View Full Version : Nang dahil sa insurance...
lyl_kym26
05-18-2006, 10:43 PM
Napanood na po ba ninyo kanina sa evening news sa lahat ng japanese channels ang tungkol sa isang pilipina na umano'y dahan-dahang pumatay sa kanyang asawang hapones nang dahil lamang sa life insurance.. pero pilit namang itinatanggi ng pilipinang ito ang alegasyon. sana ay maimbestigahan talaga ng husto ang kasong ito dahil kawawa naman ang pilipinang ito kung mako-convict kung wala naman talagang kasalanan.
proud me
05-18-2006, 10:58 PM
naku kanina ko pang umaga naiisip din yan...kung hindi totoo kawawa naman siya meron pa atang anak daw ata...yong snack owner din medyo ayashii din nga daw kasi sila daw ata yong nagdala sa hospital...pero kung totoo naman na sangkot siya sa pag patay ginoo...dagdag image na naman eto sa mga pinay wiffy...life insurance target :(
docomo
05-18-2006, 11:06 PM
i saw this news awhile ago.. it's hard to comment right now... nakaka^sad lang kase kapwa pilipino ang involved.. i hope it's not true ... that the accuse is not guilty of the crime... pag nagkataon another minus na naman sa ating lahat... sometimes money is the root of all evil.. sad, but very true:O
ah yup ganun pala yun ang naintindihan ko lang kasi eh namatay yung asawa nung pinay ng japanese then meron siyang 3 anak na naiwan dito,so nung ng DNA test yung mga bata para sa insurance ba yun ang lumabas ay di match sa asawa niya kundi match dun sa nakarelasyon yang isa japanese na nakilala niya sa omise...yun ba yun...
Sacod
05-18-2006, 11:12 PM
tsk tsk tsk,,,siguradong pag usapan na naman to sa workplace ko...anu kaya ang isasagot ko whaaaaawwwww.....bad trip na naman ito....
:eek:
gohan
05-18-2006, 11:32 PM
http://news.google.co.jp/news?hl=ja&lr=&tab=wn&ie=UTF-8&ncl=http://www.asahi.com/national/update/0518/TKY200605180311.html
love&berry
05-18-2006, 11:49 PM
oo nga ;;;nakakaawa ciya f ever na wala talaga ciyang kasalanan,kaso nakakahiya din dahil yung mga sagot sa interview niya masyadong brotal nahihiya tuloy ako sa mga biyan at kasamahan sa trabaho,kasi ang sabi niya sa omise ciya nagtatrabaho kaya atarimai lang daw makipag sukiai sa ibat ibang lalaki sabay dugtong pa minna onaji desho!!! d ko alam kong anong ibig nyang sabihin,pero para sakin ay d maganda ang dating at nakakahiya nakakababa nang image blang isang pilipino...di naman lahat na tao ay pare pareho kaso yung iba kase may term yappari gaijin. kaya nakakalungkot kapag may ganitong mga pangyayari o balita....
megami704
05-19-2006, 12:12 AM
nakakapangilabot nga ang issue na yan. Napanood nga namin kanina and sa aking palagay ay guilty siya. Bali yung 66yrs old pala inampon pala siya para mabigyan ng visa, pero syempre may affair yung dalawa. May ari kasi ng snack na pinapasukan nya dati yung 66 yrs old. Nagka-asawa pa pala siya sa ibang nihonjin nung 1995, so yung first and second baby nya ay ni-recognized nung unang asawa. Pero namatay din at siya ang nag claim ng insurance. Same case na naman ang nangyari nung 1998, sa pangalawang asawa nya na nihonjin, dahil nga sa buntis sya sa third baby (na akala naman ng nihonjin ay sariling anak), ay kumuha sila ng insurance, after 2 months, namatay yung lalaki dahil sa gamot yata. So nag claim na naman ng insurance ang kababayan natin, syempre ang mga insurance company hindi naman basta basta magbibigay ng pera ng walang imbestigation. Kahina hinala daw kasi ang pagkamatay nung nihonjin kaya pina imbestiga sa pulis... Alam nyo naman ang pulis ng japan, mga hi-tech at talagang detalyado ang imbestigation. Kung hindi siguro nangulit yung pinay sa insurance, hindi na siguro malalaman pa ang nangyaring jikken nung 1995. yung 3 anak nya ay anak ng 66 yrs old na umampon sa kanya.
habang pinapanood ko ang news ay nalungkot ako, minus na naman nga sa atin yun. Bilib na talaga ako sa pulis dito, talagang just talaga unlike sa pinas, pera lang ang katapat.
PILIPINAS
05-19-2006, 12:42 AM
フィリピン人女性、ang nabasa ko sa tv screen ko, habang nanonood ako ng late night news. sa palagay ko, hindi naman maiisipan gawin ito ng pilipina kung hindi dahil doon sa 66 years old na japanese.
hay naku, ang news pa naman dito sa japan ay paulit-ulit ang forecast. for one week or more, natin maririnig ang news na ito. PREPARE YOURSELF....:mad: :mad: :mad:
love&berry
05-19-2006, 01:06 AM
フィリピン人女性、ang nabasa ko sa tv screen ko, habang nanonood ako ng late night news. sa palagay ko, hindi naman maiisipan gawin ito ng pilipina kung hindi dahil doon sa 66 years old na japanese.
hay naku, ang news pa naman dito sa japan ay paulit-ulit ang forecast. for one week or more, natin maririnig ang news na ito. PREPARE YOURSELF....:mad: :mad: :mad:=love&berry] oo nga tama yang sinabi mo kapatid pa ulit ulit yung news,kaya mahirap umiwas sa topic,,,
Napanood na po ba ninyo kanina sa evening news sa lahat ng japanese channels ang tungkol sa isang pilipina na umano'y dahan-dahang pumatay sa kanyang asawang hapones nang dahil lamang sa life insurance.. pero pilit namang itinatanggi ng pilipinang ito ang alegasyon. sana ay maimbestigahan talaga ng husto ang kasong ito dahil kawawa naman ang pilipinang ito kung mako-convict kung wala naman talagang kasalanan. Nalaman ko lan tong news na to sa isa kong friend, parang di kapanipaniwala na kayang gawin yan ng isang matagal ng naninirahan dito.lalo na at may mga anak pa pala..! sana nga wala siyang kasalanan sa mga pangyayaring ito noh...hay naku!! kawawa namn tayong namumuhay ng normal dito,..na parang nadadamay sa mga wala naman kinalaman.....sabaga y hindi natin sila masisi kanilang opinion yun, pero hindi naman lahat eh.. pagkakaalam ko lan ha ..ang lahat ng banyaga dito sa bansa nila...talaga pinaghihigpitan na ..kahit dito sa amin lugar..dahil sa mga maraming involve na ganito kaso na ang kalahi nila ang niloloko . ng dahil sa pera... ang tao nga naman nagiging mahina lalo na kapag dumarating sa isang malaking problema .. na sa akala nila e walang kalutasan..
