PDA

View Full Version : Slumbook/slambook


makulit
05-02-2006, 04:39 AM
Kanina nagpunta kami ng anak ko sa 100 yen shop. May napansin ako na parang stationary, actually filler sya. Tapos my name, asking favorites, and so forth. Bigla kong naalala, similar sya sa slumbook/slambook. Naalala mo pa ba nung nasa highschool ka? Mahilig kang mangolekta ng stationaries at mahilig mag papirma ng slumbook/slambook? Gusto mong malaman kung sino ang crush nung crush mo :D

Curious lang ako, yung may mga anak na malalaki na, meron din ba silang ganito? Ano ang tawag nila dito sa nihonggo?

Autumn
05-02-2006, 07:42 AM
Yes @makulit san,pareho din nun slumbook naten noon araw,ang tawag nila dyan ay profile chou.yun dalawang dalaga ko meron nyan.nakatago nga eh.pati ako nakapirma doon :D(sabi ng dalaga ko wala daw nihonggo yun eh) ewan ko lang din baka yun iba alam nila sa japanese. sarap balikan yun panahon natin noh.doon ako nabuko ng crush ko..ang walanghiya at pinagsabihan ako na wala daw akong karapatan gustuhin sya.dahil ako ay poor lang:eek:.. pero isang part ng ala ala;)

proud me
05-02-2006, 09:18 AM
meron din sila,natatandaan ko nong elementary nong magumpisa yong musume ko.hangang ngayon ginagawa parin nila.maganda nga naman kasi yong naaalala nila yong mga naging crush nila.at yong mga hobby nila noon,w/purikura pa kasi diba yong kanila ngayon.samantalang kami noon note book lang na kami lang ang gumagawa...jidai nga naman...hahaha...per o siguro yong feelings natin noon pareho din sa kanila ngayon.kung baga sosyal lang sila ngayon..:D

makulit
05-02-2006, 09:56 AM
@Autumn
Thanks Profile Chou pala ang tawag don. Cute cute nga nung designs ng profile chou nila. Japalish (japanese-english) na nga yung iba. Pati ikaw naka pirma ha :D Nung panahon ko, hindi ko pinapasulat ang Nanay ko don. At ganon din, nakatago ... hindi pwedeng tignan.

@proudme
elementary:eek: ganon kaaga? ako noon, nasa highschool na nung magsimulang magkaroon nito. pareho tayo, ako din sa notebook lang. nagtityaga ako na isulat ng pauulit-ulit sa bawat pages ang mga questions. hay ... those were the good days ... high school life ...

definitely, sosyal na sila ngayon ...

stariray
05-02-2006, 11:01 AM
HI Makulit san konnichiwa:wave: "Oldies but Goodies"talking about that slumbook !naalala ko tuloy noong highschool life ko kase nakipagsabunutan ako dyan :firehead: pero hindi sa kapwa babae kundi sa guy...akala ko crush ko cya kase handsome and kissable lips yun pala bading!!!:cry:

gemini_19
05-02-2006, 01:53 PM
makulit san eto ring musume ko noong siya ay elementary pa meron na niyang slumbook na yan, pati nga teacher niya pinapirma, titser naman sumasakay :)

natatawa nga ako pag naaalaala ko yang kabataan ko.

hotcake
05-02-2006, 07:12 PM
Hello makulit, eto rin anak kong grade 4 ay meron din niyang profile chou. Usong-uso ata iyan ngayon, meron pa ngang isa na ang tawag naman ay koukan no-to (こうかん のーと)。:) Grabe nga itong anak ko kasi ayaw ba naman ipakita sa amin, himitsu daw kase..:D

adechan
05-02-2006, 09:11 PM
natsukashii nga talaga iyan

@makulit pareho tayo .... ang walang katapusang pagsusulat nang mga tanong hanggang sa last page nang notebook ~~~ medyo natatandaan ko pa nga red and blue ang ginagamit kong kulay nang ballpen

etong anak ko grade 3 pa lang pero mukang hindi pa in sa ngayon

aprilluck
05-02-2006, 10:29 PM
natsukashii nga talaga iyan
@makulit pareho tayo .... ang walang katapusang pagsusulat nang mga tanong hanggang sa last page nang notebook ~~~ medyo natatandaan ko pa nga red and blue ang ginagamit kong kulay nang ballpen


"Ala-ala ng Lumipas" ini-ingatan ni slumbook.:O
Last uwi ko ng 'pinas ,naghahalukay ako ng mag dati naming ginamit na libro ,ect. lumabas iyung slumbook ng younger sister ko,nag-sign pala ako doon na nakalimutan ko na sa tagal ng panahon,binasa ko iyung sarili kong page ,wahh ! nahiya ako ,sa mga pinagsusulat ko ,pero siguro noong panahon na isinulat ko iyon seryoso ako.Hindi ko na babanggitin ,nakakahiya talaga!!:O

ugnayan
05-03-2006, 12:08 AM
Hello! Sabi ko na nga ba na ang TF ay nagpapaalala ng nakalipas. :) Sige nga isulat natin ang mga tanong sa slumbook....

