View Full Version : Aida, Lorna, Fe -> isang tao lang
Tonyang
05-19-2006, 11:11 PM
Hi Ka-TF! Magandang pag-usapan natin ang tungkol sa paggamit ng mga alias na pangalan... maraming rason na alam na natin halos lahat... pero anong effect nito sa buhay ng isang tao? Mahalaga ba ang tunay na pangalan sa atin? Ating pag-usapan sana. Salamat.
sharja
05-20-2006, 12:04 AM
.. pero anong effect nito sa buhay ng isang tao? Mahalaga ba ang tunay na pangalan sa atin? Ating pag-usapan sana. Salamat.
Syiempre mahalaga ang isang panagalan, kaya lang ito ay binigay sa atin ng ating mga magulang kasama ra rin ang responsibility to take care of that name. Kaya lalo na dito sa Forum, nabigyan tayo ng pagkakataon na gumamit ng screen name according to our wishes.Paminsan nga, we are more honest when we use aliasis, kasi hindi tayo magamba na mabasa ng nakakakilala sa atin sa Tunay(?) na buhay na paminsan ay balat kayo lang din. Balat kayo dahil ang society natin (Filipino) mahilig manghusga (most of the time) and it affects our relatives(kuno) so ayaw din natin mahusgahan.
Salamat! Ingat.
gemini_19
05-20-2006, 12:29 AM
Hi Ka-TF! Magandang pag-usapan natin ang tungkol sa paggamit ng mga alias na pangalan... maraming rason na alam na natin halos lahat... pero anong effect nito sa buhay ng isang tao? Mahalaga ba ang tunay na pangalan sa atin? Ating pag-usapan sana. Salamat.
oo naman napakahalaga ng tunay na pangalan sa buhay natin, kaya dapat lang nating pangalagaan 'to.
kanya kanya siguro tayo ng paniniwala, pero para sa akin mas proud ako na gamitin ko ang tunay kong pangalan dahil alam ko na wala akong itinatago, o wala akong dapat itago.
ni minsan di pa ako gumamit ng alias na pangalan..........sa mga taong gumagamit ng aliases meron siguro silang dahilan para gawin yon.....at yon ay ang protektahan ang tunay nilang pagkatao:) peace po sa inyo.
Autumn
05-20-2006, 12:35 AM
sa mga kakilala ko dito sa japan.wala pang nakaka alam ng tunay kong pangalan sa trabaho naman yun japanese name ko na gamit ko.ewan ko im not comfortable na sabihin ang real name ko.or masyado lang din akong private na tao.?
tsaka sino ba sa atin ang nakagusto sa pangalan natin na bigay ng magulang natin? meron din siguro..pero ako ayaw ko..napapangitan ako sa pangalan ko.tunog banyaga.sana lang pangalan pinoy binigay sa akin.sabi ko nga sa inay ko sana pinabayaan muna akong walang pangalan at ako ang pinapili eh :D(kurot ang inabot ko) ang nakakatawa nga eh yun japanese name ko eh tunog pinoy.kasi yun ang gusto kong pangalan.
para sa akin malaking kaibahan kaya nga siguro ako gumamit ng alias eh para mapangalagaan ko yun pangalan na bigay ng nanay ko .(kahit na di ko masyadong gusto) yun alias ang ginagamit ko.iwas chizmiz at iwas sa mga mapaghusgang tao. matsismiz at mahusgahan ka man ..ayos lang..feeling ko..so what di nyo naman ako kilala eh.;) (salbahe ba?)
summerghie
05-20-2006, 12:56 AM
Hi Ka-TF! Magandang pag-usapan natin ang tungkol sa paggamit ng mga alias na pangalan... maraming rason na alam na natin halos lahat... pero anong effect nito sa buhay ng isang tao? Mahalaga ba ang tunay na pangalan sa atin? Ating pag-usapan sana. Salamat.
there is no other important and unique name than our original name; but sometimes we prepare to hide our real identity by using alias and because of some personal reasons or maybe for popularity purpose..diba the more unique, funny the more it will be come interesting and mysterious . some of us choose the name according to our personality and likes.
me; the reason why im happy using the same alias because i like the name and meaning itself..
proud me
05-20-2006, 01:22 AM
sa pinas palang siyempre iba yong givenname sa nickname ko...nong nagtrabaho narin ako dito sa japan...iba rin nickname ko...kaya mas kilala ako sa nickname ko kesa sa realname ko...epekto...wala.. .dito rin naman kasi sa japan meron din yong nickname eh...parang sa pinas din...nasa lugar din yong paggamit nila.tulad pagsa bahay kung ano yong tawagan ng magkakapatid mga kalaro na kaibigan...
