View Full Version : online best friend
ichimar
05-16-2006, 01:50 PM
hello mga prendship,nagkaroon na ba kayo ng best friend sa net,o kahit dito sa tf,anu po ba ang maibibigay ningyong advance,disadvantage ,advantage,etc.....i have a lot of friends dito sa net,pero pumipili ako ng taong dapat kong pagkatiwalaan,may ma i share ba kayo,or pwede ding i share nyo kung sino sya,or anu anu na ang mga pinagdaanan nyo bilang magkaibigan dito sa net....mauna na po kayo....:) :)
chubby_kulot
05-16-2006, 04:12 PM
every person na makakausap natin sa net..pwedeng maging friends natin or become our best friend someday..pero kung ang mga real life friends en best friends nga may mga pagsubok na dumarating..mas lalo na sigurong marami din pagsubok pag online friends or best friends or barkada`s..pero nasa atin na lang un kung madali tayong susuko :king:
dito sa timog forum halos lahat ay tinuturing kong friends..but still 2 lang ang taong pinagkakatiwalaan ko...except na po sina LOla jApphi at mOmmy dEpp ko.. :kiss: kasi family ko na sila dito eh :sweeties:
share ako ng story....
we used to call each other friend or sis..i have known this girl once only at the airplane papuntang japan...[september 02,2005]magkatabi kami ng upuan..kahit na medyo puyat ako dahil sa nagdaan pa-despidida para sakin ng family ko..di ko naiwasan na umatake ang kadaldalan ko..i said hi en she said hello...the conversation get long and the friendship get started....[she is newly wed to her hubby japanese...]..at nagkwentuhan kami sa buong flight namin..she used to laugh everytime i have a joke kahit na nga cornik pa sya..always naka smile...di ko nga alam that time kung un kwento ko nga ba ang nakakatawa o ung itsura ko..dahil kahit napipikit na mata ko..sige parin ako sa kakasalita...i find her nice and very good listener,have a good heart..akala mo madre :roll: [joke lang..sister ko un ha..]and she find me "jOkEr"..pero pag sya bumanat..kahit na anong antok ko talaga o tahimik ko...mabubuang ako... :biglaugh: "that`s OUr sikwet na..."
until dumating ang hikoki sa narita airport...nasa hikoki pa hubby nya kaya she needs to wait....PAL kasi ang sinakyan..kami kasi JAL..[medyo sosi...] :hihi: before i left her at the airport..i gave her my kietai bangu... then alis na ako kasi si hubby ko naman that time nasa labas na at hinihintay ako...after a days...i have a call from her...ang layo nila..fukushima..eh tokyo naman ako..at nagkataon na ang nature ng shigoto ni hubby niya ay out of town...kaya di rin sila nagtagal ng japan...after a month umalis sila punta ng egypt..then japan en then china..etc...but the communication didnt stop... thanks for the computer and the internet..and we became the best of friends... :sweeties: everytime we chat each other..it`s feel like we still at the airplane.. laughing at the same jokes..telling something... like`s and dislike`s...secrets en kabaliwan... :king: sometime`s nagkakaron kami ng tampuhan pero madali din nagagawan ng maayos na pag uusap...at back to chika ever agen en agen :sweeties:
sis ichimar...pasensya na napahaba ang kwento ko ... peace tayo :kiss:
advantage kasi ng online friends or best friends..kahit na malayo kayo sa isat isa.. magagawa nyong makapag communicate tru pc..you can share your secret`s... happy en down moments.. tulad din ng real life friends...ang pagkakaiba lang..sa net mo lang sila nakilala...but still friends parin diba...
