View Full Version : Kung walang "Japan" sa tingin mo ano ang buhay mo ngayon?
kidd11211988
05-20-2006, 11:01 PM
Hello ...natanong ko lang po dito ...dahil minsan naisip ko ..kung walang japan ..ano kaya ang buhay ko ngayon ..well ..gusto ko sana kayong tanungin about dito .sana po makasagot kayong lahat ...sasagot din po ako ..ehehe ..sino po gustong mauna ?
Reminder:Please avoid posting messages in textspeak. For more details on the Forum Rules and Guidelines, look here (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=365 ). Thank you for your cooperation - mod.
honeybunny
05-20-2006, 11:14 PM
kung wala ang japan?siguro hindi ko nakilala ang mabait kong hubby:rolleyes: ,kaya buti na lang may japan:D :D ,and the rest,i dont know:confused: :confused: ,only GOD knows:) :)
hmm.... para sa akin is hindi ko pa alam..... siguro kung wala ang japan is normal siguro ang buhay ko sa pinas....hehehe....p ara sa akin ang pina ka point is kung walang japan is wala siguro ang TF ... :D buti na lang at merong japan kasi meron ding TF... hehehehe.... :grouphug: :type:
ayumi
05-21-2006, 12:27 AM
kung wala ang Japan?naapakahirap naman ng question mo?...siguro..walang HAPON!...he..he...he ...
1.siguro malungkot ako..kase di ko ma-meet asawa kong hapon.
2.siguro nagbibilang ako ng maraming pera....pero hindi sa akin...pera ng mga client namin,yun po kase trabaho ko sa Pinas bago ako nag-asawa.
3.siguro mas masaya ako,kase wala akong padadalhan ng pera,ako ang padadalhan nila.
4.siguro hanggang ngayon hindi pa rin ako makasakay ng eroplano(alang pamasahe..poor po)
5.siguro di ako makakarating sa mga lugar na napuntahan ko ngayon
...andami eh...next time ko na lang isulat ha?...yun lang..:)
ritzyu
05-21-2006, 12:41 AM
Kung wala ang Japan siguro baka na sa Germany ako. Me penpal akong
German na shokai sa akin ng kaibigan ng bestfriend ko. Nagpunta ako ng Japan
na nakalimutan ko na me pangako pala akong pag-pumunta siya ng Philippines
at nagkita kami ng personal, pag okay kami sa isat-isa magpapakasal kami.
wala pa akong 2 weeks sa Japan nabalitaan ko na umuwi yung German sa Pinas,
nagulat ako kasi nakalimutan ko yong usapan namin..hinihingi daw sa ate ko address
ko sa Japan pero di nila ibinigay.:)
kokorokara
05-21-2006, 12:49 AM
Kung wala ang Japan,,,siguro wala akong makikilalang hapon:D .Maybe I`m in the USA now,working or maybe get marraid to an american,nandoon kasi halos yun mga relatives ko,ako palang ang medyo sa Japan napadpad...at of course wala akong mga friends sa TF:O .
myukasky
05-21-2006, 01:17 AM
kung wala ako sa japan siguro nasa pinas kung di asawa ng magbabalot o di kaya magtataho.:D
proud me
05-21-2006, 01:24 AM
kung walang japan...nasa kangkungan :D ....buti nalang me japan no...kundi wala akong oto na japon :japanese:
summerghie
05-21-2006, 01:42 AM
japan japan sagot sa kahirapan :bouncy:
*kung walang japan wala ako asawang mabait at cute na baby. :wink:
*malamng pudpud na swelas ng sapatos ko sa pgtratrabaho sa at wala parin asenso:cry:
*malamng di ko matutulungan ang papa ko sa financial problem namin dati (maaga kasi siya nawalan ng trabaho kaya since im the eldest napilitan ako di tapusin pagaaral ko sa college ngwork na lng ako.sayang 3rd yr na ko....ay ngdrama ba!!:nono: )
*malamng nasa dubai ako kasama yun ex bf ko. (kasi usapan nmin yun eh kaya siya ng abroad for me):scratch:
*malamang asa pinas ako pare pareho kaming mamomoblema sa mahal ng bilihin at hirap ng buhay sa pinas:ohlord:
*wala ako siguro kung ano meron ako ngaun kung wala ang japan..:jiggy:
kaya buti na lang my japan..:thumb:
barney
05-21-2006, 01:58 AM
kung wala ang japan ciguro hindi ko naihanda ang magiging kinabukasan ng dalawa kong anak;ciguro hindi cla nakatapos ng kolehiyo at d natupad ang kanilang mga pangarap sa buhay;ciguro naghihirap cla like what i have experienced when i was young;ciguro madalang lang sa mga pamangkin ko ang nakatapos ng kolehiyo; ciguro marami ng namatay na member of the family dahil walang pampagamot; marami pa akong ciguro kaya lang hwg na lang kc masyadong mahaba besides sumasama lang ang loob ko at nakakalungkot dahil katutulong wala na palang natira para sa kin di ko namalayan..puro give....walang take.:( para kang bangko na wini widrohan na wala namang deposit....:rolleyes :
japphi
05-21-2006, 08:00 AM
Kung wala ang Japan.....baka umoo ako sa Kuya ko na i-shoukai ako doon sa kasamahan nya sa barko.Pero ayoko kasi yung hindi ko talaga kakilala tapos magpapakasal.Kundi sana baka nagkakilala kami ni Sharja sa San Diego at magkasamang mag-shopping sa base he he he he he.....(pero magkikita rin tayo d'yan...wait mo lang ako)
May nakilala rin naman akong marine sa Iwakuni base during my first time dito sa Japan....black man naman sya....nag-propose sya sa akin....kaya lang takot ako....ang laking tao.....saka hindi ko pa sya gaanong kakilala din.
