa isang broken family??????.....
kung oo...masarap ba ang maging myembro ng broken family....???
kung hindi...gugustuhin mo bang makasama ang anak mo sa bilang ng mga batang myembro ng broken family????
.....mag isip ka ng mabuti..di lang para sayo kundi para sa anak at pamilya mo na until now eh buo pa...alalahanin mong sa gagawin mong desisyon....buhay mo at ng anak at ng pamilya mo ang nakasalalay....ang kasabihan na laging nasa huli ang pag sisisi..... inaway di mangyari sau..naway hanggang sa huli...wala kang pagsisisihan sa gagawin mong mga hakbang..... :wavey:

goodluck.... :kiss:

peace po tayo....opinion ko lang po ito.... :type:

japphi
04-26-2006, 11:25 AM
Magbibigay din ako nang opinion ko ha...at sana ay huwag kang magagalit kung hantai man ito....kasi hindi ko nararamdaman ang feelings mo towards your husband.

Palagay ko sa umpisa palang ay mali ka na sa pinili mo na pagpapakasal sa asawa mo na hindi mo naman pala mahal.At malaking mali pa rin (para sa akin)ang gagawin mong pag-be-bekyo nang dahil lang sa wala kang pagmamahal sa kanya.Sa ngayon ay plano mo bekyo kasi hindi pa permanent ang visa mo....at kung nag-permanent na ay divorce naman ang magiging resulta....tama ba ako?Then pag may nangyari na kailangan nang tulong mula sa asawa mo o mula sa mga in laws mo dito....saka mo sila kailangan???:rolleye s:

Correct me if I'm wrong.....kung nakuha mo ang ibig sabihin ni Autumm....galit sya sa asawa nya....dahil pagkaraan nang ilang taon na gayon pang may dalawang anak na sila nang asawa nya ay saka sinabi na hindi sya mahal nang husband nya.

Kung iisipin nating mabuti.....ikaw kaya ang malagay sa katayuan nang asawa mo....ano kaya ang magiging feeling mo?Huwag ka sanang maging maka-sarili at huwag padadala sa kabataan mo....sabi mo 25 ka...well kalahati nang idad ko.....pero hindi naman lagi ay 25 ka.

Alam mo sa nabasa ko sa hinihingi mo nang advice.....para bang (maliwanag)na ginawa mo lang daan ang asawa mo.....SORRY...masak it pakinggan pero mas masakit yan sa taong nagmamahal naman na nire-refuse sya.

Marami nga d'yan na mga kababayan natin na kabaligtaran naman sa pina-plano mo ngayon.Andyan na ang opportunity na binigay nang Diyos sa iyo at kailangan na gamitin mo ito nang mahusay kundi'y baka may pagsisihan ka sa bandang huli.

Ang maipapayo ko lang sa'yo.....isipin mong maigi ang magiging buhay nang anak mo...walang kasalanan ang anak ninyo sa pag-aasawa mo sa tatay nya na hindi mo naman pala mahal.

Kung gagawin mo ang mag-bekyo sa kanya mas maganda na ang umuwi ka sa atin para hindi ka na maging stress pa nang asawa mo sa araw-araw na trabaho nya.Wala syang iisipin na gaijin na aalalahanin nya sa araw-araw.....walang istorbo pag nakakita sya nang babaing magmamahal sa kanya.Bayaan mo na lang na sustentuhan nya ang anak nya sa'yo at bisitahin sya sa Pinas at bigyan nang opportunity bilang isang anak nang hapon pag dating nang panahon na gusto mong putulin ngayon.O kaya tutal marami ka pang hinihintay na opportunity para sa'yo....siguro mas maganda ang magiging kinabukasan nang bata kung nasa poder sya nang mapagmahal nyang Tatay.Bigyan mo/sila nang kalayaan na humanap din sya/sila nang future.Kasi hindi mo naman sya/sila mahal.
Bakit ba magyayasumi pa ang asawa mo pag nanganak ka....hindi mo naman pala mahal.....magsasayan g lang sya nang oras.....pero asawa ka nya kaya andyan sa tabi mo.Tao kang pinakasalan na alam nyang mahal mo rin kaya andyan sya,walang kasalanan ang bata kaya andyan sya.At ang malaking bagay no'n mahal ka kaya ka nya pinakasalan at pinunta dito.

Huwag mong isipin na dahil maganda ang pamumuhay dito sa Japan kesa sa atin ay ganoon na yon.Kaya mo sa palagay mo....well magtanong ka muna sa mga ibang kababayan natin na may experience nyan.Huwag mong isipin na dahil madaling kitain ang Yen ay madali ang bekyo o Rikon.

Tulad nang sabi ni Autumm sa palagay mo pag nag-bekyo kayo nang asawa mo tapos na ang problema mo?Umpisa pa lang yon!Baka wala pang isang taon ma-realize mo ang buhay bekyo,single mother,pag ga ganbaru para sa mga bayaran dito bayaran dyan,education o kinabukasan nang bata then darating ang panahon na hindi mo pala kaya at kakatok ka sa pintuan nang ama nang anak mo at ang magbukas nang pinto ay ang kapalit mo.....ano kaya ang magiging feeling mo?

Talo ka!Winner ang asawa mo dahil nakakita sya nang magmamahal sa kanya at asawa na pang life time.Palagay ko maluluha ka at matitingin sa anak mo at masasabi mong ....GOMENNASAI...... kaya ngayon na may time pa na tulad nang sabi mo mabait at good provider naman ang asawa mo....BETTER THINK TWICE BEFORE IT WOULD BE LATE.MASWERTE KA AT ISIPIN MO YAN BAGO MO I RELEASE YANG SWERTE NA NASA SA'YO NA.Goodluck sa iyo at sa magiging desisyon mo.

(Sorry sa sermon ni Lowla....pero I know...magkakapatid tayo dito)

PS:If someday nagsisi ka....huwag na huwag kang lalapit kina Sis Ugnayan at Sis Tonyang.....may Big and Good heart silang tumulong pero ayaw nila sigurado ang attitude na ganyan:p .


