View Full Version : ChiDeji nationwide implementation to complete by end of 2006
Yujin
05-14-2006, 08:18 AM
Marami na siguro dito ang nakadinig sa technology na ito ChiDeji (地上デジタル放送) or Digital Broadcasting na sinimulang implement dito sa Tokyo (Kanto) Area, Nagoya at Osaka Areas from December of 2003.
The Assoc. for Promotion of Digital Broadcasting(APDB) set their time table, na ikumpleto ang implementation nito sa lahat ng mga major cities sa bawat prefectures by the end of this year. From the start of the coming year, magkakaroon ng dalawang uri ng broadcast ng signal sa bansang ito the Analog Broadcast at itong Digital Broadcast primarily para ating mga Television(TV) sets.
Ano nga ba ang tinatawag na Digital Broadcasting ?
Ayon sa APDB,
Digital terrestrial TV broadcasts(Chijouha) have the high picture and sound quality of digital high definition (Hi-Vision) and attractive interactive features. It also provides data broadcasting in Japanese text provides information tailored to each locality.
Maraming interesting services na maaring i provide ang technology na ito una na ang interactivity. Before, our TV sets only receive data one-way in the form of TV shows & program to watch. Ngayon, we can send back data and other information thru the same broadcast channel with simple operation using our TV's control and/or remote control units. The process becomes two-way.
Anong advantages at anu anong serbisyo mapaggagamitan nito?
- Clear & hi-resolution TV reception
- Sabay sabay na panonood ng iba ibang channel na hindi nagbabago ang ganda ng reception.
- Home-TV-shopping without picking up your phone (interactive function)
- Easy acces to News and other information
- Pagsagot sa iba ibang survey (interactive function)
meron ding usap usapan na gamitin ito sa pagboto sa panahon ng eleksyon
Anong epekto nito sa kasalukuyan nating ginagamit na TV?
Although, nationwide digital broadcast ay makumpleto by the end of this year. Ang analog broadcast ay mananatili pa rin. Kaya kung ang TV natin sa bahay ay luma pa rin or ung wala pang function na makatangap ng Digital Broadcast walang problema, no need to worry at magagamit pa rin natin ito for some time.
However, 5 years from now (July, 2011). Ihihinto na po ang Analog Broadcast. Ibig sabihin ay hindi na rin natin magagamit ang ating mga lumang TV sets unless na kakabitan natin ito ng Digital Tuner.
Kayo mga ka-TF may balak ba kayo o kailan ang balak ninyong mag palit ng TV? o baka naman nakapagpalit na kayo ?
Anong modelo ang balak ninyong ipalit ? :D
For more information about this you can access this link APDB (http://www.d-pa.org/english/index.html)
check out their FAQ also for more info its in japanese though. :)
japphi
05-14-2006, 08:43 AM
Dito sa subdivision namin ay bale umaandar na ang digital broadcasting....yung tv namin ay analog pa rin pero yung system dito sa amin(subdivision)ay digital na...thru J.com.
Na ang explanation nila....bale J.com ang sumasagap nang wave para dito sa subdivision namin from Tokyo tower na nag-umpisa last month.Naku...ang ganda nang dating nang tv namin...maganda at malinaw na malinaw ang dating....may nadagdag na 2 channel din.In the near future ay nag-iisip na rin na magpalit nang tv....pero giri-giri made ay gagamitin pa namin ang tv namin sa ngayon...sayang kasi....saka mahal pa ang mga bagong tv ngayon....hintay pa nang 2 or 3 years....bababa ang prices nya saka na ang pagpapalit.
crispee
05-14-2006, 09:29 AM
Ang TV namin ay luma pa rin. Wala pa kaming balak magpalit at katulad ni Lola ay giri-giri made ang serbisyo or hanggang ok pa siya. Bibili na lang siguro ako ng stand-alone digital tuner pag di na siya makasagap ng tv channels.
Pati na rin mga bagong modelo ng pasokon, sumasabay sa uso. Meron na rin silang built-in digital tv tuners.
