PDA

View Full Version : What parents should do in a time like this?


Autumn
05-06-2006, 02:25 PM
hello guys. ..what happened is this..my eldest daughter came and ask a permission to me..that she and her bf will meet and she will be staying with her bf for couple of days..she is 18 years old now.at alam ko rin dadating ang ganitong part sa buhay nya ...kaya lang..hindi ko maintindihan pakiramdam ko..parang bang binuhusan ako ng malamig na tubig..cant talked and react for a while..pero believe ako at na surprised kasi she had the guts na magpaalam pa sa akin..
pero ..pero hindi ko alam gagawin ko..hindi ko naman sya pwede itali..
gustong kong bumunghalit ng iyak..imagine..paran g kailan lang baby pa sya..at pinasususo ko pa..tapos..tapos ngayon..waa:cry:

kayo paano kayo mag re react..pag nagsabi din mga anak nyo ng ganito..?

neehs_iris
05-06-2006, 04:46 PM
Ang hirap talaga maging isang ina no, Autumn san. Babae din ang anak ko at siguradong darating ang panahon na dadaanan ko din yang pinagdadaanan mo ngayon. Kagaya mo, hindi ko din alam yung magiging reaksyon ko pero bilang nanay, kailangang malakas tayo lagi lalo na pagdating sa mga ganyang bagay. Alam naman natin nung una pa na talagang iba ang buhay at pananaw dito sa Japan kaysa sa nakalakihan natin sa Pinas na talagang reserved tayo lalo na sa mga relationships. Ang maipapayo ko lang ay magtiwala ka sa anak mo. Hindi mo man matututukan ng todo ang anak mo sa lahat ng bagay lalo na ngayon na malaki na at dalaga, pero, somehow, may mga prinsipyo ka din naman sa buhay na naituro sa kanya na magiging guide nya o basehan sa paggawa ng mga desisyon,maliit man o malaki, sa buhay nya ngayon. Yung pagsasabi nya nga sa yo, rest assured na liberal man ang nakalakihan nya dito, may respeto at paggalang pa din sya na itinatabi para sa yo bilang nanay nya. Yung mga iba ay usually di na nagpapaalam,nakaangi l pa gaya ng mga pamangkin ng asawa ko. Hanga ako sa yo dahil nararamdaman ko yung pagmamahal at pag-aalala bilang nanay. Maging malakas tayo lalo na sa ganitong pagkakataon.Hindi na nga sha baby ngayon pero yung paggalang at respeto nya sa yo ay hindi magbabago. Ako? baka ganyan din ako gaya mo pag sinabi ng anak ko yan, baka mag-offer ako na pwede bang ako din, makasama sila nga boypren nya,hahaha!

proud me
05-06-2006, 05:46 PM
Autumn San...oo nga ...ano nga siguro ang mararamdaman ko...siguro tulad din ng nararamdaman mo ngayon...tanong ko sa sarili ko ngayon uli eh...pareho kaya nong naramdaman ko nong sa mga chonan,jinan at sannan ko...na mahirap maipaliwanag na naramdaman pero kailangan kong tanggapin na meron sariling buhay ang mga anak ko at hindi ko pwedeng diktahan ang aking mga anak...ewan ko dito sa bunso ko.nag iisang girl siya at tulad ng iba lagi kong pambiro sa kanya...pag meron ng manliligaw sayo at type mo rin siyang maging bf okey lang promise mo lang na wag yong patago...pakilala mo sa amin papuntahin dito sa bahay at si okasan ang pipinta kung o.k siya...kuwaii daw...siguro ngayon biruan lang kaya nakakapag biro pa ako pero siguro pag dumating na yong time nayon uli sa akin...hay...ganito ba talaga ang maging ina...

