PDA

View Full Version : Paano kung nawala na ang pagmamahal mo sa iyong hubby?

apple5000
05-09-2006, 09:23 PM
..nawala ang pagmamahal mo sa asawa mo? dahil wala kayong communication at dahil di mo maramdaman na asawa ka kundi tagalinis at tagalaba ng pamilya? everytime na uuwi sya eh ang unang tanong eh kung naglinis at naglaba ka ba? at tuwing magtatanong ka eh palaging pasigaw sumagot? di naman nambababae si mister at nagtratrabaho naman at full support naman sa mga bata? pero dumating ka sa point na wala ka ng maramdaman? at nag-iisip ka ng hiwalay? uubra ba ang seikatsu hogo? pwede bang tumira sa yo ang mga bata at dalaw dalawin na lang nya?

chubby_kulot
05-09-2006, 09:45 PM
hello apple 5000 ....

di ko po alam un seikatsu hogo...kaya di ko po masasagot ang tanong nyo about dun...pero sa tingin ko po..kung about po un sa paghihiwalay ng mag asawa di po ako sang ayon sa ganon..tulad po ng nasabi nyo..full support sa mga bata at di nambababae si mister..maybe po..stress lang sya sa work nya..at pwede nyo naman sigurong makuha sa pag uusap ang mga bagay bagay na tulad ng pag nagtatanong ka eh nakasigaw sya...sabihin nyo po sa kanya un nararamdaman nyo..kaya po mahalaga talaga ang communication sa isang relasyon...di po dapat ito nawawala kahit na anong busy pa o gulo ng buhay...

sa akin po kasi..si hubby ko...pag may sakit na nararamdaman po sya o di po kaya eh pagod...di na po ako umiimik muna...although sa pag uwi pa lang nya eh isang masayang ngiti ang sabay sabi ng "okaerinasai" para kung wala sya sa mood or pagod eh kahit paano mawala un sa pagbati ko...pero tulad ng sabi ko..pag may sakit si hubby ko o pagod medyo maigsi ang pasensya nya..kaya si ako naman..di na muna kikibo..then pag oras ng biruan..saka ko sya sasabihan na.."sweet alagaan mo sarili mo tulad ng pag aalaga ko sau..wag kang magkakasakit..kung pagod ka sa work o stress at may problema khit wala akong alam pwede mong sabihin sa akin dahil makikinig naman ako..." sagot naman nya bakit ganon ang salita ko..bigla kong sasabihin ng may ngiti sa labi na "datte anata byoki aru toki nara itsumo okotteru bakari...anata ira ira bakari...watashi wa saberenai toka saberu toka anata okotteru..watashi wa dosureba ii no???? bigla na lang nya akong yayakapin at mag gogomen..sabay ng iloveyou....ako naman kahit di ko isip na maiyak eh mapapaiyak ako..kasi nakapagsabi ako ng hinanakit ko sa kanya at nagkaayos kami... :sweeties:

kaya po sa inyo apple chan..wag nyo pong hayaan na masira ang pamilya nyo...kawawa ang mga bata...sila ang mas apektado sa ganoong sitwasyon na tulad ng nais nyo...ito po ay payo ko lang po...naway maintindihan nyo po sana... :kiss:

apple5000
05-09-2006, 09:56 PM
salamat sa yo chubby...pero di kasi uso sa kanya ang yakap at salitang i love you..typical na japon sya na kelangan eh nasa likod ka lang lagi...at isa pa nagpakasala kami dahil nabuntis ako..walang plano biglaan lang....against lahat ng partido nya sa akin...hirap pala pag ganoon, gustuhin ko man ibalik ang nakaraan di na pwede, i want to be happy, masaya pa nga ako pag wala sya sa bahay...kaya nga ako na-hook sa computer para may makausap :( malas ko talaga

japphi
05-09-2006, 10:38 PM

Hi apple5000...welcome sa TF....at tungkol sa natatanong mo......alam mo nangyari na rin sa akin yang sinabi mo na nasisigawan ka, etc.Noon....14 years ago.....loving loving pa rin kami na bawat makakita sa amin ay sinasabi na "Ii Fuufu"daw.....

Pero alam mo....lumilipas ang panahon..nagbabago ang panahon....tumatanda tayo.....sa mga Hapon o kahit na siguro sa ibang bansa rin..na bilang de-pamilyang tao na maraming responsibilidad dumarating sa kanila yung nagkaka-stress.....pag-iisip sa trabaho at sa pamilya.

Ganyan ang nangyari sa amin nang asawa ko....typical na hapon din sya....na naging daan para yung dating loving loving namin ay nawawala unti unti....pero hindi ko sinasabing nawawala ang pagmamahal ko sa asawa ko.....dahil talaga namang responsable sya bilang ama at asawa...hindi sya nagkukulang sa amin.Yun nga lang dahil sa busy sa trabaho at stress sa trabaho....wala syang mapag-tuunan siguro sa stress.....pag-uwi ay ganoon ang nangyayari.Andyan na yung sumagot sa tanong ko na may pasigaw,malayo sa tanong ko yung sagot....kung minsan ay andyan yung nasusumbatan ako nang kung anu-ano.....na talaga namang iniiyak ko kung minsan(noon).

Pero....pinili ko ang asawa ko at mahal ko rin naman....kahit na ano pa ang sabihin nya...pasok dito labas doon ang nangyayari.....tuloy ay napansin siguro na hindi ko naman inaaway....kung minsan ay sya na ang mismong nagsasabi na "Gomen ne..."....sasagutin ko naman na....Okey lang dahil asawa naman ako na kailangan ko rin syang intindihin.

Saka para sa akin....may stress din ang mga asawa natin kung minsan sa pagkakaroon nila nang asawang gaijin....ewan ko kung maiintindihan mo ang panig ko.May mga bagay kasi na hindi natin nagagawa kung ikukumpara sa kung Haponesa ang napangasawa nila...tulad halimbawa sa mga dapat gawin na hindi natin maintindihan dahil nga hindi tayo marunong magbasa nang Kanji o hindi marunong masyado salita nila.Sa parteng yon ay may stress din sila.

Ngayon sa parte mo na sabi mo..againts sa'yo ang mga partidos nya...isa na rin siguradong stress sa kanya yon....na hindi tulad kung okey ang samahan sana ninyo nang paryidos nya....kaya sa parteng yon....bigyan mo rin naman nang konsiderasyon dapat.Ewan ko baka talagang magkaiba lang ang sitwasyon natin kaya ko nasasabi ang ganito....pero bilang misis na asawa rin ay hapon palagay ko pare-pareho tayo sa pagbibigay nang konsiderasyon sa mga asawa natin.Na tayo lang na mga misis nila ang nakaka-intindi sa sitwasyon nila at pwedeng magpabalik sa dating relasyon bilang mag-asawa.

Na-realized ko na kung maiintindihan natin sila,medyo mawawala ang pressures na nararamdaman nila.....dahil iba ang asawa o pamilya kesa sa ibang tao para intindihin sila.Kaming mag-asawa ngayon ay bumalik sa dati....hindi nga lang loving loving pero may communication at nagkakaintindihan na di tulad noon.Kaya isang payo lang....isipin din natin ang sitwasyon nila.....at isipin maige ang tungkol sa hiwalayan blues dahil may anak kayo.....hindi rin masasabing liligaya ka kung naghiwalay kayo kung sakali....baka lalu lang dumami ang problema.Sana ay makahanap ka ang magandang solusyon para dito....goodluck.

aprilluck
05-09-2006, 11:38 PM

@ Japphi ,Iyan ang advise!! korek !
oo nga di ganoon kadali !
Hindi ganoon talaga kadali ang maghiwalay lalo na pag may anak .Tama rin na kailangang intindihin di natin sila ,stress sa trabaho,stress sa mga bayarin kung anu-ano ,may moods din sila ng ayaw ng kausap ,tulad din natin ,di rin siguro lagi tayong mabait sa asawa natin ,sabi nga
"there must be two in a Tango" .Ang sulusyon diyan ay kausapin siya sa mahinahong paraan ,sabihin agad na di mo gustong makipag-away kundi pakipag-usap ng maayos tungkol sa mga bagay na di n'yo pinagkakasunduan ,Huwag padalos-dalos .

@apple 5000
Tungkol sa "seikatsu hogo" Di naman lahat ng pangangailangan mo ay sasagutin ng gobyerno ,kung baga tulong lang ng konti ang mukukuha mo kung maaprubahan man, kung dati nasa bahay lang at di nagtatrabaho ,di puwede iyan pag nakipaghiwalay ka sa asawa mo ,magtatrabaho ka ng full time para makaraos kayo sa pangkaraniwang ninyong buhay.
Hindi ang solusyon sa problema mo ay pakikipag hiwalay ,mas malaking problema pag nakipaghiwalay ka,Ang solusyon ay nasa iyong pang-unawa sa asawa mo,at nasa pag-uusap nyo kung paano maayos ang problema n'yo . Good Luck.

Autumn
05-10-2006, 12:16 AM
Ang binibigyan lang ng seikatsu hogo eh yun mga walang kayang magbigay ng sustento mga asawa nila..
maraming problema kang kakaharapin kung divorce ang gusto mo.alam ko na mahirap na maibalik sa dati yun pagmamahal pag nawala na.pero think twice kung saan ka mapapabuti..;) huwag padalos dalos..just a piece of advice.may mga anak kayong mag su suffer,,good luck

makulit
05-10-2006, 05:31 AM
Hi apple5000.

Lahat ng mag-asawa dumadaan sa ganyan stage.

There are times when I tell my husband that I just wanted to have a quiet day, lets not talk, and have a peaceful day. I think because of the stress at work, plus other outside factor, wala talagang patience. You cant even have a decent conversation that will not lead to a huge fight.

And the thing that I notice about myself is I remember all the mean words na sinabi sa akin. Ganon din kaya ang ibang babae? Pero hindi ko natatandaan yung mga mean words na lumalabas sa bibig ko :eek:

Two years ago, I started writing my journal. Wala kasing mapaghingahan ng sama ng loob, sige, sulat na lang ng sulat. Kapag nasa good mood ako, babasahin ko ang journal ko. Marami palang good days. Konti lang ang bad days! Ang away namin are all because of petty stuffs, kadalasan sabihin ko sa sarili ko am so stupid, liit liit na bagay pinapatulan.

Yung pasigaw na sagot nya ang common na simula ng away namin. Ayoko kasi non talaga. Napaka disrespectful kasi. Yung mother ng husband ko told me na pagpasensyahan ko daw ang anak nya dahil may ugali nga na maigsi ang pasensya. Sabi ko sa asawa ko, at lagi kong sinasabi kapag naguusap kami, na nung sinabihan ako ng nanay mo na magpasensya sa yo, nakalimutan nyang sabihin na I have to be a saint.

There are times din na I ask myself kung life is going to be like this forever. I ask the same thing to my husband pag naguusap kami. We both love each other. We love being married. But I think we also love annoying each other. I do things that he doesnt like knowingly and vise versa. It came to a point din na I dont want any of this. Why stay married? I asked my husband for divorve two years ago, sabi nya sa akin. Gusto mo ng divorce, ikaw ang kumuha. And he cant even understand why am actually asking for it. Wala naman daw syang ginagawang masama. Am glad that he didnt agreed. It would have been the greatest mistake of my life kung nagkataon. And I would be the dumbest wife on earth to let go of a husband like him.

My point is, getting a divorce will not guarantee a peaceful life ahead. Minsan dala ng emotion natin, nakakaisip tayo. At naiisip ko rin na dahil nga sa alam ko na pwede naman mag divorce dito, hindi ko na kailangan na bigyan ng mas malalim na importansya ang kasal. Ayaw ko nang magisip na hanapan ng solusyon ang problema kung meron talaga. Tama na, sawa na ako ... yon sumusuko na agad.

Dala na rin siguro minsan ng kabagutan (minsan super duper boring talaga!) sa buhay dito sa Japan, lalo na yung plain housewife na katulad ko, wala nang ibang maisip, o lagi na lang nagiisip. O baka isip bata naman :D Seriously, Pag wala kang ginagawa at ang subject na umiikot sa utak mo ay divorce, naku! malamang ma-divorce ka nga ng hindi mo naman talaga gusto.

Nag-aaway pa rin kami, kasama na talaga yata yan. Hindi normal ang buhay kapag wala non ;) Hindi na brought up ang divorce since then. Am busy taking care of my daughter, my home, my husband and lots of stuffs. Most of all, I've decided that, I entered this marriage, am going to keep it for life no matter what. Its one thing that my husband and I both agree on. Kapag dumating sa point na sobrang inis na ako, nagbabaksyon ako sa atin sa Pilipinas. Or I buy things to amuse myself. Pero I really feel bad afterwards kasi I dont like spending money :(

So apple5000, my suggestion is, pahinga ka muna. Baka kailangan mong magbakasyon. Mag-usap kayo ng asawa mo. Magpaliwanagan kayo. Sabihin mo ang ayaw mo. Naniniwala ako na aayos ang pagsasama ninyo.

Galadriel
05-10-2006, 09:23 AM
Hello apple5000-san. Mahirap magbigay ng comment tungkol sa iniisip mong makipaghiwalay. Mas maganda rin kasing malinawan yung side ng asawa mo. Pero gaya ng sabi nila, maganda talagang bigyan mo ng mga kunsiderasyon ang mga bagay.

Nabanggit mo wala kayong communication at parang hindi asawa ang trato nya sa'yo...iwasan mo muna sigurong mag-isip ng negative, hanggat hindi nyo nauupuan dalawa yung problema ninyo. Maging open ka din sana sa kakulangan mo kung meron man. Magandang din kasing tignan yung rason sa bawat problema at hindi yung problema lang lagi ang focus.

Walang perpektong asawa at walang perpektong pamilya. Nasa pagsisikap at communication ninyong mag-asawa ang ikagaganda ng pamilya nyo. Huwag mong isara ang isip mo dahil typical na hapon yung napangasawa mo. Hindi naman siguro nangangahulugan lagi yun na sarado ang isip nya at wala na talagang pag-asang maiayos yung pagsasama ninyo. Hindi man malinaw sa kwento mo kung may love na sa simula pa lang ang relasyon ninyo, pero sana kung magkaganun man, subukan mong pakipag-usap pa rin ng masinsinan. Mas mahalaga ngayon na masolusyunan na maibalik yung respeto sa inyong dalawa. Minsan kailangan unang ma-establish ang respect, saka pa lang lilitaw, madadagdagan o babalik yung love sa isang relasyon.

Goodluck sana mapunta sa maayos ang sitwasyon mo :) .

myukasky
05-10-2006, 10:39 AM
Alam mo apple san tama lahat ng sinabi nila, ang pakikipag divorce ay di sagot sa problema mo. Bagkus madagdagan pa ang problema mo. Last year lang naisip ko din yang makipag hiwalay. Ang dahilan parang ganyan din sa iyo at sa iba pang nakapag bigay na ng opinion. Pero noong naiisip ko yang makipag hiwalay, sa bandang huli iisipin ko yung mga disadvantages at advantages. Disadvantages ang mas marami at lalo na kapag nakikita ko yung dalawa naming anak naiiyak ako. Sabi ko kanino kaya sila mapupunta? Sa poder ko parang impossible kasi wala akong stable job. At yung husband ko di naman sya naging masamang asawa at ama so parang wala akong laban para mapasaakin sila. Siguro stress din yung sa akin kasi housewife lang ako at boring sa bahay. Si hubby laging busy sa work, minsan may itanong ako laging nakasigaw parang ang kausap ay nasa kabilang barrio. So maiinis ako at sasabihin ko sa kanya mou ii.:rolleyes: Ganyan kami lagi, pero sa anak namin normal lang buhay namin. Pero never kaming nag-away sa harap ng anak namin. Sabi ko rin sa sarili ko papel ko lang yata eh taga. Taga linis, laba, luto at magkaimono. Nakakapagod na rin minsan tapos di mo pa sya makausap ng maayos.

Nag sudan ako sa sister in laws ko, sabi nya "jibun no koto dake kangaettara dameyo". May point sya doon kasi sarili ko lang siguro iniisip ko. Sudan din ako sa friend ko, sabi nya kaya ko daw kasi may seikatsu hogo daw at bata pa ako at dami pang pagkakataon. Medyo di ako nasiyahan sa advice nya mula noon di na ako nagsusudan sa kanya. Everyday ako nag-iisip about divorce at nakapagdecide ako kaya email ko si hubby. Sinabi ko yung nararamdaman ko at kung ano decision nya ok lang sa akin. Tapos pag-uwi nya parang iba sya, so di na ako nagtanong about sa email ko sa kanya. Alam mo ba after ko mag email sa kanya nagbago si hubby. Minsan parang gusto ko untog ulo ko sa pader para magising kung husband ko nga sya. Lagi na kami usap at madalas na kami lumabas para maipasyal yung dalawang anak namin. Kapag naiisip ko yang divorce natatawa ako sa sarili ko. Naisip ko kung tinuloy ko siguro yan asan na kaya ako ngayon? Hindi kami ng mga anak ko kasi 100% percent sa hubby ko sila. Sabi ko din kasi sa sarili ko noon kung wala din lang ako mapupuntahang magandang lugar or work di ko sila isasama. Doon na lang sila sa papa nila at sigurado pa future nila.

Alam mo ngayon happy na kami sa simpleng buhay namin at kahit sa house lang ako sa ngayon tanggap ko na. Thanks kay lord kasi di nya ako pinabayaan noong magulo isip ko. Sa ngayon nililibang ko ang sarili ko sa mga anak ko. Kaya ikaw mag-isip mabuti kasi future ng anak mo nakasasalay sa divorce na gagawin mo. Ako kasi noon iyan lagi ko iniisip paano dalawa naming anak? Syempre alam natin na maganda yung family talaga na may tatay at nanay di ba? So yan inisip ko, di bale na yung pangsarili kong kaligayahan. Goodluck sayo at sana maayos mo yan at huwag pabigla bigla.;) :D Sensya na napahaba!

pointblank
05-10-2006, 08:43 PM
Hello apple5000,

Makinig ka sa payo ng mga sempai mong dumaan na sa linalakaran mo ngayon... tama sila.

(To makulit, japphi, chubby kulot, myukasky at ibang pang nag-share ng advice: BOW ako sa inyo. Bow ako sa pasensya ninyo, at lalo na sa wisdom na pinakita ninyo sa pagharap sa mga problema ninyo sa buhay kasal. Sana ay mas marami pa ang mga Pinay na ganun ang pananaw sa buhay...)

Minsan kasi, pag masyadong nagiging kuntento at mapayapa ang buhay ng isang tao, naghahanap siya ng mas mataas pa na level o satisfaction o kaya'y nag-i-imagine ng mga problema. Marami diyan ang kumukulo ang tiyan sa gutom, o kaya'y binubugbog ng asawa, o kaya'y nambababae ang asawa. Kung mabuti siyang ama at "majime" na asawa, siguro naman ay pwede nating tiisin ang sarili nating mga ninanais sa buhay.

As you can see from the examples of the Pinays who have given you advice, iba-iba ang "kiliti" ng mga husbands para makuha mo ang pansin nila upang kausapin ka. Bilang asawa, ikaw ang nakakaalam kung papaano harapin ang husband mo - maghanap ka ng magandang chance na kausapin siya (di naman siguro siya 24 hours na masama ang mood) at ikunsulta mo sa kanya na gusto mong mas mag-usap kayo. Alam ko na mahirap ang pakiramdamam mo ngayon, but at the end of every storm is a sunshine.

apple5000
05-10-2006, 08:55 PM
maraming salamat sa inyong lahat....inisa isa kong basahin at mukhang iisa ang sinasabi nyo, sa ngayon hindi ko alam, mahirap maintindihan pero i'll just go with the flow, di na maibabalik ang nakaraan, magkakaiba nga tayo ng kwento sa buhay, pero salamat sa inyong lahat, i feel home dito sa forum na ito :)

chubby_kulot
05-10-2006, 10:24 PM
apple5000...

know the meaning of japan....?

J-just
A-always
P-pray
A-at
N-night

yan po ang mas makakatulong sa`yong problema...

sabi nga po...

"walang matimtimang Birhen sa taimtim na manalangin..."

don`t worry po..kahit na kasabay kitang manalangin..am sure na maririnig Niya parin ang mga dasal at hinaing mo...gambatte po...at Advance happy mother`s day.... :sweeties:

angelica
05-11-2006, 12:34 PM
sali po ako:) medyo iba ang situation ko ata kasi ang asawa ko ay pilipino....nagkakil ala kami dito s japan nung teenager p kami pareho(kinuha rin sya ng mama nya from the pinas),nde naman totoo siguro n ang mga asawang hapon lng ang sumetai,syempre kahit sino dumarating s point n napapagod s trabaho or s pakikitungo s mga kasamahan nila s trabaho or kahit tayong mga housewife ay nakakaramdam din ng stress minsan,,may time n mainit ang ulo nyan nde n lng ako kumikibo,,kasi pg tapos nun ok nanaman kami,s totoo lang madaling makipaghiwalay s asawa kung gugustuhin natin,ang pera madali rin kitain dito kumpara s kung nandoon ka s pinas,kaya rin siguro natin makahingi ng kauting tulong mula s gobyerno ng japan ngunit ang father image,ang pagmamahal n ang tatay lang ang puedeng magbigay bukod s kaya nating ibigay,mahirap punuan ito,,,lumaki rin ako s isang broken family,only child ako kaya ang drama ko noon ay wala akong karamay s mundo,mag-isa b.kaya pag dumarating s kin ang time n pinanghihinaan ako ng loob pilit kong inaalala yung mga time n pinangako ko s sarili ko n iibahin ko ang buhay ng magiging anak ko.

myukasky
05-11-2006, 12:54 PM

Alam mo tama yang ginawa mo pabayaan mo hubby mo kapag medyo di maganda mode kasi. Siguro gusto lang niya ng space para mag-isip. Ako naman di broken family pero wala na ako kinamulatang ama. 4 years old kasi ako nang mamatay sya. Lagi ko tanong sa sarili ko bakit aga nya namatay? Naiinggit kasi ako sa mga batang may tatay, lalo na yung sa school kwento yung mga classmate ko about sa father nila di ako makarelate. Kaya kapag naiisip ko yang divorce divorce naaalala ko yung bata pa ako. Ayaw ko maranasan ng dalawang anak ko ang walang kagisnang ama. Tama na siguro yung ako na lang nakaranas noon, hirap nga pero naging aral yun sa akin. Kaya sis tama yan and goodluck:D

japphi
05-11-2006, 02:56 PM
maraming salamat sa inyong lahat....inisa isa kong basahin at mukhang iisa ang sinasabi nyo, sa ngayon hindi ko alam, mahirap maintindihan pero i'll just go with the flow, di na maibabalik ang nakaraan, magkakaiba nga tayo ng kwento sa buhay, pero salamat sa inyong lahat, i feel home dito sa forum na ito :)

hi...pasingit ulit ha.....sa mga nagbigay nang payo sa'yo....halos iisa ang sinasabi...pero huwag mong iisipin na porke magkakaiba tayo nang sitwasyon o istorya sa buhay ay hindi namin nararamdaman ang nararamdaman mo.....ganyan din kami...noon.

Kaya namin nasasabi ang ganito sa'yo na alam namin na mahirap pa sa'yo na isa-alang-alang o i-consider na tama ay dahil narating na namin ang katayuan mo ngayon......experien ce nang bawat isa sigurado ang sinasabi sa'yo dito at hindi haka-haka lang.

Alam mo...maganda rin yung nabanggit ni myukasky na mag-email sa hubby nya:thumb:.....or txt...medyo kukumustahin...then unti unti ay sabihin mo yung nasa loob mo.Habang binabasa nya yon....sigurado makakapag-isip yon nang tungkol sa inyong dalawa....una ay sigurado hindi papansinin....pero kung lagi ay padalhan mo sya nang email o txt...may mararamdaman yon.

Ako.....ganoon din ang ginawa ko noon....hindi nya sinasagot yung mga txt ko....pero alam ko binabasa nya.Pag tinanong ko kung binasa ba nya....sagot sa akin..."sonna jikan nai no!"pero sige pa rin ako....pero nung ok na kami ulit....nakatulong daw yon.

Saka ako....dahil kung minsan ay may pagka-sentimental.....pag nag-away kami nang asawa ko....hinahalungkat ko yung mga love letters namin he he he he.....isa isa kong babasahin...andyan na yung naluluha,natatawa sa mga naisulat namin......alam mo....kahit na basahin lang ang mga yon ay mawawala ang galit o hinanakit mo...kasi maaalala mo yung nakaraan ninyo....yung pagliligawan ninyo he he he.....:grinny:

Ang maganda pa no'n kung may mga voice tapes kayo....kami dahil lumang lovers kami....hindi pa uso ang email o txt at mahal pa ang kokusai denwa....voice tapes kami...andito pa rin yon.....ha ha ha ha....pinakikinggan ko yon....naku....nami-miss ko ang asawa ko habang naririnig ko ang boses nya:mushy:.....na minsan ay dinatnan ako na pinakikinggan ko yung isa....natawa sya...."baka mitai"daw ako:sssh:....pero nakatulong yon sa akin para maalis ang galit o hinanakit ko sa kanya na napapalitan nang "I miss You Lolo":sweeties:.....ha ha ha ha ha....Yun ang gamot sa mga galit ko......how about that....syempre iba rin ang taste ninyo..pero ako yun ang panangga ko sa mga down moments ko.

luccia
05-11-2006, 05:02 PM
hi sis apple,

boshikatte ,
jido teate,
Sonota no teate or Seikatsu-Hogo ,
Katei Hoiku-shitsu
lahat yan ay under ng Kosodate Shien Ka means Parenting Support Section.
bago ka makapasok sa ganyan ay dadaan ka muna sa
Consulting Parenting Support Section. san bang place ito sa city hall
mo lang yan makikita. you can go there and ask them kung uubra ba sa
kanila ang situation mo ngayon. o kung pwede kaba nilang tulungan.
you know sis apple dito sa forum pwede mong utay utayin ang main reason
ng problemang kinahaharap mo o kung problema nga bang matatawag yan.
pero sa Consulting Parenting Support Section utay utayin mo man ang
bawat salitang bibitiwan mo sa mga tanong nila sayo. alam na nila
kung nag-sasabi ka ng totoo o hindi o kung may inililihim ka pang iba
tungkol sa sitwasyon yung mag-asawa.

so ask your self how far can you dig as a mother?
being a mother are not easy even your young or old. it doesnt matter
with ur age.as long as ur a mother take all the responsibility being a mother
no one can take ur place except you.
ataremai na dapat tayong maglinis ng bahay at maglaba. bakit dimo kaya
tanungin ang sarili mo kung bakit ka tinatanong ng asawa mo ng ganito.
ikaw lang ang makakasagot nito dahil ikaw ang nandyan sa sitwasyon na yan.
love tayong mga babae di madaling mawala ang pagmamahal natin sa isang lalake
kahit ex-bf pa natin yan. how much more pa sa asawa natin
nakasama natin sa araw araw.

can i ask ur question with ur question too?
nawala nga ba ang pag-mamahal mo
o wala ka talagang pag mamahal from the moment you become her wife?
sagutin mo ito para sa sarili mo dahil ito ang tanong na kailanman ayaw
mong tanungin sa sarili mo.

mahirap talagang mahalin at madaling mawala ang pagmamahal sa isang
taong kailanman ay dimo minahal. Maybe You Want Him, but You Don't Need Him,
mag kaiba ang WANT sa NEED.
"Love is the best medicine and there is more than enough
to go around once you open your heart." why not open your heart
and look at him as your husband. not my husband not evrybody husband
But Your Husband and a Father of your Child. action speak louder
than words. japanese are not habitual of using words but they are habitual
of using action's.
if you asking me what's my choices,i rather choose action than words.
you can feed man by thier eyes, you can feed woman by the words.
thats why woman sometimes acting boring if man dont say a words of love.

Let's KEEP THE GOOD VIBES ROLLIN...to U :)

pooh_chan
05-11-2006, 06:21 PM
Hello po, makikisali na rin po ako...:)

Hi apple5000, Alam mo TAMA lahat ang sinabi ni sexy avatar LUCCIA san, believe ako sa lahat ng mga sinabi nya:king: , totoo yon.....kaya bago ka mag-deside isipin mo ang kapakanan ng anak mo at wag ang sarili mo lang kasi talagang kawawa ang anak nyo ng husband mo, ang bata kasi ang unang maapektohan kaya isip talaga ng mabuti at hindi rin talaga ganun kadali magbigay ng sustento ang gobyerno sayo, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka maaprobahan KUNG aaprobahan ka nga.........baka kasi ang mangyari sayo kapag nakipag divorce ka ay mapauwi ka pa sa pinas ng wala sa oras at hindi kasama ang anak nyo kaya IKAW ang magiging kawawa....wag kang mag after sa sustento ng gobyerno kasi bago mangyari yon marami pang dadaanan......kaya isip mabuti ha, before you make a final descission....wag po makasarili.....isipi n nyo rin po ang kapakanan ng anak nyo.....wag po kayo galit ha, opinion ko lang po iyan at nasa sa inyo na rin po kung pakikinggan nyo............peace po tayo...........:kiss : gambatte ne.........

apple5000
05-12-2006, 08:01 AM

inis sya sa mga text, bakit daw ba kelangan pa ng text eh mas madaling tumawag? ganyan sya mag isip:(

apple5000
05-12-2006, 08:03 AM

i dont want to go deeper kasi personal nga ito pero you're quite right, we got married BECAUSE of the kids, thank you sa advise:)

apple5000
05-12-2006, 08:05 AM
Hello po, makikisali na rin po ako...:)

Hi apple5000, Alam mo TAMA lahat ang sinabi ni sexy avatar LUCCIA san, believe ako sa lahat ng mga sinabi nya:king: , totoo yon.....kaya bago ka mag-deside isipin mo ang kapakanan ng anak mo at wag ang sarili mo lang kasi talagang kawawa ang anak nyo ng husband mo, ang bata kasi ang unang maapektohan kaya isip talaga ng mabuti at hindi rin talaga ganun kadali magbigay ng sustento ang gobyerno sayo, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka maaprobahan KUNG aaprobahan ka nga.........baka kasi ang mangyari sayo kapag nakipag divorce ka ay mapauwi ka pa sa pinas ng wala sa oras at hindi kasama ang anak nyo kaya IKAW ang magiging kawawa....wag kang mag after sa sustento ng gobyerno kasi bago mangyari yon marami pang dadaanan......kaya isip mabuti ha, before you make a final descission....wag po makasarili.....isipi n nyo rin po ang kapakanan ng anak nyo.....wag po kayo galit ha, opinion ko lang po iyan at nasa sa inyo na rin po kung pakikinggan nyo............peace po tayo...........:kiss : gambatte ne.........

di ako mapapauwi pooh chan, resident na ako dito at salamat sa payo nyo:) lalong sumasakit ang ulo ko:( :( :( arigatou minna san

sensei
05-12-2006, 09:12 AM
di kasi uso sa kanya ang yakap at salitang i love you...at isa pa nagpakasala kami dahil nabuntis ako..walang plano biglaan lang....against lahat ng partido nya sa akin...hirap pala pag ganoon, gustuhin ko man ibalik ang nakaraan di na pwede, i want to be happy, masaya pa nga ako pag wala sya sa bahay...kaya nga ako na-hook sa computer para may makausap :( malas ko talaga

Ang pag-aasawa, hindi kino-consider ang age.
Siguro me mas bata sa yo na nag-asawa ng hapon/pinoy pero matured na when it comes to decision making.
Merong mga nabuntis, hindi nagpakasal, pero naging responsible sila as a mother.
Merong nagpakasal, nawawala ang feelings, nagkakahiwalay....ka wawa ang anak.
Me mag asawang hindi nagkakasundo, pero after some time nagkakabalikan din.

apple, douryoukushiteru ka ba?
obligasyon natin bilang asawa ang maglinis, maglaba at mag alaga ng anak
.....natanong mo na ba sa sarili mo kung kanino talaga may problema?
talk to your husband, baka me malaki syang problema na hindi mai-open sayo.
kung stressful ang trabaho nia, try to lessen his burden by making your home a peaceful place to live in....
pag pagod ang tao, kahit sino, ayaw makakita ng magulo't maduming bahay.

Hindi ako sempai pero I think mas bata ako sayo to give this advice.
Tsumetai ang husband ko pero nagbago dahil tinuruan ko siya kung pano maglambing.
Pag hindi siya sumagot ng I LOVE YOU, hindi ko tinitigilan ang pag tawag sa ketai nia kahit busy siya. Pag hindi nia ako kiss before siya umalis or the time na umuwi siya hinihila ko talaga.
Pag nagalit siya sa kakulitan ko sabihin ko lang na hindi ako magluluto ng masarap tatawa na siya. When in bed pag hindi siya nagsabi ng oyasumi, hindi ko siya pinapatulog.

Napahalakhak mo na ba husband mo? kahit konting smile lang?
Find some ways to communicate...
while watching tv, idikit mo lang un ashi mo sa ashi nia, it's a way of communication.