Ang nakikita kong advantage nito para sa akin ay yung gamit niya sa moving vehicles. Ayon sa malapit na branch ng Autobacs, hindi raw magalaw or lumalabo ang reception nito sa digital broadcasting. Meron na rin silang mga demo vehicles installed with car tv na may digital reception. Hindi ko pa nasubukan sumakay kaya di ko ma-confirm kung totoong malinaw.
To see is to believe, ika nga.
Thank you Yujin for starting the thread.
PACIFIC GP
05-14-2006, 09:51 AM
Yujin-san,
Perfect timing ang posting mo dahil nagbabalak akong bumili ng lcd tv this summer. So, I think kailangan na pag-isipan ko rin pala ang digital tuner.
Thanks! :thumb:
hehehe... ako sakit sa ulo wala pang isang taon ang analog na tv ko... hehehe... hanggang giri giri na lang cguro gagamitin to...kung sakali gagamitin na lang pang games to:O ... maganda ang reception ng digital broadcasting.. yung ngang ketai na AU ng kasamahan ko na hapon na may Chijo digital na is grabe ang linaw ng dating....
Yujin-san,
Perfect timing ang posting mo dahil nagbabalak akong bumili ng lcd tv this summer. So, I think kailangan na pag-isipan ko rin pala ang digital tuner.
Thanks! :thumb:
hello pacific kung bibili ka na lang rin ng LCD TV is piliin mo na lang yung may capable na ng Digital Broadcasting para hinde ka na gumamit ng digital tuner sa future...:D
sisteract
05-14-2006, 12:30 PM
Thanks for the info!
We just bought a sony lcd bale may card siya na ini insert sa side ng panel B-CAS card . yun ba yung sinasabi mo? How does it work? ni re refill ba yon? or do i subscribe sa isang company di ko maintindihan yung sinasabi sa card Japanese kasi.
Yujin
05-14-2006, 02:23 PM
Dito sa subdivision namin ay bale umaandar na ang digital broadcasting....yung tv namin ay analog pa rin pero yung system dito sa amin(subdivision)ay digital na...thru J.com.
Na ang explanation nila....bale J.com ang sumasagap nang wave para dito sa subdivision namin from Tokyo tower na nag-umpisa last month.Naku...ang ganda nang dating nang tv namin...maganda at malinaw na malinaw ang dating....may nadagdag na 2 channel din.In the near future ay nag-iisip na rin na magpalit nang tv....pero giri-giri made ay gagamitin pa namin ang tv namin sa ngayon...sayang kasi....saka mahal pa ang mga bagong tv ngayon....hintay pa nang 2 or 3 years....bababa ang prices nya saka na ang pagpapalit.
Ms. Japphi
Tama po kayo riyan ang mga cable providers ay nagbibigay din ng serbisyo para sa Digital Broadcast but of course meron kayong babayaran sa kontrata ninyo sa kanila. Sulit naman hindi po ba dahil maganda at malinaw ang reception.
Regarding sa TV set, agree ako sa inyo riyan na sa mga darating na taon ay mag baba pa ang presyo ng mga TV with digital tuner dahil po lalaki ang demand at cguradong magpapa guapuhan sa presyo ang iba ibang maker :D .
Kung maayos pa naman po ang tv sets natin mainam ngang maghintay na lamang na mga ilang taon pa. :)
Yujin
05-14-2006, 02:32 PM
Ang TV namin ay luma pa rin. Wala pa kaming balak magpalit at katulad ni Lola ay giri-giri made ang serbisyo or hanggang ok pa siya. Bibili na lang siguro ako ng stand-alone digital tuner pag di na siya makasagap ng tv channels.
Pati na rin mga bagong modelo ng pasokon, sumasabay sa uso. Meron na rin silang built-in digital tv tuners.
Ms. Crispee,
Kung nasa maayos pa nga naman ang TV ay mainam ngang maghintay pa bago magpalit. Tama ka rin na sumasabay sa ngayon ang mga modelo ng PC at halos standard na ang merong nakakabit na TV/Digital tuner. At sigurado iyan na pati ang mga PC maker ay iisip ng kani kanyang gimik para makisabay sa magiging malaking demand ng TV sets. at tayong mga consumer ang siguradong makinabang diyan.