disadvantage naman nito...di lahat ng makikilala mo tru net eh totoo at tapat na tao...meron din manloloko or let say na baka "SIYA" pa ang maging dahilan ng pagkasira ng image mo...mainam talaga na piliin mo ang mga taong pagsasabihan mo ng mga secret`s mo.. goodluck :king:
PILIPINAS
05-16-2006, 06:08 PM
@chubby kulot, i enjoyed reading your story. :)
allow me to share too. i have an online friend too. well, personally i know her, kase kasama ko s'ya sa trabaho noon sa pilipinas. medyo malayo ang tinitirahan namin sa isa't isa kaya we communicate through our pc. masaya kung may kaibigan, pero minsan stressfull to maintain . kase, kapag may problema siya sa byenan niya, naaapektohan ako psychologically. i mean, pati ako bad mood. pero kahit kababayan ko siya, not all the time, i'm on her side. pero ang hirap naman pagsabihan at mabilis sumama ang loob. well, ganoon din naman siya sa akin. hindi rin niya tinitolerate ang 'topak' ko. i'll site an example. nung bagong dating sya dito sa Japan, hindi daw siya makakain. at ang sama daw ng lasa ng Japanese food. naawa ako, after one month, kahit malayo ang bahay nila, dinayo ko ang lugar nila. Diyos ko, hindi ko nakilala sa sobrang katabaan. "eh, akala ko ba hindi ka makakain?", ito ang unang lumabas sa bibig ko nung nagkita kami. obviously, nagpapa-awa! hindi naman ako nagsisisi at dinalaw ko siya. nakaka-stress hindi ba? hay naku....:confused:
nikita
05-16-2006, 06:12 PM
hello mga prendship,nagkaroon na ba kayo ng best friend sa net,o kahit dito sa tf,anu po ba ang maibibigay ningyong advance,disadvantage ,advantage,etc.....i have a lot of friends dito sa net,pero pumipili ako ng taong dapat kong pagkatiwalaan,may ma i share ba kayo,or pwede ding i share nyo kung sino sya,or anu anu na ang mga pinagdaanan nyo bilang magkaibigan dito sa net....mauna na po kayo....:) :)Aling Ichimar eh ikaw naman po,sinong Bestfriend mo doon??:hihi: :tongue:
ichimar
05-16-2006, 06:21 PM
Aling Ichimar eh ikaw naman po,sinong Bestfriend mo doon??:hihi: :tongue:hoy vakla,hwag mo okrayin thread ko ha,sabunutan ko buhok mo sa:shutup: :sssh: ikaw mu na nohhh:p :)
maimai
05-16-2006, 06:29 PM
hoy vakla,hwag mo okrayin thread ko ha,sabunutan ko buhok mo sa:shutup: :sssh: ikaw mu na nohhh:p :)
ahahaha~^hanggang dito ba prend okrayan din??:eek: :confused:
sa susunod na lang ako sasagot prend...esep-esep muna ako..mahaba din kasi ang isasagot ko sa tanong mo baka aabutin ka ng syam syam ..:eek: :D
ichimar
05-16-2006, 06:31 PM
ahahaha~^hanggang dito ba prend okrayan din??:eek: :confused:
sa susunod na lang ako sasagot prend...esep-esep muna ako..mahaba din kasi ang isasagot ko sa tanong mo baka aabutin ka ng syam syam ..:eek: :Dgawin mo nang sapu sampu,he he he,tsige maghihintay ako,kahit sa isang taon pa:rolleyes:
japphi
05-16-2006, 07:08 PM
Pa-share din ako ha Ichimar.....
Ako may online friend din na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon in person.It happen na nag-sa-surf ako sa internet about ICQ texting....may nakita ako and the same question kami about texting to PI by ICQ....nagtanong ako sa kanya at yon ang umpisa nang communication namin.
Pinay din sya na kasal sa taga Syria at andoon sila noon sa Dubai nakatira....it happened na taga Pampanga din sya.....lagi ay by email ang communications namin.Nalipat sila nang Canada at may communication pa rin until now.Paminsan-minsan ay nagtatawagan kami or by text....sa ngayon ay may 4 years na kaming friends hoping to meet her someday.
For me maraming advantage ito.....andyan na yung pwede kang magsinungaling....ma ging annonymous....mag-pretend..etc.
Disadvantage naman.....pag nalaman mo yung katotohanan na nagsinungaling sya sa'yo ay malaking kawalan din...dahil kung minsan ay nakukuha mong magtiwala sa mga salita lang.