nako nakakalungkot talaga ang balitang ito pati tayong nananahimik lang madadamay kasi kababayan nga natin,....ang pera nga naman ang daming nagagawa,......isang kasiraan na naman yan sa ating mga pinoy,.sana nga matapos na agad ang imbestigasyon,...... .:O
rhiverz
05-19-2006, 08:43 AM
have read it from the papers.... truth will come out... later.... though i wanted to pity her but some reports claimed that there was another incident of her previous boyfriend aside from the one stated in the news... also died... doesnt know the cause of death... but the sad thing about the present situation is ... there are now evidences... dun sa 2nd boyfriend..
hay.. ang buhay talaga... masalimuot...
greed.... hndi natin talaga maaalis yan sa isang tao... nasa tao na yan if he/she can control it or not...
http://www.asahi.com/english/Herald-asahi/TKY200605180288.html
ichimar
05-19-2006, 08:45 AM
sana naman di totoo,kasi kasiraan ng isa kasiraan ng lahat......lalo na tayung mga pinoy,iba ang tingin nila,lalo na pag may mga ganitong pangyayari.......... sana lang maayos na at mapatunayan kung totoo ba ito o hindi:(
sensei
05-19-2006, 08:51 AM
"Nang dahil sa insurance - \45,000,000"
Nandito tayo sa Japan !!! At kahit anong jiken kayang lutasin ng may kapangyarihan. Lalabas ang katotohanan, ayokong magbintang sa kapwa Filipino pero sana naman mali ang iniisip ko.
サリチル- ano ito? salicylic acid? Ikinamatay ng 34 y/o dansei? Inihalo sa pagkain/inumin? Sinong pwedeng gumawa kundi ang mga nakapaligid sa kanya.
Nakita ko sa news kanina lang umaga, ayashii si pinay. Anong iisipin ng mga asawa nating hapon? Tsk..tsk tsk sabi ng husband ko...ok lang maging praktikal pgdating sa pera. Pero kung target lang ang hokenkin...kawawa naman ang napangasawang hapon. Binigyan na ng pangalan, ipinasok ang hindi naman tunay na anak sa hoken, ano pang kailangan ng mga ganitong tao? Nakakakilabot sa mga taong hindi marunong magmahal sa asawa...
Nahihiya ako...allegation pa lang ito, pero nagkalat na sa news.
Sana naman sa mga magpapaksal pa lang sa mga foreigner, mapanihonjin or kapwa filipinjin, umattend kayo ng marriage counseling !!! Kahit 10 times kayo magpa-counsel hanggat maintindihan nio kung ano ang aspects of marriage.
Ang pagiging praktikal, ilagay sa tamang lugar !!! Kun habol ang hoken, hintayin nio na lang mamatay un tao. Kung sa simula pa lang eh hindi nio naman talaga mahal...wag na kayo magpakasal, kawawa lang un partner nio. Or from the very start pa lang diretsahin nio na " kailangan ko lang ng visa tska hoken, willing ka pa rin ba magpakasal saken?" Merong hapon na sa sobrang pagmamahal sayo...papayag kahit magmukang tanga.
Meron namang rikon dito sa japan, kung hindi mo na mahal eh di i-rikon mo...
Kitsui kotoba na naman ang nai-comment ko...sorry
Hindi naman lahat ng gaijin ganito...
rhiverz
05-19-2006, 09:01 AM
i agree with you sensei
but in this case... hindi sila kasal... nagkataon na inampon sya ng hapon at inalagaan... na ang isinukli nya ay ang pagpatay (true or not... we never know) sa kumupkop sa kanya... pera talaga ang dahilan.... sabi nga ng iba... though we dont want to judge other people dahil lang sa balita... but cases like this really happens...
"Nang dahil sa insurance - \45,000,000"
Nandito tayo sa Japan !!! At kahit anong jiken kayang lutasin ng may kapangyarihan. Lalabas ang katotohanan, ayokong magbintang sa kapwa Filipino pero sana naman mali ang iniisip ko.
サリチル- ano ito? salicylic acid? Ikinamatay ng 34 y/o dansei? Inihalo sa pagkain/inumin? Sinong pwedeng gumawa kundi ang mga nakapaligid sa kanya.
Nakita ko sa news kanina lang umaga, ayashii si pinay. Anong iisipin ng mga asawa nating hapon? Tsk..tsk tsk sabi ng husband ko...ok lang maging praktikal pgdating sa pera. Pero kung target lang ang hokenkin...kawawa naman ang napangasawang hapon. Binigyan na ng pangalan, ipinasok ang hindi naman tunay na anak sa hoken, ano pang kailangan ng mga ganitong tao? Nakakakilabot sa mga taong hindi marunong magmahal sa asawa...
Nahihiya ako...allegation pa lang ito, pero nagkalat na sa news.
Sana naman sa mga magpapaksal pa lang sa mga foreigner, mapanihonjin or kapwa filipinjin, umattend kayo ng marriage counseling !!! Kahit 10 times kayo magpa-counsel hanggat maintindihan nio kung ano ang aspects of marriage.
Ang pagiging praktikal, ilagay sa tamang lugar !!! Kun habol ang hoken, hintayin nio na lang mamatay un tao. Kung sa simula pa lang eh hindi nio naman talaga mahal...wag na kayo magpakasal, kawawa lang un partner nio. Or from the very start pa lang diretsahin nio na " kailangan ko lang ng visa tska hoken, willing ka pa rin ba magpakasal saken?" Merong hapon na sa sobrang pagmamahal sayo...papayag kahit magmukang tanga.
Meron namang rikon dito sa japan, kung hindi mo na mahal eh di i-rikon mo...
Kitsui kotoba na naman ang nai-comment ko...sorry
Hindi naman lahat ng gaijin ganito...
sensei
05-19-2006, 09:30 AM
@rhivers,
sorry ha akala ko kasal sila, benefeciary lang pala. Hindi ako makatingin kanina sa tv eh, mata filipinjin no news ga deru to alam ko ng bad news kaya tumayo ako. Ang husband ko, nilakasan pa ang volume...mashiteyo sabi ko, masisira lang image ng pinay sa ganyang news. Ang comment nia..."watashi no okusan wa filipinjin to omowanai kara".
