View Full Version : Paano ninyo tinatanggap?
amazona
05-07-2006, 09:49 PM
bago ang lahat minasan genki???? tatanong ko sana sa inyo nakaranas na ba kayo na tumulong sa kapwa nating pinoy dito sa japan.o kahit hindi dito sa japan tumulong kayo sa kapwa pinoy matapos mong gawin ang lahat na alam mong ikatutuwa niya eh.sa bandang huli galit pa sa iyo,sa halip na pasalamatan ka sisigawan ka pa at sisisihin.may naenkwentro na ba kayong ganito pangyayari?"paano ninyo ito tinatanggap sa dibdib ninyo?alam kong mas lamang ang sagot na ipasa diyos na lang ito.bukod dito sa salitang ito.may iba pa ba kayong alam na pagtanggap para mawala ang galit sa dibdib ninyo.para maiwasan ang away.at sama ng loob sa taong tinulungan mo.:(
gemini_19
05-07-2006, 10:14 PM
likas na siguro sa ating mga pinoy ang tumulong ms amazona. at di rin nawawala ang mga bagay na sa kabila ng pagtulong natin ay bandang huli tayo pa rin ang masama. sa ganitong mga bagay ay napakarami ko ng karanasan, na halos sa palad mo na sila pinakain pero ang igaganti nila ay parang nakakadis appoint lang.
sa ngayon tahimik lang ako pagdating sa mga bagay na ito dahil dala na rin siguro ng pagkadala, kahit merong mga kababayan na lalapit sa yo hi and hello lang at syempre kailangan na rin nating mamili ng kaibigan. marami pa naman akong maituturing na very best friend yon nga lang medyo binawasan na lang ang pakikipagbarkada lalo na sa sitwasyon ko na medyo di rin laging available.
tama ka na masakit sa umpisa lalo pa at lubos ang ibinuhos mong pagtulong sa taong bandang huli ay siya rin palang makakagalit, pero siguro naman alam niya at kahit ikaw din kung sino talaga at ano talaga ang totoo diba? para sa akin lang "let time goes by" darating siguro ang araw na magkakasalubong pa rin kayo at maluwag na sa dibdib ang hi and hello na batian. kung magkikimkim ka ng galit mai stress ka lang kaya pabayaan na lang, sa umpisa lang naman medyo masakit. eh sino ba ang nawalan? para sa akin kasi di kawalan ang itinuturing mong kaibigan kung hindi naman bukal sa loob niya ang pagtanggap sa salitang kaibigan. gomen ne kung kaibigan ang term kong ginamit, kasi usually ang mga natulungan ko at tinutulungan ay kino consider ko na ring kaibigan.
Tonyang
05-07-2006, 11:38 PM
Ms. Amazona at Gemini19, opinion ko lang din ito. Oo nga naman, tayo na ang tumutulong, tayo pa ang pinapasama o nagiging kawawa in the end. Tama si Gemini19, likas na matulungin ang mga Pinoy pero likas din sa atin iyung konsepto ng "utang na loob" at "recognition" pag may nagawa tayong kabutihan. Kanya kanyang orientation iyan kung paano natin gustong patakbuhin ang ating buhay kasama ang mga konseptong ito. Ang nangyayari kasing karaniwan, tumutulong tayo pag may "naaapi" o may sitwasyong "lamang" tayo o mas kaya nating gawin o kaya nama'y advantage natin o nagiging rason bakit tayo kinaiinggitan o napapasama. Maraming sitwasyon... iyung iba maganda ang kinalalabasan. Iyung iba, hindi. Pag hindi, gusto nating ipamukha iyung naitulong natin. "Wala kang utang na loob." Stressful ito at bakit nagkaganoon?
May proseso bakit naging abusado o naging "walang utang na loob" ang natulungan siyempre. Two-way palagi ang communication so sinong nakakaintindi? Kung di naiintindihan ng tinulungan ang magandang hangarin noon o nakalimutan na pagdating ng panahon, dapat ba tayong magalit? Di dapat. Dahil di pa ganap ang isipan ng ating natulungan. Iyung pag-intindi natin, patuloy na pagtulong pa rin iyun. Pero pang-abuso, kailangan nating bantayan iyun dahil iyun ang masama. Dependence na nangyayari halimbawa, mahirap kalasan iyun at masakit pero nararapat lang kung kinakailangan. May paraan o proseso rin ito dapat... di biglaan.
Pero alam ninyo, iyung totoong pagtulong, walang kapalit. Gusto mong gawin kasi gusto mo lang tumulong at para mapabuti o maisaayos ang isang sitwasyon.
ayumi
05-08-2006, 02:01 AM
hello amazona,
meron mga ganyang cases pilipina 1 tinulungan si pilipina 2,nagkaproblema,nagk asisihan,nag-away.kaya bago tumulong,dapat iladlad ng 100% ang kaso nung nagpapatulong para pagna-complicate ang kaso ,alam nung tutulong kung papano linisin ang komplikasyon.yung iba kase tulong ng tulong kahit wala namang masyadong alam sa problema at solusyon.yung iba namang nagpapatulong hindi sinasabi lahat sa tumutulong at me kasama pang kasinungalingan.kaya doon nagmumula ang problema.
sa case ko ,pag me humingi ng tulong,tiinitingnan ko ang case kung kaya ko o hindi.kung medyo alanganin ako ibinibigay ko dun sa nakakaalam talaga.pag kaya ko tinutulungan ko all the way,me kasamang sacrifices pa yun,time,money,effor t.at pinipili ko lang,yung galing sa puso ko na feel kong tulungan....
wag mo nang pansinin kung ano man ang sasabihin nya sa yo,as long as you did your part.sa susunod pag tumulong ka piliin mo na lang....
..tsaka may mga taong mas natatandaan nila yung 1(isang)MALI na ginawa mo keysa maraming TAMA na ginawa mo sa kanila...
apple5000
05-08-2006, 09:50 AM
bago ang lahat minasan genki???? tatanong ko sana sa inyo nakaranas na ba kayo na tumulong sa kapwa nating pinoy dito sa japan.o kahit hindi dito sa japan tumulong kayo sa kapwa pinoy matapos mong gawin ang lahat na alam mong ikatutuwa niya eh.sa bandang huli galit pa sa iyo,sa halip na pasalamatan ka sisigawan ka pa at sisisihin.may naenkwentro na ba kayong ganito pangyayari?"paano ninyo ito tinatanggap sa dibdib ninyo?alam kong mas lamang ang sagot na ipasa diyos na lang ito.bukod dito sa salitang ito.may iba pa ba kayong alam na pagtanggap para mawala ang galit sa dibdib ninyo.para maiwasan ang away.at sama ng loob sa taong tinulungan mo.:(
marami nyan masanay ka na :D
Autumn
05-08-2006, 10:27 AM
Sa pakikipag kaibigan..kasama na lahat.sad & happy moments.helping each others..nandyan din yun magkakasakitan nang kalooban ang isat isa..at sa pakikipag kaibigan..huwag magpapautang ng loob.ibigay na lang..kaya tayo nasasaktan pag tayo pa sinisi nila kahit na nakatulong tayo.kasi hinahanap din nating yun pagtanaw ng utang na loob.
dapat handa tayo sa mga yan,kung hindi naman..dapat may limitations tayo sa pagtulong or pakikipag kaibigan.at i charge mo na lang sa experienced mo yan nagyari and learn the lesson.anyways napatunayan mo naman na isa kang mabuting kaibigan,kahit na hindi nakita or ayaw lang tignan ng kung sinong natulungan mo.ganoon talaga ang kalakaran sa mundo..at mas malaki naman ang mababalik sa iyo at malaking kawalan para sa kanya..
tanggapin ng maluwag sa loob ...na lahat tayo ay tao..may pagkakamali..walang perpekto...;)
honey
05-08-2006, 09:02 PM
kapag ako tumulong hindi na ako naghihintay pa ng kapalit kahit kapalit na galing sa dios di rin ako naghihintay.Masaya ako nakatulong ako ingatan na lang ng tinulungan ko at iba naman ang tutulungan ko hindi yun balik ulit sa akin para manghingi ng tulong aya ko lang ng ganun.Marami talagang taong walang utang na loob o traidor yang mga ganyan hindi ko pinapansin at pinapatulan basta ako wala akong nagawang masama tumutulong lang .Hindi rin ako nakikipag away pa sa kanila deadma hindi kasi papatol sa walang isip kasi baka matulad lang ako sa kanila:) .