May bf ako sa atin dati at may usapan na kami....kaya lang dahil dito sa 5 years na bestfriend/penpal ko na asawa ko ngayon ay nag-break-up kami......yun pala may nakalaan pa para sa akin...yun ay ang plano nang Panginoon na pinagtagpo lang pala kami nitong bestfriend ko para mabuo ang plan nya para sa aming dalawa.THANK YOU GOD:)
maimai
05-21-2006, 08:19 AM
kung walang"Japan" siguro..
... di ko makilala ang hubby ko ngayun.
....nakapag-asawa na ako ng pinoy at nasa ibang bansa nagtatrabaho:)
...di ko makilala ang mga prends ko ditow..
..at lalo na di ko malalaman na may TF..:D
neehs_iris
05-21-2006, 08:57 AM
Siguro nasa BPI pa din ako nagtatrabaho gayan ng dati. Mataas ang titulo pero mababa ang sweldo. Naka kontodo suit pero ang pera lahat palabas at walang ipon. Sa ngayon ako ang sumusuporta sa lolo at mommy ko sa pinas kasi may pamilya na din ang dalawa kong kapatid at nakahiwalay na. Kung wala ako dito baka hirap din akong tustusan yung maintenance ng gamot nila specially matatanda na. Hindi ko mararanasan ang buhay may asawa siguro kasi nanaisin kong magpursige muna para sa nanay at lolo ko at anak ko, mas mahirap magpamilya kasi sa pilipinas dahil sa taas ng cost of living pero mababa ang employment at government benefits.
michiko
05-21-2006, 09:00 AM
kung wala ang japan siguro nasa bahrain ako nag wowork at baka hindi japanese ang napangasawa ko..siguro single pa din ako hanggang sa ngayon..:)
RODSKI
05-21-2006, 09:22 AM
hmmm kung wala ang JAPAN di siguro ako matututo gumawa ng nasa avatar ko ngayon kase sila ang nagturo sakin eh:D , siguro nandun pa din ako sa munting gawaan ko sa Pinas.,siguro ulit di ko mapapnood Voltes 5, Mazinger Z, dragon ball, at Lupin:D :p , siguro si Godzilla hindi yung character na kilala natin:confused: baka imbes na dragon eh palitan ng Kalabaw or Kambing:D :p , at syempre kung wala ang Japan di ko siguro napuntahan USJ:D :p nyak!:p nyak!:D nyak!:p
kaori
05-21-2006, 09:25 AM
kung wala ang japan siguro nasa Canada,Hawaii or London ako.kung wala ang japan hindi ko kyo makikillala dito s a TF.
rodem
05-21-2006, 09:53 AM
Kung wala ang Japan... mangingibang ibang bansa pa din ako, kahit saang bansa basta maganda ang pa-sweldo at benipisyo sa mga IT professional na tulad ko... tapos na kong iprioritized ang career ko kaya pera-pera na ang labanan... mahirap ang buhay kapag sapat lang ang kinikita mo o minsan kinakapos pa...:)
Buti na lang may Japan, dito ko nakilala mga malalapit sa puso kong mga kaibigan... at higit sa lahat ang TF... kaya maraming-maraming salamat sa bansang Hapon at sambayanang Hapon.:)
aprilluck
05-21-2006, 10:46 AM
Kung walang Japan?
Tatlong posibleng bagay ang maaring kalagyan ko ;
1. Siguro kung nasa 'Pinas ako maaring nagtuturo ako sa elementarya batay sa pinagtapusan ko na B.S.E.Ed. .Siguro doon lang din sa Bulacan ako nagtuturo malamang doon din sa pinagtapusan ko ng elementary sa lugar namin.
2. Maari rin na na di ko gamitin ang pinagtapusan ko kundi magsarili ng hanapbuhay tulad ng pagtitinda ng mga kakanin ,tulad ng hanapbuhay ng mother ko na s'yang nakatulong ng malaki sa amin.Hirap nga lang ng katawan pero mas mabuti kaysa mamasukan .
3.Maari din na nasa U.S. ako dahil ang father ko ay veteran na entitled manirahan sa U.S. kasama ang buong pamilya,kaya lahat sila nandoon. Di kasi ako nakatanggi sa marriage proposal nitong aking husband ,kaya heto ako ,16 years na dito sa Japan with my husband and two kids.
Pinanindigan ko na !:)
pooh_chan
05-21-2006, 11:59 AM
Ako naman, kung WALANG japan:japanese: ,
Siguro pinoy ang napangasawa ko at siguro wala akong baby na super cute at super malikot,
siguro hanggang ngayon wala yong bahay ko sa pinas
siguro hikahos pa rin kami sa hirap
siguro hindi ko napag-aral yong kapatid at mga pamangkin ko
siguro yong mga loho ng kapatid ko hindi ko maibigay
marami pang siguro eh, at siguro sa makati pa rin ako nagwowork hanggang sa ngayon.......:)
Kaya pasalamat pa rin ako at may JAPAN, kasi kung walang japan, walang LAPAD.....:wink: :biglaugh:
nipee
05-21-2006, 12:38 PM
siguro kung wala ang japan gaya ng iba nating mga ka tf diko makikilala super bait kong husband and one and only kong baby girl she's 2 and 11 months old.siguro andoon ako ngayon sa u.s andoon kasi father ko nakatira at siguro hindi sila nagkahiwalay ni mommy pero para sa akin malaking tulong talaga ang bansang hapon kasi sa mga mahihirap na kapwa natin pilipino na nangangailangan ng pera at least andito ang japan diba and i was very happy to have a family
Autumn
05-21-2006, 12:49 PM
kung wala ang japan... baka hanggang ngayon nandoon ako sa pinas making shoes.bags etc..baka doon pa rin kami nakatira sa bahay ng lola namin na hinati hati sa lahat ng kapatid ng nanay ko..
