PDA

View Full Version : Family planning

tea
04-30-2006, 12:35 AM
magtatanong lang po anong magandang gamitin para sa pagplaplano ng family?advice naman po dyan pls.

mikoboy78
04-30-2006, 02:24 PM
the best ang tinatawag na "tiis".... ask your doctor about it...:D

bell
04-30-2006, 03:39 PM
tama,punta ka ng doctor kasama ang hubby mo.and sasabihin sayo kung ano ang mas magandang gamitin.:D

TR250
04-30-2006, 04:20 PM
Condom works for me pero di ko pinapahawakan sa babae lalu na't pag hindi ko pa gamay ang ugali dahil takot ako baka kurutin at mabutas. Iwas sakit lang ng ulo. OK din daw ang pills at gel pero ingat pa rin pag hindi gamay yung kasama. Kung sanay sa kasama at tantyado ang ugali ay OK din ang withdrawal. Mahusay din na alam ang period ng kasama at pag walang ibedensiya ay di talaga pwedeng walang kapote lau na't pag bagong kakilala lang. Siguro ay medyo paranoid ang dating pero mas mahusay ang nag-iingat ng doble.

Dami ko rin parati kung bumili at di nawawalan ng stock. Parati ring may baon maski saan pumunta dahil marami rin maaaring paggamitan ang condom. Ilang beses ko na rin nagamit ito sa ibang bagay tulad ng nung sumabog ang radiator ng kotse ko at wala akong pwedeng paglagyan ng tubig. Minsan ay ginamit ko na rin itong pantali sa nalaglag na piyesa ng kotse at pantali rin sa braso ng ka tropa nung nasugatan siya para mapigil ang extrang pagdalos ng dugo ng sugat niya. Alam ni misis na parati akong kargado ng condom sa bag dahil ipinaklita ko sa kanya na maraming pwedeng paggamitan nito lalu sa survival conditions at sinabi ko na "condoms CAN save lives"... (alam kaya niya ang iba ko pang pinaggagamitan nito...)

Mustang
04-30-2006, 06:52 PM
Meron nabili asawa ko na maliit na computer sa Denkodo or Yamada...meron siyang thermometer at araw araw kinukuha ang temperature. Merong chart kung kelan safe or kelan fertile...

parang nag work kasi di na nasundan yung panganay ko...

nick
04-30-2006, 07:34 PM
I think this is a serious question. Please avoid off-topic comments (off-topic comments were deleted).

TR250
04-30-2006, 07:37 PM
Siguro ang pinaka safe ay yung magpakapon na lang:shutup: .... (shhhhhh, little secret lang natin ito ha :whistle:

myukasky
04-30-2006, 07:51 PM
magtatanong lang po anong magandang gamitin para sa pagplaplano ng family?advice naman po dyan pls.

Opinion ko lang mas okey kung punta kayo sa doctor. Mahirap din kasi baka mag advice ako or yung iba tapos di naman hiyang sayo. May friend kasi ako pills daw gamit nya pero di sya hiyang, medyo iba daw yung epekto sa katawan nya kapag nakainom na sya. So ang ginawa nila nagpakonsulta sa doctor. Ako may dalawa ng anak kaya wala ng planong mag-anak pa. Before nagtanong din ako sa ob-gyne ko kung ano magandang gamitin. Sabi nya condom daw, asked ko yung calendar at withdrawal. Sabi nya di daw safe yun at may possibility din na makabuo. Actually tama yung sinabi ng ob-gyne ko at napatunayan ko naman.:rolleyes: At sa iba ko ring friends lagi nila kwento, nagcacalendar daw sila o kaya withdrawal pero nakakabuo. So it means di rin talaga safe. Sana nakatulong din ang aking konting kaalaman.:D

