PDA

View Full Version : Yochien no Hanashi

honey
05-18-2006, 09:35 AM
Gusto ko po matutunan yung mga nihonggong ginagamit sa yochien.Halimbawa PTA meeting,homework ng mga bata,Uniform,... etc.... mahirap po kasi nihonggo iba iba ginagamit na salita kahit iisang bagay lang ang tinutukoy nila.Pwede po bang pakituruan ako :( gusto ko kasing matutunan agad kahit na 1yr. and 5 mons. pa lang itong anak ko.Mabilis kasi panahon ngaun kaya kailangan habang hima pa po ako sa ngaun e matututunan ko kaagad.

Salamat po sa mga magrereply :)

RAIN
05-18-2006, 11:31 AM

Hi honey comfuse lang ako ano ba ang yochien or hokuen,Gakudo?
Ksi anak ko 0 year pa lang nasa houkoen na until 6 years tapos mura lang ang fee at walang uniform at walang home work may oras lang na tinatawag ang parent para maranasan kung ano ang ginagawa sa loob ng houkoen bali dalawang beses na ako na schedule.Over time fee 500yen 1 hour teacher all young at pretty.sometime's may meeting.
Gakudo elementary yata ito grade 1 anak ko ngayon umuuwi sa gabi around 7PM mula sa gakudo.

PILIPINAS
05-18-2006, 11:54 AM
@honey, for starters check this thread:http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=401 8
kung medyo malabo ang document, i can re-type it for you. i understand your worries at ganyan din ako noon.

@rain, please allow me to answer your question.
YOCHIEN 'yan ang kumbaga nursery, kinder at prep school sa atin.
HOIKUEN 'yan and daycare. para sa mga working parents. the child can stay from 7 in the moring hanggang early evening. depende sa magulang.
after YOCHIEN or HOIKUEN, ga-graduate ang bata (age around six years old) at pwede na sa elementary.
GAKUDO. after regular school hours ng elementary students, they can still stay at the school ground under GAKUDO. it is a good time for them to do their homeworks or review. also a time to play. 'yung iba naman, umuuwi na lang deretso sa bahay. again, this is an advantage for the working parents.

striver
05-18-2006, 12:38 PM
Gusto ko po matutunan yung mga nihonggong ginagamit sa yochien.Halimbawa PTA meeting,homework ng mga bata,Uniform,... etc.... mahirap po kasi nihonggo iba iba ginagamit na salita kahit iisang bagay lang ang tinutukoy nila.Pwede po bang pakituruan ako :( gusto ko kasing matutunan agad kahit na 1yr. and 5 mons. pa lang itong anak ko.Mabilis kasi panahon ngaun kaya kailangan habang hima pa po ako sa ngaun e matututunan ko kaagad.

Salamat po sa mga magrereply :)
my advise to you is try to learn kung ano ang mga pinagaaralan ng anak mo. try to read their textbook kung meron na. magandang way iyan para makasabay ka kung ano na pinagaaralan ng anak mo.:)

hirolly
05-18-2006, 01:07 PM
gud day!honey,nakaka2wa n ganyan palang kaliit ang anak mo pero nagpe prepare kn at aware kung anong mga dapat gawin at kung pano ang gagawin kung sakaling ipapasok mo n s yochien ang anak mo.gudluck sau,may mga anak din ako n tapos n s yochien last year nga itong bunso ko,simple lng nmn ang mga dapat mong ihanda s pagpasok ng baby mo.ibibigay at nakasulat nmn lahat s print o papel ang mga dapat na dalhin o ihanda mo.maigi cguro,sa asawa mo ipabasa.hindi nmn kc pare-pareho ang yochien e.:)

pola228
05-18-2006, 01:47 PM
hi honey san!:) last week tinawagan ko yung friend ko dito lang din sa Okayama at kinamusta ko nga tungkol sa firstday ng anak nya sa youchien. Sabi nya nung nakaraang activities kung san nag exercise naglaro yata sila sa park pagkatpos nun parang assignment ng nanay na gumawa ng reaction paper syempre sulat hapon...katulad ko wala pang masyadong alam sa sulat kanji ok lang hiragana...ang ginagawa nya sa ketai sya naghahanap ng kanji na isusulat nya sa papel..pero di naman lahat ikakanji..sabi ko nga hindi ba pwede lahat hiragana nalang sabi nya hiya naman daw sya:D kaya ako ngayon pag nakikipag txt sa asawa ko or sa mga amiga:D practice nako kanji..basta lagi natin nakikita at ginagamit sa araw araw na pakikipag txt e matututo rin tayo...gusto mo maging txtmate tayo?:p :D PM ko sayo # ko if you like..hehehe:D

honey
05-18-2006, 03:03 PM
hi! sa inyo thank you s amga nagreply at salamat din kay pilipinas sinagot nya yung katanungan ni Rain.