oh baka sakali eh nakatapos din ako ng at may degree... dahil working student ako simula ng mg 1st year sa high school..
oh kaya naman eh madre na ako ngayon..:D kasi sabi ko sa sarili ko..hinde ako mag aasawa :p..ewan ano nga ba..?
anyway maraming salamat at may japan..maraming nabago sa buhay ko..;) hindi ko na imagine na makakahawak ako ng computer :D at makakabili nito noh...:)
PILIPINAS
05-21-2006, 01:04 PM
Kung walang Japan, eh di hindi naganap ang Bataan Death March. Wala din sa history ng America ang Pearl Harbor Attack, that trigered the US Force to exercise their utmost power which eventually became the most powerful military force in the world.:confused:
Kung walang Japan, nasa pilipinas or idaho ako ngayon. Kung walang japan, eh di wala ang anak ko ngayon....hu...hu... :(
gohan
05-21-2006, 03:22 PM
kung walang japan...walang hapon;) wala din ako ngayon
:rolleyes: {lolo ko po hapon} .....at wala di akong hubbby na love ko:p
kung walang japan di ko maranasang pumunta sa ibat ibang lugar aside from japan,
at sumakay ng mercedez araw araw,kalabaw lang kasi ang alam ko bundok kasi sa amin
ang laki ng pagkaiba mercedez at kalabaw:D.higit sa lahat walang KaTF na mababait,,,:
pola228
05-21-2006, 03:41 PM
...kung walang Japan...
malamang natuloy ako sa isang banda:band: as lead vocalist:) sa pinas or baka sa ibang bansa rin nag w-work as entertainer..
l
chello24
05-21-2006, 03:51 PM
kung wala ang japan :confused: walang mananakop satin:mad: :fence: ...walang pilipino nuon na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa pag papahirap nuon ng hapon :angry: at walang nagahasang mga lolang pinoy ngayon:grrr: ...at higit sa lahat mayaman parin ang bansa natin:rant: ...pero kahit wala ang japan:scratch: marami paring pilipino ang mapag samantala kayat siguradong babagsak parin ang pilipinas:weep: ...buti nalang may japan:rolleyes: dahil kahit ganun ang nangyari nuon na sasandalan parin natin sila ngayon:lol::king: ...
ako kung wala ako dito sa japan ngayon baka:rolleyes: ...nasa pinas ako sigurado:growl: !
:toast: kaya mabuhay ang hapon:japanese: :japanese:
mhalou
05-21-2006, 03:51 PM
kung wala ang japan wala ako siguro dito ngayon wala rin asawa kong hapon at singkit hehehehehe....pasala mat ako may japan kasi nakakasakay ako now sa car sa pag sa pinas ako at walang japan wala kaming car na ganito eh.siguro sa departmentstore pa rin ako pag walang japan ....thanks god may japan mabuhay .....
Bangis
05-21-2006, 05:07 PM
Kung walang Japan.. hindi magiging makasarili at maghihirap ang maraming Pilipino...
Remember during world war 2.. maraming mga Pilipino ang binenta ang sariling dignidad para sa sariling kapakanan tulad ng mga makapili. Marami ang naghirap at nawalan ng pamilya..
At ngayon.. since anjan ang mga hapon.. marami sa ating mga kababayan dito hindi ko naman nilalahat.. may mga thread narin akong nabasa na sinisiraan ang kapwa filipina dun sa asawang hapon at umaabot sa hindi magandang pagsasamahan ng mag-asawa na nagreresulta ng pagwasak ng pamilya. Tulad din halimbawa.. sa hirap ng buhay, umalis ng Pilipinas nangibang bansa at sa bansang ito ng mga hapon napadpad.. may naiwang pamilya sa pinas, nakakita ng hapon inalok ng magandang buhay or nakakita ng magandang pag-asa.. nagpakasal at kinalimutan ang pamilya sa sariling bayan..
Noon.. (world war 2) sigaw ng mga kababaihan pag nakakita ng mga hapon.. TAGO...DAPA anjan na ang mga HAPON. Ngayon iba na... MAY MGA HAPON.. SUGOD TIHAYA.. nyahaha..
pero sa totoo lang.. ayaw ko talaga dito.. maraming conflicts sa buhay ko.. kahit tanungin nyo misis ko.. siya lang mapilit na dito kami manirahan sa bansa nila..
Sa Pilipinas.. maraming yumaman dahil sa sariling pagsisikap.. hindi ko masasabi na dahil sa Japan.. giginhawa ang aking pamumuhay.. its just my opinion..
Bato-bato sa langit.. tamaan'y wag magagalit.. ang magalit panget.... :biglaugh:
tokyoboi2
05-21-2006, 05:44 PM
kung walang japan,.... maybe nasa ibang bansa tayo// d lang japan ang land of milk and honey...maski san man tayo i believe magkambatte pa rin tayo// we were here because ito ang pinili natin, not because of destiny, ito ang pinili nating buhay kaya andito tayo// but i think maski asa pinas tayo we will still survive..and who knows baka nasa america tayo or even europe.., ang importante we will live here and do good for the rest of our stay.
gemini_19
05-21-2006, 05:48 PM
Kung walang Japan.. hindi magiging makasarili at maghihirap ang maraming Pilipino...
Remember during world war 2.. maraming mga Pilipino ang binenta ang sariling dignidad para sa sariling kapakanan tulad ng mga makapili. Marami ang naghirap at nawalan ng pamilya..