TR250
04-30-2006, 08:13 PM
Tungkol din sa family planning pero primitive style. Sabi sa akin ng isang senior citizen na nuon daw ay di pa uso sa kanila ang contraceptives at kung uso man ay walang perang pambili dahil nga sa hirap ng panahon. Ang sinabi ay pag "red day" daw ay safe. Isa pa ay pag nagkamali ay tatalon ng ilang beses at pipilitin pababain o palabasin yung tane at mas mahusay daw kung sa ilog o sa dagat (sa tubig) magpapalundag-lundag dahil mas madali raw maanod o bumaba yung tane na sumasama sa tubig. Ewan ko kung totoo ito dahil mukhang obsolete. May narinig din akong uminom daw ng Shokton (tama ba yon?) para di matuloy. Pero sa tingin ko ay haka-haka lang ang mga ito dahil kung tutuo nga ay malamang kontrolado ang birth rate nuon.

stariray
04-30-2006, 08:57 PM
Cz tama yung advice ni myukasky the best thing you can do is to consult your doctor kasi nga baka kung may mga advice sayo ng kung ano-anong pills tapos di mo nga hiyang masamang maging effect sa katawan mo delikado yan cz:O kase nangyari na to me noong magbuntis ako sa 2nd baby ko nainom ko isang pad pero nagbuntis din ako...but thanks God wala namang nangyari sa baby she's healthy and cute naman like mommy:grinny:

bara
04-30-2006, 09:32 PM
di pala dapat inom lang ng inom ng pills mga sis pero yung mga frend ko dati halos "diane" ang gamit nila kaya lang nakakataba talaga....iba naman injection sa pinas 6 moths daw ang effectivity...

pinkpooh29
04-30-2006, 11:28 PM
hello...

share ko saiyo yung sa kaibigan ko at sa kapatid ko gamit nila diane pills..yung 2nd sister ko dati daw nag wwidrawal lang sila ng asawa nya..ok. naman daw..kya lang may mga disadvantages talaga..maaga kasi sya nag asawa 16yo. nanganak sya 17yo. ngayon yung anak nya 10yo na..diparin nasusundan.. aware kasi sya pati yung asawa nya na kailangan di muna masundan...mahirap kasi ang buhay.. almost 4-5yrs din daw silang widrawal lang..ok naman.daw.. nung nag hiwalay sila ng asawa nya..ngayon my bf sya gumamit na sya ng diane pills mag 1yr 1/2 na sya nag ddiane pills..maganda naman daw ang outcome.. hanggang ngayon simula nung nanganak sya at the age of 17 untill now isa palang ang anak nya.. ayaw nya talaga muna sundan..magastos kasi ang magpalaki ng anak..

but i think its better to consult your doctor first..hingi ka ng advise sa kanila kung ano yung magandang gamitin mo..

goodluck;)

RAIN
05-01-2006, 12:26 AM
Di na kailangan ng gamot or comdom kung may team work lang kayo or open minded sa isa t isa lalake or babae puwede ng makaraos;)

TR250
05-01-2006, 01:05 AM
Diba tinuro yang family planning sa iskwela dati at marami ring mga libreng family planning seminars na ginagawa sa mga bayan o mga baranggay sa atin.

SHAMPOO
05-01-2006, 01:16 AM
Diba tinuro yang family planning sa iskwela dati at marami ring mga libreng family planning seminars na ginagawa sa mga bayan o mga baranggay sa atin.

sa simbahan din may seminar about family planning..kasi noong bago ako ikasal kailangan daw umattend kami ng asawa ko sa seminar sa simbahan..ewan ko lng sa ibang simbahan. meron din sa mga center sa pinas,may libre pa at silang pills na binibigay.

docomo
05-01-2006, 01:47 AM
@tea

as for the chances .. pulling out is a notoriously unreliable birth control method- many men don't pull out in time .it's typical use rate is about 70%,far lower than any other form of birth control. if pregnancy really isn't an option now , i would suggest IUD or getting on the pill (or the patch or the ring) with your ob/gyn's prescription ... and condom (with proper use of course) are some good options ....:)

