PDA

View Full Version : Any Moutainbike, Bicycling enthusiasts or group here?

Firipinjin
05-09-2006, 11:41 PM
Tanong ko lang mga kabayan kung meron mountainbiking or roadcycling group among Pinoys or perhaps with Pinoys here?

TR250
05-10-2006, 08:49 PM
Ibabahagi ko itong nangyari sa akin kanina. Bihira lang akong gumamit ng bisikleta at ginagamit ko lang itong pang kaemono special na about 200 meters away mula sa trabaho ko. Nanghuhuli kanina yung mga pulis ng nakaw na bisikleta at kasama ako sa mga pinara. Nabuking na "flyer" yung mama charing ko kaya't nagkwentuhan muna kami nung mga pulis. Nakuha ko itong mama chaling sa loob ng lote ko na walang upuan at walang front tire na siguradong iniwan ng nagnakaw. Inereport ko ito sa police station dati at napagkasunduan na isasama ko na lang ito sa loob ng kontseng scrap. Ang pagkakamali ko ay di ko ito tinapon at ginamit kong pang personal pagkatapos kong ayusin.
Para umiksi ang kwento ay ipaparehistro ko na lang itong bisikleta bukas sa pangalan ko para maging legal na ang mama charin ko. Okay naman yung mga pulis at magalang naman sila at may libreng saludo pa. Cute din yung isang lady police at siguradong napansin niya na panay kindat ko sa kanya at niyaya ko pang mag kape ( I love ladies wearing uniform... grrrrr, SEXY!!!). Mula bukas ay medyo mag-uumpisa na rin akong mag bisekleta hoping na mahuli ulit ako nung lady police at susubukan kong hingiin ang tel. no :D Kanina ay may kasama kaya di masyadong makaporma :whistle:

Nung bata pa ay sumali rin ako sa ilang BMX competitions at nag konting down hill din. Ngayon ay dina pwede dahil Im too fat to ride bicycles :cry:

warlock^_^
05-10-2006, 09:08 PM
You can visit us in our MTB/Bicycling forum, its just under proboards so you will notice most of us are posting in taglish since its free...we're just following the TOS;)

PinoyMTBiker Forum (http://pinoymtbiker.proboar ds7.com/index.cgi)

warlock^_^
05-11-2006, 09:15 AM
TR, saw your pics bro, no one is too fat to ride a bike pre. Marami ako kasama sa pinas na doble pa sa laki err triple pa ata? Pero sa mga akayatan naiiwan pa ako. Meron endurance & speed kaya nga lang malakas pa rin kumain mga yun. Tagilid ang Chowking samin after the ride :D . With your skill, tanggalan mo lang ng motor yung ginagamit mo...pwede na trials or DH category ka. I'll stick to safer XC descipline, dami ko na semplang sa bike kasi.

Nde ko dala MTB ko ngayon dito sa Jp.... nasa yokohama ako...layo ng dirt trails dito. Baka after I get back from vacation dalhin ko.... hapi naman customs nito pag uwi ko ng Pinas :mad:

Nung bata pa ay sumali rin ako sa ilang BMX competitions at nag konting down hill din. Ngayon ay dina pwede dahil Im too fat to ride bicycles :cry:

Firipinjin
05-11-2006, 11:04 PM
You can visit us in our MTB/Bicycling forum, its just under proboards so you will notice most of us are posting in taglish since its free...we're just following the TOS;)

PinoyMTBiker Forum (http://pinoymtbiker.proboar ds7.com/index.cgi)

Salamat sa link. Napansin ko yung boards ay halo sa mga Pinas based cyclists. Meron bang Japan based cyclists lang kahit mixed with some Japanese riders? How about a road cyclists club?

warlock^_^
05-13-2006, 03:35 AM
hmmm, maybe you can try the regional section of mtbr (http://forums.mtbr.com/) you'll find some foreigners who're here. Try to search around the egroups, like tokyocycling-subscribe@yahoogroup s.com. though this is not that active anymore.

But if your good with kanji/hiragana, maybe you can do a search for some forums...that probably will give you some hit.

acoustics
07-10-2006, 12:02 PM
magandang umaga!!!

san bang part dito sa japan pwedeng makabili ng parts para sa mtb?
kung dito kaya ako bibili ay makakamura kaya ako?

