PDA

View Full Version : Love Problem? Post it here...

Dr_Love
05-18-2006, 09:38 AM
Kung kayo ay may mga problema sa inyong buhay pag-ibig, andito ako para sa ikalulutas ng inyong problema.

Kaya, sulat na.... Your Love is on the NET :)

sensei
05-18-2006, 10:02 AM
Dear Dr. Love,

Me malaking problema po ako...
hindi ako makakain, hindi ako makatulog...

Inlove po ako...paano masosolusyonan ang problema ko?:roll:

infinite_trial
05-18-2006, 10:06 AM
wow dr love is in da hauz!!! hehe...takot naman akong kumunsulta sa inyo...kasi yung AV nyo po may bungo. joke lang aihihi

Dr_Love
05-18-2006, 10:24 AM
Dear Dr. Love,

Me malaking problema po ako...
hindi ako makakain, hindi ako makatulog...

Inlove po ako...paano masosolusyonan ang problema ko?:roll:

Alam mo sensei san.. normal sa isang tao ang mainlove.. at normal din na magkaroon ng epekto sa pang-araw araw mong pamumuhay, maganda at masama ang kalimitang dulot ng pag-ibig.. tulad halimbawa ng sinasabi mo.

Maganda ang epekto nyan sayo kung medyo chubby ka at gusto mong mag-diet.. effective at safe way of diet ang pag-ibig kung yan ang epekto sayo.. Pero kung medyo nanghihina na ang katawan mo dahil sa hindi pagkain kasi inlove ka.. ngayon pa lang.. kalimutan mo na kung sino man yong kina-iinlaban mo, dahil malamang pag naging kayo na papatayin ka nya sa gutom. :biglaugh:

Sana maganda ang epekto sayo ng pag-ibig mo... :D

dr_knockers
05-20-2006, 05:27 PM

good one! Dr_Love

alien!!!:fence:

Bangis
05-24-2006, 10:02 AM
Dear Dr.Love,

Nais ko po sanang humingi ng konting payo sa inyo tungkol sa aking buhay pag-ibig. Kasi po alam ko magaling kayong magbigay ng payo sa mga ganitong sitwasyon.. parati rin po akong nakikinig sa inyo sa DZMM nung nasa pinas pa ako at nagustuhan ko po ang inyong programa.

Ganito po ang pangyayari:

Japanese po ang asawa ko at meron kaming isang anak. Sa Saipan po kami nagkakilala, nagtrabaho po kasi ako dun bilang System Engineer. Mabilis po ang naging pangyayari kaya po nabigyan kami kagad ng isang mumunting anghel. Masaya ako tuwing nakikipaglaro sa aking munting anghel pagdating ng bahay galing sa trabaho. Pero bakit parang ordinaryong pakikitungo ang nararamdaman ko para sa asawa ko. Mabait siya, maalalahanin at mapagmahal. Wala talaga akong masabing masama tungkol sa kanya, pero bakit parang laging kulang? Sa tuwing tatanungin nya ako kung mahal ko ba siya? Parang hindi ko alam kung anong sasagot ko. Minsan nga dumarating ang mga sandali na parang ayaw ko siyang maka-usap. Ayaw ko siyang saktan dahil alam ko na mahal na mahal nya ako dahil sa mga ginagawa at pag-aaruga nya sa akin. Papano ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay nya sa akin.

Tapos ngayon, may nakilala po ako isang tao na nagpapasaya sa akin at parang nasa kanya ang hinahanap ko sa buhay ko. Isa po siyang Filipina, at dito po kami nagkakilala sa TF. At sabi nya masaya rin siya tuwing nagkakausap kami at marahil pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. At kagabi lang po.. nag-usap ulit kami at sinabi nya sa akin na siguro mahal nya narin ako. Masaya po ako nung marinig ko sa kanya ang Salitang "I love you", na lagi kong naririnig sa asawa ko pero parang ordinaryong salita lamang sa aking pandinig.

Alam ko po, nagkakasala ako sa misis ko, pero ano po ang dapat kong gawin? Sana po mapagpayuhan nyo ako.

Gumagalang,
Bangis

Dr_Love
05-24-2006, 12:05 PM

Damuho ka Bangis! Alam mo palang nagkakasala ka na sa misis mo, sa palagay mo.. Tama ba ang ginagawa mo?