stariray
05-06-2006, 06:59 PM
Autumn san konnichiwa:wave: for me as a parent mas mahirap talagang maging nanay...tsaka sa role ko din nanay na tatay pa...doble hirap kase yung 2 girls ko anak ko cla sa pinoy at halos d2 na cla lumaki sa japan nagaral d2 mula elem. untill nakagratuate na yung eldest ng kokosei then yung 2nd girl kokoninensei na...and still have the youngest boy who's now on his 1st yr.kokosei bali cya lang anak ko sa hapon...:cool: ngayong mga teenager na cla may mga pagbabago na...minsan tlga nakakagulat sa mga changes ng attitude like sa pagsasalita walang "des" oo nga okassan and tawag sayo pero sasagutin ka naman ng "nandayo".."sodayo"sometimes pagnagkamali ka ng sagot sa kanila "mama baka"...but I did'nt say na bad ang mga anak ko ha...mababait naman cla..may oras din na naglalambing sayo...kaya lang talaga ata nahawaan na lng cla ng ugaling hapon...kase sa school ata d2 walang subject na "good manners and right conduct" na katulad ng itinuturo satin sa pinas...actually last time may post din si @bara san ng about sa anak...then nagpost reply din ako 'bout me and my son quarrels...and thanks God kase naayos naman na yung problemang nangyari nun..narealized din ng anak ko yung nagawa nyang pagkakamali sa akin...marunong din naman magsalita ng "mama gomen ne":bowdown: syempre buhos ang luha ko...pusong ina pa rin...so far this time nakikiramdam pa rin ako sa kanila kase mga wala pa namang "kanojo" and "karesshi" ewan ko din kung anong magiging feelings ko pagdumating na sa ganyang situation...I've just pray to God na sana palagi akong maging strong mother what ever consequences will come:halo: "The LORD WILL gain new strength;They will mount up with wings like eagles,they will run and not get tired,they will walk and not become weary."

Autumn
05-06-2006, 07:20 PM
@ neehs,@ proud,@ stariray,
ya ang hirap na masarap maging nanay,ngayon ko lang din naintindihan yun naging pakiramdam ng mommy ko .kung tutuusin hanggang16 years old lang ako na nasa poder ng Parents ko.dahil nga nagtrabaho ako dito.marami akong bagay na hindi ko na natutunan sa mommy ko.imagined dito na ako dinatnan ng first monthly period.pero hindi nagpakita nanay ko or nangaral kung ano ba dapat kong gawin dahil na nasa malayo ako.gannon pala kalaki ang tiwalang ibinigay nya sa akin, ngayon naisip ko na ibigay din ang tiwala ko sa mga anak ko..minsan kasi hindi ko alam saan ba napupunta utak ko:O

nakalimutan ko din na iba nga pala dito.kesa sa bansa natin,ang ipinagpapasalamat ko na lang ..kahit paano marami din akong na i shared sa kanila,

@ stariray.salamat naman at naayos nyo din ng anak mo yun naging problema.sabi ng mom ko mas mahirap daw kung lalaki anak ko.kasi ang mga boys hindi open sa mother..ewan ko lang din yun iba ha.

hahhaha:D nakakahiya .kasi nakita ako ni bunso na naiyak,binubuska ako at sabi ako mama walang paa paalam..magtatanan ako pero hihingi ako ng pamasahe sa iyo:eek:

talaga naman oo..isa pa nga pala itong si bunso.hay naku..dadami wrinkles ko sa kakaisip.:D

minna san thx for sharing..kore kara mo yoroshiku onegai itashimasu..otagai gambarimashou:)