You know why I'm telling you these?
....swerte ka kase sa bahay lang ang trabaho mo.
I wake up early to prepare his breakfast then lahat ng gamit nia ire-ready ko.
My dadi always leave for work at 8am pero ako 4:30 pa lang gising na.
From 8am after linis and laba nasa jimusho ako, secretary nia...tagatype ng mitsumori at seikyusho.
Lahat ng paperworks pinag aralan ko para makatulong ako sa kanya.
As a filipinjin na dating japayuki....mahirap gawin lahat to but I'm trying my best.
From 11am I cook for lunch then back to work again before 1pm.
Til 5 ganito ako, magluluto na naman para sa dinner. Ang pinagkaiba lang pwede ako magyasumi anytime na gustuhin ko.
Doing these things made him raku...pinaghatian namin un stress nia sa work.
Mahal ko husband ko...kahit pagod ako, I just put in mind na mas pagod siya sa akin.
Don't be wagamama...or ganito na lang gawin mo para maipakita sa kanya mahirap maging housewife : "ikaw ang magtrabaho for the family at ang huband mo ang tagalaba".

Kaya mo bang buhayin ang buong pamilya?

Swerte ka dahil may anak ka
......ako dito hindi magka-anak
Blessing yan, hindi ka malas.

japphi
05-12-2006, 09:53 AM
Sensei.....ERAI!!!na-touched ako sa'yo.....:thumb:

There was that good feeling na malalaman mo na ang kababayan mo ay nag-gaganbaru sa pinasukan nyang international marriage....kahit na hindi ko man magawa yung nagagawa nila....pero at least maganda ang pakiramdam at masasabi mo pa sa sarili mo na....ok ako kakayanin ko rin yan....magagawa ko rin yan.

Hindi lang kababayan ang masisiyahan.....mas nasisiyahan ang asawa mo na nakikita kang nag-gaganbaru sa araw-araw na pagtulong mo sa kanya sa trabaho nya at mare-realize na "hindi sya nagkamali sa pagpili nya sa naging asawa nya"

Sa ating nag-asawa nang foreigner o hapon....hindi po talaga biro ang pinasukan natin...na hindi bed of roses ang pinasukan natin....andyan tayo sa mga kanya-kanyang problema,hindi tayo mga donya dito na kahit Shacho pa ang asawa natin...tayo pa rin ang TAGA.....o lagi kong tina-TAG sa sarili ko.....MAID IN JAPAN nang pamilya natin dito.

Kaya..dapat na ipakit rin natin sa mga asawa natin na pinasukan natin ito...kaya natin....na hindi lang sya ang dapat mag-ganbaru....dapat equal.....may parte sya..may parte rin tayo.....ganbarimash o.

apple5000
05-13-2006, 08:53 AM
Ang pag-aasawa, hindi kino-consider ang age.
Siguro me mas bata sa yo na nag-asawa ng hapon/pinoy pero matured na when it comes to decision making.
Merong mga nabuntis, hindi nagpakasal, pero naging responsible sila as a mother.
Merong nagpakasal, nawawala ang feelings, nagkakahiwalay....ka wawa ang anak.
Me mag asawang hindi nagkakasundo, pero after some time nagkakabalikan din.

apple, douryoukushiteru ka ba?
obligasyon natin bilang asawa ang maglinis, maglaba at mag alaga ng anak
.....natanong mo na ba sa sarili mo kung kanino talaga may problema?
talk to your husband, baka me malaki syang problema na hindi mai-open sayo.
kung stressful ang trabaho nia, try to lessen his burden by making your home a peaceful place to live in....
pag pagod ang tao, kahit sino, ayaw makakita ng magulo't maduming bahay.

Hindi ako sempai pero I think mas bata ako sayo to give this advice.
Tsumetai ang husband ko pero nagbago dahil tinuruan ko siya kung pano maglambing.
Pag hindi siya sumagot ng I LOVE YOU, hindi ko tinitigilan ang pag tawag sa ketai nia kahit busy siya. Pag hindi nia ako kiss before siya umalis or the time na umuwi siya hinihila ko talaga.
Pag nagalit siya sa kakulitan ko sabihin ko lang na hindi ako magluluto ng masarap tatawa na siya. When in bed pag hindi siya nagsabi ng oyasumi, hindi ko siya pinapatulog.

Napahalakhak mo na ba husband mo? kahit konting smile lang?
Find some ways to communicate...
while watching tv, idikit mo lang un ashi mo sa ashi nia, it's a way of communication.

You know why I'm telling you these?
....swerte ka kase sa bahay lang ang trabaho mo.
I wake up early to prepare his breakfast then lahat ng gamit nia ire-ready ko.
My dadi always leave for work at 8am pero ako 4:30 pa lang gising na.
From 8am after linis and laba nasa jimusho ako, secretary nia...tagatype ng mitsumori at seikyusho.
Lahat ng paperworks pinag aralan ko para makatulong ako sa kanya.
As a filipinjin na dating japayuki....mahirap gawin lahat to but I'm trying my best.
From 11am I cook for lunch then back to work again before 1pm.
Til 5 ganito ako, magluluto na naman para sa dinner. Ang pinagkaiba lang pwede ako magyasumi anytime na gustuhin ko.
Doing these things made him raku...pinaghatian namin un stress nia sa work.
Mahal ko husband ko...kahit pagod ako, I just put in mind na mas pagod siya sa akin.
Don't be wagamama...or ganito na lang gawin mo para maipakita sa kanya mahirap maging housewife : "ikaw ang magtrabaho for the family at ang huband mo ang tagalaba".

Kaya mo bang buhayin ang buong pamilya?

Swerte ka dahil may anak ka
......ako dito hindi magka-anak
Blessing yan, hindi ka malas.

thank you sa sinabi mo, i am also working (parttime), siguro magkaiba nga mga asawa natin, pag ginawa ko ang mga ginawa mo eh baka madagukan ako nun, sabi nya weird ang mga gaijin laging sabi ng sabi ng i love you, "nihonjin wa iwanani yo sonna koto"

i am not complaining kung maglaba ako at magluto, it is my duty, i just expressed my feelings na parang ganon na lang ang role ko sa buhay, i didnt say na ayaw kong maglaba, at kung ipapatong ko ang paa ko sa kanya while watching tv eh sasabihan ako ng "nihonjin wa konna koto shinai yo!" o anong sey mo dyan?

wala akong magawa sa jimsho dahil sasabihan ka ng "wakaru wakenai desho?" so pls dont conclude na nagrereklamo ako sa paglalaba at wagamama ako. Sabi ko nga iba iba ang kwento natin, pero thank you sa advise:)

sensei
05-13-2006, 09:38 AM

:)

Oh I see...
any advice from us wouldn't help you at all, nasa iyo na yung decision.
From your story parang pareho na kayong "fell out of love"...sad to hear.

Pag sinigawan ka, sigawan mo rin ng "NANDE OOKI KOE DASU NO? DARLING...MIMI GA WARUKUNAIDESUGA" sabay smile, wag mo na lang patulan ng pabalang words. Ikaw lang ang magsa-suffer sa stress, dadami ang wrinkles:D

Pag sinabihan ka ng "nihonjin wa kounna koto shinaiyo!", sabihin mo naman "firipinjin wa kounna koto suruyo"....firipinjin na okusan wa amaeterunoga daisuki !!!" watashi no koto iiyaninatteru nara hakkiri iinasai"...dyan magsisimula ang communication.
Open up lahat ng feelings mo sa kanya.

From the start of this thread sinabi mo na nawawala ang feelings mo sa kanya...that is why hindi mo rin kayang maglambing and try to get that old feeling. Get's? Or from the very start hindi mo talaga siya minahal. Meron bang third party? Sorry kung pakialaman ko ang privacy mo, wala naman nakakakilala sten dito.:D You don't have to answer, It's just a silly question na pumasok sa utak ko.
Three things na pwedeng manlamig ang asawa :
1. money matters
2. there's a 3rd party involved
3. walang communication

Hindi solution ang rikon.
Bago ka magdecide ask him kung mahal ka pa niya, if yes "GAMAN para sa anak mo dahil masakit mawalan ng father" pinasok mo yang ganyang situation kaya pangatawanan mo.
Kung mahal ka niya, pakiuspan mong magbago ng ugali for child's sake.

