View Full Version : Sari -saring Pagkain atbp.
aprilluck
04-28-2006, 10:37 PM
Kagabi gumawa ako ng cookies ,inabot ako hanggang 1:30 midnight ,pati naman itong husband ko nakikipagpuyatan sa akin ,paano habang nanonood ng t.v. panay ang dukot ng cookies ,naka 8 pcs. na kaagad ,:rolleyes:
Heto po iyung ginawa ko , Assorted dried fruits oatmeal cookies.No preservatives,no transfat .
SHAMPOO
04-28-2006, 10:45 PM

Woww...sarap naman nyan April san:) .paturo naman ng paggawa nyan sis;) .
Thanks dun sa nakabalot... akin yata yung isa dun..wait ko na lang dito..hehehehe.....
chris_rock
04-28-2006, 10:51 PM
yummy! may natira pa po ba? :D
maple
04-28-2006, 10:51 PM
wow...oishisou:food: paki share naman ang recipe, pls.:)
aprilluck
04-28-2006, 10:56 PM
Woww...sarap naman nyan April san:) .paturo naman ng paggawa nyan sis;) .
Thanks dun sa nakabalot... akin yata yung isa dun..wait ko na lang dito..hehehehe.....
Sige abutin mo na ,first come first serve daw eh,sino pa kaya ang masuwerteng makakaabot sa dalawang nakaplastic .
Mas madaling gawain ang cookies kaysa cakes,ang tagal nga lang oras sa pag bake kasi di puwedeng sabay-sabay isalang sa oven ,doon nga sa oven ko 20 pcs.na ang kasya isang salangan ,pero dahil marami iyung ginawa ,anim na salang ,so inabot ako ng madaling araw.
aprilluck
04-28-2006, 11:13 PM
yummy! may natira pa po ba? :D
meron pa ,di ko inilabas lahat ,sandali lang harapin ng pamilya ko. Itinago ko iyung kalahati ,di nila alam pero pag ako'y pinilit ibibigay ko rin ,hehehe:) Bagay iyan sa hot tea (alam ko kasi di mo type ang coffee).
@Maple ,i-pm ko sa'yo bukas ang recipe ,madali lang gawin iyan .;)
ning2
04-28-2006, 11:38 PM
aprilluck san,
wow! tsalap tsalap naman! akin na lang yung isa pang nakaplastic :food: tabeta~i! penge din ako ng recipe!:)
katty0531
04-29-2006, 10:35 AM
Wow! oishii sooo~~~~~:D yey! may isa pang balot na natira akin na din yong isa pa ha....mahilig ako sa coffee...chodo ii ne....:D
tsarap-tsarap,pakihagis naman dito yung isang plastik,hehe:D
brownman
04-29-2006, 03:13 PM
wow! home made cookies!
na-miss ko tuloy mother ko:(
akiam
04-29-2006, 10:26 PM
@Maple ,i-pm ko sa'yo bukas ang recipe ,madali lang gawin iyan .;)
mukhang masarap yan. bakit i-pm mo pa? pwede ba mag-request? post mo na lang sana.:D
aprilluck
05-01-2006, 11:53 PM
mukhang masarap yan. bakit i-pm mo pa? pwede ba mag-request? post mo na lang sana.:D
Heto na ang recipe,ordinary lang na oatmeal cookies ito dati ,medyo binago ko at dinagdagan ng ingredients para mas maging healthy food.
"Assorted dried fruits atbp. oatmaeal cookies"
Pre heat oven to 170 degrees.
A. group
put ingredients together in a seperate bowl ,set aside.
150 grams all purpose flour
20 grams kinako
10 grams pure cocoa
2 tsp.cinnamon
1 tsp.baking soda
B.group
put ingredients in another bowl ( or sa kahit na anong puwedeng lalagyan) set-aside.
3 cups oatmeal ( uncooked )
5 spoons sesame (any black or white sesame )
1/2 cup chopped nuts ( any kind )
1/2 cup assorted dried fruits ( raisins,apricot ,cranberry or kahit ano ang gustong dried fruits)
In a large bowl,beat together the following ingridients until creamy.( handy electric mixer needed )
1 cup brown sugar
5 spoons honey ( kung walang honey dagdagan ng 1/2 cup pa ng brown sugar)
1 cup canola oil
1/4 cup milk
1 tsp.salt
2 eggs
few drops vanilla
Add the A group ,mix well .Then add the B.group together at low speed .
Drop the mixture by spoon onto baking sheets.
Bake 12 to 14 minutes ( baking time depends how you like it to be ,soft,chewy,crunchy cookies.
Happy Baking!:)
aprilluck
05-02-2006, 12:10 AM
kikurage ,(ang tawag po sa atin nito ay tengang daga ,pero di po siya tunay na tenga ng daga.) sayaendo ( chicharo ) na guisado .
Ulam namin kagabi. heto po ang picture.
jazzybabe
05-02-2006, 12:24 AM
Hi Ms Aprilluck!
thank u po sa recipe ng cookies...try ko po gmawa,fave kopo kasi yan...;)
akiam
05-02-2006, 02:19 PM
[quote=aprilluck]Heto na ang recipe,ordinary lang na oatmeal cookies ito dati ,medyo binago ko at dinagdagan ng ingredients para mas maging healthy food.
thank you so much for posting the recipe. susubukan ko yan pag meron na akong oven.:D
aprilluck
05-04-2006, 06:35 PM
[quote=aprilluck]
thank you so much for posting the recipe. susubukan ko yan pag meron na akong oven.:D
@ akiam ,bili ka na ng oven para magawa mo itong next na cake,madali lang din ito.
Ginawa ko kagabi ,baon namin sa lakwatsa,isa para sa biyenan ko ,isa din sa hipag ko and the rest ay para dito sa bahay.Kagabi pa enjoy na enjoy itong mag-aama ko sa kaka-kain ,Ako rin kaninang pagkalinis ko ,kumain din ako ....hmmn...Sarap !:)
Banana Oatmeal Cake with Caramel Topping
sweetiebabe76
05-04-2006, 07:15 PM
Aprilluck,pakipost naman dito yung recipe ng Banana Oatmeal Cake kung paano lulutuin parang masarap siya.