aprilluck
05-06-2006, 08:04 PM
@Autumn,
Parang hirap ng posisyon ng Ina pag ganitong usapan .Although wala akong anak na babae ,nag-aalala pa rin ako pag dumating sa ganito ang anak ko ,baka mapasubo ng wala sa panahon. Heto opinyon ko lang naman ,Kung sa akin mangyayari ang bagay na ito ,Una ipararamdam ko sa kanya ang pagtutol ko pero di direct to the point ,kahit sa loob ko ay hinding-hindi ako payag ,magbibigay ako ng mga examples ,ipapaliwanag sa kanya ang mga possibilities , mga kung anu-anong bagay ang maaring mangyari pagkatapos sa ayaw at sa gusto niya, itatanong ko sa kanya ng paulit-ulit kung handa ba s'ya sa dis-advantages
na maaring mangyari , in the end s'ya rin ang magdedesisyon tungkol sa bagay na ito ,payagan mo man o hindi siya pa rin ang gagawa at gagawa ng paraan para masunod n'ya ang gusto n'yang gawin,Pero bilang magulang katungkulan pa rin natin sa ating mga anak na paalalahan sila ,tumutol sa gusto nilang mangyari kung alam natin na maaring ikapapahamak nila,Hindi ibig sabihin ay wala tayong tiwala sa kanila ,ayaw lang lang natin na mapahamak sila , dito rin sa mga bagay na tulad nito kailangang ipakita natin kung ano ang ibig sabihin ng pagiging magulang natin sa kanila ,dahil di lang naman sila ang magdadala ng sama ng loob pag nagkataon ,ipakita ang maaring kahihinatnan ng gusto n'yang desisyon .Good Luck.

@ Stariray ,Iyung tungkol sa mga ginagamit na salita sa atin ng mga anak natin ,simple lang sa akin iyan ,sinasabi ko na ,"Oya ni taisuru kotoba o yoku kangaite ne,so jya nakattara watashi wa kodomo no yaku o suru ", kasi kailangan siguro model role din tayo lalo na sa mga anak natin ,totoong malaki ang impluwensiya ang paligid sa mga anak natin pero malaki rin na impluwensiya sa mga anak natin ang lifestyle natin. Kung may good foundation tayo bilang magulang ,siguro naman makikita at malalaman ng mga anak natin kung ano ang dapat o di dapat.
Mahirap magpalaki ng anak natin tulad din ng dinanas na hirap ng magulang natin sa atin .:)

stariray
05-06-2006, 08:15 PM
:yesyes: Kochirakoso@autumn san,tamang-tama nga yung post mo para sa darating nitong mother's day :thumb: It's all about us na mga mommy at sa mga mommy rin natin!HAPPY MOTHERS DAY!!WE LOVE YOU PO!:kiss:
Take note sa mga KiDs!!!!Don't forget to hug and kiss your mommy ha on Mothers day!!:dowave:

Stacie Fil
05-06-2006, 09:55 PM
Paano ako magre-react?

I guess depende. Depende sa kung ang bf niya ay properly introduced sa family, nakausap at kilala mo ang background or pagka-tao, and lastly nakausap mo na clearly (napagpayuhan) regarding matters of relationship with your daughter and he clearly knows what you expect from both of them.

But of course in general, mapapa biglang focus ako sa tanong. Ang first response are also a questions requesting clarification like; kasama ba ang magulang o sino sino ang kasama? Ano ang gagawin or activity na dapat magkasama nang overnight. Gusto na ba talaga niyang mag asawa na at di si lalaki ang humihingi nang permiso? Kailan, or bakit di muna unahin ang kasal kung sakali.

Alam nang kahit sino ang lakas nang tentasyon sa lalaki at babae kung silang dalawa lang. Yun nga na walang relation at plano... may nangyayari pag nagkasama, lalo pa nga na clearly may relation sila open publicly. Nagpapaalam ba siya para ma-legal ang kahit na anong bagay na mangyayari kahit malayo/wala sa moral norm na turo mo? Kase ganoon yon pag pinayagan siya(unless may usapan/kasunduan na limit, sa mga mangyayari).

Siguro mag re-remind ulit nang pangaral na di naman sila pipigilan sa ganoong relation...sa tamang panahon. Like kung professional na pareho, malamang ipagtulakan mo pa. "Life is not living on the edge" or "Kailangan pa bang mahulog/madulas sa hagdanan bago matuto na kumapit sa rail"?

Yan siguro ang aking reaksyon...