@chubby......THANKS for accepting me as your online friend...a family as well...my pleasure.
chubby_kulot
05-16-2006, 07:26 PM
sis ichimar...eto naman ang disadvantage ng online friends...
share ko sau ang kwento ko..sana naman ay pagtyagaan mong basahin... :sweeties:
i met this girl nung talento pa ako...[way back...19 kopong kopong...] ...2004-2005 for almost 1 1/2 months lang kasi pauwi na ako 2005..pero naging close kami..parang pintong naka-lock..as in... :hihi: secret ko secret nya rin... umuwi ako en nag asikaso ng papel ko for marriage..nawalan kami ng communication now...di ko alam na 4 months lang pala sya at pinauwi sya ng sacho namin sa pinas...since then hinanap nya daw ako..kasi may katalento kami na alam ang no ng kietai ni mader ko..kaya ayun ... last january nakontak ako..ako naman dahil namiss ko rin naman sya... bigay ko ang email add ko sa pc para kako chat na lang kami...di na daw sya bumalik kasi mahirap na at nag asawa na rin sya... buntis sya that time...dami problema sinabi sa akin..unang una na about okane..todo emote as in parang nasa "maalaala mo kaya" portion kami... ako naman..syempre.. i`ll give her my 101% advice en opinion...at sinabi ko sa kanya..pasensya kana wala akogn maitutulong sau...pero andito naman ako para makinig sau "always"...okie naman ang kinalabasan...gumaan ang pakiramdam nya...si hubby nya kasi di naman sa tamad mag work... masyado lang mamipili sa uri ng trabaho..ayaw ng pinagpapawisan.. parang feel nya eh maging pangulo ng bansa.. :hihi:
eto na siste... hisashiburi kaming nagchat..inuutangan ako...kahit man lang daw 3 o 4 na lapad lang daw..nakapanganak na sya at dahil dun nagkautang sila ng asawa nya dahil cesarian daw.......nyek :eeek: ako pa utangan eh ako nga wala rin...sinabi ko ang totoo..sabi ko wala akong arep...pero sabi nya..basta kung kelan daw ako magkapera..sana daw pahiramin ko daw sya... umasa pa...eh family ko lang sa pinas hirap din...sino ba uunahin ko...?since non...lahat ng usap namin at email nya sa akin...puro nalang tungkol sa panghihiram ng pera sa akin...kahit anong gawin kong paliwanag na wala o napadala ko na sa family ko..ayaw parin tumigil... ang ginawa ko...lagi akong nag unavailable sa ym...at di ko sinasagot ang mga e-mail nya..aba..nakahalata pala...sumulat sa akin... "friend.. pinagtataguan mo ba ako?kung dahil sa nanghihiram ako sau ng pera kaya mo ako pinagtataguan...sala mat na lang..hinanap pa naman kita... inubos ko ang load ng cp ko para makontak ang kung sino pwede mahanap lang kita..." nyek...nanumbat na.. :roll:
eh ako naman ...nakonsensya nga ba o tinamaan ng bato nya.. :bonk: khit na totoong pinagtataguan ko sya..last week nag online ako at nagpakita sa knya sa ym...nagkausap kami at sinabi kong medyo busy lang ako.. at di ko sya pinagtataguan..sagot nya.."okie lang un.."sabay hirit ng.."may pera ka na ba jan..kasi di ko pa napapabinyagan ang inaanak mo eh...baka pwede pahiramin mo ako kahit na 2 lapad na lang..." sinabi ko sa kanya now ang lagay ng lola ko na nasa ICU..50-50 kako..akala ko naman okei na...daming payo natanggap ko sa kanya...[tenchu...] :sweeties: sa bandang huli pala eto ang sabi nya.."basta ate kung magkapera ka...pahiramin mo ako...babayaran ko rin naman eh...promise..." nainis na ako...di ko sya sinagot..at direcho akong nag out.... kasi naman...ready to emote na ako that time dahil nga sa lola ko..wala lang syang care..oo nga at nagpayo sya..pero wala rin....di naman porke nasa japan ako at may asawa eh marami na akong pera... :rant: totoo akong kaibigan..always ready to help...give my 101% full support para sa pakikipagkaibigan natin..pero wag mo akong asahan sa pera..hindi sa maramot ako..at di rin mahalaga