Activities sa school yan pa naman ang pinaka ayaw ko....gawa ng homework ok lang pero yung papanoorin ko pa anak ko at communication din sa mga nanay na classmate ng anak ko parang ang hirap....tahimik kasi ako e!mahiyain pa :p magsasalita lang ako kapag may sasabihin o itatanong madadal kapag close ko na talaga yung tao :D .Alam ko masyado ng busy ang mga mommies kapag nagyochien na yung mga anak.

Anywayz salamat sa mga advice bahala na pero paghahandaan ko pa rin mahirap nang hindi ako makasabay at matuto ng nihonggo mapapahiya anak ko.Yun lang naman ang iniisip ko e....:p

pola228
05-18-2006, 03:11 PM

pareho tayo kumbaga kung pwede lang na dito nalang sa loob ng bahay diba:D pero shoganai kailangan natin gampanan responsibility natin sa ating mga anakis:p Gambatte kudasai! Belated Happy Mothers Day!

PILIPINAS
05-18-2006, 03:52 PM
hi! sa inyo thank you s amga nagreply at salamat din kay pilipinas sinagot nya yung katanungan ni Rain.
Activities sa school yan pa naman ang pinaka ayaw ko....gawa ng homework ok lang pero yung papanoorin ko pa anak ko at communication din sa mga nanay na classmate ng anak ko parang ang hirap....tahimik kasi ako e!mahiyain pa :p magsasalita lang ako kapag may sasabihin o itatanong madadal kapag close ko na talaga yung tao :D .Alam ko masyado ng busy ang mga mommies kapag nagyochien na yung mga anak.
Anywayz salamat sa mga advice bahala na pero paghahandaan ko pa rin mahirap nang hindi ako makasabay at matuto ng nihonggo mapapahiya anak ko.Yun lang naman ang iniisip ko e....:p

honey-san, halos siguro lahat ng nanay, ganyan ang nararamdaman. marami kang karamay. pero if you have time, try to study nihonggo. forget the pressure or never think that it is a burden. try to enjoy the language. it will be very helpful.
in my case, my better half is always on a business trip. i can not complain kase bago kami magpakasal, alam ko na na kasama sa research niya ang travel. so, kapag may mga notice na dumarating galing sa school ng anak ko, i have to read and understand them on my own. but from time to time, i seek advise of the teachers or some mothers. mababait naman sila at very helpful. kaya, huwag kang mag-aalala. syangapala, sa una lang ang medyo mahirap. pero alam mo, halos pare-pareho ang nilalaman ng mga notices. paulit-ulit at nakukulitan na rin ako minsan. at least, kahit hindi ko na basahin in details, alam ko na ang contents.:D

puting tainga
05-18-2006, 04:07 PM
I think it is extremely important (and difficult) to choose proper honorifics. (desu, masu, gozaimasu, da, ta)
Even among Japanese, there are a lot of people who don't know how to speak with respect.

Here are some of the examples.

Un iiyo/Hai, dewa yarasete itadakimasu (yes, I'll do that)
Yadayo/Ano chotto komaru no desu ga (no, I won't do that)
Yareyo/Yoroshiku onegai shimasu (Do it)
Ja-ne /Osakini shitsurei shimasu (good bye.)

Heto ang link.

http://en.wikipedia.org/wiki/Japanese_honorifics

RAIN
05-18-2006, 04:10 PM
hi! sa inyo thank you s amga nagreply at salamat din kay pilipinas sinagot nya yung katanungan ni Rain.

Activities sa school yan pa naman ang pinaka ayaw ko....gawa ng homework ok lang pero yung papanoorin ko pa anak ko at communication din sa mga nanay na classmate ng anak ko parang ang hirap....tahimik kasi ako e!mahiyain pa :p magsasalita lang ako kapag may sasabihin o itatanong madadal kapag close ko na talaga yung tao :D .Alam ko masyado ng busy ang mga mommies kapag nagyochien na yung mga anak.

Anywayz salamat sa mga advice bahala na pero paghahandaan ko pa rin mahirap nang hindi ako makasabay at matuto ng nihonggo mapapahiya anak ko.Yun lang naman ang iniisip ko e....:p
Naku honey pag nag elementary anak mo puro homework araw araw.And dalawang anak ko lumaki sa houkoen mag mula 3 0r 4 years yata may private school sila para matuto ng Kanji and english KUMON and ENA kaya ng mag graduate sila sa houkoen last year marunong ng bumasa at mag sulat ng kanji.Payo ko lang good help din Private lesson KUMON or ENA .Okey naman grade nila sa elementary 100 percent perfec.t ENA na school tinuturo nila advance lesson.Kailangan din na ipasok mo sa music lesson or ipasok mo rin sa sport lesson kaya pag dating ng elementary okey sila at ready:) Good luck

honey
05-18-2006, 04:15 PM
Thank you sa mga reply, mga MOMMIES pala kausap ko dito hello sa inyo .... ...tama hindi ko na lang masyado iisipin para hindi naman ako maistress kung saka sakali kapag may problema post agad ako dito....Nihonggo super muskashii puting tainga (nakakatuwa UN mo namamali basa ko:D ) makakatulong yung binigay mong site sankyu berimachi :)

puting tainga
05-18-2006, 04:28 PM
Heto ang ibang link. Very useful.

http://en.wikipedia.org/wiki/Japanese_grammar

(Warning)
Though the following opening paragraph may intimidate you, as you scroll down, you will find a lot of good examples using basic Japanese words.