Tonyang
05-07-2006, 10:09 AM
Autumn, introduced na ba sa iyo ng anak mo ang kanyang bf? Ang maganda riyan, nagpaalam iyung anak mo sa iyo sis. Kasi may intention siyang itago iyun at gagawa siya ng di maganda, bakit siya nagpaalam sa iyo?

I don't think magwo-work iyung pagtutol na understood ng bata kasi mag-aaway kayo o sasama ang loob niya sa iyo. Dahil nagpaalam siya, concern natin sa positive o constructive na pabiro - di ka ba makakaabala sa kanya, magkakasya ka sa bahay nila, anong kakainin ninyo pagbalutin kita ng pagkain o baon, maliligo ka ba roon na patawa tapos ano pa ba? Ah magka-camping kayo roon? Things like that ba... Kilitiin mo siya na parang palo ka roon sa excitement na nararamdaman niya pero at the back of her mind, inaalam mo ang puwedeng mangyari.

Alam natin ang pupuntahan ng ganyang umpisa dahil mapupusok ang ganyang edad pero you're right, kanyang buhay iyun at bilang ina, talagang mahirap tanggapin iyung realidad na may sarili na siyang buhay na puwede nang maging independent.

I think at this stage.. friendship and respect will count a lot. The more you nag, the more she goes away. The more you listen and try to understand her and pretend that you want to understand her, the more she comes back to you and the more she opens up and informs you of what is happening in her life.

Sana nakatulong ito, Autumn.

joamie_tera
05-07-2006, 10:58 AM
Since ng nabasa ko itong thread mo kahapon, nag iisip na rin ako kung dumating nga sa akin itong panahon na ito ano nga kaya ang reaction ko?, I have 2 daughter parehong girl, 13 and 10 yrs old, yung barkada ng panganay ko sa naririnig ko sila ang mga nag aaproach sa mga crushes nila at iniinganya na itong anak ko na mag approach din sa crush nya, pero sinasabihan ko sya na mas masarap yung boy ang mag approach kesa sa ating mga girl so sabi ko maghintay sya dahil darating yung time na yon, sa awa ng Diyos wala pa naman syang bf dahil yung ibang friend nya ay meron na. Tulad ng isang kaibigan kong haponesa na ka age ng panganay ko yung panganay pero may bf na, so tinanong ko sya tulad ng tanong mo kung ano ang magiging reaction nya pag nagpaalam sa kanya ang anak nya na mag stay sa bahay ng bf a couple of days, so nagulat din sya, di rin daw nya alam ang magiging reaction nya but at the age of 18 parang napaka aga naman daw na mag stay sa bahay ng guy, hindi raw nya papayagan ang anak nya pwede naman daw silang mag date sa araw, pero kahit sa araw pwedeng may mangyari hindi ba, so pagdadalahin daw nya ang anak nya ng condom to make sure, ipaliwanag nya sa anak nya na ano man ang mangyari, tulad ng mabuntis, dalawa sila ng bf nya na gumawa non so kailangan dalawa silang managot, kung gawin man daw nila yon, kailangan daw ay ingat, dahil kung magkamali at magbunga sa maling panahon mahirap di ba. so communication ng ina at anak ang the best kung masasabi mo sa anak mo yung mga bagay na iyon siguro hindi magkakamali ang anak mo sa bagay na yon. Erai nga yung anak mo dahil nagpaalam sa iyo, so siguro naman maipapaliwanag mo rin ng maayos sa kanya ang gagawin nya at tamang pag iingat kung talagang di na nila mapigilan ang feelings nila di ba? Di ko alam kung may mapupulot kang maganda dito sa sulat ko, I hope kahit konti sana meron.

japphi
05-07-2006, 11:05 AM
Hi Autumm,medyo mahirap nga siguro ang sitwasyon na ganyan ano....ako 17 na ang panganay namin.At darating din kami sigurado sa ganyang topic.

