View Full Version : nagaway kami dahil hashi itinutusok sa kanin
Hay....pasenciya mga ka tf ito nanaman ako....gusto ko lang ihinga yung loob ko kaya dito ko nalang inilalabas.Kasi ganito sashiburi na naman kaming nagaway ng asawa ko maganda na nga sana tong mga nakalipas na buwan almost 3 moths na di kami na nagaaway ewan ko ba ....na stress na talaga ko.kasi kanina pag dating niya galing trabaho syempre maghanda na ko ng gohan niya ang lagi ko lang napapansin sa kanya for example may kunin siya saglit sa reff yung hashi ba mahilig niyang itusok sa chawan gohan(diba may kanin na nkalagay dun)nang patusok sa pagkakaalam ko dame yun diba mga sis kasi pag daw ganun may mamamatay,eh....ngay on po medyo sabi ko sa kanya bakit mo ginagawa yan diba dame yun may mamamatay sabi niya hindi daw.......halos lahat naman ng japanese alam yun diba...ewan ko nagtalo kami sa ang ginawa niya tinusok pa niya kamo ng paderecho yung hashi sa gohan.....tapos nilayasan nanaman ako....Hay.....anu ba tong pagbubuntis ko naawa na tuloy sa baby ko....mga sis sa ting:confused: tingin niyo bakit ginagawa yun ng asawa ko diba niya alam yun oh...gusto niya na kong mamamatay....alam ko simpleng bagay yun....di kaya nagiging okashi yung asawa ko dahil sakin medyo may takot ako....kasi hindi gaano masalita yung asawa ko...nung minsan nga yasumi niya nun then umalis ako nun then nglnis ako ng gamit ko bigla ko naisipan na buklatin yung isa kong wallet ng bigay nya na di ko na ginagamit eh mga ate pak buklat ko bakit kaya gulo gulo yung mga card and papel eh inayos ko yun nung tinabi ko...ako naman to si tanga nandun papala yung picture ko na kasama ko yung dati kong bf ng kano hindi tanga ko di ko naalalang itapon:( so tinanong ko siya kong ginalaw ba niya yung wallet na yun sabi niya hindi daw di daw niya ugali yun pero 2 lang kami dito sa bahay kinuwento ko yun sa isa kong frend sabi niya naku!!!baka minsan ng tingin sa sa mga gamit ko....kaya medyo nagalala rin me baka kung anu anu pumasok sa isip ng asawa ko!!!!hay....gabayan nalang sana lagi me ni Lord Maria!!!!!mga ka tf kasalanan ko ba lahat.....buti pa nung nagtrabaho me sa kaishia maayos relatioship namin ngayong buntis ako at lagi lang me nakapirmi sa bahay bakit parang gumulo di kaya mga ate ngayon lang tong buntis ako kaya magulo utak ko!!!!
sam_227
04-29-2006, 11:05 PM
Hi! bara san huwag ka masyado mag isip na masama makaka apekto yan sa bata.Ganyan talaga ang buntis medyo maramdamin.Alagaan mo mabuti yan at konte tiis lang pag lumabas na yan babay mo i asure you maiiba na ang mood ng hubby mo.Siguro stress lang yan sa trabaho alam mo naman ang mga hapon pagdating sa work diba?Alam mo naman siguro kung galit ang asawa mo or hindi.pag alam mo ok na sya saka mo sya tanungin ng maayos kung bakit ganoon kung ikaw ang mali mag ayamaru ka nalang. Nung buntis ako maramdamin talaga ako di lang masunod ang gusto ko naiinis na ko di na ako kikibo,pero di pala maganda yon lalo nat buntis ang isa tao.At inisip ko nalang na dito na ko sa japan at iba ang paniniwala nila.Hindi naman kasi naniniwala yon iba hapon sa mga pamahiin.Utagai lang ang kailangan ng bawat isa.Part talaga yan ng isang mag asawa away bati.Lawakan mo lang isip mo at pasensya sa asawa,from the start nman ikaw ang ichiban na nakakakilala sa asawa mo eh.Kaya huwag masyado kangaisugi.Alagaan mo baby mo...gambatte sister..
ayumi
04-30-2006, 01:52 AM
hello bara san,payong kapatid...huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano..lagi kang magsaya kase buntis ka pala..i-enjoy mo ang pagbubuntis mo,kalimutan mo ang mga negative side instead mag-isip ka ng mga bright things na ikinatutuwa mo.make yourself busy sa gawaing bahay,lumabas ka at maglakad-lakad para makasinghot ng fresh air.tingnan mo ang magaganda at masayang tanawin sa paligid mo.pray for your health and also the health of your
family..think the bright side of life.kase it's good for you and the baby inside you.
ang pag-aaway ng mag-asawa ay natural dahil magkaibang nilalang kayo,baka nasa stage of
adjustment pa kayo.ang mga matagal na mag-asawa nga may nag-aaway pa.OK lang yun.basta
after ng away,eh matutunan mo ang lesson kung ano ang mali at tama.di ba may kasabihan na "MAG-ASAWA'Y DI BIRO" ? totoo,yun di talaga biro ang mag-asawa,kaya lang when you love your husband,you'll understand Him,as of now,close your ears,close your mouth....just OPEN your HEART...kase hindi makakapasok ang LOVE pag sarado ang PUSO mo....GOD bless and always thank the LORD for all the small ang big blessings you have received...
thanks po sa advice niyo i really appreciate it....hayaan niyo po gawin ko mga advice niyo:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.