:food: :grinny: wow sis ang sarap niyan banana cake parang gusto ko naring bumili ng oven post muna man yung recipe para makagawa din kami.......maganda yan pwedeng pang gift pag christmas.......:kin g: :wink: galing niyo talaga magbake eh
ning2
05-05-2006, 12:36 AM
Ginawa ko kagabi ,baon namin sa lakwatsa,isa para sa biyenan ko ,isa din sa hipag ko and the rest ay para dito sa bahay.Kagabi pa enjoy na enjoy itong mag-aama ko sa kaka-kain ,Ako rin kaninang pagkalinis ko ,kumain din ako ....hmmn...Sarap !:)
Banana Oatmeal Cake with Caramel Topping
apriluck san,
oishii sou! :food: paki-post naman ang recipe.... mukhang pagnatapos ang golden week eh mapapasabak ako sa pagbe-bake ng cake o cookies. gagawin ko talaga yan! :)
makulit
05-05-2006, 12:52 AM
i baked this cake last night. my daughter and i decorated it. newbie ako sa baking kaya kitang-kita na hindi pro :D enjoy naman kami ng anak ko. mahilig sya sa cake. naubos din kagabi. matagal pa yung pag-gawa ko ;)
makulit
05-05-2006, 12:54 AM
Banana Oatmeal Cake with Caramel Topping
hi aprilluck! mukhang masarap yang banana cake mo. pa share naman ng recipe, para masubukan ko.
ang sarap naman ng cake parang red ribbon yung oven ko po ay microwave na pwedeng maging oven panu ba yun kung ang sabi sa recipe a preheated 300 dgree panu ko ma preheat yun derecho naba yun mg a lowla
makulit
05-06-2006, 05:21 AM

hi bara.
merong mga buttons na pwedeng pindutin para ma set sa tamang init ang oven. kung may manual ka, check mo doon kung paano ang tamang paraan.
after mo na ma set ang oven, at nag press ka ng start. it'll preheat the oven, pag tumunog na, ibig sabihin pwede mo nang ilagay yung baking pan mo sa loob.
ichimar
05-08-2006, 11:00 AM
[quote=akiam]
@ akiam ,bili ka na ng oven para magawa mo itong next na cake,madali lang din ito.
Ginawa ko kagabi ,baon namin sa lakwatsa,isa para sa biyenan ko ,isa din sa hipag ko and the rest ay para dito sa bahay.Kagabi pa enjoy na enjoy itong mag-aama ko sa kaka-kain ,Ako rin kaninang pagkalinis ko ,kumain din ako ....hmmn...Sarap !:)
Banana Oatmeal Cake with Caramel Toppingang sarap naman po ng banana cake,kailan kaya ako matututong mag bake:(
aprilluck
05-09-2006, 11:05 PM
hi aprilluck! mukhang masarap yang banana cake mo. pa share naman ng recipe, para masubukan ko.
Pasensiya na kung late itong recipe ,medyo nasipon ako at inuubo pagkagaling sa lakwatsa namin noong golden week .
Para sa mga humiling ng recipe heto na ,try n'yo madali lang naman ,and iyung nasa picture three set of recipe iyan kaya ganyang karami ,heto iyong single recipe .
Banana Oatmeal Cake ( caramel or chocolate topping is optional )
Pre heat oven up to 160 degrees ,prepare a baking pan with baking sheet
A group.
put all this ingredients together in seperate bowl,set aside.
2 cups all purpose flour
2 teaspoon baking powder
1 1/2 baking soda
1 1/2 teaspoon cinnamon
B group
Mix well this ingredients in another bowl ,set aside.
1 cup hot milk ( hot as just about to boil )
1 cup oatmeal
2 bananas ( cut into smal portion or mashed )
C group
In a large bowl mix this ingredients until it becomes creamy by using electric mixer
1/2 cup of canola oil
1 1/2 cup brown sugar
2 large eggs
1/2 teaspoon salt
few drops vanilla
then add the A group and oatmeal mixture alternately and blend it equally ,beating on low to medium speed after each addition just until combined.
pour the combined mixture into prepared baking pan .
Bake for 40 to 45 minutes or until wooden toothpick inserted in center comes out clean .
optional:
Just about you removed it from the oven ,top it with melted caramel candies or melted chocolate when it still hot .And garnish with crushed nuts .
Serve when completely cooled
P.S. kailangan talagang malamig na ito bago kainin ,malata kasi ang cake na may banana pag mainit pa ,better na kainin next day,
Again ,Happy Baking:)
ning2
05-09-2006, 11:11 PM
aprilluck san,
thank you sa recipe ng banana cake:) makabili na nga ng sangkap ng makagawa rin!:)
makulit
05-10-2006, 03:08 AM
salamat aprilluck!
aprilluck
05-21-2006, 11:43 AM
Heto iyung inaani kong strawberry ,more or less ganito palagi every other day .
Then heto iyung ginawa kong Strawberry Sundae , Sarap!!!!
naku mis apprilluck!!!!napaka refreshing ng strawberry sundae niyo........salap salap fresh from your garden pa...anu yan vanilla or milk yung ice cream penge.......
ning2
05-21-2006, 08:22 PM
wow! katakam-takam naman pow!!:) patikim:food:
mhalou
05-21-2006, 08:31 PM
naku po ang sasarap naman nyan ......salamat sa mga recipe mga friends makagawa nga rin sana po lord hindi pumalpak........
ichimar
05-22-2006, 07:25 AM
Heto iyung inaani kong strawberry ,more or less ganito palagi every other day .
Then heto iyung ginawa kong Strawberry Sundae , Sarap!!!!ang sarap naman po nyan ate april,bigla po akong nauhaw:(
ning2
05-28-2006, 09:16 PM
eto naman po vegetables salad w/ ceasar's salad dressing courtesy of mommy Aprilluck!~~~ tsalap tsalap ng kanyang homemade dressing!:food:
http://www.timog.com/gallery/files/2/4/9/IMG_1772.JPG
aprilluck
05-28-2006, 09:44 PM
Share ko dinner namin ngayon,
assorted veggies with homemade ceasar salad dressing
keema curry
Then heto iyung inani kong Strawberries kahapon,sobra sa dami ,nakakatuwa talaga ,
Tapos heto din 'yung Strawberry ice cream na ginawa ko using my ice cream maker,malapit na kasing mag summer kaya inilabas ko na uli para magamit .
fremsite
05-28-2006, 11:16 PM
aprilluck san .. ang sasarap naman nito .. lalo na yung dessert .. :)
Panzar327
05-29-2006, 07:59 AM
Share ko dinner namin ngayon,
assorted veggies with homemade ceasar salad dressing
keema curry
Then heto iyung inani kong Strawberries kahapon,sobra sa dami ,nakakatuwa talaga ,
Tapos heto din 'yung Strawberry ice cream na ginawa ko using my ice cream maker,malapit na kasing mag summer kaya inilabas ko na uli para magamit .