Kung sa akin siguro naitanong nang anak ko ang ganyan....syempre at first shock siguro ako at maiiyak.Tulad nang sabi mo na parang kailan lang na baby pa sya.Honestly kung wala kaming masyadong communication siguro nang anak ko....mahirap tanggapin.

Pero sa parte naming mag-ina....sigurado na hindi ko papayagan kaagad.I still believe(para sa akin)a man and a woman (lovers)live together means responsibilities.Hin di yung gustong magsama dahil mahal nila ang isa't isa lang,to find out kung compatible sila etc.Masasabi na nasa atrasadong generation ako,but as a catholic that's my belief.

Noong hindi pa nagkaka-bf ang anak ko(at dito rin sa 15 yrs old na pangalawa namin)...kaming dalawa ng asawa ko ay kinausap namin....ok makipag bf....pero bilang babae kailangan na kaya nyang dalhin ang sarili...be strong pag dating sa isang bagay...virginity.Da hil ito ang purest thing na maiaalay sa asawa nila pag sila ay ikakasal na aside sa love at trust.

Ang habilin nang Tatay nila....Okey ang makipag-s_x kung talagang mahal at decided na sila....na para sa akin naman ay DAME,kasal muna.But one thing na itanim ninyo sa isip ninyo kanya.....try to be careful na huwag mag-buntis na undecided tapos ipalalaglag.Bawal na bawal sa Diyos yan kanya.At kahit na lumabas kang nakakahiya ay hindi ko pababayaang kumitil kayo nang buhay na walang malay.

Kung humingi sya siguro sa akin nang permiso to live with him.....hindi kaagad....hingin ko rin muna sa kanya na ipakilala sa amin yung lalaki at maitanong kung ano ang kahihinatnan nang ilang araw na pagsasama na yon.Sigurado naman na maiintindihan ko ang side nila dahil dumanas din naman ako sa idad nila....kaya lang hindi naman gano'n at ganoon lang ang pagbibigay nang permiso.

Ngayon pa lang ay nakiki-vibes na ako sa kanilang mag-Ate....na kahit na nahihiya silang magsabi sa Tatay nila sa akin man lang na ina nila ay makapagsabi sila.Tulad nung una syang nagka-bf....sinabi nya sa akin then binigyan ko sya nang mga paalala.Then nasabi rin nya na nag-break na sila,kaya maganda rin ang may communication hindi lang bilang ina kundi bilang parang kaibigan din or confidant ba.

Pero para sa akin....mabait ang anak mo para magsabi pa o magpaalam sa'yo.Yung iba nga d'yan patago pa at unti unti ay naglilipat na pala.Kaya try to understand din at paalalahanan
nang mga bagay na dapat gawin.At ano't ano man ang dumating sa kanya good or bad....dapat din na maging matatag tayo bilang magulang.

Autumn
05-07-2006, 08:28 PM
guys.thx a lot for sharing.yes kilala ko naman yun bf nya.classmate nya noon elementary pa sila.nalipat lang sa Iwate ken, 2 years na sila.at ngayon lang uli magkikita.
ang mga anak ko kasi masyadong close sa akin lahat sinasabi,pati yun first kiss nya sa likod ng school eh sinabi sa akin.kiss lang naman yun at part talaga ng relasyon,pinaliwang ko naman sa kanya.na iba yun ano.:O.ipinaliwanag ko din sa kanya yun mga fear ko.kasi ako masyadong napa aga pag aasawa. hindi ko na enjoy ang teenage year ko..natawa nga sya kasi 19 years old ako .preggy na ako sa kanya.eh sya daw eh kiss pa lang.very late na nga daw ma lost ang virginity nya( kung sakali) at sa kanila (japanese) eh nakakahiya daw yun.alam daw nya na sa atin importante ang virginity.kaya i ki keep daw nya hanggang ikasal sila.matagal pa naman daw.