@Autumm....napaka-dakilang nanay mo....gusto kitang bigyan o sabitan nang medalya.Biruin mo sa ilang taon nang pagsasama ninyo nag-sacrifice ka nang dahil sa mga anak ninyo.Tutoong mahirap siguro ang tumira sa isang bubong w/the man you hate....pero isa kang modelo nang mabutihing ina.Wish and pray you more patience,luck and good health.At alam ko...ahead ay naghihintay sa'yo ang malaking swerte na dala nang mga anak mo na ginagabay mo kasabay nang iyong sakripisyo.Goodluck: )

Dax
04-26-2006, 11:59 AM
pwede bang magtanong...lumaki ka ba sa isang broken family??????.....
kung oo...masarap ba ang maging myembro ng broken family....???
kung hindi...gugustuhin mo bang makasama ang anak mo sa bilang ng mga batang myembro ng broken family????@bara,
Pasensya na po, hindi rin ako sang-ayon sa pinaplano mong makipag-bekkyo. Di po kaya sarili ninyo lang ang iniisip nyo sa plano nyong yan? Opportunities? Para po kanino? Sayo lang po ba? Pano po ang magiging anak ninyo? Di po ba siya ang priority ninyo hindi ang sarili ninyo? Pano po ang asawa nyo? Mahal ka niya naman siguro di ba? Good provider pa siya, swerte mo nga po eh. Pati in-laws niyo po maganda naman trato sayo, pano po sila?

Galing po ako sa isang broken family. Mahirap po. :( Nakakainggit ang mga pamilyang may tatay at nanay na nagsasama. Tuwing may PTA meeting lang hindi ko alam kung sino sa kanila ang papupuntahin ko. Gusto ko pareho pero ayaw nilang magkasabay eh. :D Tuwing graduation di ko alam kung sino ang aakyat para mag-pin sa akin ng ribbon/medal. Naalala ko nung maliit pa kaming magkakapatid, tinatanong namin sa isa't-isa: Bakit sila naghiwalay? Kasalanan ba natin? Mababait naman tayo di ba? Maayos naman tayo sa eskwela, hindi nagda-drugs, hindi nagbabarkada, pero bakit tayo pinaparusahan? :cry:

Huwag ka pong magagalit ha. Sana po tiisin niyo na lang kung di niyo po mahal ang asawa niyo. Please do it for your future child/children. :O

ichimar
04-26-2006, 12:06 PM
hello bara,makikisagot na din ako.........married din ako for 3 yrs.nagsimula kami na walang love na namamagitan sa amin,sulat,at telepono ang communication namin........sabi ko kung mag wo work yung relationship namin ng ganun lang,magpapakasal kami,april2003,nag magkita at magkakilala kami sa pinas,pagkatapos ng 2 araw bumalik na sya dito......gusto daw nya ako,napakabilis di ba,nung time na yun nag sulatan at nag uusap lang kami sa phone.....4 months after ikinasal kami,di ko masasabing nandun na yung love,kasi ang bilis di ba....pagkatapos ng kasal 2 months akong nag hintay,hanggang nag ka visa ako,at nakapunta sa japan........ang daming adjustment pero nakayanan ko,hanggang isang araw,narinig ko sa asawa ko na mahal daw nya ako,syempre ang tagal kong hinintay yung time na yun.........masuwert e ka dahil,mahal ka ng mga byanan mo at higit sa lahat ng asawa mo........ngayon ka pa ba lalayo,ngayong mag kakaanak na kayo,kahit na sabihin mong hantai kayo,di mahirap magmahal,kung talagang gugustuhin mo,walang imposible kung gagawin mo......pero kung anu yang sinasabi ng puso at isipan mo,yan ang sundin mo,walang ibang makakatulong sa iyo kundi sarili mo.......at higit sa lahat wag makalimot dumalangin sa itaas,yan lang ang nakakaalam ng lahat lahat:)

proud me
04-26-2006, 02:32 PM
bara san, sana lahat ng mga advice sayo pag isipan mong mabuti...ikaw parin ang mag didisisyon dahil sariling buhay mo yan...sana kung ano man ang magiging desisyon mo ...sa bandang huli ay yong hindi mo pagsisisihan...god bless you:)

sayaka_0912
04-26-2006, 03:17 PM
hello Autum new member po ako sa tf at nabasa ko yong about sa life mo.you know po onaji tayo ganoon din ang sinabi sa akin ng hubby ko.ang sakit po talaga pero po hindi po ako umalis sa house kasi inisip ko na responsibilad nyang buhayin nya ako.until now magkasama kami sa house and i love my husband kahit sinaktan nya ako.

sayaka_0912
04-26-2006, 03:21 PM
kobanwa nga ka timog hingi lang ako ng advice and some opinions regarding sa plano kong maki pag bekyo sa husband kong japanese.Actually ganito kasi ang si ang situation ko.Im giving birth next month sa first baby ko actually marami akong anxiety and down moments sa pagbubuntis kong ito,di ko pa kasi plano mgkanak this year at ayaw ko ding pagpatali sa hapon ko habang buhay kaya napagisipan kong kapag panganak ko at ngkatrabaho na ko uli gusto kong bumukod kami ng anak ko at bumalik nalng uli ung hapon sa bahay ng nanay niya.Nung una divorce talaga gusto ko kaya lang medyo mahirap pa sa ngayon kasi di pa permanent ang visa ko and financial status ko.Actually wala kasi akong feelings sa asawa ko akala ko nung una okey lang pero di pala mahirap kahit anung gawing kabaitah sakin ng magulang nya di ko maappreciate i guess gusto ko uling umpisan uli ang buhay ko ayoko bata pa nman ako maybe marami pang opportunity akong pwedeng makamit.Sa tingin tama ba decission ko?ang hiningi ko kasi magbekyo kami hangat di pa na permanent visa iniisip ko lang ung baby ko paano ko explain sa kanya ung situation nmin ng father nya?Actually minsan ngmumukhang kawawa lang ung asawa ko sakin na guilty ako pero thats what i feel eh....good provider siya mabait naman kaya lang typical japanese man mukashi no kangeakatta hantai kami 25 me 44 sya age doenst matter if you have feelings but pagwala mahirap.Anu palagay niyo sa plan ko........ hi!barasan matutunan mo rin yang mahalin ang hubby mo.wag masyadong maging wagamama and think it a million times

luccia
04-26-2006, 04:07 PM
hi sis bara,

if your husband is typical japanese and your are a typically pilipina
too. the moment you accept your husband, you know already na dimo siya
mahal.dun palang sarili mo na niloloko mo.

