View Full Version : Tanong ng mga Japanese Filipino
Tonyang
05-21-2006, 10:00 PM
Ka-TF:
Isang magandang araw sa iyo! Gusto ko lang sanang magtanong tungkol sa mga bagay na gustong malaman ng mga kabataang Japanese Filipino na maaaring iyong anak, kamag-anak o kakilala. Malaking tulong ito para sa pagpapatuloy ng ating advocacy patungkol sa FISJ - Filipino International School in Japan project (http://fisj.wordpress.com ).
Sana may oras kayo para sagutin ang ilang katanungan:
1. Ilang taon ang bata nang itinanong niya kung anong pagkakaiba ng mga Pilipino sa Hapon at anong dahilan at bakit niya naitanong ito - may napanood siya o may nakitang babasahin o kausap mo isang Pinay sa telepono etc.
2. Ilang taon na ang iyong anak at interesado ba siya na makilala ng husto ang Pilipinas?
3. Last question, pasensiya na ha, anong pinakapaboritong bagay tungkol sa Pilipinas ng iyong anak o ng batang kakilala o kamag-anak mo na lumaki sa Japan?
Note na puwedeng Japanese Filipino ang taguring sa isang Pinoy na bata na lumaki sa Japan pero parehong magulang ay Filipino.
Maraming salamat!
PILIPINAS
05-21-2006, 10:21 PM
@Tonyang
1. Ilang taon ang bata nang itinanong niya kung anong pagkakaiba ng mga Pilipino sa Hapon at anong dahilan at bakit niya naitanong ito - may napanood siya o may nakitang babasahin o kausap mo isang Pinay sa telepono etc.
I remember, my child was five years old when he asked me where the Philippines is. Tapos, pinakita ko 'yung world map sa kanya to explain. Pero, mukhang hindi niya na-gets.
2. Ilang taon na ang iyong anak at interesado ba siya na makilala ng husto ang Pilipinas?
Sorry ka Tonyang, bata pa kase ang anak ko. Hindi niya pa naiisip ang mga ganitong bagay. Pero, interesado s'yang makilalang maigi ang mga pinsan niya sa Pilipinas. Twice ko na kase siyang nakasama sa atin. At super-enjoy siya.
3. Last question, pasensiya na ha, anong pinakapaboritong bagay tungkol sa Pilipinas ng iyong anak o ng batang kakilala o kamag-anak mo na lumaki sa Japan?
Sa tingin ko ang samahan at ang closeness ng isa't isa bilang pamilya. Ika nga "Family Ties". Labing lima ang pamangkin ko. Imagine, kapag nagsama-sama kami, parang may party. At ang dami kalaro ng anak ko . My child felt so safe and at home, ang kapal nga ng mukha eh....:D
ritzyu
05-21-2006, 11:25 PM
1. Ilang taon ang bata nang itinanong niya kung anong pagkakaiba ng mga Pilipino sa Hapon at anong dahilan at bakit niya naitanong ito - may napanood siya o may nakitang babasahin o kausap mo isang Pinay sa telepono etc.
Walang tanong-tanong ang anak ko, nakakasanayan na niya na ang buhay niya
dito sa Japan ay karugtong ...ang Pilipinas, di siya asiwa kahit sabihin
na half siya. malaki ang nagagawa ng video camera, di tulad ng picture
lang na walang buhay di gumagalaw. Nakikita niya kung paano siya pagka-
guluhan at kung gaano kasaya ang pamilya ko oras na umuwi kami ng
Pilipinas. Mga usapan tagalog na minsan magugulat na lang ako na kakasaulo
siya ng ilang kataga noon. paulit-ulit kasi niyang napapanood ang video, na
parang live talaga, na kahit naman sino siguro magkakarelate.
2. Ilang taon na ang iyong anak at interesado ba siya na makilala ng husto ang Pilipinas?
Sixteen na ang anak ko, oo interesado siya talaga, minsan nasasabi niya
sa akin na sila ng ama niya ay walang masasabing inaka , kasi taga rito
rin lolo niya sa lugar namin. Pero sabi niya wala man siyang probinsiya,
meron naman daw probinsiya ang mama niya, ang Pilipinas, kaya me inaka
rin siyang matatawag.
3. Last question, pasensiya na ha, anong pinakapaboritong bagay tungkol sa Pilipinas ng iyong anak o ng batang kakilala o kamag-anak mo na lumaki sa Japan?
Anong paboritong bagay na nagustuhan niya? Ang close family ties naming
magpapamilya.