Ang nakikita kong advantage nito para sa akin ay yung gamit niya sa moving vehicles. Ayon sa malapit na branch ng Autobacs, hindi raw magalaw or lumalabo ang reception nito sa digital broadcasting. Meron na rin silang mga demo vehicles installed with car tv na may digital reception. Hindi ko pa nasubukan sumakay kaya di ko ma-confirm kung totoong malinaw.
To see is to believe, ika nga.
Oo isa iyan sa pinagyayabang ng Digital Broadcast .. ang reception sa car tv, sa cellphone at iba pang mobile devices ay talaga namang poging pogi. Nasubukan ko na rin minsa sa cellphone at totoo nga na hindi napuputol ang signal kahit na tumatakbo or nasa sasakyan.
Although weak point niya sa ngayon ay hindi pa umaabot ang signal sa "Subway" or Chikatetsu pero meron na yata silang paraan na ginagawa sa ngayon para maayos iyan. :)
Yujin
05-14-2006, 02:42 PM
Perfect timing ang posting mo dahil nagbabalak akong bumili ng lcd tv this summer.
So, I think kailangan na pag-isipan ko rin pala ang digital tuner.
PACIFIC-GP
Hindi mo na kailangan bumili ng separate na digital tuner kagaya rin ng payo ni wes,
since na bago naman ang bibilhin mong TV. Make sure na meron na itong function para
sa reception ng digital broadcast and happy to inform you na karamihan ng mga major brand ng tv ngayon ay kasama na ito. Nasilip ko rin iyong thread mo about sa pagbili ng bagong tv at kung matuloy na Sony Bravia ang bibilhin mo, hindi mo na kailangan magalala kasi built-in na iyan dyan. :)
Yujin
05-14-2006, 02:55 PM
hehehe... ako sakit sa ulo wala pang isang taon ang analog na tv ko... hehehe... hanggang giri giri na lang cguro gagamitin to...kung sakali gagamitin na lang pang games to ... maganda ang reception ng digital broadcasting.. yung ngang ketai na AU ng kasamahan ko na hapon na may Chijo digital na is grabe ang linaw ng dating....
wes,
Kakabili mo lamang pala ng tv set mo, naiisip mo siguro ngayon na ung compatible sa Digital Broadcast na lang sana ang nabili mo :) . Tama nga iyang giri giri made at ng masulit naman. Kapag nagkataon pala ay 2 ang tv sets mo. (zeitaku desu ne :D)
Tama ka na sadyang malinaw ang reception sa cellphone natry at nakita ko naman iyan sa Docomo unit malinaw talaga at hindi basta napuputol ang signal.
Yujin
05-14-2006, 03:23 PM
Thanks for the info!
We just bought a sony lcd bale may card siya na ini insert sa side ng panel B-CAS card .
yun ba yung sinasabi mo? How does it work? ni re refill ba yon?
or do i subscribe sa isang company di ko maintindihan yung sinasabi sa card Japanese kasi.
hello sisteract,
Maganda ang tanong mo.
Medyo may kahabaan ang detalyadong paliwanag para sa B-CAS card.
but subukan ko sa madaling salita :).
Ang gamit ng card na ito ay para ma-encode at ma-decode ang mga data at information na lalabas at papasok sa inyong TV thru digital broadcast. Ito ay para sa inyo ring proteksyon dahil kagaya nga ng sa una kong post magiging interactive ang TV natin. Magkakaroon ng pagkakataon na kailangan mag input tayo ng personal information sa TV natin (sounds weird huh?!) at bilang proteksyon na hindi ma"kopya" or magamit ng iba ang mga information na ito kinakabit ang card na iyan.
I think hindi ka makanonood ng ibang channel or hindi gagana ang digital tuner kapag hindi iyan nakasaksak. You can also think of it as a key or susi.
Hindi mo na kailangan na irecharge or i re fill iyan. Hindi mo na rin kailangan mag subscribe sa ibang company.
Taga-tokyo ka naman so wala ka ng kailangan intindihin
just plug in your brand new tv set and enjoy
nakatulong sana. :)
crispee
05-14-2006, 08:33 PM
Adobe Acrobat Reader is required to open the page.