wow sarap naman po nyan:food:
share naman po paano gawin yung ice cream i mean yung procedure po:)
ritzyu
05-29-2006, 09:46 AM
Gusto ko po ang thread na ito ang sasarap ng mga pagkain parang
laging me bersday...at saka parang laging kang nagugutom :D hay!
sarap naman po talaga.
myukasky
05-29-2006, 10:55 AM
Wow picture lang nakakabusog na paano pa kaya kung nasa harap mo na itong mga pagkain dito:D:D
ichimar
05-29-2006, 02:46 PM
eto naman po vegetables salad w/ ceasar's salad dressing courtesy of mommy Aprilluck!~~~ tsalap tsalap ng kanyang homemade dressing!:food:
http://www.timog.com/gallery/files/2/4/9/IMG_1772.JPGhello ms.ning2,sarap naman po ng salad na ginawa ninyo,paturo naman po kung paanu gawin....
ichimar
05-29-2006, 02:47 PM
Share ko dinner namin ngayon,
assorted veggies with homemade ceasar salad dressing
keema curry
Then heto iyung inani kong Strawberries kahapon,sobra sa dami ,nakakatuwa talaga ,
Tapos heto din 'yung Strawberry ice cream na ginawa ko using my ice cream maker,malapit na kasing mag summer kaya inilabas ko na uli para magamit .ate april,nakakabusog naman ang inyong dinner,picture pa lang busog na ako:)
ning2
05-29-2006, 04:01 PM
hello ms.ning2,sarap naman po ng salad na ginawa ninyo,paturo naman po kung paanu gawin....
ichimar san,
thank you!:) madali lang itong salad na ito..kahit na anong gulay na pwedeng gawing salad ok lang.
eto ang ingredients ko diyan:
lettuce , nilagang itlog, paprika(kung wala , ok na ang piman) at ninjin hiwain lang ng maliliit, tomato, nilagang asparagus(tira lang) at tuna ..yung dressing nyan ay ceasar's salad dressing. pwede rin kahit anong dressing na stock sa loob ng ref. mo:)
ichimar
05-29-2006, 04:07 PM
ichimar san,
thank you!:) madali lang itong salad na ito..kahit na anong gulay na pwedeng gawing salad ok lang.
eto ang ingredients ko diyan:
lettuce , nilagang itlog, paprika(kung wala , ok na ang piman) at ninjin hiwain lang ng maliliit, tomato, nilagang asparagus(tira lang) at tuna ..yung dressing nyan ay ceasar's salad dressing. pwede rin kahit anong dressing na stock sa loob ng ref. mo:)salamat po ms.ning2,gagaw din po ako nyan.......:)
aprilluck
05-29-2006, 06:15 PM
aprilluck san .. ang sasarap naman nito .. lalo na yung dessert .. :)
Hi fremsite pren !!:) Thank you sa pagsilip ;) kung puwede ko nga lang ipadala sa takyubin iyan nakow pinadalhan na kita ! kaso kinukuhanan ko palang ng picture natutunaw na kulang kasi ng freezing time ,ito kasing bunso ko panay ang silip sa freezer ,di makapaghintay :(
aprilluck
05-29-2006, 06:24 PM
wow sarap naman po nyan:food:
share naman po paano gawin yung ice cream i mean yung procedure po:)
Panzar chan ,kung may ice cream maker madali lang makagawa ,sabay -sabay lang kasing inilalagay ang ingredients ,then bahala na iyung ice cream maker ,iikot ng iikot lang naman yon hanggang maging ice cream na then ilalagay lang sa freezer para matigas as ice cream na talaga .:)
aprilluck
05-29-2006, 06:29 PM
Wow picture lang nakakabusog na paano pa kaya kung nasa harap mo na itong mga pagkain dito:D:D
Pag nasa harap na kita lalo kitang bubusugin ,punta ka lang dito ,hehehe :) 'lika na !!
aprilluck
05-29-2006, 06:34 PM
ate april,nakakabusog naman ang inyong dinner,picture pa lang busog na ako:)
ako naman natatakaw pag nakikita ko ang mag niluluto tulad nung "Sopas with love",aba'y biglang gruuuuhhhh ang tiyan ko sa gutom!!;)
ning2
05-29-2006, 10:25 PM
mommy Aprilluck,
natakam ako sa keema curry maanghang ba yan? yung ice cream tingin palang nakakapaglaway na:D
Panzar327
05-29-2006, 11:48 PM
Panzar chan ,kung may ice cream maker madali lang makagawa ,sabay -sabay lang kasing inilalagay ang ingredients ,then bahala na iyung ice cream maker ,iikot ng iikot lang naman yon hanggang maging ice cream na then ilalagay lang sa freezer para matigas as ice cream na talaga .:)
ganun po ba..
sayang wala kong icecream maker:(
di bali pag nagkaroon nalang po..ngayon icecandy na nalang muna:D
aprilluck
05-30-2006, 12:03 AM
mommy Aprilluck,
natakam ako sa keema curry maanghang ba yan? yung ice cream tingin palang nakakapaglaway na:D
Hindi naman maanghang ang keema curry ,mas spicy lang kaysa sa ibang klaseng curry ,ang dami kasing spice na inilalagay,usually nilalagyan ko ng cheese at i-oven sandali ,hindi ko na nagawa kahapon dahil wala na akong oras ,:(
Ice cream ? kalahati nga lang nakain ko ,iyung anak ko sabi ay bitin daw ,addict kasi sa ice cream eh ,binigay ko na kahit gusto ko pang kainin ,huhuhu....:weep: :weep:
Nga pala ang ganda ng salad mo ,colorful ang dating bakit iyung ginawa ko mukhang puro damo ,puro green kasi eh .Minsan di na ako nagtataka kung bakit ganoong kabilis tumakbo ang panganay ko ,kakain namin ng mga damo ,malapit na kaming maging HORSE!!!
aprilluck
05-30-2006, 12:08 AM
ganun po ba..
sayang wala kong icecream maker:(
di bali pag nagkaroon nalang po..ngayon icecandy na nalang muna:D
ay! gumagawa din ako ng ice candy,nagpapadala pa nga ako ng plastic galing sa pinas.
Ice candy na red beans (azuki) favorite ng husband ko 'yan.:)
aprilluck
05-30-2006, 12:35 AM
Gusto ko po ang thread na ito ang sasarap ng mga pagkain parang
laging me bersday...at saka parang laging kang nagugutom :D hay!
sarap naman po talaga.