Arama ginawa nia akong wakaranjin eh pinay pa rin naman ako.
nakakalungkot ang balitang ito.sana nga hindi tutuo.para naman malinis ang image nating mga pilipino.ang sama na talaga ng tingin sa atin,kahit ginawa ng iba damay na tayo kasi kalahi natin.nakakalungkot isipin na dahil lang sa pera yon iba nakakagawa ng hindi maganda.paano kaya natin malilinis ang masamang imahe nating mga pilipino kung ganito ang nangyayari?magtiwala pa kaya sila sa atin?kahapon napanood ng asawa ko yang balitang yan.nakakahiya tuloy,kaya umalis na lang ako sa harap nya at nagkunwaring nagliligpit ng mga damit.:confused::D
PILIPINAS
05-19-2006, 09:43 AM
Ang comment nia..."watashi no okusan wa filipinjin to omowanai kara".
Arama ginawa nia akong wakaranjin eh pinay pa rin naman ako.
"watashi no okusan wa firipinjin to omowanai kara". sensei, what does your husband trying to imply?
pardon me, but i am sick and tired of such comment.
"hito ni yotte chigaimasu. watashi wa firipinjin desu."
going back sa issue, dito sa japan, ang mga may kapangyarihan ay ilag sa pag huli ng mafia(bouryokudan). kaya ang dinidiin nilang maigi ay ang pilipina. kung may kasalanan nga ang ating kababayan, dapat hulihin din nila 'yung mga nagtulak sa pilipina para gawin ito.
maliwanag na under conspiracy, ang crime na ito. hindi ito magagawa ng isang tao lang.:mad: :mad: :mad:
proud me
05-19-2006, 09:54 AM
"watashi no okusan wa firipinjin to omowanai kara". sensei, what does your husband trying to imply?
pardon me, but i am sick and tired of such comments.
"hito ni yotte chigaimasu. watashi wa firipinjin desu."
going back sa issue, dito sa japan, ang mga may kapangyarihan ay ilag sa pag huli ng mafia(bouryokudan). kaya ang dinidiin nilang maigi ay ang pilipina. kung may kasalanan nga ang ating kababayan, dapat hulihin din nila 'yung mga nagtulak sa pilipina para gawin ito.
maliwanag na under conspiracy, ang crime na ito. hindi ito magagawa ng isang tao lamang.:mad: :mad: :mad: yes...me punto ka dyan,pilipinas san...dapat din kasing isipin natn na meron ding hapon na sangkot dito...hindi lang firipinjin...yong unang karelasyon na namatay din ang tumanggap ng hokenkin ay yong HAPON na matanda rin daw...(motto snack owner)
halloween
05-19-2006, 10:03 AM
Sana nga hindi totoo ang akusasyon sa kanya.
ANo kayang iniisip ng mga ksamahan at adult students ko? Hmmm, sana maisip nila na di lahat ng Pinoy ay masama.
Teka lang, pwedeng malaman kung kailan news 'to? kasi may subscription ang office namin sa English newspaper, para naman mabasa 'ko. Eto kasing t.v. sa place ko eh madalang kong buksan dahil alam ko namang NIhonggo ang salita. Nagmukha tuloy props lang sa room ko, :D .
PILIPINAS
05-19-2006, 10:13 AM
Sana nga hindi totoo ang akusasyon sa kanya.
ANo kayang iniisip ng mga ksamahan at adult students ko? Hmmm, sana maisip nila na di lahat ng Pinoy ay masama.
Teka lang, pwedeng malaman kung kailan news 'to? kasi may subscription ang office namin sa English newspaper, para naman mabasa 'ko. Eto kasing t.v. sa place ko eh madalang kong buksan dahil alam ko namang NIhonggo ang salita. Nagmukha tuloy props lang sa room ko, :D .
try this link:http://www.asahi.com/english/Herald-asahi/TKY200605180288.html
sorry rhiverz, double post.
sensei
05-19-2006, 10:21 AM
"watashi no okusan wa firipinjin to omowanai kara". sensei, what does your husband trying to imply?
pardon me, but i am sick and tired of such comments.
"hito ni yotte chigaimasu. watashi wa firipinjin desu."
:mad: :mad: :mad:
Sorry but I cannot comment to what he said, kahit masakit sa akin.
Dati niyang asawa filipinjin, binigyan ng pangalan ang 2 bata na hindi nia anak, un eldest na anak yata ng pinoy, then un nasa tyan na hindi nya kadugo. Dahil lang sa awa kaya nia kinupkop. In return, iba ang isinukli sa kanya. Galit siya sa ganyang ugali ng pinay, na after siya mapakinabangan, konti na lang e patayin siya. It's a long story, na ayoko ng ipangalandakan sa buong mundo. Nakakahiya talaga.
Hindi natin maiaalis ang mainsulto sa ginawa ng kapwa natin pilipino. "watashi no okusan wa filipinjin to omowanai kara" yung masamang pag uugali ang tinutukoy nia. watashi mo soiukoto iukara "watashi no dannasan wa nihonjin to omowanai kara" tatawa lang siya. because I'm referring about the positive traits ng pinoy. hindi naman siya nagagalit about that comment na me ugaling pinoy siya. So why hara tatsu no kung my husband's referring to the negative traits ng pinay kung hindi ka naman isa don. Proud to be pinay ako, and my husband knows that. Mahilig kaming magdebate about the differences of pinoy and nihonjin, but in the end nauuwi lang sa tawanan. "Yappa nihonjin mo soiutoko okashii dayone" yan lang ang iko-comment nia.
Peace to all, wag pa apekto kung hindi kayo tinamaan:D
PILIPINAS
05-19-2006, 10:38 AM
@sensei,
no need to apologize. we are all here to learn form each other's experiences. buti naman at pilipina pa rin ang pinili ng hubby mo...i mean, hindi nadala. well, this time, he made the right choice! :)
myukasky
05-19-2006, 10:43 AM
Nakakalungkot nga kasi kapwa pa natin ang involved. Napanood ng daugther ko ang news at nasabi lang nya Papa firipinjin datte.:rolleyes: Mama issho desu ne? Sagot naman ng husband ko "sou desu ne, demo mama chigau yo onaji firipinjin demo. Di ako nakasagot kasi imagine 3 years old lang anak ko naitanong niya yan paano pa yung iba di ba? Nilibang ng husband ko yung anak ko para di na masyado matanong about doon sa napanood nya news. Kasi matanong yung anak ko syempre hirap pa explain sa idad nya yung mga ganong bagay. Hirap talaga ng kalagayan natin kapag kababayan na natin ang involved kahit di mo kilala or kamag anak kababayan mo lang laking epekto sa atin. Hay sana maayos na.
sensei
05-19-2006, 10:47 AM
@sensei,
no need to apologize. we are all here to learn form each other's experiences. buti naman at pilipina pa rin ang pinili ng hubby mo...i mean, hindi nadala. well, this time, he made the right choice! :)
Sorry din...talaga naman mami-misinterpret ang quote na iyun.