Tonyang
05-09-2006, 05:54 AM
marami nyan masanay ka na :D
Di ba nga dito sa Japan o kahit saang community, basta may Pinoy, ang warning ng marami, "mag-ingat ka sa pakikisama sa kanila". Maraming walang utang na loob. Maraming manggagamit at inggitera. Naaay! Kawawa naman tayo. Marami nang mahihirap... dumadami pa ang kinukulang din ng magagandang asal. Parehong poverty iyun. Kawawa ang generation natin talaga. Kaya minsan nang nangyari, ingat na tayo sa susunod pero huwag naman tayong mag-giveup sa pagtulong.
wolfgang
05-09-2006, 09:22 AM
Minsan talaga may ganyang mga pangyayari na kahit tumulong ka ikaw pa ang lalabas na masama.. :( depende kasi yan sa tao na tinulungan mo at sa sitwasyon ng pagtulong ..minsan akala ng iba tama yung pagtulong nila yun pala yung taong tinulungan nila ay ayaw ng tulong kaya lumalabas na paki alamera yung tumulong..Nangyari na rin sa akin yang ganyan kaya I've learned my lesson na di ako basta-basta tutulong unless humingi talaga sa akin ng tulong..dahil ayokong bandang huli ako pa ang mapahamak dahil sa pagtulong ko....Yun lang naman ang masasabi ko....at wag mong masyadong dibdib yung mga taong ganyan...deadmahin mo lang ...sa totoo lang di mo sila kailangan ng mga ganyan ......;)
darlynnn
05-09-2006, 11:59 AM
Hello sa iyo Amazona.
Hajimemashite sa inyong lahat mga TF memebers....
Ang ganda nang topic ni Amazona naala ko tuloy ang mga karanasan ko huhuhu....Oo nga tama na may limitasyon ang pag-tulong sa ating kapwa/kaibigan o kahit sino.....Kasi pag-sobra na ang itinulong mo at biglang dumating ang panahon na ikaw pa ang kinagalit at sinisisi sa lahat ,haaaaayyynaku napakasakit talaga at hindi basta-bastang makalimutan sakit talaga sa dibdib. Kaya pag-tumulong tayo huwag natin silang hayaang lumaki ang ulo o i spoiled. Kasi tayo rin ang masasaktan sa bandang huli...
Katulad nang naging kapitbahay nang mama ko sa Pinas si Pinay nagtatrabaho dito sa Japan at nakatulong siya nang kanyang pamilya at nakahaun sa hirap.....May 2 siyang kapatid na lalaki nag-aasawa at siya ang tumulong sa gastusin sa kasal, pgkatapos lumaki ang ulo nang mga kapatid niya humingi naman nang bahay at lupa eh binigyan naman niya....Alam naman natin na ganito talaga tayo tumulong dugo at pawis bsta magiging masaya sila. Dumating ang mga panahon na ang mga kapatid ni pinay palaging humingi nang pera at tulong at nagkataon wla siyang maibiigay.....Eh ang nangyari inaway si pinay nang kanyang mga kapatid at yong bahay at lupa niyang binigay eh binenta na lang...At saka yong 1 bro niya nsa kulungan na ngayon kasi sumama sa mga bintahan nang drugs at ang sisnisisi sa lahat ay si Pinay......
Grabeh no...eh anong masasabi nyo po sa kwento ko ??? share naman diyan mg TF
PILIPINAS
05-09-2006, 12:10 PM
marami nyan masanay ka na :D
apple-san, napatawa mo na naman ako..:D :D :D
ang sa akin lang, mamimili ng pakikisamahan. huwag mag-expect. naniniwala din ako sa karma. basta malinis ang konsensya ng isang tao malayo ito sa karma. hindi ka man makaganti ng direcho, may gagawa n'yan para sa iyo. :cool:
Autumn
05-09-2006, 12:15 PM
Tama po yun..may karma sa lahat.kaya..pag maganda tinanim maganda din ang aanihin..
tsaka@ darlynn....masama po talaga ang lahat ng sobra..;)
marami na talaga ang ganyan ngayon kung sino pa ang tumulong siya pa ang masama.haaay ano ba yan,taos puso nating tinulungan pagkatapos ng lahat tayo pa ang gawing masama.nangyari na din sa akin ang ganyan,nakakasama ng loob kasi kumbaga taos puso mo silang tinulungan para sa kabutihan nila tapos tayo pa ngayon ang masama ang ugali,hay buhay nga naman.sabagay mas maganda na rin yong ikaw ang tumulong kesa ikaw ang tutulungan ingat nalang tayo sa susunod nating tutulungan.God knows naman eh,basta tayo maganda layunin natin sa pagtulong diba?
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.