Kung hindi mo kayang makisama kahit mahal ka pa nia:
"bekkyo" - hingan mo ng support un bata.
Un bata lang ha, ikaw kase ang nagdecide ng bekkyo kaya work for your own.
It will be a good lesson for you two. Lalo na sa husband mo, mahirap mawalan ng maid noh.

Ganbatte ne...take care of your baby yan lang ang kayamanan ng isang ina.;)

myukasky
05-13-2006, 10:27 AM
thank you sa sinabi mo, i am also working (parttime), siguro magkaiba nga mga asawa natin, pag ginawa ko ang mga ginawa mo eh baka madagukan ako nun, sabi nya weird ang mga gaijin laging sabi ng sabi ng i love you, "nihonjin wa iwanani yo sonna koto"

i am not complaining kung maglaba ako at magluto, it is my duty, i just expressed my feelings na parang ganon na lang ang role ko sa buhay, i didnt say na ayaw kong maglaba, at kung ipapatong ko ang paa ko sa kanya while watching tv eh sasabihan ako ng "nihonjin wa konna koto shinai yo!" o anong sey mo dyan?

wala akong magawa sa jimsho dahil sasabihan ka ng "wakaru wakenai desho?" so pls dont conclude na nagrereklamo ako sa paglalaba at wagamama ako. Sabi ko nga iba iba ang kwento natin, pero thank you sa advise:)

Sis kimochi wakaruyo:D Eh ganyan din asawa ko. Before lagi ko sinasabi I love you ma nihongo or english man yan. Aysus sagot nya sa akin weird daw ako, sa kanila daw di naman siguro lahat but daitai ay sa gawa daw at di sa salita. Kaya mula noon di ko na sinasabi but nag-isip ako ng way kung paano kung maexpress yung love ko sa kanya. Kaya ang ginamit ko yung daugther ko. Binubulong ko sa anak ko sabihin mo kay papa "Aishiteruyo". Henji naman si payat (My husband pet name) Mula noon ganyan na lagi ko ginagawa, ito namang anak ko nakasanayan na kaya kahit saang lugar sinasabi. Lalo na kapag pauwi si hubby from work, bungad agad ng daugther ko "Papa okaerinasai may kasunod pang Papa sukiyo." Alam ng hubby ko tinuturuan ko anak ko so alam nya na yun ang gusto ko sabihin sa kanya. Weird nga pero no choice. Yung gawaing bahay mula umaga ginagawa ko na yan pero ang sinasabi ko sa anak ko yan ang shigoto ko. Kaya kapag nag-aaya na anak ko mamasyal sasabihin ng papa nya mada dekinai daw kasi shigoto shiteru ako. Minsan alam mo nagrereklamo din ako pero sa biro ko dinadaan. Sinasabi ko buti pa maido sa hongkong may yasumi at mataas sahod. Tuturuan naman ng asawa ko daugther ko at ibubulong sa kanya ganito. Hongkong itterashai daw.:D So tawanan na kami medyo nawawala na pagod ko. Serious akong tao pero pagdating sa family ko comediante ako. Gumagawa ako ng paraan ng matatawa sila kahit medyo corny. Kasi si payat serious type sya eh kung ganon din ako baka parang nasa cementery kami lagi. Noong di kami ganito medyo binago ko lang character ko sa loob ng bahay para magkakulay. Di ko sinasabi na gawin mo yung ginagawa ko. Ang sa akin lang baka may maisip kang ibang way. Ako yan ang way ko para mapatawa ko sila. Ang pang-asar nga ng hubby ko at daugther ko sa akin lately yung visa ko. Kasi mag-eexpired na sya this coming August so kailangan na ng erenew. Binulong ko sa daugther ko, sabihin mo kay papa paano yung visa ko? Sagot ng asawa ko visa iranai dishou? Huh naman ako at yung anak ko. Sagot ng asawa ko di ba pupunta sya ng hong kong at doon na lang sya magshishigoto? Dakara visa iranai dishou? Sagot naman itong anak ko, sou desune! Grabe tawanan na naman kami, kita ko talaga yung tawa ng asawa ko. Nasasabi ko na lang sa sarili ko sana lagi kaming ganito. Kung puwede lang di ba? Kaso hindi naman puwede yun syempre may mga araw na badmode sya so dapat sakyan. Kapag alam ko na masama ang weather para sa kanya tahimik kami. At kapag okey na go na naman.:D Basta sis gambatte, kung gusto mo lang naman ng kausap dito lang me.:D Lalo na sa gabi freetime ko yan kaya everytime na kailangan mo ng makakausap dito lang me. Huwag lang yung mauutangan at wala tayo niyan.:D But dont worry kapag natuloy ako ng hongkong pautangin kita! Jokes lang

Autumn
05-13-2006, 10:29 AM
@Apple,
siguro halos pareho lang yan naranasan mo or mas malala yun sa akin,awang awa ako sa sarili ko noon akala mo ba.bata pa kasi ako ng mag asawa at wala akong kaibigan at kamag anak dito,wala syang tyaga mag turo sa akin ng lahat ng dapat na matutuhan.hindi rin sya nagkukwento dahil hindi ko rin daw naman maiintindihan.pag may hindi ako maintidihan na nihonggo hindi rin nya ipinaliliwag sa akin ..hindi ko rin daw maiintindihan..:eek: bobo yata tingin sa kin :D hindi ko rin hawak sweldo.hindi rin nya sinasabi pag may nga bonus.tingin yata sa akin eh mukhang pera :rolleyes: wala akong kilala at walang alam tungkol sa mga kaibigan nya.sa pag kabata nya. diba normally pinagkukwentuhan yan ng mag asawa, ginawa ko lahat ng klase ng paglalambing.at ginawa ko lahat para mabuo kaming pamilya.yan pag dikit dikt ng binti sa kanya ginawa ko yan.abay kulang na lang eh ihulog ako sa sofa:cry:noong magkatabi pa kami ng higaan at nadantay paa ko sa kanya nagigising ako dahil tumitilapon mga paa ko..grabe diba..
tinanong at kinausap ko ,sabi din sa akin.nihonjin wa sonna koto shinai yo. hangang maramdaman ko na katulong lang pala kailangan ng lalaking ito..naramdamam kong lumiit mundo ko..
alam mo marami pang nangyari kaya lang masyadong hahaba eh..

naiintindihan kita sa lahat ng nararamdaman mo sa ngayon.may hangganan talaga ang pag titiis,at nawawala naman talaga ang pagmamahal.lalo na at napagod ang puso.pero dahil 2 anak namin hindi ako nakipaghiwalay.magka sama kami sa bahay pero totally walang paki alaman.nag trabaho ako para sa sarili ko. pinapakain ko sarili ko at hindi ako tumatanggap ng galing sa kanya.dahil kahit di kami divorce tapos na pagiging mag asawa namin.oh hindi talaga kami naging mag asawa mula sa simula.
ang babae kasi simple lang ang gusto sa buhay diba.maramdaman na kailangan ka dahil asawa ka.? at maramdaman na mahal ka..

hindi madali mag tiis..pero kailangan lalo na at may anak na involve.pero pag tungkol sa mga bata nag uusap kami. yun lang naman ang natitira sa amin.nanay ako ng mga anak nya.at tatay sya..12 years na ako sa ganitong set up..
sana ma solusyunan mo na itong problema mo..god bless;)

sensei
05-13-2006, 11:44 AM
Naglabasan ang mga pasaway na hapon.
See...nakaya nila myukasky san at Autumn san dahil may anak na involved.
You chose that way, same with every filipinas who chose to marry a foreigner. They chose to do what is good but not actually what is right. Decide what's good for you. (sori ha hinde ako magaling sa ingles obob ako eh)

By the way, mag TF ka nlng kesa magmukmok.
Make friends....marami kami dito.