Sabagay usapan lang naming mag asawa...
inuntog ko lang naman siya sa pader para magising, sobrang bait kase.
Napangasawa nia ngyon maldita.
Pa OT ha,
Actually first wife nia eh nihonjin, 2nd is pinay na kaugali ni nihonjin.
Kaya ako daw nanijin toiunowa wakaranai datte..mapahapon o pinoy me ganyang traits.
Back to topic:
Kung totoo nga...hidoi yo ne
mylfer919mdo
05-19-2006, 10:49 AM
This dismaying news gives unfavorable impressions on the entire Filipino community, specially to Filipinas who are married to Japanese or even those who are engaged in a relationship to a Japanese.
Sad news talaga ito. Kasiraan ng isa, kasiraan ng lahat
PILIPINAS
05-19-2006, 11:16 AM
Nakakalungkot nga kasi kapwa pa natin ang involved. Napanood ng daugther ko ang news at nasabi lang nya Papa firipinjin datte.:rolleyes: Mama issho desu ne? Sagot naman ng husband ko "sou desu ne, demo mama chigau yo onaji firipinjin demo. Di ako nakasagot kasi imagine 3 years old lang anak ko naitanong niya yan paano pa yung iba di ba? Nilibang ng husband ko yung anak ko para di na masyado matanong about doon sa napanood nya news. Kasi matanong yung anak ko syempre hirap pa explain sa idad nya yung mga ganong bagay. Hirap talaga ng kalagayan natin kapag kababayan na natin ang involved kahit di mo kilala or kamag anak kababayan mo lang laking epekto sa atin. Hay sana maayos na.
May anak din ako, Myukasky. Kapag may ganitong skandalo, how could I explain to him about that, without being defensive? Or, it is better to pretend that nothing happened. Ang hirap di ba?
@sensei,
wala naman talaga sa lahi ang pag-aasawa. but sad to say, not all think that way. marami pa rin ang makikitid ang utak dito sa bansang ito. lalo na kapag involve ay dai kin galing sa insurance at ang beneficiary ay dating bar girl. 'yan ang hot news. :mad:
rhiverz
05-19-2006, 11:25 AM
This dismaying news gives unfavorable impressions on the entire Filipino community, specially to Filipinas who are married to Japanese or even those who are engaged in a relationship to a Japanese.
Sad news talaga ito. Kasiraan ng isa, kasiraan ng lahat
so better do good na lang tayo... kung anuman ang nagyari sa kanya.. lets pray for her na lang na sana kung totoo man ang mga accusations sa kanya eh hndi masyadong mabigat ang maging parusa... pero syempre lets hope for the best na sana nga eh hindi totoo...
kababayan man natin sya or hindi, sa mata ni God eh tao pa rin sya... nagkakamali...
sensei
05-19-2006, 11:41 AM
lalo na kapag involve ay dai kin galing sa insurance at ang beneficiary ay dating bar girl. 'yan ang hot news. :mad:
Wala bang "hot news" na me nagawang kabutihan ang kapwa natin pinoy? Three years na ako dito...wala pa akong napapanood sa news about it:(
@rhivers
Hoping ang mga kababayan natin na sana nga mali ang accusations sa kanya.
Inisip ko tuloy...pano kung nagjisatsu un hapon para me maibigay na hokenkin ke pinay?:confused:
Meron kasing anga na japanese pag inlove....la lang just in case, makakalusot kaya si pinay?
Credibility is important kase, dating bar girl? tapos yun anak eh sa 66y/o father which is currently her bf?
Parang malabo:(
lenemen
05-19-2006, 11:56 AM
oo nga ;;;nakakaawa ciya f ever na wala talaga ciyang kasalanan,kaso nakakahiya din dahil yung mga sagot sa interview niya masyadong brotal nahihiya tuloy ako sa mga biyan at kasamahan sa trabaho,kasi ang sabi niya sa omise ciya nagtatrabaho kaya atarimai lang daw makipag sukiai sa ibat ibang lalaki sabay dugtong pa minna onaji desho!!! d ko alam kong anong ibig nyang sabihin,pero para sakin ay d maganda ang dating at nakakahiya nakakababa nang image blang isang pilipino...di naman lahat na tao ay pare pareho...Makisali na rin ha? napanood ko rin yun at parejo tayo ng observation. Napansin ko rin na masyado ciang naging rambo sa mga kotoba nia.Matagal na rin pala cia dito sa Japan so kahit papano ay alam nia na ang mga teineina kotoba pero parang hindi nia muna iniisip ang mga salitang lumalabas sa bibig nia at nakalimutan niang maraming nanunuod sa kanya. And for that, feel ko ay may ilan din na "ayashii" tingin sa kanya, isa na ako roon. Pero dahil Pinay din tayo, pray ko na lang sana ay hindi cia guilty dahil pag nagkataon ang mga anak nia na naman ang "biktima" kung sakali. Sila ang magdadala sa "tatakl" ng kasalanan ng Ina nila. Lagi na lang ang mga walang malay na mga bata ang mag sasakripisyo sa bandang huli.
rhiverz
05-19-2006, 12:12 PM
@rhivers
Hoping ang mga kababayan natin na sana nga mali ang accusations sa kanya.
Inisip ko tuloy...pano kung nagjisatsu un hapon para me maibigay na hokenkin ke pinay?:confused:
Meron kasing anga na japanese pag inlove....la lang just in case, makakalusot kaya si pinay?
Credibility is important kase, dating bar girl? tapos yun anak eh sa 66y/o father which is currently her bf?
Parang malabo:(
yun na nga kabayan... maybe she had an affair with the 66y/o man at the same time eh boyfriend din nya yung namatay na 34y/o guy which is the one who made her as beneficiary... pero ang nakakapag isip eh yung time span between nung death nung guy at nung application nya ng pension plan... if she and her another lover really had plans of murdering her present bf (the dead one) eh dapat hndi lang sya ang maakusahan kundi pati yung 66y/o lover nya....
kaya there's a possibility din na anak nga ng lover nya yung mga kids...
lets just wait for more news.. or developments sa case nya...we really dont know the REAL story behind this...