B-CAS > (Click) BS Conditional Access Systems (http://www.nct9.co.jp/digital/cas/b-cas_e.pdf)
Yujin
05-14-2006, 08:51 PM
Adobe Acrobat Reader is required to open the page.
B-CAS > (Click) BS Conditional Access Systems (http://www.nct9.co.jp/digital/cas/b-cas_e.pdf)
Mr. Crispee :D
Maraming salamat sa supporting link na ito para sa B-CAS card. Please refer to the link for detailed information tungkol dito. :)
PILIPINAS
05-14-2006, 10:28 PM
Yujin-san, salamat sa information... as always. alam mo bro., wala pa akong balak at budget para bumili ng bagong TV. pero, nung nabasa ko ang thread na ito, i'm starting to think and consider buying the digital tuner. okay ba ito, kung ito na lang ang bibilin ko. o mas practical na lang ang bumili ng bagong TV set(hi-vision,digital), for future purposes. the way i understood it, parang magiging obsolete or part of stone-age na ang analog TV:confused: :confused: :confused: if ever i'll buy a new set, regardless of the price, but in terms of long-term quality, should i consider SONY, TOSHIBA, SUMSUNG ect....pasensya na sa mga tanong ko ha, i am not well-versed as you.;)
Yujin
05-15-2006, 12:44 PM
PILIPINAS-san,
Youre welcome.
Ang mai-suggest ko sa iyo regarding sa pagpili ay depende siguro sa condition ng ginagamit mong TV ngayon. Kung maayos pa naman ang TV mo sa ngayon at gusto mo na masubukan ang lahat ng functions at features ng Digital Broadcast bili ka na lamang muna ng tuner. Meron naman tuner na around 10000 to 20000 yen lamang.
Budget wise mas ok na bumili na lang ng separate tuner. Pero sa mga darating na taon di natin alam kung gaano magiging pagbabago sa prices ng TV dahil sa magiging malaking demand.
Heto meron ditong link na merong list ng mga prices ng tv tuner at tv sets na meron built in tuner.
Sorted according sa pinakamurang price. Access here (http://kakaku.com/ksearch/search.asp?Query=%83 f%83W%83%5E%83%8B%83 e%83%8C%83r%83%60%83 %85%81%5B%83i%81%5B&LQ=%28%83f%83W%83%5E %83%8B%83e%83%8C%83r %83%60%83%85%81%5B%8 3i%81%5B%3COR%3E%83f %83W%83%5E%83%8B%83e %83%8C%83r%83%60%83% 85%81%5B%83i%81%5B*% 29&A=%90%BB%95i&L=l&S=priceb&P=1&Category=ALL&C1=&C2=).
Sa brand naman ng TV , nangunguna pa rin ang Sony. at yung Bravia ang isa sa mga "ninki" sa ngayon. But of course may kamahalan pa. ;)
PILIPINAS
05-15-2006, 02:12 PM
Yujin-san, salamat sa link. Parang gusto kong bumili ng ekisyou:confused: monitor. Well, pag-aaralan ko muna ang mga tungkol dito, bago ako mag-decide. Sa uulitin ha....:D
Yujin
12-05-2006, 11:03 AM
Though all 47 prefectures are now covered by terrestrial digital broadcasting, certain transition targets--such as the number of households with digital TVs--are still far from reality.
Analog televisions broadcasting is scheduled to end in July 2011, when it will be replaced by the new format, which transmits video and sound digitally.
But at only 15 million sets nationwide, the number of TVs capable of receiving terrestrial digital signals is far off the target of 100 million.
Read more (http://www.yomiuri.co.jp/dy/business/20061205TDY04002.htm )
Marami pa rin ang hindi nag papalit ng television sets, may kamahalan pa, maghintay na lamang tayo na mag mura pa ito.
Electronics companies and discount retailers will be urged to provide smaller sets with screens smaller than 20 inches so that more people can afford to make the purchase.
Faerie
09-09-2007, 10:47 PM
Ano po ba masu-suggest niyong flatscreen TV? I dont like Sony Bravia :(
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.