Thanks sa pag bisita sa bersdey-bersdeyan :D kahit walang celebrant ,hehehe..Tara kain na tayo! gutom na nga rin ako .
myukasky
05-30-2006, 01:07 PM
Pag nasa harap na kita lalo kitang bubusugin ,punta ka lang dito ,hehehe :) 'lika na !!
kapag ikaw ate ang last post sa thread halos ayaw ko silipin:( Whhhhhhhhhhhhhhhaaaa aaaaa nakakainggit bigay ko email add ko ate paki send na lang:D ;)
aprilluck
06-10-2006, 09:35 PM
Heto po ang dinner namin ,
Ginisang ampalaya with fried tokwa ( cubed atsu age tofu)
yaki hokke
nozawana no zuke mono
wow>>>>>>>>>>>>>>>>>>miss aprilluck favorite po namin yan dito sa bahay ginisang amapalaya,sarap sarap naman po niyan at own version niyo po...panahon po kasi ng goya kaya sarap araw arawin.............. .
proud me
06-10-2006, 09:57 PM
aprilluck san~~~dito naman ako sa kusina mo mang iistorbo ha,tingnan palang yong ampalaya masarap~~~april san pwedeng humingi ng favor yong mais mahablanko bayon yong nakita ko sa pic.baka pwede mo naman turo sakin yong pag gawa :)
ning2
06-10-2006, 10:03 PM
Nga pala ang ganda ng salad mo ,colorful ang dating bakit iyung ginawa ko mukhang puro damo ,puro green kasi eh .Minsan di na ako nagtataka kung bakit ganoong kabilis tumakbo ang panganay ko ,kakain namin ng mga damo ,malapit na kaming maging HORSE!!!
mommy aprilluck,
i'm sure colorful din yang salad mo hindi mo lang pinagsama-sama sa isang lalagyan lalo na pagnailagay na sa tiyan:D
@ ang sarap na naman nyang ulam nyong ampalaya ..:food: buti pa kayo kahit anong gulay nakakain yata ng family mo..gustuhin ko man magluto ng puro gulay ako lang ang halos kumakain mag-isa. lalo na ampalaya:(
aprilluck
06-10-2006, 10:28 PM
heto naman ang aming desert ,
peach flavor yogurt with mix fruits and ice cream on top ,sarap yan !
aprilluck
06-10-2006, 10:35 PM
wow>>>>>>>>>>>>>>>>>>miss aprilluck favorite po namin yan dito sa bahay ginisang amapalaya,sarap sarap naman po niyan at own version niyo po...panahon po kasi ng goya kaya sarap araw arawin.............. .
Hay naku sinabi mo pa ! basta summer kasama lagi sa weekly menu namin yan ,sanay kasing kumain ng kahit anong gulay ang mga anak ko ....magkaroon ba naman sila ng mommy na vegetarian ;)
paborito ko rin ang ampalaya !ang sarap 'no?
nagustuhan narin ng mga tsikiting niyo ang goya.......masarap naman talaga miss aprilluck tsaka medyo yasui ang goya dito po 150 yen isa medyo malaki diyan po ba sa gunma magkano?galing niyopo talaga magluto...
aprilluck
06-10-2006, 10:43 PM
aprilluck san~~~dito naman ako sa kusina mo mang iistorbo ha,tingnan palang yong ampalaya masarap~~~april san pwedeng humingi ng favor yong mais mahablanko bayon yong nakita ko sa pic.baka pwede mo naman turo sakin yong pag gawa :)
Hi proud me! okey lang ,pm ko na lang sa'yo ang recipe ng maja blanco ,madali lang namang gawin ,matagal nga lang ang paghalo ,then madaling maubos pag luto na.:)
aprilluck
06-10-2006, 10:56 PM
mommy aprilluck,
i'm sure colorful din yang salad mo hindi mo lang pinagsama-sama sa isang lalagyan lalo na pagnailagay na sa tiyan:D
@ ang sarap na naman nyang ulam nyong ampalaya ..:food: buti pa kayo kahit anong gulay nakakain yata ng family mo..gustuhin ko man magluto ng puro gulay ako lang ang halos kumakain mag-isa. lalo na ampalaya:(
Paano ko naman na di paghihiwa-hiwalayin ang salad eh pag pinagsama -sama ko ay isang bilao ang labas sa dami !:O .....Siguro nga colorful din pag dating sa tiyan 'no ?
pag nagluto ka ng ampalaya ,pag may natira padala mo sa akin para di masayang :confused:
Iyung panganay ko nga pag may natira kaming ampalaya ,sasabihin pa n'ya na isama ko raw sa obento n'ya.
Sanayan lang kasi ang pagkain ng vegetables ,sa bandang huli kakain din sila ,basta huwag ka lang titigil sa pagluluto ng gulay,tiyak masasanay din sila.:)
starwood
06-10-2006, 11:12 PM
hello aprilluck! intresado din ako sa maha blanca(?) mo ,paturo din sana kung papano lutuin:) :Dat kung ano-ano ang mga ingredients !mabibili ko lang ba sila sa supermarket?? :D :D sa picture pa lang ang sasarap na ng mga luto mo:)
aprilluck
06-10-2006, 11:26 PM
hello aprilluck! intresado din ako sa maha blanca(?) mo ,paturo din sana kung papano lutuin:) :Dat kung ano-ano ang mga ingridients !mabibili ko lang ba sila sa supermarket?? :D :D sa picture pa lang ang sasarap na ng mga luto mo:)
Hi Starwood ! Welcome sa TF at welcome din dito sa "kainan at Lutuan "
Okey ,basta may time ako ,ituturo ko sa'yo ang paggawa ng mais maja blanco .Kung tungkol naman sa ingredients ,no problem ! meron sa mga supermarket lahat ng iyon,tingin ka lang sa imported goods section ,makabibili ka sigurado .:)
Thank you for the compliments ,and for the visit .
Nakakagutom ba ?
miss aprilluck sana po maishare niyo dito sa thread niyo yung recipe ng maja blanco kasi gusto ko rin pong gumawa niyan request po kasi ng iba kong friend dito....kung pwede lng po...thanks
aprilluck
06-18-2006, 11:21 PM
Heto na ang recipe ng Mais Maja Blanco ,
heto ang ingredients :
300 grams corn meal powder ( mabibili ito sa imported section sa supermarket,kadalasa n made in Brazil )
200 grams joshinko ( ito ang ginagamit sa paggawa ng "danggo ")
2 can coconut milk
1 1/2 liter milk
400 grams sugar
1 1/2 teaspoon salt
3502
Instruction:
Unang gumawa ng latik ,gamitin ang one can coconut milk ,Pag naluto na,ihiwalay agad ang latik sa langis .set aside
Then combine the remaining ingredients,corn meal powder,joshinko,one can coconut milk, 1 1/2 liter milk ,sugar,and salt. Ilagay sa isang malaking kawaling teflon para di manikit,Haluin sa mahinang apoy upang di masunog ang ilalim.Huwag titigilan ang paghalo.Huwag mag-alala pag nagsimula ng magbuo-buo dahil sa bandang huli ay magsasama sama rin,durugin ng sandok ang malalaking buo-buo .Mga isang oras na haluan ang kailangan.