PILIPINAS
05-19-2006, 12:37 PM
Wala bang "hot news" na me nagawang kabutihan ang kapwa natin pinoy? Three years na ako dito...wala pa akong napapanood sa news about it:
sensei, news like, isang pilipina na dating nagtratrabaho sa pub, nakapagasawa ng japanese at nagtratrabaho ngayon as caregiver ang nabasa ko noon sa isang social column. pero, hindi naging 'hot news'.
thank you for reading and replying to my post.
about the scandal, actually, 'yung matanda ang nagbugaw doon sa pilipina para makisama sa pinatay na biktima, kahit alam nilang buntis ang babae. well organized ang crime kaya siguro, it took around nine years bago makakuha ng evidence, at mabuksan ang kaso. kung may kasalan man ang ating kababayan, may kasalanan din 'yung nagbugaw.:mad:
myukasky
05-19-2006, 01:40 PM
sensei, news like, isang pilipina na dating nagtratrabaho sa pub, nakapagasawa ng japanese at nagtratrabaho ngayon as caregiver ang nabasa ko noon sa isang social column. pero, hindi naging 'hot news'.
thank you for reading and replying to my post.
about the scandal, actually, 'yung matanda ang nagbugaw doon sa pilipina para makisama sa pinatay na biktima, kahit alam nilang buntis ang babae. well organized ang crime kaya siguro, it took around fifteen years bago makakuha ng evidence, at mabuksan ang kaso. kung may kasalan man ang ating kababayan, may kasalanan din 'yung nagbugaw.:mad:
Napanood ko sa tv yang news about sa pinay na caregiver last week lang yata. Sabi nga ng husband ko irai daw. :D Sya daw yung pinakauna unahang pinay na caregiver dito sa japan yan sabi sa news, i think taga tokyo sya at from cebu naman sa pinas.:D Noong napanood ko nga iyan napawow ako kasi iniinis ako ng hubby ko at daugther sabi nila dapat daw ganun din ako mag gambaru lalo. Napa huh nga ako parang kulang pa pala yung ginagawa ko.:( Kaya lang one day ko lang nakita sa news. :rolleyes: Samantalang itong hot news ngayon ilang weeks kaya paulit ulit na naman. Noong unang kita ko sa tv medyo curious pa ako ngayon aysus halos ayaw ko na manood ng tv.
megami704
05-19-2006, 01:45 PM
about the scandal, actually, 'yung matanda ang nagbugaw doon sa pilipina para makisama sa pinatay na biktima, kahit alam nilang buntis ang babae. well organized ang crime kaya siguro, it took around fifteen years bago makakuha ng evidence, at mabuksan ang kaso. kung may kasalan man ang ating kababayan, may kasalanan din 'yung nagbugaw.:mad:
actually almost 9 years, dahil sa pag iimbestiga sa namatay na asawa nung 1998, pati yung previous na asawa nung 1995 ay hinihinalang ganun din ang nagyari... kaso nga lang, di na pwding i-autopsy yung previous dahil nga wala na yung body. Yung 2nd husband ang ineembistgahan mula 1998 to the present. Sa japan, kung 10 years wala pa ring malinaw na eveidence, magiging close na ang case, but in her case, maraming eveidence na nakita and motives. Pati yung mga kids nya napatunayan na anak nga nung 66 yrs old
PILIPINAS
05-19-2006, 02:38 PM
@myukasky, yes, from cebu 'yung pilipina. at sa shizuoka ken nagtratrabaho. pareho ba tayo ng pinag-uusapan? i like that article too.
@megami. thanks for the correction. he..he..:D
myukasky
05-19-2006, 02:43 PM
@myukasky, yes, from cebu 'yung pilipina. at sa shizuoka ken nagtratrabaho. pareho ba tayo ng pinag-uusapan? i like that article too.
@megami. thanks for the correction. he..he..:D
Parang tokyo yata sya nakatira kung saan nagwowork di ko na natandaan, asked ko pa nga sa hubby ko natawa sya sa akin. May isa sya anak at hiwalay sa asawa chismiz ko pa no. Yan kasi sinabi sa news eh irai nga talaga kasi gambaru sya talaga at suwerte din ng anak nya.:D
PILIPINAS
05-19-2006, 02:48 PM
Parang tokyo yata sya nakatira kung saan nagwowork di ko na natandaan, asked ko pa nga sa hubby ko natawa sya sa akin. May isa sya anak at hiwalay sa asawa chismiz ko pa no. Yan kasi sinabi sa news eh irai nga talaga kasi gambaru sya talaga at suwerte din ng anak nya.:D
baka magkaiba tayong pinaguusapan. the one i read, is living in Shizuoka. anyway, pinay sila and we are proud of them.;)
pola228
05-19-2006, 03:09 PM
kanina habang kumakain kami ng byenan kong babae tinanong ko yung tungkol sa news na yun...wala naman kaming masyadong diskasyon about that kasi nararamdaman ko at alam kong nararamdaman nya rin na wala sa lahi yan...kasi naman hindi na bago yang ganyang case dito sa mga hapon lalo na asawa nila hapon din..mas brutal pa nga e...kailan lang din meron pinatay yung asawang babaeng hapon dahil din sa insurance...ang tangi ko nalang nasabi mahirap din pala maraming insurance no..kung hindi ka pamilya ang gagawa ng di maganda pwede rin yung kaisha mismo(opinyon din ng byenan ko)...
basta advice ko lang sa inyo wag nyong ipakita sa kasamahan nyo sa work sa bahay na masyado kayong apektado...basta once na may narinig kayong di maganda kinausap kayo about that na parang nangiinsulto sabihin nyo nalang na "bago lang ba sayo ang balitang ganyan? diba dami ng case na ganyan sa mga magasawang hapon? uso yata sa mga japanese na magasawa yang ganyan kaya pati tuloy mga ibang lahi ginagaya:D " sabay smile:rolleyes: ..pano ba yun itranslate sa nihongo?:p
pinkpooh29
05-19-2006, 03:55 PM
hello makikisali narin po ako..yung about dyan sa news sinabi ko sa bf ko na hindi lang naman pilipina ang gumagawa nga ng ganyan.. ang sabi naman nya pang 2times na raw nang yari na firpinjin ang involved... last daw e nung 3years ago pa,,firipinjin din daw unti-unti pinatay yung husband nang dahil din sa insurance..daw.. totoo ba to?:eek: :confused: haynaku.. ano bayan nakakahiya nga.. pero yung present news ngayon sana... hindi talaga nya ginawa:O kung sakali man..naku.kawawa nga ang mga anak nya.mas sila ang unang maaapektuhan sa ginawang kasamaan ng nanay nila:O :O
mylfer919mdo
05-19-2006, 04:11 PM
...kasi naman hindi na bago yang ganyang case dito sa mga hapon lalo na asawa nila hapon din..mas brutal pa nga e...kailan lang din meron pinatay yung asawang babaeng hapon dahil din sa insurance...ang tangi ko nalang nasabi mahirap din pala maraming insurance no..kung hindi ka pamilya ang gagawa ng di maganda pwede rin yung kaisha mismo(opinyon din ng byenan ko)...