sapalagay ko sa plano mo. nothing just empty wala akong makitang plano
dahil di ka marunong mag-plano.

in your words your focusing to much in permanent visa.bcoz this is the main
reason why you marry him. deny it or accept it; its up to you.

what is Permanent visa?
if your holding a permanent visa ang simpleng sagot lang dyan
no need for extension.
pag nakalimutan mo ang Re-Entry wala ring silbi ang PR mo.
kaya nakasalalay ang PR mo sa Re-Entry.

How Do I Obtain a Permanent Visa?
only your husband can gave it to you. nothing more nothing less
child can gave a PR to the mother at the age of 17 yrs.old

what is Bekuyou?
isang kasulatan na mag asawa pa rin kayo pero hiwalay
na kayo sa lahat ng bagay at no string attached.
and its all about financially support.if the japanese
declare bankruptcy in city hall. wala ring silbi ang
ang kasulatan na yan.

about love tama ka dyan pilitin mo man mahalin ang isang tao
pero di naman ayon sa puso at isip mo. wala ring silbi yon.
so bakit kailangan pang pilitin di wag na lang pilitin.
mahirap namang sabihin sayo na alalang sa anak mo pakibagayan
mo ang asawa mo.mas mahirap yon dahil mas madali kang lapitan
ng tukso. at mas lalong complicated yon. imbes na asawa mo lang
ang mag dadalamhati ,may matatamaan ka pang isa kundi ang anak mo.
you wanna start with your life again then go on.

But pls. iwan mo ang bata sa ama. Sayo na rin ng galing
that your husband is kind and good provider.and you said you dont love
your husband. can you ask your self kung kaya mong mahalin ang
anak mo sa lalaking di mo naman mahal? or can you ask your self again
if you could be a good mother?
maraming ring bata na nabubuhay na wala ang magulang nila.
and they become a good person or much better person.

both of you are old enough to know whats good and bad.
so bakit pa ako makikisimpatya sayo at sa asawa mo.

my heart goes out to ur baby.dahil kung ano man ang decisions
mo ang unang matatamaan ay ang anak mo.

So Lets Keep the Good Vibes Rollin to your baby:halo: and to you.

bara
04-26-2006, 04:50 PM
i get your point miss lucia alam ko naman sa sarili ko na ako yung may problema.Ganyan din ang sabi sakin ng mother ko kung mas okey ang buhay ko sa hapon dito nalang daw ako but sarili ko paring desisyon yun.Siguro nga masyado kong minadaling magasawa kaya ganito nangyari.Siguru sa ngayon napagisipan ko at dahil narin sa mga opinion niyo na di kona ituloy yung balak ko makipagbekyo,para sa tame ng bata mahirap maging single mother dito sa japan.Kaya lang ang kinatatakot ko kapag nagkaisip na ung baby ko girl pa naman makita niya na medyo disfunctional ang situation nmin ng father niya kasi ganito for example hiwalay ng room yung father niya hindi kami madalas magusap pero ako parin lahat gawa sa bahay pinagluto ko parin ng bento yung father niya ayokong kasama at madalas dumalwa sa bahay mga biyenan ko,tapos ganito pa sabi niya ok lang daw na magkipag relasyon kami sa iba pero wala daw hiwalayan hidio ba yung iniisip ng asawa ko!!!!siguro nga ako yung wagamama kahit iba kong kaibigan ganyan ang sinasabi sakin.....complicate d medyo takot din kasi ako makipaghiwalay sa asawa ko kasi madali talaga siyang makakahanap ng kapalit kasi tahimik family oriented responsible tsaka maganda yung posisyon sa companya tama nga yung sabi nung ibang katimog na nasa kama na ko bakit pa ko pupunta sa banig.kasi alam niyo guys halos mga nagiging vibes kong mga kaibigan puro teenager kung magisip and medyo liberal minded kaya siguru ganun narin yung mga naiisip ko....Ewan ko ba may itsura naman yung asawa ko matangkad maayos manamit mas lalo ngang naging conscious sa katawan nung ngsama kami siguro nakikita nya sakin kasi ako makikay ba ko sa katawan ka kaya ewan ko bakit ganun nalang yung inis ko sa hapon ko....kaya ngayon naisip ko siguro kapag ngcollege na yung baby ko oh pag medyo ngdalaga nlang me makipaghiwalay siguru nman medyo malaki narin yung ipon ko nun tsaka yung hokien ko and nung bata malaki narin yung nahulog ng asawa ko at baka mapanahan kami ng nanay and tatay niya kung sakaling mahimlay na pero ayoko parin tumira sa bahay ng biyenan ko period.......salamat sa mga advice niyo!!!!

bara
04-26-2006, 04:50 PM
hi sis bara,

if your husband is typical japanese and your are a typically pilipina
too. the moment you accept your husband, you know already na dimo siya
mahal.dun palang sarili mo na niloloko mo.

sapalagay ko sa plano mo. nothing just empty wala akong makitang plano
dahil di ka marunong mag-plano.

in your words your focusing to much in permanent visa.bcoz this is the main
reason why you marry him. deny it or accept it; its up to you.

what is Permanent visa?
if your holding a permanent visa ang simpleng sagot lang dyan
no need for extension.
pag nakalimutan mo ang Re-Entry wala ring silbi ang PR mo.
kaya nakasalalay ang PR mo sa Re-Entry.

How Do I Obtain a Permanent Visa?
only your husband can gave it to you. nothing more nothing less
child can gave a PR to the mother at the age of 17 yrs.old

what is Bekuyou?
isang kasulatan na mag asawa pa rin kayo pero hiwalay
na kayo sa lahat ng bagay at no string attached.
and its all about financially support.if the japanese
declare bankruptcy in city hall. wala ring silbi ang
ang kasulatan na yan.

about love tama ka dyan pilitin mo man mahalin ang isang tao
pero di naman ayon sa puso at isip mo. wala ring silbi yon.
so bakit kailangan pang pilitin di wag na lang pilitin.
mahirap namang sabihin sayo na alalang sa anak mo pakibagayan
mo ang asawa mo.mas mahirap yon dahil mas madali kang lapitan
ng tukso. at mas lalong complicated yon. imbes na asawa mo lang
ang mag dadalamhati ,may matatamaan ka pang isa kundi ang anak mo.
you wanna start with your life again then go on.

But pls. iwan mo ang bata sa ama. Sayo na rin ng galing
that your husband is kind and good provider.and you said you dont love
your husband. can you ask your self kung kaya mong mahalin ang
anak mo sa lalaking di mo naman mahal? or can you ask your self again
if you could be a good mother?
maraming ring bata na nabubuhay na wala ang magulang nila.
and they become a good person or much better person.

both of you are old enough to know whats good and bad.
so bakit pa ako makikisimpatya sayo at sa asawa mo.

my heart goes out to ur baby.dahil kung ano man ang decisions
mo ang unang matatamaan ay ang anak mo.

So Lets Keep the Good Vibes Rollin to your baby:halo: and to you.
i get your point miss lucia alam ko naman sa sarili ko na ako yung may problema.Ganyan din ang sabi sakin ng mother ko kung mas okey ang buhay ko sa hapon dito nalang daw ako but sarili ko paring desisyon yun.Siguro nga masyado kong minadaling magasawa kaya ganito nangyari.Siguru sa ngayon napagisipan ko at dahil narin sa mga opinion niyo na di kona ituloy yung balak ko makipagbekyo,para sa tame ng bata mahirap maging single mother dito sa japan.Kaya lang ang kinatatakot ko kapag nagkaisip na ung baby ko girl pa naman makita niya na medyo disfunctional ang situation nmin ng father niya kasi ganito for example hiwalay ng room yung father niya hindi kami madalas magusap pero ako parin lahat gawa sa bahay pinagluto ko parin ng bento yung father niya ayokong kasama at madalas dumalwa sa bahay mga biyenan ko,tapos ganito pa sabi niya ok lang daw na magkipag relasyon kami sa iba pero wala daw hiwalayan hidio ba yung iniisip ng asawa ko!!!!siguro nga ako yung wagamama kahit iba kong kaibigan ganyan ang sinasabi sakin.....complicate d medyo takot din kasi ako makipaghiwalay sa asawa ko kasi madali talaga siyang makakahanap ng kapalit kasi tahimik family oriented responsible tsaka maganda yung posisyon sa companya tama nga yung sabi nung ibang katimog na nasa kama na ko bakit pa ko pupunta sa banig.kasi alam niyo guys halos mga nagiging vibes kong mga kaibigan puro teenager kung magisip and medyo liberal minded kaya siguru ganun narin yung mga naiisip ko....Ewan ko ba may itsura naman yung asawa ko matangkad maayos manamit mas lalo ngang naging conscious sa katawan nung ngsama kami siguro nakikita nya sakin kasi ako makikay ba ko sa katawan ka kaya ewan ko bakit ganun nalang yung inis ko sa hapon ko....kaya ngayon naisip ko siguro kapag ngcollege na yung baby ko oh pag medyo ngdalaga nlang me makipaghiwalay siguru nman medyo malaki narin yung ipon ko nun tsaka yung hokien ko and nung bata malaki narin yung nahulog ng asawa ko at baka mapanahan kami ng nanay and tatay niya kung sakaling mahimlay na pero ayoko parin tumira sa bahay ng biyenan ko period.......salamat sa mga advice niyo!!!!

katty0531
04-26-2006, 04:57 PM
Hello bara san,
Napaka ganda ng mga advice dito sa thread mo sana maliwangan kang mabuti...ako rin mas bata pa sayo at siguro mas bata akong nagpakasal kaysa sayo pero nagpapasalamat ako sa Dios dahil may pagmamahal na galing sa aming dalawa ang aming relasyon na ni minsan hindi ko nakita sa mga magulang ko.

Hindi biro ang lumaki na hindi buo ang pamilya walang tatay, maibibigay mo man sa kanya lahat ng bagay bilang kapalit ng tatay nya hindi mo maibibigay ang pagmamahal at maparanas sa kanya ang pakiramdam ng may ama..sa totoo lang ganyan ako ngayon kahit may asawa na ako lumaki na ako parang may kulang parin sakin,siguro dahil hindi ko natikman ang sermon ni tatay ko paglalambingan nila ng nanay ko as in wala..away pa meron marami...hanggang sa isang araw nawala rin sila pareho sa tabi ko.

Pero kung ano man ang magiging desisyon mo nasa sayo naman lahat, basta mapapalaki mo lang ng maayos at maging isang mabuting mamayan ang anak mo siguro isa na yong success para sayo. Goodluck at sanay maging matatag ka sa lahat ng dagok ng buhay.:D

