View Full Version : HELP naman dyan baka may nakakaalam!!!
honey
05-03-2006, 11:59 PM
Baka malipat kasi ng trabaho ang asawa ko :( at sa MIE KEN pa.Hindi ako pamilyar sa lugar.Ano po ba dun CITY??Mura o mahal ang mga bilihin??Balita ko pa marami daw foreigner dun iba-iba delikadong lugar daw ang MIE KEN totoo po ba yun?? ngayon pa lang kasi nagiisip na ako ayaw kong mapunta sa probinsya pero parang mapupunta nga ako.Nasanay kasi ako sa city bukod don hindi ako masyado magaling magnihonggo kaya parang masgusto kong expose ako sa tao at marami akong napupuntahan ng hindi maging mangmang.
salamat po sa sasagot :) .
hello honny... saan banda sa mie ken?may part na probinsiya may part din na city...... hmm.. actually talagang maraming foreigner sa mie ken... mostly brazilians same lang din sa aichi..... meron din mga Filipino meron din mga mukhang Filipino pero mga indosian pala........ pero about sa delikado.... hmmm... i think hinde naman siguro delikado gaya ng ini-isip mo:)
ps.
honey saan ka banda sa hiroshima?
ganda_girl89
05-04-2006, 12:36 AM
noong may wrk pa ako sa ehime,madalas akong mag travel sa mie ken.sa may bandang ize,tsu at toba city.ok at tahimik ang lugar,halatang probinsya talaga.magubat at bulubundukin.maramin g uphill at downhill strech sa mga national roads at expressways.mura ang bilihin especially seafoods.
puting tainga
05-04-2006, 02:48 AM
http://www.pref.mie.jp/ENGLISH/index.htm
Heto ang homepage ng Mieken, in English.
I've never heard of bad things about Mikeken, nor good things.
To me, it's a banal, rather non-descriptive probinsya.
honey
05-04-2006, 10:49 AM
WES
sa Fukuyama shi po ako.hindi ko pa po alam kung saan kami titira sa mie-ken kami daw po ang pipili.kaya po nagtatanong ako kung saan maganda tumira saka ayaw ko sa bundok wala akong kotse poor :D.
ganda_girl89
buti naman pala at mura kasi mura dito sa fukuyama ang mga gulay at isda :) .
puting tainga
salamat po sa site na ibinigay nyo :D nakita ko na po.
*gusto kong walking distance ko lang ang byoin,mall,park,post office saka ichiba :p kase may anak ako e para kapag wala asawa ko kahit kami lang makakalabas.Natatako t ako sa halos walang ganong tao.Sabi kasi ng mga nakatira na kasamahan ng asawa ko marami daw pong magnanakaw kaya kapag dun na daw po kami nakatira magingat :eek: .Itong lugar po namin ngayon (fukuyama shi) e walking distance ko lang lahat kaya hindi ako nahihirapan nagagawa ko talaga ang pagiging mrs..:)
friley
05-04-2006, 12:01 PM
Honey, this is friley, I lived in Tsu city, the capital of Mie ken for 5 years. I study in Mie University and finished, I transfer now here in Tochigi for a PostDoc, I would say Jichii is more like a province. I was once afraid to stay in Mie before I go to Japan, I want to stay in Osaka or Nagoya where there are lights and more people. It is true na probinsya ang Mie, but you'll find it nice to live in if your after safety... you should be more cautious in Osaka and Nagoya compare to Mie. Yes there are many foreigners, especially brazil jins, and chinese... syempre hindi mawawala nag bahid ng pinoy. If you feel lonely why dont you join the filipino community in Tsu Catholic Church, I'll give you Sr. Nora's contact address we have lots of fun and I miss them all there, we called our community "Pusong pinoy" and the "church choir" was admired by the neighboring city. Tsu holds the lowest population in japan at about 50,000 or 150,000(i think) residents, but recently (march 2006) several city was merged into one. Tsu, matsusaka are good choices as you can easily go to osaka (1.5hrs) or nagoya(1hr) via kintetsu. Dokodemo may abunai na situation you just have be cautious, but i think its much safer in mie compare to the urbanized prfecture. Gud luck and be strong.
sharpener
05-05-2006, 04:27 PM
hello,
taga Matsusaka ako (kami)
there are (more or less) 300 filipinos here
tahimik lang buhay namin dito
most of us are working at Sharp
hmmm...kaya mo naman cguro dito
why dont you try it
di ko gaanong nabasa mga messages mo
ilan ba anak mo,,at ilang taon na
balak mo bang ipasok sa yochien?
i think kahit saan kayo pumunta
in any part of japan,,ay mahirap para sa iyo
dahil nga may kasama kayong bata
lalo na pag nagkasakit
ingat na lang
honey
05-07-2006, 07:48 PM
friley salamat po sa pangiimbita sa church pede po ako kaya lang simba lang po hindi ko maiwan anak ko namimis ko kaagad kalikutan nya:p .
sharpener ang asawa ko sa sharp nagtatrabaho kaya nga nasa list daw sya ng mga pupunta ng mie pero di pa po nasasabihan kung kelan kami lilipat pero kinakantyawan na sya ng mga ksasamahan nya na lilipat daw sya kaya magjumbi na :p.humahanap kami ng lugar kung saan ang city kailangan malapit sa byoin/koen/ichiba para lang sa anak ko ng di sya maboring ba:D .
salamat sa reply dito sa thread ko.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.