View Full Version : miles away
summergirl
05-09-2006, 12:11 PM
nakasaktan ako pag umaalis ang anak ko after ng vacation nya rito sa japan dahil sa philippines sya ang aaral,kakahatid ko pa lang sa kanya sa airport pag -uwi ko at nakita ko ang kwarto namin ,naluha ako agad at naalala ang anak ko,syempre iba dito sa japan,hindi ganon ka delikado hindi kagaya sa pilipinas na malingon ka lang ng konti may pahamak na.ay naku,malaki na ang anak ko 19 pero hindi pa rin ako masanay na hindi mag alala ones na uuwi sya sa pilipinas although sa magandang school sya nag aaral,andiyan pa rin ang worries ko sa buhay.I make myself busy na nga lang para wag akong palaisip.Loka ako...kung pwede ko lang silang itali ulit sa laylayan ng palda ko
Autumn
05-09-2006, 12:23 PM
oo nga kung pwede lang itali sa palda noh:D kaso hindi natin pwede gawin yun kasi may sarili silang buhay..at lahat ng magulang kahit matatanda na anak..nag aalala pa rin katulad ng mga magulang natin..
pray ka lang lagi para sa safety ng anak mo..at sa palagay ko wala naman din syang bad influence na friends..at kailangan din ng guidance mo para di din sya mapahamak..;) huwag masyadong mag isip..mabuti nga ngayon may cp at pc .pwede ka tumawag anytime na ma miss mo sya..cheer up:)
PILIPINAS
05-09-2006, 12:23 PM
nakasaktan ako pag umaalis ang anak ko after ng vacation nya rito sa japan dahil sa philippines sya ang aaral,kakahatid ko pa lang sa kanya sa airport pag -uwi ko at nakita ko ang kwarto namin ......
siguro kasama na sa buhay natin ang lungkot. hindi na mawawala 'yan. ako, ilang taon na dito sa Japan, nalulungkot pa rin. parati kong naaalala ang family ko sa pinas. kanina i received a phone call from my sister sa manila. may cousin akong kamamatay lang last thursday, atake sa puso. the last time I saw him, years ago, he was very fine, bragging about his newly bought house and lot. Na-shock ang lahat sa nangyari kaya hindi na nila akong naisipan tawagan kaagad. Ako naman, over the phone, speechless. Nakakalungkot isipin na ang dami nang nagyayari and i'm not part of those anymore.
haay...summergirl, just try to get busy, and get tired para matutulog ka na lang at hindi na mag-iisip pa. or basahin mo ang mga threads dito sa TF hanggang mapagod ang mata mo.:p
summergirl
05-09-2006, 01:25 PM
thanks sa sagot nyo at least hindi lang pala ako ang nalulungkot ng ganito,i 'll keep myself busy na lang para hindi ako mag alala palagi at condolence
PILIPINAS
05-09-2006, 01:37 PM
thanks sa sagot nyo at least hindi lang pala ako ang nalulungkot ng ganito,i 'll keep myself busy na lang para hindi ako mag alala palagi at condolence
medyo napupurol ang utak ko. what is the appropriate answer for "condolence"?..."thank you" nga ba? nakalimutan ko na...:confused:
pooh_chan
05-09-2006, 02:05 PM
medyo napupurol ang utak ko. what is the appropriate answer for "condolence"?..."thank you" nga ba? nakalimutan ko na...:confused:
Hi po PILIPINAS san, " CONDOLENCE " means nakikiramay po sya sa inyo sa pagkamatay nung cousin nyo po....:) , ako rin po makikiramay na rin po although late na po sya....Wag po kayong mag alala kasi marami po tayong malungkot na naninirahan sa malayong lugar na malayo sa mga kamag-anak natin.:)
@ SUMMERGIRL san, Just be strong lng po & have faith in GOD kasi hindi nya po tayo pababayan sa kahit na anong mangyari sa buhay natin, he is alaways there to support & guide us always....:) gambatte ne.....
aprilluck
05-09-2006, 04:21 PM
Ako naman "tamang miss ko mommy ko ",may idad na rin siya,72 years old na pero healthy pa rin .Malapit na rin ang Mother's day ,ma-mi-miss ko na naman ang special event ng family namin ,kasi pag mother'day ,magpupunta sila ( my siblings and their families) sa mother ko ,then mayroong program parati ,may gift giving ,paiiyakin si mother ,magku-kuwentuhan ng mga walang kupas na ala-ala ng kahapon , ang bansag namin sa stories ay,"those were the days"(instant replay ,as been heard for about more than a hundred times) sabi nga ng pamangkin ko ,"what if we make a cd and record all the old stories and play it everytime we have a get together? I could be a narrator then," nakabisado na n'ya rin ,pati iba-ibang version , ang gulo kasi namin and depende din sa nag sasalaysay iyung story , minsan iyakan blues ,minsan naman walang katapusang tawanan , kung minsan naman kalahati na lang iyung istorya,nakatulog na kasi iyung narrator.
Hay lalo yata akong malulungkot nito pag inisip ko kung paano ang celebration nila doon .E-mail ko nga s'ya ,kaso naman di naman s'ya sanay magbukas ng pc ,tatawagan pa sa phone iyung brother ko na malapit ang bahay para lang pabuksan ang pc . panis na iyung e-mail ko sa kanya di pa n'ya nababasa, kung minsan naman nasabi ko na sa phone iyung nasa e-mail.
Ah basta miss ko ang mommy ko .:O
sensei
05-09-2006, 04:41 PM
namiss ko tuloy si mama :cry: :cry: :cry:
nakawala na ako sa palda nia :lol: pero pag may sakit ako "mamaaaa" lagi kong bukambibig......haay pinalungkot nio ako ha :weep:
naalala ko tuloy nung magpaalam ako "ma gusto ko ng mag asawa".....
sagot nia "anak me problema ka ba? i-open mo naman sakin pra gumaan pakiramdam mo" iyakan ba naman ako :crash: :crash: :crash:
waah:cry: :cry: :cry: gusto ko lang lumagay sa tahimik na buhay
summergirl
05-09-2006, 06:40 PM
thanks sa reply mga kabayan,naku emote lang ako ng emote buti na lang at my timog,20 yrs na ako dito sa japan pero hindi na nasanay ako,baka talagang ma drama lang ako sa buhay,pinalaki ko kasing mga sweet & loving rin ang anak ko kaya ayun nami miss ko sya pero di bale andiyan naman kayo para cheer me up.Thanks sa lahat:p
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.