sa akin kung babayaran mo man ako o hindi kung sakaling may mapapahiram ako sayo..pero nagkakataong naman na naghihikahos din ang family ko sa pinas...sino pa ba ang uunahin ko..buti sana kung tulad ng dati na nagwowork ako diba..kaso hindi eh...asahan mo na ako sa lahat wag lang sa pera...kahit na friend o best friend kita...patawarin mo ako... :cry: :cry: pero magtatago na lang muna ulit ako..kasi naman sawa na ako sa mga usapan natin tungkol lagi sa paghiram mo ng pera... kahit pa ilang beses kong sabihin na wala akong papahiram sau...asa ka parin... sorry :cry:
hindi kaya hinanap mo ako para lang talaga utangan.... :rolleyes:
ay naku sis ichimar...drama yata ng kinalabasan ng kwento ko..pasensya ka na ha...peace tayo... :king:
naniniwla ako na di nasusukat ang pagkakaibigan ng dahil sa mga material na bagay na meron ka o wala ka...o sa taon o araw ng pagkakakilala nyo...nasusukat ito sa mga panahong kailangan nya ng taong dadamay sa kanya kahit na ikaw pa ang huling taong maiisip nyang dadamay sa kanya...at sa pagsasabi ng totoo.... :king:
tfcfan
05-16-2006, 09:11 PM
good pm!Hello mga prendship!:wave:
Para akong nagangampanya!eh sino nga ba ang besprend ko doon?:hihi:
Gusto kong magbanggit kaya lang baka daming kumontra!:lol:
dami ko kaseng prend outthere eh,pasensya na ha!kailangan bang isa-isahin ko:D
Pwede bang anonymous na lang kase lahat sila labs ko!:sweeties:
:)Advantage: may karamay ka sa lungkot at bagot.
may kachika lagi kahit sa anong bagay mapaseryoso or mapawala lang!
:(Disadvantage - di mo alam kung sincere yung iba sa pakikipagkaibigan.
di ko sila makikita palagi(pwera sawebcam),kase magkakalayo kami ng mga lugar.
sensei
05-16-2006, 09:24 PM
naniniwla ako na di nasusukat ang pagkakaibigan ng dahil sa mga material na bagay na meron ka o wala ka...o sa taon o araw ng pagkakakilala nyo...nasusukat ito sa mga panahong kailangan nya ng taong dadamay sa kanya kahit na ikaw pa ang huling taong maiisip nyang dadamay sa kanya...at sa pagsasabi ng totoo.... :king:
yang utangan blues na yan, wag ka masyado magworry.
basta alam mo na you've been a very good friend kahit hindi mo mapahiram ng pera.
yung pakikiramay na lang sa problema ng kaibigan, good shot na yun, no need na magpahiram ka ng pera lalo na ikaw ang in need.
choose your friend ne:) ok lang makipagchat pero walang personalan:D
sensei
05-17-2006, 09:09 AM
Ok here's mine:
Meron din akong friend online...we talked about anything and everything, kahit walang kwenta:D 100% anonymous talaga kaya we shared our stories (the real one, walang halong kaeklayan) kase hindi ka mahihiya...
We have the same point of views kahit she's twice older than me. A real counsellor kaya pag me problema...share kami sa isa't isa. Parang naging outlet namin ang chatting tsaka e-mails. Kahit 11pm or madaling araw na nakakareceive pa rin ako ng mga quotes, e-mails, his and hellos, ako naman sa umaga nagrereply.
Walang utangan blues kase pareho namin alam ang word na joshiki dito sa japan. Na kahit we're both working here...ang pera pinaghihirapan bago maipundar. Na pag inutang, matagal bago ibalik, na nagiging sanhi ng tampuhan...sumbatan, pagkatapos away. Akala nila basta nasa japan maraming pera, hindi nila alam marami ring gastos. Pareho naming bukambibig yan.
I really treasure my online friend...pinuntahan ko pa siya. Kahit 1 hour lang ako sa kanila nag-enjoy ako. We hugged and kissed each other before I went home....sarap ng feeling.
She treated me the way...na parang mukashii pa lang we've known each other.
Mahirap makahanap ng totoong tao...lucky to be anonymous lalo na dito sa TF :D Mapili kase ako, kahit sabihin nila "Ay si sensei walang frend". Ok lang basta tahimik buhay ko.