maimai
05-20-2006, 08:45 AM
ako naman kung ano ang nickname ko sa pinas ganun din ang gamit ko dito...pero dito sa bahay ibat-iba ang tawag ng hubby ko...depende sa mood nya ~~:D ~~
pero usually sa mga kaibigan ko dito at sa pinas Nick name ko palagi ang tawag nila sa akin keysa sa Real name ko..:)
wala naman siguro masama kung gumamit tayo ng Alias..tulad ng sinabi ni Gemini_19..meron siguro silang dahilan para gawin yon.....at yon ay ang protektahan ang tunay nilang pagkatao...
kokorokara
05-21-2006, 01:00 AM
Siyempra ako mas gusto ko rin gamitin yun tunay kung pangalan,kaya lang mayroon mga lugar tayong pinupuntahan na minsan ayaw kung gamitin yun tunay kung pangalan unang una siyempre self protection ko rin yun,pero pag true friends na and other business deals siyempre tunay nang pangalang baka kung saan pa mapunta yun transakyon ko lalo na yun payment,case to case basis din po yun.pag mga public place ang pupuntahan ko like restaurants,bars,dis co houses etc,usually nag aalias ako,mahirap na ano,minsan may biglang mag aaproach sa iyong medyo gongs...manyakis ang face;) ...naku kakatakot magsabi ng totoong name.
japphi
05-21-2006, 08:55 AM
Eversince tunay na pangalan ko ang gamit ko....I love my name..kaya lang ang name ko yata ang ayaw sa akin.Kung minsan nga sasabihin sa akin na "ang ganda naman nang pangalan mo~~~~"(hindi lang nila maituloy na~~~hindi bagay sa'yo~~~~:( .
Kasi hindi sya pilipino style o pag bigkasin....L_s__e american style ba.....ako nga rin noon nagtataka....bakit 13 kaming magkakapatid at ako lang ang naiiba nang pangalan......sa isip ko...."baka pulot lang ako" :rolleyes:....nung maliit pa ako ang tawag sa akin ay ang bigay na pangalan nang nakalakihan kong Lola namin....pero ayoko yon....ang sagwang pakinggan.....sabi ko raw yung real name ka na lang....then nagdalaga ang yabang ko sa pangalan ko he he he he he.....
Kaya yung real name ko ang ginamit ko....pero laking tawa ko rin/namin na nung bago makapunta nang Japan at kumukuha ako nang B-certificate....hindi makita yung name ko.....may nakita sila same parents,same b-day,same address...pero iba ang pangalan......naku mga ka-TF...isasambulat ko sa inyo yung nakasulat na pangalan ko......akalain nyo ba namang....MARIA daw ang pangalan ko na naka-registred sa city hall:eek: !!naku gusto kong magwala!!.....ang ganda-ganda nang gamit na pangalan ko....yung ganda palang yon ay s'yang binantot naman nung nakatago sa munisipyo!!!
Tinanong ko ang mga parents namin.....biro pa sa akin...."baka raw natisod ang Tatay ko nung ipa-rehistro ako...nakalimutan yung pangalan na naisip at Maria na madaling naisip nya ang nai-rehistro:p Naku pinapalit ko talaga yon.....pero sa nakakakilala sa akin dito....ano kaya ang nasa isip nila?:rolleyes:
sabi siguro....."hindi nga bagay sa iyo yung pangalan mo".......well...hindi ko kasalanan..... kasalanan nyo yan pag inisip ninyo ha ha ha ha ha ha ha~~~~~at ~~~~hi hi hi hi hi hi hi hi hi pa rin.........
ritzyu
05-21-2006, 10:05 PM
Hi Ka-TF! Magandang pag-usapan natin ang tungkol sa paggamit ng mga alias na pangalan... maraming rason na alam na natin halos lahat... pero anong effect nito sa buhay ng isang tao? Mahalaga ba ang tunay na pangalan sa atin? Ating pag-usapan sana. Salamat.
Sa akin wala naman sigurong masama sa pag-gamit ng mga alias na pangalan, sa mga
gumagamit noon ay may kanya-kanya lamang sigurong silang rason. Para sa akin
minsan nakakabuti yong medyo ibahin ng konti ang pangalan mo, narere-fresh ka
ng konti, umarekawari ika nga anong gusto mong maging pangalan mo, di ba
may mga choices tayo. Alam mo naman sa mga Japanese kahit anong ganda pa ng
pangalan mo di mabigkas, minsan awaseru na lang sa hatsuon nila, kaya gamit ka na lang
ng oboeyasui na alias o pangalan para madaling matandaan, o japanese name kaya. Lalo
na pag nag-asawa ka ng Hapon at di nila mabigkas ng tama yung pangalan mo,
araw-araw stress mo yan di lang ikaw sila din :D
mOtt_erU
08-28-2006, 01:38 AM
Sabi nga sa libro "The Sweetest Word a Man can hear is his Name".
Okey lang yung mga alias, minsan nga nakakatuwa,o kaya naman ay nakakinis din naman ang mga alias.
Pero syempre kahit masanay man ang isang tao sa pagamit ng alias niya ay mas higit na Importante pa rin at mahalaga ang Totoo niyang pangalan.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.