At ngayon.. since anjan ang mga hapon.. marami sa ating mga kababayan dito hindi ko naman nilalahat.. may mga thread narin akong nabasa na sinisiraan ang kapwa filipina dun sa asawang hapon at umaabot sa hindi magandang pagsasamahan ng mag-asawa na nagreresulta ng pagwasak ng pamilya. Tulad din halimbawa.. sa hirap ng buhay, umalis ng Pilipinas nangibang bansa at sa bansang ito ng mga hapon napadpad.. may naiwang pamilya sa pinas, nakakita ng hapon inalok ng magandang buhay or nakakita ng magandang pag-asa.. nagpakasal at kinalimutan ang pamilya sa sariling bayan..
Noon.. (world war 2) sigaw ng mga kababaihan pag nakakita ng mga hapon.. TAGO...DAPA anjan na ang mga HAPON. Ngayon iba na... MAY MGA HAPON.. SUGOD TIHAYA.. nyahaha..
pero sa totoo lang.. ayaw ko talaga dito.. maraming conflicts sa buhay ko.. kahit tanungin nyo misis ko.. siya lang mapilit na dito kami manirahan sa bansa nila..
Sa Pilipinas.. maraming yumaman dahil sa sariling pagsisikap.. hindi ko masasabi na dahil sa Japan.. giginhawa ang aking pamumuhay.. its just my opinion..
Bato-bato sa langit.. tamaan'y wag magagalit.. ang magalit panget.... :biglaugh:
OT: may point ka rin d'yan Bangis , pero tayo ay may kanya kanyang opinion, sa mga naunang nag reply siguro opinion nila na kung hindi dahil sa bansang ito saan sila pupulutin? merong gumanda ang buhay dahil sa pagsisikap nila sa bansang ito. Bakit kung sa bansa ba natin mabibigyan tayo ng pair na pamumuhay? kahit magsikap ka siguro sa atin wala pa rin, kung di gobyerno ang kalaban mo taong abusado (kasama na riyan ang mga magnanakaw holdaper, carnaper, killer.......etc). pero dito magsikap ka meron kang pag asa.
para di OT heto naman ang sa akin:
*kung walang Japan siguro wala ako sa posisyon ko ngayon.
*wala siguro ako rito sa harap ng computer para sumagot sa thread na ito.
*wala siguro akong nakilalang bangis na masayahin, nagbibigay ng sigla ng TF, kaya lang paminsan minsan ay pasaway:)
marami pa kaya pag isipan ko muna at post na lang uli ako.
rhiverz
05-21-2006, 05:52 PM
kung walang japan maybe nasa ibang country ako ngayon...
pero ok na din dito, for added experience sa resume ko... pag uwi ko hanap ulit.. pag wala dito sa Japan eh andyan naman ang mga karatig bansa natin... basta may opportunity... grab it... while the iron is hot sabi nga nila...:D
tokyoboi2
05-21-2006, 06:28 PM
kung walang japan...wala ring tokyo...kaya wala ring tokyoboi..ngeeee..
nyway...kanya kanya tayo ng opinion...kanya kanyang dahilan kung bakit andito tayo//
pero we all have common factor..which is uwi pa rin tayo sa pinas at magbabakasyon pa rin tayo dun// sana lang we can apply what we have learn here para sa pagbabago ng ating bansa// our nation need a lot of changes and for one way or another may ma i contribute tayo for a change and everyone knows kung ano yon...
gohan
05-21-2006, 06:36 PM
Kung walang Japan.. hindi magiging makasarili at maghihirap ang maraming Pilipino...
Remember during world war 2.. maraming mga Pilipino ang binenta ang sariling dignidad para sa sariling kapakanan tulad ng mga makapili. Marami ang naghirap at nawalan ng pamilya..
At ngayon.. since anjan ang mga hapon.. marami sa ating mga kababayan dito hindi ko naman nilalahat.. may mga thread narin akong nabasa na sinisiraan ang kapwa filipina dun sa asawang hapon at umaabot sa hindi magandang pagsasamahan ng mag-asawa na nagreresulta ng pagwasak ng pamilya. Tulad din halimbawa.. sa hirap ng buhay, umalis ng Pilipinas nangibang bansa at sa bansang ito ng mga hapon napadpad.. may naiwang pamilya sa pinas, nakakita ng hapon inalok ng magandang buhay or nakakita ng magandang pag-asa.. nagpakasal at kinalimutan ang pamilya sa sariling bayan..
Noon.. (world war 2) sigaw ng mga kababaihan pag nakakita ng mga hapon.. TAGO...DAPA anjan na ang mga HAPON. Ngayon iba na... MAY MGA HAPON.. SUGOD TIHAYA.. nyahaha..
pero sa totoo lang.. ayaw ko talaga dito.. maraming conflicts sa buhay ko.. kahit tanungin nyo misis ko.. siya lang mapilit na dito kami manirahan sa bansa nila..
Sa Pilipinas.. maraming yumaman dahil sa sariling pagsisikap.. hindi ko masasabi na dahil sa Japan.. giginhawa ang aking pamumuhay.. its just my opinion..
Bato-bato sa langit.. tamaan'y wag magagalit.. ang magalit panget.... :biglaugh:
Bangis san totoo lang during my childood pag napaaway ka sa kapwa bata"sabihin ba namang dapa may hapon eh ngayon iba na diba?BTW lola ko naman talagang nagpakasal sila sa ojiji ko sa cebu, nagkahiwalay nga lang dahil bumalik na sa japan,but before the war nagkasulatan pa sila its a love story kumbaga!by Gods grace higit sa lahat na sobrang thankful ko is makatagpo ng talagang mahal ko at mahal din ako
:) siguro kung walang japan na sa bundok pa rin ako kasama ang mga Bangis na hayop
:D peace po tayo!!!
DJchot
05-21-2006, 06:42 PM
kung wala ang japan, wala rin yung company ko ngayon. malamang nasa fluor daniel ako or stick sa dati kong company...baka nagkatuluyan din kami ng ex-gf ko hehe...maaring mas asenso kaysa ngayon...maaring hindi rin...depende sa dating ng biyaya pa rin.
kung wala ang japan..siguro single pa din ako, natatakot na mag asawa na hindi ko mabibigyan ng kinabukasan ang magiging anak ko... nagtratrabaho pa din sa PWU o di kaya nasa ibang bansa.. para makaipon, mabigyan ng maalwan na pamumuhay ang parents ko.. at syempre hindi makapagbabad ng ganito sa harap ng PC at magkaron ng mga kaibigan dito sa tf ..
Peliks Bakat
05-21-2006, 09:04 PM
kung wala po ang japan, wala din po ang maraming Filipinong inhinyero na tulad ko na nagsusumikap para lamang mabuhay ng marangal at maiahon sa kahirapan ang pamilya...
isa pa po, kung wala po ang japan, maaaring ang palitan ng dolyar laban sa piso ay Php100 na... tayo na nandito ay malaking bahagi ng pag-unlad ng bayang Pilipinas at isa rin tayo sa mga pinakamalaki na nagpapasok ng remittances... kaya po ginagamit ko na ang TF para sabihin na maraming maraming salamat bansang Hapon.:)
fisher
05-21-2006, 11:05 PM
Japan has made my life completely different the way I was destined to be(destined to be must have been a strong word).If Japan doesn't exist I am celebrating mass on the altar with the faithfuls.Isa na po sana akong pari.Isa na po akong novice nang makapag-asawa ng di inaasahan.Nakasal po ako sa aking asawa ngayon na isang haponesa.
At kung wala ang Japan,hindi ko sana nakilala ang iba pang mga tao na nagpapaikot sa aking daigdig.Mga taong nagmahal sa akin at minamahal ko hanggang sa ngayon at mamahalin ko habang buhay.
And most probably,kung wala ang Japan nasa Italy po ako kasi doon po ang destination na nakahanda para sa aming batch.Still I'm glad,Japan crossed my path.I have my little sweetheart.
wolfgang
05-21-2006, 11:18 PM
Kung walang japan...baka marami na akong anak ngayon at kami siguro ang nagkatuluyan nang ex ko ...Di pa siguro siya patay ngayon...at...siguro kung walang japan di ako naging lamig.....at natiwalag..sa relihiyon ko dati....siguro naghihirap pa rin kami sa buhay...at siguro nagtitinda na lang ako nang lelot at abnoy sa may kanto namin.. marami pang siguro...........sal amat at may japan dahil nabigyan nang pag-asa ang mga magulang ko na kahit paano maiahon sa hirap....:)
ichimar
05-22-2006, 07:12 AM
kung wala ang japan,di ko matatagpuan ang destiny ko[habibi].....siguro nasa pinas pa din ako,kasi wala akong balak mag abroad,patuloy na nagtatrabo sa mercury drug.......:)
chubby_kulot
05-22-2006, 09:55 AM
like what other said.... kung walang japan wala rin ang hapon at walang lapad but for me...if japan does not exist in this world..maybe wala rin pilipinas...o kung meron man baka di rin pilipinas ang name ng bayan natin :king: baka hindi ako si chubby kulot... :roll: siguro di ko rin nakita ang timog forum :japanese: di ko mami-meet si hubby ko :cry: at baka..siguro...maybe ..ewan ko ang sagot sa lahat ng tanong :biglaugh:
that`s why thanks God for having japan in this world :king: and we`re all exist :hihi:
megan
05-22-2006, 02:52 PM
Ako, kung walang japan, malamang nandoon ako ngayon sa IRAQ pambala sa cannon nyahahaha :biglaugh: :biglaugh: :biglaugh: ... basta ayaw ko magstay sa Pilipinas whaaaaa :cry: :ohlord:
kung wala ang Japan... nasa pilipinas ako at tyak nagtatrabaho parin sa East Ave. Hospital. nasa tabi sana ako ng tatay ko nu'n namahinga sya.
sanju_yen
05-23-2006, 12:06 AM
aw...40 replies,1,180 views...boom ang post mo kid..pati lola ng kaibigan ko nabulabog ang utak sa kaiisip sa isasagot sa hirap ng question mo..:banghead: wahehehehehe
answer nya daw..." e di walang nihonjin " :scratch: nyahaha:bonk:
angel_cullet
05-30-2006, 11:01 AM
Kung walang Japan, siguro hindi milyonaryo barkada ko along with her family , dhil sa Japan Nagka Surplus business sila.
Kung walang Japan, Hindi magiging bread winner ang mga friends ko na entertainer na bumubuhay sa magulang at kapatid nila.
kung walang Japan, medyo tight Finances, like in my case right now coz i blew the chance i had before.
Reality bites ,medyo mas may edge tlga pag nasa ibang bansa.
Learning lesson:
a.When you got a chance , go fo it, take the risk. The risk can make you stronger.
b.Don't live in the past , Our March now is for the hope of our future.
c.Give yourself for others' (like what the bible says).
d.Work hard ( kahit saang lugar hindi aasenso pag wlang tyaga at sipag).
meteor
05-30-2006, 02:47 PM
kung walang Japan walang user name na meteor ;)
kidding aside siguro bratty pa rin ako o kaya walang chikiting gubat
na umaaaligid ligid sa buhay ko :D
mahalkita
05-30-2006, 03:41 PM
Actually, theres no way of telling what will happen.