Lapu_lapu
05-01-2006, 07:27 AM
Tea,
Opinion ko lang 'to. Ang pagplano ng pamilya ay hindi simpli at hindi biru.. Mahirap din to. Hindi lang to bena basi sa financial capacity mo at sa future ng mga anak mo.Kailangan din dito ang tiis at spiritual na plano. Ibig sabihin, balance lang kung baga. Kung gusto mo na magka pamilya, lagyan mo ng konting tiis kasi part of the package yan. Sa konting tiis , matutunan mo ang pag didisiplina sa sarili mo,sa partner mo at sa mga bagay na kailanganin mo. Kung may halong Spiritual planning, ang mangyayari dyan, matutu kang igalang ang buhay, ang panginoon at takot sa kanya..Ibig sabihin magaging pro-life ka or procreative ka kung baga. Ang paggamit ng Cond_m, pills at iba pang artificial contraceptives, ito ay against prolife dahil pinigilan mo na mabuo ang buhay, at ito din ay nakakasira sa moral ng tao. Noong bago ka lang ikasal, nag umpisa ka ng gumamit ng contraceptive at hanggang sa ngayon at seguro hindi na mabibilang. Hindi na rin mabilang ang mga buhay na nawala.. Bakit nawala? dahil noong ginamit mo ang cond_m, fertile si lalaki at fertile din si babae, pero pinigilan nyo. Ang dapat na mabuting gawin ay hintayin na infertile si babae at sa ganoon , walang pananagutan sa panginoon. At ito ay kailangan ng TIIS lang.. at tinatawag itong Natural family planning lang. Mahirap di ba? pero ganyan talaga ang buhay... lahat ay material lang.

Kaya para sa akin, ang maipapayo ko sa iyo, use your "Freedom of Choice"... kung takot ka sa panginoon, gamitin mo ang Natural way of family planning. Kung hindi ka naniniwala sa "Buhay" at gusto mo ng madali-an... din gamitin mo ang Artificial way of family planning. Kung wala kang Religion, din choose the "lesser evil":mad: ... Kaya "Make a right Choice".

Raiden
05-01-2006, 08:47 AM
@ Lapu Lapu

Hi bro. :)

I respect your views regarding this issue.

May mga tanong lang ako tungkol sa post mo. Kapag nagpigil ba ang dalawang nag-iibigan sa kanilang natural urges, di ba may buhay din na nawala doon?
Kasi instead na magtalik sila, eh hindi na nila tinuloy, so it goes against the will of God, right?

One more thing. Ano ang mas masahol na kasalanan sa mata ng Diyos? Ang irresponsableng pag-aanak, na humahantong sa paghihirap ng mga inosenteng mga bata (e.g. mga street children, mga child prostitutes, child laborer, illiterate children), o ang artificial birth control or contraceptives to prevent pregnancies?

Kasi for me, sexual urge is a force of nature. We humans can never beat nature. It was proven, time and time again. All we can do is survive it, therefore we come up with methods and tools that enable us to do so.
So I think it is better to educate the people about prevention, rather than preaching self-deprivation.

Just my opinion. Peace :)

tea
05-01-2006, 09:41 AM
marami pong salamat sa advices ninyo

tea
05-01-2006, 09:49 AM
marami pong salamat sa advices ninyo

Lapu_lapu
05-01-2006, 11:39 AM
Kapag nagpigil ba ang dalawang nag-iibigan sa kanilang natural urges, di ba may buhay din na nawala doon?
Kasi instead na magtalik sila, eh hindi na nila tinuloy, so it goes against the will of God, right?

@
Nag iibigan (Boyfriend/girlfriend).. let say pag ang dalawang nag iibigan ay nagtatalik(using cond_m,pills,withdra wal,oral) seguradong kasalan po yon, Kasi yon yung tinatawag na pre-marital s_x na hindi acceptable sa Catholic practice.