Kung hindi mo mahal ang misis mo bakit mo siya pinakasalan!? Swerte ka nga dahil pinakasalan ka ng misis mo at haponesa pa ha!? May nabasa akong isang posted message mo di ko lang matandaan kung saang thread na, may anak karin dito sa Pilipinas pero hindi ka kasal, at ngayon yan ka at may bagong sinasabi mong pag-ibig mo. Ano ba ang pangarap mo? Magkalat ng lahi mo!? Ang BANGIS mo talaga damuho ka!

Alam mo kasi galit ako sa mga ganyan.. kasi yong Tatay ko, mga bata pa kami, may kinasamang iba. Pero sana hindi umabot sa paghihiwalay nyong mag-asawa. At sabi mo pa nga, mabait at asikasong-asikaso ka ng misis mo. Yan ang pangarap ng mga kalalakihan, ang makapangasawa ng ganyan. At sa tingin ko naman hindi siya mahirap mahalin base sa mga sinasabi mo.

Kung ako sayo, iwasan mo ang babae na nagpapasaya sayo ngayon kung makakasira lang din ng pamilya, magiging makasarili ka lang pag tinuloy mo yan. Isipin mo na lang ang anak mo at ang asawa mong, nagmamahal sayo.

Humarap ka sa katotohanan na hindi ka na pwedeng maging pag-aari ng iba. Dahil kasal ka na sa asawa mo. Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.. mali ang nararamdaman mong kasiyahan ngayon.

Sana natulungan ka ng thread na ito...

Dr.Love

docomo
05-24-2006, 12:13 PM
Dr Love ang galing mo .. idol na kita ! go dr love...yebaaah!!! :p

.. ako Dr Love ang tigas na ng puso ko as in manhid na .. .. anong pwede mong maipayo dyan? :D

dr_knockers
05-24-2006, 12:28 PM
yaan mo docomo, palalambutin natin yan. hehehe

:fence:

docomo
05-24-2006, 12:34 PM
yaan mo docomo, palalambutin natin yan. hehehe

:fence:

pakukuluan mo ba ng mainit na tubig ? para lumambot? :p :D

dr_knockers
05-24-2006, 12:41 PM
ndi lang pakukuluan...
gagamitan natin yan ng pressurize cooker. :D tingnan natin kung hindi yan lalambot.

:fence:

Bangis
05-24-2006, 12:47 PM
Hooiiissst Bro Docomo and Dr_knock.. OT na kayo.. :fire: :D

@Dr.Love
Hindi naman po siguro aabot sa paghihiwalay naming mag-asawa, kasi po alam po naman namin ng bago kong pag-ibig ang limitation ng bawat isa. Ngayon po, ok na sa amin ang maging masaya kahit sa pag-uusap lang. Tinanong ko narin po siya tungkol sa bagay na kung hanggang saan aabot ang relationship namin, come what may, whatever happen will be okay for us.

Nga lamang po, parang guilty ako sa ginagawa ko. Pero hindi nyo naman ako masisi.. masaya ako sa baby ko.. her name is.. ;) *wink* secret.. Love you Baby.. mmmmmuah :kiss:

Dont you worry po Dr.Love di po aabot sa divorce or hiwalayan blues.. let me be happy kahit sa ganung paraan lang. *sigh* miss ko na baby ko.. :)

docomo
05-24-2006, 01:33 PM
oist bangis! wag sunget! nagtatanong nga eh (unatin ko yang hair mo eh) :rant: :D .. dapat ikaw ang ilagay sa pressurize cooker ni dr knockers :p :roll:

dr_knockers
05-24-2006, 01:45 PM
love is on the air... "listen to your heart...it is the story of your life". ala JOE d mango ang dating. hehehe.

be nice doc_mo...sori bro. OT na nga kami. hehehe.

@ Bangis, a piece of advice.

be contented of what u have rightnow. i can see that you still dont want to give-up completely your wife, your family either. you had a wife that is caring, thoughful, loving and a child of your own. You are a family man bro. Please think of it.

i see flirting not true love between you and your new baby (pls dont get offended). but if you can live in the feeling of guilt...it s really up to you. it s your life afterall.

this time you may never know the troubles that lies ahead. just be careful and play it safe.

:fence:

Bangis
05-24-2006, 02:58 PM

Yeah dude.. am playing it safe.. hehehe.. and maybe its not a true love yet.. maybe someday, if both of us will continue to feel the happiness that we are sharing to each other. *wink* basta masaya ako.. suportahan mo na lang ako bro.. nyahaha :biglaugh:

@Bro docomo :D.. di po ako masungit.. nawawala po kasi pag-e-emote ko eh..hehehe :p

dcat
05-24-2006, 03:17 PM
:D :D :D Haahhaah!
Tarantado ka bangis, alam kong pakulo mo nanaman to! :D
Pati si dr.love napaniwala mo! Sino naman bang papatol sayo dito?
Eh alam ng lahat ng tao dito sa TF ang dami mong anak sa Pilipinas.:p

Ang advice ko lang sayo ay mag-gamot ka kasi malala na yang sakit mo.:D
Nag-iba ka na pala ng linya, walang hiya naman talaga oh.

Talagang pinatawa mo ako sa kwento mo ah - nice one! Hehheh...

Raiden
05-24-2006, 03:17 PM
Sa tuwing tatanungin nya ako kung mahal ko ba siya? Parang hindi ko alam kung anong sasagot ko. Minsan nga dumarating ang mga sandali na parang ayaw ko siyang maka-usap. Ayaw ko siyang saktan dahil alam ko na mahal na mahal nya ako dahil sa mga ginagawa at pag-aaruga nya sa akin. Papano ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay nya sa akin.

Bro, huwag mo sana akong kalimutan kung sakaling dumating ang araw na maramdaman mong mas matimbang ang pagmamahal mo sa kulasisi mo kaysa kay esmi.

Ako nang bahalang suklian ang pamamahal niya sa iyo. :wave:

Basta walang bawian. :hihi: :roll:

Peace tayo Bagsik :shutup: este Bangis. :tongue: :D

Bangis
05-24-2006, 03:35 PM
:D :D :D Haahhaah!
Tarantado ka bangis, alam kong pakulo mo nanaman to! :D
Pati si dr.love napaniwala mo! Sino naman bang papatol sayo dito?
Eh alam ng lahat ng tao dito sa TF ang dami mong anak sa Pilipinas.:p

Ang advice ko lang sayo ay mag-gamot ka kasi malala na yang sakit mo.:D
Nag-iba ka na pala ng linya, walang hiya naman talaga oh.

Talagang pinatawa mo ako sa kwento mo ah - nice one! Hehheh...

:biglaugh: Totoo yan bro dcat kahit tanungin mo pa si *ooopppsss wag na baka mabuking.. hehehe.. Di ko nga rin alam kung bakit nagustuhan nya ako eh.. panget naman ako :rolleyes: yun nga lang.. mapagmahal talaga ako.

@Bro Raiden
Sige pag kasama ko na baby ko.. pwede mo na ligawan esmi ko.. pag dalaga na ulit siya.. :biglaugh:

wolfgang
05-24-2006, 04:01 PM
Dr. Love pwede po bang humingi nang advice pero hindi para sa akin kundi para kayBangis kasi parang nawiwindang na siya...kung ano-ano ang naiisip ehh...mukhang nagdedeliryo na talaga siya...dapat siguro painomin ito nang tranquilizer para medyo mawala ang pagkahibang....ano po ba ang dapat gawin sa kanya....Parang gusto niyang isigaw sa buong TF yung GOsh ...For the first time ,Im in love again.....heheheh ...payuhan niyo po siya...hihihih(peace tayo bangis) :lol: :hihi:

Dr_Love
05-24-2006, 04:10 PM

Bigyan nyo ng KETAMINE.. yong para sa kabayo pag nagwawala at para dun sa may mga malubhang cancer.. pampatulog yan.. :D

Di na magbabago yang si Bangis.. pinanganak na yan na may kakabit na babae sa buhay.. Kaya ingat kayo girls.. :D

Bahala ka na Bangis Damuho ka!