Malalaman kung luto na kapag tinikman ay wala ng magalas na parang hilaw na durog na bigas, Makislap na s'ya dahil lumalabas na ang langis.Hindi na lumalatag kaagad kapag itinumpok sa gitna .Katulad ng nasa picture
3503
Hanguin sa kawali at ilagay sa isang lalagyan na sinapinan ng plastic wrap para di na pahiran pa ng langis ang ilalim ,Pantayin habang mainit at ilagay ang latik , Sapinan ang ibabaw ng plastic wrap at diinan upang dumikit ang latik sa maja blanco .cool completely.
heto na ang finish product,Mais Maja Blanco
3504
Tunay na masarap !Walang labis walang kulang na recipe .Try n'yo agad.
april
kaori
06-18-2006, 11:36 PM

heto sa ang finish product,Mais maja Blanco
3504
Tunay na masarap !Walang labis walang kulang na recipe .Try n'yo agad.
april
wooowwweee...!tsalaa app-tsalaaap naman nyan....bukas gagawin ko yan...favorite ko yan..lagi na nga akong nag-eeksperment nyan...pero palagay ko ngayon ko pa lang matsatsambahan yan.tenks for sharing sistah...:sweeties:
aprilluck
06-18-2006, 11:43 PM

Kaori chan ! Hay naku alam mo bang ang husband ko kahit busog na sa dami ng kinain namin na dinner ( naghanda kasi ako dahil Father's day ) hindi pa rin nagpa-awat ,kumain pa rin n'yan!
I try mo ,di ka magsisisi sa sarap !!:)
ning2
06-19-2006, 12:09 AM
Heto na ang recipe ng Mais Maja Blanco ,
3504
Tunay na masarap !Walang labis walang kulang na recipe .Try n'yo agad.
april
wow! mommy april! yummy naman nyan...:food: i-try ko rin yan..thank you sa recipe!:)
aprilluck
06-19-2006, 12:27 AM
Share ko na rin sa inyo ang mga niluto ko today ,Handa ko para sa aking husband ,a responsible ,kind and loving father to our two kids. Happy Father's Day din po sa lahat3505
Vesbio spagetti ,my husband's favorite spagetti .
3506
Self- service Veggies Salad,mabibigla kayo pag nakita n'yo kung gaano karami kaming kumain nito!
3507
Pizza ,umaga pa lang ginawa ko na ito.Kamuntik nang kainin ng bunso kahit hilaw dahil nakita n'ya may cheese na sa ibabaw kahit di pa nailalagay sa oven .:O Kaya kanina s'ya una kong binigyan ,nakaka -awa naman eh.
3508
Mais Maja Blanco, Hindi nakaligtas sa husband ko ,akala ko di na papansinin dahil busog na iyun pala ,bumuwelo lang! Type n'ya kasi ito . kahit man pala ako ,kumain din pero konti lang:O
3509
The last but not the least,Homemade Strawberry Ice Cream and Vanilla Ice Cream ,Everybody's favorite, ummmm delicious talaga !!:)
Again ,Happy Father's Day !;)
april
ichimar
06-19-2006, 05:57 AM

aprilate april,sarap naman ng mga niluluto mo,papaampon po ako,he he he.............sana minsan makakain ako ng mga yan
proud me
06-19-2006, 09:44 AM
Aprilluck san...bongga ang father's day...happy si daddy nyan!!...mukhang jikan kakaru nga...(tabettai nara gambaro shikanai :food: :D ) kapag sinipag na ako!!...thank you sa pag share ng recipes :) :sweeties:
kokorokara
06-19-2006, 02:11 PM
Teka nagutom ata ako doon sa cookies ni Apriluck,nyah,wala ng natira sa akin,nahuli kasi ako ng silip.pahingi na rin po ako ng recipe.Onegaisemasu.
aprilluck
06-19-2006, 11:17 PM
wow! mommy april! yummy naman nyan...:food: i-try ko rin yan..thank you sa recipe!:)
Ning ! Huwag kang magsasawa at ipamamana ko sa'yo ang mga recipes na ipinamana sa akin ni Mommy Rose ,hindi ko naman madadala sa kabilang mundo ang mga iyan ,So better na i-share ko .Busy nga lang ang mommy april kaya pa-isa-isa lang ang posting ng recipe .:) ;)
aprilluck
06-19-2006, 11:35 PM
ate april,sarap naman ng mga niluluto mo,papaampon po ako,he he he.............sana minsan makakain ako ng mga yan
Hi Ichimar ! thanks for the compliments ,Inspired lang siguro akong magluto dahil walang reklamo ang pamilya ko kahit ano ang iluto ko,At wala din silang( husband at ang panganay ko) reklamo na maghugas at magligpit ng mga kasangkapan na ginamit ko pagkatapos kong magluto .Malaking tulong din kasi iyung may tumutulong sa atin pag may ginagawa tayo sa kusina ,di ba?
Tara dito handaan din kita ! :) Basta kasama mo si Mariko chan !
aprilluck
06-19-2006, 11:43 PM
Aprilluck san...bongga ang father's day...happy si daddy nyan!!...mukhang jikan kakaru nga...(tabettai nara gambaro shikanai :food: :D ) kapag sinipag na ako!!...thank you sa pag share ng recipes :) :sweeties:
Hi proud me ! Thanks sa pagbisita ....
Pag papasalamat na rin sa kanya sa walang sawang paghahanapbuhay para sa amin ,Saka medyo nagsi-sipsip din ako ng konti ,hehehe:D
Oo nga mukhang happy nga s'ya ,ang dami pang nakain.Pero kahit Father's Day silang dalawa ng panganay ko pa rin ang naghugas ng mga pinggan pagkatapos ng celebration,hehehe.. ..
Isang buong araw naman akong nakakulong sa kitchen eh ,gets na nila 'yon .;)
aprilluck
06-19-2006, 11:48 PM
Teka nagutom ata ako doon sa cookies ni Apriluck,nyah,wala ng natira sa akin,nahuli kasi ako ng silip.pahingi na rin po ako ng recipe.Onegaisemasu.
Hi kokorokara! Late ka na nga sa pagsilip ,wala ng natira kundi recipe na lang ng cookies na nasa page two ng thread na ito ,pakisilip na lang .:) Thanks.
aprilluck
07-02-2006, 02:47 PM
16th wedding annivesary ....Thursday, June 29
Parang kailan lang ,16 years na palang kasama ko ang husband ko ,na minsan kaaway ko, kaibigan , mikata ko rin,financier din,siya rin iyung walang sawang naghahanapbuhay ,tagabayad ng health insurance,tax,ect .na kung wala akong husband ay 100 percent na dapat ako ang magbayad .
Ganoon rin naman ako,16 years na rin akong wife and a mother , raising my kids,keeping our house neat and clean,cooking foods thats good for all of us,ect.
If being a wife and a mother isn't easy,
also being husband and a bread winner isn't that easy too.
Last Thursday,June 29. Umuwi ng maaga ang husband ko ,tumulong maghiwa ng bawang at sibuyas ( panay naman ang tulo ng luha ) ,maghugas at magligpit ng mga ginamit ko sa pagluluto.
Heto po ang handa namin.
3708
Vegetable Salad ,isang harapan lang sa amin,ubos agad!
3709
3710
Cajun Stlye Baked Potatoes,Naparami yata ,ani lang kasi namin ang patatas eh,
3711
Embutido,nagpuyat ako para magawa ko lang 'to ,sulit naman ! Masarap!!
3712
Pancit Palabok using Linguine pasta, turo sa akin ng mother ko.
3713
Drumstick Fried Chicken,iyung natira isinama sa obento kinabukasan
3714
Tonnyu and Tofu mix with Tapioca Cold Drinks ,Samalamig ang dating !
3715
Last but not the least,My homemade Fruit Salad Flavor Ice Cream ,yummm...Yummy !!
docomo
07-02-2006, 05:11 PM
@aprilluck
Happy 16th Wedding Anniversary sa inyo ng hubby mo .. I've three wishes both for this year and for those coming years.. peace , success and happiness . May your love for each other last forever ...
... one of the best mommy and a wife na kilala ko .. ' proud of you .. go girl!! :)
striver
07-02-2006, 05:15 PM
wow! ginutom ako sa mga luto mo ah. may natira pa ba? padala mo dito. he he he. 16th wedding anniversary nyo pla. happy happy po. i hope happy pa rin. he he he:D
proud me
07-02-2006, 05:15 PM
Aprilluck..Happy 16th wedding Anniversary!!!:)
ichimar
07-02-2006, 06:08 PM
ate april,happy 16 anniversary:) binusog nyo na naman po kami sa picture,ang sasarap naman ng pagkain nyo:)
pooh_chan
07-02-2006, 07:34 PM
Hi ate april, sarap gayahin talaga ng mga luto mo kaya lang KAYA KO KAYA:confused: hehehehehe.........H appy 16th wedding anniversary po sa inyo ng husband mo, may you have many anniversaries to come, good luck po & god bless.....:) :kiss:
Happy 16th Wedding Anniversary sa iyo aprilluck....more blessings and always good health sa family mo...gud luck..:)
aprilluck san Happy 16th Wedding Anniversary po sa inyo ni habibi mo.:band: sarap naman handa nyo..:) :food: :food: :food: tabetaii ako fruit salad!.....
16th wedding annivesary ....Thursday, June 29
Parang kailan lang ,16 years na palang kasama ko ang husband ko ,na minsan kaaway ko, kaibigan , mikata ko rin,financier din,siya rin iyung walang sawang naghahanapbuhay ,tagabayad ng health insurance,tax,ect .na kung wala akong husband ay 100 percent na dapat ako ang magbayad .
Ganoon rin naman ako,16 years na rin akong wife and a mother , raising my kids,keeping our house neat and clean,cooking foods thats good for all of us,ect.
If being a wife and a mother isn't easy,
also being husband and a bread winner isn't that easy too.
Last Thursday,June 29. Umuwi ng maaga ang husband ko ,tumulong maghiwa ng bawang at sibuyas ( panay naman ang tulo ng luha ) ,maghugas at magligpit ng mga ginamit ko sa pagluluto.
Heto po ang handa namin.
3708
Vegetable Salad ,isang harapan lang sa amin,ubos agad!
3709
3710
Cajun Stlye Baked Potatoes,Naparami yata ,ani lang kasi namin ang patatas eh,
3711
Embutido,nagpuyat ako para magawa ko lang 'to ,sulit naman ! Masarap!!
3712
Pancit Palabok using Linguine pasta, turo sa akin ng mother ko.
3713
Drumstick Fried Chicken,iyung natira isinama sa obento kinabukasan
3714
Tonnyu and Tofu mix with Tapioca Cold Drinks ,Samalamig ang dating !
3715
Last but not the least,My homemade Fruit Salad Flavor Ice Cream ,yummm...Yummy !!
sarap-sarap naman nyan......ginutom tuloy uli ako.....
anyway,Happy 16th Wedding Anniversary sa inyong mag-asawa.....Wishing you both good health,more happiness to come:toast: :sweeties:
maimai
07-02-2006, 10:30 PM
Happy 16th wedding anniversary po sa inyong mag-asawa:love:....
ang sasarap naman po ng handa nyo... :food: :food: ..
fremsite
07-02-2006, 11:17 PM
aprilluck pren ~~!!! ang sasarap naman ng putahe ~~~ !!! penge nung " Samalamig " ang dating na drink ... :D Happy 16th Anniversary nga pala ... wishing you all the " BEST " :)
chevelle:)
07-03-2006, 08:32 AM
http://smileys.smileycentra l.com/cat/23/23_9_10.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZN xdm477)good morning! ang gagaling nyo naman at ang sasarap magluto. kakainggit, ako kc nagpa-practice-practice pa lang ng konti. baka pwede namang magpaturo ng mga recipes nyo ng mga ulam lalo na japanese foods, wala pa yata ako alam lutuin kundi cup ramen! http://smileys.smileycentra l.com/cat/4/4_13_3.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZN xdm477) please HELP me..wahhh!
http://www.smileycentral.co m/sig.jsp?pc=ZSzeb068&pp=ZNxdm477 (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb068_ZN xdm477)
ritzyu
07-03-2006, 09:52 AM
Aprilluck san, happy 16th wedding anniversary sa iyo..dalangin ko ang
maalwan at mahabang pag-sasama ninyong dalawa ni hubby mo.
Ang sarrrap ng mga handa..di makatikim, kaya hanggang tingin na lang kami.:D
Happy anniversary mis Apprilluck......sara p naman tlga nang handa....may pagka martha stewart talaga kayo!!!!!!!:king:
Galadriel
07-03-2006, 01:52 PM
Happy 16th wedding anniversary Aprilluck. Talaga naman nakakabilib:) . Sa mga sad news about divorce, yung mga good news na kamukha nito ang nakakabuhay ng loob na pwede talagang magtagal ang pagsasama ng mga interracial couples kung pagsisikapan. More happy, healthy & loving years!
ate april...sarap naman talaga ng luto!:D happy wedding anniversary ang tagal na nyo!magkasunod lang pala tayo ng wedding anniversary kami nong June 28.5yrs na kami.marami pa kaming pagsubok na pagdadaanan.
ning2
07-03-2006, 04:16 PM
wow mommy april! ang sasarap naman nyan!:food: panalo ka talaga sa paghahanda ng pagkain..happy 16th wedding anniversary! wishing you both more blessings to come :) ...makapag-isip na nga rin ng mailuluto sa aming anniversary;) ano kaya masarap at madaling lutuing pagkain:confused:
aprilluck
07-03-2006, 04:28 PM
@aprilluck
Happy 16th Wedding Anniversary sa inyo ng hubby mo .. I've three wishes both for this year and for those coming years.. peace , success and happiness . May your love for each other last forever ...
... one of the best mommy and a wife na kilala ko .. ' proud of you .. go girl!! :)
Docomo,
Thanks for the compliments and to the greetings too ! Sana nga we're still going to share the best and worst of life together "kahit maputi na ang buhok ko " para naman may good result iyung pinangatawanan ko nung magpasakal ,este magpakasal ako sa kanya.
"....one of the best mommy and a wife na kilala ko ..."
'hiya naman ako :O but thanks !
God Bless.
april
aprilluck
07-03-2006, 04:43 PM
Aprilluck..Happy 16th wedding Anniversary!!!:)
proud me,salamat ,This time wish ko na naman makaabot sana kami ng 20 years ,then pag 20 years na ,I dream for 25 years and so on.
Striver,may natira pa ,yung fruit salad ice cream,
di kaya malusaw 'yon pag pinadala ko sa'yo ? :D Punta ka na lang kasi dito !
Happy pa rin kahit may ups and downs ang buhay ,nakakaraos naman .;)
april
aprilluck
07-03-2006, 04:54 PM
ate april,happy 16 anniversary:) binusog nyo na naman po kami sa picture,ang sasarap naman ng pagkain nyo:)
Ichimar,Thank you ! Madali lang ang mga iyan lalo na kung may tagapaghugas tayo ng mga pinaglutuan natin ,abay! sisipagin kitang magluto !:)
Pooh chan,Thanks ! hehe kayang kaya mo ! with one close eye pa! Talagang ganyan sa umpisa laging kabado ,remember your first date ?ganyan din ang cooking minsan patok ,minsan palpak .Kung interesado ka sa pagluluto ,sooner or later mape-perfect mo rin !;)
ate april
aprilluck
07-03-2006, 05:07 PM
aprilluck san Happy 16th Wedding Anniversary po sa inyo ni habibi mo.:band: sarap naman handa nyo..:) :food: :food: :food: tabetaii ako fruit salad!.....
@ Qoo and Kate, Thank you ! Hangad ko rin ang maayos na pagsasama n'yo sa inyong husband. Konting tiis,konting unawa,konting kiliti ,konting pasensiya,Sigurado ko magtatagal ang pagsasama ."Umula't bumagyo ,ayos lang!":)
Pasensya na kayo ,hanggang picture lang ang foods ,hehehe;)
aprilluck
07-03-2006, 05:22 PM
aprilluck pren ~~!!! ang sasarap naman ng putahe ~~~ !!! penge nung " Samalamig " ang dating na drink ... :D Happy 16th Anniversary nga pala ... wishing you all the " BEST " :)
Fremsite, friend !! Thanks sa silip :) sarap nga ng putahe ,sandali naman naubos ! walang patawad 'tong mga alaga ko ,ayaw mag alisan sa mesa ,
Samalamig ba?Sige abutin mo kaya lang baka mataob ? madali lang gawin yan ,kayang kaya mo na katulad kong mahilig magkulong sa kitchen,hehe..:D
Depp, Salamat sa greetings ,
Sabi ko na kasi sa'yo dumayo ka dito sa bundok ,pagluluto kita ng mga iyan ,pramis;)
Ingat sa pag-uwi ha ,basahin ang reminder sa isang thread , mahirap na.:)
aprilluck
07-03-2006, 05:31 PM
Happy 16th wedding anniversary po sa inyong mag-asawa:love:....
ang sasarap naman po ng handa nyo... :food: :food: ..
Maimai ,thank you ! sa awa ni God naka 16 years na rin ! mabagal na mabilis ang tingin ko sa panahon .:) Sorry hanggang tingin lang sa mga pagkain .Di bale Mai,Sa EB n'yo sa Osaka ,maraming foods doon .Ikain mo na lang ako ha ;) .
Chevelle,, Salamat and welcome sa TF !
Marami nang recipe dito sa Kainan at Lutuan ,'hanap ka lang .
practice lang ng practice .
See you around.
aprilluck
07-03-2006, 05:46 PM
Aprilluck san, happy 16th wedding anniversary sa iyo..dalangin ko ang
maalwan at mahabang pag-sasama ninyong dalawa ni hubby mo.
Ang sarrrap ng mga handa..di makatikim, kaya hanggang tingin na lang kami.:D
Hi Ritzyu ! Thank you! Oo nga sana di lang 16 years ang pagsasamahan namin,But I believe with the help and blessing of God ,we could stay together as we promised " till death do us part" ,naks :) hehe...
Anyway,Salamat and May God bless you and your whole family.
aprilluck
07-03-2006, 06:04 PM
ate april...sarap naman talaga ng luto!:D happy wedding anniversary ang tagal na nyo!magkasunod lang pala tayo ng wedding anniversary kami nong June 28.5yrs na kami.marami pa kaming pagsubok na pagdadaanan.
Wow! giri-giri June bride ka rin pala , Gambatte ne ! Talagang ganyan ang life .like it or not ,hardships come,trials here and there . Pareho lang kita na marami pa tayong kakaining bigas( basta ba may ulam ) hehe....:D
God Bless.:)

God Bless.:)oo nga eh,pero hanga ako sayo kasi ang tagal nyo na...oo giri-giri na nga eh,kaya humabol pa gusto kasing maging june bride:D.oo marami pa tayong kakaining bigas sigurado na yon ulam kasi laging may ulam dito sa tf...:D
aprilluck
07-03-2006, 06:50 PM
Happy 16th wedding anniversary Aprilluck. Talaga naman nakakabilib:) . Sa mga sad news about divorce, yung mga good news na kamukha nito ang nakakabuhay ng loob na pwede talagang magtagal ang pagsasama ng mga interracial couples kung pagsisikapan. More happy, healthy & loving years!