One more thing. Ano ang mas masahol na kasalanan sa mata ng Diyos? Ang irresponsableng pag-aanak, na humahantong sa paghihirap ng mga inosenteng mga bata (e.g. mga street children, mga child prostitutes, child laborer, illiterate children), o ang artificial birth control or contraceptives to prevent pregnancies?

@
Raiden,mahirap sagutin yung mga tanong na yan. Nakakaawa nga ang mga bata na walang kamalaymalay sa ginagawa ng kanilang mga magulang... Pero mayroon akong link na magbibigay sagot sa iyong mga tanong reqarding "SIN".
http://www.realtime.net/~wdoud/topics/sin.html

Kasi for me, sexual urge is a force of nature. We humans can never beat nature. It was proven, time and time again. All we can do is survive it, therefore we come up with methods and tools that enable us to do so.
So I think it is better to educate the people about prevention, rather than preaching self-deprivation.
Just my opinion. Peace :)

@
Tama ka education ang kailangan.. Yun na yon ang ginagawa ng katolikong simbahan. Prevention nga pero in a natural way at sa ka may kasamang package na "PRAYER" po. Sinulat pa nga ni Pope John Paul II sa Kanyang Encyclical letter "Evangelium Vitae" and "Human Vitae"..Respect for Human Life in Its Origin and on the Dignity of Procreation.. Pero wala pa rin. Marami ang tumutotol dito. Kaya para sa akin, nasa iyo na yon...Kasi pagdating ng panahon, hindi naman by group or by country or by religion ang paghuhusga, individual po yon..Kasi kung ano ang yung ginagawa dito sa mundo , may rewards or punishment po yon.

Raiden
05-01-2006, 12:57 PM
@
Nag iibigan (Boyfriend/girlfriend).. let say pag ang dalawang nag iibigan ay nagtatalik(using cond_m,pills,withdra wal,oral) seguradong kasalan po yon, Kasi yon yung tinatawag na pre-marital s_x na hindi acceptable sa Catholic practice.

What if I have no intention of getting married? Would it still be considered pre-marital sex? :D

Tama ka education ang kailangan.. Yun na yon ang ginagawa ng katolikong simbahan. Prevention nga pero in a natural way at sa ka may kasamang package na "PRAYER" po. Sinulat pa nga ni Pope John Paul II sa Kanyang Encyclical letter "Evangelium Vitae" and "Human Vitae"..Respect for Human Life in Its Origin and on the Dignity of Procreation.. Pero wala pa rin. Marami ang tumutotol dito. Kaya para sa akin, nasa iyo na yon...Kasi pagdating ng panahon, hindi naman by group or by country or by religion ang paghuhusga, individual po yon..Kasi kung ano ang yung ginagawa dito sa mundo , may rewards or punishment po yon.

I don't believe everything that is written in the Bible. Because just like religion, it is man made. Made to impose control over its followers and to exploit their ignorance and gullibility for the welfare of the religion itself. Why won't the religious institutions spread its wealth to their less fortunate followers, instead of building those castle-like houses of worship? Mapa-Katoliko, Iglesia, Muslim, etc. I've never seen any religion that sincerely reached out to their poor followers, to the point of giving almost everything they have to their less fortunate "brothers in faith".

For me, it makes more sense what this guy had said:

"A man's ethical behavior should be based effectually on sympathy, education, and social ties; no religious basis is necessary. Man would indeed be in a poor way if he had to be restrained by fear of punishment and hope of reward after death." - Albert Einstein

mikoboy78
05-01-2006, 06:47 PM
hala! lumayo na ang topic!:eek: nagtatanong lang si tea ng effective family planning eh san san napunta ang pinaguusapan... kukulit nyo rin noh? hehe:D:D:D

Raiden
05-01-2006, 06:52 PM
hala! lumayo na ang topic!:eek: nagtatanong lang si tea ng effective family planning eh san san napunta ang pinaguusapan... kukulit nyo rin noh? hehe:D:D:D

Nyaaaak! :eek: Oo nga no.

