PDA

View Full Version : anak sa una bf


sunshine
05-19-2006, 10:03 PM
sana po makatanggap ako ng sagot sa mga katanungan ko ,may anak po ako sa pagka dalaga ,then nag asawa po ako ng hapones yung anak ko po sa una di po nalagay sa pangalan ng bf ko nagka hiwalay kme,yung napangasawa ko po ngaun may 3 po cia anak sa nmatay nya asawa ,inilapit p nmen sa saiban ang pag aampon sa anak ,ang sabe po sa saiban kailangan pirmahan ng anak nya ang pag aampon sa anak ko ,ang kaso po ayaw pirmahan ng anak nya ,ano po kaya ang dapat ko gawin ?makakuha kya ng japanese nationality ang anak ko ?dito ko po cia ipinanganak at hapon po ang tatay nya ,di lang po kame nagkaunawaan kaya kame nag ka hiwalay ,kawawa nman ang bata kung di cia mabibigyan ng nationality d2,maraming salamat po sa mga sasagot ,isang malalim na palaisipan sa kin hangga ngayun kung ano dapat ko gawin sa aking anak,

aimi2819
05-20-2006, 12:06 PM
Hi sunshine, pwede bang matanong kung ilang taon na yung anak ng asawa mo na kailangan ng pirma nya, kasi ang sabi ng asawa ko wala naman daw pakialam ang mga anak kung sakaling gustong ampunin ng asawa mo ang anak mo.:)

sunshine
05-20-2006, 06:22 PM
aimi thanks for your refly ,yung anak nya sa una ay 19,18,at 15 pinapipirma cla sa saiban na pumapayag clang maging kapatid nila ang anak ko ksama ko lahat cla sa bahay,mag 6 years na kame ksal ng asawa ko hangga ngayun di pa rin nabibigyan ng jp nationality anak ko ,may nagsabe intay daw ako ng mga 4 years pa pwde ako mag apply ng jp nationality ,,magiging jp nationality din ang anak ko ,di na rin kc inaasikaso ng asawa ko pag lalagay sa seki nya ang anak ko ,gusto ko na nga din cia hiwalayan marami kme di pagkakaunawaan sa laht ng bagay ano kya dapat ko gawin thanks sa reply mo ha more power to you

aimi2819
05-20-2006, 06:45 PM
pasensya ka na ha, umalis kasi kami, may karapatan na nga raw yung mga anak sa una na tumangging pumirma, kasi malalaki na pala sila eh, yun na nga langang siguro ang paraan para makuhaan mo sya ng japanese nationality, goodluck sayo:)

sunshine
05-20-2006, 07:24 PM
dear aimi ala na bang iba paraan pra makakuha ng jp nationality ang anak ko ?ayaw ko nmang maging jp ntionality ,mahirap din pakisamahan ang asawa ko ,lalo na yung mga anak nya sa una untill now di cla kumikibo sa kin .tinuturing nila ako isang dakilang chimay,tiis lang basta magksama kme ng anak ko ,atsaka d2 na cia nag aaral,yung asawa ko pag nagagalit cia sa kin half in a year nya ko di kkbuin ,sinasaktan pa nya ko sa harap ng mga anak nya salamat sa pag rereply mo marami ako problema gusto ko lang may makausap kung ano dapat ko gawin ,di na ko cguro makakatiis pa ng 4 years ,pero may apply ako na pr untill now di parin na re release mag one year na sa july

docomo
05-20-2006, 08:16 PM
hi sunshine.. ang hirap ng sitwasyon mo.. nalungkot ako nung nabasa ko... .. ang pwede ko na lang i advise sa yo eh pagtiisan mo muna... konting tiis pa hanggang makakuha ka ng permanent residency .... ang importante kasama mo anak mo nakakapagaral , magkasama kayo ... konting tiis pa pasasaan magiging maayos din lahat... tatagan mo yang loob mo dahil umiikot ang mundo kaya wag kang mawawalan sana ng pag asa... :)