My life can go either way, good or bad.
And Im not a prophet.
I think the best way is to learn from your experience, from your mistakes.
I do not believe on others saying that "kung wala Japan wala ako nito or hindi ako ganito ngayon". Meaning nun wala kang tiwala sa sarili mo.
And if that happens you will fall.
MAGDALINA
05-30-2006, 06:59 PM
kung walang japan
1.walang akong magandang buhay ngayon
2.siguro diako makakabili ng sariling bahay at lupa.
3 at siguro wala akong magandang anak ngayon
4 last, siguro wala ako sa furom na ito
kasi walang buhay sa pinas kayud ka ng kayod kulang pa sa pambili ko ng panty at bra sa baclaran :)
ritzyu
05-31-2006, 08:32 AM
Actually, theres no way of telling what will happen.
My life can go either way, good or bad.
And Im not a prophet.
I think the best way is to learn from your experience, from your mistakes.
I do not believe on others saying that "kung wala Japan wala ako nito or hindi ako ganito ngayon". Meaning nun wala kang tiwala sa sarili mo.
And if that happens you will fall.
Actually hindi naman po sinasabi ng mga members na sinisiguro ko o tinitiniyak ko..
oo hindi naman tayo mga phropeta para tumiyak ng buhay naten. ang sabi lang
naman ng mga members ay "siguro lang naman" o "baka lang naman" , di naman
siguro masama ang mangarap bukod pa doon..at paano ka muna mag kaka-mali
kung wala ka pang nae-experience na challenge sa buhay. Ang mga members na
nag post dito siguro ay nag-challenge at siguro medyo nakuntento ang buhay, kung
ikukumpara mo nga naman nuong na sa Plilipnas kaya naka pag share po dito.
Minsan naniniwala ako dito sa kasabihan na ito.." The great thing in this world is not
so much where we stand, as in what direction we are moving." Wag lang po tayo
pipirmi nang pagkaka-tayo, dahil mamamatay yung tinutuntungan nating damo.:order: :bowdown:
MAGDALINA
05-31-2006, 09:29 AM
[quote=ritzyu]Actually hindi naman po sinasabi ng mga members na sinisiguro ko o tinitiniyak ko..
oo hindi naman tayo mga phropeta para tumiyak ng buhay naten. ang sabi lang
naman ng mga members ay "siguro lang naman" o "baka lang naman" , di naman
siguro masama ang mangarap bukod pa doon..at paano ka muna mag kaka-mali
kung wala ka pang nae-experience na challenge sa buhay. Ang mga members na
nag post dito siguro ay nag-challenge at siguro medyo nakuntento ang buhay, kung
ikukumpara mo nga naman nuong na sa Plilipnas kaya naka pag share po dito.
Minsan naniniwala ako dito sa kasabihan na ito.." The great thing in this world is not
so much where we stand, as in what direction we are moving." Wag lang po tayo
pipirmi nang pagkaka-tayo, dahil mamamatay yung tinutuntungan nating damo.:order: :bowdown:
:tfrocks: hay............ang pinoy talaga ang hilig sa mga kasabihan.pero:thumb : okey ang sagot mo fraind tayo(walang personalan chat lang paralahat happy)
ritzyu
05-31-2006, 09:45 AM
:tfrocks: hay............ang pinoy talaga ang hilig sa mga kasabihan.pero:thumb : okey ang sagot mo fraind tayo(walang personalan chat lang paralahat happy)[/quote]
Gomen ne nalitaw bigla ang lowla, :bonk: .. peace po talaga tayo.. :love: (ot na po ito)
noycoco
05-31-2006, 12:01 PM
kung walang japan.......sigurado ako na walang magagandang bading ngayon!!!!:) gets nyo!!!!!?????
japina
05-31-2006, 10:08 PM
:) kung walang japan
* cguro di ko makikilala ang asawa ko at di rin ako magkakanak ng ganito kagandang haponesa.
* kung walang japan di ko matutulungan ang family ko financially.
*cguo kung walang japan talaga, hirap siguro ako sa pamumuhay sa pinas (sa taas ng bilihin)he!!he!!
prettylily_1203
06-01-2006, 04:02 AM
sa tingin ko umaasa pa rin sa mga magulang ko hanggang ngayon.............. i never expected na ako ang makakatulong sa family ko......... minsan nakakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa kanila?????????????? ??????? mahal na mahal ko lang siguro ang family ko.........