Sorry po. :O

OK, tatahimik na ko. :) unless na...:sneaky:

honeybunny
05-01-2006, 08:38 PM
magtatanong lang po anong magandang gamitin para sa pagplaplano ng family?advice naman po dyan pls. tea buti ka pa tungkol sa family planning ang problema mo:) :) ,...baligtad tayo:p .....ako naman problema ko kung paano ko magkaka baby:confused: :( :O ,2 years na kaming kasal,wala pa rin:( :( , naunahan na nga ako ng youngest brother ko na magka baby:)

tea
05-02-2006, 02:50 PM
tea buti ka pa tungkol sa family planning ang problema mo:) :) ,...baligtad tayo:p .....ako naman problema ko kung paano ko magkaka baby:confused: :( :O ,2 years na kaming kasal,wala pa rin:( :( , naunahan na nga ako ng youngest brother ko na magka baby:) wag kang malungkot magkakababy ka rin.kaya naman ako nagtanong tungkol sa family planning magdadalawa na ang baby ko gusto ko kase 2 lang para mabigyan ng magandang kinabukasan

Lapu_lapu
05-03-2006, 01:25 PM
Raiden sorry late na 'tong sagot ko..

[/font][/font]

What if I have no intention of getting married? Would it still be considered pre-marital sex? :D
kung walang intention na magpakasal ang dalawang nag iibigan, hindi ito matatawag na Pre marital S_x. Pero kung may nangyayari sa dalawa na nagtatalik at hindi pa kasal , ito ay matatawag na Pre marital s_x dahil labag sa practice ng mga katoliko. Ang wastong paggamit sa S_x sa katoliko, ay para lamang sa kasal na couple , hindi sa bf/gf. May iba ding situasyon na ang nag iibigan ay nagtatalik muna bago kasal. Ito po ay mali din.

May link din dito related sa mga tanong mo.
http://www.prolife.org.ph/article/articleview/455/1/79

I don't believe everything that is written in the Bible. Because just like religion, it is man made. Made to impose control over its followers and to exploit their ignorance and gullibility for the welfare of the religion itself. Why won't the religious institutions spread its wealth to their less fortunate followers, instead of building those castle-like houses of worship? Mapa-Katoliko, Iglesia, Muslim, etc. I've never seen any religion that sincerely reached out to their poor followers, to the point of giving almost everything they have to their less fortunate "brothers in faith".

For me, it makes more sense what this guy had said:

"A man's ethical behavior should be based effectually on sympathy, education, and social ties; no religious basis is necessary. Man would indeed be in a poor way if he had to be restrained by fear of punishment and hope of reward after death." - Albert Einstein

Ako rin dati, ganon din ang aking paniniwala sa sarili na hindi exactly 100% totoo ang nakasulat sa bibliya, kasi sinulat lang yon ng ibat ibang tao. Pero tinanong ko ang aking sarili na totoo ba lahat ang nakasulat sa bibiliya? at ito yung mga tanong ko.. Kung maniniwala ako, may mawawala ba sa akin? Ano ang mangyayari sa akin? Bakit naman may Panginoon at ibang Panginoon? Sino ba sya? Saan sya galing? Saan ba ako galing before 197"_"? Bakit isinilang ako sa magulong mundo? Bakit ako naging makasalanan? Bakit mamatay ako? Saan naman ako pupunta at ano ang karugtong ng 197"_" ? May kapayapaan ba after sa magulong buhay? etccccccccccccc.... Dami pa nga...hindi ko na maisip.... countless kaya FULL OF MYSTERIES.

Para sa akin ang nakasulat sa bibliya ay mga good teaching examples na dapat sundin para mayroon kang tinatawag na "PEACE OF MIND". Kung may PEACE OF MIND ka, lahat ay mapayapa sa ISIP, sa GAWA at sa SALITA.

By the way, ito yung libro na binabasa ko minsan...