TR250
07-10-2006, 12:16 PM
magandang umaga!!!

san bang part dito sa japan pwedeng makabili ng parts para sa mtb?
kung dito kaya ako bibili ay makakamura kaya ako?

OK rin sa mga shops kaya lang ay OK din ang presyo... Kung gusto mo talganag makamura at hindi ka masyadong pihikan ay pwede mong sukukang maghanap sa Yahoo Auctions Japan ng new or used parts at malamang ay makakakamura ka. Yun nga lang ay kailangang marunong kang magbasa ng Japanese at kakailanganin mo rin ng ID sa Yahoo para makasali ka sa bidding.
Pag naghahanap ako ng mga piyesa ay inuuna ko parati ang Yahoo bago ako umorder sa dealers o parts shop dahil minsan ay talagang nakakamura. Isang babala lang na kailangan mo rin mag-ingat dahil public auction ang Yahoo...

acoustics
07-10-2006, 01:49 PM

thanks a lot.... try kong mag hanap dun...

pero anong mga recommended shops mo dito

TR250
07-10-2006, 02:43 PM
thanks a lot.... try kong mag hanap dun...

pero anong mga recommended shops mo dito

Wala akong alam na shop sa malapit sa iyo. Kung malapit ka lang dito sa Kyoto ay mga ka tropa akong shop owners na puros pang competition bikes ang hinahawakan nila. Kung interesado ka talaga ay pwede kong ibigay sa iyo ang contact infos nila at ikaw na lang ang tumawag. Sigurado namang pwede rin nilang ipadala sa iyo ang mga piyesa through takyubin. Ang isa kong maisu-suggest na shop ay TOMSCRAFT na nasa net ( http://www.tomscraft-mtb.com/ ). Ang owner nyan ay isa sa mga seniors ko (top class rider) kaya lang parati siyang nasa main shop niya na for compe off road motorcycles naman at baka iba ang makausap mo... Marami rin siyang mga piyesang strictly for compe kaya siguradong masasayahan ka (yun nga lang ay pang compe talaga at malamang ay medyo mabigat sa bulsa).
Kung talagang seryoso ka ay may konti rin akong kakilala na mahilig diyan sa MTB at BTR (yung ilan nga ay pros) at baka matulungan ka nila... ???

PS: paki silip na lang itong link na ito at nag post din ako ng ilang pis nung mga katropang mahilig sa bisikleta. Yung nasa litrato ay pro rider at yung mga litrato ay during private practices pero kung tutuusin ay mas trip kong manood ng private practice dahil mas grabe ang mga pinaggagagawa nila kung ikokompara kaysa sa compe at sa galing nung riders at talagang trip na trip kong humiga sa lupa para matalunan ng bisikleta sa ibabaw. Syempre best view pag nasa ilalim... hehehe! (pati nga lumilipad na motor ay trip ko talagang humiga sa ilalim para best view...) enjoy!!! http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=270 3&page=5

acoustics
07-10-2006, 03:19 PM
@tr250 ayus ang mga kuha mo pamatay hehehe...

anyway thanks sa tips mo.... sinubukan ko ng mag ikot nga dito sa place namin
meron shop kaso nga lang kokonting pyesa ang benta nila at panay buo....

check ko yung mga links mo kung kaya kong basahin.... thanks again ang more power to you!!!

cosmicbblgum
08-18-2006, 05:32 AM
Present! Ako po ay isang mountainbiker at kasalukuyang nasa pinas sana maka uwi ka na sir warlock (rorschach here! *wink).

-Drew

Firipinjin
09-28-2007, 10:52 AM
As I was scouring the internet for cycling groups, i found this small (but growing) group of gaijin cycling enthusiasts --> www.tokyocycle.com

warlock^_^
12-05-2007, 07:00 PM
Present! Ako po ay isang mountainbiker at kasalukuyang nasa pinas sana maka uwi ka na sir warlock (rorschach here! *wink).

-Drew

asus! uuwi na ako! kelangan ng tune up bike ko. sali ka ba sa 12 hr race sa Alabang? Out of shape nako dunno kung ilang oras kaya ko nito, sabi 2.5km daw ang race course, average of 11mins per lap.

Gogogo!