Favorite Color:______________ __
Favorite Teacher:____________ _
Favorite Subject:____________ __

adechan
05-03-2006, 12:50 AM
Hello! Sabi ko na nga ba na ang TF ay nagpapaalala ng nakalipas. :) Sige nga isulat natin ang mga tanong sa slumbook....

Favorite Color:______________ __
Favorite Teacher:____________ _
Favorite Subject:____________ __


favorite color: ROYGBIV
favorite teacher: Mrs. Canas (she passed away during her term when we were her advisory class) ~~~ ang Mrs. Susan Edrosolo ~~~ my science teacher now principal na daw at nadawit pa na interview sa tv because of Jackie Rice the ultimate female survivor of starstruck
favorite subject: Theology:halo:

mizo_shiru
05-03-2006, 05:03 PM
Hi, makulit san, nakita ko ang site na ito about what's cool for kids nowadays here in Japan.
Very informative for parents.

press here (http://web-japan.org/kidsweb/culture.html#cool)

pola228
05-04-2006, 04:16 PM
@makulit

sabi ng asawa ko jiko shokai or profile daw:D (sensya na sa spelling)

@ugnayan

favorite color: skyblue
favorite teacher: ??? wala..hehe..ang susungit kasi e:D
favorite subject: math(calculus)

@ mizo shiru

salamat sa link:thumb:

@ adechan

ako rin nagsulat ng sariling slumbook(paulit ulit pa nga kasi ayoko ng madumi baka mapintasan ng crush ko noon..:D ) at blue and black naman gamit kong ballpen..hihi:p

ugnayan
05-04-2006, 04:57 PM
@ugnayan

favorite color: skyblue
favorite teacher: ??? wala..hehe..ang susungit kasi e:D
favorite subject: math(calculus)



Thanks for your reply, pola228!

Sa akin, favorite color: yellow/gold (masyadong bright ba?)

Favorite Teacher: I like all my teachers and the teachers of other classes. (walang masamang tinapay, ne. Kaya naman naging school governor, kuno. :))

Favorite Teacher: Math (kagaya ni pola228)

ning2
05-05-2006, 12:07 AM
makulit san,

natsukashii na... nung high school marami rin akong nagawang slumbook. mayroong para lang sa sarili kong class section, outside class section at para sa CAT officers. mabarkada kasi ako dati eh:) kaya ang daling maubos ng tinta ng ballpen ko eh:D

itong panganay ko naman, grade 1 palang dati mayroon ng profile chou, pati teacher pina-sign-in..tapos nung nasa kougaku nen(高学年) na sya saka nauso naman ang koukan no-to (交換ノート) ewan ko lang ngayong nasa chugakko na sya:)

megan
05-05-2006, 04:01 AM
Hello! Sabi ko na nga ba na ang TF ay nagpapaalala ng nakalipas. :) Sige nga isulat natin ang mga tanong sa slumbook....

Favorite Color:______________ __
Favorite Teacher:____________ _
Favorite Subject:____________ __

Ohayo po T-F kapamilya!...naalala ko rin po noong highschool pa ako, pinagpapasa-pasahan pa namin yong slumbook para lahat makasulat kahit nag le-lecture pa mga teachers namin, naalala ko nga, pag define love na, palagi kong sinusulat " love is like a bubblegum pagdumikit talagang nakakabuang" :liftup: hehehe :biglaugh: ...my favorite color po is white( damit na white para alagang tide)...favorite teacher...wala po, lagi kasi kaming pinapagalitan ng mga ka grupo kong classmate, dahil tumatakas kami tuwing tanghali para manood lang ng mara clara at flames sa TV wahehehe:roll: ...Favorite subject: ay! love ko po talaga ang math subject, lalo na pag problem solving, lumilikot na kaagad ang mga mata ko, yan ang tinatawag na mata-matics...sarap talaga ng highschool life, dami ko rin kalukohan noon pero palagi ako nakakalusot hehehe:D sana meron ding slumbook dito sa T-F no! para magkabukuhan din, lagay natin tutuo pangalan natin lahat(jodan dake) hehehe :biglaugh: :hihi: :jiggy: ... peace po sa inyo:sweeties: