View Full Version : No Solicitation at TF
halloween
05-21-2006, 12:22 PM
Panawagan lang sa iba sa atin na sana naman wag paulit ulit ang pag popost ng solicitation dahil it's against TF rules.
Sana lang wag ma misinterpret kasi kababasa ko lang ng isang thread at ayoko namang parang ang yabang ng dating ko kaso parang fraudulent scheme lang eh.
Pare pareho tayong nagtatrabaho dito at pare parehong kailangang magtipid because of our dire financial needs. Mitigating circumstance na sana kung totoo at talagang nangangailangan kaso parang nang-uurat (excuse the word ha) lang eh.
TF is very helpful to us Pinoys here in Japan so please, let's not use it as a means to enrich ourselves.
Peace po sa lahat!
Firipinjin
05-21-2006, 12:26 PM
The moderators will be doing their job to prevent solicitation threads or posts. Also, members should be vigilant againsts members who take advantage of our hardworking kababayans. Members can always report bad posts.
vectra1123
05-21-2006, 12:55 PM
Sang-ayon din ako sa opinyon mo pareng Holloween, lahat po naman halos tayo ay may mga obligasyon at may mga loans or utang na dapat bayaran,at huwag naman sanang ibang tao ang magbayad nito para sa inyo!!!!!Gumawa kayo ng sarili nyong paraan para makabayad sa inyong pinagkakautangan at wag nyong ikatwiran na hindi kayo kakain para lang makabayad!Lahat po tayo ay nahihirapan dito sa Japan at may kanya kanyang pamilya!Nakakainis kasi ,hindi nakakaawa ang makabasa ng ibang panawagan na alam mo naman na sa sarili lang naman nya ang problema.:D
maimai
05-21-2006, 01:03 PM

tama po kayo vectra1123 tsang,pareho pareho lang naman tayo may obligasyon..
obligasyon dito at sa pinas..
sana isipin din nila na hindi lang sila ang nahihirapan kumita ng pera ....tayo din..:)
ayumi
05-21-2006, 02:22 PM
@halloween@Filipinji n@Vectra1123@maimai sang,
..totoo yan,me mga tao talagang nagsasamantala,sa totoo lang.wala naman siyang problema! yung nanghihingi mismo ang Problema.I'm always open to helping others pero,dios ko naman,depende naman sa case di ba?ba't kaya me mga Pilipinong mas gustong manglimos kesa banatin ang buto.Ingat din yung iba dyan,sa Tokyo eki,me nanghihingi ng pamasahe na may bitbit ng marungis na sanggol na galing pa daw sa kalayu-layu na lugar,eh ang lake naman ng katawang nung lalaking yun,nakakahiya talaga! sorry sa OT.....
fremsite
05-21-2006, 02:32 PM
[quote=ayumisa Tokyo eki,me nanghihingi ng pamasahe na may bitbit ng marungis na sanggol na galing pa daw sa kalayu-layu na lugar,eh ang lake naman ng katawang nung lalaking yun,nakakahiya talaga! sorry sa OT.....[/quote]
ayumi san ~~ totoo ba ito ? .. pilipino po ba ito ...na may bitbit pa ng sanggol ?? nanghihingi ng pamasahe ?? :confused: hajimete akong makarinig nito ... sad naman yan ~~~ :( ( sorry.. OT po )
camouflage
05-21-2006, 02:44 PM
@halloween@Filipinji n@Vectra1123@maimai sang,
..totoo yan,me mga tao talagang nagsasamantala,sa totoo lang.wala naman siyang problema! yung nanghihingi mismo ang Problema.I'm always open to helping others pero,dios ko naman,depende naman sa case di ba?ba't kaya me mga Pilipinong mas gustong manglimos kesa banatin ang buto.Ingat din yung iba dyan,sa Tokyo eki,me nanghihingi ng pamasahe na may bitbit ng marungis na sanggol na galing pa daw sa kalayu-layu na lugar,eh ang lake naman ng katawang nung lalaking yun,nakakahiya talaga! sorry sa OT.....
Filipinos po ba ito?:(
ayumi
05-21-2006, 02:48 PM
halloween san,sorry sa OT pero this is also a kind of soliciting money sa Tokyo eki not in TF...pagpaumanhin po.
totoo yun,galing kaming ibang bansa,siempre me jet-lag pa,then bibili kami ng kippu/ticket pauwi dito sa amin,aba'y lumapit sya,nagulat ako kase yung buhatbuhat niyang bata,nakakaawa tingnan,yun nga,kung Pinay ba daw ako? sa Hiroshima daw sya uwi,nawawala daw sila,kulang daw pamasahe nya.puede ba daw makisabay? at kung anu-ano pa...kaso sabi asawa ko sa kanya,isama daw sya sa mga taga eki at ipakausap doon kung anong problema nya,ayaw niya,eh..yung pala sinubukan lang siya ng asawa ko,kaya ayun deadma sya ng asawa ko.naikuento ko sa mga taga amin,NAKU! laking gulat ko,2 sila ang eksanto sa kuento ko.yung kumare ko nagbigay 1lapad talaga,yung isa naman 5,000 yen.parehong place,parehong itsura?...tingnan mo? sabe ng asawa ko!....kalokohan ng mga kababayan natin na dinadala hanggang Japan,binibiktima kapwa Pilipina,nakakahiya sa mga hapon na asawa natin....
rhiverz
05-21-2006, 05:48 PM
i agree with vectra san..
instead nga na maawa ka sa kanila eh magagalit ka pa dahil mas malakas pa sila satin pero sila pa yung ayaw magtrabaho ng maayos at marangal.. in case of one new member here.. nagpanting talaga tenga ko uminit ang mata ko sa nabasa ko about his expenses... gravvveeeh!!! nakakakain ako 3 times a day with complete meals pa, may fruits and juice pa ko pero 2 lapad lang gastos ko for a month dahil tama ang budget ko for myself.. for extra naman like sabon toothpaste etc... 80 lapad?? ano yun mga imported na sabon at shampoo??! gosh! kinakain mo ba pati sabon at shampoo at toothpaste mo at ganun ka kagastos gumamit? sorry mods.. pero naiirita talaga ako instead na maawa sa kanya.
and one more thing.. alam na nga nya na marami syang dapat bayaran pero ano gngwa nya? nagtitipid sya sa food na once a day n lang kumain dahil sa maling paggastos sa celfone, cable tv? anybody can live without so much abubot sa katawan pero hndi yung food... we all need food in order to think and work well...ggggrrrrr!!!: mad: sorry for being mad..
uulitin ko.. daig mo pa ang mayaman kung gumastos...
Sang-ayon din ako sa opinyon mo pareng Holloween, lahat po naman halos tayo ay may mga obligasyon at may mga loans or utang na dapat bayaran,at huwag naman sanang ibang tao ang magbayad nito para sa inyo!!!!!Gumawa kayo ng sarili nyong paraan para makabayad sa inyong pinagkakautangan at wag nyong ikatwiran na hindi kayo kakain para lang makabayad!Lahat po tayo ay nahihirapan dito sa Japan at may kanya kanyang pamilya!Nakakainis kasi ,hindi nakakaawa ang makabasa ng ibang panawagan na alam mo naman na sa sarili lang naman nya ang problema.:D
halloween
05-21-2006, 06:42 PM
@vectra
Mamang sexy, si Halloween po ay isang girlalu although mukha shang boy. :D
@rhiverz
Oh kalmado ka lang, ang puso mo. Baka atakihin ka. :D
vectra1123
05-21-2006, 07:26 PM
@vectra
Mamang sexy, si Halloween po ay isang girlalu although mukha shang boy. :D
@rhiverz
Oh kalmado ka lang, ang puso mo. Baka atakihin ka. :D Naku sorry po! Mali na naman ako,kala ko kasi boy ka e! Pero ako po ay hindi sexy!!! CUTE lang po!HE!HE!HE!:eek:
I agree with you guys...mali naman kasi yung humingi at bigay pa account nya.At tsaka grabe as in lifestyle mo pare daig mo pa mayaman. Hindi ka nakakaawa nakakainis ka yun lang masasabi ko. Wag kang magalit kay Nick tama naman comment nya.
wow dude, i agree with those guys who replied. theyd pissed off with your story either I. lol. well you have to solve it by yoursefl. bago ka pa naman pumunta d2 nun ofcourse u discussed between u and ur boss about ur salary arent you? so u wont expect this right? then change ur lifestyle and tell your family na di pinupulot ang pera dito, kala cguro nila madali kumita d2 and then sila nagpapasarap tapos ikaw tong sakripisyo dito. di ba mga ka TF.. ank ng P.!
kaori
05-22-2006, 09:08 AM
Sang-ayon din ako sa opinyon mo pareng Holloween, lahat po naman halos tayo ay may mga obligasyon at may mga loans or utang na dapat bayaran,at huwag naman sanang ibang tao ang magbayad nito para sa inyo!!!!!Gumawa kayo ng sarili nyong paraan para makabayad sa inyong pinagkakautangan at wag nyong ikatwiran na hindi kayo kakain para lang makabayad!Lahat po tayo ay nahihirapan dito sa Japan at may kanya kanyang pamilya!Nakakainis kasi ,hindi nakakaawa ang makabasa ng ibang panawagan na alam mo naman na sa sarili lang naman nya ang problema.:D
waaaaaa...naawa pa naman ako sa kanya..binasa ko nga ulit post nya.may tama ka jan Vectra san.lahat tato nagpapakahirap kumayod dito no.
ritzyu
05-22-2006, 10:10 AM
Nabasa ko rin yung thread na yan na nanghihingi ng saklolo :D Ay naku kapatid,
kumikita ka ng 20 lapad kamo, ang swerte mo naman, me kakilala ako bilog dahil
kaisha siya di pa yata umabot ng 20 lapad ang sinusuweldo niya, nagde-densha
pa siya (gastos rin yon) kasi di pwede jidensha dahil sa bilog siya malamang mahuli,
araw araw kinakabahan, pero di nagrereklamo. Pero me naiipon, every 3 months
nagpapadala sa magulang. Kaibigan, sa problema mo ikaw lang din ang makakatulong
sa iyo, magbudget ka... jinsei wa sonna ni amakunai ! motto ganbatte! :)
japphi
05-22-2006, 07:10 PM
sa Tokyo eki,me nanghihingi ng pamasahe na may bitbit ng marungis na sanggol na galing pa daw sa kalayu-layu na lugar,eh ang lake naman ng katawang nung lalaking yun,nakakahiya talaga! sorry sa OT.....[/quote]
Haaayyy naku Ayumi...buti at nabuksan mo yan.....hindi lang pala ako ang nabiktima!!!Ewan ko kung same person ang tinutukoy mo at tinutukoy ko.
Ilang years na yung sa akin....lagi akong nagpupunta nang Tokyo noon....una lumapit sa akin ang isang Pinoy.....same thing na nagtanong kung Pinay ako kung saan ako pupunta....sabi ko sa Ueno..pwede raw bang makisabay....nasa loob na ng eki no'n.O sige kako....sa densha kwento sya nang kwento.O.S. daw sila nung pamilya asawa at 2 anak nila....kasama nya yung isang anak nya no'n.Hindi raw sila makauwi dahil walang pamasahe at may sakit daw yung asawa.Nung nasa Ueno na...sabi sa akin...hindi na sila lalabas parang awa ko na raw maski na magkano lang bigyan ko sya.....binigyan ko sya nang 5,000 at lumabas na ako.Nung pauwi na ako...may sumalubong naman na babae sa akin na kasama yung anak na lalaki mga 5 o 6 yrs old siguro....same story....hanggang sa nabigyan ko rin sya pero hindi kalakihan.
Few weeks...kasama ko ang asawa ko nagpunta ulit nang Tokyo....nagpunta sya nang toilet.....nakita ko na naman yung lalaki at lumapit sa akin.....same story....tinanong ko ngayon..ikaw yung nabigyan ko nang pera last time kako na sinabayan mo pa ako sa Ueno....hindi raw.Lumapit ngayon ang asawa ko bakit daw....sinabi ko..pero hindi ko sinabi na nanloloko...syempre kawawa naman...then pumunta ako sa toilet iniwan ko sila.Aba..pagbalik ko paalis na yung lalaki at saludo nang saludo sa asawa ko.....pagkatanong ko sa asawa ko...binigyan pala nang 1 lapad!!!!kawawa naman daw....sinabi ko ngayon....hayaan ko na raw.
May 3rd time pa....kami pa ring dalawa ni Lolo.....aba nakita namin yung babae at yung lalaki na kasama yung 2 anak nila at nagbibilang nang pera sa may sulok nang eki.....sabi ko sa asawa ko.....sige punta ka muna doon at sigurado lalapit ang isa sa kanila.....yung babae ang lumapit at nakatingin yung lalaki sa amin....sigurado na natandaan ang mukha ko.....saka lumapit at tinawag yung babae...na sya namang paglapit nang asawa ko.....kinausap sila.....kung gusto nang umuwi ay malapit lang ang immigration at samahan sila na humingi nang tulong,huwag yung manloko nang tao....nagpa-sorry sila at sinabi na hindi na raw gagawin....galit na galit yung babae sa akin ang yabang ko raw na patalikod at padabog na sinabi sa akin....
sa ngayon ba ay sila pa rin kaya ang tinutukoy natin????
(OT ang Lowla....sorry po....Lowla po kasing makwento....)
pa OT na rin alanghiya naman yan oo.. akala ko sa pinas lang meron niyan....pati ba naman dito dinadala pa nila kalokohan nila...... (nila......@japphi)
@japphi and ayumi
thank you sa information....:D
@vectra1123 and halloween
nabasa ko rin yung thread na yun... hehehe.. tawa na lang ako ng mabasa ko yun.. hehehe... tayo nga na partida pa.. meron pang mga anak at asawa na binubuhay e.. nakaka survive pa...:D nasa sarili na lang talaga yan kung paano mag budget....no offense :D
mOtt_erU
09-11-2006, 11:24 PM
..may point ka Halloween San:)
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.