:p
Yes. I heard that news also. Nurse iyong involved. Kasabwat nya eh mga nurse din ata na friends nya. Death penalty ang sentenced sa kanya. So, if ever the court proved that our kababayan is guilty, malamang death penalty din.
sam_227
05-19-2006, 05:06 PM
Kahapon nga nakita ng hubby ko yon news na yan sabi nya sa akin tuloy...huwag ko daw gagawin sa kanya yon..pero biro lang yon alam naman nya hindi lahat ng pinay ay ganon.Pero kahit biro lang masakit para sa akin.Pati tuloy sa tindahan namin pag tinanong ako ..FIRIPIN jin?sabi ko hai firipin jin desu! ewan ko kung ano iniisip nila:confused: .huh! bahala sila ..sabi ng hubby ko huwag daw ako mag isip porket tinanong ako ng ganon, kahit daw nijon jin gumagawa nun.haaay! isa naman kasiraan ito pag napatunayan na sangkot nga si pinay.
chubby_kulot
05-19-2006, 05:06 PM
lahat pala alam na ang news :hihi: ako lang pala nahuhuli.... :roll: napanood ko rin kanina un news..kami ni hubby ko...before mag ofuro...hay naku...minus na naman po ito sa ating lahat...di man sya un pumatay pero napatunayan na di nya anak dun sa mga asawa nya un mga anak nya kundi dun sa aijin nya...mali parin sya dun...at dun sa sinabi nya na... [nasa post na rin ito ni love&berry...] nagtratrabaho sya sa omise...atarimai lang na makipag suki ai sya sa kung kaninong herodes ng mundo...sabay dugtong ng ..."minna onaki desho...." sa totoo lang...narinig kong nagmura si hubby ko pero di na ako kumibo...habang nanonood kami..dahil alam ko ang naiisip ni hubby ko...nagtrabaho ako sa omise pero di ako ganon..kaya dapat di na sinabi un ni pinay...nakakababa ng pagkatao kasi eh....may kasalanan man sya o wala... wag na sya mandamay ng ibang taong nananahimik... :rolleyes: then pagdating sa nihonggo lesson ko..un din ang talk of the day ng mga tao dun...ako naman,well..wala lang..after ng ohayo ko...ngiti na ako..then patawa sa turo ni sensei..para mawala ang di magandang aura na nadatnan ko.. buti na lang un isang pilipina na classmate ko..nagdala ng biko...at nasarapan ang lahat..nakalimutan na nila un topic about the "pinay".... :king:
wolfgang
05-19-2006, 05:43 PM
ako rin malungkot...sunod-sunod kasi yung mga ganyan kaso..kailan lang meron din news about sa isang pinay na kasabwat nang asawa niyang hapon na kumidnap ng bata..carmenyata pangalan non...Ewan ko ...nakakasakit talaga yung sinabi nang babaeng yan..tungkol sa mina onaji deshoo sobra di naman porke nagtatrabaho sa gabi ay ganoon ang mga ginagawa..masyado..t alaga...ang hirap kasi ginawa lang nang isa pati iba madadamay porke kalahi mo....hayyyy naku...mahirap din naman siyang husgahan dahil di natin alam kung anong naging buhay niya....kaya lang ...sigurado ako ...na usap-usapan talaga yan lalo na dito sa lugar ko na walang ibang nakikita kundi yung mga pilipina na nagtatrabaho sa panggabi....hayyyy.. .. talaga lang..:(
summerghie
05-19-2006, 06:15 PM
hi to all the tf members...makikisali na rin ako..matagal tagal din ako din nakasali sa forum dahil i gave birth..
back to the topic, i watched that news last night but not in full details. sabi ko pa naman sa hubby ko lalabas yun news bukas panoorin nya ksi di ko masyado napanood:( ... buti na lng ngbukas ako ng pc at nglog in ako dito sa tf and now i understand w/ full details about the hottest news na malamang 1 week paulit ulit at head line pa sa tv na naman yan...thanks sa mga tf members at sa mga opinion nila para na rin ako nanunod ng tv..:)
like what everybody said minus na naman sa image natin yan whether shes guilty or not..alam nyo naman ang discrimination satin mga gaijin eh ganun ganun na lang kahit na sabihin pa natin na di lahat pare pareho pero ang mata, bibig at isip ng mga tao madudumi..medyo of topic kaso money related din ito ;kelan lng siguro mga ilang buwan na nakalipas eh nabalita rin sa news yun tungkol sa new born baby na kinuha nun nihonjin sa hospital tas ipapatubos ata eh ang asawa rin nun pilipina at ang sabi pa yun pilipina daw ang nagantay sa labas ng hospital habang yun asawa kinukuha yun bata...its about money din dahil sa dami ng utang nun lalaki..ganun na ata katindi pangangailangan ..back to topic,kung halimbawa man na guilty sya eh bilib na ko sa tapang nun pinay kasi sa higpit at tinik ng mga pulis dito eh di man lang sya natakot.ibang iba ang japan pagdating sa pagpapatupad ng batas nila dito.if ever naman na di sya guilty my due process of law naman at puwede nya parin idefend ang sarili niya..pero ang pinaka kawawa eh ang mga bata na walang kamalay malay sana naisip nya yun na ang mga anak nya mg suffer..and lastly yun word na sinabi nya na pwede sya mag suki ai sa iba lalo niya pinababa yun sarili niya..at sa mga pinay na namumuhay ng maayos kahit ayaw natin magpaapekto eh maapektuhan parin tayo kasi sa mga makukulit na mgtatanong at sa mga matang mapaghusga..
maimai
05-19-2006, 09:08 PM
kawawa naman yung Hapon na namatay...syempre kawawa din ang pinay..pero kung may kasalanan talaga sya dapat nya talaga pagbayaran ang ginawa nya.....:)
lalo na naman masama ang tingin ng mga haponesa sa atin~~(lalo na yung mga matatanda)..akala mo kung makatingin eh lahat na lang ng crime dito sa japan tayo ang gumagawa!
wolfgang
05-19-2006, 10:04 PM
k
lalo na naman masama ang tingin ng mga haponesa sa atin~~(lalo na yung mga matatanda)..akala mo kung makatingin eh lahat na lang ng crime dito sa japan tayo ang gumagawa!