COVER PAGE
http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=2507&stc=1&d=1146629909

CONTENTS
http://www.timog.com/forum/attachment.php?attac hmentid=2508&stc=1&d=1146630133

japphi
05-03-2006, 02:41 PM
wag kang malungkot magkakababy ka rin.kaya naman ako nagtanong tungkol sa family planning magdadalawa na ang baby ko gusto ko kase 2 lang para mabigyan ng magandang kinabukasan

hi...pasingit naman ang Lowla.....kami noong dalawa na ang anak namin....nag-family planning kami....kahit na gustong magkaroon nang baby boy ay pigil kami....gusto pang humirit ni Lolo para daw magkaroon nang baby boy....pero mahirap dito sa Japan.,...lahat mahal kasi.Uminom ako nang pills....nangayayat ako....tinigilan ko....used condoms at withdrawal din.......narataing namin ang 11 years sa pagpa-planning na yon.....

Pero kahit pala anong gawin mong plano....kung talagang gugustuhin nang Panginoon na bigyan ka.....walang makakapigil nito.Minsan ay ang sama nang pakiramdam ko....."moshikashite" daw.....bumili kami nang pang check....positive!!! THANK GOD at may maganda na naman akong dalaga ngayon na 4 years old na...so 3 Maria sila.

Kaya doon sa mga nagpa-family planning....magbanta y nang maige....pero huwag kayong magsisihan kung napalpak..dahil walang makakapigil sa kagustuhan nang Panginoon.At doon naman sa hindi pa nagkaka-anak na naghihintay pa hanggang ngayon....huwag mawalan nang pag-asa...lahat ay naka-plano sa Panginoon yan.Goodluck.

Bangis
05-03-2006, 08:28 PM
Pwede ko bang isama ang Plano ko dito?

Bakit kayo puro na lang para maiwasan ang pagdami nyo??

Ako kasi plano kung dumami lahi ko dito sa Japan.. para malaki pamilya ko dito.. pwede ba yun?:D Kahit iba iba nanay.. maganda nga yon para hindi mag-away away mga anak ko.. bibigyan ko sila ng tigi-tigisang nanay.. hehehe

myukasky
05-03-2006, 10:55 PM

Aba maganda yang plano mo, basta ba maibigay mo sa kanila ang kanilang pangangailangan. Tulad ng edukasyon, tirahan, pagkain at higit sa lahat pagmamahal bilang ama.:D

goodsensei
05-03-2006, 11:04 PM
Can I join this discussion?

I think having more children is better but we need to be more responsible. That means the willingness to have "more sweat, more tears, and more blood". Responsible not only financially but more importantly is the ability to raise up good and moral children . Its a big challenge but the reward is great.

goodsensei
05-03-2006, 11:05 PM
Pwede ko bang isama ang Plano ko dito?

Bakit kayo puro na lang para maiwasan ang pagdami nyo??

Ako kasi plano kung dumami lahi ko dito sa Japan.. para malaki pamilya ko dito.. pwede ba yun?:D Kahit iba iba nanay.. maganda nga yon para hindi mag-away away mga anak ko.. bibigyan ko sila ng tigi-tigisang nanay.. hehehe

Is that a good plan or a bad plan? Can it be a good example for others? I hope its just a joke. Am I right?

Bangis
05-04-2006, 10:37 AM
Is that a good plan or a bad plan? Can it be a good example for others? I hope its just a joke. Am I right?

Hindi joke yan.. totoo talaga yan.. plano ko talaga yun.. maybe its bad for others.. hehehe:p

goodsensei
05-04-2006, 10:13 PM
Hindi joke yan.. totoo talaga yan.. plano ko talaga yun.. maybe its bad for others.. hehehe:p

Its bad, I think. No good person can do it. You just want to do it for your own gratification at the expense of others. Meaning, you will just use people for your own selfish desire. But I feel you won't do it. If you do, your life may become miserable. Think about the consequences if you do it.

This is just an advise...please don't take it personally.

DJchot
05-04-2006, 11:53 PM
bakit wala pang nagsusuggest ng ligation dito?
di ba maganda yon?