(Copy of the first paragraph)

The Japanese language has a highly regular agglutinative verb morphology, with both productive and fixed elements. Typologically, its most prominent feature is topic creation: Japanese is neither topic-prominent, nor subject-prominent; indeed, it is common for sentences to have distinct topics and subjects. Grammatically, Japanese is an SOV dependent-marking language, with verbs always constrained to the sentence-final position, except in some rhetorical and poetic usage. The word order is fairly free as long as the order of dependent-head is maintained among all constituents: the modifier or relative clause precedes the modified noun, the adverb precedes the modified verb, the genitive nominal precedes the possessed nominal, and so forth. Thus, Japanese is a strongly left-branching language; to contrast, Romance languages like Spanish are strongly right-branching, and Germanic languages like English are weakly right-branching.
For simplicity, this article presents examples in plain informal and non-literary style. The reader must keep the general grammatical principles of politeness and respect in mind.

PILIPINAS
05-18-2006, 05:45 PM
Heto ang ibang link. Very useful.

http://en.wikipedia.org/wiki/Japanese_grammar

Puting Tainga this site is very helpful for all beginners. i tried reading it, at ang galing...wakariyasui . sayang naman pala 'yung mga textbooks na binagbibibili ko nuong araw. he..he:(

Dax
05-19-2006, 06:54 PM
Gusto ko po matutunan yung mga nihonggong ginagamit sa yochien.
Hi honey, here are some examples I found from the net:

1. Oaite san
Pag pinapila ang mga bata according to height, isang pila sa mga lalaki at isa sa mga babae, yung katabi ay tinatawag na "oaite san".

2. Oaruki
Ito ang tawag sa paglalakad papunta o pauwi galing eskwela. Ang tawag sa batang naglalakad ay "oaruki san".

3. Oaruki kai
Ito ang tawag sa "gimik" ng mga bata papunta halimbawa sa park, na maglalakad lang.

4. Okaeri jumbi
Paghahanda pauwi. Sabay-sabay daw nagsisigawan ang mga bata ng "okaeri jumbi~~!!!" :D

5. Otsukai bukuro
Dito nilalagay ang mga bagay na hindi kailangan sa bag ("kaban") katulad ng mga maduduming dami na ipaglalaba sa nanay. :p

6. Onarabi
Ito ang tawag sa pagpila. Karamihan daw sa mga salitang ginagamit sa nursery ay nilalagyan ng "o" sa harap, katulad ng "okaban".

7. Obento kyuushoku
Ito ang tawag sa lunch nila kung obento na gawa ng nagke-cater.

8. Gohoubi shi-ru
Ito ang sticker ("shi-ru" galing sa salitang "seal") na binibigay sa bata bilang award sa pagkakaroon ng perfect attendance sa isang buwan.

9. Taisou suwari
Ito ang tawag sa pagupo sa sahig na yakap ang mga tuhod.

10. Tontonmae (common sa buong Japan)
Simula pa daw noong panahon ito na ang tawag sa pagpila. 4 beats daw ang "ton-ton-ma-e" habang nagpapalakpak at naka-strech ang mga kamay sa harap tuwing pumipila.

11. Nenshou san (common sa buong Japan)
Ibig sabihin ng "nenshou" ay mura pa ang edad. Sa nursery daw madalas lagyan ng "san" ang salita na tumutukoy sa tao.

12. Pan kyuushoku
Ito naman ay kung ang pagkain na nirarasyon ay tinapay at gatas lang. :D

13. Yakuin san (common sa buong Japan)
Kung mapili ka bilang officer ng PTA...ito ang tawag sayo. ;)

Kinuha ko mga iyan sa: http://www.atopy.gr.jp/sanukifuji/naosuke/yochien.htm

Take note baka iba ang tawag sa ibang nursery, depende sa lugar at depende sa school. :) Hindi ko na sinama dyan sa itaas yung ibang nasa original source kasi baka dun lang ginagamit sa school ng anak ng author.

PILIPINAS
05-19-2006, 10:27 PM
Sir Dax, okay ang post mo. Dagdagan ko ng kaunti ha.

otsukaibukuro or tesage lagayan ng labahin, or mga projects(seisaku,kou saku)
tsuuen kaban kumbaga knapsack (school bag)
yochien seifuku school uniform
taisougi kumbaga PE uniform
uwabaki white shoes na sinusuot sa loob ng classroom
nensyo san nursery
nenchu san kinder
nencho san preparatory to grade school
nyuenkin entrance fee
hoikuryo monthly tuition fee
kyozaihi teaching materials like textbooks fee
tosyohi library fee
enbasudai school bus fee
kaisyokuhi bayad sa pagkain

hanggang dito muna.:)