uu nga yung mga oldies na yan hirap talagang patulan grabe lalo na dito sa amin...grabe...kala mo tingin sa akin......kakainin ako nang buhay...lalo na siguro ngayon...huhuhu...ew an di ko na lang sila papansinin...walang katapusan na pagtsisismisan nila ako...llalo na ngayon babalik ako ng trabaho sa gabi....:( l
summerghie
05-19-2006, 11:16 PM
uu nga yung mga oldies na yan hirap talagang patulan grabe lalo na dito sa amin...grabe...kala mo tingin sa akin......kakainin ako nang buhay...lalo na siguro ngayon...huhuhu...ew an di ko na lang sila papansinin...walang katapusan na pagtsisismisan nila ako...llalo na ngayon babalik ako ng trabaho sa gabi....:( l
wolfgang san hi!!! ay naku mahirap man minsan deadmahin ang mga taong lalo ngpapansin pero deadmahin mo parin maingit sila at malawit ang dila kakatsismis sayo ; walk straight head high diba:whistle: ...mahirap talagang maging alien sa isang bansa ganyan ba tayong mga pinoy kapag may ibang lahi satin bayan? di naman sa tingin ko eh siguro talagang tsismosa lang mga hapon..hehehe:p
Panzar327
05-19-2006, 11:57 PM
Hayy!!!nakakapanghin a....naman yang balita na yan.:O kung di man totoo kawawa naman yung pilipina..at kung totoo naman pati tayo na walang kaalam alam ay maaapektuhan dahil kapwa natin pilipino yung involved:O
Sabi naman ng husband ko...wag daw ako paapekto sa balita na yan..dahil kahit sino naman mapaanong lahi man may gumagawa ng ganyan..ulti mo sa nihonjin may mga case din daw na ganyan dahil sa insurance..kaya di ibig sabihin non may isa lang na warui na pilipino ehh warui na lahat...
Pero syempre di pa rin satin mawala ang panlalambot dahil alam natin na maapektuhan din tayo ng balita na yan..lalo pa at di naman gano kaganda ang image nating mga pilipino masakit man pero totoo.ngyon madadagdagan pa.:O
Nagiging close pa naman kami ngayon ng kapatid at nanay ng husband ko.di ko maiwasang mahiya.:( kay husband din kahit sabihin nya na di naman ako yon kaya wag akong papaepekto hayyy!!!di pa rin maiwasang mahiya sa balita nayan:( hayyy!!!talaga namang nakakapanghina.
Myluv
05-20-2006, 07:06 AM
Ano ba yan,habang binabasa ko itong topic nato about sa firipinjin na nagkakaso lumabas sa screen ng tv namin ang news.Nanonood pa naman ang asawa ko eh war kami ngayon.Sure ko dagdag na naman sa usapin namin itong nangyari sa kababayan natin.hay!naku hirap ng kalagayan nating mga gaijin.sana di totoo lahat ng nasa news.:mad:
puting tainga
05-20-2006, 09:20 AM
My memo on this news;
Sakura branch of Chiba lower court,
Judge Junichi Takeuchi
A civil lawsuit (not criminal lawsuit, for the police is still continuing its investigation.)
Daiichi Life Insurance vs. a Philippina (38) who lives in Shirai City, Chiba
The verdict concluded that the Daiichi Life Insurance doesn’t have to pay 4500 lapad to her because it is presumed that she killed the construction company employee.
Construction company employee died August 1998 (from Inzai city, Chiaba, 34 when he died)
Made contract with Daiichi Life Insurance June 1, 1998
Daiichi Life Insurance 45,000,000(=4500 lapad)
Monthly payment 28,840
On April 27, 1989 made contract with another insurance company, for 33,000,000 (which the company paid after the death of the man)
Monthly payment 23,220.
Together, the total of monthly payment was 52,050 and was withdrawn from the account of the woman, (not the man.)
His monthly salary was about 20 lapad
Debt of about 100 lapad from loan companies
Another debt of about 60 to 70 lapad from the president of the company (62)
Had trouble of paying only 2,000 yen/month insurance
In 1995, a man (30) who was with this woman died just after making contract with an insurance company and this woman received the sum of about 9000 lapad.
The verdict didn't say she killed him, too.
The woman claimed in the trial that
The father of the first son: Japanese ex-husband
The father of the second son and third son: a Korean ex-boyfriend
The father of the fourth son: the dead construction company employee
But the DNA test proved the father of the second, third and fourth son is the manager of her snack. (66)
Also he named these kids.
Then the woman changed her statement that she could not deny the possibility, which made her impression very bad at court.
She cries that she has never killed, except for ipis at lamok.
She says she has no knowledge of the drug.
puting tainga
05-20-2006, 11:16 PM
Additional memo:
>Asawa?
The woman told the construction company worker that he was the father of the fetus (=child to be born) and he officially admitted it. (A process called taiji ninchi).
This process and the alleged fact that they were engaged convinced the life insurance companies to register her as de-fact wife and thus the person to receive money when something happened to him. (and it happened.)
Murder for insurance money (hokenkin satsujin) is not rare in Japan.
In most cases, everybody concerned is Japanese.
However, Analie Sato Kawahara, who was sentenced 15 years in prison, was from Philippines.
neehs_iris
05-21-2006, 09:45 AM
Tutal nandito naman tayo sa Japan, ayokong manghusga ng kapwa, sana lang, after due process, maparusahan kung talagang may kasalanan at majustify din kung talaga namang biktima din lang ang ating kababayan. Ang hindi lang ako sang ayon ay yung mapanghusgang komento niya sa mga nagtrabaho sa omiseng mga pinay. Sana din lang di rin niya hinusgahan agad ang kapwa niya, lalo na't kababayan pa mandin.Kahit saang aspeto ko man tingnan, malaki ang epekto nito sa ating lahat na namumuhay ng tahimik at nagsisikap umasenso dito sa Japan sa iba't ibang larangan kung saan tayo bihasa. Ang lalim, sorry! Umaatake na naman ang patriotism ko bilang pilipino,ahek!
mhalou
05-21-2006, 09:57 AM
hay naku kakalungkot ang news na yan ,sana aamin nalang yung gumawa para wala ng gulo palagi nalang laman ng news kasi kakahiya sa katrabaho pati na sa pamilya ng asawa nating mga hapon.pray nalng natin sana matapos na at umamin na ang gumawa .
puting tainga
05-21-2006, 12:21 PM
Talked with several people (of various nationalities) about this news.
I am happy to share this to you.