Atleast I'm a concerned TF member sa hindi ko kilalang TFers....na kahit maubos ang battery ng keyboard ko panay reply sa hindi ko kaano ano. We're an anonymous family...kitsui nga lang ako magpost sa mahirap makaintindi. Sorry to all ha...gusto ko lang kayo gisingin kase nasa japan tayo, wala sa pinas :king:
PILIPINAS
05-17-2006, 09:55 AM
Ok here's mine:
Mahirap makahanap ng totoong tao...lucky to be anonymous lalo na dito sa TF :D Mapili kase ako, kahit sabihin nila "Ay si sensei walang frend". Ok lang basta tahimik buhay ko.
Atleast I'm a concerned TF member sa hindi ko kilalang TFers....na kahit maubos ang battery ng keyboard ko panay reply sa hindi ko kaano ano. We're an anonymous family...kitsui nga lang ako magpost sa mahirap makaintindi. Sorry to all ha...gusto ko lang kayo gisingin kase nasa japan tayo, wala sa pinas :king:
i agree with you. basta tahimik ang buhay, kahit walang kaibigan, okay lang!
i just talked to my online friend. sabi niya, nagpadala siya ng pera sa pilipinas. sa loob-loob ko. abah, himala at napakakuripot kase niya. anyway, nagpadala siya thru the ordinary mailing system, i mean dadaan ng philpost. no offense, pero wala akong tiwala sa philpost. pinaka-safe pa rin ang banko thru remittance or money transfer. ngayon nagrereklamo, at hindi pa raw nakakarating sa kanila ang pinadala niyang pictures na may nakaipit na pera. nagtaka pa siya. nawalan na rin siya noon, at tigas talaga ng ulo. ang hirap naman pagsabihan. hay naku! tumataas nanaman ang blood pressure ko. one thing i hate, is 'yung husband n'yang Japanese, magsasalita nanaman 'yon ng masama tungkol sa bansa natin. napipikon ako minsan. kaya sabi ko sa kaibigan ko. magingat ka naman na huwag mabuking ng asawa mo ang mga kabulukan ng pilipinas. tapos, eto nanaman. sana, na-delay lang at makarating sa kanila ang pera. pero, ayokong umasa. i advised her to call the post office sa manila. antayin ko ang balita niya.:mad:
Galadriel
05-17-2006, 10:36 AM
Sa akin madaling makakita ng mga online friends, pero kailangan ng mahabang panahon para magkaroon ng bestfriend/s.
Advantage:
1. Laging masaya usapan, kasi hindi mo pa naman kilala para kwentuhan ng mga private stories mo.
2. Kung pareho kayong on-line o may pinag-usapan oras hindi maabala yung iba mong appointments o gawain.
3. Hindi mo kailangan maghanda ng meryenda o mag-treat ng pagkain.
4. Hindi mo kailangan mag-make-up o mamubrelama ng ibibihis kung magkikita kayo.
5. Walang problema kahit mang-indyan pa sya sa oras.
Disadvantage:
1. Mahirap makita kung talagang sincere sa'yo yung mga online friends mo.
2. Limitado at pili ang mga kwento mo (minsan advantage din)
3. Kung gusto mong tumulong o damayan sya sa problema, pero malayo sya, hindi pwede.
4. Hindi mo sya mabibigyan ng masarap na pagkain pag nakakatsamba tayo sa pagluluto.
5. Masakit sa daliri mag-type, may talon sa audio pag cam to cam.
:)
i've got one online friend here.. sa TF... but Im not sure if he considers me to be a friend... we've only chat for some time... but lately, di na sya reply sa mga msg ko sa kanya... i dont know why...
it's really hard to trust anyone you meet on the net.. yun ngang totoong kaibigan mo.. in flesh and blood na yun ha.. e pwede kang lokohin, what more sa mga nakakausap mo online... but sana magka time ulit sya na kausapin ako.. before na umuwi ako ng Pinas next month..:D
never met him in person yet... magmi meet na sana kami pero hindi natuloy...:rolleyes:
michiko
05-17-2006, 02:38 PM
online friends ba frenship?:D merong iilan ilan.. na nagtatyaga saken.. di rin kasi agad ako at ease kahit na nakausap ko na sa net once or twice.. di pa rin lahat ng secrets o tungkol sa private life eh ikukwento ko kaagad..
pwera na lang siguro kong everyday kong kausap..tinuturing ko kasing totoong kaibigan ang isang tao kung nakakaya kong sabihin sa kanya kung ano ang sa tingin ko ay mali bahala na kung magalit sya saken o tanggapin nya ang payo ko. basta ang saken lang ayaw ko syang mapasama kasi nga mahal ko sya dahil kaibigan ko sya..
advantage:
1. nakaka alis ng boredom lalo na kung walang work at lagi lang sa bahay.