wolfgang
05-13-2006, 12:37 PM
haaay... parang medyo nararanasan ko rin yan....lahat ng gawaing bahay gawa ko na tapos trabaho pa ako at alaga ng anak...pero parang kulang pa rin sa asawa ko ...Ang hilig din akong ikumpara sa haponesa..Dumating ang time na talagang di ko na kinaya kaya sinagot ko siya na sana di ka na lang nag-asawa ng Filipina kung ganyan ang pananaw mo at sabi ko sa kanya kung nagsisisi ka sige maghiwalay tayo..noong time na yon parang wala na akong pagmamahal sa kanya..hindi di siya kumibo...tameme siya..siguro two weeks kaming di nagkikibuan....(sa isip ko ako pa tatakutin mo ...pumunta ako dito sa japan walang kilala ..lakas ng loob lang ang dala ko..tapos sayo lang susuko ako..Sino ka ba) So di rin siya nakatiis nag-usap kami with matching iyakan pa (ang drama no)at nagpaliwanagan kami ng masinsinnan...doon siguro naunawaan niya ako at naunawaan ko rin siya ...ngayon medyo okay kami ...paminsan-minsan medyo may pagtatalo nga lang..yun lang masasabi ko about sa experience ko sa asawa ko..:wink:

ayumi
05-13-2006, 02:25 PM
hello APPLE5000 san,
naku! ang suerte mo,LAHAT ng nag-advice sa yo ay palagay ko eh TAMA! talo mo pa ang nagkaroon ng 5000 na bestfriend.palagay ko MANIWALA ka sa kanila lalo na sa sinasabe ni SENSEI! direct to the point.masakit ang katotohanan pero TAMA ang mga sinasabe nya.sa aken,wala kang mapupulot kase,ang asawa ko yata nakikisama sa akin,pinayaman ko kase sya eh..he..he..joke lang!kinulam ko kase yun,kaya yun lahat ng sasabihin ko sinusunod.suerte daw ako sa asawa..uhhmmm..binob ola ko kase asawa ko hanggang ngayon..kaya siguro love na love ako nun.halos lahat ng mga Pinay dito sa amin,nahihiwalay na,iba-ibang reason.LIFE is a game..PLAY it!

sensei
05-13-2006, 02:47 PM
Hi apple me good news ako sayo.

I called my lola sempai a while ago. ehtong secret nia kung paano napaamo ang tsumetai nyang hapon....

"painumin mo ng pinaghugasan" :biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:

sori ha bikolana un friend ko, yan ang ginawa nia kaya sunudsunuran si mister :grinny:

tawa naman dyan, try mo lang baka tumalab :bonk:

myukasky
05-13-2006, 02:53 PM

Anong pinaghugasan ba yan?

Pinaghugasan ng plato, pinaghugasan ng kamay, pinaghugasan ng paa, pinaghugasan ng ano? ano nga ba yun? heheheh baka wala dito sa binanggit ko ah.:rolleyes: Di naman kaya mabacteria ang asawa ko kapag pinainom ko pa ng pinaghugasan? Curious din ako sa pinaghugasan na yan ah:D

ayumi
05-13-2006, 03:02 PM

NGEE! TINOTOO KAYA? biro lang yun kabayang SENSEI....

sensei
05-13-2006, 03:21 PM
Anong pinaghugasan ba yan?

Pinaghugasan ng plato, pinaghugasan ng kamay, pinaghugasan ng paa, pinaghugasan ng ano? ano nga ba yun? heheheh baka wala dito sa binanggit ko ah.:rolleyes: Di naman kaya mabacteria ang asawa ko kapag pinainom ko pa ng pinaghugasan? Curious din ako sa pinaghugasan na yan ah:D

Pinaghugasan ng ano......bawal bad words eh

1 week daw siya hinde nagpalit ng panty :yuck: :yuck: :yuck:
tapos hinugasan nia lang sa planggana may tubig.
nilagyan nia ng malamig na herbal tea para di obvious.
pramis ginawa nia talaga to.
tawa nga ako ng tawa kanina, tinawagan daw un asawa sa kabilang line at pinapauwi.

nagtataka lang ako ha...ang alam ko matinik ang pinay, bakit kayo nagpapaabuso?
oy di tayo magpapatalo dito sa japan noh!!!

wolfgang
05-13-2006, 03:59 PM
Pinaghugasan ng ano......bawal bad words eh

1 week daw siya hinde nagpalit ng panty :yuck: :yuck: :yuck:
tapos hinugasan nia lang sa planggana may tubig.
nilagyan nia ng malamig na herbal tea para di obvious.
pramis ginawa nia talaga to.
tawa nga ako ng tawa kanina, tinawagan daw un asawa sa kabilang line at pinapauwi.

!
helllo..... parang natatawa ako dito ahhh Miss Sensei totoo ba ito...at talagang mabisa ba yan ...parang gusto ko yatang subukan...:D pero di kaya sumuka yung asawa ko diyan....:eek: siguro pag hinalo sa mizuwari di na obvious ...hihihi:toofunny: Kaya lang di kaya ako mangati niyan 1 week walang palitan nang panty...:fish: hala ayan magkaroon na nang isdang patay yyung ano ko...:D ....Sori sa ot..pero curious lang talaga me...:rolleyes:

sensei
05-13-2006, 04:45 PM

hay nakooo hinde nako nagtrabaho dahil kanina pa ako tawa ng tawa:biglaugh: :biglaugh: :biglaugh:
hindi rin ako makapaniwala...
ako kase no need to do these things, hawak ko sa leeg si bosing:D

sensei
05-13-2006, 04:49 PM
apple san,
If you have time to read these threads baka me mapulot kang aral or mai-contribute:

Bakit tsumetai ang mga nihonjin? (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=264 5)

International marriage sentiments (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=397 5)

apple5000
05-13-2006, 07:26 PM
@Apple,

siguro halos pareho lang yan naranasan mo or mas malala yun sa akin,awang awa ako sa sarili ko noon akala mo ba.bata pa kasi ako ng mag asawa at wala akong kaibigan at kamag anak dito,wala syang tyaga mag turo sa akin ng lahat ng dapat na matutuhan.hindi rin sya nagkukwento dahil hindi ko rin daw naman maiintindihan.pag may hindi ako maintidihan na nihonggo hindi rin nya ipinaliliwag sa akin ..hindi ko rin daw maiintindihan..:eek: bobo yata tingin sa kin :D hindi ko rin hawak sweldo.hindi rin nya sinasabi pag may nga bonus.tingin yata sa akin eh mukhang pera :rolleyes: wala akong kilala at walang alam tungkol sa mga kaibigan nya.sa pag kabata nya. diba normally pinagkukwentuhan yan ng mag asawa, ginawa ko lahat ng klase ng paglalambing.at ginawa ko lahat para mabuo kaming pamilya.yan pag dikit dikt ng binti sa kanya ginawa ko yan.abay kulang na lang eh ihulog ako sa sofa:cry:noong magkatabi pa kami ng higaan at nadantay paa ko sa kanya nagigising ako dahil tumitilapon mga paa ko..grabe diba..
tinanong at kinausap ko ,sabi din sa akin.nihonjin wa sonna koto shinai yo. hangang maramdaman ko na katulong lang pala kailangan ng lalaking ito..naramdamam kong lumiit mundo ko..
alam mo marami pang nangyari kaya lang masyadong hahaba eh..

naiintindihan kita sa lahat ng nararamdaman mo sa ngayon.may hangganan talaga ang pag titiis,at nawawala naman talaga ang pagmamahal.lalo na at napagod ang puso.pero dahil 2 anak namin hindi ako nakipaghiwalay.magka sama kami sa bahay pero totally walang paki alaman.nag trabaho ako para sa sarili ko. pinapakain ko sarili ko at hindi ako tumatanggap ng galing sa kanya.dahil kahit di kami divorce tapos na pagiging mag asawa namin.oh hindi talaga kami naging mag asawa mula sa simula.
ang babae kasi simple lang ang gusto sa buhay diba.maramdaman na kailangan ka dahil asawa ka.? at maramdaman na mahal ka..