Autumn
05-21-2006, 11:40 PM
18 & 15 years old na mga anak ko..nakalakihan na lang nila na pa uwi uwi kami sa pilipinas..kasi taon taon kung umuwi kami..mas gusto nila doon dahil masarap daw pagkain kahit na tinapa or tuyo lang minsan..interesado din sila sa mga kaugalian pinoy..like pag mamano at pag sasabi ng po at opo..magaling silang magtagalog.at hindi nila kinakahiya ang pagiging filipino ko..sabi nga nila..mas lucky daw sila kesa sa mga pure japanese..kase sila di nakakain ng lutong iba..kasi kahit na sa inaka lutong japanese din naman..at ang pinaka gusto nila pag nag uusap kami ng tagalog walang nakaka intindi sa amin..:D naisho banashi ika nga..
hay...mis ritzy irai ang gwapito niyon anak....maganda po ang pagpapalaki niyo sa anak niyo...sana maging ganyan din ang pangunawa at isispan ng anak ko paglaki...at sng hubby niyo siguro ay mabait at bukas ang pang unawa...maganda po talaga yung bukas ang communication ng 2 bansa...kasi yung isang biyenan na nihonjin ng frend ko po eh minsan nakachika ko sabi sakin dapat daw kung nasa nihon ang bata nihon no bunka lang ang ituro and pagkain mawalan daw ng identity ang bata anu po ba masabi niyo dun mga sis and ka tf?
PILIPINAS
05-21-2006, 11:57 PM
18 & 15 years old na mga anak ko..nakalakihan na lang nila na pa uwi uwi kami sa pilipinas..kasi taon taon kung umuwi kami..mas gusto nila doon dahil masarap daw pagkain kahit na tinapa or tuyo lang minsan..interesado din sila sa mga kaugalian pinoy..like pag mamano at pag sasabi ng po at opo..magaling silang magtagalog.at hindi nila kinakahiya ang pagiging filipino ko..sabi nga nila..mas lucky daw sila kesa sa mga pure japanese..kase sila di nakakain ng lutong iba..kasi kahit na sa inaka lutong japanese din naman..at ang pinaka gusto nila pag nag uusap kami ng tagalog walang nakaka intindi sa amin..:D naisho banashi ika nga..
Miss Autumn, na-inspire po ako sa post ninyo. Tinuturuan ko na rin mag-tagalog ang anak ko. Kaya lang, wala masyadong improvement, sabagay bata pa naman. Minsan nawawalan na ako ng pag-asa. Pero, dahil sa post ninyong ito, pagsisikapan ko at ipagpapatuloy ang pag-aaral niya ng tagalog.
Ooops OT ang post ko. Ka Tonyang, sorry ha. I just want to express my reaction sa post ni Miss Autumn. ;)
japphi
05-22-2006, 04:59 PM
Hi Tonyang ...pasingit din....
Tanong #1.....
Wala silang naitanong kung ano ang pagkakaiba nang Pilipino o Hapon....sa umpisa palang ay usapan kasi namin nang asawa ko ay English at nakamulatan nila ang pag-uwi sa Pinas at makasalamuha ang mga kamag-anak doon..lalu na ang mga pinsan nila.Kaya pamilyar na sa kanila ang may kausap ako na kaiba sa nippongo.
Tulad nang sabi ni Ritzyu san na maganda ang may mga video tapes na syang magpapaalala sa kanila.At sa una pa lang ay alam na nila na kokusai kekkon ang kanilang mga parents at iyon ang natanong nila....kung bakit kami nakasal,paano kami nagkita,saan at kailan.Kaya mula't mula ay alam na nila....at panghuli nilang tanong ay kung bakit ako lang ang magka-iba nang nationality......kun g kazoku daw kami...dapat japanese national din daw ako.Kaya heto at katulad na rin nila ako.
Tanong #2.....
Mga anak ko ay 17,15 at 4 years old.....so far wala naman silang nasasabi kasi mula't mula ay dito sila natira.
Tanong # 3.....
Honestly speaking.....mas gusto nila ang makihalubilo sa mga pinsan,tyahin o tyuhin nila doon...mag-shopping at mamasyal.Pero hindi ko inaalis sa kanila ang turo na .....sinakop nang gobyernong hapon ang Pilipinas noon na wala sa history dito......Na namatay ang Lolo ko nang dahil din sa mga kalupitan nang mga hapon na sundalo..(noon)...at iba naman sa ngayon....Na huwag nilang kalilimutan na ang nanay nila ay nanggaling sa pamilyang mahirap at huwag kalilimutan ang mga pinsan nila doon na less unfortunate kung ikukumpara sa kanila.Na huwag maging mayabang dahil sila ay galing nang Japan......na huwag liliitin ang mga nakikita nilang mga kababayan natin dito dahil isa ako sa kanila....at kung sila man ay mapunta sa Pilipinas ay sila rin ay GAIKOKU JIN.
proud me
05-22-2006, 06:02 PM
ka tonyang pasali rin ako... Q. #1 hindi ko natandaan kong nagtanong ba yong bunso ko...basta parang lumaki nalang siya na alam nyang pilipina o hindi hapones ang nanay nya...kasi siguro nakagisnan nya yong salita ko sa phone madalas tagalog...#2 siguro nong youchien siya...kasi itong place namin maraming korean...at meron din kasing mga dayuhan din ang mga nanay na katulad nya...kaya minsan napag uusapan din namin talaga...#3 dalawang beses...palang sya nakakapunta sa pinas...tinanong ko sya ngayon tungkol dito sa Q. sagot nya mga tungkol sa mga kuya nya nong umuwi kami...masasayang biruan ng mga kuya nya...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.