nagpapasalamat ako .at nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin sya..kasi nga .hindi ako kaagad nakapagsalita.basta na shocked at naiyak ako.
naiiyak pa rin ako..bat ba ang bait ng anak ko..naiisip ko tuloy tama ba talaga na pigilan ko sya..?ngayon pinayagan ko na sya ..nagbago naman isip nya..:eek: papupuntahin na lang daw nya dito sa bahay.at dito patulugin sa kwarto ng papa nya..pumayag naman daw bf nya..naiisip din daw nya na mo chotto no aida ni..baby ko muna uli sya..nakakatawa kasi nagtatrabaho na sya.pero at nandito pa sa poder ko.pirming nakadikit at nakayakap sa akin kaya siguro nag over reacting ako..
totoo nga pala yun kasabihan.pagsasabi ng tapat.pagsama nang maluwat..kahit paano naiisip ko..maganda pala talaga ang relasyong magulang ka na kaibigan pa.salamat po uli sa mga ng share..:)

lenemen
05-08-2006, 12:04 PM
Autumn,
I have 3 kids too. itong pangalawa ko ay 19 yrs. old, only girl ko cia. She had just graduated from koko last March. Noong kokosei palang cia ay hindi cia nagka bf at busy sa bukatsu nia KENDO. She is now a semmon gakusei (taking computer studies) aba lately ay panay ang pakikipag-usap sa ketai nia at ang tagal-tagal pa, minsan mahigit isang oras pag di ko pa pinuna ay hindi titigil. Naisip ko na ito na siguro kinatatakutan kong dumating sa kanya. Kinausap ko nga kung may bf na ba cia. Sabi nia wala pa raw, pero may nag "kokuhaku" na daw sa kanya since na nag start ang classes. E sino kako yung mga nakakausap mo sa tel. mo na ang hahaba ng kwentuhan ninyo? Mga bagong kaibigan lang daw nia yun at kung magka bf man cia ay sasabihin daw naman nia sa akin, pero sa ngayon ay may crush daw cia pero di pa sila mag on. Timing naman nabasa ko post mo, kinabahan din ako dahil baka sooner or later ay dumating din sa kanya ang ganittong situation, di ko rin ciguro alam kung paano mag react. Hope ko na lang sana ay katulad ng dalaga mo na mag papaalam din muna siya sa akin. Nag co-confide naman cia sa akin pero di ko ma predict kung sa bagay na iyan ay magawa nia pa ring magsabi. Ngayon ko nararamdaman ang mga pinagdaanan ng ating mga magulang noong tayo ay nasa ganoong kasibulan. Mahirap pala talaga dahil ang iniisip lang naman sana natin ay ang huwag silang mapahamak o mapasubo sa isang bagay na hindi pa sila handang humarap.
Autumn and to sa lahat ng mga Okasan, let us just pray for our daughters na naway maging matatag cila lumaban sa mga temptations na maaaring maging dahilan ng ikasira ng kanilang future. God Bless!!!:O

ritzyu
05-08-2006, 02:40 PM
Autumn san, pasingit din dito ha :)

Magaganda ang mga ibinigay na opinion ng mga members sa inilahad mong
problema, at natutuwa naman ako nagkaroon ng changes in the long run...
nagka-ayos na rin kayong mag-ina..yokatta!

Sa panig ko opposite side naman ang iniisip ko, anak ko lalaki, malapit na rin
siya sa age na yan (baka nga me hatsukoi na) paano na kaya kung bigla rin
niya sabihin sa amin ng ama niya na papatuluyin rin niya ang gf niya sa bahay
ng ilang araw..ano kaya ang magiging feeling ko o reaction naman kaya.
Kahit lalaki yung sa amin sasabihin na walang mawawala..siguro magpa-panic
din ako. Mabuti na lang me thread na ganito..medyo nakakapaghanda sa mga
ganyang situwasyon.

Ang nakakatuwa sa dalaga mo Autumn san nakukuha niyang mag
confide sa iyo ng mga problema o mga pa-planuhin sa sarili niya...nakikita lang
na mabait kang ina sa mga anak mo:)