proud me
05-21-2006, 01:14 AM
Hi! sunshine....wag kang mawawalan ng pag asa baka meron pang ibang paraan...isipin mo nalang alang alang sa anak mo magtiis ka muna...:sweeties:

kokorokara
05-21-2006, 01:53 AM
Kailangan dagdagan mo ng maraming dasal,walang iba paraan na makakatulong sa iyo,pasasaan ba`t mararamdaman din ng danasan mo yun mga pangangailangan mo,intindihin mo rin ang sitwasyun niya at ng mga anak niya.huwag kang padalusdalus makipaghiway kasi mag uumpisa ka na naman,ang importante nandito ka na sa Japan magsumikap ka nalang at paghandaan mo rin ang para sa inyo ng sarili mong anak,kailangan may sarili kang ipon na pero in case of emergency.Tibayan mo ang loob mo.walang impossible dito sa mundo...makukuha yan sa dasal at kailangan may akyon din.

aimi2819
05-21-2006, 08:11 AM
Hi sunshine, ang hirap naman pala ng kalagayan mo dyan, pero tama sila, tutal nagtitiis na na rin lang naman, dagdan mo pa ng konti, then pag na release na yung permanent visa mo, siguro pwede ka ng makapag umpisa uli, wag kang mawawalan ng pag-asa, isipin mo na lang na kung naghihirap ka man ngayon, darating din yung panahon na magiging masaya ka, wag kang makakalimot magdasal, kasi sya lang ang magiging kakampi mo dyan, di ka nya pababayaan:) Di pa nga pala kita na we-welcome ano, buti at nakita mo tong Timog Forum, makakatulong sayo to kahit papano, marami kang magiging adviser and friends dito:p

hanna
05-21-2006, 09:21 AM
hi sunshine...Totoo yong na kailangan ng perma nang mga anak ng asawa mo sa una kong a dopt nya ang anak mo sa Una, dahil naranasan ko na yan na dapat aamponin ng asawa ang mga anak ko.

sunshine
05-21-2006, 01:21 PM
marami pong salamat sa mga nag advice sa kin ,iba po talaga ang puso ng mga pinoy pag nag aadvice ,nakaka touch po ,tama po kayo nakatiis po ako sa ginagawa ng husband ko,dadagdagan ko pa ang pagttiis ko ,i wil pray to god na magbago cia ng pagtingin sa kin at ituring nya kong asawa ,ayaw ko nman pong mahiwalay tlaga sa asawa,masakit lang po sa kin pag nagagalit cia sa kin dinadamay nya ang bata wala nmang kasalanan ,kahit cno po ,o kahit nga hayop pag sinaktan ang ank nakahandang ipagtangol ang anak ,masakit po sakin di ko man lang naipagtatangol ang anak ko ,grabe hirap ang nranasan ko bago ko makuha ang bata sa ama nya ,hangga sa pag papalaki ko sa knya nag iisa lang ako dito sa japan ,makapag work lang ako kung kani kanino ko cia pinapakiusap para lang matingnan cia ,then pagkagaling ko sa work dadaanan ko cia kahit na malamig ang gabe ,uuwi kmeng mag ina sa tirahan nmen apato.ngayun malaki na cia tumutulong din cia sa gawaing bahay kme mag ina ang gumagawa,paggaling nya school tutulongan na nya ako sa gawain bahay,salamat po ng marami sa mga advice nyo medyo nakahinga po ako ng maluwag