Bangis
05-24-2006, 04:41 PM
Dr.Love, na-inlove ka na po ba? :D

Sige po, pag na-inlove ka maiintindihan morin ang nararamdaman ko.. At kung sakaling di morin alam gagawin mo, since nauna ako sayo, pm mo lang ako.. tuturuan kita kung papano? :biglaugh:

Peace po tayo Dr.Love... masaya lang po talaga ako..

missed you ulit baby :kiss: :D

uvy
05-24-2006, 09:08 PM
:halo: mukang seryoso ka talaga bangis ah,........esep esep muna ng maraming beses,......peace tayo,......

chepot
09-26-2006, 06:11 PM
tanong lang po....sino ba si Joe D mango? and ano naman ebig sabihin ng O T? hwag kayong tataas ang kilay dyan and sabihin na "un lang di pa alam..." kc talagang hindi na ako updated eh..:confused:

poulain
09-26-2006, 06:15 PM
tanong lang po....sino ba si Joe D mango? and ano naman ebig sabihin ng O T? hwag kayong tataas ang kilay dyan and sabihin na "un lang di pa alam..." kc talagang hindi na ako updated eh..:confused:

OT ba kamo? Off-Topic iha dito sa forum.. tama ba ako?

chepot
09-26-2006, 06:21 PM
ah ganun ba..thanks ineng 4d nfo..mahirap kc ang wala sa sibilisasyon at aging na kaya di makapag update...:p

tfcfan
09-26-2006, 06:34 PM
add ko na rin po chepot san,si joe d mango sya yung nagbibigay ng advice sa mga may love problem, dj sya sa radio 90's yata sya sumikat pati sa tv lumalabas rin sya dati...:)

katty0531
09-26-2006, 08:04 PM
add ko na rin po chepot san,si joe d mango sya yung nagbibigay ng advice sa mga may love problem, dj sya sa radio 90's yata sya sumikat pati sa tv lumalabas rin sya dati...:)

dagdag ko rin po...si Joe ang dj ng LOVE NOTES....24 hours po yon sa radio, tapos ang ganda ng boses nya nakaka inlove....pag nakikinig ako ng love notes ang iniisip ko na mukha ni joe ay si Tiger Woods...ewan basta hehehehe.... yon ang naiisip kong mukha nya.....:D

Isuy
09-26-2006, 09:21 PM

Ganun ba? parang ako rin pala ang naiisip mo pag nakikinig ka ng Love notes... heheheh :p Nga pala my real name is Lion Trees, at sabi nila magkahawig daw kami ni Tiger Woods... :p

Pero bakit nawala na si Dr.Love? :confused:

chepot
09-26-2006, 10:20 PM
add ko na rin po chepot san,si joe d mango sya yung nagbibigay ng advice sa mga may love problem, dj sya sa radio 90's yata sya sumikat pati sa tv lumalabas rin sya dati...:)

tnx 4d nfo...di ko na alam yan....:O ang natatandaan ko lang famous sa radio eh si roger midnight and ceasar bagal ba yuon?..:biglaugh:yan ang gusto ko d2 sa TF eh..nadadagdagan ang information ko tungkol sa pinas..sensya na ha...baka magalit si Dr. Love kc OT tong message ko rito..nagtanong lang naman...? tnx again.....:p

wolfgang
09-26-2006, 11:29 PM
asan na nga kaya si Dr. Love...:confused: pag mga ganitong may kilig akong gustong ihingi nang payo...whii...tungko l sa aking ex ....sana lumabas ulit si Dr.Love..:(

katty0531
09-28-2006, 06:06 PM
Ganun ba? parang ako rin pala ang naiisip mo pag nakikinig ka ng Love notes... heheheh :p Nga pala my real name is Lion Trees, at sabi nila magkahawig daw kami ni Tiger Woods... :p

Pero bakit nawala na si Dr.Love? :confused:

Ang CORNY mo!...kumain ka nalang ng cornick...bwehihihih ihihi~~~~~~~~~~~
so funny!

makulit
09-28-2006, 06:10 PM
:D :D :D Haahhaah!
Tarantado ka bangis, alam kong pakulo mo nanaman to! :D

bwahahahaha
katuwa naman tong sinabi mo dcat. matagal ko nang hindi naririnig tong T word na to :D

pineapple
10-05-2006, 06:32 AM
ansaya talaga sa tf i enjoy this thread sana lumabas ulit si dr.love ng makakunsulta naman ng love problem :tfrocks: