PDA

View Full Version : pasasalamat


ranberzul
04-26-2006, 11:50 PM
Bilang isang magulang, pangarap natin sa bawat anak ang makapag tapos ng pag-aaral at bilang isang anak, tayo rin ay nangarap na ma-i-ahon sa hirap ang ating mga magulang at mabigyan sila ng magandang kinabukasan… hindi rin lahat tayo ay nagkaroon ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral. Kung ito ang pagkakataon na magsalita ka sa entablado na kaharap sila at kasama rin ng iba pang mga magulang, paano mo sila pasasalamatan sa narating mo ngayon?

ranberzul
04-29-2006, 08:22 PM
Para sa aking mga magulang
Na hindi nakatapos ng pag-aaral
Salamat sa inyong nakaraan
Ito’y aking naging puhunan

Salat man sa karunungan
Pilit na iginapang
Pagtatapos ng pag-aaral
Ating napagtagumpayan

Kamag-anak ay naglalayuan
Kapag tayo ay nangungutang
Hindi na nga nakahiram
Sermon pa ang nakamtan

Pamasok na tsinelas
Suot sa paglalakbay
Aakalain mo bang
Sa ibang bansa mapapadpad

Aking tagumpay
Sa inyo ay alay
Isang pasasalamat
Aking maibibigay

Hindi ko man masabi
Ako’y mabuting anak
Ang inyong pangaral
Aking dala kahit saan

Salat man sa laruan
Na mapaglilibangan
Basta kayo’y kapiling
Lubos ang kasiyahan

Gutom man ang tiyan
Busog naman sa karanasan
Sa iyong pagsubaybay
Kamangmanga’y nalagpasan

Saan man magpunta
Pangala’y dala-dala
Sa bawat tagumpay
Papuri'y sa inyo ay alay

ranberzul
05-13-2006, 07:23 PM
isang pagbati para sa mga ina . happy mothers day.