bara
04-26-2006, 05:31 PM
san province mo katty medyo malalim ka magtagalog! parang yung friend kong tiga cabanatuan....tama ka dyan,hantai pala tayo ng situation kasi ako sa case ko dalawa lang kaming magkapatid both girl me panganay ako yung unang nagkatrabaho siyemper mula pagkabata until na makapagasawa ako yung mother ko talagang kasali sa desisyon kon gawin,masyadong mabunganga kaya medyo inis me minsan sa mother ko kapag ngaway kami napakatamang parang armalite ang bunganga may kasama pang iyak kaya siguro mas gusto ko yung independent.....mins an nga sabi ng sis ko yung pagiging nagger oh butangera ng mother ko eh parang nainherit ko daw o nakukuha ko daw kasi for example dito sa bahay kapag nagkasagutan kami ng asawa ko naku ngsigaw na ko niyan kahit bara bara yung nihongo ko pag di ako nakapagpigil magsiratalaga ako ng gamit pero yung binili niya hindi yung binili ko sama nuh.....tapos ang gagawin nung asawa ko lalayasan ako pupunta dun sa biyenan ko daladala lagi yung playstation parang sira nuh....sirain ko na daw lahat wag lang yung game niya ewan ko ba bakit mahilig sa game mga hapon kahit babae.masarap talagang lumaki kasama ng may magulang pero kapag yung nanay mo eh may pagkapakialamera at mabunganga naku baka lagi kang wala sa bahay yung mga tatay okey lang tahimik lang yan pero pag nagalit sila matatakot ka talaga tsaka kahit sining lalaki dalhin mo sa bahay kokontrahin talaga maski nga ngayon yung tatay ko tawag sa asawa ko sakang tsaka pagnalasing minumura sa tagalog yung hapon ko...goodluck din sayo katty!!!!!!

aimi2819
04-26-2006, 05:31 PM
Hi bara san!:) Siguro mas magandang hintayin mo munang maisilang yang baby mo, kasi pag nakita mo na sya, tiyak magbabago ang isip mo, baka bumaligtad pa kamo, baka ikaw na ang magmahal sa asawa mo, at di mo na maiisip ang sarili mo, kasi lahat mapupunta dyan sa anak mo, kasi ganyan din ako nung una, ayoko pang magpakasal, gusto ko lang magka anak, pero nung makita ko na ang baby ko, bigla akong naawa sa kanya, ayokong lumaki syang gamit eh ang surname ko, gusto ko meron syang Daddy, buti na lang at matyagang naghintay sakin ang husband ko na pakasalan ko sya, at salamat na rin at di ako nagkamali ng decision.:p

bara
04-26-2006, 05:45 PM
ganun ba aimi!!!!!siguro tama ka nga sa sinabi mo....kaya nga gusto ko nang manganak hirap na hirap na kong magbuntis lagi na nga lang ako dito sa bahay di me gaano lumalabas panu yung paa ko medyo minamanas tapos pgnggrocery me lagi kang nacr,hirap ding matulog panu parang may ailien na gumagalaw sa tiyan mo.......ewan ko bakit dito sa japan 10 months ang bilang nila ng pagbubuntis samantalang basa sa buong mundo 9 moths lang diba!!!!tsaka minsa kapag ngpapachechup ako sa boin bakit yung mga doctors dito hindi nila alam yung mga medical term sa english samantalang diba sa ibang bansa yang mga medical ter m na yan ay alam ng doctor sa english kaya minsan may gusto kong itanong di naman masagot ng doctor na hapon kahit si hapon ko tamad magaral ng english!!!1minsan tuloy sabi ko dun sa ob kong hapon eigo wakaru desuka sabi niya gomen daw wakaranai kaya dito nalang me sa internet ng consult and ngsearch tungkol sa pregnancy sakit na nga ng mata ko!!!!1

Autumn
04-26-2006, 05:45 PM
hello Autum new member po ako sa tf at nabasa ko yong about sa life mo.you know po onaji tayo ganoon din ang sinabi sa akin ng hubby ko.ang sakit po talaga pero po hindi po ako umalis sa house kasi inisip ko na responsibilad nyang buhayin nya ako.until now magkasama kami sa house and i love my husband kahit sinaktan nya ako.

welcome sa TF enjoy your stay.

good luck sa iyo.sanay mapag tiisan mo kung ano man ang mga darating pang pagsubok sa buhay mo. mahirap makisama talaga lalo at walang pag mamahalan .pero nagagawa kong maging civil sa kanya .dahil sa mga Bata.mga ilang taon pa at makakalaya na kami pareho.mapapakasalan na din nya yun kanyang MAHAL.
pag iniisip ko ang dali pala ng panahon.hindi ko na namalayan na nag silaki na mga babies ko.nagtatrabaho na panganay ko.yun bunso ko na lang,
otagai gambarimasyou ne;)

katty0531
04-26-2006, 05:46 PM
Hi bara.....taga Davao city ako..pasensya na sa tagalog ko ha kasi bisaya ako...hehehe~~~issho kenmei lang mag tagalog at mag nihonggo narin hehehe.....
ganbarimashoo ne....mata.

ritzyu
04-26-2006, 06:00 PM
Pwede sumingit dito Bara san, pareho pala tayo ng lugar..pero kahit na
siguro anong ipangaral sa iyo mahihirapan ang magpapayo, lalo na ang
tawag mo pala sa asawa mo ay si hapon lang ..simula matapos ang storya mo
di mo nakayang bigkasin ang salitang..asawa ko:)o di ko lang nakita..ayaw mo pala talaga sa
hapon, bat napasubo ka ng ganyan. Mahirap ugalin ang ganyang attitude
"trial and error".. ngayon naliwanagan ka sa mga bigay na payo sa iyo ng mga
members dito ..mag-try ka uli na makisama dahil malaki makukuha sa hoken..
baka pamanahan kayo ng biyenan mo...puro pera yang nasa isip mo(wag kang magagalit
ha payo lang naman ng nakakatanda ito) binasa ko kasi storya mo..gusto kong unawain ka, ikaw na nga me sabi ng puro bata ang kausap mo, mga hindi pa hinog sa isip kaya wala kang mapupulot na kahinugan na payo buhat sa kanila. Maraming kabataan na hinog ang isip
di mo lang siguro natatapatan:)

Hindi mo mahal asawa mo, makikisama ka, ang hirap yata yan..o..makikisama ka na
di mo mahal ang asawa mo, lalong di maganda yan, makikisama ka sa kanya na me poot
sa dibdib mo, magre-reflect yan sa anak mo. Kawawa naman ang bata, paka-isipin mo
pa ang magiging desisyon mo (magdadasal ka sa KANYA) wag kang magmadali, malay
mo isang umaga napag-kagising mo, ibigay NIYA sa iyo ang susi ng kasagutan ng mga
problema mo.