Thank you! Honestly speaking,di rin naman perfect ang pagsasama namin,mayroon din kaming di pinagkakasunduan kaya lang as far as we know mas nakakahigit iyung Love and Respect namin sa isa't isa, and we're always trying to talk and find solution to the problem and not to complain.As I entered married life ,I knew what is the role of a mother and wife, if I couldn't do things by myself alone I wouldn't complain but I soon ask help from my husband ,kaya nga tinawag na better half ,katuwang or kabiyak .
Galadriel,Puwede talagang magsama kahit magkaibang lahi pa ,nasa pagkakaunawaan 'yan,respeto sa isa't isa ,at sa pagsisikap natin na maitaguyod at maging matatag ang inyong pagsasama,Of course with the help and blessing from God.
A combination of Love,Respect,and Perseverance leads to happy ang long lasting married life.:)
Gambatte!
april
aprilluck
07-03-2006, 07:01 PM
Happy anniversary mis Apprilluck......sara p naman tlga nang handa....may pagka martha stewart talaga kayo!!!!!!!:king:
Hi Bara ! Omedetou ! nakaraos ka na ,kitam iba ang feeling pagnakapanganak ka na ? Gambatte ne !I believe you'll be a loving and good mother to your daughter Youka chan ,and an understanding wife to your husband. Best wishes for your whole family.
Thank you sa greetings, nagugutom ka 'no? hehe 'sens'ya na hanggang pics lang ang foods.:)
aprilluck
07-03-2006, 07:33 PM
wow mommy april! ang sasarap naman nyan!:food: panalo ka talaga sa paghahanda ng pagkain..happy 16th wedding anniversary! wishing you both more blessings to come :) ...makapag-isip na nga rin ng mailuluto sa aming anniversary;) ano kaya masarap at madaling lutuing pagkain:confused:
Ning, salamat anak-anakis ,hehe....ihahabol mo ba ang mais maja blanco? Mag -isip ka nang fav.ng sweetheart mo and at the same time gusto rin ng kids.
chevelle:)
07-03-2006, 07:47 PM
ate aprilluck, thank you po! mukhang marami ngang magaling magluto dito sa tf. sana naman magbunga rin tong kaka-practice ko. once na kasing nahiwa daliri ko at tinahi sa hospital dahil di nga po marunong humawak ng kutsilyo. hope to hear tips from all tf frends der. Hello po? Help pleasseeeee!:confuse d:
ning2
07-08-2006, 10:29 PM
Ning, salamat anak-anakis ,hehe....ihahabol mo ba ang mais maja blanco? Mag -isip ka nang fav.ng sweetheart mo and at the same time gusto rin ng kids.
mommy aprilluck, nakahabol yung mais maja blanco ..eto na po...
3857
inihahanda ko palang naka-bantay na yung bunso ko kaya nung hinahalo na panay na ang tikim kaya nung maluto busog na:D sa dami ng favorite ng hubby ko hindi ko malaman kung ano ang ihahanda ko...:( makapaghalungkat na nga ng recipe sa baul ....:)
maria_71jp
07-08-2006, 11:07 PM
dear aprilluck,
hello to you my kaTF,oo naman eshare mo ang recipe sa aming lahat para lalo kaming mas healthier sa cookies mo.sige na please:bowdown:
maria
japina
07-10-2006, 01:00 AM
aprilluck!! happy 16th anniversary!! pareho pala tayo june 29 kinasal kaso last year lang kami kaya nag 1 yr. ako nung time na naghanda ka for your 16th anniversary:yippee: sana tumagal din kami tulad nyo... at ang sarap ng fud ako nag spaghetti lang ako nun eh!!

07-10-2006, 11:14 AM
mommy aprilluck, nakahabol yung mais maja blanco ..eto na po...
3857
inihahanda ko palang naka-bantay na yung bunso ko kaya nung hinahalo na panay na ang tikim kaya nung maluto busog na:D sa dami ng favorite ng hubby ko hindi ko malaman kung ano ang ihahanda ko...:( makapaghalungkat na nga ng recipe sa baul ....:)
Ning ,para namang tinutukso mo akong magluto uli n'yan ,dalawa na kayo ni proud me na nang iingit ha !;) gagawa ba ako or hindi ? tanong ko nga sa bulaklak , :confused: hehehe .:)
mommy april
aprilluck
07-10-2006, 11:31 AM
aprilluck!! happy 16th anniversary!! pareho pala tayo june 29 kinasal kaso last year lang kami kaya nag 1 yr. ako nung time na naghanda ka for your 16th anniversary:yippee: sana tumagal din kami tulad nyo... at ang sarap ng fud ako nag spaghetti lang ako nun eh!!
Hi japina ! Thanks ,bayaan mo I'm sure makaka-16 years din kayo ,basta ba alagaan n'yo ang relasyon , if we want to achive a long and lasting relationship ,we must work for it !
Love and Honesty
Respeto sa isa't isa ang kailangan ,
Communication is a must .Remember,couples laugh together last forever.
And observe ,(para sa ating mga wife ) the first thing to a man is his stomach ,means husband adores his wife preparing good foods on the table .Proven na iyan !!
april
proud me
07-10-2006, 12:09 PM

april pa- OT po ng konte...YES,YES,YES :yesyes: ...:food: ako 15 yrs.palang kami...sis,pero true yan sinabi mo...
aprilluck
07-10-2006, 08:19 PM
Heto po ang ulam namin ngayon,Halos ay ani lang namin ang gulay,ang binili ko lang ay moyashi,meat at hipon na isinahog ko. Sarap !!
3976
dami ko na namang niluto , kasi libre lang ang gulay eh:) Gagawa sana ako ng wrapper kaso nababad ang mata ko sa TF ,di bale masarap naman kahit pa s'ya ay hubad,;)
ning2
07-11-2006, 10:53 AM

oishiiso~~! kaluluto ko lang din nyan last week, paborito kasi ni hubby..:) mukhang gusto ko na namang kumain ulit! kung may natira pa pahingi at marami akong pambalot dito:D
poulain
07-13-2006, 12:13 AM
meron po ba d2 magpopost ng recipe?
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.