hindi madali mag tiis..pero kailangan lalo na at may anak na involve.pero pag tungkol sa mga bata nag uusap kami. yun lang naman ang natitira sa amin.nanay ako ng mga anak nya.at tatay sya..12 years na ako sa ganitong set up..
sana ma solusyunan mo na itong problema mo..god bless;)

thank you sis for sharing your story, naaliw ako at tumawa ako kahit sandali:) at salamat po sa lahat ng concern at mga advise, sana eh wag akong mapraning:)

apple5000
05-13-2006, 07:33 PM
MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT:)
pakiramdam ko di ako nag-iisa at marami akong pamilya:) sana wag kayo magsawa ng pagsasabi sa kin at sorry kung medyo sumasagot ako ng hindi maganda, sabi ko nga inilalabas ko lang ang nararamdaman ko:) til next chika, ako ay maglilinis muna ng banyo at baka dumating na si japon eh i-flush ako sa inidoro pag hindi makintab ito :D

luccia
05-14-2006, 12:53 AM
hi sis apple

just a simple thoughts. not advices im not capable of giving
advices coz im not a perfect.i do bad things i do good things.
why not bcoz advices it easy to give, to say coz we just deliver it
only by our mouth a simple as that. take this as a thought

how could u be a good wife. a good person ,a good mother
if there something is missing with you. Having a good laugh,happiness,
positive vibes w/ur self,ur child ,ur family, with friends stimulates endorphins,
Endorphins reduce the sensation of pain and affect emotions.
what is endorphins? a peptide hormones that found mainly in the brain.
so when ur brain think all negative it would affects to ur body and ur personality.
dakara atama ga itai konata,kokoro samishi konata,zembo no yaritai wa mendokusai
kotunenata,wake wakaranai konateshimata,kangai ru kotoga dekenaikonata parang
ganun na yung nararamdaman mo. try to be ur self dont try to be this and that
bcoz someone saying u must be like this. sona kotonai dayo. ako ikaw magkaparehas
tayong pilipina may asawang hapon. pero mag kaiba tayo ng pangalan personalidad
karakter. may kaya kang gawin na diko kayang gawin may kaya akong gawin na dimo
kayang gawin. dikita pwedeng maging anino at dimo mo rin ako pwedeng maging anino.
thats why i want u to focus w/ur self dahil nakalimutan muna kung sino ka.
naging anino kana ng asawa mo,ng taong nakapaligid sayo,at ng mismong sarili mo.

dont think that ur a pilipina that's why ur dealing this kind of emotions and problems.
(alam na ng asawa mo at ng lahat ng taong nakapaligid sa atin na foreigner tayo.
di na natin kailangan pang sabihin, nandito tayo dahil asawa tayo.)
so why not thinking like that. a wife and a mother.
a wife bcoz ur a wife and u need to be a wife. not just bcoz i say ur a wife
a mother bcoz ur a mother and u need to be a mother not jsut bcoz i say ur a mother.

bout ur husband i dont think that he didnt loves u. kung di ka niya mahal
kahit buntis kapa pwede ka niyang takbuhan.tinanim mo lang sa isip mo na kaya
ka niya pinakasalan dahil buntis ka. sona kotonai ja nai.GIVE HIM A DOSE
OF HIS OWN MEDICINE. how go to city hall take a counseling di dahil sa gusto
mong hiwalayan ang asawa mo. for the mean time gawin mo silang shock absorber
ng mga nararamdaman mo na dimo kayang ipaliwanag.tell them kung ano ang
personalidad ng asawa mo.they will tell you how to do it.
parehas silang japanese mas alam nila ang isip at kokoro ng kapwa
hapon. they will never be bias even ur a foreigner in this land. bcoz they are
counselor to offers or provides counseling.
atleast dun masasabi mo yung mga bagay bagay na di mo kayang sabihin sa asawa mo
sa kaibigan, sa pamilya mo at dito sa forum. mailalabas mo lahat ng walang
inhibition. di ka rin mag aalala na sasabihin nila sa ibang tao yung mga bagay
bagay na ayaw mo ng ipaalam sa mga taong nakapaligid sayo dahil alam mong
personal na yun.pero ang sumatotal pa rin ng mga sinabi ko.ikaw ang magdedecide
at nasayo pa rin.its up to u to take it or leave it.

So Let's keep a Good Vibes Rollin to U:)

nicole
05-14-2006, 01:59 AM
alam mo hindi naman siguro nawawala yung pagmamahal mo sa asawa mo no, andyan kalang kasi ngayon sa time na down na down ka walang mapaghingahan ng problema bakit di mo balikang isipin yung time na nakilala mo sya,bakit mo siya pinakasalan kahit alam mong against ang partidos niya sa'yo at higit sa lahat titigan mo ang mukha ng iyong munting anghel. siguro naman mawawala na sa isip mo yung salitang hiwalay .GANBATTE

Myluv
05-14-2006, 04:20 AM
nabasa ko ang hinanakit mo sa mister mo,alam mo masaya ka pa rin kasi may anak kang pagbabalingan mo ng stress mo.dka malas not like me kapareho ng ugali ng asawa mo ang ugali ng asawa ko 10 years na akong nakikisama sa kanya pero pinagtiisan ko becoz of love wala kaming anak.kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan sana di na lang sya ang minahal ko at pinakasalan .ang masasabi ko lang bihira sa gaijin at hapon ang nagtagal ang relasyon ke me anak ka o wala.sa ngayon nagwork ko na lang nililibang ang sarili ko nagpaplano na lang ako sa sarili ko na uuwi na lang ako sa pinas pagstable na ako.doon sa atin alam nating may talagang nagmamahal sa ati n pamilya.ginawa ko naman lahat ang obligasyon ko bilang asawa pero sa tinagal tagal namin di sya nagbago at lumala pa.katulad ng sinabi mo mas masaya ka pag nasa labas kesa loob ng bahay ako naman mas masaya pag nasa trabaho mas napapagod ako sa bahay .dko ko nga alam bkit ako nagtagal sa kanya letseng pagmamahal kasi .:mad: ::mad: :

may_abe
10-26-2007, 08:27 PM
:O kamusta ka na? sakali man,mangyari sa akin..siguro maghanap na lang ako ng ibang paglilibangan o di kaya subukan ko uli suyuin sya..baka sakali magbago..o di pag wala ng pag asa. Huwag naman sana,katok sa wood. Baka ikakamatay ko pag ang feeking nya domestic helper na lang ako.Syempre importante rin yung meron love affection at may heaven paminsan minsan..

miffy
11-18-2007, 06:25 AM
hi apple 5000! mahirap ang broken family,kawawa mga anak mo.magkakaroron ng psychological effect sa kanila pag nakipahiwalay ka.pag isipan mo munang mabuti,bago ka magdecide.anyway,goo dluck and godbless!

roses_pink
11-18-2007, 08:10 AM
For me kung ano yung mas nakakaluwag sayo yun ang sundin mo. Kung kaya mong hiwalayan asawa mo gawin mo. Pero pag dating sa ganyang hiwalayan maiipit ang mga bata kaya may pagpipiliin ka, sarili mo bang nararamdaman o mga anak mo? mahirap ang sitwasyon mo. Bago ka magdesisyon kelangan mong mag isip ng mabuti. Goodluck sayo.

danasan143
01-12-2008, 11:05 PM
dyos ko wag naman po sana mangyari sa akin yan pero sabi mo nga what if ? aba di ako magtitiis ang sakit naman magmahal sa taong walang paki sayo nakakapagud yon iisa lang ang life natin at maikli pah kaya mapakasaya tayo noh

katty0531
01-13-2008, 09:08 AM
Pag as in wala na talaga at pigang piga na 100% sure na wala na talaga akong "love" syempre hiwalayan na mangyayari pero sisiguraduhin ko munang wala na talaga kasi pag meron pa kahit 10% ay, kaya pa rin magpatawad at konting karinyo lang babalik ulet yon.
Sana lang malaki na anak namin non para mas madali mag desisyon.

Hehehe...wag na man po sanang mangyari ito Panginoon...pero tao ang tayo hindi naten mahuhulaan ang bukas, buti na yong prepared.

Sa ngayon, enjoy muna buhay may asawa hehehe....

MARICON
01-13-2008, 09:49 AM
hi applesan goodday...alam mo ako dati pasigaw ako magsalita sa asawa ko kahit tanung ko at utos sigaw lagi kasi naboboring ako sa loob ng bahay kumbaga nagpapansin ako sa asawa ko pero hindi ibig sabihin na hindi ko na sya mahal dahil sinisigawan ko sya....tahimik kasi asawa ko at hindi karinyoso syempre tayo mga mother sa bahay lang boring palagi pero minsan nakikita ko sya parang kawawa wala syang sinasabi sa akin sunod lang sya ng sunod sa mga salita ko hanggang sa nagsudan ako sa isang kaibigan sabi ng frend ko sabihin ko daw sa asawa ko yung side ko na kailangan ko yung unwind minsan kasi pakiramdam ko hindi ako makahinga sa loob ng bahay lagi....bantay lang bata , linis ,luto at laba...imagen????kay a ayun nag usap kami sabi ng asawa ko naunawaan daw nya ako kaya ngayun mabait na ako sa kanya?????kaya ikaw hindi porke pasigaw sya hindi ka na nya mahal baka kulang lang sa lambing at pansin na rin.....huwag mo hayaan masira ang pamilya mo lahat ay nakukuha sa pag uusap.....:) ganbatte