Bara san,ito lang masasabi ko sa iyo, di mahirap mahalin ang mga Hapon:)

bara
04-26-2006, 06:44 PM
Ewan ko ba ate.....yun nga alam ko marami siguro dito sa tf na ngbigay ng na mali talaga ko,tama ka te bakit nga ba ko ngpakasal kung di ko naman mahal di ko na dapat pagsisihan diba ate kasi complicated na ang situation.Kasi ate ganito yung napagisipan ko nung bago palang me magpakasal....bago muna diyan te why nga ba!!!ganito ang way of thinking ko first i hindi naman ako lumaki sa isang broken family but when im turning may teen years my mother decided to leave our house siguro di ko rin masisi mother ko kasi yung daddy ko may ka pagkapolygamous ba tapos yung side ng father ko may pagkaaristocrata ba so emotionally distress ung mother ko.During that time sakin naiwan lahat ng respnsibility sa bahay ng its teen age year ako lahat sa bahay gumawa tapos nakikita ko pa nas yung daddy ko na may ibang kausap sa phone sa babae tapos binibigyan nya ng pera so lumaki ako ng medyo disfunctioalnal ung family then after few months or year bumalik uli yung mother ko sa bahay then okey na but dun na nakarma father ko natangal siya sa trabaho kaya which way kami ng sis ko pupunta pareho kaming ngcollege nun kaya napilitan ako maging working student then i stop sa mga experiences ko na yun naging independent talaga ko kasi i was just 19 when naging breadwinner ako ng family ko then nung ngcollege ako lalong nagstrong talaga personality ko kasi ayoko makita na humiliated yung family namin,isip ko kasi nun if you are young and beautiful hindi naman po ako ganung kagandan madam,you have power you can choose what you want marry a man fine decent man with money you will not leave empty or be inlove and marry the man you really love try to suffer because you love 2 bagay lang po yan madam but me i choose my mind and the society im living with than my heart,kaya look right now in states brit even here in japan most educated women dont want to get married kung magpakasal man sila may prenuptial agreement like catherine zeta jones and micheal douglas tom and katie trumph and lisa.madam thanks for advice i really appreciated it urilang ina po talaga kayo kaya proud po mga anak niyo sa inyo.But i promise to myself no matter what i want i will raise my daughter to become a women with compassion pride intelligent good upringing and with class.

Stacie Fil
04-26-2006, 07:33 PM
Bara san,

Alam ko magagalit ka sa sasabihin ko. Pero alam mo Bara...kailangang barahin kita...para na rin sa iyo. Alam mo iha, IKAW ang problema! Oo, sarili mo. Ikaw ang lahat nang may kasalanan.

Kung nais mong maayos at matuwid ang sarili mo, kailangang tanggapin mo ang katotohanang iyan. Umiyak ka na sa sakit nang loob mo sa akin. Pero mas nakakalungkot at kawawa ka, kung di ko yan sasabihin sa iyo. Naantig ang damdamin ko sa iyo, lalo na nang mag estorya ka tungkol sa magulang mo. Mature na ang physical na pagka tao mo, pero ang isip mo...bata pa.

Ewan ko kung mauunawaan mo ako. Hindi ko sinasabi ang mga bagay na ito, dahil may galit kaya ako sa iyo? Hindi tayo magkakilala at ngayon ko lang naencounter ang handle mo.

Magaganda ang lahat nang payong bigay sa iyo, aralin mong mabuti at paulit-ulit. Lawakan mo ang iyong pagiisip, higit sa lahat ang iyong pakiramdam at puso sa kapwa.

Ma pa-lalaki or babae man ang mapangasawa sa Hapon, obviously majority doon eh hantai. Dahil napakalaki nang pagkakaiba nang kultura nila sa atin at sa iba pa mang nasyon sa buong mundo. Ikaw ang gagawa nang paraan, at walang iba na makagagawa noon para sa iyo, na magkaintindihan kayo at lumapit ang pagitan nang hantai na mundo ninyo. Sa isang banda ay tama rin yung ginagawa mo na asikasuhin at suklian nang respeto/attensyon ang magandang loob na bigay sa iyo nang asawa mo.Sana lang, iwasan yung ugali mong kulang sa kontrol pag nagagalit at naninira pa. Masama yon.

Tama ang sabi nila na hayaan mo nang konte na tulungan ka nang panahon, humusga sa kahihinatnan nang relasyon ninyo. Desisyon mong pasukin at gawin yan, panindigan mo. Medyo kase mas malabo at suntok sa buwan ang remedyo na naiisip mo( sa aking palagay rin). Bawasan mo ang focus mo sa pera. Masyado kang nakatali at alipin nang pera. Yan sa palagay ko ang mas hantai. Balikan mo ang ilang mga payo sa iyo sa itaas(unahan) at obserbahan. Tila may bagay sa dulo nang ilong mo at silang nasa harapan mo ang nakakakita. Hinay hinay lang, nasa huli ang pagsisisi. Sabi nga sa kanta;" Oh it seems you know, that we don't know what we've got 'till it's gone..."

Swerte ka pa rin, marami kang karamay sa TF.



P.S.

Kung naasiwa ka pag naiisp mo ang pagitan nang edad ninyo nang mister mo. Siguro isipin mo na lang kung ikaw edad 60 na ano naman ang edad nang mister mo _____ ?


At kung halimbawa 300 yrs old ka na, ano naman ang mister mo _____ ?:D


:)

bara
04-26-2006, 08:17 PM
thanks for your concern stacie fil! okey lahat ng sinabi mo isang point lang ang may comment ako dun sa in a relationship for example pinay and hapon or other nationalities kailangan ba tayong mga babae ang magadjust medyo di me sang ayon dun like japanese and filipino because japan is a superior country than the philippines kailangan ikaw yung magadjust i don`t think so.Sa trabaho like sa kaishi i do what the japanese in the work but yung tapakan nila ung pagkatao ko din siraan because im a pinay di pwede yun im proud to be a pinay democratic kasi me.like me and my husband yah ngadjust me and siya din coz no matter what or how long kapa dito sa japan you cannot be a japanese like them thats my point with my husband ganun din sinasabi ko sa biyenan ko ayokong maging kagaya ng ibang filipina diyan na hai nalang ng hai di me pinagaral ng parents ko para maging sunod sunuran lang sa asawa.

aprilluck
04-26-2006, 08:19 PM
Wala na akong ma advise dahil nasabi na lahat ng members ang dapat sabihin sa'yo ,but heto ako pinili ko pa rin na mga comment .
Tama lahat ng sinabing advise sa'yo ,tama rin ang sabi ni Stacie Fil na suwerte mo may TF members na concern sa'yo ,di rin biro ang mag type ng mahabang post :p ,And look at the their post ,you see how serious they are ,the words that came from the heart ,every words explained for you to understand everything .Do you see how blessed you are ?Having a good husband is not that easy .Just wait until your baby comes ,and you'll see it is your husband whose the first person you want to show your baby's first smile .Good Luck .

P.S. no offense meant ha, napansin ko kasi "hapon" lang ang tawag mo sa husband mo, paano kung ikaw naman kaya ang tawagin ng husband mo imbes na "misis ko" ,"my wife" or "uchino okusan" ay ganito ..."itong japayuki na ito " How do you feel ? just think siya ang bumubuhay sa'yo ,siguro naman deserve din siyang igalang bilang mister mo .pasensiya na ,payong Tita lang ito .:)

docomo
04-26-2006, 08:19 PM
@ bara

..I'm not going to tell you to leave him or keep him...that is YOUR CHOICE.
But think about what the others have said...take it slow and guard your heart ... (get yourself some action on the side for the sake of your child) something to consider anyway.:)

Yujin
04-26-2006, 08:43 PM
bara
Makikihalo na rin ako sa pagbigay sa iyo ng piece of advice,
Sa pagbasa ko sa mga post mo especially dun sa isang reply mo para kay ritzyu,
Napansin kong gulong gulo ang utak mo, nag rereflect iyan sa mga sinulat mo sa iyong mga post.
Please do not take this the wrong way :) but nasabi kong gulong gulo ka dahil
hindi baga "smooth" ang flow ng idea sa gusto mong sabihin. Mahirap intindihin yung post mo as in literally.
Hindi ko na kakahabaan pa ang aking payo sa iyo, I suggest na clear your mind first, bago ka gumawa ng kung anuman malaking desisyon,
Think, re-think, consider, re-consider some more, at taking into consideration ang
lahat ng payo ng iyong mga ka -TF
I am sure ng magkakaroon ng magandang solution para diyan sa iyong problema.

good luck sa iyo. :)

bara
04-26-2006, 08:44 PM
thats what i feel kasi motto ko what yo see is what you get!!!!ayoko maging plastic sa husband ko mabuti alam niya yung situation and feelings ko sa kanya kesa mgsinungaling pa ko o ipakita na kunwari lang pala diba mas masama yun!!!God knows whats my situation right now siguro paglabas ng baby madaming mabago......

richie
04-26-2006, 09:13 PM
Wala na akong maidadagdag pa.

Eto lang, stay cool ka lang muna, baka maapektuhan ang baby mo sa sobrang pag-iisip. Think of beautiful things, do your favorite things, lumanghap ng sariwang hangin, exercise (yung prescribe ng doctor mo). Wow, your first baby! keep each moment, feel each moment na nasa sinapupunan mo siya...
and pray.

ninong
04-26-2006, 09:14 PM
iha,wala na akong mai-advise sa iyo dahil naunahan na ako ng ibang members.

pero sa ibang bagay ay maaring mabigyan kita ng advise...iha,masama ang masyadong magulang sa buhay pati na ang manggamit ng kapwa para sa makasaralining layunin.matakot ka na balang araw ay babalik sa iyo yan sa ibang paraan.

docomo
04-26-2006, 10:33 PM
thats what i feel kasi motto ko what yo see is what you get!!!!ayoko maging plastic sa husband ko mabuti alam niya yung situation and feelings ko sa kanya kesa mgsinungaling pa ko o ipakita na kunwari lang pala diba mas masama yun!!!God knows whats my situation right now siguro paglabas ng baby madaming mabago......


i'm so sorry that you are going so much confusion as bad as it feels right now ..it will get better please remember that..

i hope you won't find people here trying to be harsh on you , as you could see the replies ..just trying to give you a reality check .. make decisions based on what's best for all involved in the end .. think about it ..God Bless:)

bara
04-26-2006, 11:33 PM
thanks docomo actually meron iba pero reality kasi yun

Galadriel
04-27-2006, 06:32 AM
....But i promise to myself no matter what i want i will raise my daughter to become a women with compassion pride intelligent good upringing and with class.

Malaking challenge sa iyo ang mga ito. Pero sana wag mong kalimutan palakihin din ang anak mo na may pagmamahal sa puso at respeto sa kapwa, napakalaking bagay nito.

Hangad ko maging maganda at maayos ang kahihinatnan ng buhay ninyong mag-ina. Good luck and God bless you.

chubby_kulot
04-27-2006, 11:04 AM
thats what i feel kasi motto ko what yo see is what you get!!!!ayoko maging plastic sa husband ko mabuti alam niya yung situation and feelings ko sa kanya kesa mgsinungaling pa ko o ipakita na kunwari lang pala diba mas masama yun!!!God knows whats my situation right now siguro paglabas ng baby madaming mabago......

makikisabat na po uli ako ha...

ni-review ko po un mga post mo at reply ng iba.. :coffee: ...sa pagkakasabi mo "yan un nararamdaman mo para sa asawa mo...at ayaw mong magsinungaling dahil mas masama un..." well...tama ka sa puntong un pero sabi nga ni ate aprilluck..un "hapon mo" na tinatawag mo ay asawa mo...ama ng magiging anak nyo...at syang bumubuhay sayo...di kaya kahit na di mo sya mahal o matutunang mahalin..kahit paano bigyan mo naman kahit konting "amor" ang pagbigkas mo ng pagkatao nya... oo nga at di mo sya mahal..pero pinili mo parin na pakasalan sya sa kabila ng katotohanan wala kang pagmamahal sa taong un..pero po sana kahit papaano naman...kahit konting importansya lang ibigay mo sa kanya...karapatan parin nya na igalang mo sya bilang tao...paano kaya kung mabasa nya lahat ng mga post mo at reply dito..ano kaya ang mararamdaman nya...?di po kaya sya magdamdam sa inyo...
" God knows your situation now..." di mo po ba naisip na di lang ang situation mo ang alam ni God..pati narin po ang situation ng asawa mo po..un feeling`s mo ...alam mo..pero un feeling`s ba ng asawa mo eh alam mo rin po ba..?nagbabago ang damdamin ng bawat tao...hindi po dapat na sarili lang natin ang lagi natin iniisip..dahil mas mahal po ni God ang taong mas inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sarili nila...ito po ay pakikisabat lang uli..wag nyo po sanang mamasamain..

peace po sa lahat.... :kiss:

Stacie Fil
04-30-2006, 08:47 PM
thanks docomo actually meron iba pero reality kasi yun


Bara chang, kamusta ka nang muli. Kamusta na kayong mag asawa at ang baby mo?

Let me share again. Alam mo di bago ang naging problema dito sa Japan. Actually I have a friend na nagkaroon din nang halos parehong problema mo ngayon. Ang lamang mo lang sa kanya ay, di siya masyadong tanggap nang kanyang mga in-laws noong araw. Pero after some years at tsikiting ay OK na rin.

Naalala ko ang sabi ko sa kanya noon. Ang tanong ko sa kanya;"Hindi kaya L lang yang napi-feel nya nung mga kasalukuyan na yon?" Very clear ang sagot niya, love raw yon. Kasi ika ko, yung ganoong bagay o emosyon ay lumilipas rin. Pag lipas nang ilang panahon, O buwan kaya
at kayo ay medyo nagi gipit. Palagay ko, di na sila magiging love, kundi war ...at worst enemies pa.

Kapag ka ikako na yung gusto niyang ipalit sa kanyang asawa ay sadyang magaling at tunay na lalaki, palagay ko kahit kako ako ay si-sige. Subalit kapag ka ika ko na yung gusto niyang ipalit sa asawa niya ay di kayang tapatan, (huwag nang higitan) man lamang ang importansya at sakripisyo na ibinibigay sa kanya nang kanyang asawa...kalokohan ika ko yon.

Sana eh hindi ka rin kagaya nangkaibigan ko, na sa sobrang proteksyon sa kanya nang kanyang asawa eh, kahit OK naman ang kita, aba isipin mo na sa araw nang pahinga ay nag a-arubaito pa. Pang dag-dag suporta para sa ipinadadala niya regularly sa Pinas. Pang kabuhayan di lang sa kanyang Parents, naiwang mga anak sa una, mga kapatid, at nang kanyang buong barangay(With luho on tha side).


Tunay na lahat tayo, dito sa banyagang lupain ay tinatamaan nang matinding lungkot, pangungulila, kasabay pa nang samo't saring pressure o pang gulo sa pag iisip. Hindi malayo na maka isip tayo nang ganyang mga bagay. Lalo pa nga at may masigasig na bubuyog na pursigidong uma aligid. (Kung minsan kase, sabi nga nang matatanda, "kalawang ang sumisira sa bakal")
Mag isip-isip ka ko siya, at baka seaman pa yon. Kwidaw ika ko siya, at si-man _ _ _ _ _ _ talaga yon, he,he,he.:p Jok po.:O

After a few years, ay naalala ko'ng itanong muli yung dati niyang problema at kung ano na nangyari doon sa "reality niya noon". Napa bunghalit siya nang tawa, at tiningnan ako na parang tuta na nagma-makaamo. Loko raw ako't nanunuya pa. He,he,he.:D Then salamat daw noon.

Iba raw noon, wala raw kapalit at katapat ang tao niya. One...and only one nga raw.


Sana ay maka tulong ito sa iyo. Also think of other things to occupy your spare time. May nayshoku (mali yata spelling) ba riyan sa lugar mo.

ninong
04-30-2006, 08:55 PM
iha,wala na akong mai-advise sa iyo dahil naunahan na ako ng ibang members.

pero sa ibang bagay ay maaring mabigyan kita ng advise...iha,masama ang masyadong magulang sa buhay pati na ang manggamit ng kapwa para sa makasaralining layunin.matakot ka na balang araw ay babalik sa iyo yan sa ibang paraan.

i publicly apologize to ms. bara kung na pre-judged ko sya sa post ko sa itaas.maybe nadala ako literally sa way ng pagkukwento nya at sa mga words at sentences na ginamit nya kaya ko sya nahatulan ng ganoon.

I AM REALLY VERY SORRY!

bara
04-30-2006, 09:01 PM
okey na kami ng asawa ko naintindihan ko yung kwento mo...mahirap pa talaga te kumilos kapag nasa ibang bansa ka kung wala kang katuang kaya nga napagisipan ko na para sa amin ng anak ko at pamilya ko sa pinas hindi na muna ko makipahiwalay lawakan ko dapat pagiisip ko.Sa ngayon dun muna tumuloy sa bahay ng nanay niya ang asawa ko para di na kami nagaaway lagi mas okey narin yun bale pag yasumi niya siya uwi dito sa bahay wala namang pagbabago:) siguro kaya me nagkakaganito kasi lagi lang me sa bahay tminsan tinatamad kasi me maglakadlakad manas kasi binti ko tsaka mabigat yung bata sa tiyan...gambaru me talaga thanks po uli

bara
04-30-2006, 09:29 PM
thanks ninong sa post:kiss: buti nalang di tayo nagaya kay spring and nikita pero peace na siguro sila:)

docomo
05-01-2006, 12:21 PM
thanks docomo actually meron iba pero reality kasi yun

.. reality, yes... but learn from others mistakes because you can't afford to make all of them... guilt-trips only plant more seeds of unhappiness :)