2. minsan hingahan ng sama ng loob
3. tagapayo
4. kahalakhakan pag masaya ang usapan
5. taga turo ng mga bagay na di mo alam lalo na in terms of technology
dis advantage
1. di mo nga malalaman kung sincere o hindi ang kausap mo hanggat di kayo nagkikita personally.
kokorokara
05-17-2006, 04:49 PM
good pm!Hello mga prendship!:wave:
Para akong nagangampanya!eh sino nga ba ang besprend ko doon?:hihi:
Gusto kong magbanggit kaya lang baka daming kumontra!:lol:
dami ko kaseng prend outthere eh,pasensya na ha!kailangan bang isa-isahin ko:D
Pwede bang anonymous na lang kase lahat sila labs ko!:sweeties:
:)Advantage: may karamay ka sa lungkot at bagot.
may kachika lagi kahit sa anong bagay mapaseryoso or mapawala lang!
:(Disadvantage - di mo alam kung sincere yung iba sa pakikipagkaibigan.
di ko sila makikita palagi(pwera sawebcam),kase magkakalayo kami ng mga lugar.
Ok lang yun tfcfan,ako may mga online friend din akong mini maintain,kaya lang siyempre ingat din talaga tayo sa pagpili ng close friends,at least dito sa TF malaking bagay din na minsan naisasabi natin yun mga sama ng loob at minsan nakakabasa sa tayo ng threads na the same siatuation sa atin kaya nakakatulong din sa atin mga araw araw na problema.
PILIPINAS
05-17-2006, 06:44 PM
i received a mail from my friend. natanggap na raw ng father niya sa pilipinas ang registered mail na pinadala niya with pictures and some yen enclosed. imagine dumaan ng phil post at hindi nawala ang pera. aba, talaga sigurong nag-iimprove na ang services ng phil post! MABUHAY!!!!:dowave:
michiko
05-17-2006, 07:34 PM
i received a mail from my friend. natanggap na raw ng father niya sa pilipinas ang registered mail na pinadala niya with pictures and some yen enclosed. imagine dumaan ng phil post at hindi nawala ang pera. aba, talaga sigurong nag-iimprove na ang services ng phil post! MABUHAY!!!!:dowave:
good news nga po yan.. pilipinas san.. :)
maimai
05-17-2006, 09:39 PM
hello mga prendship,nagkaroon na ba kayo ng best friend sa net,o kahit dito sa tf,anu po ba ang maibibigay ningyong advance,disadvantage ,advantage,etc.....i have a lot of friends dito sa net,pero pumipili ako ng taong dapat kong pagkatiwalaan,may ma i share ba kayo,or pwede ding i share nyo kung sino sya,or anu anu na ang mga pinagdaanan nyo bilang magkaibigan dito sa net....mauna na po kayo....:) :)
siguro best friends na ang matatawag ko sa kanila...kasi palagi kami nag uusap at nagtutulungan kahit sa net lang...im sure kilala mo na kung sino sila...ang mga bakla sa kalawakan~~heheheh~~
anyway,on my opinion..
siguro ang advantages ay..
..di ka mabobored boung araw dahil may kachikka ka kahit sa net lang..
..natutulungan ka in terms sa pc problem..
dis advantages naman ay..
..di mo alam kung sincere sya sayo
..di mo rin alam kung totoo yung mga pinagsasabi nya..