megan
05-21-2006, 04:21 PM
marami pong salamat sa mga nag advice sa kin ,iba po talaga ang puso ng mga pinoy pag nag aadvice ,nakaka touch po ,tama po kayo nakatiis po ako sa ginagawa ng husband ko,dadagdagan ko pa ang pagttiis ko ,i wil pray to god na magbago cia ng pagtingin sa kin at ituring nya kong asawa ,ayaw ko nman pong mahiwalay tlaga sa asawa,masakit lang po sa kin pag nagagalit cia sa kin dinadamay nya ang bata wala nmang kasalanan ,kahit cno po ,o kahit nga hayop pag sinaktan ang ank nakahandang ipagtangol ang anak ,masakit po sakin di ko man lang naipagtatangol ang anak ko ,grabe hirap ang nranasan ko bago ko makuha ang bata sa ama nya ,hangga sa pag papalaki ko sa knya nag iisa lang ako dito sa japan ,makapag work lang ako kung kani kanino ko cia pinapakiusap para lang matingnan cia ,then pagkagaling ko sa work dadaanan ko cia kahit na malamig ang gabe ,uuwi kmeng mag ina sa tirahan nmen apato.ngayun malaki na cia tumutulong din cia sa gawaing bahay kme mag ina ang gumagawa,paggaling nya school tutulongan na nya ako sa gawain bahay,salamat po ng marami sa mga advice nyo medyo nakahinga po ako ng maluwag

Sunshine san, welcome po sa T-F family:dogpile: ... grabe naman yang life story mo talagang nakakaiyak :cry: ... pero wag po kayo mawalan ng pag-asa tibayan nyo po ang loob nyo kasi po
malamang sa inyo rin po kumukuha ng lakas ang anak mo, syempre po samahan nyo po ng dasal dahil alam ko nakikinig po si God sa bawat hinaing at dasal mo, alam mo kasi minsan God give us trial not because he wants to hurt & punished us but because he wants to make us a better person, sometimes we complain & asking LORD WHY ME ?... but we never realize that he want us to make our spirit strong, God did not create us for nothing, all of us are special to him because we are his children & his love for us is endless. Sunshine san Im sure you are also familiar about footprints in the sand di ba sometimes ganon din tayo akala natin nag-iisa tayo, parang me against the world, pero hindi pala because nandyan si God. Kapatid lakasan mo ang loob mo kung kailangan mo ng masumbongan at karamay mag log on ka lang dito saT-F at dito makakapiling mo kaming lahat, di ka nag-iisa nandito lang kami palagi na iyong tagapag lingkod, kapuso,kapamilya, kasangga, kakampi, basta lang ba hindi tungkol sa pera dahil wala ako nun :scratch: :doh: :roll: ... God bless kapatid wag kang mag-alala isasama kita sa mga dasal ko. :halo:

sunshine
05-24-2006, 09:46 PM
have a nice day dear katimog furom ,ask ko lang po how do i get japanese nationality,give some advice to proceed this kind of topic,i need to take a japanese natinality for the sake of my son ,more power to all of you

sharja
05-25-2006, 05:40 AM
Hi Sunshine,
I hope that the sun is shining on you today.
I really fell for you, and I will offer a prayer for you.

My advise is pagtiisan mo muna 'yong asawa mo, paggalit siya, lambingin mo lang. Hanapin mo kung saan ang kiliti nya. Pag galit ka sa mga anak 'nya as much as possible huwag ka nang magsumbong sa kanya, sometimes hindi rin siguro 'nya alam kung ano ang gagawin.

As for your child, kausapin mo 'sya at sabihin mo that someday life will be better for you both, kaya lang huwag 'nyang sabihin doon sa mga step nya.
Ingat!

aimi2819
05-25-2006, 09:18 AM
have a nice day dear katimog furom ,ask ko lang po how do i get japanese nationality,give some advice to proceed this kind of topic,i need to take a japanese natinality for the sake of my son ,more power to all of youOhayo sunshine!:) buti naman at nakapag online ka kahapon, ewan ko ba kung bakit lagi kitang naiisip, siguro naantig ang puso ko sa lifestory mo, wag kang mag-alala pag nabasa ni lola japphi tong thread mo, baka matulungan ka nya, kasi ang alam ko Japanese nationality na sya, maituturo nya kung ano ano ang dapat mong gawin, basta wag ka lang mawawalan ng pag-asa, pasasaan ba at matatapos din yang problema mo.;) God Bless you and your son!!!:)

sunshine
05-25-2006, 06:43 PM
salamat sayo aimi,eto na lang cguro ang paraan para makakuha ng nationality ang anak ko ,ang maging jp nationality din ako,nag usap kame ng mama ko ,nong una ayaw nya pumayag ,pinaliwanag ko sa knya pra sa bata di para sa kin,ok nman cguro kung pareho kame maging dual ng anak ko,malabo kasi mangyari ang pag aampon ng asawa ko sa king anak.at the young age aimi nagkaanak sa una kong naging bf,overstayed pa ko non,yung una ko bf di kame nkasal kc nadiscover ko nakasal cia sa korean tinatawag na immitation keikon.sa dame nya cguro pinag kakautangan pinag bili nya pangalan nya,then ng malaman ko.nilayasan ko cia dinala ko ang anak ko,timing ko panggabe ang work nya kc nilayasan ko na cia dati inagaw nya yung bata ayaw nya ibigay ako na lang daw ang umalis,wala nman aako magawa aimi kc di ako ang klase ng ina na iiwanan ang anak.nagbalik ako sa knya,lumabas tunay nya ugali di cia gaano pumapasok sa work at ok.lang sa knya papasukin ako sa gabe cia ang bantay ng bata,pero minsan nag kakawork naman cia timing ko na gabe ang work nya doon ko tinakas ang ang bata,sa murang icp ko kaya ko kelangan marami ako lakas para sa anak ko,start pala yun ng pasanin ko bilang mother and father ng anak ko ,sobra hirap ng dinanas ko,di ako umuwi sa tin kc kung uuwi kame mag ina ala ding mangyayari sa men ,at wala akong maibibigay na kinabukasan sa anak ko,talagang npakahirap po maging single mother lalo na nasa ibang bansa tayo,kung kanikanino po ako nakikiusap matingnan lang anak para makapagwork ako,that is true aimi at my young age 23 inisip ko nga hangga ngayun pano ko kaya nagawa yun?10 years old na anak ko aimi.sorry sa pag story ko ng buhay ko.baka maiyak ka ha,talagang knya knya tayo ng story sa buhay ,i wish someday maging maligaya nman ako thanks to all of you

aimi2819
05-25-2006, 07:32 PM
Darating talaga ang panahon na yun, ang maging maligaya ka at ang anak mo, baka nga sobra sobra pa, lagi na kitang kasama sa mga dasal ko, di man ako relihiyosa pero malakas ako sa KANYA:) Basta kung may maitutulong man ako sayo, sabihin mo lang lagi kitang aabangan dito sa TF.:p

hanna
05-26-2006, 07:28 AM
have a nice day dear katimog furom ,ask ko lang po how do i get japanese nationality,give some advice to proceed this kind of topic,i need to take a japanese natinality for the sake of my son ,more power to all of you

hello sunshine...Ano ba ang Visa mo? kong permanent residence ka may posibility na ma ka kakuha ka..nasabi ko ito dahil ..I will apply all the documents on June 14 sa gaimsho pang 3 times ko na itong ma kipag meeting doon at last na kuha ko na lahat nga papers..basta lahat ng requerments na hingiin sayo ng gaimsho ma iibigay mo.and you need to know how to write a japanese character kc pa susulatin ka sa papel..doon susulat mo bakit gusto mong maging japanese citizen and mga sasabihin mo paturo ka nalang sa Asawa mo kasi di pweding asawa mo ang sumulat nyan..madali lang yan pag marunong kang gumaya..nag japaneses character

DOnt worry pag may dilim may liwanag..

japphi
05-26-2006, 08:06 PM
Hi sunshine.....welcome sa TF......at kumusta ka na ngayon.Nabasa ko yung story mo tungkol sa gusto mong pagkuha nang japanese nationality para sa anak mo....medyo mahirap nga yata kung iaasa mo lang sa asawa mo.

Sa palagay ko kung makakakuha ka nang japanese nationality baka may posibilidad pa na makakuha rin sya....pero depende pa rin sigurado yan sa mga papeles nya/ninyo.....at higit sa lahat depende pa rin yan sa asawa mo kung susuportahan ka/kayo sa mga documents na kailangan.

Mas maganda siguro na magtanong ka muna sa Homusho (Ministry of Justice sa ward ninyo....doon ay may department sila na may nakalagay na Legal Affairs).Hindi kolang alam kung saan ka dito sa Chiba......kami ay sa Urayasu Shi......wala mismo dito sa Urayasu....andoon pa sa may Ichikawa.Doon ....o sa kaparehong department subukan mong magtanong.

Pero palagay ko ay itatanong din ang asawa mo dahil sya mismo bale ang susuporta sa mga papeles....sa kanya nakasalalay kung maa-admit ang application mo.....(sa aking pagkakaalam lang naman).....at higit sa lahat kasi pwera sa mga documents na galing sa kanya....kailangan pa rin yung document na nagpapatunay na pwede mong suportahan ang pagtira mo dito sa Japan(ganoon din naman yung sa anak mo kung ikukuha mo sya)May document doon na magmumula sa banko na magpapatunay bilang financial status mo/ninyo.

Pero sa ngayon ang pinaka-mahalaga ay magtiis pa para sa anak mo.....tulad nang nasabi mo....matitiis mo para sa anak mo.Mapapasaan ba't magkakaroon din nang linaw ang problema mo ngayon....huwag na huwag kang mawawalan nang pag-asa......at ito lang ang ilagay mo sa isip mo.....lalu kang tumitibay sa mga pagsubok na nasa sa iyo ngayon.....at ang mga pagsubok na yan ay may kapalit na naghihintay para sa'yo at para sa anak mo.Nasusubukan ka kung gaano ka katatag...kaya tibayan mo pa ang pagtitiis.

At sa pagtitiis na yan......maswerte pa rin na natagpuan mo ang TF....na magiging gabay mo kahit papaano ang mga kababayan natin dito na pwede mong hingan nang mga advices o pwede mong i-voice out ang mga sama nang loob mo sa araw-araw.Marami kang mga kababayan dito na magdadasal para sa'yo at para sa anak mo para sa magandang bukas na inaasam mo.

Pansamantala....haba ng nagtitiis.....sama-sama tayo dito sa mga kwentuhan...biruan para kahit papaano ay makalimutan ang mga problema sa araw-araw......basta pag may oras ka ay mag-online ka at kwentuhan tayo ha.........itsumo ki o tsukete ne......

kidd11211988
05-26-2006, 09:22 PM
napakagandang istorya..ehehe ..walang masabe e..ehehe

japphi
05-26-2006, 10:02 PM
S'yanga pala ......may ipapasa ako sa'yo na isang site na kung saan ay makakakuha ka nang idea kung paano ang pagkuha,daloy nang application at yung ibang kailangan na mga documents......basah in mo at kahit papaano ay andoon ang gusto mong malaman na informations.

cutie_rei
05-26-2006, 10:51 PM
hello sunshine and welcome sa Timog:)

nakakalungkot naman ang story mo....just like what you've said, nakatiis ka na ng ilang taon, subukan mo pa ring magtiis ng konti hanggang dumating lang ang PR mo....yung mga anak ng husband mo, pakitaan mo pa rin sila ng maganda kahit na di maganda ang treatment nila sa yo, basta wala kang ginagawang masama sa kanila, mare-realize din nila yung mali nila hindi man ngayon, time will come and hindi na maaalis yun sa konsensya nila.....

itanong ko lang, ano ang status ng anak mo ngayon? philippine citizen sya di ba? so yung visa nya is long-term resident ba? kahit na hindi i-adopt ng husband mo ang anak mo, dahil sa may visa ka, pwede mo syang i-apply, ang magiging status nya is long-term resident, then after 5 years pwede rin syang maka-acquire ng PR, mas madaling mabigyan ng PR ang mga bata, try mong inquire sa immigration, pwede kang mag-soudan doon para mas maliwanagan ka...

gambatte ne:) dalaw-dalaw ka lang dito sa TF para malibang ka:)

sam_227
05-26-2006, 11:13 PM
hi! sunshine nakakalungkot para sa akin na may isang kababayan na naghihirap na kagaya mo.Pray ka lang sa kanya alam ko darating din ang time n maaayos din ang problema mo.At konte tiis pa,ganyan talaga ang iba anak ng hapon,alam mo ako din 6 months din ako nagtiis na nakasama ang unang anak ng asawa ko,nagtiis ako at pinakisamahan ng mabuti.Pero ewan ko ba kahit ano pakikisama ko balewala parin ako sa kanya(anak).Masuwert e lang ako at mabait ang asawa ko.Di rin ako nakatiis kaya nag sikap kami ng asawa ko makahanap ng iba bahay,sa awa naman ng diyos maayos na kami ng hubby ko.Alam mo hanga ako sa yo natiis mo lahat.Kaya huwag kang mag alala ang hirap may kapalit na saya.Huwag mawawalan ng pag asa.KAYA MO YAN!

sunshine
05-27-2006, 08:15 PM
salamat sa information mo for japanese nationality intresado ako itanong,cguro medyo matatagalan pa rin kc yung pr ko dipa rin nare release untill now 1 year na nkapasok ,ask ko nga sa friend ko kung ilang months cia naghintay kc ka rerelease lang ng pr nya ,1year daw ,mag 1 year na rin nakapasok ang pr ko sana marelease na rin this coming july,dati 6 months lang lumalabas na ang pr medyo natagalan yata ngayun,pero ok lang i wish na ma release na rin pr nmeng mag ina,kung sakali pwede ba kame maging dual ang nationality?

sunshine
05-30-2006, 05:24 PM
maraming salamat po sa mga nagpayo po sa kin,buti na lang po nabuksan kong site na to pwde po bang malaman ko uli sainyo about sa pag papa renew ng passport ng bata sa embassy,pwede po kayang di ko na kasama yung bata,magdala na lang ako ng photo nya,kc po requierements po ng embassy yung photo nila doon.pumapasok po kc yung bata kya na ask ko lang po sainyo kung pwede di ko na isama yung bata.thanks to all of u dear katimog member

MAGDALINA
05-30-2006, 06:30 PM
[hello po nakaka iyak naman ang strory mo.pero dont give up.try&try until maagtagumpay ka.:) LORD is always comport you wagmosyang kakalimotan.sabinga ng lola ko ang mga pagsubok partina ng buhay natin.magtakaka kung walakang pagsubok.wag mong masyadong dib-dibin ang mga problima mo magtiwala kalang kay LORD sya ang tawagin mo kausapin mo sya tungkol sa mga problima mo dahil sa lahat ng oras nariyan sya naghihintay lang sa pagtawag mo.:halo: at kung tungkol naman sa anak mo waglang syang mawawalan ng pag-asa always pray malakas ang mga bata kay LORD malay mo maghimala sainyong mag-ina.waglang kayong mawawalan ng pag-asa okey GOD BLEES &more power sayo.

japina
06-02-2006, 09:34 PM
:O hello!!! sunshine!! naku nalungkot din ako nung nabasa ko bout sayo. anyway tatagan mo pa ang loob mo. magdasal ka lang. hintayin mo yun prmanent residency mo. pag lumabas na yun maari ka nang mag simula. ang importante magkasama kayo ng anak mo.