honey
06-02-2006, 11:39 PM
wala siguro ako dito sa japan ngaun ibang lugar
di rin sana ako nakapagasawa ng bading :D ng hapon syempre
wala akong anak na hapon
wala rin akong mapapanood na anime :p
warlock^_^
06-05-2006, 11:13 AM
hmmm baka kung saan saan na napunta magtrabaho, with the line of work were into. Either US or Europe na pakalat kalat ang job assignment. Simula ng ma-hire ako ng company ko...japan na lagi. Next time request rin ako ng site assignment cguro kahit 1 year lang, kung middle east or african refinery field ok na para nde ako mabitin sa kwentohan kung gaano daw kahirap lifestyle sa lugar na yun. makilala ko rin yung mga syota nilang mga Camel hehehe
nhette120505
06-12-2006, 02:56 PM
kung walang japan, hindi ko makikilala ang husband ko and ang family niya na sobrang bait sakin. nung dumating me dito last feb lang natakot me kasi first malayo sa family pero ok lang kasi sobrang bait ng family ng husband ko especially his mother. i feel so lucky kasi nakilala ko ang hubby ko dagdag pa dun nagkaroon me ng 2nd family.:)
kung walang japan, baka walang tf. hehehe
tagarp
06-12-2006, 03:04 PM
Kung walang Japan.. Tama ! walang TF .. eh di walang EB sa Tokyo sa July 30.. At siguro, wala ang lovable kids ko and my kind husband.. Sila ang inspiration at buhay ko.. :O
inaiinaiba
06-13-2006, 04:03 PM
tama kayo dyan mga mare:p minsan inisip ko na yan.minsan parang gosto ko nasa pinas o kaya nag asawa na lang ako pilipino. nag bubungkal ng lupa sa bukid.simpleng buhay.:doh: sigoro dahil nakukuha lahat gosto ko nabibili.masaya naman ako sa asawa ko:bonk: pinaka maganda dumating sa buhay ko mga anak ko:dowave: sigoro ang tao walang kataposan kun anoano hinahanap:banghead: :shutup: pero mapalad tayo mga mare dito tayo sa japan.at may japan by lola nyo:type: bunsai :bowdown: ay mali:confused: bansai:japanese: :japanese: :japanese:
supa_freak
06-13-2006, 04:22 PM
cguro pag wala po japan,nasa pinas ako nagaaral,subsob sa projects,nag eenjoy sa different occasions like JS prom,xmas party,new year and so on and so on at dapat graduate nako ngayon ng high school
on the other hand,ndi ako matututong maging independent at ndi ako malululon sa chat at ndi ako matututong mag nihonggo at ndi ko makikilala yung mga friendly japanese friends ko
kayo po??
mikan1227
06-13-2006, 04:46 PM
kung walang japan walang giyera at walang comfort woman :cool:
kung walang japan walang mga japons eh panu ako makakapagasawa ng hapon hehehe:D
kung walang japan walang mga japons na mangaapi sa mga katutubong pinoy nyahahahaha himagsikan ito hrhrhrhr:confused:
kung walang japan wala tayo ngayon dito hehehe:p
buti na lang may japan at marami sa mga kababayan natin ang natulungan at naging maayos ang buhay tulad ng iba na nakapagshare dito...well sa buhay ko kung walang japan eh di nasa pinas ako ngayon nakikipagkulitan sa mga employer na magdeploy kami ng pinoy nyahahaha hirap din maging recruiter ahahahahaha:rolleyes :
like others said,naghihirap magtrabaho ng kakaunting sweldo.nakikipag agawan sa jeepney ,makasakay lang.Maybe kabaligtaran din buhay ko ngayon. It maybe worst,it maybe more nice than now.oo nga ano,i didnt thought of that.
mOtt_erU
08-24-2006, 12:22 AM
Kung Walang Japan eh:
*Unang una sa lahat syempre hindi ko makikilala ang Mahal kong Asawa
*hindi ako magkakaroon ng passport, makapasok sa kukoo at makasakay sa hikoki
*Siguro pudpod na paa ko kakamodel at magpunta punta sa kung saaan saan Modeling Agency sa Makati para magbigay ng porfolio ko..minsan swerte , Minsan naman Gutom na ubos pa pamasahe, wala pang Load...at ubos pa pera ko dahil 5r picture palagi ang kailangan sa porfolio may close up shot may body pa kaya 2 ng 2...grabe wala nako ng pera!;-(..
*Siguro Hindi giginhawa buhay namen.
*hindi ko mapag-aaral kapatid ko sa Magandang University
*hindi ko mabibili yung mga gusto ng Bunso kong kapatid
*wala kameng sasakyan
*wala yung mga mga alahas ko kase nga though nagmomodel ako eh hiram lang naman yung mga sinusuot ko sa pictorials.
*wala yung ilang Louis Vuitton Collection ko.
*wala kame Playstation, Aircon,Vodaphone ketai ,Sony Vio Laptop, Portable DVD etc..na lahat pinaghirapan ng mahal kong asawa...kaya ureshii po ako.
*hindi ako makakapunta sa Disneyland, dream ko pa naman yun!
*at sa kung saan saan pang lugar sa nihon
*hindi ako makakakain sa yakiniku ,rameh house etc
*at syempre wala yung maganda at pangit ding Omoide ko sa mga omice pinatrabahuhan ko..
gommen nagakatta :) :) :)
ahccofharyne
08-24-2006, 12:33 AM
Baka ako ang nag mana ng pwesto ng Inang ko sa palengke at mag susuka ako ngayon. :cool:
mutya
08-24-2006, 10:23 AM
kung walang japan... d ko makilala yun bf kong pinoy.... hehehe.... siguro nasa pinas ako ngaun wala masyado heartache... hehehehe...
yumiyumi
08-24-2006, 11:32 AM
kung walang japan... d ko makilala yun bf kong pinoy.... hehehe.... siguro nasa pinas ako ngaun wala masyado heartache... hehehehe...
i second the motion mutya!cheers! :toast:
pineapple
08-24-2006, 12:25 PM
kung walang japan...