..mahirap magtiwala ng 100%..
docomo
05-17-2006, 09:50 PM
..sometimes it is scary ... i've met some of my bestfriends of my life through internet..but it IS remarkably sad that there are weirdos out there.. peeps that say things just to attract the other person behind the screen.. we are NOT unintelligent people and i'd say that the people here on this board are some of the most intelligent,compassi onate people i have ever had the priviledge of knowing... we all need reminders that this is a public forum/medium where anyone , for any purpose can come and post .. to be careful and be safe when we allow others into our private lives ..there are some like me who still choose to think that humanity IS GOOD ..i will be one of those that constantly get hurt from caring and loving.... be careful not to get in the wrong hands :)
cutie_rei
05-18-2006, 12:06 AM
hi ichimar & everybody!
ohisashiburi sa lahat....kauuwi ko lang galing pinas & ngayon lang ako nagka-time na maka-post uli:)
online best friend advantages:
......nakakaalis ng boredom
......di mo na kailangan ng appointment para makipag-chat
......u can pretend what u want to....(like kunyari maganda ka pero di naman, cute lang:D )
disavantages:
......katulad ng sinabi ng iba nating ka-TF, di natin pwedeng ibigay ung trust natin 100%
......kase, some of the people online eh, mga great pretenders
......they let you feel na bestfriends na kayo, then in the end "ilalaglag ka pala"
pero kahit na ganon pa man,there are still people out there na true friendship pa rin ang hanap and ino-offer....and if you happen to find that person, treat him/her as your true friend and treasure your friendship...
in my case, thank God dahil lahat ng online friends ko eh, ok naman, hindi ko pa sila nakikita personally, pero constant naman yung communication namin...sini-share nila sa kin yung mga happy and not-so-happy events nila in life and likewise.....
naniniwala pa rin ako, na 'pag sincere ka & true friendship ang offer mo, gano'n din ang ibabalik sa 'yo:)
infinite_trial
05-18-2006, 12:37 AM
mah online best friend is very sweet kahit hindi pa kami nagkikita. since i was in college naguusap na kami at hindi nagkakasawaan magusap. when i was feelin down, she's been there for me and napathoughtful nya. she gave me this rose quartz and spell book para daw sa lovelife ko...ever since kasi ay alam na nya pinagdaanan ko. hehe ngayon 2 na baby nya, nung magkakilala kami wala pa. ang bilis ng panahon. sana magkita kami...
ichimar
05-18-2006, 10:46 AM
eto na ako sasagot na po,sa lahat nag nag reply may tama po kayo,dami advantage at madami din naman disadvantage,base own my experience,masaya sana kasi lagi kang may makakausap,lalo na sa kalagayan ko na parati lang sa bahay,pero pag dumating ang time na di pala nag work ang friendship ninyo,yun na ang masakit............k aya alam ko na ngayun,dahil naranasan ko na..........sa ngayun may nag iisa at tinatangi akong kaibigan,sana hwag pumalpak ulit......i like her,and i trust her........prend,ala m mo nayun kung sinu kahhh:) :rolleyes:
honey
05-18-2006, 03:44 PM
may kaibigan din ako sa net masasabi kong mapagkakatiwalaan ko sya at mabait sya marami akong natutunan sa kanya iba iba.Natraidor na ako minsan sa personal naman yun ....sa net pa kaya hindi impossibleng mangyari......welcom e sa akin ang mga friends pero kapag kalokohan na pass ako dyan......kapag awayin ako bahala sya mapagod sa akin masisira lang araw ko....:p
myukasky
05-18-2006, 05:13 PM
Ako marami ng namet sa internet ibat ibang klaseng tao may matanda may bata may sinungaling may totoo. Ang sa akin lang kung nagsisinungaling sila sino ba niluko nila di sarili nila. Ako nakikinig lang ano ba naman yung ilabas sa kabilang tainga di tapos. Marami din ako natutunan sa iba kong namet sa internet yung alam ko na mabuti inapply ko sa buhay ko at yung alam ko na mali tinapon ko at binaon sa limot. Laki din ng naitulong sa akin ng internet pagdating sa pakikipag kaibigan. Dito kasi sa lugar namin before may mga kaibigan ako pero parang di kami magkakasundo kaya wala na rin at isa pa lumipat na rin sila ng mga bahay so layo na nila sa akin. At kung magkita man tama na yung hi and hello tapos. Nadala na kasi ako ang gulo mapapaaway ka ng wala sa panahon. Kaya karamihan ng friends ko now sa internet yung iba wala na kasi mula ng magkabf sila wala na yatang panahon para makipag usap sa akin. Kala yata agawin ko bf nila aysus eh tapos na ako sa ganun graduated na ako. Yan lang napapansin ko sa internet basta nagkabf na sila wala na silang panahon sayo meron man hi lang and brb.:D May naging friend din ako sa internet na pinagbintangan pa ako na sinisiraan ko sila aysus naman di naman ako himang tao para gawin yun. At ano pakialam ko sa kanila ni bihira ko sya makausap makausap ko man buhay ng ibang tao kwento nya. Sabi pa nya sa akin kapag nalaman ng ibang tao lagot daw ako. Gaga ba ako at bakit ko ikwento yun ano pa isipin ng kausap ko ganun ako klaseng tao. Gulat nga ako nag offline kung anu ano sinabi eh di muna ako tanungin di yung sabi sya agad ng masakit sa kapwa nya. Pero tapos na yun at lahat ng kwento nya sa akin nilibing ko na sa limot.:D At sabi pa nya makakarma daw ako hmmmmm wait ko nga eh. Siguro kung makikipag friend ka ingat lang at huwag masyado pakasiguro:D
Chibi
05-18-2006, 05:44 PM
..sometimes it is scary ... i've met some of my bestfriends of my life through internet..but it IS remarkably sad that there are weirdos out there.. peeps that say things just to attract the other person behind the screen.. we are NOT unintelligent people and i'd say that the people here on this board are some of the most intelligent,compassi onate people i have ever had the priviledge of knowing... we all need reminders that this is a public forum/medium where anyone , for any purpose can come and post .. to be careful and be safe when we allow others into our private lives ..there are some like me who still choose to think that humanity IS GOOD ..i will be one of those that constantly get hurt from caring and loving.... be careful not to get in the wrong hands :)
prendship Doc. tau bestprend din ba???wahihihihihihi! :D parehong okray!!!:p
sweety_bhabe
08-25-2006, 04:04 PM
Hello chubby kulot,i enjoyed reading your thread,reading your post it brings back the memory of a very dear friend of mine,actually i met my friend once,somewhere along the way (hehehe),its been a long story so to make the story short,from that day we bumped to
each other,we parted ways na,then it so happened that we both mahilig sa computer,as in addicted sa chatting,we often communicate through net,she's makuwento na talagang nakakaaliw sya,which is i like her most,we opened each others' life sometimes,pero ako ang more na nag opened kasi i found her a tough young lady,she always gave me advices,where in fact im older than her,baliktad nga eh,sometimes i joked at her by calling her "mom".Kahit sa net lang kami nag uusap,i can feel that she's a true person,we found our friendship grow stronger and fortunately it goes smoothly.Till now friends pa rin kami,not just a friend but i consider her as a sister as well....salamat sa net,nagkaroon ako ng tunay na kaibigan,kakampi,kar amay at kapamilya!!!!!
rodem
08-25-2006, 09:27 PM
Marami akong cyberfriends pero sa lahat ng nakasama ko sila ang bestfriends na maituturing ko... d' original YOKOHAMA PEEPS... nasubukan ko na sila thru thick and thin... barkada sa lahat ng oras... sa kasayahan at kalungkutan... may pera ka o wala... pantay-pantay lahat, walang mayaman o mahirap... higit pa sa magkakapatid kung magturingan... walang iwanan... walang KJ... go sa lahat ng bagay... same wave length... kopi kopi lang katalo na... pag magkakasama parang di nauubusan ng kwento... walang dull moments... yan sila... ipaglalaban ka kahit magkapitpitan pa ng kipay at eklog... kaya mahal na mahal ko sila... miss ko na sobra ang mga kapatid ko sa Yokohama... di bale ilang tulog na lang at magkikita-kita ulet tayo.:)
advantage for me.... lahat nangyayari mapa-cyber man yan or on reality, iniisip ko na advantage lahat, kasi positive thinker ako e... kung dumating man yung time na magkasubukan then its their lost not mine... as much as possible every disadvantage i encounter will tend to be positive in outlook like yun nga nagkasubukan at nalaman ko na marupok pala sya at di mapapagkatiwalaan... its an advantage for me kasi nakilala ko yung tunay nya and kalimutan na lang... masarap ako magmahal sa kaibigan pero masama akong kaaway... nandidila ako... :p ganun lang ka-simple...:D ;)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.