Ayon sa balita, the number of crimes committed by foreigners increased recently, but the rate of crimes by foreigner per populations is still lower than average.
The increased number is just a reflection of increased number of foreigners.
Public interest in crimes by foreigners is focused on:
Armed Korean pickpockets
(there is another group of un-armed Korean pick-pockets),
North Korean drug dealers, and “Super-dollar” makers.
Chinese key-breakers. (a method called pickings)
Possible Islam terrorists,
These countries are all hostile to Japan, or Prime Minister’s visit to Yasukuni shrine.
These are done by groups, one arrest doesn’t mean the end of it.
Whereas the news we are concerned is done by individuals.
No insurance company will make contract with them again, and that’s the end of it.
Also this news is relatively unimportant to most people, just another Insurance fraud and murder, easily forgotten.
(Hot news now is the murdered boy named Goken Yoneyama and the mysteriously died girl named Ayaka Hatakeyama, only 2 houses apart, in a small town in Akita prefecture.)
Another factor is the criteria of civil and criminal suit is very different. The former considers the benefit of the victim, whereas the latter put emphasis on the human right of the culprit.
Thus unless there is conclusive evidence or confession, it may be difficult for the police to prosecute her. (In Japan, if prosecuted, in most cases the verdict is guilty. That’s how cautious Japanese police is.)
That’s why even though the police confiscated the organs of the dead guy years ago, they still say they are continuing investigation.
puting tainga
06-05-2006, 08:08 AM
See, nobody is talking about this news anymore.
By the way, Suzuka Hatakeyama, mother of the girl mysteriously died, was arrested and every morning show is talking about it right now.
Within a few weeks, nobody will be talking about it anymore, I believe.
love0308
10-16-2006, 02:29 PM
makikisagot nga po dito, although matagal na ito napanood ko po ito sa tv. Habang pinapanood namin to kunwari di ko naiintindihan pina explain ko sa hubby ko sabay tawa siya. Sabi nya kurusanaide ne! sabi ko naman baka okane iranai yo!:D demo moshikashite ikura morairu no?:bonk: alam naman ng hubby ko ang feelings ko sa kanya kaya anshin siya.
Dahil sa news na yan baka pagtinginan na naman ako ng mga obaachan sa onsen he he:D
sweety
10-16-2006, 02:34 PM
oo napanood ko yan,,,,kawawa rin hinde ba?pero kung ano man talaga yung totoo at dahilan kung bakit niya ginawa yun wala pa rin tayo karapatan husgahan siya...sana nga maayos na yun,,,
miyuki
02-17-2007, 04:58 PM
just read this thread ... hirap pala ng huli mag member sa TF tuloy huli ako sa balita. may TFC kasi ako kaya don lagi ako nanonood.OT sorry...sa nag start ng thread makikidugtong ha kahit mag 1 year ago na. heheheh medyo connected din kasi...
naisip ko lang.... matagal na rin ako d2 mag 2 years na nitong last week lang pala ako inilagay ng hubby ko as beneficiary . kasi kinuha nya ung contract nya sa pinagtataguan nyang baul nung tinanong ko kung ano yon sabi nya papalitan na daw nya ang benificiary name .kasi kinuha nya yon nung binata pa sya kaya tatay daw nya ang nakalagay.kung hindi sya nagkusa di ko naman alam na kailangan pala pangalang ko ang nasa benificiary at kung may nangyari pala sa kanya last year at di pa nya napalitan yong contract wala pala kaming makukuha ni baby namin?naisip ko siguro now lang nya naisipan na ilagay ako kasi nga may anak na kami. noong wala pa si baby siguro may takot sya dahil nga sa mga balibalita? ... ewan ...wala naman kasi akong alam sa insurance.kagabi nga ang sabi nya ikukuha din daw nya ako ng insurance ... ngek! kakatakot d kaya ako painumin din ng lason heheheheh.... JOKE! ...pero sabi ko anata kimiru .. .. :)
mOtt_erU
02-17-2007, 07:24 PM
Napanood na po ba ninyo kanina sa evening news sa lahat ng japanese channels ang tungkol sa isang pilipina na umano'y dahan-dahang pumatay sa kanyang asawang hapones nang dahil lamang sa life insurance.. pero pilit namang itinatanggi ng pilipinang ito ang alegasyon. sana ay maimbestigahan talaga ng husto ang kasong ito dahil kawawa naman ang pilipinang ito kung mako-convict kung wala naman talagang kasalanan.
........nakakalungko t naman `tong balita na`to:( ....haaay sana naman hind totoo kase mai- stereotype na naman tayOng lahat....haaay lahat naman ng taO kailangan ng pera...perO hindi naman dapat umabOt sa paglason o kung ano man paraan para lang makakuha ng pera....
sana maging Fair and Square ang imbestigasyon kahit na kapawa gaijin (Pinay) naten ang sangkot...
Godbless her....lalabas din ang totoO kung guilty siya sa nangyaring yan....
yomeryuutam
02-18-2007, 05:02 PM
hello mga kababayan
ngayon ko lng nabasa ang thread na ito! 2 years ago na pala. bagong dating pa lng kasi ako d2 sa nihon nung nangyari itong jikken na ito kaya siguro hindi ko siya alam. Umiiyak po ako ngayon sa lungkot dahil sa news na ito, bilang Filipino at asawa ay hapon din. mapatunayan man ang accusation o hindi, mantsa na ito sa atin. Tsk, tsk, tsk, really bad.
Nagtataka lng ako ke kababayan natin... may nabasa ako na yung may natanggap sya na insurance (dun sa unang namatay na asawa) 9000 lapad.. tama po ba ang nabasa ko?
Saan nya kaya dinadala o ginagastos ang ganitong kalaking halaga??:confused: kasi mahirap lng po kami, para sa akin tondemonai okane na ito, e d lalo na ang value nito nung nakaraang mga taon? Tapos gagawin nya uli para may makuha sha na half naman ng una nyang natanggap?
gus2 ko sana uli mabasa ang tungkol sa news na ito kaso pag kni click yung link wala na shang archieve. may development na po ba ang kaso?:(
louvette_15
02-19-2007, 12:28 AM
may of last year, meron din akong napanood sa news about sa 1 pinay na unti-unting nilalason yong japanese husband nya sa tulong ng kabit nyang japanese din dahil sa pera. nasa burol kami noon ng mother-in-law ni mama ng lumabas sa news. sobrang nakakahiya kasi lahat ng japanese family ng stepfather ko kasama namin dun sa room. mabuti na lang, wala namang nag comment sa mga hapon na nandun. syempre, aware sila sa amin na pinoy na kapamilya na rin nila, kumbaga.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.