>> wala po akong baby pa ngayon at malamang di pa ako nagaasawa
>> malamang nag aaral parin po ako sa college or maybe nakagraduate na po sana ako ng nursing at papunta na po sana ako US..
pero yokatta kasi may nihon :)
satsuki
08-24-2006, 03:27 PM
siguro kun walang japan...naku nagtsa tsaga pa din ako sa pagtatrabaho s factory..walang asenso..siguro namatay na sa gutom ang pamilya ko:eeek:,,siguro di pa din nila ako kilala(ng pamilya ko) kasi ala akong pera..:scratch:oo nga ano..siguro kun sila ang nasa japan mapadalhan kaya nila ako ng pera...hmmm..magawa kaya nila ang mga ginagawa ko sa kanila...waaahahaha. .tama na :furious:ayoko na magisip...:eek:
poging_yagit
08-24-2006, 04:10 PM
Kung walang Japan malamang LASING na ako ng ganitong oras kase tambay ako sa kanto nakikipag-inuman..... nya a a a aa
Tarena314
08-24-2006, 05:56 PM
para sa akin kung walang japan,siguro naman ok pa rin ang buhay namin,,kase naman magsipag lang naman ay hindi naman magugutom,....ganun pa man ay nagpapasalamat pa rin ako at may japan,, nadagdagan ang magandang kapalaran.....:) :)
alice
08-25-2006, 12:24 AM
:) nice topic. kung walang japan hindi k nkabayad ng mga utang k and kahit papano nakaahon ng konti s hirap, although andito na k s pinas for 4 yrs. still naiisip k p din ang malaking naitulong sa akin ng pagpunta k sa japan.
Chibi
08-25-2006, 08:25 PM
kung walang japan di ako naging vhaklah!!!:eek: :D jowk!!!siguro nsa 'Pinas ako,at gulong-gulo!:(
halloween
08-25-2006, 09:41 PM
Kung walang japan ay isa na akong ......
...... ......
...... ...... .........
SIRENA!!!!!!
Haaaay, nakakabaliw!
mOtt_erU
08-26-2006, 02:43 AM
Alice san ...natutuwa ako sayo, dahil kahit wala ka na sa japan eh naaalala mo at naaapreciate yung mga natulong sayo ng pagJajapan..unlike nung iba na nung hindi na bumalik parang wala ng naalala ..atleast ikaw "you count you blessings" ..Tama yan..
ako though this december balik nako ng japan..eh pareho tayo ng seikaku/ugali .kahit tumagal pa ang panahon pa eh naaalala kong maapreciate yung mga bagay na may magandang natulong sa buhay ko lalo na ngayong sa present,,..
keep it up ha...kawaranaide na..Ganbate ;-)
LEMON
08-26-2006, 07:55 AM
kung hindi ako nag japan siguro......(naiiyak akong isipin ang 'ano na kaya ako at ang buong pamilya ko sa ngayon .....dati akong regular singer sa DWWW radio programm ng KBS CBN noong buhay pa si JHONNY DE LEON at the age of ??? ,.......toui mukashii no koto....tumatanggap na ng talent fee mula sa kbs cbn...at that young age...noong mga panahon na yon ....nagaku tsutsukenai ang pagiging RADIO TALENT....SO , nag audition ako sa japan production....at swerte,...tumatakbo ang kapalaran ko tungong JAPAN.......KAYA KUNG WALANG JAPAN.......kangaera renai unmei desu.. NANI MO KAMO ..... JAPAN NO OKAGE DESU ...NANI KARA NANI MADE , TAIHEN KANSHA SHITE ORIMASU ...ARIGATOU NIPPON..!!!!!
japphi
08-26-2006, 08:49 AM
Uyyy....Lemon san.....panahon pa pala ni Johnny de Leon....ngeekkkk.... .kung ganoon ay.......1980's ka rin....???!!!Fan ako ni Mr.de Leon...nung bata pa ako ay lagi ang tenga ko sa program nya....tawa kami nang mga kapatid ko kung minsan na pakakantahin nya si Ngo-ngo.....natsukashii naaaa.....
Kung wala ang Japan....baka nasa US ako at nakapag-asawa siguro ng Navy doon na kasamahan nang Kuya ko.Pero malaking pasalamat ko sa Diyos at dito nya ako pinadpad na kahit 4 months lang ang contract namin....ay parang binigyan lang kami nang time na magkita kami ni Lowlo:sweeties: para matupad ang plano sa amin nang Panginoon.Na mula noon ay 1 time lang akong nag-Japan.
Talagang malaki ang pasalamat ko dahil nabigyan kami nang 5 yrs friendship ni Lowlo bago ikinasal:mushy: ...3 Maria na treasures namin...precious na 19 years of marriage namin ni Lowlo bago sya binawian nang buhay....and my remaining days here on earth with my kids na dito ko na i-spend hanggang bawian din ako nang buhay ni Lord.Kung wala ang Japan.....all things that I mentioned ay hindi mabubuo...Thank You Lord. :bowdown: :bowdown:
LEMON
08-26-2006, 09:06 AM
~~~~ohayou japphi san~~~natsukashii na...baka napapakinggan mo every sunday programm ni mr j.de leon..BEAUTIFUL SUNDAY...regular ako dyan...with the big star na ngayon ...MARLENE DELA PENA..waaaaaaaa,,,,, natsukashii~~~~~~... .tanoshii katta ano koro.....
japphi
08-26-2006, 09:56 AM
~~~~ohayou japphi san~~~natsukashii na...baka napapakinggan mo every sunday programm ni mr j.de leon..BEAUTIFUL SUNDAY...regular ako dyan...with the big star na ngayon ...MARLENE DELA PENA..waaaaaaaa,,,,, natsukashii~~~~~~... .tanoshii katta ano koro.....
Ohayo rin.....kung hindi ako nagkakamali oo napapakinggan ko....andoon ka ba?Yung boses mo naririnig din ba doon?Marlene Dela Pena....kilala ko rin sa pangalan....naging singer din sya dito sa Japan di ba?
LEMON
08-26-2006, 12:18 PM
~~~japphi~~yes..but every sunday mo lang ako mapapakinggan...si marlene ay kilalang kilala dito , lalo na sa mga geinno jin...dito sa japan...kumusta na kaya sya..~~~~~~JAPPHI~~~ ~out of topic na tayooooooo.....arrig atou...mata ne.....friendooo..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.